Filipino: Modyul 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

1

Filipino 8
Modyul 2
2

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Vimarie P. Cuasito
Tagasuri: Adela S. Cruz, MT I
Editor: Josefina T. Salangsang, HT III at Paul John S. Arellano
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
3

Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura
(Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas)
Manunulat: Vimarie P. Cuasito
Tagasuri: Adela S. Cruz, MT I / Editor: Josefina T. Salangsang, HT III at Paul John S. Arellano
4

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 8 ng Modyul
para sa araling Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura (Apat na Himagsik
ni Francisco Balagtas)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
5

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 8 Modyul ukol Kahalagahan


ng Pag-aaral ng Florante at Laura (Apat na Himagsik ni Francisco Balagtas)!.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
6

MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


sumusunod na mga layunin:

Kasanayang Pampagkatuto:
• Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa
napakinggang mga pahiwatig sa akda.

Mga Layuning Pampagkatuto:


• Nailalahad ang apat na himagsik ni Francisco Balagtas sa Florante at Laura
• Naiuugnay ang Florante at Laura sa pangyayari sa kasaysayan na
makapagpapakita ng kahalagahan nito hanggang sa kasalukuyang panahon
• Naiisa-isa ang mga katangian ng Florante at Laura bilang isang obra maestra na
magpapatunay ng kahalagahan ng pag-aaral nito.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng
wastong sagot.

_____ 1. Alin ang kabilang sa mga wikang naisalin sa iba’t ibang parte ng daigdig
ang Florante at Laura?
A. Arabo B. Griyego C. Latin D. Pranses

_____ 2. Ang Florante at Laura ay isang uri ng tulang _________ na anyo.


A. pandamdam B. pandulaan C. pasalaysay D. sagutan

_____ 3. Batay kay Lope K. Santos, nagkaroon ng paghihimasik si Balagtas. Alin sa


sumusunod ang hindi kabilang sa “Apat na Himagsik” ni Balagtas?
A. Himagsik laban sa diskriminasyon sa lahi
B. Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya
C. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan
D. Himagsik laban sa malupit na pamahalaan

_____ 4. Ito ang paghihimagsik na idinaan sa larangan ng panitikan.


A. Unang Himagsik C. Ikatlong Himagsik
B. Ikalawang Himagsik D. Ikaapat na Himagsik
7

_____ 5. Siya ang “Ama ng Gramatika” at ang naglimbag sa “Apat na Himagsik” ni


Francisco Balagtas sa pagsusuri at pagpapahalaga sa makata?
A. Andres Bonifacio C. Maria Asuncion Rivera
B. Lope K. Santos D. Melchora Aquino

BALIK-ARAL

PANUTO: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng


katotohanan at MALI kung hindi.

______1. Ang Florante at Laura ay isang alegorya na nagtataglay ng mga


nakatagong pangyayari, mensahe at mga simbolismo sa pagtuligsa sa
panahong naisulat ito.

______ 2. Naisulat ni Balagtas ang akda sa loob ng paaralan dahil sa kabiguan sa


pag-ibig.

______ 3. Ang Florante at Laura ay aklat na naglalaman ng panitikang


rebolusyonaryo.

______ 4. Nagbigay-daan sa maraming Pilipino ang kanyang akda upang mamulat


sa diwang makabayan.

______ 5. Isinilang si Balagtas sa Panginay, Bataan noong Ika-2 ng Abril taong


1788.

ARALIN

Si Francisco Balagtas ay naghimagsik laban sa mga maling


pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ayon kay Lope
K. Santos, ang Ama ng Gramatika, ang “Apat na Himagsik”
ni Balagtas ay idinaan niya sa pamamagitan ng panulat at
panitikan. Tunghayan ang mga naging hinaing ni Franciso
Balagtas sa lipunan noong kapanahunan ng mga Kastila.

https://fili5acdmijares.blogspot.com/
8

APAT NA HIMAGSIK

Himagsik laban sa malupit na pamahalaan

• Mahigpit na pamamalakad at labis na pagmamalupit ng pamahalaang Kastila


sa Pilipinas

• Bagaman ang pagsasalaysay ni Balagtas ay hindi tumitiyak na ang mga lupit


at kasamaan ay naganap, ang mga bagay at pangyayaring nabanggit ay
akmang-akma at malapit na larawan ng lipunan noon.

