Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

James Ryan M.

Omas-as
BSED_FILIPINO2

109th Unified Foundation Day: Tungo sa Pagkakaisa

Taon-taon tuwing Setyembre ang bawat institusiyon ay nagdiriwang sa selebrasyon ng


Unified Foundation Day na kung saan ay na kagawian na ng mga iba’t ibang unibersidad
kalakip na dito ang Pamantasang Gitnang Mindanao. Mahigit sisang daang taon nang
ipinagdiriwang ang selebrasyong ito dito sa ating unibersidad. Ito ay nakagawian nan g mga
estudyante, mga guro, mga empleyado, at lahat ng mga organisasyong sakop sa ating
unibersidad. Ang selebrasyong ito ay pinangungunahan ng presidente ng ating unibersidad na si
Dr. Jesus Antonio G. Derije at ng mga kawani ng kanyang pamumuno. Nagkakaisa ang lahat ng
mga estudyante at mga guro upang maging maayos ang takbo ng selebrasyon. Ang selebrasyong
ito ay isinagawa sa isang lingo na kung saan may mga iba’t ibang aktibidad, mga patimpalak at
trade fare na ginawa dito sa loob ng ating unibersidad.
Sa isang linggong selebrasyon, ang bawat mga araw ay may kalakip na mga aktibidad
halimbawa na rito ang patimpalak sa pagandahan at paggawa ng hardin, patimpalak sa
pagandahan ng aso, patimpalak sa pangunguha ng isda at iba pa. Lubos na pinaghandaan ang
mga aktibidad na ito upang ang lahat ng mga estudyante ay masiyahan sa isang linggong
selebrasyon. Pero lubos ding nadidismaya ang ibang mga estudyante kasi meron silang klase at
hindi nila masisilayan ang mga aktibidad na naganap. Kahit na ganoon ang nangyari ay masaya
pa rin ang mga estudyante sa kanilang nasaksihang selebrasyon.
Matagumpay na idinaraos ang selebrasyon ng Foundation Day na ginanap sa loob ng
Pamantasang Gitnang Mindanao. Ang mga estudyante ay masaya sa taonang selebrasyon dahil
masasaksihan nila ang mga iba’t ibang aktibidad at may pagkakataon din na makasali sila sa mga
patimpalak na iyon. Ang selebrasyong ito ay hindi lamang nakapukos sa mga aktibidad kundi ito
ay nakapukos sa pagkakaisa ng mga estudyante upang makipag-halobilo sa ibang tao upang sila
ay makapag-usap at maging magkaibigan kahit na magkaiba man ang kanilang kursong kinuha.
Importante ito sa atin upang mas lalakas pa ang relasyon na ating makukuha sa ating unibersidad.

You might also like