Professional Documents
Culture Documents
Sosyedad at Literatura Kabanata 1
Sosyedad at Literatura Kabanata 1
Sosyedad at Literatura Kabanata 1
Kabanata 1
Ang Kalikasan at Kahalagahan ng Panitikan
A. Katuturan ng Panitikan
• Ang panitikan ay nagmula sa salitang Latin na “litera”, na ang ibig sabihin ay letra o titik.
• Ito rin ay katumbas ng “literatura” sa wikang Kastila at sa wikang Ingles naman ay “literature”.
• Ang panitikan ay isang talaan ng buhay kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna
niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhaing pamamaraan. (Arrogante, 1983)
• Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Isa itong makapangyarihang kasangkapan na maaaring
magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Ito rin ay kakaibang karanasang pantaong natatangi sa
sangkatauhan. (Arrogante, 1983)
• Itoý kalipunan ng mga akdang makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang
kaisipan na maaaring inilahad sa anyong tuluyan o patula.
• Itinuturing itong salamin ng lahi, nagsisilbi itong repleksyon ng mga pangyayari sa kasaysayan.
• Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.
• Sa mas pinakapayak na pagpapakahulugan: Ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.
Sumasaklaw ito sa pasalita at pasulat na pagpapahayag ng damdamin, karanasan, panaginip, kaisipan, kaugalian,
paniniwala at paraan ng pamumuhay ng isang lahi mula sa bukang-liwayway ng kanilang kabihasnan hanggang sa
kasalukuyan, sa makulay, masining at makahulugang pamamaraan.
B. Kayarian ng Panitikan
Pilosopiya Kasaysayan
Agham Sosyolohiya
• Ang mga kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Ita. Sinasabi ng ating kasaysayan na ang
Pilipinas ay binubuo ng mga bayan-bayan na kilala sa tawag na balangay o barangay ay may makapangyarihang
pinuno para mamuno.
• Ayon sa mga mananaliksik, masagana ang mga barangay noong unang panahon sa ilalim ng pamumuno ng kanilang
mga datu o sultan. Mula sa kasaganaang ito ay sumibol ang masaganang kaisipan ng mga mamamayan.
• Karamihan sa mga panitikan ay mga pasalin-dila lamang gaya ng mga bulong, bugtong, epiko, salawikain, at awiting
bayan na anyong patula; mga kuwentong bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at
ritwal ng mga babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula ng bansa.
• Ang ating mga ninuno ay may sariling baybayin o alpabeto na binubuo ng 17 titik – 3 patinig at 14 na katinig.
• Bago pa lumaganap ang panitikang pasulat ay laganap na sa Pilipinas ang kuwentong bayan.
• Sinasabing ang mga pag-aari ng bayan ay sumasalamin sa mayamang kultura, kamalayan, paniniwala at mga
kaugalian ng ating mga ninuno.
• Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga kakatwang bagay na likha lamang ng isip ng tao na
karaniwang sumasaklaw sa isamg tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
• Ayon kay Dr. H. Otley Bayer, isang kilalang iskolar at antropologo na Amerikano, ang kuwentong bayan ng
Pilipinas ay higit na mayaman kaysa sa mga kuwentong bayan ng India, persya, Rusya at Hapon.
• Karamihan sa mga kuwentong bayan ng Pilipinas ay tungkol sa mga diyos at diyosa.
• Ayon naman sa artikulong isinulat ni Dr. Damiana Eugenio na kilala sa larangan ng Folklore sa Pilipinas na
pinamagatan niyang “Legends and Folklore” tatlo ang mahahalagang pangkat ng kuwentong bayan: ang mito
(myths), alamat (leagends), at salaysayin (folklores).
1. Mito – ito ay kuwento o salaysayin hinggil sa pinagmulan ng tao, kalipunan at iba’t ibang paniniwala sa
mga diyos at diyosa; ang mga taong may kapangyarihan at mga katutubong dayuhan.