Isang halimbawa nito ay ang saknong 14 na pinamagatang “Hinagpis ni


Florante”. Inihalintulad ni Balagtas ang Pilipinas sa Kaharian ng Albanya.

“Sa loob at labas ng bayan kong sawi


Kaliluha’y siyang nangyayaring hari
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.”

Nakapagpahayag si Balagtas ng damdamin sa bayan sa pamamagitan ng


panaghoy ni Florante habang siya ay nakatali sa puno ng higera dahil sa
kasamaan ni Adolfo ang Albanyang dating pinamumunuan ni Haring Linceo, at
ang kayamanan ng ama niyang si Duke Briseo. Ang dating mapayapang kaharian
ay wala na. Sa parteng ito ay damang-dama ang Himagsik laban sa malupit na
pamahalaan. Ito ay ang kagustuhang agawin ni Adolfo ang trono.

Himagsik laban sa hidwaang pananampalataya

• Iisa sa turing at kapangyarihan ang simbahan at pamahalaan


• Pagtanggi ng mga Muslim sa Mindanao at Jolo sa relihiyong Katoliko
• Tuwiran niyang sinalungat at pinabulaanan na ang Moro ay hindi nakakakilala ng
Diyos, walang kaluluwa, walang batas na kagandahang-asal at taksil. Karaniwan ding
gawain ng mga Kristyano na nagsisiraan, naglililuhan at nagpapatayan.

Ipinakita sa Florante at Laura na hindi kaaway sa relihiyon ang naging kaaway na


mortal ni Florante kundi isang Kristyanong kinakatawan ni Adolfo.
9

Himagsik laban sa maling kaugalian

• Maling ugali ng mga Pilipino at maling pagpapalaki sa anak


• Mga kamalian at kasalanang nagkaugat nang malalim
• Pagpapabukas na dapat nang gawin ngayon;
• Masagwang pagpapalayaw sa mga anak;
• Pagkamainggitin;
• Mapagmataas;
• Mapaghiganti sa kaaway; at
• Pang-aagaw sa iba ng pag-ibig/minamahal

Isang halimbawa nito ay ang saknong 202 na pinamagatang


“Laki sa Layaw”.
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.”

Maliwanag na ipinahayag ni Balagtas sa saknong na ito ang maling


pagpapalayaw sa mga anak. Ang sobrang pagmamahal sa anak ay bubunga rin sa
kanyang maling pag-uugali. Mahalaga sa magulang ang paghubog ng pagkatao sa
anak dahil nakasalalay ang magiging ugali at gawi sa hinaharap.

Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan

• Agwat ng pagtula at pananagalog

• Napagitna ng panitikang Tagalog na nakatuon sa pananampalataya.

• Mahigpit ang sensura sa pamamahayag at panitikan kaya nakakulong lamang


ito tungkol sa relihiyon

• Patunay na si Francisco Balagtas na puwedeng makasulat ng panitikan na


naglalahad ng mga paghihimagsik laban sa mga Espanyol sa Pilipinas tulad na
lamang ng Florante at Laura.

Naiiba ang pamamaraan ni Balagtas sa pagsulat nito ay dahil sa dakong


hulihan ng kuwento siya nagsimula.
10

Florante at Laura - itinuturing na awit ngunit sa


patulang pasalaysay na anyo. Ito ay mayroong 399
na saknong at nakasulat sa isang makatang paraan
na may sumusunod na katangian:

1. Mayroong apat na linya bawat saknong;


2. Mayroong 12 pantig bawat linya;
3. Ang tugma nito ay AAA;
4. Mayroong sandaling pagtigil sa ika-anim na
pantig;
5. Bawat saknong ay kumpleto at tama sa
gramatikong pangungusap;
6. Bawat saknong ay puno ng talinhaga.

