Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 79

Lanao School of Science and Technology, Inc.

Abaga, Lala, Lanap del Norte


School ID: 405-095

Learning Module
Edukasyon sa
G8| Q1
Pagpapakatao

Ang Pamilya Bilang Ugat ng


Pakikipagkapwa

Pangalan: ________________________________________ Baitang & Seksyon: _____________


Guro: ___________________________________________ Cellphone No: __________________

1
Aralin 1.1: Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng
aral o may positibong impluwensya sa sarili

Bilang isang Pilipino may malaking puwang sa ating isip at puso ang ating pamilya.
Hindi maipagkakaila, ang mga karanasang kasama sila ang humuhubog sa ating sarili at
pagkatao. Dagdag pa, sa pamilya unang natutunan ang mga mabuting gawain na nagbibigay
ng positibong impluwensiya sa sarili at sapat na aral o kaalaman.

Sa realidad, maaaring magdulot ng positibo at negatibong impluwensiya ang pamilya sa


bawat kasapi ngunit sa pangkalahatan sinisikap ng bawat pamilya na makapunla ng positibong
impluwensiya sa bawat isa. Pinaniniwalaang kung positibo ang pananaw ng mga magulang,
nagdudulot rin ito ng magandang epekto sa mga anak na nagiging repleksiyon sa kanilang
kilos, tagumpay at maging sa pakikipagkapuwa.

“Ang batang busog sa pangaral ay lalaking marangal


malayo sa pagiging hangal
dala ay magandang asal”

-Anonymous
Balikan

Sa bahaging ito, iyong babalikan ang mga dating kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga katangian
ng isyu. Simulan mo ito sa pamamagitan ng pagtupad sa gawain na nasa ibaba.

Pre-assessment (Paunang Pagtataya): Pagpipilian


Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng


isang maayos na pamilya?
A. pagkakaroon ng mga anak
B. pagtatanggol ng karapatan
C. pagsunod sa mga patakaran
D. pinagsama ng kasal ang magulang

2. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing
Linggo. Ano ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?
A. pagiging disiplinado
B. pagiging matatag sa sarili
C. walang anumang alitan ang bawat isa
D. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon

3. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo
at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.

4. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong positibong


impluwensiya ang ipinahiwatig sa pahayag?
A. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.
D. Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may
pagmamahalan.

5. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong


kaugalian ang maaring tularan sa pamilya Santos? 2
A. paghamon sa anak na magtagumpay
B. pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
C. pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
D. pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit

6. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House &
Lot ng Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa
anak ni Aleng Nina?
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina B. pagmamahal sa kaniyang Ina
C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina D. pagbibigay-buhay sa kaniyang
Ina

7. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa


kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
A. pagiging matatag B. pagiging madasalin
C. pagiging masayahin D. pagiging disiplinado

8. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may
mabuting loob na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang
mapupulot sa sitwasyon?
A. pagiging madasalin B. pagkakaroon ng pag-asa
C. pagiging maramot sa iba D. pagiging matulungin sa kapuwa

9. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod
ang nagpapatunay nito?
A. hinahatid sa eskuwelahan
B. laging binibigyan ng pera ang anak
C. pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
D. sinusuportahan sa gustong makamit ng anak

10. Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kaniyang ina na nakahandusay sa sala sa
sobrang sakit ng tiyan. Dali-dali namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala
ang ina sa hospital. Alin sa sumusunod ang positibong pag-uugali ang ipinakita sa
sitwasyon?
A. ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital
B. labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid
C. ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari
D. nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan

11. Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya
ang pag-aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa
kabila ng kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling
Ester?
A. Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
B. Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda.
C. Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
D. Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay
12. Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at Linda ang kanilang mga anak na magmano
sa sinumang panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa
kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
A. pagiging maalalahanin sa ibang tao
B. huwag makinig sa payo ng mga magulang
C. maging magalang sa nakatatanda at panauhin
D. umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala

13. Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapatunay dito?
A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
3
B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-
uugali.
D. Kung nabibigyan ng sapat na atensiyon at gabay ang mga anak ay tiyak
magiging isang mabuting indibidwal.

14. Nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng salita ng Diyos kasama ang pamilya. Pinayuhan
din niya ang tatlong anak na palaging manalangin at magpasalamat. Paano naging
maimpluwensiyang ama si Ernie sa mga anak?
A. pagiging masipag na ama at mapagbigay sa kaniyang pamilya
B. pagsuporta sa mga pangangailangan ng kaniyang anak sa paaralan
C. pagpapakita ng mabuting pagpapasya at desisyon sa buhay bilang ama
D. sa pagpapayo sa mga anak na hindi makalimot sa Panginoon at magpasalamat

15. Hindi naging madali ang pagharap ni Mang Berto sa pumaslang sa kaniyang asawa
ngunit nagkaroon ng puwang ang pagpatawad dahil sa kaniyang mataimtim na
pananampalataya. Anong aral ang mapupulot mula sa sitwasyon?
A. hindi madaling ibigay ang pang-unawa sa ibang tao
B. may puwang ang pagpapatawad sa bawat puso ng tao
C. malayang magdesisyon ang tao para sa kaniyang ikabubuti
D. hindi kailangang ipagpilit ang paghingi ng tawad at pagpapatawad

Gawain 1. Alalahanin Mo!


Alalahanin mo kung ano ang kontribusyon o aral ng bawat kasapi ng iyong pamilya at
ibahagi ang epekto nito sa iyong sarili. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Epekto /
Mga kasapi ng Pamilya Positibong Kontribusyon
Impluwensiya sa sarili

Tahanan

1. Magulang

2. Kapatid

3. Nakatatanda

Gawain 2: Puso Ko, Naimpluwensiyahan Mo!


Tukuyin sa binasang salaysay ang parirala na sa tingin mo ay nakapagbigay sa iyo ng
positibong impluwensiya sa sarili. Isulat ang sagot sa pusong graphics organizer na nasa iyong
sagutang papel.

Dumanas nang matinding pighati si Mang Berto sa pagkamatay ng kanyang


asawa kaya labis ang galit na kanyang naramdaman sa pumaslang nito. Hindi naging
madali ang pagharap ni Mang Berto sa nagkasala. Sa kabila ng lahat nagawa pa rin
nitong magpatawad dahil sa matibay na pananampalataya ng kanyang pamilya.

4
Sa labis na karangyaan ay nawala sa tamang landas si Ernie. Naging magulo
ang kanyang relasyon sa pamilya, nalugi ang negosyo at nabaon sa utang. Kung
kanino lumapit at humingi ng tulong hanggang matulungan siya ng kaibigan at
pinayuhang magbalik-loob sa Diyos.

Simula noon, araw-araw nang nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng mabuting balita


kasama ang kanyang asawang si Mely at mga anak. Tinuturuan din niya ang tatlong
anak na palaging manalangin at huwag makalimot sa pagpapasalamat sa buhay at mga
biyayang binigay ng dakilang maylikha. Sinisikap din ni Ernie na mailapit sa Diyos
ang iba niyang kamag-anak at kaibigan.

Anong mga salita ang naisulat mo sa mga puso sa bahaging tuklasin? Nakapagbigay din ba ng
aral at magandang impluwensiya sa iyong sarili ang mga karanasan ng tauhan sa salaysay na nabasa?
Sa iba’t ibang pamamaraan ay maipakikita ang kabutihan ng isang pamilya. Ang pagpapakita ng
taos-pusong pananampalataya, pagpapatawad at pakikisalamuha sa iba ay bunga ng wagas na
pagmamahal. Ito ay dahil sa ipinagkaloob ng Diyos ang pag-ibig sa tao.
Ang pagiging isang modelong magulang ay nagsisilbing mabuting impluwensiya sa mga anak.
Ito ay nakatutulong upang maitanim sa kanilang murang kaisipan at mahubog ang kanilang mga
sarili.
Maraming layunin ang pamilya, isa na rito ang pangalagaan ang kanilang mga anak, na
mahubog sa kanila ang pagiging responsableng indibidwal na may pananalig sa Diyos.
Halimbawa na lamang sa mga unang salaysay sa Tuklasin, nagpapakita ito na gaano man kalaki
o kaliit ang kasalanan ng isang tao ay may puwang ang pagpapatawad sa takdang panahon sa
pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos na naging daan upang magpatawad. Ang ganitong gawi
ay makapagmumulat at makaimpluwesya sa kasapi ng pamilya na hindi mahirap ang humingi ng
patawad at magpatawad. Kung ito ay mailalapat sa sarili at mga kasapi ng pamilya, tiyak uusbong
ang pag-unawa sa bawat isa.
Sa ikalawang salaysay naman sa Tuklasin, inilalarawan ang gawi ng isang tao na sa anumang
yugto ng buhay ay unahin at huwag kalimutang tumawag sa Poong Maykapal na siyang gabay sa
buhay. Ito ay sa pamamagitan ng panalangin at pagsangguni ng mga plano sa kaniya.
Kung ang bawat kasapi ng pamilya ay sama-samang magbasa ng banal na aklat, nanalangin
para sa isa’t isa at pagiging modelo ng magulang sa paghubog ng paniniwala ay malaki ang
impluwensiya sa pagkakaroon ng matatag na pananampalataya ng mga anak.
Sa totoong buhay, maraming gawi ang kailangang malinang ng magulang sa sarili upang
makalikha ng positibong impluwensiya sa mga anak na maaring mamana at ipagpatuloy din ng mga
anak sa kani-kanilang sariling pamilya. Kung ipinakita sa isang pamilya ang pagmamahalan,
magiging mapagmahal at mapagbigay sa ibang tao ang anak o kasapi ng pamilya. Kung naipakita ng
5
magulang ang kahalagahan ng simpleng pamumuhay, magkakaroon ng mabigat na pagpapahalaga
ang mga anak sa totoong kahulugan ng buhay, magiging matipid at matalino sa pagbili ng mga
pangangailangan ang mga ito.
Kung mabuti ang ipinunlang gawi at karanasan ng mga magulang sa pamilya, magkakaroon din
ito ng magagandang bunga. Nararapat lamang na mabuting punla ang maitatanim sa puso at isipan ng
pamilya upang maging maingat at maayos sa mga pagpapasiya sa buhay. Sa huli, ang mga positibong
impluwensiya ang magiging pundasyon upang hubugin sa mabuti ang sarili.
Ayon sa pangaral sa Kawikaan 22:6, “Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at
pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” Lahat ng mga aral na natutunan ng isang anak
sa kaniyang mga magulang ay mananatili hanggang sa kaniyang paglaki. Ito ang pinagmumulan ng
isang mabuting mamamayan sa lipunan.

Gawain 3: Ilista Mo!


Tukuyin at ilista ang mga magagandang karanasan na naranasan kasama ang iyong
pamilya.

Mga Aral at Positibong Impluwensiya sa Loob ng


Pamilya

Gawain 4: I-Akrostik Mo!


Gamit ang akrostik, bigyan ng pagpapakahulugan ang salitang PAMILYA sa kahalagahan
nito sa paghubog ng positibong impluwensiya sa bawat kasapi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6
P

Rubrik sa pagsulat ng akrostik

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Lahat ng letra ay Mayroong 2 letra Mayroong 4 na
Akrostik nabigyang na hindi letra na hindi
kahulugan na naglalarawan sa naglalarawan sa
naglalarawan sa kahalagahan ng kahalagahan ng
kahalagahan ng positibong positibong
positibong impluwensiya ng impluwensiya ng
impluwensiya ng pamilya. pamilya.
pamilya.
Kabuuan

Gawain 5: Taglay ng Larawan

Humanap ng larawan ng iyong pamilya at ipaliwanag ang larawan gamit ang mga gabay na
tanong. Idikit ito sa sagutang papel.

Gabay na Tanong:
A. Ano ang ipinapakita sa larawan?
B. Ano-ano ang positibong impluwensyang naidulot nito sa iyong sarili?
C. Paano mo isasabuhay nang lubos ang mga positibong impluwensiya na nakuha
mula sa iba’t ibang karanasan kasama ang pamilya?

Rubrik sa larawang nagpapakita ng impluwensiya

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


7
Pamantayan (10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Larawan ng Ang larawan ay Ang larawan ay Ang larawan ay
Pamilya nagtataglay ng hindi masyadong hindi nagtaglay
aksiyon o nagtataglay ng ng aksiyon o
karanasan na aksiyon o karanasan na
nagpapakita ng karanasan na nagpapakita ng
impluwensiya. nagpapakita ng impluwensiya.
impluwensiya.
Paraan ng mga Nakalahad ng 5 Nakalahad ng 3 Nakalahad ng 1
pagsasabuhay sa kaparaanan ng kaparaanan ng kaparaanan ng
positibong pagsasabuhay sa pagsasabuhay sa pagsasabuhay sa
impluwensiya positibong positibong positibong
ng pamilya impluwensiya ng impluwensiya ng impluwensiya ng
pamilya sa sarili pamilya sa sarili pamilya sa sarili
Kabuoang
Puntos

Panghuling Pagtataya: Pagpipilian


Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang
ang isulat sa sagutang papel.

1. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng House & Lot ng
Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang masasalamin sa anak ni Aleng
Nina?
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina B. pagmamahal sa kaniyang Ina
C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina D. pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina

2. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila.
Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
A. pagiging matatag B. pagiging madasalin
C. pagiging masayahin D. pagiging disiplinado

3. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob
na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?
A. pagiging madasalin B. pagkakaroon ng pag-asa
C. pagiging maramot sa iba D. pagiging matulungin sa kapuwa

4. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod ang
nagpapatunay nito?
A. hinahatid sa eskuwelahan
B. laging binibigyan ng pera ang anak
C. pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase
D. sinusuportahan sa gustong makamit ng anak
5. Nagsisigaw si Loloy nang madatnan ang kaniyang ina na nakahandusay sa sala sa sobrang sakit
ng tiyan. Dali-dali namang pumasok ang nakatatandang kapatid at dinala ang ina sa hospital.
Alin sa sumusunod ang positibong pag-uugali ang ipinakita sa sitwasyon?
A. ang pag-alalay sa ina papunta sa ospital
B. labis ang kasiyahang ipinapakita ng kapatid
C. ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari
D. nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan

6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos


na pamilya?
A. pagkakaroon ng mga anak B. pagtatanggol ng karapatan
B. pagsunod sa mga patakaran D. pinagsama ng kasal ang magulang
8
7. Ang pamilyang Dela Cruz ay hindi nakalilimot manalangin nang sama-sama tuwing Linggo. Ano
ang dapat tularan sa pamilya Dela Cruz?
A. pagiging disiplinado B. pagiging matatag sa sarili
C. walang anumang alitan ang bawat isa D. may pagkakaisa sa pagsamba sa Panginoon

8. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.”
Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
B. ng pamilya ang salamin sa lipunan.
C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.

9. “Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong mensahe ang ipinahiwatig sa


pahayag?
A. Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.
B. Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.
C. Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.
D. Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may pagmamahalan.

10. Laging ipinagdiriwang ng pamilya Santos ang tagumpay ng kanilang anak. Anong kaugalian
ang maaring tularan sa pamilya Santos?
A. paghamon sa anak na magtagumpay
B. pagpapakita ng interes sa kanilang larangan
C. pagmamalaki sa tagumpay ng kasapi ng pamilya
D. pasasalamat at suporta sa tagumpay na nakamit
11. Araw-araw naglalako ng paninda si Aling Ester nang sa gayon ay matustusan niya ang pag-
aaral ng kaniyang mga anak. Lagi rin niya itong pinapayuhan na magsipag sa kabila ng
kahirapan sa buhay. Anong positibong impluwensiya ang ipinakita ni Aling Ester?
A. Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay.
B. Pinasama ang anak sa paglalako ng paninda.
C. Tumigil ang anak sa pag-aaral upang makatulong.
D. Maging matatag at masipag sa kabila ng problema sa buhay.

