Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Filipino 8

Ikaapat na Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
Florante at Laura:
“Paalam Bayan, Paalam Laura”
(Saknong 105-125)
“Ang Pagliligtas kay Florante”
(Saknong 126-155)
Manunulat: Princes M. Matabang
Tagasuri: Zerine C. Fabian at Shirley H. Amorada / Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, ang mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan


MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO

A. nakaguguhit ng larawan ng tagpuang napakinggan sa akda;


B. nakabubuo ng kaisipan ayon sa mahahalagang pangyayari sa akda
gamit ang mga natutuhan sa kabanata; at
C. naiisa-isa ang mga paraan sa pagharap sa mga pagsubok na
kinakaharap sa araw-araw.

PAUNANG PAGSUBOK

Ang bahagi ng modyul na ito ay susukatin ang iyong kaalaman tungkol


sa pagdadalamhati ni Florante sa kanyang bayang Albanya at kasintahang
si Laura, maging ang pagliligtas ni Aladin sa kanyang buhay.

PANUTO: Isulat sa patlang ang T kung tama ang pangungusap at M kung


mali.
_________1. Laging masaya ang simula ng awit at malungkot naman ang wakas.

_________2. Ang pangunahing tauhan sa Florante at Laura ay isang Pilipino.

_________3. Ang buhok ni Florante ay kulay ginto.

_________4. Ang akda ni Balagtas ay inihandog niya sa Birhen.

_________5. Ang Florante at Laura ay nagsisimula sa puntong masaya at


matagumpay ang pangunahing tauhan.

BALIK-ARAL

Bago tayo tumungo sa bagong aralin, balikan mo ang karanasan ng


dalawang anak sa piling ng kanilang mga ama.

PANUTO: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

_________1. Ang Morong gererong dumating sa gubat ay mula pa sa ________.


A. Albanya B. Australya C. Persiya D. Rusya
_________2. Ang Morong gerero ay ikinumpara sa _________.
A. bubong B. estatwa C. langit D. punongkahoy

_________3. Handa raw pumatay ang Morong gerero sa sinumang umagaw kay
Flerida maliban lang kung ang kumuha ay __________ niya.
A. ama B. kaibigan C. kapatid D. pinsan

_________4. Sinasabing habang umiiyak ang gererong Moro ay napahinto ito nang
may narinig na __________.
A. buntong-hininga B. halakhak C. huni D. sigaw
_________5. Sinasabi ng Morong gerero na bukod sa hindi marunong umandukha
at tumangkilik ang ama niya ay __________.
A. mabangis C. mapagtanim
B. mapagmataas D. matampuhin

ARALIN

“Paalam Bayan, Paalam Laura”


(Saknong 105-125)

105. 110.
Napahinto rito’t narinig na muli Anong loob kaya nitong nagagapos,
ang pananambitan niyong nakatali, ngayong nasaharap ang dalawang hayop,
na ang wika’y “Laurang aliw niring budhi, na ang baling ngipi’t kuko’y naghahandog-
paalam ang abang kandong ng pighati! isang kamatayang kakila-kilabot?

106. 111.
“Lumagi ka nawa sa kaligayahan, Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak,
sa harap ng di mo esposong katipan; nauumid yaring dilang nangungusap;
at huwag mong datnin yaring kinaratnan puso ko’y nanlambot sa malaking habag
ng kasing nilimot at pinagliluhan. sa kaawa-awang kinukob ng hirap.

107. 112.
“Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin, Sinong di mahapis na may karamdaman
mahal ka ring lubha dini sa panimdim; sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay;
at kung mangyari, hanggang sa malibing lipos ng pighati saka tinutunghayan
ang mga buto ko, kita’y sisintahin.” sa laman at buto niya ang hihimay!

108. 113.
Di pa natatapos itong pangungusap, Katiwala na nga itong tigib-sakit
may dalawang leong hangos ng paglakad, na ang buhay niya’y tuntong na sa guhit;
siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad, nilagnat ang puso’t nasira ang boses,
ngunit nangatigil pagdating sa harap. di na mawatasan halos itong hibik.

