Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Lahat ng Modyul na sasagutan

sa ikatlong markahan ay
ilalagay sa isang kwaderno
‘’notebook’’, kung walang
kwaderno sagutan sa papel at
i-compile sa isang folder.

Ilagay sa pinakaunang bahagi


ng inyong kwaderno o
compilation folder ang I.D.
Station.

Paalala lahat ng Gawain sa modyul na ito ay


kailangan sagutan.

1
TUKLASIN. Inilalahad sa bahaging ito ang pamagat at
layunin ng aralin na nais matamo ng mag-aaral.
GUMUHIT. Sa bahaging ito susubukin at titignan ang
kaalaman ng mag-aaral. Ito ang paunang tanong at
gawain bilang pagganyak sa mga mag-aaral.
TALAKAYIN, UNAWAIN AT LINANGIN. Matatagpuan sa
bahaging ito ang pagtalakay na may pagunawa sa mga
paksang nakapaloob sa aralin at mga tanong nalilinang
sa mga mag-aaral pagkatapos nilang tinalakay at
inunawa ang aralin.
KULAYAN. Palilitawin dito ang kagalingan, kahusayan at
katalinuhan ng mga mag-aaral batay sa paglalapat sa
kanilang personal na pamumuhay.
OBRA MAESTRA. Ito ang huling bahagi na susukat sa
sariling pagkatuto upang matupad ang layunin ng aralin.

2
Gusto mo na bang magsimula?
Sagutan mo muna ang mga
katanungan sa ibaba upang
magkaroon ka ng pagkakakilanlan.
Ano pang hinihintay mo. Simulan
muna

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III- Central Luzon
School Division of Tarlac Province
SAN ROQUE NATIONAL HIHG SCHOOL
Bamban, Tarlac
STUDENT No.________________ SEKSIYON: ________________

PANGALAN:_______________________________

EDAD:__________

KAARAWAN:________________________________________

NUMERO NA MAARING TAWAGAN:


______________________

TIRAHAN:________________________________________________

PANGALAN NG MAGULANG / TAGAPAG-ALAGA:

_____________________________________________________

NUMERO NA MAARING TAWAGAN:


______________________
3
Sa makabagong panahon makabagong
kaalaman ang dala ng ating Sariling Linangan Handa ka na bang magpinta
Kit na pinamagatang ng makabagong kaalaman?

‘’Pintura Ng Panitikang Popular’’ Kung handa ka na halina


atin ng tuklasin ang mga
layunin na kailangan
malinang pagkatapos
nating matutunan ang
Aralin 1 na Popular na
Babasahin.

Tandaan ang Lima (5) na Layunin:

1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, tono, pananaw,
ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap (F8PB-IIIa-
c-29)

2. Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia


(F8PT-IIIa-c-29)

3. Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng


balita, komentaryo, at iba pa (F8PU-IIIa-c-30)

4. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na


komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) (F8WG-IIIa-c-30)

4
5. Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik (F8PS-IIIa-c-
Ooops! Binasa mo na ba ang Limang (5)
na layunin? Magaling kung ganon! Dahil
alam mo na ang layunin na dapat nating
malinang, Subukin mo namang sagutan
ang sumusunod na tanong na
nakapaloob dito upang masukat mo ang
iyong mga kaalamang taglay sa ating
unang paksa.

Panuto: Ilagay sa loob ng Bulaklak ang mga naiisip na sagot.


Mga Lenggwaheng nauuso o pinauso ng mga kabataan?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan


ang napiling tamang sagot.

1. Naglalaman ng balita, tsismis, isports at isang uri ng print media.


a. Dagli
b. Dyaryo
c. Facebook
2. Ano ang kahulugan ng 143 na ginagamit ng mga kabataan sa
multimedia?
a. I Love You
b. Mahal na Mahal kita
c. Ikaw lang Sapat na