12. Laging tinuturuan ng mag-asawang Lindo at Linda ang kanilang mga anak na magmano sa
sinumang panauhin na dumating sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa
kaugaliang pinairal ng mag-asawa?
A. pagiging maalalahanin sa ibang tao
B. huwag makinig sa payo ng mga magulang
C. maging magalang sa nakatatanda at panauhin
D. umiwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kakilala

13. Ang pamilya ang sentro ng kagandahang pag-uugali. Alin sa sumusunod na kasabihan ang
nagpapatunay dito?
A. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
B. Sa pamilya tayo kumukuha ng lakas upang maging isang ganap na tao.
C. Kung ang iyong pamilya ay makasarili, marahil ay gayun din ang iyong pag-uugali.
D. Kung nabibigyan ng sapat na atensiyon at gabay ang mga anak ay tiyak magiging
isang mabuting indibidwal.

14. Hindi naging madali ang pagharap ni Mang Berto sa pumaslang sa kaniyang asawa ngunit dahil
sa kaniyang pananampalataya nagkaroon ng puwang ang pagpatawad. Anong aral ang
mapupulot mula sa sitwasyon?
A. hindi madaling ibigay ang pang-unawa sa ibang tao
B. may puwang ang pagpapatawad sa bawat puso ng tao
C. malayang magdesisyon ang tao para sa kaniyang ikabubuti 9
D. hindi kailangang ipagpilit ang paghingi ng tawad at pagpapatawad

15. Nakiisa si Ernie sa pagbabahagi ng salita ng Diyos kasama ang pamilya. Pinayuhan din niya
ang tatlong anak na palaging manalangin at magpasalamat. Paano naging
maimpluwensiyang ama si Ernie sa mga anak?
A. pagiging masipag na ama at mapagbigay sa kaniyang pamilya
B. pagsuporta sa mga pangangailangan ng kaniyang anak sa paaralan
C. pagpapakita ng mabuting pagpapasya at desisyon sa buhay bilang ama
D. sa pagpapayo sa mga anak na hindi makalimot sa Panginoon at magpasalamat

Aralin 1.2: Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng


pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo
sa makabuluhang pakikipagkapwa

Ang pamilya ay sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ito ang pinakamahalaga sa
buhay ng bawat isa at pinakamagandang regalo ng Panginoon. Ito ang pinagmumulan ng
pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa na nagbubuklod sa bawat isa na lumaban sa kahit anong
pagsubok at hamon na dumating sa buhay ng pamilya. Mararamdaman dito ang tunay na
pagmamahalan at pagtutulungan. Kung kaya’t itinuturing ang pamilya na isang natural na
institusyon.

Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang


pakikipagkapuwa ang pagmamahalan at pagtutulungan?

“Mahalin ang iyong pamilya dahil ang pamilya ay kayamanan na nagmamahal at handang
tumulong sa iyo.”
-Anonymous

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na
may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang
binabati na kita.

Panimulang Pagtataya: Pagpipilian

10
11
Balikan 12
Gawain 1- Konsepto, Buoin Mo!

Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang kaisipan hinggil sa mga
katangiang umiiral sa isang pamilya. Piliin ang sagot sa loob ng larawan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Iginuhit ni: Rashiel Joy F.
Lepaopao

Ang (1) ng pamilya sa (2) ay paraan


upang (3) ang mga (4) at birtud na
(5) at natututuhan sa loob ng tahanan.

Pagtuklas

Gawain 2: Suri-Larawan

Suriin ang larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Iginuhit ni: Alim V. Eviota

Gabay na tanong: 13

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?


2. Paano nila ipinakikita ang kanilang pagmamahal sa kapuwa?
3. Makabuluhan kaya ang kanilang pakikipagkapuwa? Bakit?

Sa bahaging Tuklasin, ipinakita sa larawan ang pagtutulungan ng isang pamayanan sa


pamamagitan ng Bayanihan. Sa kaugaliang ito napatutunayan ang pagiging likas na matulungin ng
Pilipino sa kaniyang kapuwa. Ito ay namana at likas na sa pamilya at kulturang kinamulatan.
Tama, sa ating sari-sariling pamilya itinuro, ipinamalas, ipinadama at pinairal ang
pagmamahalan sa bawat kasapi ng pamilya upang gumawa nang mabuti at dahil na rin sa
positibong impluwensya ng ating pamilya ay mas nalinang at nahubog ang sarili. Halimbawa,
naipadadama ng tao ang pagmamahal sa iba dahil una niya itong naramdaman sa pamilya.
Nagmamalasakit ang tao sa kapuwa dahil alam nitong katulad niya, sila ay mahalaga. Kung naituro
at naipakita ng magulang ang kahalagahan ng pagtulong at pakikiisa sa iba, magiging
matulungin rin ang kanilang mga anak. Halimbawa, ang isang bata ay maaring mag-alok na
buhatin ang gamit ng mga nakatatanda bilang pagpapakita ng paggalang at pagtulong.
Nangangahulugan lamang na kung nahubog nang ganap ng isang pamilya ang
pagmamahalan at pagtutulungan sa pagkatao ng bawat kasapi, magiging susi at sandata niya ito
upang maipakita at maipadama ang makabuluhang pakikipagkapuwa.
Bilang kabataan, mailalarawang ikaw ay may makabuluhang ugnayan sa kapuwa kung
naipamalas at naramdaman ang sumusunod:
 maayos at walang problema ang takbo ng gawain
 magaan at malapit ang loob sa kapuwa na nagdudulot ng makabuluhang koneksyon
 mayroong masaya, maginhawa at mapayapang komunidad
 nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
 nagkakaisa sa pag-abot ng mga layunin at pangarap
 may paggalang sa karapatan ng kapuwa tao
 handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
 May katapatan, puno ng pag-asa, may pagpapahalaga at masigasig sa buhay

Sa pangkalahatan, malaki ang tungkulin ng pamilya sa paghubog ng bawat kasapi


sapagkat ang positibong impluwensiya nito, pagpapairal ng pagmamahalan, pagtutulungan at
matibay na pananampalataya ay ilan lamang sa mga salik na nakatutulong upang mapaunlad
ang mga pagpapahalaga at sarili ng isang tao na nasasalamin naman sa kung paano ito makipag-
ugnayan sa kaniyang kapuwa tao.

Gawain 3: Tala Patunay

Magtala ng mga patunay ng pagkakaroon ng pagmamahalan at


pagtutulungan sa pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Nagpapatunay ng Mga Nagpapatunay ng Pagtutulungan


Pagmamahalan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
14
Rubrik sa pagtala ng mga patunay

Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Sitwasyon o Nakatala ng Nakatala ng tig- Nakatala ng tig-
karanasan tiglilimang aapat na sitwasyong tatatlong
sitwasyong nagpapatunay ng sitwasyong
nagpapatunay ng pagmamahalan at nagpapatunay ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa pagmamahalan at
pagtutulungan sa pamilya pagtutulungan sa
pamilya pamilya
Kabuoang puntos

Gawain 4: Patunayan mo!


Isulat sa graphic organizer ang nagpapatunay ng makabuluhang
pakikipagkapuwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Makabuluhang
Pakikipagkapuwa

Gawain 5: Kahalagahan ko, Patunayan mo!


Patunayan ang mga kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pagkakaroon
ng makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Kahalagahan ng Pagmamahalan at Sitwasyong Nagpapatunay


Pagtutulungan
15

Nagbibigay ng kasiyahan
Madaling matapos ang gawain

May paggalang sa karapatan

Nagkakaroon ng layunin at
kabuluhan ang buhay

Madaling makamit ang tagumpay

Rubrik sa mga patunay ng makabuluhang pakikipagkapuwa

Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Sitwasyon o Nakalahad ng isang Nakalahad ng isang Nakalahad ng isang
karanasang sitwasyong sitwasyong sitwasyong
nagpapatunay nagpapatunay sa 5 nagpapatunay sa 3 nagpapatunay sa 2
kahalagahan ng kahalagahan ng kahalagahan ng
pagmamahalan at pagmamahalan at pagmamahalan at
pagtutulungan sa pagtutulungan sa pagtutulungan sa
pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa
Kabuuan

Gawain 6: Itula Mo!


Balikan at muling suriin ang larawan sa bahaging Tuklasin. Bumuo ng dalawang
saknong ng tula na nagpapatunay kung paano nagkaroon ng makabuluhang pakikipagkapuwa ang
pamilyang Pilipino.

Rubriks sa pagsulat ng tula


Nangangailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay ng pag-unlad
16
(10 puntos) (8 puntos) (5 puntos)
Nakalahad ng 6 na Nakalahad ng 4 na Nakalahad ng 2 na
patunay na patunay na patunay na
Nilalaman ng tula pagmamahalan at pagmamahalan at pagmamahalan at
pagtutulungan ang pagtutulungan ang pagtutulungan ang
susi sa susi sa susi sa
makabuluhang makabuluhang makabuluhang
pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa pakikipagkapuwa.
. .

Paglalahad ng Nailarawan sa tula Nailarawan sa tula Nailarawan sa tula


suportang detalye ang detalye sa 6 ang detalye sa 4 ang detalye sa 2
sa inilahad na na patunay. na patunay. na patunay.
patunay
Binubuo ng 2 Binubuo ng 2 Binubuo ng 2
saknong na may 4 saknong na may 3 saknong na may 2
na taludtod ang tula na taludtod ang na taludtod ang tula
Kaanyuan ng tula na nakabanghay sa tula na na nakabanghay sa
tradisyonal o nakabanghay sa tradisyonal o
malayang anyo. tradisyonal o malayang anyo.
malayang anyo.
Kabuuang Puntos

Panghuling Pagtataya: Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng


sarili?
A. Makadagdag ng alalahanin
B. Naging masalimuot ang buhay.
C. Mahirap makamit ang tagumpay.
D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay.
2. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan?
A. nagbigay ng kalungkutan
B. pagpapasya para sa kaniya
C. paggiit sa iyong kagustuhan
D. pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa
3. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?
A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally
B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan
C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap
D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan
4. Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya?
A. magkaroon nang regular na pagtitipon
B. magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan
C. mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan
D. magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay
17
5. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon
ang nagpapakita ng patunay?
A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.
B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang
kasintahan.
C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang
kaniyang pag-aaral.
D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian ang
lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.
6. Paano naipakikita ang pakikiramay?
A. pamamasayal sa lugar na kinagigiliwan niya
B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan
C. pag-alok ng mga bagay na makapagpasaya sa kaniya
D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa
7. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan?
A. pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay
B. pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay
C. pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay
D. pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan
8. Bakit natural na institusyon ang pamilya?
A. dahil nabuo ito sa pagmamahalan
B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal
C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa
D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya
9. Paano mapauunlad ang sarili?
A. pag-aaral nang mabuti
B. pagmamahalan at pagtutulungan
C. pagtutulungan sa anumang gawain
D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay
10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan?
A. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira lang
niyang makasama ang kaniyang mga magulang.
B. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang anim na
magkakapatid dahil nagsasalit-salitan sila sa pag-aaral.
C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin sa
pag-aaral si Peter dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin naman
sila naalala ng kaniyang ate.
D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pag-aaral upang
maghanap ng trabaho at mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si Nena
ngunit bigla itong naglaho at nakalimutan na si Nene.
11. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng pagmamahal sa sarili?
A. Pagsisikap na baguhin ang sarili upang matugunan ang mataas na ekspektasyon ng lipunan.
B. Pagsisikap na makamit ang pangarap kahit na kapalit nito ay ang sariling kalusugan.
C. Pagsisikap na makinig sa hinaing ng ibang tao kahit na hindi ito naintindihan.
D. Pagsisikap na mapabuti, maging maayos ang sarili at may pagmamahal sa iba.
12. Alin sa sumusnod na sitwasyon ang nagpapatunay ng may paggalang sa isa’t isa lalo na sa mga
magulang?
A. Ipinagpatuloy ni Ivan ang pangarap na maging isang idolo sa kabila ng mga payo ng
kaniyang mga magulang.
B. Laging tama si Mika sa tuwing nagkakaroon ng talakayan sa kabila ng mga hinaing at
kasalungat na opinyon ng kaniyang mga kapangkat.
C. Nagsusumikap si Anton na makinig at umintindi sa lahat ng hinaing at aral ng mga
nakatatanda upang maisapuso’t maisabuhay niya ito.
D. Sa tuwing may nais na makamit si Alicia, hindi siya nagdadalawang-isip na makiusap sa
mga magulang hanggang sa ibigay nila ito sa Kaniya
13. Pag may pagtutulungan, nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay, alin sa mga sitwasyon
ang nagpapatunay nito?
A. Nasasarili ni Marco ang lahat ng yaman niya sa loob ng kaniyang malaki ngunit mapanglaw
na mansiyon.
B. Paggagantsilyo na lamang ang libangan ni Aling Rosa dahil nag-iisa na lang siya sa buhay.
C. Mag-isang pinanood ni Lester mula sa Veranda ang kaniyang kapitbahay na18 masayang
nagtatanim ng magagandang bulaklak kasama ang kanilang mga anak
D. Mas mapadali ang pagsugpo sa epidemya at pagbabalik normal ng buhay dahil sa
kooperasyon ng mamamayan na nananatili sa loob ng kanilang tahanan at sa tulong na
iniabot ng pamahalaan.
14. Sino sa sumusunod na magulang ang nagpapakita ng pagtulong sa anak na mapaunlad ang sarili?
A. Hinahayaan ni Ginoong Brandon ang kaniyang anak na magdamagang maglaro ng gadget sa
halip na mag-aral.
B. Ginagawa ni Nanay Kori ang lahat na takdang-aralin ng anak na si Kristofer upang
mapanatiling mataas ang mga marka nito.
C. Binibili ng mag-asawang Rosario ang kahit na anong magustuhan ng kanilang anak na sina
Rosie at Romeo kahit na hindi naman nila ito kailangan.
D. Pinagtutulungan ng mag-inang Lucy at Hana ang mga gawaing-bahay upang mapabilis ito at
magawa ni Hana ang kaniyang takdang-aralin habang ginagabayan ng inang si Lucy.
15. Matiwasay na pumanaw si Lola Elizabeth dahil napagtapos niya ang kaniyang apo at
naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang apo sa kaniya sa mga nalalabi
niyang mga araw. Alin sa sumusunod ang angkop sa sitwasyon?
A. handang umakay sa matuwid na landas
B. nagkaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
C. handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
D. nag-udyok na maging dedikado at magiliw sa trabaho

Aralin 1.3: Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya

Ang modyul na ito ay ginawa upang lubusang makikilala ang mga gawi o mga karanasan sa
sariling pamilya na kung saan ay nagpapakita ng pagbibigay ng sapat na edukasyon, paggabay ng
magulang sa tamang pagpapasya at paghubog ng pananampalataya upang maging matatag ang
samahan ng bawat kasapi nito, hindi lang sa miyembro ng pamilya maging sa pakikitungo sa
kapuwa. Ang karanasang ito ay magsisilbing matibay na pundasyon na makatutulong sa maayos
na pakikitungo sa lipunang ginagalawan kalakip ng pagsasabuhay sa mga aral na natutunan sa
pamilya.
Mayroon din itong inihandang piling gawain na kung saan ay magpapatibay sa iyo at
magbubukas ng iyong isipan sa kung ano ang dapat mong matutunan. Halina’t makibahagi sa
araling ito at tumuklas ng mga bagong kaalaman.

