Pagsusuri Tungkol Sa Kwnetong Pamana Ikalawang Sumatibong Pagsusulit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

IKALAWANG SUMATIBONG PAGSUSULIT

PAGSUSURI SA TULANG “ANG PAMANA” NI JOSE CORAZON DE JESUS

FIL 322- PANUNURING PAMPANITIKAN

Isinumite ni: Judy Ann R. Camosa BSED-FIL

Ipinasa kay: Dr. Rammel T. Bayani

MARSO 2022
I. Pamagat

Ang tulang “Ang Pamana” ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus. Kilala sya sa
pangalan na Jose Corazon de Jesus ngunit may palayaw na Pepito, Matimtiman,
Huseng Batute, Husing Katuwa, Anastacio Salagubang, Sundalong Lasing, Viterbi,
Paruparong Asul at Bayaning May Sugat. Tinaguriang mamamahayag, makata,
manunulat at mas kilala bilang Hari ng Balagtasan. Isa sa kanyang mga tula ang
“Ang Pamana” na madalas basahin sa mga unibersidad at kolehiya. Naging tulang
pendula dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman.

II. Pagsusuring Panlingguwistika (tayutay at elementong ponemiko)

Ang tula ay ginamitan ng may akda ng tayutay na Metapora o Pagwawangis.


Ang tayutay na Metapora o Pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang
dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at
ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag katangian, o
gawain ng isang bagay sa bagay na inihahambing. Makikita at mababasa sa linyang
ito ng tula na kung saansinabi ng may akda na:

“Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan”

Mapapansin na inihalintulad ng may akda ang kulay ng buhok ng isang ina sa


isang pilak bunga ng katandaan nito.

Ang tula ay walang sukat, ang tugmaan ay di-ganap at may malayang


taludturan. Malaya itong pinadadaan ng may akda upang maisulat at ipalabas ang
mahidhing damdamin. Pansinin ang bawat linyahan ng tula:

Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw

Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan.

Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan

Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;

Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay


At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay,

Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,

Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay

Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”

Sa unang saknong ay mayroong anim na taludtod at bawat taludtod ay


walang sukat ang tugmaan ay di ganap at malayang pinadadaloy ang taludturan.
Pagbigyan pansin ang ikalawang saknong;

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha

Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,

Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha

Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;

Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at

sa halip na magalak sa pamanang mapapala,

Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita

Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata

Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

Sa ikalawang saknong ay mayroong din itong anim na taludtod at bawat


taludtod ay walang sukat ang tugmaan ay di ganap at malayang pinadadaloy ang
taludturan. Ngunit ating pansinin ang pangatlong saknong;

Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin

at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,

O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin

Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”

”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala


Mabuti nang malaman mo ang habilin?

Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming

Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”

Ang ikatlong saknong ay may mayroong walong taludlod. Nagpapatunay


lamang na ang tula ay walang sukat, di ganap ang tugma at ito ay malaya. Malayang
ipinahid ng akda ang kanyang tula sa pagsulat nito sa kanyang mga ideya at
damdamin.

III. Pagsusuring Pangnilalaman

Batay sa pangnilalaman ng tula ang ideya at pagkasulat ng tula ay nakabatay


sa teoryang Humanismo. Ang teoryang Humanismo ay isang pag-aaral sa pananaw
ukol sa paniniwala o prinsipyong pantao. Binibigyang pansin ang magagandang
saloobin ng taong nakapaloob sa isang akdang pampanitikan. Binibigyan din ng
pansin ang magagandang damdaming taglay ng isang tao sa akda. Pinatutunayan
ito sa ng may akda sa taludtod ng kanyang tula:

Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin

at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin,

Walang ibang nais ang tao sa persona kung hindi pasayahin ang kaniyang
ina. Ang tao sa tulay ay nagpapakita lamang na ito ay may magandang saloobin at
may magandang damdaming taglay. Pansinin ang mga linyang nakaantabay sa
pagkasulat ng may akda;

O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin

Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?”

”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala

Mabuti nang malaman mo ang habilin?

Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming

Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”


Mapapansin sa mga linyang ito na gustong ibigay ng kaniyang ina ang mga
yaman nito sa kaniyang mga anak para itoy manahin at ala-ala sa kanya upang
kapag kung sakaling siya ay lilisan ay alam ng mga ito ang kaniyang mga habilin o
pamana. Pinatuyan ito sa pahayag ni Protagoras tungkol sa humanismo (Villafuerte,
1998):

“Ibig niyang makiraan sa daigdig nang may bakas na maiiwan upang ang kaniyang
buhay ay magkaroon ng bahagi sa isang di-maikukubling kasaysayan o kung hindi
ma’y sa isang nakabukas na dahon ng panitikan.”

Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan

Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan

Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang

Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw

Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay

At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay?

Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman

Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan

Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Ang huling saknong ay nagpapahayag na hindi sukat para sa kanya ang


halaga ng mga bagay kaysa halaga sa buhay ng kaniyang ina. Aanhin niya ang mga
pamana kung wala na ang kaniyang ina. Ayon kay Francisco Petrarch (1304-1376)
ang isa sa mga kinilalang Humanista, pinaniniwalaan niya na ang tao ang sukatan
ng lahat ng bagay, ang pinakaubod nito ay nagtatanghal ng kalayaan ng saloobin ng
tao, ang pangingibaw nito sa kalikasan at ang natatanging relasyon nito sa lumikha.
Ngunit batay sa saloobin ng may akda nilalayon niya ang kalayaan ng kanyang
saloobin na mas gustuhin niyang hilingin sa Diyos na maging pamana ang buhay ng
kaniyang ina.
IV. Akda Bilang Panitikan

Ang tula ay may masidhing pandamdamin. Malungkot ang pinasadahang


inspirasyon ng may akda. Sa ikalawang saknong mababatid sa mga linyahan ng tula
ang kalungkutan ng persona sa tula.

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha

Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,

Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha

Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa;

Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at

sa halip na magalak sa pamanang mapapala,

Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita

Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata

Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.

Mga linyahan na nagpapatunay kung gaano kalungkot ang saloobin at


damdamin ng persona sa tula. Nalulungkot itong iiwan sila ng kaniyang ina sa punto
pa lamang ng pananalita nito na ihabilin sa kaniya ang kanilang mga mana.
Bagama’t ang tao sa persona ay may magandang saloobin at mabuting damdamin.
Ayon sa kanya batay sa mga linya ng tula:

Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan

Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan

Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang

Hindi kailaman niya kailangan ang mga yaman ng ina bagkus ay ang buhay
ng kaniyang ang lubos niyang kailangan.
“Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman

Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan

Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.”

Mas gugustuhin niyang ipamimigay nalang ang kanilang kayamanan sa iba


kaysa mawala ang buhay ng kaniyang ina dahil wala itong kapantay kahit anong
yaman at bagay dito sa mundo.

Malaya ang tao na mamahayag at piliin ang kaniyang sariling saloobin at


damdamin. Malayang piliin ang kung anong gustong gawin at sabihin ngunit malinaw
lamang na ang tao ay alipin ng kaniyang sarili. Likas sa ating mga tao na tayo ay
darating sa puntong tayo ay maihahalintulad sa isang dahon na darating ang araw
ay malalanta rin. Parang isang aklat matatapos din ang mga pahina. Gaano man
natin gustong manatili sa daigdig ngunit tayo ay nakatakdang lilisan. Gaano man
kagusto ng persona na manatili ang kaniyang ina ito ay ginawa lamang niyang alipin
ang kaniyang sarili na maniwala sa hindi mangyayari.

Akmang teoryang Humanismo ang ginagamit dahil sa ito’y nakasentro sa tao,


sa saloobin at damdamin ng tao. Gaano man kagusto ng tao na manatili sa mundo
nakatakda itong lilisan ayon sa batas ng kalikasan ng tao. Ayon kay Protagoras “Ang
tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at ang panginoon ng
kaniyang kapalaran”, “Pilit niyang hinahawan ang madawag na landas na knayang
dinaraanan upang marating ang daigdig na nais niyang malakbay at dito humahanap
ng sariling kapalaran. Ibig niyang makiraan sa daigdig nang may bakas na maiiwan
upang ang kaniyang buhay ay magkaroon ng bahagi sa isang di-maikukubling
kasaysayan o kung hindi ma’y sa isang nakabukas na dahon n panitikan.” Nasa
kalayaan ng tao kung gusto niyang lumisan sa mundo nang may kabuluhan ang
kaniyang buhay at maalala ng mga nakararami o mas gusto niyang lumisan sa
mundo na mas naaalala ang mga mali niyang desisyon sa buhay. Ang tao ang
siyang may-ari ng kaniyang kapalaran at wala ng iba.

You might also like