5
3. Bakit naging ‘’bb’’ ang salitang ‘’baby’’?
a. Dahil sosyal ang sumulat
b. Dahil katunog ang bigkas
c. Dahil umaayon sa nasa uso
4. Ang pabalat nito’y may larawang sikat na artista at tumatalakay sa iba’t
ibang paksa.
a. Komiks
b. Twitter
c. Magasin
5. Ano ang ibig sabihn ng salitang ‘’SAKALAM’’.
a. Kasalan
b. Malakas
c. Maganda
6. Anong uri ng komunikasyon ang kabuuang pangungusap: ‘’ Mudra, Pudra
Pahinging Kuray’’
a. Impormal
b. Pambansa
c. Malapormal
7. Ito’y nakikita sa headline o feature story na maitutuking na maikling
maikling kuwento.
a. Tula
b. Dagli
c. Maikling Kuwento
8. Ito’y isang online application na kilala bilang Photo-Sharing at Video-
Sharing sa social media ang pinakamahabang oras na maaring ipost sa
bidyo ay hindi lalampas ng isang minuto.
a. Facebook
b. Instagram
c. Youtube
9. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na ito ‘’ Magpabakuna na ang 18
pataas upang ang mga bata ay ligtas sa Covid-19’’.
a. Kaligtasan ng mga Bata
b. Maiwasan ang Covid-19
c. Magpabakuna na ang 18 pataas
10. Ano ang unang dapat isaalang alang sa pangangalap ng datos sa
pananaliksik
a. Mangolekta ng datos sa iba’t ibang lugar.
b. Alamin ang paksang gagawin
Ako’y nagagalak at nasagutan mo ang ating unang
c. Bumuo ng Konsepto ayon
gawain. Handa ka na bang matuto sa ating paksang
aralin na patungkol sa popular na babasahin?

6
Ooops! Pero bago yan hindi lingid sa ating
1.
kaalaman na maraming nagkalat sa internet ng
mga makabagong babasahin.

Sige nga tignan natin kung nakasunod ka sa uso,


sagutin ang gawaing HULA MO LARAWAN KO.

Hula mo Larawan ko: Kilalanin ang mga larawang nakikita sa ibaba at isulat sa patlang
ang pangalan o katawagan ng mga larawang nakikita sa ibaba.

1. Alin sa mga ito ang higit mong pinag-uukulan ng panahon? Bakit?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang naidudulot sa iyo ng kinagigiliwan mong social media app?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______

7
Nauuso ang iba’t ibang application na babasahin sa internet tulad ng
Facebook, Google, Instagram, Twitter, Youtube at Wattpad. Sa
kasalukuyang panahon ang nararamdaman ng mga tao, ang emosyon
at opinyon ay ibinabahagi na nila sakanilang social media, maging ang
mga larawan ay ginagawang memes o katawatawa at dahil dito
lumitaw rin ang mga bagong salita at bagong pagpapakahulugan. Para
maintindihan natin ang mga social media application sa internet atin
ng sagutin ang I-Definition na gawain.

I-Defination: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan at kung anong wikang gamit.


Ilagay sa loob ng column.

Application sa Internet Kahulugan Wikang Ginamit/ Pormal o


Impormal

Instagram

Facebook

Google

Twitter

Wattpad

YouTube

Ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay matalas at maalam


sa larangan ng internet at gadget kaya madali lang sakanila ang
magbigay ng kahulugan sa mga bagay-bagay dahil sa bawat click or
touch sa kanilang gadget ay nakakakuha o nakakabasa na sila ng
mga iba’t ibang impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bilang Patunay sagutin ang SarbeyList na mga tanong na


makikita sa susunod na pahina,

8
SarbeyList: Lagyan ng tsek at sagutan ang mga katanungan na hinihingi sa ibaba
upang mas makilala ang iyong karanasan sa pangteknolohiyang kasanayan.

1. Lagyan ng tsek ✓ ang application na mayroon ka.

☐ Instagram ☐ Twitter ☐ YouTube ☐ Facebook ☐ Wattpad ☐ Google


2. Ilang oras mo ginagamit ang gadget mo sa isang araw.
☐ 3 to 5 hrs ☐ 6 to 10 hrs ☐ 24 hrs
3. Mahilig kabang mag-chat o video call sa mga kaibigan o kapamilya mong
malayo sayo.
☐ Oo ☐ Hindi
4. Huling mensaheng pinadala mo sa kaibigan o pamilya.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Anong antas ng wikang ginamit mo sa mensaheng pinadala mo sa kaibigan o
kapamilya mo.