“Ituro sa bata ang daang dapat lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito
malilimutan”
-Kawikaan 22:6

Panimulang Pagtataya: Pagpipilian

19
20
Balikan
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na
may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang
binabati na kita.

Gawain 1: Kilos Mo, Itala Mo!


Isulat sa graphic organizer ang mga naisagawang angkop na kilos sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. Isulat ang sagot sa graphic organizer sa
sagutang papel.

21
Angkop na kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan

1. Nakatutulong ba sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng


pananampalataya ang mga naisagawang angkop na kilos sa sariling pamilya?

Gawain 2: Apat na Larawan, Isang Salita!

Tukuyin kung ano ang inilalarawan ng apat na larawan sa bawat bilang upang mabuo
ang nakatagong salita o parirala at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Iginuhit ni: Jubell C. Cababat

D K A Y N

22

Iginuhit ni: Jubell C. Cababat


A A L A A
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga salitang iyong nabuo?
2. Madalas mo ba itong marinig sa iyong mga magulang?

Nasagutan mo ba nang may kahusayan ang unang tanong sa bahaging Tuklasin? Kung
ang sagot mo ay edukasyon, pananampalataya at pagpapasya, tama ka sa iyong sagot kaibigan.
Madalas mo rin bang marinig ang linyang ito sa iyong mga magulang?

“Anak, mag-aral kang mabuti at huwag kalimutang tumawag sa Panginoon at patatagin


ang iyong pananampalataya. Edukasyon ang kayamanang hindi mananakaw sa iyo ng ibang tao”.

Tiyak, alam na alam mo na ang linya ng iyong nanay at tatay o maging mga nakatatanda
mong kapatid sa inyong pamilya.

Sinasabing ang pagbibigay ng edukasyon, paghubog ng pagpapasya at pananampalataya ang


pinakamisyon ng mga magulang. Ito rin ang pinakamagandang gantimpla o regalo na maaaring
ibigay ng anak sa kanyang mga magulang dahil ito ay isa sa mga batayan upang masabi sa sarili na
naging wasto at makabuluhan ang pag-aaruga, pagpapalaki at paggabay sa mga anak mula
pagkabata hanggang ito ay humantong sa wastong gulang na maari nang tumayo sa sariling mga
paa.

Napakahirap magampanan ang ganitong pananagutan at responsibilidad ng magulang sa


mga anak. Ang mga natutuhan ng isang anak sa loob ng tahanan ay nakaimpluwensiya sa
pakikitungo sa kapuwa na magpapatatag sa sariling pamilya. Kung kaya, ipinapakita ng mga
magulang ang magagandang gawi upang sa murang edad ay malinang at mahubog ang kahalagahan
ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at pananampalataya.
Iba-iba man ang pamilyang pinagmulan ay may iisa o nahahawig na paraan kung paano
ipinapakita ng mga nakatatanda ang magagandang gawi at asal upang malinang ang mga nabanggit
na aspekto sa ating buhay.

Sa Pagbibigay ng Edukasyon

Ang mga anak ay mahalaga sa mga magulang gayundin ang mga magulang sa mga anak
kaya nararapat lamang na bigyan ng importansiya ng mga magulang ang pagtuturo sa mga anak
upang matuto sa anumang paraan.
Halimbawa, nasa sinapupunan o sanggol pa lang ay ipinadama na ang pagmamahal at
pagbibigay edukasyon sa isang bata sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga awiting pambata at
pagbabasa ng mga kuwento gabi-gabi. Sa pag- uumpisang maglakad at mag-babbling tinuturuan
ng mga magulang kung paano bumigkas ng mga salita tulad ng mama at papa. Karagdagan nito,
itinuro din sa payak na pamamaraan ang mga pagpapahalagang dapat malinang sa pagkatao ng
isang bata. Halimbawa, itinuturo sa nakababatang kapatid ang kahalagahan ng pagbibigay ng
pagkain sa kanyang kapuwa bata, pagpaparamdam ng pagmamahal sa pamamagitan ng yakap at
paghalik sa pisngi o kaya ay maging pagtuturo ng pagsayaw o pag-awit. Ito ang dahilan kung
bakit ang magulang ay itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan.
23
Habang ang isang bata ay nagbibinata o nagdadalaga, ipinapakilala ng magulang ang
mga tuntunin o batas na dapat malaman at bigyang pansin sa pamilya. Dagdag pa rito, hindi
ipinagkait ng mga magulang ang pagpapaaral sa mga anak.

Sa pagpapatupad ng tungkulin para sa edukasyon sa mga bata, ang mga magulang ay


may katuwang na institusyon na paaralan sa lipunan. Kung saan pinag-aaral ang mga kabataan
upang mas malinang sa kanila ang iba’t ibang aspekto na huhubog sa pagkatao kung saan
inaasahang mas tatalas ang kanyang pag-iisip at kakayahang umunawa sa mga bagay-bagay. Pag-
uwi sa bahay, naging guro din ng kabataan ang mga nakatatandang kapatid kung saan tinuturuan
at tinutulungan sa paggawa ng mga takdang aralin upang mas maipaintindi rito ang mga konsepto.
Ang ganitong misyon ng magulang ay magpapatuloy hanggang sa makapagtapos ang anak sa pag-
aaral at maging produktibong mamamayan.

Sa Paggabay sa Pagpapasya

Sa paglaki ng bata ay sumisibol din ang paglago ng kanilang karunungan. Sa panahong ito,
ginagabayan ng mga magulang ang pagpapasya ng mga anak.

Mahalaga na sa murang edad ay inisa-isa sa anak ang mga tuntunin o batas na dapat sundin
sa isang pamamahay o maging pagsunod sa mga batas sa lipunan. Sa panahong ito, itinuturo ng
magulang ang pagiging mapanagutang anak sa kanyang kilos at maunawaan kung ano ang
tama at mali sa isang sitwasyon. Halimbawa, isa sa sinusunod na tuntunin sa bahay ay sa
pagsapit ng ikaanim ng gabi ang lahat ng kasapi ng isang pamilya ay nakauwi na ng bahay.
Kung ang tuntuning ito ay matagumpay na nasunod at naipaliwanag ng magulang sa anak ang
kahalagahan sa pagsunod ng tuntunin, uuwi sa takdang oras ang mga anak.

Kaakibat ng pagpapasya ay ang pagpili at pagbuo ng desisyon ng isang pamilya. Kung


kaya, mainam na mapaunawa ng magulang sa anak ang kahalagahan ng pagiging mapanagutan
sa pagpapasya. Sa yugtong ito, ang anak ay nabibigyang pagkakataon na magpasya sa mga simpleng
bagay ngunit sa gabay pa rin ng magulang. Halimbawa, bilang anak ay malayang pumili kung
paano bihisan ang sarili, anong pagkain ang gustong kainin, anong laro ang sasalihan at iba pa.

Ang pagbibigay laya sa ganitong pagpili ng anak ay makatutulong upang mapaunlad ang
kakayahan nito sa pagpapasya.

Sa totoong buhay, hindi madali ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak
sapagkat ang mga kabataan habang lumalaki ay nagkakaroon na rin ng sariling pananaw sa buhay
kung kaya minsan ay nagsasalungat ang gustong mangyari ng anak at magulang. Halimbawa,
maaring ang iyong magulang ay inihahanda ka para sa isang sikat na kurso sa kolehiyo ngunit
ito ay taliwas at naiiba sa iyong hilig at kakayahan. Nagpaubaya ang iyong magulang, sinuportahan
ang piniling kurso at ginabayan ka sa piniling landas upang mas mapanindigan sa huli na tama ang
nagawang pagpapasya dahil ikaw ay nagtapos at umunlad sa piniling larangan.

Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili ng tao. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa


mabuting pagpapasiya ay bunga naman ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga
magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Maliban sa wastong
pagdedesisyon at matapang na pagharap sa resulta ng isang pagpapasya mahalaga ring ituro at
gabayan ng magulang ang anak sa wastong paggamit ng kalayaan lalo na sa mga materyal na
bagay. Halimbawa, ang pagtuturo sa anak na hindi kailangang bumili ng mamahaling cellphone
o mga bagay na hindi pasok sa badyet at hindi masyadong kinakailangan. Mahalagang maipakita
sa anak ang mabuting dulot ng payak na pamumuhay. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng
anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon ito.

Sa Paghubog ng Pananampalataya
24
“Anak mag-ayos ka na habang maaga pa para makapagsimba tayo”. Naririnig mo rin ba ito
sa iyong mga magulang? Bakit nga ba kailangang manalangin ang tao?

Ang pagsisimba ay isang pagpapakita ng pananampalataya. Dito matutunan ng tao ang mga
aral ng Panginoon na humubog sa kanyang pagkatao.

Ang tao sa mundo ay may iba’t ibang uri ng pananampalataya. Sa bansang Pilipinas,
maraming relihiyon ang umusbong matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. May
kalayaan ang bawat Pilipino na piliin at isabuhay ang pinaniniwalaang relihiyon ayon sa
kanilang pananampalataya.

Sa pananampalataya rin humuhugot ng lakas at pananalig ang mga magulang upang mas
lalong mahubog ang mga anak sa mabuting asal na nagsisilbing gabay upang maging isang
mabuting tao. Halimbawa, madalas na pinapasama ka ng iyong mga magulang sa pagpapalaganap
ng salita ng Panginoon at panalangin. Naniniwala ang iyong mga magulang na mainam na sa
murang edad ay mamulat ka na at makilahok sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng
pananampalataya.
Walang magulang na magtuturo ng hindi wasto sa anak sapagkat ang layon nito ay mapabuti
ang kinabukasan at mabigyang halaga ang mga turo ng Panginoon sa pamamagitan ng
pagsasabuhay at pagiging mabuting ehemplo sa anak at ibang tao. Maliban dito, ipinamumulat din
sa mga anak ang mga importanteng okasyon sa ating pananampalataya tulad ng pagsasagawa ng
Simana Santa at pasasalamat ng mga Kristiyano at pagdiriwang ng Ramadan sa mga Muslim.
Sa pamamagitan ng pananampalataya, nakapagninilay ang pamilya sa kani- kanilang maling
gawi kung saan humihingi ang tao ng pagpapatawad at gabay mula sa Panginoon upang maging
makabuluhan ang buhay sa mundong ibabaw.
Walang perpektong tao sa totoong buhay ngunit ang lahat ay mayroong pagkakataong
magbago at itama ang maling gawi, kung kaya hinihimok ng mga magulang na tumungo ang
mga anak sa tahanan ng Panginoon upang magpasalamat, humingi ng kapatawaran at
mabusog ang anak sa pangaral ng Panginoon na magsisilbing gabay araw-araw sa buhay.

Gawain 3: Mensahe ng Larawan, Mabuting Gawi Ko!


Isulat ang mensaheng ipinahihiwatig ng larawan na nagpapaunlad sa pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog sa pananampalataya ng pamilya. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1
.

Iginuhit ni: Alim V. Eviota

2.

25

Iginuhit ni: Jubell C. Cababat


3.
Iginuhit ni: Gilbert H. Japay

Gawain 4: Istorya Mo, Susuriin Ko!

Basahin at tukuyin kung paano ipinakita sa sitwasyon ang pagbibigay ng edukasyon,


paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Huwaran ng isang mabuting pamilya ang kinagisnan ng magkapatid na Chinny at Tim.


Nakita ng magkapatid ang pagsusumikap ng kanilang mga magulang upang mabigyan sila ng
mabuting kinabukasan. Bilang mga mabubuting anak ay pinaghusayan pa nilang lalo ang kanilang
pag-aaral. Parehong nagtapos ng High School ang magkapatid ng may karangalan kaya labis ang
kagalakan ng kanilang mga magulang sapagkat hindi sila binigo ng kanilang mga anak.
Sa bagong yugto ng pag-aaral ng magkapatid, magkaiba ang napili nilang kurso at ito ay
batay sa kanilang hilig at interes. Si Chinny ay kumuha ng kursong engineering at arkitektura
naman ang kay Tim. Salungat ito sa gusto ng kanilang mga magulang sapagkat ang nais ng ina ni
Chinny ay pagtuturo sana ang kaniyang gusto sa anak na babae at pagmemekaniko naman ang
naiibigan ng ama ni Tim para sa kaniyang anak na lalaki.
Nagdamdam man ang mga magulang nila sa kadahilanan na hindi nila nagugustuhan
ang napili ng mga anak, nananalig naman sila na magiging matagumpay ang mga anak nila sa
napiling karera at mapaunlad ito. Kahit paman nagkagayon, hindi pa rin sila nagkulang sa paggabay
sa kanilang mga anak.

Mga Tanong:
1. Anong pagpapasya ang ipinakita sa binasang sitwasyon?
2. Anong misyon ang napagtagumpayan ng magulang at anak sa sitwasyon?
3. Kung ikaw ang magulang sa sitwasyon, paano mo gagabayan ang iyong mga anak?

Pamantayan sa Pagmamarka:
10 puntos - Kompletong nasagot ang tatlong tanong na may tamang ideya. 7 puntos
- Dalawang tanong lang ang nasagot na may tamang ideya.
5 puntos - Isang tanong lang ang nasagot na may tamang ideya. 3 puntos
- May naisulat na sagot pero malayo ang mga ideya.

Gawain 5: Sitwasyong Ito, Repleksyon Ko!

Basahin at maglahad ng mga patunay kung anong gawi ang nagpapakita 26ng pagbibigay
edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog sa pananampalataya sa bawat sitwasyon. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Unang Sitwasyon:

Si Ana at si Fe ay kapuwa nag-aaral sa Unibersidad na pinapatakbo ng mga Madre dahil


naniniwala ang kanilang mga magulang na magagabayan at mas mapapalapit sila sa tahanan
ng Panginoon kung sa murang edad ay naituro na sa kanila ang pagkakaroon nang taimtim at
matatag na pananampalataya.

Ikalawang Sitwasyon:

Nasa sinapupunan pa lamang si Betty ay inaawitan at binabasahan na siya ng iba’t ibang


kuwento ng kanyang nanay at tatay kung kaya nang maisilang at lumaki na ang batang si Betty
ay hindi kataka-takang mahilig itong umawit at makipag-usap sa kapuwa bata at nakatatanda sa
kanya.

Ikatlong Sitwasyon:

Bukas at kapalagayang-loob ni Jezka ang kanyang mga magulang. Bilang nag-iisang


dalaga sa pamilya, madalas na tinatanong si Jezka kung may nanliligaw ba sa kanya.
Pinapahalagahan ng dalaga ang pamilya kung kaya sinasabi nito sa magulang na may nanliligaw
na. Pinayuhan ito ng magulang ngunit sa huli binigyan siya ng kalayaang mamili kung ano ang mas
dapat niyang unahin ang pag-aaral o pakikipagrelasyon.

1. Anong misyon ng magulang sa anak ang inilarawan sa bawat sitwasyon? Patunayan.

Pamantayan sa Pagmamarka:
10 puntos-Kompletong nabigyan ng angkop na patunay ang tatlong sitwasyon. 7 puntos -
Dalawang sitwasyon lang ang nabigyan ng angkop na patunay.
5 puntos -Isang sitwasyon lang ang nabigyan ng angkop na patunay.
3 puntos -May naisulat na patunay pero malayo ang ideya sa sitwasyon.

