Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Joselito N.

Gatchalian Jr

BSE-Science 1A

GNED 11

Ipaliwanag At mangalap ng tig-dalawa(2) na mag kaugnay na aral sa bawat paksa sa ibaba.

 PANAHON NG PANDEMYA
- Ang pandemya ay malawakang paglaganap ng sakit sa buong daigdig, mas malawak ang
sakop nito kumpara sa epidemya. Sa kasalukuyan ang daigdig ay humaharap sa
pandemyang dulot ng Covid-19 virus.

“Mga Problemang Pasan Ng Mga Estudyante Sa Panahon ng Pandemya”

Ayon sa Rappler (2020), Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga
problemang umusbong tungkol sa edukasyon. Isang malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang
mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon. Iba't iba ang paraan ng mga eskwelahan at ahensya
ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mga eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at
may iba namang tinapos ang school year. Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at
pisikal na diskusyon sa loob ng isang silid-aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay malaki pa,
makatitiyak na malaki ang papel ng internet sa unang buwan ng panibagong school year. 

Ayon naman kay Gavilan (2020), dapat alalahanin ng gobyerno ang iba't ibang pinanggagalingang
estado sa buhay ng mga estudyante: "Dito talaga makikita iyong inequality sa mga bata kasi parang…
kahit na sabihin na lahat ay same lessons din per grade level, iyong access nila sa resources hindi pare-
pareho. May mga bata na available agad ang computer, habang may mga batang aalalahanin pa ng
parents kung saan kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng computer para sa online
classes."

“Kaligtasan sa Pagkain at Pagkakaroon sa panahon ng Pandemya ng Coronavirus”

Batay sa FDA (2020), ang U.S.Food and Drug Administration ay kumikilos sa iba’t-ibang
paraan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga tao habang ang bansa ay kasalukuyang
kinakaharap ang pandemyang coronavirus (COVID-19). Ang pagkakaroon ng pagkain at
kaligtasan sa pagkain ay napakahalaga para sa ating kalusugan, at ang FDA ay nagsusumikap
upang makatulong na makatiyak na ligtas at magagamit ang inyong mga pagkain at ang
pagkain ng inyong pamilya, at ang kinakain ng inyong mga alagang hayop. Sa kasalukuyan ay
walang ebidensya ng pagkain o packaging ng pagkain na nauugnay sa transmisyon ng
coronavirus. Mahalagang kilalanin na hindi tulad ng mga karamdaman sa gastrointestinal (GI, o
may kaugnayan sa tiyan) na mga virus na madalas na nagiging dahilan ng pagkakasakit ng
mga tao sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain, ang coronavirus ay isang virus
na nagdudulot ng sakit sa paghinga (nauugnay sa paghinga).
 GENDER EQUALITY
 WIKANG PAMBANSA

- Ang Pambansang Wika ay ang wika o diyalekto na kumakatawan sa bansa. Ito


ang opisyal na wika na ginagamit ng isang bansa.
- Ang Pambansang Wika ay ang pagkakakilanlan ng isang bansa o lahi. Ito ay
ginagamit sa Politikal at Legal na diskurso at itinatalaga ng Pamahalaan ng isang
bansa.

Ang Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pagbubuo ng Kakanyahang Pilipino


Ayon kay Gonzales (2009), Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang pansarili, isang wikang taal at
di-dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Ang simbolo ng isang bandila,
isang marcha nacional, isang pambansang awit, isang pambansang bulaklak, isang pambansang kasuotan
ay makabuluhang lahat bilang mga tanda ng kakanyahan at pagsasarili. Ngunit ito ay mga tanda lamang —
isang simbolo. Nangangailangan ng kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At mas mahalaga ang
kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang — walang kabuluhan kung wala roon ang
damdamin ng mga gumagamit ng simbolo. At ang mga palatandaan ay maaaring palitan, gawing
makabago kung kailangan. Sa papel na ito, inihambing ang kaso ng Indonesya at ng Singapore, ating mga
kapit-bansa sa Timog-Silangang Asya sa kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay
nagbibigay sa atin ng isang kakaibang larawan upang muling suriin ang wika bilang mahalagang bahagi ng
pagbubuo ng ating kakanyahan.

