Professional Documents
Culture Documents
745
745
PHILIPPINE ARMY
Philippine Army
Philippine Airforce
Philippine Navy
Ang tatlong sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay
nagtutulong-tulong upang sugpuin ang mga kaguluhan,
terorismo, at destabilisasyon sa loob ng bansa na gawa ng iba’t
ibang pangkat, tulad ng Abu Sayyaf, Maute, at New People’s
Army (NPA). Ang mga gawain ng mga pangkat na ito, tulad ng
pagdukot ng tao, pagpatay, at pambobomba ay humahadlang
sa minimithing kapayapaan at kaunlaran ng bansa. Katulong ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang Pambansang Kapulisan ng
Pilipinas o Philippine National Police (PNP) sa pangangalaga ng
kaligtasan ng mga mamamayan at kapayapaan
ng bansa.
Maikling Pagsusulit: Isulat ang TAMA o Mali sa linya.
_____ 1. Ang Sabah ay dating pag-aari ng Pilipinas.
_____ 2. Ang sinomang dayuhan ay may karapatang linangin ang anomang likas
na yaman ng bansa.
_____ 3. Ang Scarborough Shoal na matatagpuan sa kanluran ng Palawan ay
bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
_____ 4. Ang mamamayan ay may katungkulang ipagtanggol ang bansa laban sa
mga nais maghasik ng kaguluhan dito.
_____ 5. Ang teritoryo ay ang lawak at hangganan ng kalupaan, katubigan, at
himpapawid ng isang bansa.
_____ 6. Ang Spratly Islands ay matatagpuan sa Karagatang Pasipiko.
_____ 7. Ang Batanes ay naging bahagi ng Pilipinas sa bisa ng Saligang Batas
1935.
_____ 8. Ang Pambansang Kapulisan ng Pilipinas ay katulong ng Sandatahang
Lakas sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa loob ng ating
bansa.
_____ 9. Ang Doktrinang Pangkapuluhan ay angkop sa pagtatalaga ng ating
teritoryo.
_____10. Si Pangulong Diosdado Macapagal ang unang naghain ng pagbawi sa
Sabah mula sa Malaysia.
Ang Pamahalaan Ng Mga Espanyol Sa Pilipinas
Ang ating mga ninuno ay may pamahalaan na bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Tinawag nila itong “barangay” na hango sa ginamit nilang sasakyang
pantubig, ang balangay, nang mapadpad sa ating bansa.
Ayon sa kasaysayan, may isang bangkang Malay na dumating sa Pilipinas.
Balangay ang tawag sa bangkang ito. May paniniwalang sa bangkang ito
sumakay ang mga unang taong nakarating sa ating bansa. Sinasabi na ang
bangka ay nakakapagsakay ng 60-90 katao. Sakay ng bangka ang isang
pamilyang binubuo ng mga magulang, mga anak, kamag-anak, at mga alipin.
Pumili sila ng panahanan sa kapuluan at nagsimulang magtatag ng isang
lipunan.
Mula sa lipunang ito natatag ang isang uri ng pamahalaan na tinatawag
nilang barangay. Barangay ang tawag sa pamahalaan ng mga unang Pilipino.
Sa kalagayang panlipunan ng mga unang Pilipino, ang bawat barangay ay may
sarili at malayang pamamahala kaya’t walang matatawag na hari o
pinakapinuno ng lipunan. Ang bawat barangay ay may kanya-kanyang pinuno
at batas na umiiral.
Ang isang barangay ay binuo ng 30 hanggang 100 pamilya na pinamunuan
ng isang datu. Ito ay malaya at nagsasarili, bagama’t may ilang barangay na
bumuo ng kompederasyon para sa kanilang proteksiyon at para magkaroon ng
kakampi kung may labanan.
Ang datu, bilang pinuno, ang pinakamakapangyarihan tao sa barangay. Siya
ang punong tagapag- paganap, tagapagbatas, at tagahukom. Siya rin ang
pinuno ng sandatahang lakas. May pakialam ang datu sa lahat ng bagay sa
barangay, lalo na kung ito ay tungkol sa katahimikan at kaayusan ng
pamumuhay. Sinisiguro niya na may sapat na pagkain at tirahan ang kaniyang
nasasakupan.
Ang pagiging datu ay namamana. Kalimitan ang anak na lalaki
ang ipinapalit sa datung namatay o hindi na makaganap nang
maayos sa kaniyang tungkulin. Kung walang anak na lalaki ang
datu, maaaring ipamana sa anak na babae ang pamumuno.
Kung wala namang naiwan tagapagmana ang datu, ang
barangay ang pipili mula sa kalalakihang may talino, tapang,
lakas, ay yaman upang pamunuan ang barangay. Ang datu ay
tinutulungan ng kaniyang mga tagapayo, na kalimitan ay ang
matatanda sa barangay. Pinaniniwalaan na sila ay matatalino
at may kaalaman sa mga gawain sa barangay. Malimit na
kasama ng datu ang mga tagapayo lalo na kung siya ay may
kasong diringin.