Gawain 6: Dugtungan Mo!

Dugtungan ang mga pangungusap ayon sa iyong naiintindihan sa aralin.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Mahalaga sa mga magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak


dahil .

2. Ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa pagpapasya ay nakatutulong


sa .

3. Kung mahuhubog ng magulang ang matatag na pananampalataya ng anak ay

Gawain 7: Hakbang Ko Bilang Anak!

Pagnilayan ang mga gawi o sariling karanasan sa iyong pamilya. Isulat sa ladder graphic
organizer kung paano sinisikap ng iyong magulang na mapagtagumpayan ang misyon 27 nila sa iyo
bilang anak. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

(Pangalan)

Bilang anak, tutulungan ko ang aking magulang sa kanilang misyon sa pamamagitan


ng:
Paghubog ng Pananampalataya

Paggabay sa Pagpapasya

Pagbibigay ng Edukasyon

Pamantayan sa Pagmamarka

Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Pamantayan ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Nilalaman ng Lahat ng misyon Dalawang misyon Isang misyon ng
talata ng magulang ang ng magulang ang magulang ang
naibahagi nang naibahagi nang naibahagi nang
may kahusayan. may kahusayan. may kahusayan

Panghuling Pagtataya: Pagpipilian

28
29
Aralin 1.4: Nasusuri ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon,
paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

“Lahat ng pagsubok malalampasan, basta’t may pagtutulungan! Problema ka lang, Pamilya


kami!”

- Anonymous

Napakahalaga ang gampanin ng isang magulang sa paghubog ng paniniwala, pag-uugali at


gawi ng mga anak, sila ang nagiging gabay sa mabuting pakikipagkapuwa upang makapamuhay nang
maayos at mapayapa. Nililinang ng mga magulang ang mga katangian ng bawat miyembro upang
malampasan ang bawat dagok na dumating, kasabay nito ang pagbibigay ng maayos na edukasyon,
tamang pagpapasiya at pananampalataya nang sa ganoon makamit ang ganap na pagkatao ng isang
nilalang.
Mahalagang masuri ang bawat banta ng pamilya sa pagbibigay nang maayos na edukasyon,
kung saan nakapagsasagawa ng akmang solusyon. Kasabay ng paglinang ng edukasyon ay ang
pagkabuo nang mainam at angkop na desisyon o pagpapasiya kung paano pangangalagaan ang sarili
at maging ang kapuwa nang hindi mauwi sa tampulan ng pagsisisi sa bandang huli. Kung
mapagtagumpayan ang paglinang sa wastong edukasyon at pagpapasiya ay nahuhubog naman ang
pananampalataya na nagsisilbing direksiyon at lakas sa pagharap sa bawat tatahaking landas at
pagsasabuhay ng mga mahahalagang bagay na dapat pakatandaan para sa ikauunlad ng sarili at
kapwa. 30

Panimulang Pagtataya: Pagpipilian


31
32
Gawain 1: Hanap-Salita!

Sa tulong ng Crossword Puzzle ay kompletuhin ang mga nakatagong letra para


makabuo ng salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pababa: 1. Maayos na pagdedesisyon ng isang tao.
2. Kayamanang maipamamana ng magulang.
Pahalang: 3. Nagpatatatag ng ugnayan ng tao sa Panginoon.
1. 2.
P E

3. P K

P N N M L A Y A

Y N

Gawain 2: Punto Ko, Suriin Mo!

Suriing mabuti ang larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong. 33


Iginuhit ni: Alim V. Eviota
Gabay na tanong:
1. Ano ang mga banta sa pamilya sa pagbibigay ng maayos na edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog sa pananampalataya ang ipinakita sa larawan?

2. Ano ang magiging epekto sa sarili kung mapagtatagumpayan ang mga bantang nakikita sa
larawan?

Matapos mong matutunan sa nakaraang modyul ang mga gawi o karanasan sa sariling
pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog sa
pananampalataya, ngayon ihanda ang sarili sa bagong aralin. Maligayang pag-aaral sa iyo!
Likas sa pamilyang Pilipino ang pagiging masayahin at matatag sa pagharap ng kabilaang
mga pagsubok sa buhay. Ang pamilya sa modernong panahon ay patuloy na humaharap sa
mga banta sa pag-abot ng kani-kanilang mga hangarin para sa kaunlaran ng sarili, kapuwa at
lipunan. Sumasabay sa panahon ang pagdami ng mga bantang dapat mapagtagumpayan ng
pamilya.

Kung babalikan ang larawan sa bahaging Tuklasin makikita na handang umagapay ang
magulang sa pagbibigay sa anak ng tamang edukasyon, paggabay sa mga desisyong gagawin at
paghubog sa pananampalataya sa kabila ng napakaraming pagsubok at banta sa pamilya.
Ang banta sa pamilya ay nararapat na masolusyonan at malagpasan upang maging handa
sa pagkamit ng tunay na tunguhin at kapanatagang loob bilang tao.

Ang sumusunod ay mga banta sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at


paghubog sa pananampalataya.
1. Pagbibigay ng Edukasyon

Edukasyon ang natatanging kayamanang maipamamana ng magulang sa kaniyang mga


anak at magsisilbing kayamanan na babaunin habang buhay. Ang pagbibigay ng edukasyon ay
isang pinakamahalagang tungkulin na kailangang mapanagutan ng magulang. Karapatan ng
isang bata na magkaroon ng tamang edukasyon. Sa kabilang dako kailangan din ng magulang
ang sapat na kaalaman upang makapagbahagi ng natutunan, ito ang dahilan kung bakit ang mga
magulang ang pangunahing guro ng mga anak sa tahanan.

Ngunit may banta sa pagbibigay ng edukasyon sa mga anak: a.) Kahirapan

Ito ang pinakamabigat na problemang nararanasan ng isang pamilya, dahil dito


napipilitan ang mga magulang na pahintuin sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Paano
nga ba mabigyang solusyon ang problemang ito? Kalimitan ang ginagawa ng magulang ay
ang pagtatrabaho ng lampas sa oras, minsan ay tumutulong din ang mga anak sa
pagtatrabaho upang may magagamit sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Malalampasan ito kung may pagkakaisa at pagtutulungan, nang sa gayon ay
magbunga ang pagsasakripisyo ng pamilya. Kapag nakapagtapos ang isang34miyembro ng
pamilya ay nadaragdagan ang pag-asang maiangat ang estado ng pamumuhay.

b.) Impluwensiya ng Kaibigan

Isa ito sa mga salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng isang bata na maaaring positibo
o negatibo. Ang kaibigan ay may matinding impluwensiya sa ating gawi o kilos at maging sa
buong pagkatao. Hangga’t maaari umiwas sa mga kamag-aral at kaibigang mahilig mag-
cutting classes, bisyoso, lulong sa online games at iba pa. Ang bisyo ay bagay na nagpapakita
ng katuwaan lamang ngunit nang maumpisahan ay ayaw nang tigilan na tila ba kapag hindi
ito nagawa ay hindi na buo ang araw at magdudulot ng hindi maganda tulad ng pagkalimot sa
responsibilidad.

Pumili ng mga kaibigang katuwang sa pag-abot ng mga pangarap hindi yaong


kaibigang magdadala sa kasamaan. Siguraduhing ang kaibigan ay may pangarap sa buhay,
may mabubuting hangarin para sa sarili at kapuwa, may pagmamalasakit at higit sa lahat may
pananalig sa Maykapal.

c.) Diskriminasyon sa lahi

Karamihan sa mga magulang ay nahihirapan sa pagbibigay ng sapat na edukasyon sa


kanilang mga anak dahil sa diskriminasyong nararasan sa lipunan. Ito ay dahil sa uri ng
kanilang kulturang kinamulatan, halimbawa nito ang mga batang kabilang sa etnikong
pangkat na nakararanas ng pamumuna, pambabastos, pagpapakita ng larawan o kilos na
nakaiinsulto at panliliit na naging dahilan kung bakit ang mga kabataang ito ay
nababahalang pumasok kahit na gustuhin man nilang magkaroon ng edukasyon ay
nangingibabaw ang takot na mapahiya at madiskrimina.

d.) Pag-usbong ng Teknolohiya

Sa makabagong panahon ay malaki ang naitutulong ng mga makabagong


teknolohiya sa pagtamo ng wastong edukasyon. Ito ang nagsisilbing hanguan ng mga
mahahalagang impormasyon na nagpapaunlad ng kaalaman, kasanayan at kakayahan ng
isang tao. Bagamat minsan sa labis na paggamit ng teknolohiya sa silid-aralan ay malinaw
na may negatibong epekto sa proseso ng pag-aaral ng mga bata. Halimbawa nito ay
plagiarism o pangongopya kung saan ang bata ay kumukuha lamang ng ideya sa internet na
hindi ginagamit ang kritikal na pag-iisip, minsan din ay masyadong nalilibang ang bata
sa paggamit ng teknolohiya upang makapaglaro at pagbababad sa social media sites na
nailalagay sa alanganin ang pang-akademikong gawain. Kung kaya nararapat na
magabayan ng magulang ang mga bata sa paggamit ng teknolohiya upang ito ay hindi
magiging banta sa pagkamit ng maayos na edukasyon.
2. Paggabay sa Pagpapasiya

Mahalagang mabigyan ng wastong paggabay sa pagpapasiya ang mga anak upang


makagawa ng desisyong hindi pagsisihan sa bandang huli. Bilang magulang ay huwag pangunahan
at gumawa ng desisyong hindi isinasangguni sa anak bagkus dapat gabayan ng magulang ang mga
anak na malinang ang pagiging mahinahon, matalino, masusi sa paggawa ng tamang desisyon.
Dapat malinaw sa kanila na ang positibong pagbabago sa buhay ay nagsisimula sa isang malinaw
na pagpapasiya. Anuman ang bunga ng pagpapasiya ay ikaw at ikaw lang din ang may pananagutan
at hindi mo puwedeng isisi sa ibang tao.
Bagama’t may mga banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak. Ilan sa mga
ito ay ang sumusunod:

a.) Labis na pagmamahal ng magulang (spoiling children)

Ang sobrang pagmamahal sa anak ay hindi nakatutulong sa paggawa 35 ng sariling


desisyon kung kaya pagdating nang araw ay nahihirapan itong lutasin ang sariling
problema dala ng kanilang maling pagpapasiya o kaya ito ay nagiging dahilan kung bakit
ang isang bata ay halos nakadepende sa desisyon ng magulang at hindi napapanagutan
ang kaniyang responsibilidad bilang tao.

b.) Kawalan ng sapat na oras sa mga anak

Ang kakulangan ng oras ay kakulangan ng paggabay sa mga anak. Kung kaya


minsan ang mga bata ay nakabubuo ng maling pagpapasiya batay sa kanilang natutunan sa
iba na kadalasan ay hindi makatutulong sa pagkakaroon ng maayos na desisyon at sa
pagkakataong ito ay mahihirapan na ang magulang sa pagtuturo ng mga tamang
kasanayang kinakilangan sa pagpapasiya.

Ang paglalaan ng oras para sa pamilya ay malaki ang naitutulong sa paggabay sa


anak tungo sa maayos na kinabukasan. Kaugnay nito, ang oras ang pinakamahalagang
regalong maibibigay sa mga anak na makatutulong sa paggawa ng maayos at wastong
pansariling desisyon.

c.) Teknolohiya

Ang kaunlarang teknolohikal ay mas nagpapadali sa pagkuha ng impormasyon


at paggawa ng anumang bagay ngunit minsan ay hindi makatutulong sa pagkaroon ng
magandang pagpapasiya lalong-lalo na sa mga bata. Hindi nahihikayat ang mga batang
mag-isip ng mabuti at pagsasaalang-alang sa mga bagay bago bumuo ng desisyon.
Halimbawa, kung nagagalit ang isang bata ay agad nagpahayag ng saloobin sa social
media ng hindi man lang nag-iisip kung may matatapakan at masasaktan sa kaniyang
ginawang kilos o pagpapasiya.
Ang teknolohiya ay hindi magiging banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak
kung maituturo ng magulang ang wasto at tamang paggamit nito. Maglaan ng limitasyon
sa oras nang paggamit ng teknolohiya.

3. Paghubog ng Pananampalataya

Ang pananalig sa katuruan ng isang relihiyon ay isang paraan sa paglinang ng


pananampalataya. Kakambal nito ang paniniwala na sa tulong, gabay at pag-ibig ng Panginoon
makakaya at malalagpasan ang bawat pagsubok na darating. Sa madaling salita ay nagkakaroon
ng pag-asa ang isang tao.
Ang magulang ang pangunahing tagahubog sa pananampalataya ng anak upang
malinang ang mga birtud na kailangan upang maging isang mabuting mamamayan na may
takot sa Panginoon. Ngunit ang pagtuturo ay hindi madali dahil sa mga banta sa paghubog
ng pananampalataya sa pamilya. Ito ay ang sumusunod:

a.) Kultura

Ipinapakita sa kultura ang pagkakakilanlan ng isang tao. May mga panahong


nagiging banta ito sa paghubog ng pananampalataya dahil sa paglaganap ng maraming
relihiyon sa mundo na kung saan ang mga tao ay nagkaroon ng iba’t ibang pananaw at
paniniwala tungkol sa pananampalataya. Halimbawa, may magkasintahan na magkaiba
ang relihiyon at naiimpluwensiyahan ang paniniwala ng isa na taliwas naman sa kulturang
kinagisnan at itinuro sa kaniya ng kaniyang magulang.

b.) Oras

Ang kakulangan sa oras ay isa sa mga banta sa paghubog ng pananampalataya,


kung nawawalan ng oras ang magulang upang sama- samang manalangin at
makapagmuni-muni ay hindi makikita at maisasabuhay ng mga anak ang 36 kahalagahan
ng pananampalataya, gayunpaman kapag naisabuhay ito magiging mas malapit sa isa’t isa
at mas titibay ang ugnayan ng buong pamilya.

c.) Teknolohiya

Napakalaking impluwensiya ang naidudulot ng teknolohiya sa


paghubog ng pananampalataya ng isang tao. Kinakailangang maging pamilyar ang
mga magulang sa mga banta ng teknolohiya upang mailayo ang mga anak sa negatibong
epekto nito tungo sa paghubog ng pananampalataya.

Halimbawa, karamihan sa mga kabataan ngayon paggising pa lang sa umaga ay


selpon na ang agad ang inuuna na dapat sana ay manalangin o magpasalamat muna sa
Panginoon. Sa halip na ang atensiyon ay nakatuon sa paglinang ng pananampalataya ay
napupunta ito sa pagbababad sa social networking sites.
Nararapat na maituro ang kahalagahan ng pananampalataya nang sa gayon mahubog at
mapaunlad ang samahan ng pamilya. Ayain ang miyembro ng pamilya na magsimba at
magdasal.

Ang mga bantang ito ay maaring magdulot ng masamang epekto sa bawat miyembro
ngunit kung ang bawat isa sa pamilya ay may sapat na edukasyon nagagawa nitong igalang
ang pasiya ng isa’t isa upang mapaunlad ang pananampalataya. Kailangang
mapagtagumpayan ang mga bantang ito sa pamilya upang maisabuhay ang mga gawi at
mapagtagumpayan ang mga pagsubok na kahaharapin sa buhay.

