Gatmaitan Activity1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Activity #1

Kahalagahan ng Pananaliksik sa larangan ng Edukasyon

Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap ng impormasyon. Marami itong


gamit sa iba’t ibang larangan o aspeto ng ating buhay. Isa sa mga maituturing na kahalagahan ng
pananaliksik ay maiuugnay sa larangan ng edukasyon. Sa pamamagitan ng pananaliksik, napalilinaw ang
alin mang paksa na nais maintindihan ng mag-aaral nang may ipinepresentang sapat na ebidensya. Nang
dahil sa pananaliksik, nakatutuklas ng mga panibagong kaalaman at mga bagong konsepto na siyang
maaaring gamitin sa mga pang-akademikong gawain ng mga mag-aaral. Nakatutulong din ang
pananaliksik bilang reperensya ng mga mag-aaral sa kanilang mga takdang aralin o pagsasanay. Ang
pananaliksik ay maaaring magamit bilang daan ng isang mag-aaral upang mas mapalawak nito ang
kaniyang pag-unawa at kakayahang mag-analisa ng isang paksa o teksto. Sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng pananaliksik, natututunan ng mga mag-aaral na tumayo sa sariling mga paa at huwag
umasa sa iba. Natututo maging “independent” ang mga mag-aaral, hindi dumepende sa iba o magsarili
nang walang inaasahang tulong sa ibang kamag-aral. Natututunan din ng mga mag-aaral maging
sistematiko at organisado sa paggawa. Nahahasa rin ang pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral sapagkat
sa pananaliksik ay hindi maaaring hindi basahin ang kabuuan ng tekstong ginawa. Nakatutulong din ito sa
pagpapalawak ng perspektiba ng isang mag-aaral at hinuhubog ang kaisipan ng mag-aaral upang mas
maging mapanuri at makatwiran sa tamang paraan. Natututo rin ang mga mag-aaral na tuklasin kung alin
sa mga impormasyon ang totoo at kung alin ang opinion o walang sapat na pagpapatunay. Mas nag-
oobserba ang mga mag-aaral upang mas higit na mapalawak at mahimay ang mga impormasyon,
konsepto at ang mismong teksto.

Kahalagahan ng Pananaliksik sa Larangan ng Medisina

Ang pananaliksik ay isa sa mga mabisang paraan upang makahanap ng sagot o solusyon sa mga
lumalaganap na sakit sa ating panahon. Ito ay napakahalaga sa larangan ng medisina sapagkat ito ay isa sa
mga hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng mga may karamdaman. Nakatutulong ito sa pag-
iimbento o pagsasagawa ng mga bagong gamot na siyang pupunan ang kakulangan nito. Isa ito sa mabisa
at ligtas na paraan kung saan hindi basta basta inilalabas ang anumang gamot na nilikha. SInusuri muna
ng mga eksperto ang mga imbensyon na gamot at pinag-aaralan nang mabuti upang makatiyak na ito ay
ligtas at makatutulong sa pag galling ng isang pasyente o may karamdaman. Sinisigurado at tinututukan
nang maigi ang proseso at mga maaaring epekto nito na siyang tinatawag na pananaliksik. Sa panahon
ngayon, lalong napakahalaga ng pananaliksik sa larangan ng medisina upang mahanap at matuklasan
kung ano ang direktang gamot na makapagpapatanggal ng COVID-19 o Corona Virus sa mga taong
biktima nito. Nitong nakaraan lamang ay inaprubahan ng Food and Drug Administration of the
Philippines o FDA ang test kits para sa COVID-19 na na-develop ng mga local scientist sa University of
the Philippines. Kung hindi nila isinagawa ang kanilang pananaliksik, ang mga foreign test kits na
gagamitin ay umaabot sa mahigit 9,000 pesos samantalang ang mga local test kits ay nagkakahalagang
2,000 pesos lamang. Sa mga ganitong sitwasyon mas dapat pahalagahan ang pagsasagawa ng mga
pananaliksik dahil isa ito sa mga pangunahing instrumento sa pagpapadali ng paghanap ng solusyon sa
malawakang banta sa kalusugan tulad ng COVID-19 o Corona Virus.