109. 114.
Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis “Paalam, Albanyang pinamamayanan
sa abang sisil-ing larawan ng sakit; ng kasam-at’ lupit, bangis, kaliluhan;
nangakatingala’t parang nakikinig akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay,
sa di lumilikat na tinangis-tangis. sa iyo’y malaki ang paghihinayang.
115. 121.
“Sa loob mo nawa’y huwag mamilantik “Nasa harap ko na ang lalong marawal,
ang panirang talim ng katalong kalis; mabangis na lubhang lahing kamatayan;
magka-espada kang para nang binitbit malulubos na nga ang inyong kasam-an,
niring kinuta mong kanang matangkilik. gayundin ang aking kaalipustahan.

116. 122.
“Kinasuklaman mo ang ipinangako- “Sa abang-aba ko, diyata, O Laura…
sa iyo’y gugulin niniyak kong dugo; mamamatay ako’y hindi mo na sinta!
at inibig mo pang hayop ang magbubo ito ang mapait sa lahat ng dusa,
sa kung itanggol ka’y maubos tumulo. sa akin ay sino’ng mag-aalaala?

117. 123.
“Pagkabata ko na’y walang inadhika “Di yata’t ang aking pagkapanganyaya,
kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga; di mo tatapunan ng kamunting luha;
di makailan kang babal-ing masira, kung yaring buhay ko’y mahimbing sa wala,
ang mga kamay ko’y siyang tumimawa. di babahaginan ng munting gunita?

118. 124.
“Dustang kamatayan ang bihis mong bayad; “Guniguning ito’y lubhang makamandag,
datapwa’t sa iyo’y magpapasalamat agos na, luha ko’t puso ko’y maagnas;
kung pakamahali’t huwag ipahamak tulo, kaluluwa’t sa mata’y pumulas,
ang tinatangisang giliw na nagsukab. kayo, aking dugo’y mag-unahang matak.

119. 125.
“Yaong aking Laurang hindi mapapaknit “Nang matumbasan ko ng luha ang sakit
ng kamatayan man sa tapat kong dibdib; nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
paalam, bayan ko, paalam na ibig, huwag yaring buhay ang siyang itangis,
magdarayang sintang di manaw sa isip! kundi ang pagsintang lubos na naamis.”

120.
“Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.

“Ang Pagliligtas kay Florante”


(Saknong 126-155)

126. 128.
Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak, Anyong pantay-mata ang lagay ng araw
gerero’y hindi napigil ang habag; niyong pagkatungo sa kalulunuran;
tinunton ang boses at siyang hinahanap, siyang pagkatapos sa kinalalagyan
patalim ang siyang nagbukas ng landas. nitong nakagapos na kahambal-hambal.

127. 129.
Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik Nang malapit siya’t abutin ng sulyap,
sa dagok ng lubhang matalas na kalis, ang sa pagkatali’y liningid ng hirap,
Moro’y di tumugot hanggang di nasapit nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas,
ang binubukasan ng maraming tangis. katawan at puso’y nagapos ng habag.
130. 139.
Malaong natigil na di makakibo, Umupo’t kinalong na naghihimutok,
hininga’y hinabol na ibig lumayo; katawang sa dusa hininga’y natulog;
matutulog disin sa habag ang dugo, hinaplos ang mukha’t dibdib ay tinutop,
kundangang nagbangis leong nangagtayo. nasa ang gerero’y pagsaulang-loob.

131. 140.
Naakay ng gutom at gawing manila, Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay
nag-uli sa ganid at nawalang-awa; ng kanyang kalong na kalumbay-lumbay,
handa na ang ngipi’t kukong bagong hasa nininilay niya at pinagtatakhan
at pagsasabayan ang gapos na iwa. ang dikit ng kiyas at kinasapitan.

132. 141.
Tanang balahibo’y pinapangalisag, Namamangha naman ang magandang kiyas,
nanindig ang buntot na nakakagugulat; kasing isa’t ayon sa bayaning tikas;
sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab, mawiwili disin ang iminamalas
Furiang nagngangalit ang siyang katulad. na mata, kandungan sa malaking habag.