Gawain 3: Suri-Larawan!

Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Larawan A Larawan B

37

Iginuhit ni: Alim V. Eviota Larawan C

1. Ano ang ipinapahiwatig sa bawat larawan?


a) Larawan A
b) Larawan B
c) Larawan C

2. Ano-ano ang mga banta na kinahaharap ng bawat tauhan sa larawan?

Gawain 4: Suri-Sitwasyon!

Suriin at patunayan ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang PE kung nagpapakita ng


banta sa pagbibigay edukasyon, PP naman kung banta sa paggabay sa pagpapasiya at PM kung
banta sa pananampalataya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Magkaibigan sina Jestoni at Jeaniffer, magkaiba ang kanilang paniniwala ngunit magkapareho
ng hilig. Isang araw, naisip ni Jeaniffer na mag-cutting classes dahil umano sa bubuksang
mall sa kabayanan, niyaya niya si Jestoni ngunit tumangging sumama dahil may proyekto na
tatapusin. Sa huli, sumama rin ito dahil sa pangungulit ng kaibigan. Gabi na nang makauwi
ang magkaibigan at agad nakatulog sa sobrang pagod. Nang pumasok sila kinabukasan ay
nakita ni Jestoni na kinokolekta na ng guro ang proyektong hindi niya nagawa.

Sagot:
Patunay:

2. Abalang-abala sa negosyo ang mag-asawang Dela Saturna, maaga kung umalis ng bahay at
hating-gabi na kung makauwi, maging ang sama-samang pananalangin at pagsisimba ay
nakakaligtaan ng gawin. Ito ang dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang mga anak sa
kahalagahan ng pananampalatayang dating itinuro ng magulang.

Sagot:
Patunay:

3. Mahilig sa pagsusulat si Reymundo kaya gusto nitong maging isang tanyag na manunulat,
ngunit pinipigilan siya ng ina na gawin ang gusto nito at pinapahanap ng trabahong may
malaking sahod. Sa pagpupumilit ng ina ay nagkaroon ng depresyon ang anak na naging
dahilan kung bakit hindi niya magawa nang maayos ang trabaho at humantong sa
pagkasesante.

Sagot:
Patunay:

Pamantayan sa Pagmamarka:

10puntos-Kompletong nabigyan ng angkop na patunay ang tatlong sitwasyon. 7 puntos -


Dalawang sitwasyon lang ang nabigyan ng angkop na patunay.
5 puntos -Isang sitwasyon lang ang nabigyan ng angkop na patunay.
38
Gawain 5: Suri-Opinyon!
Suriin at ibigay ang iyong sariling opinyon hinggil sa salaysay na nasa kahon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Lumaki sa mahirap na pamilya si Cassey, namulat sa katotohanang kapag
mahirap ka ay malimit lang ang opportunidad na maiangat ang estado ng pamumuhay.
Ngunit alam din niyang hindi ito hadlang sa pagkamit ng mga pangarap, ginawa
niyang inspirasyon ang kahirapan upang ipagpatuloy ang buhay. Sinabi nito sa sarili
na, mangarap ka hindi lamang para sa sarili kung hindi para sa pamilya mo.

Pangunahing ideya:
Ang aking opinyon:

2. May sekretong ibinahagi si Mickey kay Geil. Isang araw nagkasamaan ng loob ang
dalawa at sa sobrang galit ay nag-post si Geil tungkol sa katauhan ng kaibigan. Hindi niya
inisip na maaaring mapahiya at malait si Mickey ng mga makababasa nito. Dahil dito naging
tampulan ng tukso si Mickey hanggang sa nagpasiya itong kalimutan ang pinagsamahan at
tumigil na sa pag-aaral. Lubos na pinagsisihan ni Geil ang kaniyang ginawang kilos.

Pangunahing ideya:
Ang aking opinyon:

3. Ang magkaibigang Shaira at Shane ay malapit sa isa’t isa at magkasama sa


lahat ng oras. Naging malapit din si Shane sa magulang ng kaibigan at anumang
pagtitipon ng pamilya ay iniimbitahan siya, maging sa paglilingkod sa simbahan. Dahil
dito nabago ang kaniyang pananaw hinggil sa pananampalatayang kinalakihan.

Pangunahing ideya:
Ang aking opinyon:
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Lahat ng salaysay Dalawang salaysay Isang salaysay
talata ay nabigyan ng ang nabigyan ng ang nabigyan ng
ideya at opinyon ideya at opinyon ideya at opinyon
nang may nang may nang may
kahusayan. kahusayan. kahusayan

Gawain 6: Sampayan ng Karunungan!

Ibigay ang mga banta sa pamilya sa pagbibigay ng maayos na edukasyon, paggabay sa


pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

39
Banta sa
Pamilyang
Pilipino

EDUKASYON PAGPAPASIYA PANANAMPALATAYA

Sa mga naitalang banta sa pamilya, paano mo ito maiiwasan o malalagpasan?

Pamantayan sa Pagmamarka:
10 puntos - Kompletong nasagot ang tatlong misyon na may tamang ideya.
7 puntos - Dalawang misyon lang ang nasagot na may tamang ideya.
5 puntos - Isang misyon lang ang nasagot na may tamang ideya.
3 puntos - May naisulat na sagot pero malayo ang mga ideya.

Gawain 7: Sulat-Talahanayan!
Suriin ang sariling estado upang malaman kung anong banta ng pamilya ang inyong
nararanasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sanhi Epekto Solusyon

Edukasyon

40

Paggalang sa
Pasiya
Pananampalataya

Batayan sa Pagwawasto:
10 puntos - Kompletong napunan ang lahat na talahanayan ng tamang sagot.
7 puntos - May dalawang hanay lamang ang napunan ng tamang sagot.
5 puntos -Isang hanay lang ang napunan ng tamang sagot.

Panghuling Pagtataya: Pagpipilian

41
42
Aralin 1.5: Naipapaliwanag na bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na
bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at
hubugin sa pananampalataya.

Pinagkalooban ng Panginoon ang magulang ng anak. Ito ay regalong maituturing ngunit


kaakibat nito ang pananagutan ng magulang na dapat magampanan sa pagpapalaki sa kaniyang
anak. Kabilang na rito ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng damit,
pagkain, tahanan, pagtuturo ng magagandang asal, pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasya, paghubog sa pananampalataya at iba pa. Iba-iba man ang pamilyang
pinanggagalingan at maging ang kaparaanan ng mga magulang sa pagtugon sa kaniyang
pananagutan sa anak, tiyak sinisikap ng bawat magulang na magampanan ito alang-alang sa
ikabubuti at magandang kinabukasan ng anak.

“Edukasyon ang tanging pamana ng magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.”

-Anonymous
Paunang Pagtataya: Pagpipilian

43
44
Balikan
45
May inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang
pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.
Gawain 1: Tama o Mali!

Suriing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay
tama at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kahirapan ay ang kalimitang banta sa mga magulang na hindi napapaaral ang anak.
2. Ang magulang ang pangunahing tagahubog sa pananampalataya ng anak.

3. Ang pagkalulong sa bisyo ay nakatutulong sa pag-aaral ng anak.

4. Ang krisis sa pamilya ay banta sa pananampalataya.

5. Malaki ang ginagampanang papel ng kaibigan sa pagpapasiya ng anak.

Tuklasin
Handa ka na bang matuto? Sige, simulan mo na. Tiyaking masasagutan mo ang lahat ng
mga inihandang gawain para sa iyo.
Gawain 2: Grapiko ng Pananagutan!

Sa tulong ng graphic organizer, magtala ng tatlong pananagutan o tungkulin ng magulang


sa kanilang mga anak. Pagkatapos, sagutan ang gabay na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Pananagutan
o tungkulin
ng aking
magulang

Te
xt

Gabay na Tanong:
1. Para sa iyo, nagampanan ba ng iyong magulang ang nabanggit mong mga pananagutan o
tungkulin?
2. Bakit mahalagang magampanan ng magulang ang kaniyang mga pananagutan sa anak?
Matapos mong matutunan sa nakaraang modyul ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya, ngayon
ihanda ang sarili sa bagong aralin.

Ang anak ay itinuturing na regalong kaloob ng Panginoon sa isang magulang. Ngunit


46
kaakibat na regalong ito ay ang pananagutan ng mga magulang sa tamang pagpapalaki ng anak.
Habang nasa sinapupunan pa ang isang bata ay responsibilidad ng mga magulang na
maisilang ito, magkaroon ng pangalan, nasyonalidad at maibigay ang mga pangunahing
pangangailangan.

Isa sa pangunahing pangangailan ng anak ay ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon.


Bilang isang mapanagutang magulang, pinagsusumikapan niyang maibigay ang wastong
pangangailangang pangkaalaman na maaaring matutunan sa labas at loob ng paaralan. Kabilang
na rito ang paglinang ng aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal upang maging
isang kapaki-pakinabang na mamamayan sa lipunang ginagalawan. Ang edukasyon din ang
tanging maipamamana ng magulang sa anak na kailanman ay hindi mananakaw ninuman na
magsisilbing matibay na pundasyon tungo sa magandang kinabukasan.

Ang pagbibigay ng edukasyon ay bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga


magulang sa anak sa kadahilanang: ito ang paraan sa pagkamit ng kaalaman, halaga, kasanayan,
paniniwala, gawi sa moral, kompyansa sa sarili, kakayahan sa paghusga sa mabuti o masama.
Maging sa kakayahang lumaban sa kawalan ng katarungan, karahasan, katiwalian, pagkakaroon ng
mas mahusay na moral at etikal na pagpapahalaga at mataas na antas ng kamalayan sa tungkulin at
karapatan sa pamilya, lipunan at bansa.

Napabubuti rin ang paraan ng pamumuhay, katayuan sa lipunan at pang- ekonomiya,


napapalawak ang pagtingin at pananaw, pagkamit ng pangarap, pagkakaroon ng maayos at
mapayapang buhay.

Sa madaling sabi, malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa moderno at


industriyalisadong lipunan kung kaya kinakailangan ng tao ang maayos na edukasyon upang
mabuhay sa mapaghamong mundo. Ika nga ang edukadong tao na may mahusay na edukasyon ay
naging mabuting mamamayan sa lipunan.

Ang paggabay ng magulang sa bawat pagpapasiya ng anak ay isa rin sa kanilang


tungkulin. Kung mali ang pagpapasiya ng anak, maaaring pagsisisi ang magiging kahihinatnan
nito. Ang paggabay ng magulang sa pagpapasiya ay nakakatulong para maging matalino, may
paninindigan at responsable sa anumanang desisyon ng anak. Itinuro nila na sa gagawing
pagpapasya ay dapat makapitong isipin kung ito ba ay makabubuti o hindi.
Bukod sa paggabay ng magulang ay kinakailangang mahubog ang pananampalataya ng
anak. Dapat maipamalas na ang Panginoon ang sentro ng kanilang buhay sa pamamagitan ng
pananampalataya na makapagpapatibay sa samahan ng bawat kasapi ng pamilya. Kung lumaki
ang anak na nakasentro ang buhay sa Panginoon, tiyak maging isang mabuting tao siya sa
pamilya, sa kapuwa at sa lipunan.

Ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasya, at


paghubog ng pananampalataya ay mga pangunahing pangangailangan ng isang anak. Kung
susuriin mo ang bahaging Tuklasin at nagampanan ng iyong mga magulang ang nabanggit
mong mga pananagutan at tungkulin, ma-swerte ka sapagkat sinisikap ng iyong mga magulang
ang lahat ng kanilang makakaya upang matugunan at maibigay ang lahat ng iyong pangangailan.

Gawain 3: Sagot Mo, Pangatwiranan Mo!

Ipaliwanag ang bawat pananagutan ng magulang sa anak sa isang talata at isaayos ito
batay sa sariling pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagbibigay ng maayos na edukasyon


Paggabay sa pagpapasiya
Paghubog sa pananampalataya
47
Pananagutan ng Magulang sa Anak

Rubrik sa Pangangatwiran

Nangangailangan ng
Pamantayan Napakahusay Mahusay
Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Nakasusulat ng Nakasusulat ng Nakasusulat ng
tamang tamang tamang
Nilalaman
pangangatwiran pangangatwiran pangangatwiran
ng Talata
hinggil sa tatlong hinggil sa dalawang hinggil sa isang
pananagutan ng pananagutan ng pananagutan ng
magulang sa anak magulang sa anak magulang sa anak

Gawain 4: Kasabihan Ko, Interpretasyon Mo!

Ipaliwanag ang iyong sariling interpretasyon kaugnay ng kasabihan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Kasabihan Pagpapaliwanag
Pagbibigay ng maayos na edukasyon

Wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay


susi sa magandang kinabukasan.

-Anonymous

Paghubog ng pananampalataya

Sa oras ng problema at kaginhawaan,


pananampalataya sa Panginoon ang
kakapitan
-Anonymous
Paggabay sa pagpapasiya

Ang mabuting pagpapasiya, 48


Nadadala maging sa pagtanda.
-Anonymous

Rubrik sa Pagsulat ng Interpretasyon sa Kasabihan


Nangangailangan ng
Pamantayan Napakahusay Mahusay
Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Lahat ng Mayroong dalawang Mayroong isang
kasabihan ay kasabihan ang kasabihan ang
Nilalaman nabigyang ng nabigyan ng tamang nabigyan ng tamang
tamang interpretasyon interpretasyon
interpretasyon
Gawain 5: Pag-unawa sa Teksto!
Unawaing mabuti ang teksto pagkatapos sagutin ang katanungan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Si Anna ay nag-iisang anak ng mag-asawang negosyante. Nakapag-aral siya sa pribadong


paaralan, nakapasyal sa mga malalayo at magagandang lugar, nakabibili ng mamahaling
gamit at nakakain ng mamahalin at masasarap na pagkain. Sa madaling salita, naibigay ng
magulang ang marangyang buhay kay Ana.

Isang araw sa kanilang pamamasyal ay naaksidente ang kaniyang ama. Labis ang natamong
pinsala nito na kinakailangan ng matagalang gamutan. Dahil dito, unti-unting ipinagbili ang
kanilang mga ari-arian para sa pagpapagamot ng kaniyang ama. Bunga rin nito, napabayaan
ang kanilang negosyo dahilan ng pagkalugi nito.

Hindi na makayanan ng kaniyang ina na pagsabayin ang pagpapagamot ng asawa at


pagpapaaral kay Anna. Kaya nagdesisyon ang kaniyang ina na huminto na muna siya sa kaniyang
pag-aaral.

1. Sa tingin mo, pinapahalagahan ba ng ina ni Anna ang pagbibigay edukasyon sa kaniyang anak?
Pangatwiranan.

2. Kung ikaw si Ana, ano ang maaari mong gawin para makapagpatuloy ng pag- aaral sa kabila
ng problemang kinakaharap ng pamilya?

Rubrik sa Gawaing Pag-unawa sa Teksto

Nangangailangan ng
Pamantayan Napakahusay Mahusay
Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Lahat ng tanong ay Mayroong dalawang Mayroong isang
nabigyang ng tanong na nabigyan tanong na nabigyan
Nilalaman tamang sagot ng sagot ngunit may ng tamang sagot
kakulangan sa ideya

Gawain 6: Buod-Larawan!
Bumuo ng buod sa pamamagitan ng pagsasalarawan ng pangkalahatang kaisipan sa
aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

49
Iginuhit ni: Alim V. Eviota

Rubrik sa Pagsulat ng Buod

Nangangailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay
ng Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Nilalaman Ang mensahe ay Di-gaanong Medyo magulo
mabisang naipakita ang ang mensahe.
naipakita. mensahe.

