Johann

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

AP

Mahalaga masukat ang economic performance ng bansa Dahil magiging tanyag ang bansa sa
mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal at magagamit ito upang makabuo ng mga
patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa. Ito ay magiging repleksyon sa kahusayan
ng namumuno at makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya. Mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa dahil dito
nakalaan ang progreso ng bayan. Ito ang nagsisilbing listahan sa mga in-import at in-export na
produkto ng bansa kung lumalago ba ito o hindi. Gaya nga ng ibang bansa, kung mataas ang
economic performance ay yumaman din ang isang bansa at tiyak makakamit ang progresong
kinakamtan.Upang malaman natin kung ano na ang kaganapan ng ating bansa. Kung ang ating
ekonomiya ay umuunlad o hindi. Ito ang instrument upang ilahad ang anumang pag-unlad ang
narating ng isang ekonomiya. Ito ang naglalarawan ng kalagayan ng bansa. Kabuuang
Pambansang Produkto. Ang GNP ang tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga produkto at
serbisyong nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon. Ito ay itinuturing na
pinakamahalagang bagay na isinasaalang-alang sa usapin na may kinalaman sa pag-unlad ng
bansa. Dito nalalaman ang pangkalahatang produksyon ng bansa. Dito pinagsasama-sama ang
produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa. Ang sistema ng pagsukat sa
pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya sa
isang particular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng
bansa. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng isang taon masusubaybayan natin
ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may nagaganap na pag-
unlad o pagbaba sa kanilang produksyon ng bansa. Ang nakalap na impormasyon mula sa
pambansang kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga
patakaran at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at
makapagpapataas sa economic performance ng bansa. Kung walang sistematikong paraan sa
pagsukat ng pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging basehan na walang matibay na
batayan. Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala. Sa pamamagitan ng National
Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ng isang ekonomiya.

You might also like