Kahalagahan ng Pananaliksik sa Larangan ng Transportasyon

Isa sa mga kahalagahan ng pananaliksik sa larangan ng transportasyon ay ang pagtulong sa


pagpapabuti o pagbabawas ng trapiko. Sa Metro Manila, laganap ang trapiko sa iba’t ibang siyudad nito.
Kilala ang EDSA bilang pinakama-traffic na lugar dito sa Maynila. Sa pamamagitan ng pananaliksik,
nakapaghahanap ng iba’t ibang solusyon na maaari makapagpagaan ng trapiko rito sa Pilipinas. Isa pa sa

This study source was downloaded by 100000841714047 from CourseHero.com on 03-16-2022 22:31:29 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/58223086/Gatmaitan-Activity1docx/
naitutulong ng pananaliksik ay ang pagtuklas kung dapat na bang palitan ang mga lumang jeepney ng
mga makabagong PUV. Inaalam ng mga eksperto kung alin nga ba ang mas madali at karapat-dapat na
gamitin sa pamamasada. Sinasabing maaaring mapagaan ang trapiko kung ang mga makabagong PUV na
ang gagamitin bilang pampublikong sasakyan. Dagdag pa nito ang bawas polusyon sa hangin na siyang
nang gagaling sa mga tambutsyo ng mga lumang jeep at iba pang mga sasakyang pampubliko at
pampribado. Ngunit hindi rin maiiwasan na magkaroon ng downside ang minumungkahing
pagmomodernisado ng mga PUV. Ito ay sa kadahilanang hindi ito kayang bilhin ng mga pumapasadang
driver ng jeep. Kung kaya’t ito ay pinag-aaralan nang mabuti upang makahanap ng mas mabisang paraan
upang hindi maging mabigat para sa mga tsuper ang pagbili sa mga panibagong jeep at para rin malaman
kung dapat ba itong ipatupad o maghanap pa ng ibang alternatibo.

Kahalagahan ng Pananaliksik sa Pangangalaga ng Kapaligiran

Mahalaga ang pananaliksik sa pangangalaga ng kapaligiran sapagkat ito ang nagdedetermina sa


estado at kalagayan nito. Ang pananaliksik ang isa sa mga paraan upang mabigyang aksyon ang mga
problema sa kapaligiran na hindi nabibigyang pansin. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, natutuklasan din
ang mga bagong imbensyon na nakapagpapadali at nakakapagpabuti sa pag-aalaa ng ating kapaligiran.
Dahil din sa pananaliksik, nalalaman natin kung ano pa ang mga pangangailangan ng ating kapaligiran
para mapunan at maisakatuparan ito. Dito rin nagmumula ang mga proyekto o programang may
kaugnayan sa pagpapaganda, pagsasaayos at pagprotekta sa kapaligiran. Ang mga proyekto o programang
ito ay mga hakbang upang mabawasan ang polusyon, basura at paglaganap ng sakit sa ating komunidad o
bansa. Ito ay inoorganisa upang mas maging ligtas, maaliwalas at malinis ang ating kapaligiran. Nang
dahil sa pananaliksik, mas nabibigyang atensyon ang lumalaking problema sa kapaligiran at naaagapan
ito upang hindi na higit pang lumala.

Kahalagahan ng Pananaliksik sa Larangan ng Sining

Sa larangan ng sining, nakatutulong ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa


mga likha ng ating mga alagad ng sining. Nabibigyang kulay ng pananaliksik ang mga obra maestra sa
pamamagitan ng pagtuklas ng mga pinagmulan, mensahe at kung saan patungkol ang bawat obrang
nilikha ng mga manunulat, pintor, musikero at iba pa. Sa pananaliksik inaalam ang kaligiran kasaysayan
ng isang paksa kung kaya’t nababatid ang tunay na kahulugan ng mga obrang isinasaliksik. Maaari ring
matuklasan ng mga alagad ng sining kung ano ang natitipuhan ng mga tao sa panahon ngayon kaugnay ng
sining tulad ng mga kanta. Dito ay natutulungan sila ng pananaliksik kung ano nga ba ang dapat nilang
likhain na siyang magiging patok sa panlasa ng madla o pasok sa tinatawag na “trend”.

Ang mga nabanggit ay iilan lamang sa mga kahalagahan ng pananaliksik ngunit sa mga nabanggit pa
lamang ay mababatid na ito ay mahalaga sa buhay ng bawat isa.

This study source was downloaded by 100000841714047 from CourseHero.com on 03-16-2022 22:31:29 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/58223086/Gatmaitan-Activity1docx/
PERFORMANCE CHECK

Para sa akin, kaya ganito ang aking iginuhit sapagkat ang pananaliksik ay ang mabusising pag-aanalisa at
pagkakalap ng mga impormasyon. Sa larawan ipinakikita rito na tinututukan nang maigi ng tao ang isang
libro kung saan magagamit niya ang mga impormasyon na nandito para sa kaniyang pananaliksik. Sa
pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon at aklat ang pangunahin sa
mga ito.

This study source was downloaded by 100000841714047 from CourseHero.com on 03-16-2022 22:31:29 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/58223086/Gatmaitan-Activity1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like