Kaangkupan sa May malaking Di-gaanong may Kaunti lang ang


paksa kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa paksa
paksa ang paksa ang ang ginawang buod
ginawang buod ginawang buod

Kabuoang Puntos = 20

Scaffold for Transfer 1: Makapagsaliksik/makapagsangguni sa mga medical practitioners o sa


mga maaasahang mapagkukunan ng impormasyon hinggil sa mga
simpleng hakbang upang makatulong sa pagbagal ng pagkalat ng sakit
na coronavirus at protektahan ang ating mga sarili, ang ating mga
pamilya, at ang ating mga komunidad:

Narito ang ilang mga paraan upang ikaw at ang iyong pamilya ay makatulong upang mapabagal ang
pagkalat ng sakit na coronavirus.

Ang mga hakbang:


1. Magpabakuna ng COVID-19 vaccine
2. Maghugas ng iyong mga kamay ng madalas gamit ang simpleng sabon at tubig.
3. Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang mask kapag nasa paligid ng iba.
4. Iwasan ang maraming tao at magsanay na may pagitan sa karamihan (di bababa sa 6 na
talampakan ang layo mula sa iba)
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/tumulong-upang-mapahinto-ang-pagkalat-ng-coronavirus-
protektahan-ang-iyong-pamilya

Rubriks sa Pagsaliksik/Pagsangguni
Pamantayan Puntos
Malinaw na nailahad ang kaisipan batay sa 10 puntos 50
pagsangguni ng mga datos na natutunan
mula sa medical experts
Malinis na nasulat ang nasaliksik at 5 puntos
gumamit ng mga wastong bantos
Kabuuan

Panghuling Pagtataya: Pagpipilian


51
52
Aralin 1.6 : Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag–aaral
at pagsasabuhay ng pananampalataya ng pamilya.

Ang pananampalataya ay nagsisilbing ilaw sa pagkakaroon ng matibay na samahan ng


isang pamilya. Patnubay ito sa pagtupad ng mga tungkulin o gampanin sa ating buhay.
Napapatatag at nabibigyan ng tiyak na pag–asa ang pamilya sa pagharap sa mga hamon ng
buhay.
Kaakibat nito, ang pagiging mulat sa mga wastong gawi at pamamaraan para malapatan ng
angkop na kilos ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.

Balikan

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na
may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati
na kita.
Gawain 1: Kahon ng Pananagutan!
53
Isa-isahin ang mga pananagutan ng magulang sa kaniyang anak. Isulat ang sagot sa bawat
kahon, gamit ang sarili mong sagutang papel.
Mga Pananagutan ng
magulang sa
kaniyang anak

Tuklasin

Gawain 2: Kwento Ko, Tunghayan Mo!

Basahin ang kwento at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Ang buhay ay parang isang sistematikong proseso sa pagpapakinang ng isang diyamante na


kailangang pakinisin nang maraming beses upang kumintab ito.

Mabait, matulungin, maaasahan at may matibay na pananalig sa Panginoon. Lahat ng


katangiang ipinapanalangin ng magulang para sa anak ay nasa kay Kenneth. Isa siyang hulog
ng langit sa kaniyang magulang. Lumaki sa simpleng pamumuhay na dala-dala ang aral na
gawing sentro ng buhay ang Panginoon. Nagkasakit ang kaniyang ama, kaya napilitan itong
tumigil sa pag-aaral at nakipagsapalaran sa Maynila. Humarap sa maraming pagsubok na
sumukat sa kaniyang matibay na pananalig sa Maykapal.

Sinubok ng pagkakataon si Kenneth nang natunghayan niya ang isang pangyayari


kung saan hinablot ng masamang lalaki ang bag na naglalaman ng mahalagang dokumento.
Hinabol niya ito at dali-daling nabawi ang bag at isinauli sa may-ari. Dahil sa ipinakitang
kabutihan ni Kenneth ginantimpalaan siya ng pera subalit hindi niya ito tinanggap. Nagpumilit ang
lalaki at sa halip na pera ang ibigay ay nag-alok ito na magtrabaho sa kaniyang kumpanya.
Binigyan siya ng isang pirasong papel na naglalaman ng personal na impormasyon.

Masayang umuwi si Kenneth sa kaniyang tinutuluyan at makailang beses nag-isip kung


tatanggapin ang alok na trabaho. Naisip niya ang kalagayan ng ama kaya hindi siya nag-atubiling
tanggapin ito. Napagamot niya ang kaniyang ama at makalipas ang ilang taon nakapagpundar ng
negosyo at umasenso ang buhay ni Kenneth.

Isa sa mga naging susi sa pag-asenso ng buhay ni Kenneth ay ang pananampalataya at


pagsabuhay ng mga aral ng Diyos at ang katangiang mapagkakatiwalaan na noong una pa ay
nakita na ng kaniyang boss.

Hindi nakalimutang magpasalamat ni Kenneth sa mga biyayang kaniyang natanggap sa


Maykapal. Ang kaniyang pananalig sa Diyos na pinagtitibay ng mga karanasan at pagsubok ay
nagsisilbing pundasyon upang maging matatag sa anumang hamon sa buhay.
54
Gabay na Tanong:
1. Ano ang mensaheng nakapaloob sa maikling kwento?
2. Paano naisagawa ng tauhan sa kuwento ang angkop na kilos sa pagsasabuhay ng kaniyang
pananamplataya?

Suriin

Matapos matutunan sa nakaraang modyul na bukod sa paglalang, may pananagutan


ang mga magulang na bigyan nang maayos na edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa
pagpapasya at hubugin sa pananampalataya, ngayon ihanda ang sarili sa bagong aralin.
Maligayang pag-aaral sa iyo!

Ang pagkatuto sa mga wastong gawi sa pag–aaral at pananampalataya ay nagsisimula sa


pamilya. Sa pagsasabuhay ng mga ito kinakailangan ang maayos na pakikipag–ugnayan. Lubhang
mahalaga ito sa pagkakabuklod ng pamilya upang ito ay maging buo at matatag. Mangyayari
lamang ito kung maisagawa ang mga angkop na kilos sa pag–aaral at pagsasabuhay ng
pananampalataya.

Ano ba ang angkop na kilos upang mapaunlad ang mga gawi sa pag-aaral? Ang
sumusunod ay ang mungkahing kilos sa pagpapaunlad ng gawi sa pag-aaral at pananampalataya.
Sa Pagpapaunlad ng Pag-aaral:

1. Pagtukoy sa istilo ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagkuha ng mga pasulit upang


mabatid ang iyong multiple Intelligence at learning style.
2. Pag-aaral sa komportableng lugar upang magkaroon ng pokus sa pag-aaral.
3. Magtakda ng oras sa pag-aaral araw-araw sa paggawa ng mga proyekto at takdang-
aralin.
4. Pamamahalaan nang maayos ang oras sa pag-aaral at paglilibang upang maisaaalang-
alang ang mental at physical health.
5. Pagtatala sa mga gawain at pag-aaralan ang iba’t ibang asignatura upang maging
sistematiko ang pag-aaral.
6. Bumili at magbasa ng maraming aklat upang mapalawak ang kaalaman sa mga bagay-
bagay.
7. Pagbibigay ng gantimpala sa sarili upang manatili ang kaganyakan na mapag-ibayo
ang hangarin na makamit ang tagumpay.
8. Mangarap para ganahan sa pag-aaral.

Kung maisagawa ang mga angkop na kilos ay uunlad ang gawi sa pag-aaral na
makatutulong upang mapalawak ang kaalaman sa edukasyon at makamit ang tagumpay sa buhay
subalit kahit ano pa ang mararating sa buhay kung wala kang pananampalataya sa Panginoon ay
walang kabuluhan ang lahat.
Ipinaliwanag sa banal na aklat Mga Hebreo 11:1-2 (RTPV05) na “ang pananampalataya
ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan at katiyakan tungkol sa mga bagay na
hindi nakikita. Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa
kaniya.” Kung babalikan ang kuwento ni Kenneth sa bahaging Tuklasin, inilarawan ang matatag
na pananampalataya ng tauhan sa Panginoon. Dumanas ito ng mga pagsubok sa buhay at ang
kaniyang kanlungan ay ang Panginoon sa kaniyang mga panalangin at nagkaroon ng kalutasan
ang kaniyang mga problema. Nais iparating nito na kung ang tao ay may paniniwala at
pagsangguni sa Panginoon ay diringgin nito ang mga dalangin at ipagkakaloob ang biyaya sa tao,
ngunit paano nga ba ganap na maisabuhay ang pananampalataya ng isang tao?

Maaaring mapaunlad ang pananampalataya kung maisakatuparan ang mga ankop na kilos
tulad ng:
1. Pakikiisa sa mga grupo ng mananampalataya 55
2. Pagbabasa at pagbabahagi ng mga salita ng Panginoon sa ibang tao
3. Pagsisimba kasama ang pamilya
4. Pananalangin at pagsangguni sa Panginoon sa lahat ng panahon
5. Pag-aalay bilang pasasalamat sa biyayang natanggap
6. Paglalaan ng 10% sa iyong kita para sa Panginoon
7. Pagsunod at pagsabuhay sa dakilang utos ng Panginoon
8. Paghingi ng kapatawaran sa bawat pagkakasala.
Sa totoong buhay mahirap ang pagsunod at pagsasabuhay dahil natural na makasalanan
ang tao ngunit nabibigyan ito ng pagkakataon na maitama ang pagkakamali sa pamamagitan
ng pagsunod at pagsasagawa ng angkop na kilos na magpapaunlad ng relasyon ng tao sa
Panginoon na sa bandang huli ay magbibigay ng katiwasayan sa buhay.

Kaibigan, isapuso at isabuhay mo ang natutunan mula sa unang aralin hanggang sa


aralin na ito na magsilbing pundasyon mo sa mabuting pakikitungo sa pamilya, sa kapuwa at
maging sa lipunang ginagalawan.

Katapusan ng gawaing Pagtuklas

Gawain 3. Kung ako, Siya!


Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Unang sitwasyon.

Isa sa mga naging susi sa pag-asenso ng buhay ni Kenneth ay ang pananampalataya at


pagsabuhay ng aral ng Diyos at ang katangiang mapagkakatiwalaan na noong una pa ay nakita
na ng kaniyang boss.

1. Kung ikaw si Kenneth, paano mo mapagtagumpayan ang iyong mithiin sa buhay?

Pangalawang sitwasyon.
Nagkasakit ang kaniyang ama, kaya napilitan itong tumigil sa pag-aaral at
nakipagsapalaran sa Maynila. Humarap sa maraming pagsubok na sumukat sa kaniyang
matibay na pananalig sa Maykapal.
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng pangunahing tauhan, ano ang iyong gagawin upang
malagpasan ang pagsubok sa buhay? Ipagpatuloy mo ba ang iyong pag-aaral? Bakit?
Rubrik sa Gawaing Kung Ako, Siya

Nangangailangan ng
Napakahusay Mahusay
Pamantayan Pag-unlad
(10 puntos) (8 puntos)
(5 puntos)
Lahat ng tanong ay Mayroong dalawang Mayroong isang
nabigyang ng tamang tanong na nabigyan ng tanong na nabigyan
Nilalaman
pagpapaliwanag pagpapaliwanag ng tamang
ngunit may pagpapaliwanag
kakulangan sa ideya

Gawain 4: Grapes Sharing


Gamit ang Grapes Sharing Organizer itala ang mga isinagawang kilos sa
pagpapaunlad ng pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

56
Kilos sa
Pagpapaunlad ng
Pag-aaral

Kilos sa Pagsasabuhay ng Pananampalataya sa Pamilya.

Gawain 5. I-akrostik Mo!


Gamit ang akrostik isulat ang mga isasagawang kilos upang mapaunlad ang pagsasabuhay
ng pananampalataya sa sarili at pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

P 57

N
A

Rubrik sa pagsulat ng akrostik


Napakahusay Mahusay Nangangailangan
Pamantayan (15 puntos) (10 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Lahat ng letra ay Mayroong 5 letra na Mayroong 10 na
Akrostik nabigyang hindi naglalarawan letra na hindi
kahulugan na sa pagsasabuhay ng naglalarawan sa
naglalarawan sa pananampalataya sa pagsasabuhay ng
pagsasabuhay ng sarili at pamilya pananampalataya
pananampalataya sa sa sarili at pamilya
sarili at pamilya
58
Gawain 6: Punan – Konsepto!

Punan ng angkop na salita ang talata upang mabuo ang konsepto hinggil sa aralin. Piliin
ang tamang salita sa ulap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
mangahas pagsubok

ningning pananalig
pagkabigo tunay
magtagumpa tumatag
y

Kailangang dumaan sa maraming 1.ng buhay ang tao upang lalong 2. ang loob at tumibay ang
3. sa Diyos. Wika nga, ang mga taong handang 4. na makaranas ng kabiguan sa
buhay ay maaaring 5. nang lubusan. Sa ating mga 6. _________ doon natin
matatagpuan ang 7. _________ na lakas. Nakikita sa kadiliman ang pinakamagandang 8. __________
ng bituin.

Scaffold for Transfer 2: Mailahad ang mga paraan na napabilang sa papel panlipunan at sa
papel pampolitikal base sa impormasyon na nakalap mula sa
maaasahang mapagkukunan ukol sa covid19 health protocols

Sitwasyon: Papel Panlipunan


Taong 2019 nang lumaganap ang sakit o
virus na tinatawag na Covid-19 na patuloy
na namiminsala sa pang-araw-araw na
buhay ng tao saan mang sulok ng mundo.
Sa katunayan maraming buhay na ang
nawala dahil dito. Ngayon bilang kabataan
ano ang iyong magagawa para makatulong
sa pagsugpo ng krisis na kinakaharap at Papel Pampulitikal
patuloy ang pagtaas ng nagpositibo sa sakit
na ito? Ilahad ang mga paraan na
napabilang sa papel panlipunan at sa papel
pampolitikal.

Rubriks sa Paglalahad

Krayterya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi


inaasahan inaasahan nakamit ang nakamit ang
(10 puntos) (8 puntos) inaasahan inaasahan
(3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman Komprehensibo Kumpleto ang May ilang Maraming
ang nilalaman ng nilalaman ng kakulangan sa kakulangan sa
teksto. teksto. Wasto nilalaman ng nilalaman ng
Wasto ang ang lahat ng teksto. May teksto.
lahat ng impormasyon ilang maling
impormasyon impormasyon
Organisasyon Organisado at Malinaw at Hindi Walang
ng mga may malinaw maayos ang masyadong kaayusan
kaisipan na kaisahan paglalahad ng maayos at ang
59
ang daloy ng kaisipan sa malinaw ang paglalahad
paglalahad ng teksto. paglalahad ng ng kaisipan
kaisipan sa kaisipan sa sa teksto.
teksto. teksto.
Kabuuang
Puntos = 20

Panghuling Pagtataya: Pagpipilian


60
61
Aralin 1.7: Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay
sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal).

“No man is an island.” – John Donne.


