Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSUSULIT (IKALAWANG LINGGO)

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

D 1. Alin sa mga sumusunod ang iba pang katawagan sa parabula?


A. Alamat C. Saynete
B. Pabula D. Talinghaga
_B_2. Aling sa mga nasa pagpipilian ang hindi kasali sa elemento ng parabula?
A. Banghay B. Sukat
C. Tagpuan D. Tauhan
_A_3. Saang aklat kadalasang makikita ang mga parabula?
A. Bibliya B. Koran
C. Torah D. Tripitaka
_B_4. Sa parabulang “Ang Sampung Dalaga”, ano ang ipinahihiwatig ng handaan sa kasalan?
A. Kabutihan ng kalooban C. Mabuting Balita
B. Kaharian ng langit D. Masayang buhay may-asawa
_D_5. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging bunga ng kawalang-kahandaan ng mga dalagang hangal?
A. Ayaw na silang pagbuksan ng pinto kung saan nagpipiging
B. Hindi sila binigyan ng langis ng matatalinong dalaga
C. Hindi nila inabutan ang pagdating ng lalaking ikakasal
D. Naubusan na sila ng pagkain sa handaan

B. Basahin ang pares ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik A kung ang parehong pangungusap
ay tama, titik B kung ang unang pangungusap lamang ang tama, titik C kung ang ikalawang pangungusap
lamang ang tama, o titik D kung ang parehong pangungusap ay mali.

_A_1. A. Ang parabula ay isang akdang nagtuturo ng mabuting kaasalan.


B. Ang parabula ay isang akdang makikita lamang sa Bibliya.
_C_2. A. Tanging mga pangaral ni Hesus ang maituturing na lehitimong Parabola.
B. Karamihan sa mga tanyag na parabula ay ginamit ni Hesus sa kanyang mga
pangangaral.
_D_3. A. Elemento ng parabula ang tauhan, tagpuan, banghay at resolusyon.
B. Ang parabula ay sinisimulan agad sa maaksyong pangyayari na nagtatapos sa
isang punchline.
_A_4. A. Ang mga dalaga sa parabulang binasa ay kumakatawan sa sanlibutan.
B. Kinakatawan naman ng Diyos ang lalaking ikakasal.
_A_5. A. Layunin ng parabulang binasa na maging handa ang lahat sa muling pagbabalik ng
Panginoon.
B. Layunin din nito na ipaunawa ang kahalagahan ng paghahandang ginawa ng mga matatalinong
dalaga.

C. Ano ang iyong alam tungkol sa parabula? Sa pamamagitan ng concept mapping ilahad ito.

Nagbibigay ito ng aral


sa mga mambabasa.

Parabula

Ang Parabula ay nangangahulugan May apat itong element;


ng mga kwento at kasaysayan na
mababasa natin sa aklat na Bibliya.
tauhan, tagpuan, banghay,
at aral.

D. Sumulat ng maikling pagsasalaysay hinggil sa akdang “Ang Mensahe ng Butil ng Kape” na ginagamitan
ng mga Panandang Pandiskurso. Ito ay binubuo ng isa hanggang dalawang talata na mayroong ginamit na
sampung pang-ugnay. (10 puntos)

Isang araw, habang nagsasaka at nagbubungkal ng lupa ang ama kasama ang kaniyang anak, narinig
niya ang pagrereklamo ng kaniyang anak tungkol sa kanilang hirap at pagod sa pagsasaka at pagbubungkal
ng bukirin at sa hindi makatarungang buhay niyang dinanas. Tinawag niya ang kaniyang anak upang
tumungo sa kusina pagkatapos niyang tawagin ang anak pagkatapos ay nilagyan ng ama ang tatlong palayok
ng tubig at saka isinalang sa apoy. Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan
lamang nila ang nakasalang na mga palayok at pagtapos ng ilang minuto ay kumulo na ito. Una niyang
nilagay ang carrot sa unang palayok, ang sumunod ay itlog para sa ikalawang palayok, at ang huli ay butil ng
kape sa ikatlong palayok. Tinanong ng ama ang anak kung ano ang mangyayari sa tatlo pagtapos niya itong
ilagay sa kumukulong tubig ngunit nagkibit balikat lamang ang anak. Makalipas ang dalawampung minuto,
inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok kaya’t napansin niya na lumambot ang
carrot. Pinakuha naman ng ama ang itlog at pinabalatan. Nang mabalatan, napansin niya na buo at matigas na
ito dahil sa pagkakalaga. Kasunod nito ay pinahigop ng ama ang kape sa anak.

Nang matapos ang pinapagawa ng ama sa anak, nagsimula na siyang magpaliwanag tungkol sa
dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit
iba-iba ang naging reaksiyon. Inihantulad ng ama ang kumukulong tubig sa suliranin sa buhay. Tinanong ng
ama ang anak kung siya ba ay magiging mahina at malambot ‘pag dumating na ang suliranin katulad ng
nangyari sa carrot nang ilagay ito sa kumukulong tubig. O siya ba ay magiging itlog na ‘pag may dumating na
problema ay magiging matigas ang pusong dati’y malambot. O maging tulad kaya siya ng butil ng kape na
nagpapakita ng pagiging matatag sa oras ng pagsubok. Gayundin, patuloy pa ring lumilikha ng positibong
pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari. Nang maintindihan ang anak ang mga pinapayo ng ama,
sinagot niya ang tanong. Siya ay magiging katulad ng butil ng kape na tulad ng kaniyang mahal na ama.

You might also like