NegOr Q3 AP7 Modyul7 v2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neo-
kolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya

i
NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Mga Anyo, Tugon at Epekto sa Neo-kolonyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Johnrey C. Melendres


Editor: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD, Marites A. Abiera
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental


Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang mong masuri ang anyo, tugon at epekto
ng neo-kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Ating alamin ang kabuuan ng modyul na
ito kung paano nakipaglaban ang Timog at Kanlurang Asya laban sa koloyanlista at kung
anong uring impluwensiya ang naiwan sa mga bansang nasakop nito.

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na katunungan. Piliin lamang
ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa kwaderno.
1. Ano ang tawag sa bagong paraan ng pananakop ng mga malalakas at mauunlad na bansa
sa mga bansang mahihirap.
A. Neokolonyalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Imperyalismo

2. Ito ang tawag sa hindi pagka-ahon ng mga mahihirap na bansa sa kanilang pagkakautang.
A. Loan Shark B. Debt Trap C. Collateral D. Debit

3. Ito ay isang patakaran o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o


makapanyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtulong o kontrol
na pangkabuhayan at pampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
A. Neokolonyalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Imperyalista

4. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nag-uunahan ang mga kanluraning bansa na sakupin
ang Kanlurang Asya.
A. Ginto B. Perlas C. Langis D. yamang gubat

5. Ang panahong ito ay nag-iwan ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng lipunan at


kabihasnan sa mundo.
A. Panahon ng Eksplorasyon B. Panahong Metal
C. Panahong Bato D. Merkantilismo

6. Ito ay ang sunod-sunod na digmaang militar ng mga Kristyano laban sa mga turkong
Muslim; ito ay upang mabawi nila ang banal na lupa o Jerusalem na siyang lugar kung
saan ipinako si Hesukristo.
A. World War II B. Civil War C. Cold War D. Crusade

7. Ito ay nakatuon sa kita ng kapital na kanilang inilagay sa mga negosyo ng papaunlad ng


mga bansa.
A. Neokolonyalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Imperyalista

1 NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
8. Ano ang tawag sa kaisipang nagsilbing gabay at kilos?
A. Adhikain B. Mithiin C. Ideolohiya D. Prinsipyo

9. Ito ay tumutukoy sa isang sistema ng ekonomiya at kultura na nakasalalay sa


pagsasaalang-alang ng kapital o sariling pera upang palaguin ito.
A. Merkantilismo B. Kapitalismo C. Negosyo D. Ekonomista

10. Ang salitang ________ ay may katumbas na kahulugan na reborn o pagkabuhay-muli.


A. Renaissance B. Resurrection C. Reborn D. Rebirth

Balikan
GAWAIN A: KWLS
Sa bahaging ito ay isulat ang iyong kaalaman ukol sa imperyalismo at kolonyalismong
naganap sa Asya, partikular sa rehiyon ngTimog at Kanlurang Asya. Bago natin suriin ang
dahilan at paraan ng unang yugto ng imperyalismo at kolonyalismong naganap saTimog at
Kanlurang Asya, sagutin mo muna ang tanong na nasa unang kolum. Sa ikalawang kolum
ikaw ay bubuo ng mga mahahalagang tanong. Sa ikatlo at ikaapat na kolum ay iyong
masasagot pagkatapos ng mga ibibigay na gawain sa modyul. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

K W L S
Ano ang nais kung Ano ang aking Ano pa ang gusto
Ano ang aking alam? malaman ? natutunan? kong maunawaan?

Tuklasin
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng neo-kolonyalismo ang ipinakita sa mga sumusunod na
sitwasyon. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.

( A. Pang-Pulitika B. Pang-ekonomiya C. Pangkultural D. Pangmilitar )

1. Pinalaganap nang mayayamang bansa ang kanilang ideolohiya pagkatapos ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig.

2 NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
2. Nagpautang ang World Bank ng pera sa Pilipinas upang masurpotahan ang pagsasaayos
ng sistema ng edukasyon.