Isang tanyag na kasabihan na ang hatid na katotohanan ay naglalawig sa sanlibutan.
Walang sinuman ang kayang mamuhay ng mag-isa. Kailangang magkaroon ng pamilyang mag-
aaruga, magtuturo ng wastong gawi, asal at makisalamuha sa kapwa upang mabigyang
kahulugan ang buhay.
Sa bawat karanasang hinaharap ng isang pamilya ay nabibigyan sila ng pagkakataong
malaman ang mga gawaing magpatatatag hindi lamang sa sariling pamilya maging ang
pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Mahalagang makihalubilo sa kapwa nang sa ganoon ay matututo
at mapapaunlad ng bawat kasapi ng pamilya ang pagiging matulungin sa pamayanang
kinabibilangan. Bukod pa rito, dapat ding matutuhan ng pamilya ang mga batas na umiiral sa
lipunang ginagalawan upang magabayan sa mga karapatang nararapat ingatan at isaalang-alang.

“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang
namamatay para sa sarili lamang.”

-sipi mula sa awiting “Pananagutan” ni Eduardo Pardo Honteveros


62
Ngayon, subukin sa Balikan ang natutuhan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka
mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.

Balikan

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na
may lubos kang pagkatuto sa nakaraang aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito. Ngayon pa lang
binabati na kita.
Gawain 1: Taglay ko ito!

Basahin ang mga pahayag na nasa kahon. Isulat ang MK kung ang pahayag ay nagpapakita
ng kilos o gawi na dapat taglayin ng isang pamilyang may maayos na komunikasyon. Isulat
naman ang RM kung ang pahayag ay nagpapakita ng gampaning tinataglay ng isang
responsableng mamamayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Binibigyang halaga ang mga payo ng magulang.


2. Pamilyang sabay-sabay na nagdarasal.
3. Pagiging maligaya sa kaligayahan ng iba.
4. Tulong-tulong sa mga gawaing bahay.
5. Pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan.
6. Pakikilahok sa mga asembleya at pagpupulong sa pamayanan.
7. Nagsasabi ng po at opo sa tuwing sasagot sa mga nakatatanda.
8. Pagiging matapat sa salita at gawa.
9. Pinag-uusapan sa loob ng tahanan ang problemang nararanasan ng bawat isa.
10. Pagpasok nang maaga sa kaniya-kaniyang trabaho ayon sa pamantayan ng gobyerno.

Tuklasin
Gawain 2: Oh Bayan ko!

Basahin at unawaing mabuti ang liriko ng “Mahal Ko Ang Bayan”. Pagnilayan ang mga
gabay na tanong.

Mahal Ko Ang Bayan


Marc Jan M. Maturan

Nakaukit na sa’king palad dugong mapagmahal


Sinusunod ang tama, sa salita at sa gawa Batas ng bayan
sa’king balikat hahawakan Maglilingkod ng tapat sa
mamamayan Ipagtatangol ang nalalamangan
Di magnanakaw, di kukupitan ang kaban ng bayan.

Chorus
Mahal ko ang bayan, bilang Pilipino
Tutuparin sinumpaang tungkulin Dahil
Pilipino ako
Mahal ko ang bayan bilang simpleng tao Susundin
mga alituntunin
Karangalan ko Pilipino ako, mabuting Pilipino.

Sa tahanan, susundin ko ang utos ng magulang


Magmamano kina lolo at lola
Turo ni guro na maging magalang, sa tahanan, paaralan at
maging sa labas man
Di papasok sa anumang bisyo, Nasa isip na 63
mabubuti nilang payo.

Repeat Chorus
Mahal ko ang bayan, maging ang sarili
Ipapakita ko tamang pagka Pilipino Makikiisa
para sa pagbabago Igagalang ko kapwa tao
Ipaiiral marangal na pagka Pilipino.
Mahal ko ang bayan, bilang Pilipino
Tutuparin sinumpaang tungkulin Dahil
Pilipino ako
Mahal ko ang bayang bilang simpleng tao Susundin
mga alituntunin
Karangalan ko Pilipino ako, mabuting Pilipino.

Mahal ko ang bayan, ako’y may karapatan Ang


mabuhay bumuto at magnegosyo Karapatan kong
mananampalataya
Ako’y Pilipino tungkulin kong mahalin, pamilya at bayan ko.
https://www.youtube.com/watch?v=0PDInDV8FK0

Gabay na tanong:

1. Ano ang nais ipahiwatig ng awitin?


2. Paano inilalarawan sa awitin ang pagmamahal sa bayan bilang isang Pilipino?
3. Bilang mag-aaral nagampanan mo ba ang pagiging isang mabuting Pilipino maging sa
loob ng tahanan?
Naramdaman mo ba ang mensahe ng awiting sinulat ni Marc Jan M. Maturan na
pinamagatang “Mahal Ko ang Bayan”? Kung hindi pa ay pahapyaw nating pag- aaralan ang liriko
ng awitin.
Ang awiting ito ay naglalarawan at tumutukoy sa mga magagandang gawain ng isang
mabuting Pilipino. Basahin at damhin ang mensaheng nais ipahiwatig ng komposer sa liriko ng
awitin.

Nakaukit na sa’king palad dugong mapagmahal


Sinusunod ang tama, sa salita at sa gawa Batas ng bayan
sa’king balikat hahawakan Maglilingkod ng tapat sa
mamamayan Ipagtatangol ang nalalamangan
Di magnanakaw, di kukupitan ang kaban ng bayan

Sa bahaging ito ng awitin ay ibinabahagi ng komposer ang sariling karanasan at


obserbasyon kung paano ipinakita ang malasakit sa kapuwa at maging sa bansa bilang kabuuan.
Binigyang-diin sa awitin ang responsibilidad ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan
at pagbabantay sa batas panlipunan gaya na lamang ng nabanggit sa awitin na maging matapat na
mamamayan at hindi pagbubulsa sa pera ng bayan.
Ngunit paano nga ba matutukoy kung ang tao ay nakasusunod o nakatutulong sa
kanyang kapwa o maging sa lipunang kanyang ginagalawan? Mayroon bang batayan kung
paano maipapakita ng tao ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan?
Isa sa pinakadakilang utos ng ating Panginoon ay ang mahalin ang iyong kapuwa gaya
ng pagmamahal sa sarili. Ipinapakita rito kung paano tinutulungan ang sarili na mapabuti,
gayundin dapat ang ipakitang paraan ng pagtulong sa kapuwa. Kailangang bukal ito sa
kalooban ng tao at higit sa lahat hindi isang pagbabalat-kayo lamang.
Maraming paraan kung paano makatulong ang isang tao sa kanyang kapuwa at pamayanan.
Ibig sabihin ang pamilya ay may ginagampanang papel sa lipunan: Una, maaaring sa pagbibigay
ng personal na tulong; tulong moral o pinansyal. Pangalawa, pagsasabuhay 64 ng bayanihan.
Pangatlo ay maging mapagkalinga sa kalikasan ng pamayanang kinasasakupan.
Sa pagbibigay ng tulong sa ating kapwa at pamayanan ay laging tandaan ang aral ng Bibliya
sa aklat ng Mateo 6:1 Ang Salita ng Diyos (SND), “Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao
lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo
tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit”.
Isaisip na ang pagtulong sa kapuwa ay dapat bukal sa kalooban at hindi na kailangang
ipagmayabang upang makaani ng papuri.
Kaakibat ng pagbibigay ng tulong ay ang pangangalaga sa batas panlipunan na
napakahalagang masunod at maprotektahan ng mamamayan. Kung saan ito ay pinapamahalaan
nang mabuti at hindi inaabuso ng taong-bayan.
Kung mayroong papel ang pamilya sa lipunan mayroon din itong pananagutang
pampolitikal. Ang sumusunod ay mga karapatan ng pamilya na dapat isaalang-alang, pangalagaan
at isagawa:
a. Ang karapatang umiiral at magpatuloy bilang pamilya
b. Ang karapatang isakatuparan ang kanyang pananagutan
c. Ang karapatang maging pribado ang buhay
d. Ang karapatan sa pagkakaroon ng bigkis at institusyon ng kasal
e. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito
f. Ang karapatang palakihin ang mga anak
g. Pananampalataya
h. Pagpapahalaga sa kultura at tradisyon
i. Karapatang magtamo ng pisikal
j. Panlipunan
k. Pampolitikal at pang-ekonomiyang seguridad
l. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.

Naintindihan mo ba ang kahalagahan ng pagbibigay tulong sa kapuwa at pamayanan?


Natitiyak kong ngayon ay matutukoy mo na ang mga tiyak na gawain kung paano maipakita ang
pagtulong.

Gawain 3. Tukuyin ang Kawang-gawa

Basahin ang mga sitwasyong nasa kahon. Lagyan ng kung


nagpapahayag ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan. Lagyan ng kung nagsasaad
ng pagbabantay sa batas o institusyong panlipunan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ang pamilyang Santos ay nagbigay ng donasyon sa mga naging apektado ng pagbaha.


2. Nakilahok sa assembly meeting ng barangay si Gina.
3. Ang mga kabataan ay nagboluntaryong sumali sa pagtatanim ng halaman.
4. Ang mga kalalakihan sa barangay Mataas ay nagtutulongan sa paggawa ng
reading center.

5. Tulong-tulong ang lahat sa pag-apula ng apoy sa nasunog na bahay.


6. Ang mag-inang Fe at Marina ay nakikilahok sa clean and green project ng barangay.
7. Binibigyan ni Susan ng tamang edukasyon ang mga anak.
8. Karapatan ng bawat isa ang bumoto tuwing may eleksyon
9. Si Elza ay nag text sa 888 upang masugpo ang karahasan sa trabaho.
10. Karapatan ng bawat sanggol na isilang, mabigyan ng pangalan at maaruga.

Gawain 4: Pansin ko ang liriko!


65
Tukuyin ang liriko ng awiting “Mahal Ko ang Bayan” ang naglalarawan o nagpapakita
ng pagtulong sa kapuwa o pagbabantay sa batas panlipunan. Isulat sa sagutang papel ang iyong ang
sagot.

Nagpapakita ng Pagtulong sa Kapwa, Nagpapakita ng pagbabantay sa batas


Kalikasan at Bayanihan panlipunan
Hal. 'Di ako nagkakalat ng basura sa Hal. Tumawid sa tamang tawiran
lansangan

Gawain 5. Larawan ng Kilos, Suriin Mo!

Tukuyin ang mga gawaing ipinapakita sa larawan. Lagyan ng ( / ) ang sagutang papel kung
ang kilos na isinasaad ay nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan at ( + )
naman kung ito ay nagsasaad ng pagbabantay sa batas o institusyong panlipunan.

Iginuhit ni: Jubell C. Cababat Iginuhit ni: Alim V. Evitota

1 2

Iginuhit ni: Jubell C. Cababat Iginuhit ni: Jubell C. Cababat


3 4

66

Iginuhit ni: Gilbert H. Japay


5
Scaffold for Transfer 3: Makapagsaliksik ng mga hakbang hinggil sa paggawa ng brochure sa
Covid-19 Health Protocols
Ang paggawa ng isang brochure ay maaaring maging isang masayang aktibidad sa isang
maulan na araw, dahil maaari rin itong maging isang mahalagang bahagi ng iyong trabaho. Sa
anumang kaso, maraming mga paraan upang makagawa ng isang polyeto, sa computer man o sa
kamay.

Mga Hakbang

Paraan ng Paggawa ng isang Lumipad sa Kamay

1. Kumuha ng dalawang sheet ng 21 1/2 x 28 cm na papel at tiklupin sa kalahati nang pahalang. Ang


isa sa mga sheet na ito ay ang takip at ang isa pa ay magiging likod ng brochure. Ang dalawang
dahon ay bubuo din ng mga panloob na dahon.

2. Gupitin ang mga butas sa fold ng isa sa mga dahon. Gupitin sa itaas at ibaba. Ang hiwa ay dapat
na hanggang sa 3 cm.
3. I-fold ang isa pang sheet sa kalahati nang patayo. Huwag ibaluktot nang buo, bahagyang lamang,
dahil kakailanganin mo lamang ang liko habang lumilikha ng butas sa liko.
 I-fold ito tulad ng isang mainit na aso.
4. Gumawa ng isang hiwa sa bawat panig. Gawin ang hiwa kung saan ilalagay mo ang iba pang
sheet (ang isa na may mga butas). Ang hiwa ay dapat hanggang sa tatlong sentimetro sa bawat
panig.
5. Pagkasyahin ang unang sheet sa ikalawang hiwa. Ang pinakamahalagang bagay ay upang gawing
akma ang mga butas, dahil hahawakan nila ang mga pahina. Ang mas mahusay na akma, mas
maganda ang hitsura ng iyong brochure.

 Dahan-dahang igulong ang sheet gamit ang mga butas upang maiwasan ang pagkalusot o
pagkawasak kapag umaangkop. Pagulungin nang patayo upang matugunan ang mga sulok.
 Magdagdag ng higit pang mga pahina kung kinakailangan. Ang leaflet sa itaas ay may
walong pahina, na binibilang ang takip at takip sa likod. Maaari kang maglagay ng maraming
mga pahina hangga't gusto mo (gamit ang sentido pang-unawa, dahil hindi maipapayo na
labis na ibagsak ang gitnang butas upang maiwasan itong mapunit).
 I-fold ang isang piraso ng pahalang na pahalang. Mag-drill ng 3 cm hole sa fold sa
magkabilang panig.
 Kunin ang iyong brochure at hanapin ang pahina na may gitnang butas (ang lokasyon ay
depende sa bilang ng mga pahina na mayroon ka).
 Itugma ang iyong bagong pahina sa hiwa, pag-curling ng sheet nang bahagya upang mas
madaling magkasya.
 Gawin ito hanggang sa mayroon kang maraming mga pahina hangga't gusto mo.

https://tl.10steps.org/Fazer-um-Folheto-6343

Rubriks sa Pagsaliksik/Pagsangguni
Pamantayan Puntos
Malinaw na nailahad ang kaisipan batay sa 10 puntos
pagsangguni ng mga datos na natutunan
mula sa medical experts
Malinis na nasulat ang nasaliksik at 5 puntos
gumamit ng mga wastong bantos 67
Kabuuan
Panghuling Pagtataya: Pagpipilian

68
69
Aralin 8: Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng
pamilya.

Bawat indibidwal ay may ginagampanang papel sa buong pamilya na maipalaganap. Ang


pamilya ay may tungkuling nararapat na magampanan sa lipunang ginagalawan, binibigyan
ng suportang moral, material, praktikal, emosyonal at maging ang iba pang pangangailangan ng
bawat miyembro ng pamilya. Pinapahalagahan ng bawat pamilya ang awtoridad ng politika at
panlipunang seguridad.

Ang pagganap na ito ay may kaakibat na angkop na gawaing maaaring panlipunan


at pampulitikal. Paano nga ba natin magagampanan ang gawaing panlipunan at pampolitikal?
Kaibigan, sa modyul na ito masasagot mo ang mga katanungang ito.

“Magsama-sama at lalakas, magwatak-watak at babagsak”


-Anonymous

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na
may lubos kang pagkatuto sa nakaraang aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan!
Ngayon pa lang binabati na kita.

Gawain 1: Daan Ko, Sagot Ko!

Gamit ang graphic organizer, isulat ang gampaning panlipunan at pampolitikal ng isang
pamilya na batay sa kanilang madadaanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

4. Pamahalaan

3. Kalikasan 2. Batas trapiko

70

1. Pamayanan

Tuklasin
Gawain 2: Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya
Panuto: Inihanda ang sarbey upang malaman mo kung nagampanan ng iyong pamilya ang
panlipunan at pampolitikal na papel nito. Isulat ang (√) sa hanay na naisagawa o
hindi naisagawa. Isulat ang sagot sa sagutang papel at pagnilayan ang mga gabay na
tanong.

