Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikatlong Markahan- Modyul 2:
MGA AKDANG PAMPANITIKAN MULA SA
KANLURANG ASYA
ELEHIYA MULA SA BHUTAN

Pangalan: _____________________________________
Baitang/Seksyon:_______________________________
Paaralan: _____________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rhodora L. Woo


Editor: Lindo O. Adasa
Tagasuri: July G. Saguin
Maricel Jarapan
Chona R. Baradillo
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Peter Alavanza
Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo,CESO VI
Oliver B. Talaoc,Ed.D
Dr. Ella Grace M. Tagupa, Ed.D
Dr. Jephone P. Yorong,Ed.D
Lindo O. Adasa,Jr.
Alamin
Magandang buhay! Welcome sa ating bagong aralin sa Filipino 9

Pagkatapos ng aralin ay inaasahang ikaw ay:


• Nasusuri ang elemento ng elehiya batay sa tema,mga
tauhan,tagpuan,mga mahihiwatigang kaugalian at tradisyon,wikang
ginamit,pahiwatig,o simbolo ,damdamin. (F9PB-IIIb-c-51)
• Nabibigyang puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o
awit.(F9PD-IIIb-c-50)

Balikan
Panuto:Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba.Piliin ang titik ng
tamang sagot.( 1puntos bawat bilang)

1.Isang akdang hango sa bibliya na kapupulutang ng aral at maaaring


gabay sa araw-araw na na pamumuhay ng tao.
A.Pabula C.Anekdota
B.Parabula D.Alamat

“Ang nahuhuli ay nauuna


at ang nauuna ay nahuhuli

2.Ang pahayag sa itaas ay nangangahulugang______________.


A.Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang
aalis.
B.lahat ay hindi pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.
C.Ang nahuhuli ang kadalasang unang umaalis.
D.Mahalaga ang oras sa paggawa.
3.”Huwag mong kalimutan,ang lahat ay pantay-pantay”.Ang pahayag
ay________.
A.Nangangatwiran C.Nagdadahilan
B.Nagpapayo D.Nangangaral
4.”Isang oras lamang gumawa ang huling dumating,samantalang
maghapon kaming nagtatrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng
araw.Bakit pareho ang aming upa?Kung ikaw ang isa sa huling
dumating na isang oras lang nagtrabaho,ano ang gagawin mo?
A.Ibigay ang sobrang sweldo sa kasamahan
B.Huwag na lamang pakinggan ang nagrereklamo
C.Tanggapin ang sweldo at aalis na
D.Tanggapin lamang ang bayad na akma sa oras ng pagtatrabaho.
5.Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho.Ang
salitang upa ay may kahulugan na____.
A.Pautang C.Utang
B.Bayarin D.Sweldo

Aralin MULA SA BHUTAN


2 ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA

Tuklasin
Paglakbayin ang diwa sa aralin natin ngayon. Masisiyahan ka sa mga bagong
matutuklasan mo sa araling ito.Paano nga ba naiiba ang elehiya sa iba pang akdang
pampanitikan?

Gawain 1:
Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mga mahal sa buhay.sino ang
taong ito?ano ang nagawa niya sa buhay mo para pahalagahan mo siya? Isulat ang
kanyang pangalan sa loob ng puso.sa kaliwang bahagi isulat ang mga nagawa niya sa
buhay mo at sa kanang bahagi naman isulat ang mga gusto mong ipaalam sa kanya.(5
puntos)

Mga nagawa Mga gustong sabihin sa taong


pinapahalagahan

__________________________ _______________________________
__________________________ _________________________________
__________________________ _________________________________
Gawain 2.
Naranasan mo na bang mawalan o iwan ka ng mahal mo sa buhay?
Ano ang iyong naramdaman?ano ang ginawa mo para mabawaan ang
pagdadalamhating naramdaman?( 5 puntos)

Naramdamaman sa Paraan /hakbang


pagkawala sa mahal na ginawa para
sa buhay maibsan ang
naramdaman.

1. 1.

1.
1.

1. 1.
Suriin
Sa bahaging ito ay sisirin natin ang iba pang akdang pampanitikan ng Kanlurang
Asya.isa na rito ang elehiya.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


-Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa ,isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi mata
Una sa dami ng kilala taglay ang di mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dli panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikwadrong larawang guhit,poster at larawan,
Aklat,talaarawan,at iba pa.
Wala ng dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari,nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan,gaya ng paggunita
Ang maamong mukha,ang matamis na tinig,ang halakhak
At ang ligayang di malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot,luha at pighati
Bilang paggalang,sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha,ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema,ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe,walang anino,at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa ,ang burol ay bumaba,
ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

(mula sa aklat na Panitikang Asyano)


Gabay na Tanong:

1.Ano ang damdaming namayani sa persona ng tula?


A.masaya C.malungkot
C.naguguluhan D.natutuwa

2.Alin sa sumusunod ang tema ng elehiya?