3. Maraming mga organization at embahada ang mga nag-alok ng mga scholarship grant para
mag-aral sa kanilang bansa.

4. Nagpadala ng mga sundalo ang bansang Amerika sa Pilipinas upang supilin ang mga
terorista.

5. Ang wikang Ingles ang siyang itinadhana at papairalin bilang wikang gagamitin sa mga
paaralan.

Suriin
Neokolonyalismo sa Timog at Timog-Kanlurang Asya

Nag-unahan ang mga Kanluraning bansa na masakop ang mga bansa sa Kanlurang
Asya nang matuklasan ang langis sa rehiyon. Ang mga Arabong bansa sa pangunguna ng
Saudi Arabia, Iraq, Kuwait ang may hawak ng malaking reserba ng langis sa daigdig. Dahil sa
patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa sa mga bansa sa Asya ay naging palaasa na
lamang ang umuunlad at mahihirap na bansa tulad nang sa pananalapi, politika, panlipunan
at maging kapakanan ng bansa. Madalas ay nangungutang ng salapi ang mga dating
kolonyang bansa sa International Monetary Fund at World Bank upang magamit sa kanilang
mga pangangailangan pati na ang ukol sa edukasyon.

Mga Bansa sa Kanlurang Asya

Sa pamamagitan ng tahimik na paraan, nagagawa ng makapangyarihang bansa na


kontrolin ang pamamahala sa mga bansang mahihina. Nagagawang maimpluwensiyahan ng
makapangyarihang bansa ang usapin tungkol sa mga kalagayang panloob dito, pagbabatas
pamamaraang politikal na ang halimbawa ay eleksyon

Neokolonyalismo

Sa kabila ng pagtatapos ng kolonyalismo at imperyalismo sa huling bahagi ng ika-20


dantaon ay patuloy pa rin ang pagpasok ng impluwensiya ng mga Kanluraning bansa sa Asya.
Pangunahing dahilan nito ay ang makabago at tahimik na paraan ng pananakop na tinatawag
na Neokolonyalismo.May ibat ibang paraan ng pagtugon ang mga Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya sa Neokolonyalismo.Ang Neokolonyalismo ay nangangahulugan ng bago at
ibang uri ng pagsasamantala sa mahihirap na bansa. Ang mga bansang kabilang sa Third
World ang madalas na nakararanas nito dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya.

Politikal at Suportang Pangmilitar

Ang bansang India ay minsang nagbukas ng kaniyang ekonomiya sa kalakalang panlabas


noong 1991. Kapansin-pansin na naging mas malaki ang kapital ng mga kompanyang
Amerikano dito noong 1992 at 1993 kaysa sa India noong nakaraang 40 taon. Maaaring
mapaunlad ang kaalaman ng mga bansa sa ibat ibang larangan sa pamamagitan ng
pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan. Napipilitan ang mga tagapamahala sa mga

3 NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
pamantasan na makipag-ugnayan sa mga Kanluraning bansa kung saan magmumula ang
kanilang mga libro at kagamitan, dahil sa kakulangan sa pondo ay dayuhang ahensiya ang
namamahala sa mga pasilidad ng mga unibersidad.

Neokolonyalismong Kultural

Nagagawang tumulong ng mga Kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kung
ito ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa. Handa itong magbigay ng kanilang
hukbong sandatahan at iba pang tulong pangmilitar. Tulad ng pagtulong ng Estados Unidos
sa Kuwait nang lusubin ito ng bansang Iraq. Patakaran ng makapangyarihang bansa na
palaganapin sa mahihinang mga bansa ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay tulad
ng paraan ng pananamit, sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan at pati na mga
pagdiriwang. Gamit ang mass media at edukasyon ay nahuhubog ng mga makapangyarihang
bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na malinaw na makadayuhan.

Pagyamanin

Gawain A:
Panuto: Ang sumusunod ay mga anyo, pamamaraan at epekto ng neo-kolonyalismo.
Ipaliwanag ang bawat isa at isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

1. Mananatili bilang isang agricultural country ang ating bansa.


2. “Stop regulating the oil prices”.
3. It’s better if you import more flour and eat more bread”.
4. “Start tightening your belt”.
5. Tangkilikin ang sariling atin

Isaisip

Ang epekto ng Neo-kolonyalismo ay ang mga sumusunod:


Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba – na ang ibig sabihin na umasa ng labis
ang mga tao sa mga mayayamang bansa.