Sarbey sa Panlipunan at Pampolitikal na Papel ng Pamilya

Pangalan: Edad: Pang-ilang anak ng pamilya:

Katanungan Naisagawa Hindi


Naisagawa
1. Pumupunta sa mga pagpupulong hinggil sa
usaping pangkomunidad.
2. Tumutulong sa paglilinis sa mga kanal ng sariling
komunidad.
3. Paghiwa-hiwalay ng basura sa tamang lalagyan bilang
pagsunod sa Ecological Solid Waste Management Act
of 2000 (RA 9003).
4. Nagpaabot ng tulong sa taong nangangailangan kahit
hindi kakilala.
5. Pagiging volunteer sa Municipal Disaster Risk
Reduction Management (MDRRM), pagtayong lider
sa mga proyektong pangkomunidad.
6. Nananalangin ang bawat pamilya.
7. Napoprotektahan ang sarili/pamilya sa banta ng
mapanirang droga, pornograpiya, bisyo at iba pa.
8. Nagsilbing modelo ang magulang sa pagpapalaki ng
mga anak.
9. Ginagalang at inaalagaan ang matandang kasapi ng
pamilya.
10.Sumasali sa mga programang pambarangay.

Kabuuang Puntos na Nakuha

Interpretasyon sa Puntos na Nakuha

Puntos Mga Pansin

7-10 Kung nakakuha ka ng 7 hanggang 10 sa hanay na naisagawa ay binabati


kita dahil nagampanan ng iyong pamilya ang mga papel panlipunan at
pampolitika.
1-6 Kung nakakuha ka ng 1 hanggang 6 sa hanay na naisagawa ay hindi niyo
gaanong nagamapanan ang mga papel na panlipunan at pampolitikal. 71

Gabay na Tanong:

1. Batay sa sarbey, nagampanan ba ng iyong pamilya ang kanilang papel na panlipunan at


pampolitikal? Ipaliwanag ang implikasyon nito sa pamayanang inyong tinitirhan.

2. Bakit mahalaga ang pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya?


3. Batay sa resulta ng sarbey, ano-ano ang kakulangan ng iyong pamilya sa pagsagawa sa
gampaning panlipunan at pampolitikal?

Suriin
Napatunayan natin ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan
sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay sa pamayanan at pagbabantay sa mga batas
panlipunan. May mga salik na nakaaapekto sa gawi at kilos ng tao hinggil sa isyung panlipunan
at pampolitikal. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga gawaing angkop sa lipunan at politikal
na aspeto ng pamilya.
Kung babalikan ang bahaging Tuklasin ay natataya mo ang sariling pamilya kung
naisasagawa ba o hindi ang mga gampaning panlipunan at pampolitikal. Kung 7 hanggang 10
puntos iyong nakuha sa hanay na naisagawa ay pagsikapang maipagpapatuloy pa ang
pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal samantala, kung 1 hanggang 6 na puntos
naman ay hikayatin ang pamilya na lalo pang magsumikap sa pagganap sa mga papel bilang
mamamayan tulad nalang ng mga sitwasyon sa sarbey na hindi naisagawa ng pamilya.
Tulungan ang bawat miyembro na makasusunod at magagampanan ang tungkuling panlipunan at
pampolitikal. Alalahanin na bawat indibidwal ay may pagkakataong maitama ang kakulangan
upang mas mapaayon ang pamumuhay sa lipunan.
Pinag-aralan natin ang mga tungkuling panlipunan at pampolitikal ng isang pamilya sa
pamamagitan ng pagtupad sa papel sa lipunan (pagiging bukas-palad, pagsusulong ng
bayanihan, at pangangalaga sa kaniyang kapaligiran) at papel pampulitikal – (ang pagbabantay
sa mga batas at mga institusyong panlipunan).
Ayon pa kay Esteban (1989), ang isang pamilya ay isang munting lipunan. Sa loob ng
bahay ay mayroong tagalikha ng batas na pamantayan at mayroon ding tagasunod ng naturang
batas. Halimbawa na lang sa magkakapatid, bawat isa ay mayroong nakatakdang gawaing bahay
na kung hindi nagawa ay maaaring mapagalitan o maparusahan. Bukod sa pagiging ama, ina,
o anak, may iba ring tungkulin sa lipunan gaya ng pagiging responsableng mamayan,
makatao, makakalisan at maka-Diyos na may mahalagang kontribusyon sa kapuwa at kaunlaran
sa lipunan.

Nangangahulugang matagumpay na nagampanan ng pamilya ang kanyang


responsibilidad tulad ng pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa ibang tao sa komunidad
upang makalilikha ng isang responsible at mapagmahal na pamayanan.
Gaya ng ibang bagay, kailangang matutunan ng tao ang pakikipagkapuwa. Maipakikita
ang isang ugaling kanais-nais kung ito’y natutuhan sa loob ng iyong pamilya at pamayanan.
Kung kaya, nararapat lamang na akuin ng pamilya ang paghubog sa isipan ng bawat kasapi
na amging mapagmahal at responsableng mamamayan. Maliban sa paghubog ng pamilya,
bawat indibidwal ay may kaniya-kaniyang paraan na maisagawa ang gampaning panlipunan at
pampolitikal upang panatilihin at paunlarin ang lipunang kaniyang ginagalawan.

Gawain 3: Gawain Mo, Pusuan Mo!


Panuto: Lagyan ng kung ang sitwasyon ay angkop na gawaing72panlipunan at
pampolitikal ng isang pamilya sa panahong ideneklara ang pagpapatupad ng Enhanced
Community Quarantine (ECQ) sa bansang Pilipinas dahil sa COVID-19
Pandemic at kung hindi. Sagutin ang sumusunod na
katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pahayag Tugon
1. Hindi paglabas ng bahay sa oras ng curfew.
2. Pagdaraos ng kaarawan kasama ang mga kasapi ng pamilya.
3. Ipagbigay-alam sa awtoridad ang mga taong may travel history sa mga
lugar na may kaso ng COVID-19.
4. Pagsunod sa mga protocol ng ating pamahalaan
5. Pagbigay ng tulong pinansyal o materyal sa kapitbahay o
nangangailangan.
6. Pag-iiwas ng pagpapakalat ng mga maling balita sa social media.

7. Pagdarasal ng isang pamilya para sa kaligtasan ng mga frontliners at sa


mga taong nagkasakit.
8. Pakikinig sa radyo sa mga sariwang balita hingil sa mga nangyari sa
bansa.
9. Makinabang sa libreng gamot mula sa pamahalaan laban sa COVID 19.

10. Pagsusuot ng face mask at face shield kung sakali may importanteng
puntahan sa labas ng bahay.
11. Pagsunod sa batas trapiko lalong lalo na kung tatawid ng daan
12. Pagsunod sa physical social distancing.
13. Pagdala ng Quarantine Pass kapag lalabas ng bahay para bumili
ng pangangailangan.
14. Paggalang sa mga fronliners na nagbabantay sa mga checkpoint.

15. Pagpopost ng mga impormasyon sa social media tungkol sa


pagsunod ng health protocols.

Kung nakakuha ka ng 15 puntos, sigurado kang protektado ang iyong pamilya sa banta ng
COVID 19. Kung ang iyong mga napusuang mga gawain ay hindi nakaabot sa 15 puntos,
pagsikapang maisagawa ang lahat ng nabanggit sa pang- araw-araw na gawain para mabigyan
ng proteksyon ang iyong sariling pamilya at maisakatuparan ang iyong pananagutang panlipunan
at pampolitikal.

Gawain 4: Suri-Larawan!

Suriin ang mga larawan. Ilahad at ipaliwanag kung ano ang iyong magagawa sa sitwasyong
ipinapakita sa larawan ukol sa papel na panlipunan at pampolitikal. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

73

Iginuhit ni:Jubell Cababat


RUBRIKS SA PAGSUSURI NG LARAWAN
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(10 puntos) (8 puntos) ng Pag-unlad
(6 puntos)
Paglalahad at Nakapaglalahad at Nakapaglalahad ng Nakapaglalahad at
nakapagpapali- nakapagpapaliwa- angkop na kilos na nakapagpapaliwa-
wanag sa nag ng angkop na maaaring maisagawa nag ng hindi angkop
magagawang kilos na maaaring sa ipinakitang na kilos na maaaring
kilos sa maisagawa sa larawan bilang maisagawa sa
ipinakitang ipinakitang larawan pagganap sa papel ipinakitang larawan
larawan ukol sa bilang pagganap sa panlipunan at bilang pagganap sa
papel panlipunan papel panlipunan at pampolitikal papel panlipunan at
at pampolitikal. pampolitikal. bagaman hindi pampolitikal.
masyadong
naipapaliwanag.

Gawain 5: Sitwasyon Ko, Magagawa Mo!

Basahin at unawain ang sitwasyon sa kahon na nagpapakita ng isang gawaing angkop sa


lipunan at pampolitikal na papel ng pamilya. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Nakababahala na ang pagdami ng nagkakalagnat sa barangay kung saan naninirahan


ang pamilya nina Jay. Ang lalong nakatatakot ay may tatlo nang namatay sa mga ito. Napag-
alamang dengue ang dahilan. Para sa kanya malinis naman ang kanilang barangay dahil nasunod
naman ang paalala ng Rural Health Unit (RHU) na search and destroy, self-protection
measures, seek early consultation at say no to indiscriminate fogging o (4S) ngunit may isang
bakanteng lote na may mga basurang nakatiwangwang gaya ng bote na may lamang tubig ang
kanyang natuklasan. Tumungo agad si Jay sa Barangay Hall para ibalita ang kanyang nakita.
Agad namang tumugon ang mga kabarangay sa paglilinis na pinangunahan ng punong-
barangay kaya napanatag na ang loob ni Jay.

1. Ano ang masasabi mo sa agarang aksiyon na ginawa ng kabarangay ni Jay na


pinangungunahan ng punong-barangay?

2. Kung ikaw si Jay, ano ang maaari mong gawin para makatulong sa iyong komunidad
para maiwasan ang pagkakasakit ng dengue? Pangatwiranan.

3. Bakit mahalagang makiisa sa panawagan ng Rural Health Unit na magsagawa ng 4S?


Pangatwiranan.

RUBRIKS SA PAGSAGOT NG MGA TANONG


74
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan
(15 puntos) (10 puntos) ng Pag-unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Nabigyan ng Nabigyan ng angkop na Hindi napupunan
Sagot angkop na sagot ang sagot ang lahat ng ng angkop na sagot
lahat ng tanong at tanong bagaman hindi ang lahat ng
malinaw na gaanong malinaw ang tanong. Hindi
napangatwiranan. pangangatwiran. malinaw ang
pangangatwiran.

Gawain 6: Dyornal !

Ibigay ang sariling repleksiyon sa mensaheng nakapaloob sa kasabihan ni John F. Kennedy.


Gawing batayan ang pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Huwag mong isipin kung ano ang nagagawa ng pamahalaan para sa iyo. Bagkus, isipin mo
kung ano ang magagawa mo para sa pamahalaang kinabibilangan mo.”

RUBRIKS SA PAGSULAT NG DYORNAL

Pamantayan Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi


inaasahan inaasahan 8 nakamit ang nakamit ang
10 puntos puntos inaasahan inaasahan
6 puntos 4 puntos
Nilalaman Komprehensibo Kumpleto ang May ilang Maraming
ang nilalaman ng nilalaman ng kakulangan sa kakulangan sa
teksto. teksto. Wasto nilalaman ng nilalaman ng
Wasto ang ang lahat ng teksto. teksto.
lahat ng impormasyon May ilang
impormasyon maling
impormasyon
Organisasyon Organisado at Malinaw at Hindi Hindi maayos
ng mga may malinaw maayos ang masyadong ang
kaisipan na kaisahan paglalahad ng maayos at pagkalahad ng
ang daloy ng kaisipan sa malinaw ang kaisipan sa
paglalahad ng teksto. paglalahad ng teksto.
kaisipan sa kaisipan sa
teksto. teksto.
Kabuuang
Puntos 20

Paglilipat

Sa bahaging ito ay layunin mo na matutunan ang pag-unawa sa papel ng pamilya sa pamayanan.


Inaasahan rin na maililipat mo sa totoong sitwasyon ang iyong natutunan at susubukan mo na kung
paano gumawa ng iyong sariling tugon sa isyu.

Performance Task
Taong 2019 nang lumaganap ang sakit o virus na tinatawag na Covid-1975na patuloy na
namiminsala sa pang-araw-araw na buhay ng tao saan mang sulok ng mundo. Sa katunayan
maraming buhay na ang nawala dahil dito. Hinihiling ng ating pamahalaan ukol pandemyang
COVID-19 na tayo ay manatiling mapagbantay sa ating pang-araw-araw na buhay hanggang sa
muli tayong ligtas na makabalik sa ating mga pang-araw-araw na gawain. Ngayon, bilang isang
responsableng mamamayan, ikaw ay naatasan na gumawa ng isang brochure tungkol sa mga
simpleng hakbang upang makatulong sa pagbagal ng pagkalat ng sakit na coronavirus at
protektahan ang ating mga sarili, ang ating mga pamilya, at ang ating mga komunidad. Ilahad ang
m g a paraang ito na napabilang sa papel panlipunan at sa papel pampolitikal.
Rubrik sa Pagtataya ng Ginawang Brochure
Mga Antas ng Pagganap
Patungo sa
Angat sa Pamantayan Nasa Pamantayan Pamantayan Kabuuang
Mga Kraytirya (3 Puntos) (2 Puntos) (1 Puntos) Marka
Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos May ilang teksto at Nakalilito ang
ng mga teksto at larawan larawan na wala sa lugar pagkakaayos ng teksto
at mga larawan

Kalidad ng mga Klaro at tama ang May ilang larawan na di Karamihan sa mga
Larawan perspektibo klaro o tama ang larawan ay di klaro o
perspektibo Malabo ang perspektibo
Kaayusan Kaakit-akit ang brochure Medyo kaakit-akit ang Di- gaanong kaakit-akit
dahil tama ang brochure kahit ay ilang ang brochure dahil
kombinasyon ng kulay, maling kombinasyon na kitang-kita ang maling
estilo, laki ng font at makikita sa brochure kombinasyon ng
pagkakaayos ng teksto at larawan, estilo, font at
larawan teksto

Bisa ng Mabisa ang pagkakagawa Di masyadong mabisa Di mabisa ang


pagkakagawa sapagkat may kakayahan ang pagkakagawa pagkakagawa sapagkat
ang brochure na himuking sapagkat wala gaanong walang kakayahan ang
gawin ang mga kakayahan ang brochure brochure na himuking
nakapaloob dito sa mga na himuking gawin ang gawin ang mga
makababasa nito mga nakapaloob dito sa nakapaloob dito sa mga
mga makababasa nito makababasa nito

Panghuling Pagtataya: Pagpipilian

76
77
78
Values Integration
Ang Aking Repleksyon

1. Paano makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan ang simpleng pamumuhay ng pamilya?


2. Bilang isang kabataan, ano ang mga angkop na kilos na isasagawa mo upang mapaunlad ang mga gawi sa
pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa Diyos lalo sa krisis na kinakaharap ngayon?
3. Paano ka makakatulong na magampanan ng iyong pamilya ang mga papel na panlipunan at pampolitikal?

79

You might also like