Motibasyon at Atityud sa Paggamit ng Wikang Ingles sa Pilipinas at ang Implikasyon nito


sa Filipino bilang Wikang Pambansa: Panimulang Pagtalakay sa Sikolohikal na Aspekto
sa Pagpaplanong Pangwika
Ayon kay Petras (2014), Sa mahigit isang siglo, litaw ang malaking papel na ginagampanan ng
wikang Ingles sa kasaysayang linggwistiko ng Pilipinas. Sa antas primarya pa lamang ay hinahasa na ang
mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles na nakabatay sa pamantayang Amerikano. Marami pa ring
asignatura, gaya ng Matematika at Agham, na konserbatibong itinuturo sa Ingles. Ang papel na ito ay
naglalayong suriin ang motibasyon at atityud sa wikang Ingles ng mga Pilipino at ang implikasyon nito sa
pambansa at mga panrehiyong wika. Tinitingnan nito ang naging epekto ng mga patakaran sa edukasyon
mula pananakop ng mga Amerikano hanggang kasalukuyan sa paghubog ng kamalayan ng mga Pilipino
hinggil sa Ingles at kulturang Amerikano. Sa inisyal na pagtataya, kapwa lumilitaw ang instrumental at
integratibong motibasyon sa pagkatuto ng Ingles na siyang lumilikha ng mga partikular subalit nag-
uugnayang resulta na pumapabor sa nasabing wika. Sa huli, inilutang sa pag-aaral ang usapin hinggil sa
sikolohikal na aspekto ng pagpaplanong pangwika na may mahalagang gampanin sa hamong nililikha ng
global na wika sa pambansang realidad.

 KAHIRAPAN SA PILIPINAS
- Ang kahirapan sa Pilipinas ay ang patuloy na pagbaba ng ekonomiya ata patuloy na
paglobo ng umemployment rate. Simula pa noon ay matagal nang naghihirap ang
Pilipinas at kabilang sa Third World Country, o ang bansang pinakamahihirap.

Mga Mukha ng Kahirapn

Mapatutunayan ito sa pamamagitan ng mga pag-aaral mula sa radyo, komiks at pelikula. Pinili
namin ang tatlong anyong ito ng media dahil sa ito ang pinakapopular sa mga mamama-yan.
Pitumpu't walo at pitong porsiyento (78.7%) ng mamamayang nasa kategoryang may kitang
mababa sa P5, 000 taon-taon nitong 1971 ang patuloy na nakikinig sa radyo. Humigit-kumulang
ay 1,800,000 sipi ang sirkulasyon ng mga komiks linggo-linggo. Bawa't komiks ay binabasa ng
anim katao, kaya't umaabot sa 10,800,000 ang bumabasa sa 40 milyong mamamay an ng
Pilipinas. Sa kabilang dako, papalakas ang kita ng pelikula. Ang pag-arte ni Nora Aunor sa
Banawe, ang romantikong mga eksena ni Chanda Romero at ang kakaibang suntok ni
Fernando Poe, Jr. ay bukambibig na ng mga karaniwang mamamayan sa araw-araw na pag-
uusap.

Lupa, kabuhayan at komunidad: ang kritikal na pagsusuri


ng zero squatter program sa Samahang Binhi Homeowners
Association Inc.
Ang tagumpay ng isang indibidwal ay nagsisimula sa loob ng kaniyang tirahan. Maganda man ang
ideya na ito ngunit taliwas ito sa realidad ng mga informal settler na mismong ang tirahan nila ang
sumasakal at bumabaon sa kanila sa kahirapan. Ang pagkakaroon ng sarili at maayos na tirahan ay
isa sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat indibidwal. Makikita na sa Pilipinas ay
napakarami at patuloy na dumarami ang mga mamamayan na nananatili sa di permanente at di
pormal na tirahan o mas kilala sa tawag na informal settlers. Nagpatupad ng mga batas at polisiya at
nagbuo ng mga ahensiya ang gobyerno upang solusyonan ang problema ng mga informal settlers.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang pagbabago o pag-angat sa kalagayan ng mga
informal settlers. 

 SISTEMA NG EDUKASYON SA BANSANG PILIPINAS


- Isa sa mga malaking pinag-uusapan sa bansa ay ang
Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ilang taon pa lamang
ang nakakaraan simula ng maipatupad ang K12 ay
maraming nang mga diskusyon ang nabuo ukol dito. Sa
kasalukuyan ang panibagong paraan naman ng pag-aaral
ng mga mag-aaral sa Pilipinas ang isa sa mga pinag
usapan. Dulot ng pandemya, ang pisikal na pag-aaral sa
mga paaralan ay napalitan ng bagong tinatawag na
distance learning, ang modular learning at online distance
learning.Bukod sa mga binagong kurikulum ng mga
nakaraang taon ay isa ang distance learning sa mga pinag
uusapan ukol sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