Loss of Pride o kawalan ng karangalan – sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabuo


sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling.

Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin- ang mga umuunlad na bansa ay


malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ay nakatali pa rin sa malakolonyal na
interes ng kanluran.

4 NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
Ang neo-kolonyalismo ay isang anyo ng pananakop ng mga mayayaman at
makapangyarihang bansa. Ito ay hindi tuwirang pananakop.
Ang neo-kolonyalismo ay may dalawang uri: ang ekonomiko at kultural. Ang una ay sa
pamamagitan ng mga tulong at pautang na ipinagkaloob sa isang mahirap na bansa. At ang
kultural ay binubuo ng mga awit, palabas, babasahin at iba pa na ipinagkakaloob ng mga
dayuhan sa isang bansa.
Nakakaapekto ang neo-kolonyalismo sa kadahilang nagiging labis na palaasa ang mga
mahirap ng bansa at kadalasan nawawala sila ng karangalan. Patuloy na inaalipin ang mga
bansang maliliit dulot ng neo-kolonyalismo.

Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa paksang nasa ibaba. Pumili lamang ng
isang paksa at isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. “ Walang bansa ang Makapag-iisa.”
2. “ Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa kulturang dayuhan”.
Krayterya ng Pagmamarka:
1. Organisasyon ng mga salita------------------10
2. Kalinisan--------------------------------------------5
3. Katumpakan/Kaangkupan sa paksa---------5

TTayahin
Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Ito ay mapayapang pananakop sa likod ng kunwaring malasakit.
A. Pagbabago B. Neo-kolonyalisno C. Imperyalismo D. Kolonyalismo

2. Ahensyang ginagamit upang maisakatuparan ng mga mayamang bansa ang kanilang


adhikain.
A. ADELA B. IMF-WB C. Marshall Plan D. US Aid

3. Nanguna sa pagsuporta sa mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa.


A. Africa B. Cambodia C. Philippines D. United States

4. Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa pagyakap sa mga bagay na gawa ng dayuhan.


A. Pagtangkilik ng sariling atin B. Pagtangkilik ng produktong banyaga
C. Isipang kolonyal D. Kolonyalismo

5 NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
5. Lahat ng aspeto ng pamumuhay ay kontrolado ng dayuhan.
A. Continued Enslavement B. Kultural
C. Kompetisyon D. Tulong mula sa dayuhan

6. Ang mga bansang mahihirap ay kabilang sa:


A. Unang Daigdig B. Ikalawang Daigdig
C. Ikatlong Daigdig D. Mga bansang Asyano

7. Tulong pinansyal at pangkabuhayan ang balat kayo ng uring ito.


A. Ekonomiko B. Foreign Aid C. Colombo Plan D. US Aid

8. Ang pananakop ng malalakas na bansa upang matamo ang kayamanan at kapangyarihan


ng isang bansa.
A. Neo-kolonyalismo B. Imperyalismo C. Komunismo D. Sosyalismo

9. Higit ang pagpapahalaga sa mga palabas, musika, babasahin ng mga dayuhan.


A. Colonial mentality B. Kultural C. Ekonomiko D. Political

10. Minana na produkto na galing sa ibang bansa.


A. Pagtangkilik ng sariling atin B. Alliance for Progress
C. Loss of Pride D. Peace Corps

Karagdagang Gawain

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Paano nagsimula ang kaisipang kolonyal ng mga Pilipino?
2. Masasabi mo bang napabuti ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon dahil sa
neokolonyalismo?

6 NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN: TAYAHIN:

1. A 6. D 1. B 6. C
2. B 7. C 2. B 7. A
3. B 8. C 3. D 8. B
4. C 9. A 4. C 9. B
5. A 10. A 5. A 10. C

BALIKAN:
> Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang iyong sagot.

SURIIN:
> Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang iyong sagot.

PAGYAMANIN:
> Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang iyong sagot.

Sanggunian

Abejero, Raymund Arthur et.al. "Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan." In Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, by
Raymund Arthur et.al Abejero. Quezon: Vival, 2008.

Blando, Rosemarie et.al. "Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba." In Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba, by Rosemarie et.al Blando. Pasig: Enduresources, 2014.

7 NegOr_Q3_AP7_Module7_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like