133. 142.
Nagtaas ng kamay at nangagkaakma Gulung-gulong lubha ang kanyang loob,
sa katawang gapos ang kukong pansira; ngunit napayapa ang anyong kumilos
nang darakmain na’y siyang pagsagasa itong abang kandong na kalunus-lunos,
niyong bagong marten lumitaw sa lupa. nagising ang buhay na nakakatulog.

134. 143.
Inusig ng taga ang dalawang Leon, Sa pagkalungayngay mata’y idinilat,
si Apolo mandin sa Serpeyente Piton; himutok ang unang bati sa liwanag;
walang bigong kilos na di nababaon sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
ang lubhang bayaning tabak na pamatol. “Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap?

135. 144.
Kung ipamimilantik ang kanang pamatay “Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin,
at saka isalag ang pang-adyang kamay, kung mamatay ako’y gunitain mo rin,”
maliliksing leon ay nangalilinlang, pumikit na muli’t napatid ang daing,
kaya di nalao’y nangagumong bangkay. sa may kandong namang takot na sagutin.

136. 145.
Nang magtagumpay na ang gererong bantog Ipinanganganib ay baka mabigla,
sa nangakalabang mabangis na hayop, magtuloy mapatid hiningang mahina;
luha’y tumutulong kinalag ang gapos hinintay na lubos niyang mapayapa
ng kaawa-awang iniwan ng loob. ang loob ng kandong na lipos-dalita.

137. 146.
Halos nabibihay sa habag ang dibdib, Nang muling mamulat ang nangitlaanan,
dugo’y nang matingnang nunukal sa gitgit; “Sino? Sa aba ko’t nasa Morong kamay!”
sa pagkalaglag niyang maliksi’y nainip ibig na iigtad ang lunong katawan,
sa siga-sigalot na madling bilibid. nang hindi mangyari’y nagngalit na lamang.

138. 147.
Kaya ang ginawa’y inagapayanan Sagot ng gerero’y “Huwag kang manganib,
katawang malatang para bagang bangkay, sumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib;
at minsang pinatid ng espadang tangan ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
walang awang lubid na lubhang matibay. may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.
148. 152.
“Kung nasusuklam ka sa aking kandungan, Nagbuntunghininga itong abang kalong
lason sa puso mo ang hindi binyagan; at sa umaaliw na moro’y tumugon,
nakukutya akong di ka saklolohan, “Kung di mo kinalag sap uno ng kahoy,
sa iyong nasapit na pagkaparawal. nalibing na ako sa tiyan ng leon.

149. 153.
“Ipinahahayag ng pananamit mo, “Payapa na naman disin yaring dibdib,
taga-Albanya ka at ako’y Persyano; napagkikilalang kaaway kang labis;at di
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko, binayaang nagkapatid-patid
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo. ang aking hiningang kamataya’t sakit

150. 154.
“Moro akong lubos na taong may dibdib, “Itong iyong awa’y di ko hinahangad,
at nasasaklaw rin ng utos ng langit; patayin mo ako’y siyang pitang habag;
dini sa puso ko’y kusang natititik- di mo tanto yaring binabatang hirap,
natural na leing sa aba’y mahapis. na ang kamatayan ang buhay kong hanap.”

151. 155.
“Anong gagawin ko’y aking napakinggan Dito napahiyaw sa malaking hapis
ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay, ang Morong may awa’t luha’y tumagistis;
gapos na nakita’t pamumutiwanan siyang itinugon sa wikang narinig,
ng dalawang ganid, ng bangis na tangan?” at sa panlulumo’y kusang napahilig.

MGA PAGSASANAY

Pagkatapos mong mabasa ang aralin. Subukin mong sagutin ang mga
naihandang mga gawain.