2. Alamat – isang uri ng kathang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook o lunan, mga
halaman, bagay o pangalan na ang mga pangyayari ay likhang-isip lamang at tungkol sa naging simula
ng mga bagay-bagay.
3. Salaysayin – kuwentong kumakatawan bilang tauhan ng salaysay ay mga hayop at sa kabuuan ay
nagbibigay-aral o moral sa mga mambabasa.
• Halimbawa ng mga Kuwentong Bayan
1. Si Malakas at si Maganda
2. Naging Sultan si Pilandok
3. Ang Bobong Prinsipe (Kapampangan)
4. Ang Alamat ng Bigas
5. Ang Alamat ng Samar at Leyte
6. Ang Pagong at Ang Matsing
7. Ang Babaing Maggagatas
B. Epiko – mga akdang patula na nagsasaad ng kabayanihan ng isa sa kanilang kinikilalang bayani ng lahi ng isang pook
o bayan noong unang panahon na naglalaman ng mga kababalaghan o mga pangyayaring di kapani-paniwala.
C. Awiting Bayan – Ito ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya,
gawain, o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Dito natin maaaninag ang mga gawi ng ating mga
ninuno.
D. Karunungang Bayan – Ang karunungang bayan ay binubuo ng salawikaan, sawikain, bugtong, palaisipan at
kasabihan.
1. Salawikain – may sukat at tugma, patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang
panahon na kinapapalooban ng mabuting payo ang tungkol sa kagandahang-asal.
“Anumang tibay ng piniling abaka, ay wala rin lakas kapag nag-iisa”
2. Sawikain – bagaman patula pa rin at may sukat at tugma ay iba kaysa sa salawikain sapagkat ito’y nagpapahayag
ng katotohanan at nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao.
“Ang taong masipag, daig ang masikap.”
“Utos na sa pusa, utos pa sa daga.”
“Kasama sa gayak, di-kasama sa lakad.”
3. Bugtong – isang larong patula na kawili-wili. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at pagsasanay
sa mabili na pag-iisip na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga ninuno. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa
bugtong.
“Bumili ako ng alipin mataas pa sa akin” (sombrero)
“Isang bayabas pito ang butas” (mukha)
“Pilak ko sa kalangitan, di matitig-titigan” (araw)
4. Kasabihan – ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa isang gawi o kilos ng ibang tao. Tinuturing din
bilang salamin ng mentalidad ng sambayanan ang mga kasabihan.
Tiritit ng maya Ibig mag-asawa
Tiritit ng ibon Walang ipalamon
Putak, putak Bata, batuta
Batang duwag Nagsuot sa lungga
Matapang ka’t nasa pugad Hinabol ng palaka
5. Palaisipan – mga suliraning binibigkas nang tuluyan at naghahanap ng kasagutan. Ito’y gumigising sa isipan ng
tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang suliranin. Mga tanong na batay sa mga unang bahagi na
ipinapahayag ng nagtatanong o sadyang ilalayo sa mga posibleng tandaan ng huhula.
May isang balong ang lalim ay dalawang dipa. Sa balong ito ay may isang palaka. Ang palaka ay nakaahon
ng tatlong dipa sa isang araw, ngunit nadudulas ng dalawang dipa.
Tanong: ilang araw aakyatin ng palaka ang balon?
Sagot: Labingpitong araw sa huling tatlong dipa ay hindi na nahuhulog ang palaka.
6. Ditso o tulambata – ginagamit sa paglalaro ng mga bata. Ito’y may sukat at tugma.
“Bata, batuta samperang muta.”
“Tutubi-tubi, huwag kang magpapahuli sa batang mapanghi.”
• Ang panitikang Pilipino ay naniniwalang ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang
pananatili rito ni Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 bilang kauna-unahang kastilang gobernadora-heneral.
• Humigit-kumulang 44 taon naman ang lumipas bago narating ni Magellan ang Pilipinas noong 1521.