☐ Pormal ☐ Impormal
6. Bilang isang kabataan ano ang wikang kadalasan na ginagamit mo sa mundo
ng social media/ multimedia?
_______________________________________________________
7. Bilang pagsusuri sa iyong mga naging sagot, masasabi mo bang malaki ang
impluwensiya ng teknolohiya at social media sa buhay mo? Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________
8. Ano- ano ang maipapayo mo sa mga kabataang nauubos o nasasayang ang
oras dahil sa labis o maling paggamit ng teknolohiya at social media sa
kanilang buhay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________

9
Alam mo ba na mayroon tayong tinatawag na impormal na
wika na kung saan ang mga wikang ito ay kadalasang
ginagamit ng mga kabataan sa pakikipag-usap araw-araw,
ito ay ang balbal, kolokyal, lalawiganin at banyaga.

Balbal

- Ang balbal o tinatawag na slang sa ingles ay salitang kanto na ginagamit sa pang-


araw-araw na pananalita na kung saan ang mga salita ay imbento ng mga kabataan.

Halimbawa:

Erpat- Tatay 143- I love you bb-Baby yosi- Sigarilyo

Lispu-_________ Utol-__________ Lodi-___________

Kolokyal

- Mga salitang pinaikli, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino
ang nagsasalita.

Halimbawa:

Mayroon- meron Ako- ko Doon-don nasaan- nasan

Pa’no-_________ Ba’t-__________ Diba-___________

Lalawiganin

- Wikang ginagamit sa partikular na lugar o pook.

Halimbawa:

Kapampangan- Malagu-Maganda

Ilokano- Nagpintas-Maganda

Cebuano- Gwapa-Maganda

Banyaga

- Salitang mula sa ibang wika. Ang salitang banyaga ay walang salin sa wikang Filipino.

Halimbawa:

Cake Computer Interview Screen

___________ ___________ ___________ ____________

10
Atin ng timbangin kung talagang ginagamit at naiintindihan mo ang
mga impormal na wika.

Give Word and Meaning Chart: Magbigay ng salitang Impormal at


gamitin sa pangungusap.

D. Balbal
Salita Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

C. Kolokyal
Salita Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

A. Lalawiganin
Salita Pangungusap
1.
2.
3.

4.
5.

B. Banyaga

Salita Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

11
Ngayon dahil alam nanatin ang mga makabagong babasahin at
makabagong pananalita ng mga Pilipino na kadalasan naginagamit ng
mga kabataan alamin naman natin kung ano-ano ang mga babasahin
bago nauso ang social media at internet sa makabagong panahon.
Sagutin ang BiloPuzz.

BiloPuzz: Mayroong isang Puzzle sa ibaba bilugan ang salitang sa tingin mo ay


babasahin na sumikat noon hanggang sa ngayon at isulat mo sa bilang 1-6 sa ibaba
ng puzzle ang nabilugang salita.

E T Y D H B K L D X A Z Y I O P L G
A S O P P U S A T W I T T E R I G T
V T E L A B I S Y O N R A D Y K O G
L S A R H T E D S D Y A R X O O P O
O I D Y A R Y O B A L A K M L M E O
R B B D Y U K R I A E J I A U R L G
E A K F A D V R B B F K H M G Y I L
H T I P G R M A G A S I N M N O K E
R O K L A H A M U A H H A O A H U I
E M E T N S E U Y R E L N N O U L L
P A S A N R O Q A K H K O G N L A G
U N S R R O Q N O Y S I B E L E T A
S S A N F E U P S O E M Y A A M R D

1. 4.

2. 5.

3. 6.

Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba, Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng panitikan
sa bawat panahon.

Panitikan sa Katutubo Pagkakatulad Panitikan sa Amerikano

Panitikan sa Kastila Panitikan sa Hapon


Panitikan sa Kasalukuyan

12
Mahusay ang iyong ginawa! Ngayong alam mo na ang pagkakaiba at
Pagkakatulad ng bawat panitikan sa Pilipinas. Dadagdagan natin ang iyong
kaalaman sa pagyabong ng Panitikan kaya narito ang mga Gabay na tanong ukol
sa pagpapayabong sa panitikan.