https://docs.google.com/document/d/1F0MTuhhlZZ
RqR2Tzz3giyyHEBHyPC8cNegLaEqsiSyk/edit

PAGKAKAIBA NG AWIT AT KORIDO


Mga Awit Korido
Pamantayan

Bantay sa Binubuo ng 12 pantig sa loob Binubuo ng 8 pantig sa isang


Anyo ng taludtruan taludturan

• Mabagal ang himig/ • Mabilis ang himig/ allegro


adante • Sadyang para basahin,
• Sadyang para awitin, hindi awitin
Musika inaawit sa tanging
pagtitipon

Bayani, alamat at mandirigma Pananampalataya, alamat at


at larawan ng buhay kababalaghan
Paksa

• Walang taglay na • May kapangyarihang


kapangyarihang supernatural/magsagawa
supernatural ng mga kababalaghan na
• Makatotohanan o hango sa hindi nagagawa ng
tunay na buhay karaniwang tao.
Katangian ng
mga Tauhan Halimbawa: Florante at Laura
Halimbawa: Ibong Adarna
11

• Ito ang natatanging tula na naisulat sa Tagalog na naisalin sa iba’t ibang wika
sa daigdig at dayalekto sa Pilipinas:
Kastila Aleman Ibanag

Ingles Kapampangan Pangasinense

Pranses Cebuano Ilocano

• Ito ay pinuri ng iba’t ibang tanyag at magagaling na personalidad sa larangan


ng literatura.

• Ayon kay Fray Toribio Minguella, isang dalubwika, ang Florante at Laura ang
pinakamahusay na awit noong ika-19 na dantaon.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Isulat ang TAMA kung ang mga pahayag ay tumutukoy sa


katagian ng Florante at Laura at MALI kung hindi.

_______ 1. Mayroong sandaling pagtigil sa ika-limang pantig.


_______ 2. Bawat saknong ay naglalaman ng mga alegorya at simbolismo.
_______ 3. Ang katangian ng mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o
mga kababalaghan.
_______ 4. Malayang taludturan ang tulang pasalaysay na Florante at Laura.
_______ 5. Mayroong apat na linya sa bawat saknong.

Pagsasanay 2: Sagutin ang sumusunod na aytem. Piliin ang wastong sagot sa loob
ng kahon.

A. Unang Himagsik C. Ikatlong Himagsik


B. Ikalawang Himagsik D. Ika-apat na Himagsik

______ 1. Ipinaliwanag ni Balagtas na ang mga Pilipino ay may maling kaugalian.


______ 2. Si Francisco Balagtas ang unang tumalakay sa kanser ng lipunan.
______ 3. Ang Florante at Laura ang nakalusot sa sensura dahil nakukulong ito
tungkol sa relihiyon.
______ 4. Ang pang-aagaw sa iba ng pag-ibig o kasintahan ay isang halimbawa ng
maling ugali ng mga Pilipino.
______ 5. Pinabulaanan ng makata ang pahayag na ang mga Muslim o moro ay
hindi nakakakilala sa Panginoon.
______ 6. Ang agwat ng pagtula at pananagalog ni Balagtas sa panahong iyon.
______ 7. Ipinahayag ni Balagtas sa kanyang himagsik ang maling pagpapalayaw sa
mga anak.
12

______ 8. Inilarawan ni Balagtas ang mga kalupitan at masamang pamamalakad ng


pamahalaang Kastila.
______ 9. Iisa ang kapangyarihan ng simbahan at estado.
______10. Mahigpit na ipinagbawal ang mga babasahin at pamamahayag.

Pagsasanay 3: Ihambing ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Florante at Laura


sa kasalukuyang panahon o pinagdaanan mo sa buhay.
Pangyayari sa Kasaysayan ng Pangyayari sa Kasalukuyang
Florante at Laura Panahon

PAGLALAHAT

PANUTO: Pumili ng isa sa mga himagsik ni Balagtas, magbigay ng karanasan,


sitwasyon o pangyayari na nagaganap sa ating bansa at itala ang
mga maaaring solusyon sa suliraning ito.

