Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Slide 4: “Buksan natin ang unang briefcase na naglalaman ng unang kahulugan…”

Slide 7: Miguel Bernard, S.J (1954) (Ombao)


Ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag: di-malilimot na kaisipan sa di-malilimot na
pagpapahayag.
Himay-Himayin natin ang naging pahayag ni Migual Bernard tungkol sa panitikan.

Slide 8: Una, ang panitikan ay kaisipan. Bakit? Dahil alam natin, simula noong first year tayo
lagi sinasabi na ang mga panitikan ay nalikha sa malikhaing pamamaraan. Ginamitan ng isip.
PInag-iisipan. Yung tumatakbo sa isip ng isang manunulat ng isang uri ng panitikan ay hindi
basta-basta. May konsepto at may makabuluhang ideya.

Slide 9: Pangalawa, ang panitikan ay pagpapahayag dahil sa isang panitikan may damdamin.
Ito ay maaaring masayang pagpapahayag, malungkot, at iba pa. kaya kung titingnan, nais
sabihin ni Mguel Bernard na sa panitikan, ginagamit ang parehas na isip at puso ng isang may-
akda o manunulat. Isip para sa ideya at puso para sa pagpapahayag.

Slide 10: Isip plus puso equals panitikan

Slide 11: Kasunod ay sinabi niya na di-malilimot na kaisipan sa di-malilimot na pagpapahayag.


Papasok ditto yung tanong na ano at paano. Gaya ng nabanggit, ang isang panitikan ay pinag-
iisipan, hindi basta-basta. Tinitiyak ng kahit sino mang may akda na may bigat yung kaisipan na
nais niya ilapat sa isang panitikna, may sense kung sa Ingles, may aral, may puntong maaaring
madampot ang isang mambabasa. Kaya ang panitikan ay di-malilinot na kaisipan dahil sa bigat
ng ideyang dala-dala nito at di-malilinot na pagpapahayag dahil sa impact na inihatid nito
samambabasa. Naiparating ba ng may-akda ang emosyon niya sa mambabasa? Naipadama ba
niya sa kaniyang mambabasa ang damdaming inilapat niya sa kaniyang akda?
Samakatwid, ang panitikan ay laging nagmamarka at hindi ganoon kadaling makalimutan dahil
tumatatak sa kahit sino mang mambabasa, kung ANO ang kaisipang ipinahahtid ng may akda
at PAANO niya ito ipinahayag.
Muli, ang panitikan ay kaisipan at pagpapahayag: di-malilimot na kaisipan sa di-malilimot na
pagpapahayag.
Slide 12: “Para naman sa kasunod na kahulugan, buksan natin ang briefcase #2”

Slide 14: Sebastian at Nicasio (1965) (Ombao)


Sa pamamagitan ng panitikan, nababatid ang kasaysayan, kalagayan, at pinagdadaanan ng
isang bansa.

Slide 15: Suriin naman natin ang depinisyon na ibinigay ni Sebastian at Nicasio tungkol sa
panitikan. Ayon sa kanila nababatid ang kasaysayan ng isang bansa nang dahil sa panitikan at
ito ay tunay dahil malalaman ba natin kung ano ang mga pangyayari noong panahon ng mga
Espanyol, Amerikano at Hapones kung wala tayong mga panitikan na binabasa at pinag-
aaralan sa kasalukuyan? Kilala natin si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio, bagaman hindi pa
tayo pinapanganak ng mga panahong iyon, dahil mayroon tayong Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Maalam tayo sa mga nagyari noong unang panahon, sa labanan nila Magellan
at Lapu-lapu, sa paglaganap ng Kristiyanismo, Inlges, at pagkakaroon ng Ginuntuang Panahon
ng Panitikan dahil nariyan ang ating mga panitikan na nababasa natin hanggang sa ngayon.
Kung wala ang mga ito, marahil wala tayong kaalaman sa Kasaysayan ng Pilipinas.
Pangalawa, nalalaman natin ang kalagayan ng bansa, nang dahil sa ang panitikan ay nababatid
ang kasaysayan, nauunawan natin ang kalagayan ng Pilipinas. Ang pagiging dominante ng
Ingles sa ating bansa ay alam natin ang pinag-ugatan dahil sa mga panitikang nailimbag noong
Panahon ng mga Amerikano sa kung paano natin niyakap at pilit na pakikibagay sa mga taong
elite sa mga panahon noon kaya naman ang epekto ay nararanasan at nasasaksihan natin
maging sa kasalukuyang panahon. Isa pa ay ang mga imaheng ibinigay sa kababaihan na bitbit
hanggang sa kasalukuyan ay dahil din sa maraming panitikan na kung saan ang mga karakter
na babae ay laging gumaganap bilang nabaliw o hindi naman kaya ay kailangang iligtas ng
lalaki.
Panghuli, nalalaman din natin ang pinagdadaanan ng ating bansa. Maraming mga panitikan ay
kakikitaan ng iba’t ibang isyung panlipunan. Na kahit ang panitikan na ito ay nailimbag noong
panahon pa ng Espanyol o Amerikano o Hapones, ang isyung makikita sa mga ito kapag sinuri
ay makikitang maikokonekta pa rin sa mga kasalukuyang problema ng ating bansa. Halimbawa,
ang nobelang Fray Botod ay kakikitaan ng isyung kahirapan, prostitusyon, at isyung
pangmangagawa.

Slide 16: Sa kabuuan, ang panitikan sa pananaw nila Sebastian at Nicasio ay record ng ating
nakaraan na hindi natin nasaksihan at basehan ng ating kasalukuyang kalagayan at
pinagdadaanan.
Muli, ayon sakanila sa pamamagitan ng panitikan, nababatid ang kasaysayan, kalagayan, at
pinagdadaanan ng isang bansa.
Slide 74: Konklusyon: (Ella)

Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo kundi ito’y nag-iingat din ng mga
karanasan, tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa. Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan
ng kultira ng bawat lipunan. Dito nasusulat ang henyo ng bawat panahon. Ito’y walang paglipas
hanggang may tao sa sandaigdigan. Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang
tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.

Closing Slide 75
Salamat sa Pakikinig.

You might also like