1. Ano ang tungkulin ng panitikan sa lipunan?


______________________________________________________
______________________________________________________
_________________________
2. Bakit nagbabago ang uri ng panitikan sa bawat paglipas
ng panahon?
______________________________________________________
______________________________________________________
_________________________
3. Paano naiimpluwensyahan ang bawat panahon sa
pagbabago ng panitikan?
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________
4. Masasabi bang magkapatid o magkaugnay ang panitikan
at kultura? Ipaliwanag.
______________________________________________________
______________________________________________________
__________________________
5. Bakit hanggang sa kasalukuyang panahon tinatangkilik
parin ang mga nakalimbag na babasahin o print media?
______________________________________________________
______________________________________________________
__________________________

13
Popular na Babasahin
Alam mo ba bago lumaganap ang iba’t ibang babasahin sa social media
mayroon ng libangan na pinagkakaabalahan ang mga Pilipino noon. At ito
ang pahayagan, magasin, komiks at dagli na hanggang ngayon ay patuloy na
tinatangkilik ng mga Pilipino.

PAHAYAGAN/DYARYO
Malaki ang ambag ng balita sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ang
nagbibigay impormasyon sa nangyayari sa ating paligid. Ang pahayagan o
dyaryo ay naglalaman ng literatura, balita, tsismis sa showbiz, isports at iba
pa. Ito rin ay tinatawag na print media dahil inilalathala ito ng araw-araw o
lingguhan.

Ang pahayagan ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ito ay hindi


namamatay bagkus sa paglipas ng araw o taon mas lalong napapayabong ang
mga nakapaloob dito. Kaya naman, ang balita ay isa sa pinakapopular na
babasahin.

Mga Katangian ng Isang Mabuting Balita

1. Ganap na Kawastuhan- dapat maayos ang paglalahad ng detalye at wasto


ang mga impormasyon na ihahayag o ibibigay ng tagapaghatid ng balita.

2. Timbang- Naglalaman ng mga katotohanan na pangyayari at nabibigyang


diin ang mga mahahalagang delaye hingil sa tunay na pangyayari.

3. Walang kinikilingan- Isantabi ang sariling opinyon at pakinggan ang


dalawang panig ng istorya dapat maging obhektibo ang pag-uulat ng
pangyayari.

4. Kaiklian, Kalinawan at kasariwaan- Gawing mas tawag pansin sa mga


mambabasa o tagapakinig ang balitang inihahayag kaya dapat maikli at
malinaw ang pagpapahayag at isaalang-alang ang bagong balita dahil ito ang
mas pinaguukulan ng pansin.

14
Uri ng Balita
1. Paunang Balita- Balitang inaasahan na mangyayari o nakatakdang kaganapan sa
isang event gaya ng laro na basketball at boxing, miting de avanse sa politika at
iba pa.
2. Balitang ‘di inaasahan- Balitang biglaan ang mga pangyayari o hindi inaasahan
tulad ng mga aksidente sa kapaligiran.
3. Balitang Tinalaga- Balitang ibinigay na paksa o assignment na isusulat tulad ng
pagdiriwang o paggunita.
4. Balitang Panubaybay- Balitang may kasunod na mangyayari, balitang nauna nang
naiulat tulad ng isyu sa Covid-19 o pagbabakuna sa Pilipinas.
5. Balitang Rutinaryo o Kinagawian- Balitang regular na nangyayari gaya ng pag-
uulat sa sona ng pangulo, bar exam at pagtaas ng mga presyo ng bilihin.

Dalawang Uri ng Pahayagan o Dyaryo

1. Tabloid- Isang uri ng Pahayagan na 2. Broadsheet- Isang uri ng Pahayagan na


maliit ang sukat ng pahina kumpara sa mayroong pinakamalaking sukat sa bawat
broadsheet. Ang tabloid ay tinaguriang pahina. Ang broadsheet ay nasusulat sa wikang
pangmasa dahil nakasulat ito sa wikang ingles kaya ang mga target na mambaabsa
Filipino at kadalasang ibenebenta sa nito ay ang mga nasa Class A at B.
bangketa.
Halimbawa:
Halimbawa:
Philippine Daily Inquirer
Abante
Philippine Star
Bandera Manila Bulletin
Bulgar The Manila Times

Ngayon The Daily Tribute

Gabay na Tanong:

1.Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa
broadsheet?

