Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SIMULA

Ang kwentong panginoon ni Deogracias Del Rosario ay patungkol sa kuwento ng isang binatang
Nagngangalang Marcos na binabalot ng Puot ang puso dahil sa lubos na pang-aaping tinatanggap
ngkanilang pamilya sa gahaman,mapangangkin at mayaman na mamamayang asenderong na si Don
Teong. Mula sa pagkamatay ng kaniyang ama daahil sa sama ng loob, Ng kaniyang dalawang kapatid,
hanggang sa pagkamatay ng kaniyang sinisintang si Anita na anak naman ni Don Teong at siya din
ang may kasalanan ng pag kamatay ng kanyang anak. At ang kaniyang ina na lamang ang kapiling
niya sa daigdig. Ang lahat ng sakit at galit na ito’y dulot ng pang-aalipin ni Don teyong sa kaniyang
buong pamilya.

Simula pa ay pinagbabayad na sila ng buwis sa sakang minana naman nila sa kanilang ninuno.Dahil
sa kawalan ng kakayahang ipagtanggol ang kanilang Karapatan, at sakahang kanilang minana,
napipilitan silang magbayad ng buwis kay Don Teong. Noong bata palamang si Marcos ang bayad
lamang nila sa buwis ay isang salapi lamang kada ektarya ng kanilang minana na bukirin subalit ng
tumagal na ay tila lumalaki hanggang sa malubog na sila sa kalugmukan. Si Don Teong din ang
dahilan kung bakit namatay ang ama at dalawang kapatid ni Marcos na namatay ng may sama ng loob
sa puso dahil sa paninilbihang yaon. Gayundin namatay si Anita na kaniyang kasintahan sa
kadahilanang sinaktan umano ito ngh kaniyang amang si Don Teong dahil sa nalamang
pakikipagtagpo sa binate.Labis ang pagkadurog ng puso ni Marcos sa tuwing maririnig niya ang
animas ng kampana ng kanilang simbahan na alay sa mga kaluluwa. Hanggang isang araw, ay isa na
naming malaking suliranin ang kanilang kinakaharap na mag-ina na kung saan ay pinapalayas naman
sila sa kanilang tinitirahan. Labis na nabahala si Marcos sapagkat nation pang malago ang kanilang
palayan na dugo’t pawis niya ang kaniyang puhunan. Binibigyan lamang sila ng isang buwang palugit
upang lisanin ang kinatitirikan ng kanilang tahanan. Lalong umigting ang galit sa puso at pagkamuhi
niya kay Don Teyong na batid niyang siyang may kagagwan kung bakit sila nagdaranas nang ganoong
mga pagdurusa.

Hanggang sa makaisip ng isang hakbangin si Marcos na tunay na makakapag-pabago ng

kanilang kalagayan. Pinag aralan niyang Mabuti ang bawat kilos ni Don Teong at noung kinahapunan

ding iyon ay kaniyang pinakawalan ang pinakamamahal niyang kalabaw mula sa lima niyang

alaga. At hinahanap ng kanyang inang ang paborito niyang kalabaw at imbis na map pakahinahon si
Marcos wika niya ayoko sanang gumawa ng dahas ngunit nalala ko ang sinabi ni Dr Jose P.Rizal na “
WALANG MANG-AALIPIN KUNG WALANG MAGPAPAALIPIN” at pamaya maya habang
nag lalakad si Don Teong sa kanyang lupain ay di umano ay dali dali siyang sinuwag ng alagang
kalabaw ni Marcos na walang kamalay malay na si Don Teong.
Kinabukasan nga habang sila ay nag iimpake na upang lumisan ng kaniyang ina ay

umalingawngaw ang balitang namatay na umano si Don Teyong na dulot ng alagang kalabaw ni

Marcos. Marahan niyang inabangan at pinakinggan ang nakakalungkot na animas ng kampana sa

huling pagkakataon na walang bahid na kalungkutan o paghihinagpis para sa yumaong na

kaluluwa ni Don Teong, bagkus ay mas iniisip pa niya ang kalagayan ng kaniyang pinakamamahal na
kalabaw.

LAYUNIN

Layunin ng kwento na ito ipahayag sa lahat ang ganitong klase na pangyayari upang maiwasan ang

ganitong mga klase ng tao at hindi na mas dumami pa ang ganitong klase ng mga tao na

masiyado ng maabuso at buwaya. Dapat ay maging patas at pantay ang pakikisama natin sa mga
kapwa natin tao maging mahirap man o mayaman. Sinasabi dito na hindi dapat tayo maging gahaman
kahit gaano pa tayo kayaman ay hindi natin basta-basta mang agaw ng hind sa satin. Bigyan natin ng
halaga ang mga bagay na pinaghirapan ng mga taong kinapos ang kapalaran at wag nating silang
abusuhin diba mas maganda na inagat mo ang taong nasa ibaba hindi yung nasa ibaba na lalo mopang
ibinababa.Huwag nating pag intresan ang hindi naman natin lalo’t pinaghirapan marahil nila ito ay

ang kapalit ng kanilang dugot pawis ang inalay nila dito. Ang pagkamatay ni Don Teong ang
nagsilbing Kalayaan at kalakasan sa kanila sapagkat wala ng nang aalipusta at mag mamando at mang
mamaliit sa kanila. Ang araw na iyon ay para silang nabunutan ng tinik sa puso at hirap.
Para sa akin kaya ito pinamagatan na ay marahil sa pag-gamit ni Marcos ng isang hayop na tinatawag
na kalabaw na walang sinasanto marahil kahit sino na lamang ay sinuwag nito. Ito ang naisip ni
Marcos na paraan upang maghiganti sa lahat ng pang-aabuso at kasamaan na ginawa ni Don Teong sa
kanila.At ayaw ni marcos na Gumamit ng dahas upang mapaslang si Don Teong,Tulad ngayon sa
kasalukuyan ay marami pa ding mga tao ang gumagawa nito lalo na ang mayayaman at mga tao sa
gobyerno na imbis ibigay ang nararapat sa mamayaman ay pinapahirapan muna nila bago nila ito
ibigay at kadalasan ay kanilang ibinubulsa. Miangat lang ng

konti ang kanilang mga tsinelas sa semento ay marami na silang mga inaapakan na tao na akala

mo kung sino. Halimbawa na lamang kapag nagipit ang may ari ng sakahan at kanilang nilaban

ito ng sanlaan minsan ay hindi tinutupad ng mayayaman ang napag-usapang porsyentuhan tila ba
kung aling pa ang mayaman sila pa yung tanga o sinungaling sa usapan dahil hindi sila marunong
makipag usap tayo daig pa nila ang hayop sa mga asta nila buti pa ang hayop ay pag pinakitaan ng mo
Mabuti ay magiging maamo sayo kapag naman mayaman pag pinakitaan mo ng mabuuti ay lalo kang
aabusuhin at kakayan -kayanan kalamang.

Aljon Aarolle J. Bondoc

BSEd Filipino II

You might also like