A.pag-alis ng mahal sa buhay
B.paglisan ng isang minamahal
C.pag-alala sa lumisan na mahal sa buhay
D.sakit na di mawala sa pagkamatay ng mahal sa buhay.
3.Sino ang nagsasalita sa tula?

A.ang nobya ng namayapa


B.ang mahal sa buhay ng lumisan
C.pamilya na naiwan
D.ang may-akda
4.Ano-ano ang mga simbolo o sagisag na ginamit sa tula?

A.lawawan C.talaarawan
B.aklat D.lahat ng nabanggit

5.Ang sumusunod ay tradisyong ginagawa sa pag-alala sa yumaong mahal sa


buhay maliban sa _________________
A.pagpapadasal para sa kanya
B.pag-awit lagi at ihandog sa namayapa
C.pagdalaw at pag-alay ng kandila at bulaklak sa puntod
D.pagpapamisa alay sa namayapa

ALAM MO BA
MGA URI NG TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN
Ang elehiya ay tulang may dalawang katangiang pagkakakilanlan.Una, ito ay ang
tula ng panangis,lalo na sa pag-alala sa isang yumao;ikalawa ,ang himig nito ay
matimpi at mapagmuni-muni.Batay sa uri ng paksa ng elehiya ay higit na personal sa
pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang estilo ng panulaan.
Ang awit ay may paksang nauukol sa matimyas na
pagmamahal,pagmamalasakit,at pamimighati ng isang mangingibig.halimbawa nito
ang awit o kundiman na nahihinggil sa pag-ibig na kalimitang ginagamit sa
panliligaw.
MGA ELEMENTO NG ELEHIYA

1.TEMA- ang pinakabuoang kaisipan ng elehiya.Kadalasang konkretong kaisipan at


pwedeng pagbatayan ng karanasan.
2.TAUHAN- ang taong sangkot sa usapan Sa tula
3.TAGPUAN- lugar o panahon na pinangyarihan ng tula
4.KAUGALIAN O TRADISYON- ang mga kaugalian o tradisyon na binanggit sa tula
5.WIKANG GINAMIT- maaring pormal o impormal.Pormal o salitang istandard.
Impormal ang madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap
6.SIMBOLISMO-ang paggamit ng simbolo para magpahiwatig ng isang ideya o
kaisipan
7.DAMDAMIN-tumutukoy sa naramdaman ng may-akda o di kaya ng mambabasa
ukol sa nabasang tula.

Pagyamanin

Gawain 1.

Panuto:Ibigay ang kahulugan ng pahayag na mula sa binasang tula.Hanapin sa Hanay


B ang kahulugan ng pahiwatig o simbolo na nasa hanay A.Piliin ang titik ng tamang
sagot.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
.
Hanay A Hanay B

________1.Sa edad na dalawampu’t isa A.namatay o namayapa na


isinugo ang buhay

________2.Mga mata’y nawalan ng luha


B.palaging pagtawag sa Diyos
________3.Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
C.mga pagsubok sa buhay
________4.Malungkot na lumisan ang araw
D.wala ng iluluha
________5.Walang katapusang pagdarasal E.di matapos na lungkot
F.walang tigil sa pag-iyak
B.Panuto:Suriin ang binasang tula batay sa sumusunod.Piliin mula sa kahon ang
maaring maging sagot sa concept map.(6 na puntos)

Pagkamatay ng mahal sa buhay pag-alala sa mahal sa buhay

Elehiya talaarwan,aklat

Malungkot sa edad na dalawampu’t isa


isinugo ang buhay

TEMA

URI NG TULA DAMDAMIN

ELEHIYA SA
KAMATAYAN NI KUYA

PAKSA PAHIWATIG

SIMBOLO
Gawain

Gawain A

Panuto:Ibigay ang damdaming nais ipahiwatig na mga pahayag sa akda.Piliin ang sagot
mula sa kahon sa ibaba.(5 puntos)

Mga napiling bahagi ng tula Damdaming nais ipahiwatig nito

1.Hindi pa napapanahon
Sa edad na dalawampu’t isa,isinugo
ang buhay

2. Mga mata’y nawalan ng luha,


ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

3. Ang isang anak ng aking ina ay hindi


na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

4. Wala ng dapat ipagbunyi


Ang masaklap na pangyayari,nagwakas
na

5. Ang lahat ay nagluksa ,ang burol ay


bumaba,
ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw

Nanghihinayang pagkaligalig

Malungkot pagluluksa

Pangungulila pagdurusa
Gawain B. Kilalanin ang katangian ng elehiya at awit.isulat ang T kung ang pahayag ay
tama at M naman kung mali,. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.(5 puntos)

_____1.Ang elehiya ay tula para sa pag-alala sa yumaong mahal sa buhay.


_____2. Batay sa uri ng paksa ng elehiya ay higit na personal sa pagpapahayag ng
damdamin kaysa sa ibang estilo ng panulaan.
_____3.Ang awit ay may paksang nauukol sa matimyas na
pagmamahal,pagmamalasakit,at pamimighati ng isang mangingibig .
_____4. Ang awit o kundiman na nahihinggil sa pag-ibig na kalimitang
ginagamit sa pag-alala sa yumao.
_____5.Magkatulad ng katangian ang awit at elehiya.