2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya bakit marami paring tumatangkilik at


nagbabasa ng mga pahayagan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
__________

15
MAGASIN
Isang babasahin na kung saan naglalaman ng mga artikulo, kuwento,anunsyo at
larawan ng isang produkto o isang tao na kilala o sikat mas malaki ito kaysa sa aklat
ngunit maliit kaysa sa pahayagan.

Halimbawa ng Magasin:

FHM, Liwayway, Cosmopolitan, Good House Keeping, Yes magasin, Metro, Candy, T3,
Men’s Health at Entrepreneur.

Gabay na Tanong:
1.Sa iyong palagay, bakit patuloy na binabasa ng mga tao ang magasin?

2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya bakit marami paring tumatangkilik at nagbabasa


ng iba’t ibang magasin?

____________________________________________________________________________________

16
KOMIKS

‘’Larawang Kuwento’’ Isang babasahing kinaaaliwan ng mga Pilipino dahil


ginagamitan ng imahe ang bawat pagpapahayag ng kuwento o pangyayari sa
buhay ng tao o kasalukuyang isyu ng panlipunan.

Halimbawa ng Komiks:

Pagong at si Matsing, Kenkoy, Hiwaga, Lagim, Darna, Dyesabel at Captain


Barbell

Bahagi ng Komiks
Pamagat ng
Kuwento
Kuwadrado-
naglalaman ng
isang tagpo sa Lobo ng Usapan-
kuwento. Kinasusulatan ng
Usapan ng Tauhan.

Kahon ng
Salaysay/Diyalogo- Larawang Guhit-
kinasusulatan ng
Tauhan sa
maikling salaysay
tungkol sa tagpo.
Kuwento.

Gabay na Tanong:

1.Sa iyong palagay, bakit patuloy nakinagigiliwang basahin ng mga tao ang komiks?

2. Mabisa bang babasahin ang komiks upang mailarawan ng husto ang kultura, tradisyon
at ang kalagayang kasalukuyan ng ating lipunan?

_____________________________________________________________________________________

17
DAGLI

Isang babasahing maikling- maikling kuwento na mabilis ang takbo ng mga pangyayari
sa kuwento.

Panuto: Bigyang-pansin ang katangian kung paano ito naisulat. Kung ano ang intensyon ng
sumulat nito, at kung anong uri ito ng babasahin

Kalye Onse, Purok Dos


Ni. Pluma sa Pluma

“Ba’t wala kang facemask budoy?”

tanong ng bisayang siga ng kalye onse purok dos sa batang naglalaro ng


yo-yo sa kalye.

Umiling lamang ang kausap nito.

“Pastilan ka diha! Alam mo namang kamamatay lang ng tindero ng saging


diyan sa purok uno dahil sa kubid na yan!”
Umiling lamang muli ang kausap nito.
Dumaan sa nag-uusap ang isang ale suot ay pang-nars na damit at mayroong dalang bayong
na pamalengke.
“Diyes y' media pa bukas ng palengke bakit nandito ka na?
May alcohol ka ba?
Sinong mga nilapitan mo?
Pumunta ka ba sa lugar na matao?
Bakit wala ka ring face mask? “,
apuradong tanong nito sa ale ngunit muli,
iling lamang ang nakuha niyang sagot.
“Tingnan n’yo nga ang suot ko, face mask, face shield at guwantes, habang kayong dalawa ni
face mask wala kayo? Mabuti ng mag-ingat lalo na ngayong daang libo na ang kaso!”, sabay
abot nito ng gamit kapareho ng suot niya.
Muli, umiling lamang ang mga kausap nito sabay lakad palihis sa lalaki.
Pagod at latang naglakad ang bisayang siga patungo sa bahay nito.
Bumungad sa kaniya ay kahon-kahon na biskwit at mainit na sopas. Lamesang puno ng
baraha at kaunting manlalaro nito.
Sa harap ay dalawang garapon, katabi ay yo-yo at lumang bayong…

Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang paksa at layunin ng iyong binasa?
________________________________________________________________________
2. Anong uri ng babasahin ang iyong binasa?
________________________________________________________________________
3. Paano binuo ng manunulat ang mga talata at pangungusap?
________________________________________________________________________

18
“Tiya Andeng!Pabili nga po ng dalawang Napkin. Yung pinakamanipis po. Saka iyong ano
raw ho, a… With Wings!”