• Nasakop at at naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 taon (1565-1898). Noong panahong iyon,
kolonya ng Espanya ang Mexico.
• Sa panahong ito, napalitan ang dating Alibata o Baybayin ng Alpabetong Romano.
• Relihiyon ang karaniwang paksa ng panitikan.
• Tinangkilik ng mga Pilipino ang relihiyong Katoliko. Nagpalit din sila ng mga pangalan at nagpabinyag sa bagong
apelyido.
• Ang mga katangian ng panitikan sa panahong ito ay:
1. Panrelihiyon ang karaniwang paksain.
2. Iba’t iba ang pamaraan at kaanyuan ng pagsulat.
3. Ginaya at hubad ang mga sulatin – walang orihinalidad.
• Ang naging layunin naman ng Espanya sa kanyang Pananakop ay:
1. Ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo o katolisismo.
2. Pagpapayaman ng mga Kastila.
3. Pagpapalakas ng kapangyarihan.
• Mga Unang Aklat
1. Doctrina Cristiana – kauna-unahang aklat na panrelihiyong nalimbag sa pamamagitan ng silograpiko
noong 1593 dito sa Pilipinas. Isinulat nina Padre Juan de Placencia, O.P. at Padre Domingo de Nieva
sa wikang Tagalog at sa Kastila. Pater Noster, Ave Maria, Kredo, Regina Coeli, Sampung Utos, Mga
Utos ng Iglesia, Pitong Kasalanang Mortal, Labing-apat na Pagkakawanggawa, Katesismo)
2. Nuestra Seńora del Rosario – ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas na nilikha ni Padre
Blancas de San Jose sa wikang Tagalog. Katuwang ni P. Blancas de San Jose sa paglilimbag ay si
Juan De Vera, isang mestisong Intsik. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga nobena, santos,
ehersisyo, at buhay ng mga santo.
3. Ang Barlaan at Josaphat – kauna-unahang nobelang Pilipino na isinalin ni P. Antonio de Borja noong
1703 at 1712 na naglalayong ipalaganap ang Katolisismo sa mga Pilipino.
4. Pasyon – isa sa mga pinakapopular na akdang patula noong panahon ng mga Kastila na nagsasaad
tungkol sa buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo. Ito ay nasusulat ng patula ngunit
binabasa at inaawit sa panahon ng Cuaresma. Isa itong wawaluhing pantig na tula na binubuo ng
limang taludtod sa bawat isang saknong. Binubuo rin ito ng 240 pahina na nakasulat nang patula.
5. Urbana at Felisa – aklat na naglalaman ng mga Gintong Aral na sinulat ni Presbiterio Modesto de
Castro. Nakaimpluwensya ito nang malaki sa lipunang Pilipino kung saan ipinakita ang pagmamahal ni
Urbana sa nakakabata niyang kapatid na si Felisa.
6. Ang mga Awit o Korido – ang korido at ang awit ay magkatulad na paksa. Ang ipinagkaiba lamang ng
mga ito – ang awit ay binubuo ng 12 pantig bawat taludtod samantalanag ang korido naman ay 8 pantig
bawat taludtod.
➢ Florante at Laura – naglalaman ng mga bersong kinasisinagan ng mahusay na istilo ng sumulat
gayundin ang mga aral na napapaloob sa mga berso nito.
➢ Senakulo – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayaan ni Hesukristo.
➢ Tibag – ito ay isang pagsasadula kung buwan ng Mayo ng paghahanap nina Reyna Elenan o
Santa Elenan at Prinsipe Constantin sa Krus na pinagpakuan kay Kristo.
➢ Karagatan at Duplo – ang mga ito ay pagtatalong patula na itinatanghal lalo na sa huling gabi ng
paglalamay sa patay. Mga sanay na bilyako o bilyaka ang kalahok sa mga duplo samantalang ang
mga baguhan sa pagtula ay sa mga karagatan sumasali.
