Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Neokolonyalismo
Alamin
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Mababakas na sa kabila ng pagtatapos ng
kolonyalismo at imperyalismo sa ating bansa patuloy ang pagpasok ng impluwensya ng mga Kanluraning
bansa sa Asya. Ito ang pangunahing dahilan ng makabago at tahimik na paraan ng pananakop. Ating
tuklasin at alamin ang bagong aralin. Handa ka na ba? Simulan na natin ang iyong pagkatuto.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit


• Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
• Mga Anyo at Pamamaraan ng Neokolonyalismo
• Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:


• Nasusuri ang anyo at tugon sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya;
• Natataya ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang-ekonomiya at pangkultura ng mga bansa
sa Asya.

Suriin

Neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya


Ang neokolonyalismo ay di-tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa
isang bansang malaya na may mahinang ekonomiya . Ito ay ang bagong pamamaraan ng
pananakop ng mga malalakas at mauunlad na bansa sa mga hindi masyadong maunlad na
bansa.
Ang mga bansang kabilang sa Third World ang
madalas na makaranas at magkaroon ng mahinang
ekonomiya sapagkat patuloy silang umaasa sa mga
bansang kailang sa First World o bansang may maunlad na
ekonomiya at industriya.
Ang pag-iral ng neokolonyalismo sa mga tulong at
donasyon na ipinagkakaloob ng dating mananakop na bansa
ay may kapalit na pagkontrol sa ekonomiya ng dating sinakop
na bansa. Sa ganitong paraan nagtatagumpay sila na
maitaguyod ang kanilang mga sariling interes.
Ang halimbawa ng neokolonyalismo ay maaaring sa
aspeto ng politika, ekonomiya, kalakalan, kultura, at iba pa.
Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng dayuhang
tulong o foreign aid ng mga mayayamang bansa sa mga
mahihirap na bansa.

Dayuhang Tulong (Foreign Aid) – Ito ay maaaring sa paraan


na pang-ekonomiya na kung saan inililipat ang kapital,
produkto at serbisyo mula sa ibang bansa papunta sa isang bansa upang ito ay magbenepisyo.
Maaari rin itong tulong pangkultura, pangmilitar at pampulitikal.

Mga Anyo at Pamamaraan ng Neokolonyalismo

1. Neokolonyalismong Politikal
Isang patunay na kanyang kontronlin ng makapangyarihang
bansa ang mga bansang mahihinay ay sa larangan ng politika. Tahimik
na pamamaraan ang ginagawang pangkilos upang
maimpluwensiyahan ang mga mahihinang bansa. Ang halimbawa nito
ay ang eleksiyon na kung saan ito ay paraan ng pagbabatas sa ilalim
ng pamaraaang politikal.
2.Neokolonyalismong Pangmilitar
Ito ay ang pagtulong at pagsuporta ng malalakas na bansa
sa mga mahihinang bansa na kung saan nagagawang tumulong ng
mga kanluraning bansa sa kanilang mga dating kolonya kapag ito
ay nanganganib na sakupin o lusubin ng ibang bansa. Handa
itong magbigay ng kanilang hukbong sandatahan
at iba pang tulong pangmilitar. Halimbawa nito
ay ang pagtulong sa Kuwait ng United States nang lusubin ito ng
bansang Iraq, nagbigay ng hukbong sandatahan ang bansang
America upang lumaban para sa Kuwait.
3.Neokolonyalismong Kultural

Isa sa paraan ng makapangyarihang bansa ay gamitin ang


kultura upang sila ay yakapin ng mga mahihinang bansa. Sinisikap
nilang panatilihin ang paraan ng pamumuhay, kaugalian, paraan ng
pananamit, sayaw, awit, ostilo ng buhok, pagkain, libangan, at pati na
ang paraan ng kanilang pagdiriwang. Hinuhubog ng
makapangyarihang bansa ang kultura gamit ang mass media at
edukasyon.Isang halimbawa nito ay ang naganap sa India mula sa
bansang Britain. Ang edukasyon sa India ay ibinatay sa sistemang
British at ginamit ang wikang Ingles sa pagtuturo upang maging
mahusay na manggagawa at kawani kanilang pamahalaang kolonyal.

Globalisasyon ng Edukasyon ( intelektwal na pananakop)

• Pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan sa ibang bansa upang mapaunlad ang kaalaman
ng bawat isa.
• Nababalewala ang mga kurikulum na dapat sundin sa edukasyon ng mahihirap na bansa
dahil sa patuloy na pagsunod sa sistema ng edukasyon sa Kanluran.

• Nakikipag-ugnayan ang mga tagapamahala ng mga pamantasan sa mga paaralang


Kanluranin upang mabago ang kanilang mg alibro at kagamitan at ang pagdaragdag ng
pondo ng mga Kanluraning bansa upang maisakatuparan ang dagdag kurso at maging
maayos ang kanilang intelekwal na kurkulum.