ANG PAMAHALAAN NG MGA ESPANYOL SA PILPINAS:
Simula pa lang ng pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas ay
nagtatag na sila rito ng pamahalaan upang ito ay tuluyang
masakop. Isang sentralisado at makapangyarihang
pamahalaan ang kanilang itinatag. Ito ay pinamunuan ng
isang gobernador heneral na hinirang ng hari ng Espanya.
Lubhang makapangyarihan ang gobernador heneral. Maaari
siyang magpahayag ng digmaan laban sa mga kaaway ng
pamahalaan, maghirang o magtanggal ng sinomang opisyal
ng pamahalaan, at magpaliban ng pagpapa-tupad ng mga
kautusan o batas mula sa hari ng Espanya.
Ang gobernador heneral din ang namuno sa Royal Audiencia,
ang pinakamataas na hukuman, kung saan ipinasasakdal ang
mga namumunong may ginawang katiwalian, pang-aabuso,
o pang-aapi sa mga mamamayan. Kalimitan, ang mga
pagpapasya ay hindi makatarungan, lalo na kung ang
nasasakdal ay Espanyol o malakas sa pamahalaan. Marami
ring kaso ang nabalewala at hindi nabigyang-pansin.
Ang simbahang Katolika ay magkaroon ng malaking papel sa
pamamahala ng Pilipinas sa panahon ng Espanyol. Ang mga
prayle o paring Espanyol ay humawak ng mataas na
katungkulan sa pamahalaan.
Lahat ng bagay ay pinanghimasukan ng mga prayle.
Lubha silang naging makapangyarihan at
mapang-abuso na ikinagalit ng mga Pilipino. Naging
labis ang mga pang-aabuso at pang-aapi ng mga
Espanyol na opisyal at prayle. Nagkamal sila ng salapi
at mga ari-arian habang nagdurusa ang mga
Pilipino.
MGA HIMAGSIKAN LABAN SA PAMAHALAANG ESPANYOL.
Sa simula pa lang ng pagdating ng mga Espanyol sa
kapuluan ng Pilipinas ay ipinamalas na ng ilang
Pilipino ang kanilang pagtutol. Sa pulo ng Mactan
naganap ang unang labanan ng mga Pilipino at
Espanyol.
Hindi pumayag si Datu Lapu-Lapu na magpasakop
sa mga dayuhan kung kaya’t naganap ang isang
madugong labanan. Ipinakita ng mga Pilipino ang
likas na katapangan sa kalabang mas marami ang
bilang at mas makabago ang mga sandatang
pandigma. Nagapi at napatay si Ferdinand
Magellan sa labanang ito.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga ginawa ng mga
makabayang Pilipino upang ipakita ang kanilang pagtutol sa
mapang abuso at mapang-aping pamamahala ng mga Espanyol.
1. Noong 1574 ay isang madugong labanan sa Maynila ang
naganap. Nag-alsa sina Raha Soliman at Lakan Dula sa mapang-
aping pamamahala ng mga Espanyol. Maraming Pilipino ang
nasawi rito. Marami rin ang napilitang umatras at tumungo na
lamang sa kabundukan. Naiwan sa kamay ng mga Espanyol ang
Maynila.
2. Taong 1586 nang pinamunuan ni Magalat, isang rebelde mula sa
Cagayan, ang isang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa bahagi
ng Cagayan. Tinutulan nia at ng mga kasama ang labis at hindi
makatarungang pagbubuwis. Nilabanan din nila ang
pagmamalabis ng mga prayleng Espanyol. Ang pag-aalsang ito ay
at suporta ng mga mamamayan.
3. Pinamunuan naman ni Sumuroy ng Samar ang isang madugong
pag-aalsa laban sa pagmamalabis ng Simbahan at mga opisyal
na Espanyol noong 1650. Tinutulan din nila ang sapilitang
paggawa nang walang bayad o polo y servicio. Nagapi si
Sumuroy at naparusahan ng mga opisyal ng Simbahan at
pamahalaan.
4. Isang pag-aalsa sa Ilocos ang pinamunuan ni Diego Silang
noong 1762. Bunga ito ng hindi makatarungang pagbubuwis,
pagmamalabis ng mga Espanyol at prayle at opisyal, at
pagpapatupad ng polo y servicio na sadyang hindi
makatarungan sa mga Pilipino. Kumalat sa buong rehiyon ang
madugong paglabang ito, na naging dahilan ng pagkamatay ni
Diego Silang. Sa kanyang pagpanaw pinalitan siya ng kaniyang
matapang na asawang si Gabriela. Lubhang naging matapang
sa pakikipaglaban si Gabriela ngunit sa bandang huli ay nagapi
rin siya at naparusahan.