➢ Karilyo – isang dulang ang mga nagsisigananp ay mga tau-tauhang karton. Pinagagalaw ang mga
ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan. Ang mga
taong nagsasalita ay nasa likod ng telon. Madilim kung palabasin nag karilyo sapagkat ang
nakikita lamang ng mg tao ay ang kanilang mga anino.
➢ Moro-moro – isang uri ng dulang punong-puno ng pakikipagsapalaran ng mga Muslim at
Kristiyano. Ang pagtatanghal na ito ay laging nagwawakas sa tagumpay ng bidang Kristiyano.
• Bunsod ng mapaniil na pamumuno ng mga Kastila sa mga Pilipino, pagsasamantal ng mga maykapangyarihang
dayuhan, paghamak sa mga Indio, suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng pamahalaan ay
sumibol ang unti-unting pagkabuo at paglaganap ng damdaming makabayan.
• Lalong umigting ang panahon ng pagbabagong isip dahil sa pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan, pagkabuo ng gitnang-uri, pagsapit ng dalawang liberalismo, pagpapadala sa Kapuluan ng liberal na
gobernador, Carlos Ma. Dela Torre, pag-aalsa sa arsenal ng Cavite at pagkagarote ng tatlong paring Gomez,
Burgos at Zamora.
• Nahati sa dalawang bahagi ang panahong ito: Panahon ng Propaganda at Panahon ng Himagsikan.
• Ang mga nanguna sa Propaganda ay ang mga intelektwal na mula sa gitnang-uri na pawang naging repormista
– Dr. Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez Jaena. Kabilang din sina Luna, Paterno, Ponce at
Poblete na tinaguriang mga manunulat na kilabot sa mga prayle.
Mga Kahilingan ng Kilusang Propaganda:
1. Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
2. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
3. Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
4. Sekularisasyon ng mga parokya sa Kapuluan.
5. Kalayaan ng mamamayang Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagpupulong at pagpapahayag ng
kanilang mga hinaing.
• Sa panahon ng Himagsikan ay nanguna si Andres Bonifacio. Nakiisa rin sina Mabini, Jacinto at Palma na mga
natatanging manunulat noon. Ang naging lamanng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan
at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang minimithing
kalayaan. Sa panahon ding ito sumiklab ang pag-aalsa gamit ang tabak.
• Mga Kilalang Manunulat sa Panahon ng Pagbabagong Isip
1. Dr. Jose Rizal – (Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda) siya ang ating Pambansang Bayani.
Siya ang sumulat sa mga akdang sumusunod:
✓ Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin)
✓ El Filibusterismo (Ang Pagsusuwail)
✓ Sa mga Kababaihang taga-Malolos
✓ Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino
✓ Me Piden Versos (Hinilingan nila ako ng Tula)
✓ El Consejo de lod Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala)
✓ Kundiman
✓ Sa aking mga Kababata
✓ Ala Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)
✓ Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam)
2. Marcelo H. del Pilar – kinilalang pangunahing mamamahayag ng kanyang panahon dahil sa
pagkakatatag niya noong 1882 ng Diaryong Tagalog at pagkakapamatnugot niya noong 1889 ng La
Solidaridad. Siya ang may-akda ng mga sumusunod:
✓ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
✓ Kaiingat Kayo
✓ Dasalan at Tocsohan
✓ Ang Cadaquilaan ng Dios
✓ Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
✓ Aba Ginoong Baria
3. Graciano Lopez-Jaena – siya ang ipinagmamalaking anak ng Jaro, Iloilo na nakilala sa pagiging
dakilang orador at walang takot sa pamamahayag. Siya ang may-akda ng makasaysayang akdang
“Fray Botod” na isang maikling nobelang tumutuligsa sa kamangmangan, imoralidad at pagmamalabis
ng mga prayle. Ang “Botod”sa Hiligaynon ay nangangahulugang malaking tiyan.
4. Mariano Ponce – tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng kilusang
propaganda. Siya ay nagkubli sa sagisag na Tikbalang, Kalipulako, at Naning.