Epekto ng Neokolonyalismo sa mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

International Monetary Fund at World Bank ang dalawang ahensya na nagpapautang ng


salapi sa mga dating kolonyang bansa upang may magamit sa kanilang mga pangangailangan
tulad sa edukasyon, mga pagawain at iba pang proyekto ng bansang nangungutang.
- Dahil sa patuloy na pagtulong ng mayayamang
bansa sa mga bansa sa Asya ay naging palaasa o over-
dependent na lamang ang mga mahihirap na bansa sa
mga mauunlad na bansa.
- Sila rin ang namamahala sa pera ng mga bansa
sa Ikatlong Daigdig kung ano ang dapat pondohan ng
mga ito tulad ng dapat ipambayad sa mga utang-
panlabas na siyang dahilan upang hindi napapaunlad
ang sektor ng agrikultura na siyang pangunahing
ikinabubuhay ng mga bansa.
- Isang hindi magandang ginagawa ng mga
mauunlad na bansa ay diktahan ang mga bansang
papaunlad pa lamang na upang liitan ang pondo sa edukasyon at kalusugan kaya naghihirap
ang ilang mga bansang mahihirap.

Ang (IMF) International Monetary Fund o Pandaigdigang Pondong Pananalapi - ay isang


organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema sa
pananalapi sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng mga
kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at pinansyal na tulong kapag hiningi.

Tugon sa Neokolonyalismo ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya


Pagkatapos ng kolonyalismo at imperyalismo, umusbong
ang kakaibang pagpasok ng impluwensiya ng Kanluraning
Bansa na tinatawag na neokolonyalismo. Ito ay ang
pagtulong ng mga makapangyarihan at mayayamang
bansa sa mga mahihirap na bansa gamit ang ekonomiyang
sektor.
Ang mga ilang mga bansa sa Asya ay napilitang yakapin
ang ganitong sistema upang makabangon ang kanilang
naghihikahos na ekonomiyang bunga ng digmaan.
Kabilang dito ang mga Arabong bansa sa
pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq at Kuwait na may hawak ng malaking reserba ng langis sa
daigdig. Kasama ang tatlong bansang ito sa Organization of the Petroleum Exporting
Countries (OPEC) na siyang nagkokokontrol ng presyo ng langis sa pandaigdigang kalakalan.
Nag-unahan ang mga Kanluraning bansa na masakop ang mga bansa sa Kanlurang Asya nang
matuklasan ang langis sa rehiyon.
Turkey. Taong 1945, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Pangulong Harry S.
Truman (USA) at Pangulong Celal Bayar (Turkey) ang pagtulong ng bansang America
sa Turkey upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at ang sistema ng hukbong
pangmilitar ng Turkey. Dahil sa liberalismong pang-ekonomiyang patakaran na
ipinatutupad sa bansang Turkey ay patuloy na pagtanggap ng dayuhang tulong mula
sa United States.
Iran. Humingi ng tulong teknikal sa mga bansang France, Germany , Italy si Sha Reza
upang lubos maiwasan ang pagkontrol ng Great Britain at Russia sa Anglo-Iranian Oil
Company sapagkat nananatiling pag-aari ng Great Britain ang kompanya ng langis na
pag-aari ng Irann.
Israel. Si Yasser Arafat ang dating tagapangulo ng Palestinian Liberation
Organization. Kinilala ito ng mga Arabe bilang isang makabayang samahan, dahilan
na maraming samahang nabuo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na muling
nagpakita ng kanilang pagiging makabayan.
India. Sa bansang ito nanatili ang paggamit ng wikang ingles at patuloy na paglalaro ng
cricket at badminton.
Maraming bansang Asyano sa kasalukuyan ang nagsisikap na makatayo sa kanilang
sariling mga paa at hindi na umasa pa sa mga makapangyarihan at maimpluwensiyang bansa.
Nagsilbing hamon din sa kanila na kaya nilang matumbasan ang anumang kaunlaran mayroon
ang mga makapangyarihang bansa.
Sa kabila na ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay hindi nasakop ng mga Kanluranin,
may mga pandaigdigang sistema sa ekonomiya ang hindi nakatutulong sa pag-unlad ng mga ito.
May mga pandaigdigang kompanya ang nagbibigay ng mga patakaran sa papaunlad na bansa.
Ang liberasyon ng ekonomiya sa daigdig sa kasalukuyan ay nagbigay-daan sa pagbubukas ng
mga pamilihan ng pagpapaunlad ng mga bansa na wala namang maitutumbas sa malayang
pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Kalakalan sa Timog at Kanlurang Asya


Tinatawag na kalakalan ang anomang transaksiyon na nagaganap sa dalawang tao, maging sa
mga bansa.
May dalawang klase ng kalakalan:

a. Barter – ito ay simpleng pakikipagkalalan na hindi ginagamitan ng salapi. Nagaganap


ang kalakalan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga produkto sa ibang
produkto hanggat nagkakaroon ng kasunduan sa dalawang panig.
b. Money economy- ang pakikipagkalakalan ay nagaganap sa pamamagitan produkto at
salapi.

