Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gawain sa Pagkatuto

Araling Panlipunan 8
Unang Markahan – Ikalimang Linggo

Pangalan: __ Lawrenz Nhoelle Tamano ____ Petsa: _________ Seksiyon: ________________

Blg. Ng MELC:1.3
MELC: Nasusuri ang yugto ng pag – unlad ng kultura sa panahong pre – historiko (AP8HSK-Ie-4)

Pamagat ng Aralin: Yugto ng pag –unlad ng Kultura sa Panahong Pre - historiko

Gawain Bilang 2. ANO NGAYON CHART?


Panuto: Matapos malaman ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng
pag – unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa
kasalukuyang pamumuhay. Tukuyin ang kahalagahan sa kasalukuyan ng ilan sa mga
pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag – unlad ng sinaunang tao sa tulong ng
Ano Ngayon Chart?

MGA PANGYAYARI SA IBA – KAHALAGAHAN SA


IBANG YUGTO NG PAG - UNLAD KASALUKUYAN
Paggamit ng Apoy Ang kahalagahan ng paggamit ng apoy sa ngayon ay
nagsisilbing liwanag ito sa madilim na lugar lalo na kung
walang kuryente. Nagbibigay pampainit ito sa katawan
lalo na kung malamig ang panahon. Ginagamit ang apoy
ngayon sa paraan ng pagluluto ng pagkain. Gayundin
ginagamit rin ito sa paggawa ng iba’t ibang uri ng mga
kagamitan.

Pagsasaka Ang kahalagahan ng pagsasaka sa kasalukuyan ay ito ang


pangunahin na pinagkukunan ng kabuhayan at ng
makakain ng mga tao, ito rin ay nagiging kontribusyon sa
pambansang kita ng ating bansa at ito din ay may
malaking tulong sa ating International Trade.

Pag-iimbak ng labis na pagkain Ang kahalagahan ng pag-iimbak ng labis na pagkain sa


ngayon ay ay nagkakaroon ng mga karagdagang supply
na para sa darating na mga sakuna. Ngunit mayroon rin
itong mga hindi magandang dulot, sa salita pa lamang na
labis ay makikita na nating ito'y hindi tama sapagkat
lahat ng labis ay mali. Maaaring masasayang ang mga
pag-iimbak ng pagkain na siyang maaring magdulot ng
kakulangan sa pagkain.

Paggamit ng mga pinatulis na bato Sa kasalukyan, wala ng halaga ang mga kagamitang bato,
ngunit may mangilan-ngilang tao na nagnanais
maranasan ang buhay noong Panahon ng Bato ang
gumagawa pa rin nito at inuupload sa internet upang
mapanood ng iba.

Paggamit ng mga kasangkapang metal Sa kasalukuyan hindi lamang sa mga kasangkapan sa


bahay napapakinabangan ang mga bagay na gawa sa
metal kung hindi maging sa teknolohiya na ginagamit
ngayon. Ang mobile phones, laptop, tablet at iba pang
gadyet ay kung hindi gawa sa purong metal ay may
komponent o parte na metal.
*Halaw sa mga isinagawang Learning Activity Sheet ng mga Guro sa Ikawalong
Baitang/GEANHS, Taong Panuruan 2020 - 2021

You might also like