PAGSASANAY 1

PANUTO: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga nakasalungguhit na salita sa


pangungusap. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_________1. May pag-asa pa ang nananambitang binata sapagkat maunawain ang


dalagang pinaghahandugan niya ng pag-ibig.
A. nagmamakaawa C. nagyayabang
B. nagpapawis D. natutuwa

_________2. Mahalaga ang pagtangkilik na ginagawa ng mga tao sa programa upang


mamalagi ito sa estasyon ng telebisyon.
A. pag-ayaw C. pagrenta
B. pagpuna D. pagsuporta

_________3. Maaaring makitil ka sapagkat di ka marunong sumunod sa trapiko.


A. mabalian C. magalusan
B. mabundol D. mapatay
_________4. Nakalasap na siya ng maraming kalungkutan kaya higit niyang
napahahalagahan ngayon ang kaligayahan.
A. nakadama C. nakapanood
B. nakakita D. nakarinig

__________5. Sa sobrang pagpapalayaw ng mga magulang sa nag-iisang anak, ang


binatilyo ay umabuso.
A. pagbibigay C. paghihigpit
B. pagdidisiplina D. paninisi

PAGSASANAY 2

PANUTO: Suriin ang mga pahayag. Piliin sa kahon ang angkop na sagot at isulat
sa patlang.

Albanya bayan galit na galit


leon mata takang-taka

1. 108 Di pa natatapos itong pangungusap,


may dalawang leong hangos nang paglakad
siya’y tinutungo’t pagsil-in ang hangad,
nguni’t nangatigil pagdating sa harap.
109 “Nangaawa mandi’t nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing larawan ng sakit,
nangakatingala’t parang nakikinig
sa di lumilikat na tinangis-tangis.

Ang mga saknong 108 at 109 ay tumutukoy sa dalawang ___________________.

2. 114 “Paalam, Albanyang pinamamayanan


ng kasamaa’t lupit, bangis, kaliluhan,
akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay,
sa iyo’y malaki ang panghihinayang!

Sa saknong 114, sinasabing ang nakagapos ay nanghihinayang sa sinapit


ng ________________.

3. 120 “Bayang walang loob, sintang alibugha,


Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo’t mag-ingay sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.

Sa saknong 120, ipinahahayag ng nakagapos na maaari nang magdiwang sa


nalalapit niyang kamatayan si Adolfo, si Laura at ang _____________________.

4. 131 Naakay ng gutom at gawing manila,


nag-uli sa ganid at nawalang awa,
handa na ang ngipi’t kukong bagong hasa,
at pagsasabayan ang gapos ng iwa.
132 Tanang balahibo’y pinapangalisag
nanindig ang buntot na nakagugulat,
sa bangis na anyo at ngisab-ngasab,
Puryang nagngangalit ang siyang katulad.

Sa saknong 131 hanggang 132, inilalarawan ng makata ang ngipin, kuko at


____________________ ng mga leon upang ipakita ang bangis.

5. 140 Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay,


ng kaniyang kalong na kalumbay-lumbay
nininilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.
141 Namamangha naman ang magandang kiyas
kasing-isa’t ayon sa bayaning tikas,
mawiwili disin ang iminamalas
na mata, kundangan sa malaking habag.

Sa saknong 140 hanggang 141, sa pagmamasid ng gerero sa anyo ng walang


malay na binata, siya ay _______________________.

PAGSASANAY 3

PANUTO: Iguhit sa loob ng kahon ang tagpuang nabanggit sa kabanata na


tumatak sa iyong isipan. Sa ibaba ay ipaliwanag ang iyong iginuhit.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

RUBRIKS SA PAGGUHIT NG LARAWAN


Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Malinaw na nailarawan ang tagpuan sa bahagi 5 puntos
ng akdang tinalakay
Maayos at malinaw ang ideyang nais na 5 puntos
iparating
Malikhaing nailarawan ang tagpuan 5 puntos
Kabuuang puntos 15 puntos