May dalawang uri ng kalakalan:


a.Kalakalang panloob – ang
pakikipagkalakalan o palitan ng produkto ay nagaganap sa
loob ng bansa lamang.
b.Kalakalang panlabas- nahati sa dalawang uri ang
kalakalang panlabas

 export o produktong iniluluwas - Tulad ng bansang


Syria na nagluluwas ng mga produktong petrolyo, tela,
bulak , prutas, gulay, tabako sa mga bansang Germany,
Italy, France at iba pang bansa.
- Nagluluwas din ng mahahalagang bato, alahas, tela ,
kemikal at carpet ang bansang India.
 import – produktong may kaugnayan sa mga inaangkat mula sa ibang bansa.
- Nariyan din naman ang bansang India na umaangkat ng mga kemikal, makinarya ,
electronics at fertilizers mula sa United States, Singapore, Belgium, United Kingdom at
Germany.
Mahalaga ang kalakalan para sa mga Kanluraning bansa sapagkat ito ay naging
instrumento upang makakam nila ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Itinuring na
pangunahing mangangalakal sa Asya ang lahing Arabo, Indian, Tsino at Malay sa Asya. Naging
masigla ang pakikipagpalitan ng mga kalakal maging ang kultura ng mangangalakal mula sa
Asya at Europe gamit ang mga rutang pangkalakalan tulad ng silkroute at caravan. Ang
silkroute ay pinakamahalagang sinaunang ruta na nag-uugnay sa mga bansang China, Gitnang
Asya, Iran (Persia) Kanlurang Asya at Europe. Ang mga produktong seda, porselana, jade, at
mga produktong bronse ay pinagmumulan ng malaking kita ng mga bansang Asyano. Nakilala
ang China at Iran bilang sentro ng kalakalan ng telang seda.

Mga Ilang Kaganapan Sa Kalakalan, Kultura at Ekonomiya ng mga Bansa


sa Timog at Kanlurang Asya.

a. Ang Asya ay naging malaking pamilihan ng mga produktong gawa ng mga bansang Asyano
at mga dayuhang mangangalakal.
b. Naging magkakompetisyon ang bansang India at mga bansang Ingles sa industriya ng
paghahabi.
c. Ang malaking reserba ng langis ay
pinangungunahan ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi
Arabia, Iraq at Kuwait. Ang mga bansang nabanggit ay
kabilang din sa
Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na
siyang kumokontrol sa pamilihan ng langis sa pandaigdigang
kalakalan. Ito rin ang naging dahilan kung bakit maraming
mangangalakal ng langis tulad ng Pilipinas, Pakistan, India,
Thailand, Sri Lanka at Indonesia ang bumibili sa mga
bansang Saudi Arabia, Iraq at Kuwait.
d. Kontrolado ng bansang India ang pagluluwas ng bigas
habang ang Sri Lanka naman ang nangunguna sa bentahan
ng tsaa sa pandaigdigang kalakalan.
e. Ang sentro naman ng information technology ay ang
Bangalore , India.
f. Naging matatag din ang ugnayan ng mga bansa sa pagtatatag ng South Asian Association for
Regional Cooperation (SAARC) noong 1997. Ito ay nagsilbing forum sa India at Pakistan na
siyang may hawak ng usaping panseguridad at pang-ekonomiya sa Kanlurang Asya.

Epekto ng Kalakalan sa mga Pagbabagong Pang-ekonomiya at Pang-


Kultura ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

a. Ang Islam ay nakilala dahil sa mga mangangalakal at misyonerong kasama sa kalakalang


naganap sa silk route.
b. Kabilang sa mga kalakal na ibinebent ng mga artisano, mangangalakal at mga misyonerong
manlalakbay ay ang kani-kanilang mga bagong ideya, teknolohiya at mga paniniwala upang
makahikayat ng mga pananampalataya.
c. Nagkaroon ng magandang ugnayan ang mga mangangalakal sa iba’t ibang lupain dulot ng
bentahan ng seda. Sinikap ding matutuhan ang lokal na wika at kaugalian ng kanilang mga
bansang pinupuntahan.
d. Paghahati- hati ng populasyon ng mga bansa sa iba’t ibang relihiyon na ipinapakilala sa
kanila. Ang ilang halimbawa ay
1. Budismo- Ipinakilala ng mga mangangalakal na Iranian mula sa Bactria, Parthia at
Transoxania ang relihiyong ito at lumaganap sa bansang China na nagpabago sa
paraan ng pagkain, paraan ng paglilibong, pananaw sa labas ng bansa at maging
larangan ng arkitektura, pagpipinta at iskultura ay nabago.
2. Ang mga paniniwalang Iranian ay napasama at kumalat sa relihiyong Kristiyanismo at
Hudaismo.

You might also like