Sisipul-sipol pa si Toti habang hinihintay ang kanyang binibili nang marinig nya ang
hagikhikan ng isang grupo ng mga lalaki’t babae sa silyang mahaba.
“Bakit? Palibhasa hindi kayo mautusan bumili ng Napkin ng mga nanay at ate nyo. Mga
gunggong na ‘to.” Singhal nya sa mga tinedyer.
“Pasensya na po kuya Toti. Hindi naman po. Sa totoo lang e humahanga nga kami sa inyo
dahil hindi kayo nahihiya.” Sambit ni Lily.
“Aba’y bakit ako mahihiya? Unang-una, gunggong lang ang mag-iisip na para sa’kin ang
mga Napkin na ‘to dahil lalake ako. Pangalawa, masama pakiramdam ng ate ko dahil may
dalaw nga raw sya. Siya, maiwan ko na kayo dyan. Magsiuwi na nga kayo at nang
mapakinabangan naman kayo ng mga magulang nyo.”
Nang makauwi si Toti ay diretso sya sa kuwarto upang magbihis. Matapos maisuot ang
kanyang kamiseta’y isinuksok na nya sa kanyang magkabilang kili kili ang dalawang
Napkin na binili.
“Punyetang mga deodorant kay mahal mahal mga walang silbi.”
At lumakad na si Toting Baskil para umakyat ng ligaw.

Pag-unawa sa Binasa
4. Ano ang paksa at layunin ng iyong binasa?
________________________________________________________________________
5. Anong uri ng babasahin ang iyong binasa?
________________________________________________________________________
6. Paano binuo ng manunulat ang mga talata at pangungusap?
________________________________________________________________________

19
Nabasa mo ba ang dalawang dagli?
Magaling kung ganon. Sagutin ang
Comparison Chart sa ibaba.

Comparison Chart: Ihambing ang ‘’Kalye Onse, Purok Dos at With Wings’’ batay sa katangiang
nakatala sa Grapic Organizer sa ibaba.

Kalye Onse, Purok Dos Ihambing ayon sa: With Wings


Ni. Pluma sa Pluma Ni. Juan Bautista
Paksa
Layon
Tono
Pananaw
Paraan ng pagakakasulat
Pagbuo ng Salita
Pagbuo ng Pangungusap

Panuto: Sumulat ng isang advertisement o patalastas na


nagalalarawan sa sitwasyong kinakaharap mo ngayon sa inyong
tahanan, na maaring ilathala sa isang babasahing tabloid at
gumamit ng mga salitang kolokyal.

20
Panuto: Sumulat ng tatlong eksena na naglalarawan sa iba’t ibang gamot na
maaring panlaban mo sa sakit na COVID-19, at gawan ito ng komiks. Gumamit
ng mga salitang impormal na wikang lalawiganin at banyaga.

Pamantayan sa Paggawa ng Komersyal Pamantayan sa Paggawa ng Iskrip

Ilahad ang iyong pananaw sa mga sumusunod na tanong:

1. Ano-anong bagong impormasyon o realisasyon ang iyong natamo matapos gawin


ang advertisement o patalastas at komiks? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Paano kaya nakaaapekto sa buhay mo ang mga panitikang iyong tinatangkilik?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. mo ang mga panitikan ng mga Pilipino gaya ng mga popular na babasahin?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
____

21
Panuto: Para sa aytem na 1, 2, 3, at 4: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang ng bawat
bilang. Gamit ang bahagi ng komiks na inilahad na halimbawa sa ibaba. Suriin at Piliin sa
bawat hugis ang tamang sagot na hinihingi sa bawat pahayag.