5. Hen. Antonio Luna (1868-1899)– isinilang siya sa Urbiztondo, Maynila noong Oktubre 29, 1868. Naging
heneral siya ng hukbo sa pamamahala ni Emilio Aguinaldo.
6. Dr. Pedro Paterno (1865-1895) – isang iskolar, mananaliksik, drama turgo, at nobelista ng pangkat.
Siya ang unang manunulat ng Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan noong huling panahon ng
Kastila. Siya ang sumulat ng kauna-unahang nobelang orihinal na Pilipino sa wikang Kastila na may
pamagat na Ninay.
7. Pascual Poblete – isang nobelista, makata, mananalaysay at “Ama ng Pahayagan”. Nagtatag at
namatnugot sa pahayagang “El Resumen”. Tinuligsa niya ang mga pang-aapi at katiwaliang ginagawa
ng mga maykapangyarihang Kastila kaya’t siya’y ipinatapon sa Aprika.
8. Andres Bonifacio – siya ang nagtatag ng Katipunan, isa siyang karaniwan ngunit magiting at dakilang
mamamayan ng bansang Pilipinas na nagkubli sa mga sagisag na Agapito Bagumbayan at May Pag-
asa. Ang kanyang mga sinulat ay malinaw na nagpapahayag ng kanyang mga adhikain para sa bayan.
✓ Katapusang Hibik ng Pilipinas
✓ Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
✓ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
✓ Katipunan ng Mararahas na mga Anak ng Bayan
✓ Tapunan ng Lingap
9. Emilio Jacinto – ang utak ng Katipunan na naging patnugot ng Kalayaan –pahayagan ng Katipunan na
naglalaman ng mga pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, panawagan sa mga Pilipino upang
magkaisa at magmithi ng kasarinlan, ng pahayag o manipesto upang ipaglaban ang Kalayaan. Ginamit
niya ang sagisag na Dimas-Ilaw. Isinulat niya ang:
✓ Sa May Nasang Makasanib sa Katipunang ito
✓ Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.
✓ Liwanag at Dilim
✓ Sa Anak ng Bayan
✓ Pahayag
10. Apolinario Mabini – siya ang tinaguriang “Utak ng Katipunan” na dating kasapi ng La Liga na palihim
na gumagawa upang magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan. Siya ang naging kanang-kamay ni
Emilio Aguinaldo sa ikalawang bugso ng himagsikan. Ang marami sa kanyang mga sinulat ay pawang
tungkol sa pulitika, sa pamahalaan, at sa pagpapalaganap ng damdaming makabayan.
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Hapon
• Sa panahong ito ay naging abala ang ating mga ninuno sa pag-aayos ng mga nasira at nawasak sa katatapos na
digmaan at pag-alala sa mga nasawing mahal sa buhay.
• Sa pagsapit ng dekado 50’ ay nagkaroon ng patimpalak sa pagsulat ng tula at iba pang akdang pampanitikan. Tumaas
ang kalidad ng panlasa ng pagsulat ng mga obra. Umusbong din ang panunuring pampanitikan dahil sa pagatataguyod
ng wikang Pambansa.
• Sa pagsapit naman ng dekada 60’sumibol ang panahon ng pagkabagabag at aktibismo. Anging marumi ang lipunan at
naging magulo ang kapaligiran
• Sumulpot ang tinatawag na “Hippie”, isang uri ng pagrerebelde ng mga tao sa kinalakhan niyang kombensyon.
Nagpatuloy pa rin ang paghahari-harian sa kongreso at nagkaroon na rin ng gatla ang simbahan at relihiyon.
• Ang dekada 70’naman ay punong-puno ng karahasan. Maraming nagkabuhol-buhol na braso, maraming kamay ang
humawak ng pulang placard. Di mahulugang karayom ang mga kalsada at ang lahat ng ito ay bunga ng bulok ng
sistema ng pulitika.