ang K-12 Basic Education Program na naglalayong solusyonan ang problema sa kalidad ng
edukasyon sa bansa at gawing globally competitive ang mga Pilipino. Napapalibutan ng sari-
saring kontrobersiya ang implementasyon nito; napakaraming personalidad at grupo ang nais
manaig ang saloobin. Sa gitna ng mga ito, tila hindi masyadong nabibigyan ng pagkakataon ang
mga gurong makilahok sa proseso ng pagpapasya tungkol sa pagpapalit ng kurikulum, sa
proseso mismo ng pagpapalit ng kurikulum, at sa mga nilalaman ng asignatura. Kung kaya
naman ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay alamin kung para sa mga guro ay
kailangan nga bang talaga ng Pilipinas ang K-12 upang maiangat ang kalidad ng edukasyon ng
bansa. Lumabas sa pag-aaral na para sa mga pampublikong guro, hindi kailangan ang K-12 upang
masolusyonan ang problema sa kalidad ng edukasyon dahil na rin sa iba't ibang dahilan katulad ng
kakulangan nito sa kahandaan at hindi pa napapanahong implementasyon.

GANITO NA NOON, GANITO ULI NGAYON: PAGTALUNTON


SA KASAYSAYAN AT DAYNAMIKS NG MULTILINGGWAL
NA EDUKASYON SA PILIPINAS

Ang mother tongue-based multilingual education (MTB-MLE) na programa ng Departamento ng


Edukasyon ay hindi isang bagong panukala, bagkus ay may pinagdaanang karanasan sa
kasaysayan ng bansa. Pagkaraan ng kalayaan, neoliberal na tendensiya ang umiral kaugnay ng
wika ng edukasyon. Nagpatuloy ang pagtataguyod sa Ingles sa kabila ng adbokasya ng mga
institusyon, grupo, at mga lehislador para sa mga katutubong wika. Bilang bahagi pa rin ng
neoliberal na programa ng gobyernong Pilipino pagkaraan ng mahabang panahon ng
pananakop ng mga dayuhan, inadap ang Programang MTB-MLE kaugnay ng Millenium
Development Goals ng United Nations. Muling bumabalik ang idea ng multilingguwal na
edukasyon ngunit sa pagkakataong ito, mismong gobyernong Pilipino na ang nagtataguyod dito
sa kabila ng mahabang panahon ng di-pagkilos. Iminumungkahi sa papel ang patuloy na
pagtataguyod sa katutubong wika kasabay ng lalo pang pagpapaunlad at paggamit ng wikang
pambansa sa edukasyon sa gitna ng malakas na suporta sa Ingles sa loob at labas ng bansa.

 PAMILYA NG OFW
- Maraming Pilipino ang napipilitang mangibang bansa para mabuhay at
para sa kani-kanilang mga pamilya. Sa hirap ng buhay at sa kakulangan
na rin sa trabahong mataas ang sahod ay mas pinipili ng iilan na makipag
sapalaran sa ibang bansa. Ang pangingibang bansa na ito ay Malaki ang
epekto sa kanilang mga pamilyang naiwan. May kanya kanyang epekto sa
mga pamilya ng mga ofw. Mahirap mang sabihin pero iilan lamang ang
mga pilipinong nagtatagumpay sa ibang bansa at naiiwan ang kanilang
mga mahal sa buhay. Ibat ibang mga problema ang kinakaharap ng mga
ofw at kanilang mga pamilya. Mahirap ang mahiwalay sa miyembro
pamilya lalo na ang maiwan.

Pagsasakapangyarihan o isang kapinsalaan? Pananaliksik


sa epekto ng pangingibang-bansa ng mga kababaihan sa
pagsasakapangyarihan nila sa pamilya
Ang pangingibang-bansa ng mga kababaihang OFW ay isang mahalagang isyu na dapat
binibigyan ng sapat na halaga sa ating bansa. May mga pag-aaral na nagsasabing ang
pangingibang-bansa raw ng mga kababaihan ay nagbibigay sa kanila ng
pagsasakapangyarihan. Sa pananaliksik, natuklasan na mayroong pagkakaiba at maging
pagkakapareho ang mga kababaihang OFW sa pamamagitan ng pag-analisa sa kanilang
karanasan at pagpapakahulugan patungkol sa mga pagbabagong idinulot ng kanilang
pangingibang-bansa. Napatunayan sa pananaliksik na hindi parating magkakapareho ang dulot
na epekto ng pangingibang-bansa sa pagsasakapangyarihan ng mga ina ng tahanan. Ang
pagaaral ay tinatanaw bilang isang pag-aambag sa kaalaman ukol sa mga pagbabagong hatid
ng pangingibang-bansa ng mga kababaihan lalo na sa loob ng kanilang tahanan at pamilya
kung saan nakakonteksto ang pananaliksik.

 EKONOMIYA NG BANSANG PILIPINAS

You might also like