A. Kuwadro
D. Lobo ng
Usapan

B. Larawang
Guhit C. Diyalogo

1. ____ Bahagi ng isang komiks na naglalaman ng mga larawan at ng tagpo sa kuwento.


2. ____ Bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng mga usapan ng mga tauhan
3. ____ Naglalaman ng mga nakaguhit na larawan na nagsasalaysay ng mga pangyayari.
4. ____ Bahagi ng komiks na tumutukoy sa mga sinasabi ng mga tauhan sa kuwento.

Panuto: Para sa aytem na 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13: Basahin at unawain ang mga sumusunod
na tanong at piliin ang tamang titik na wastong kasagutan at isulat sa patlang sa ibaba.

a. Tabloid c. Balbal e. Candy g. Broadsheet i. Banyaga


b. Kolokyal d. Lalawiganin f. Entrepreneur h.Komiks

5. ____ Magasin na para sa mga taong may negosyo o gustong magnegosyo.


6. ____ Isang magasin na binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng mga
kabataan.
7. ____ Ang mga salitang ‘’SAN, KAW, DON’’ ay halimbawa ng antas na impormal na wika
na ano?
8. ____ Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan, tunay na
kinagigiliwan ng kabataan.
9. ____ Malaking Diyaryo na nakasulat sa lengguwaheng Ingles at naglalaman ng
kumpletong balita.
10. ____ Ang salitang spaghetti ay anong impormal na wika?
11. ____ Ang mga salitang ‘’LODI, PETMALU, ARAT NA’’ ay halimbawa ng impormal na wika
na ano?
12. ____ Ang salitang ‘’melyu naku buntok keng linangan kit aini’’ ay halimbawa ng
impormal na wika na ano?
13. ____ Tinatawag na pangmasa ang babasahin na ito dahil nakasulat sa wikang Filipino
at kadalasang nabibili sa bangketa.

22
Panuto: Guhitan ang mga Impormal na salita at tukuyin kung anong uri ng impormal
ang bawat pangungusap. Kung ito’y Kolokyal, Balbal, Lalawiganin at banyaga.

14. _______ Wala kang kasalanan, pero pano ako?


15. _______ Ayan na ang mga parak.
16. _______ Ambot sa iyo.
17. _______ Magagalit si bossing sa iyo pagnakita kaniyang walang ginagawa.
18. _______ Utak puso’t diwa ang aking gabay sa pag-aaral.
19. _______ Marisa, Sali kang taba.
20. _______ Napakasarap ng binili ni nanay na cake.
21. _______ San po ang labasan papuntang Tarlac?
22. _______ Ang dami palang bagets sa patimpalak.
23. _______ Nagpintas ka sa aking paningin.

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at bilugan ang napiling tamang
sagot.

24. Bakit kailangan pahalagahan ng mga Pilipino ang kanilang panitikan?


a. Dahil isinulat ito para sakanila.
b. Upang maipabatid nila ang kalayaan na taglay ng bawat isa.
c. Dahil kawili-wili ang pagpapahayag ng mga panitikan ng mga Pilipino kaya dapat
itong isabuhay at pag-aralan.
d. Dahil matutunghayan nila ang mga karanasan ng kanilang lipunan sa mga akdang
pampanitikan kaya kailangan pag-aralan.

25. Bakit kailangan pag-aralan ng mga kabataan ang panitikang popular?


a. Upang makilala nila ang kanilang sarili sa panitikang popular
b. Dahil sila ang susunod na magpapayabong ng panitikan.
c. Upang maunawaan nila ang pagbabagong dulot ng kanilang panahon.
d. Upang maihahambing nila ang kanilang sariling kabataan sa nakaraan.

Binabati kita. Ang mga natamong kaalaman at kasanayan sa araling ito ay


makakatulong saiyo upang maunawaan at mahasa ang iyong kaisipan sa mga
popular na babasahin sa iba’t ibang panahon ng panitikan. At laging tandan ang
panitikan ay kabuklod ng kulturang nating mga Pilipino atin nang pagyamanin
at payabungin para sa ikauunlad ng ating sariling kaalaman. Ngayon ay maari ka
nang magpatuloy sa susunod na aralin.

23
24

You might also like