Mga Suliranin sa Mga mungkahi upang


Napiling
kasalukuyan mabigyang solusyon ang
Himagsik
problema
13

PAGPAPAHALAGA

Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa pag-aaral ng Florante at


Laura? Dugtungan mo ang pahayag sa ibaba.

Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa pag-aaral ng Florante at Laura


sa pamamagitan
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa patlang ang


titik ng wastong sagot.

______ 1. Ano ang tanging akda na lumusot sa sensura?


A. El Filibusterismo C. Ibong Adarna
B. Florante at Laura D. Noli Me Tangere
______ 2. Anong klaseng panitikan ang lumaganap sa panahon ng Espanyol?
A. Panitikang panrelihiyon C. Panitikang pang-aliw
B. Panitikang romansa D. Panitikang rebolusyonaryo
______ 3. Ilan ang kabuuan ng saknong sa akdang Florante at Laura?
A. Tatlong daan, walumpu’t anim C. Tatlong daan, walumpu’t walo
B. Tatlong daan, walumpu’t pito D. Tatlong daan, walumpu’t siyam
______ 4. Saan nakapaloob sa himagsik ni Balagtas ang pagmamaltrato at
kalupitan ng mga Espanyol sa bansa?
A. Ikaapat na Himasik C. Unang Himasik
B. Ikatlong Himagsik D. Ikalawang Himagsik
______ 5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa umusbong na Panitikan noong
Panahon ng Kastila?
A. Awit C. Korido
B. Epiko D. Moro-moro
PAGLALAHAT MGA PAUNANG
PANAPOS NA
(Nasa kapasyahan PAGSASANAY PAGSUBOK
PAGSUSULIT
na ng guro ang Pagsasanay 1 1. D
1. B
pagbibigay ng 1. MALI 2. C
2. A
puntos) 2. TAMA 3. A
3. D
3. MALI 4. D
4. C
PAGPAPAHALAGA 4. MALI 5. B
5. B
(Nasa kapasyahan 5. TAMA
na ng guro ang BALIK-ARAL
pagbibigay ng Pagsasanay 2 1. TAMA
puntos) 1. C 2. MALI
2. A 3. MALI
3. D 4. TAMA
4. C 5. MALI
5. B
6. D
7. C
8. A
9. B
10. D
Pangyayari sa Kasaysayan ng Pangyayari sa Kasalukuyang
Florante at Laura Panahon
Crab Mentality, Pagiging kabit, at
Maling ugali ng mga Pilipino suwail na anak
Malupit na pamamahala ng Mahigpit na pamumuno ng
Espanyol Rehimeng Marcos
Panitikang Panrelihiyon Kontemporaryong Panitikan
Kawalan ng tinig sa mga Demokrasya
mamamayang lumaban
Hidwaan ng Pananampalataya Respeto sa iba’t ibang relihiyon
Pagsasanay 3
SUSI SA PAGWAWASTO
14
15

Sanggunian

1. Tiongson, Pat C. et al.( 2014) Batikan 8


Educational Resources Corporation. Quezon City

2. Dayag, Alma M. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)


Publishing House, Inc. Quezon City

3. Amog, Maybel V. et al. (2002) Obra Maestra Modyular na Pandulog


Rex Book Store, Quezon City

4. Samenian, Ria Mae A. et al. (2015) Yugto: Pinagsanib na Wika at Panitikan


(K to 12). The Library Publishing House, Inc. Quezon City

5. Villanueva, Voltaire M. et al. (2018) Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong


Guro sa Agham Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at
Filipino. VMV11483 Book Publishing House, Makati City

6. https://books.google.com.ph/books?id=PPGiIU34k0EC&pg=PA77&lpg=PA77&dq
=carmen+acosta+batacan&source=bl&ots=wkq4qR6PjQ&sig=ACfU3U25E5n2hA56
Q_VyIKnfclRFSqbmkQ&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiO-
LmHt4nqAhXiGEKHbVRDvYQ6AEwAXoECAkQAQ#v=onepage&q=carmen%20acost
a%20batacan&f=false

You might also like