Gawain C.
Panuto:Panoorin ang isang video ng pagbigkas ng elehiya sa
youtube(https://youtu.be/KxA9lmH-RGI).ELEHIYA PARA KAY RAM.Bigyang puna ang
napanood na video gamit ang pamantayan sa ibaba.

Nangangailangan Kainaman Katamtaman Mahusay Natatangi


Krayterya pa ng pagsasanay ang husay
(1) (2) (3) (4) (5)
1.Mabisa at
angkop ang
salitang
ginamit
2.Malikhan at
masining ang
pagbigkas
3.May angkop
na lakas at
himig ang
tinig
4.Dama ang
tunay na
damdaminsa
bahagi
Isaisip
Sa modyul na ito, natutuhan ko na ang
elehiya_____________________________________________________at ang awit
ay__________________________________________.

Nalaman kong may iba’t ibang elemento ang elehiya ito ay ang
__________,______________,______________,_________________,
________________,at
___________.

Tayahin
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga


Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

____1. Ano ang kaisipan ng linyang ito ng tula?


A. Huwag mawalan ng pag-sa at maniwala sa sarili.
B. Pagsubok ay kayang-kaya kung nag-iisa ka.
C. mawawala rin ang sakit na naramdaman kung laging ngingiti.
D.huwag magpadaig sa problema.

Hindi napapanahon
Sa edad na dalawampu’t isa
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw.
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal

___2.) Anong damdamin ang namayani sa taludtod na nsa kahon?


A. Pagkalungkot
B. Panghihinayang
C. Pag-alala
D. Pagkaligalig
___3.) Batay sa saknong na nasa bilang 2.Ano ang diwang ipinapahayag nito?
A. Maraming nagmamahal sa nasawi
B. Ang lahat ng alaala ay nanariwa sa taong naiwan ng isang namatay
C. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay
D. Kalimutan na ang namayapa.
___4.) Ang sumusunod ang nagpapakita ng tradisyon sa pag -alala sa mga
yumao na kapamilya maliban sa ______________________.
A.pagdalaw sa puntod nito
B.pag-alay ng padasal
C.pagpapamisa
D.pagsasaya

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot,luha at pighati
Bilang paggalang,sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha,ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

___5.) Ano ang tema ng saknong na nasa itaas?


A. Pag-alala sa yumao
B. Ang pinagdaanang hirap sa pagkawala ng mahal sa buhay
C. Sakit na dulot ng pagkamatay ng mahal sa buhay
D.Alaalang balik balikan sa gunita tungkol sa yumaong mahal sa
buhay
Karagdagang Gawain
PANUTO: Bumuo ng isang elehiya batay sa sitwasyon na ikaw ay may malapit na
kaibigan na sumakabilang buhay.Naatasan kang sumulat na elehiya para sa kanya sa
mga kabutihang nagawa niya noong siya ay buhay pa. Sundin ang sumusunod na
pamantayan.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG ELEHIYA

Pamantayan Puntos Puntos Puntos


5 4 3

A.Nilalaman Orihinal at akma Di -masyadong Di -akma sa paksa


sa paksa akma sa paksa

B.Mabisa at angkop ang Gumamit ng mga Gumamit ng Simpleng salita


mga salitang ginamit simbolo o pahiwatig lamang lamang ang
pahiwatig ginamit

C.Kalinisan at kaayusan Malinis ang Di masyadong Malinis ang


pagkakasulat malinis ang pagkakasulat
pagkakasulat

D. Nanghihikayat Nakahihikayat sa Di masyadong Di


mga mambabasa nakahihikayat nakapanghihikayat
Susi sa Pagwawasto

Balikan: Gawain: A
Pagyamanin:
1. B 1. nanghihinayang
2. D Gawain 1. 2. pagdurusa
3. D 3. pangungulila
4. D 1. A 4. pagkaligalig
5. D 2. D 5. pagluluksa
3. C Gawain B:
4. E
Tuklasin: 1.) T
5. B
Gawain 1 at 2( Ang guro na 2.) T
ang bahalang magbigay ng Gawain 2: 3.) T
puntos) TEMA (pagkamatay sa mahal sa 4.) M
buhay) 5.) M
Suriin: URING TRULA (Elehiya)
1.C Tayahin:
Damdamin (Malungkot)
2.C PAKSA (Pag-alala sa mahal sa
3.B 1.A 5.D
buhay)
4.D
SIMBOLO (talaarawan,aklat) 2.A
5.B
PAHIWATIG (sa edad na
dalawampu’t isa isinugo ang 3.B
buhay
4.D
i sinugo ang buhay
5

Sanggunian:

Panitikang Asyano Modyul ng mag-aaral sa Filipino ,pahina 203-204,Pat V. Villafuerte,


Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like