PAGLALAHAT

Bilang paglalahat, mahalaga na matukoy natin ang mga kaisipan na


nakapaloob sa mga pangyayari sa akda at kung paano natin maiuugnay sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Siguradong handa ka na sa susunod
na gawain.
PANUTO: Ayusin ang mga mga salita/parirala na nasa loob ng puno upang
mabuo ang kaisipan. Isulat sa loob ng balumbon ng papel ang sagot.

sinumang
nangangailangan

kapalit na kahit Ang pagtulong sa


na

kapwa ay walang ay bigyan ng


hinihinging malasakit

https://images.app.goo.gl/PjaMKsZcggojE9e49
https://images.app.goo.gl/M317ZdUFcwKq7ZsH7
PAGPAPAHALAGA

Bahagi na ng buhay ang kabiguan, suliranin, pagsubok, o mahirap na


kalagayan. Magkakaiba nga lang tayo ng paraan ng pagharap sa mga ito.
Ikaw, ano ang ginagawa mo kapag nahaharap ka sa isang pagsubok o
mahirap na kalagayan?

PANUTO: Lagyan ng tsek (✓) ang mga pahayag na nagpapakita ng positibong


pagtugon sa mga pagsubok na kinaharap sa buhay at ekis (x) kung
hindi.

1. Humihingi ng gabay sa Panginoon sa pamamagitan ng pagdarasal.

2. Nagsasabi sa magulang upang mabigyan ng payo o tulong.

3. Nagmumukmok, umiiyak nang tahimik at itinatago ang problema


sa iba.

4. Nagsasabi sa mga kaibigan ng problema o ng kalagayan.

5. Nagsusulat sa diary o journal ng problema o kalagayan kasabay ng


pag-iisip ng solusyon dito.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Bilang huling bahagi ng modyul na ito, tatayain ang iyong kaalaman


kung talagang naunawaan mo ang paksa na tinalakay sa araling ito.

PANUTO: Piliin sa kahon ang mga tauhan na tinutukoy sa bawat bilang.

Adolfo Duke Briseo Laura Menadro


Aladin Florante Haring Linceo Sultan Ali-Adab

______________1. Pinagtaksilan ng kanyang ama at pag-agaw nito sa kanyang


kasintahan.
______________2. Ang nagsukab sa pagmamahal ayon kay Florante.
______________3. Nakatali sa puno ng higera at sisilain ng dalawang leon.
______________4. Ang mapagmahal at mabuting ama na walang inisip kundi ng
kabutihan ng kanyang anak.
______________5. Tinangka niyang ipapatay ang kanyang anak dahil sa iniibig
2. Dayag, Alma et. al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Quezon City: Phoenix
Center, 2012
Baltazar Quezon City: Aklat Ani Publishing and Educational Training
1. Mondragon, Brigida et. al., Florante at Laura ni Francisco ‘Balagtas’
Sanggunian
PAUNANG PAGSUBOK Pagsasanay 1
1. M 1. A. nagmamakaawa
2. M 2. D. pagsuporta
3. T 3. D. mapatay
4. M 4. A. nakadama
5. T 5. A. pagbibigay
BALIK-ARAL PAGLALAHAT
1. C. Persiya “Ang pagtulong sa kapwa ay walang
2. D. punongkahoy hinihinging kapalit na kahit na
3. A. ama sinumang nangangailangan ay
4. A. buntunghininga bigyan ng malasakit.”
5. A. mabangis
MGA PAGSASANAY PAGPAPAHALAGA
Pagsasanay 2 (Depende pa rin sa sagot ng bata)
1. leon 1. ✓
2. bayan 2. ✓
3. Albanya 3. x
4. mata 4. ✓
5. takang-taka 5. ✓
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. Aladin 4. Duke Briseo
2. Laura 5. Sultan Ali-Adab
3. Floran 6. Adolfo
SUSI SA PAGWAWASTO
isang prinsesa na ayaw sa kanya.
______________6. Ang sumakop sa Albanya at pilit niyang pinaiibig sa kanya ang
nitong babae.
Publishing House, Inc., 2015

https://images.app.goo.gl/PjaMKsZcggojE9e49
https://images.app.goo.gl/M317ZdUFcwKq7ZsH7

You might also like