Tsapter 1 Introduksiyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Isabela State University


Roxas Campus
Rang-ayan, Roxas, Isabela
KABANATA I
Introduksiyon at Kaligiran ng Pananaliksik
Wika ang siyang ating pagkakakilanlan kung aling pangkat tayo nabibilang. Higit pa rito
nagkakaroon tayo ng daan sa ating pakikipagkomunikasyon sa ibang tao at nalilinang ang ating
kaalaman sa iba’t- ibang larangan. Ayon kay Goldstein (2008), ang wika ay isang sistema ng
pakikipagtalastasan na ginagamitan ng tunog at simbolo. Ito ay ginagamit ng mga tao upang
masabi ang kanilang nararamdaman, kaisipan at maging ang kanilang mga karanasan. Hindi
natin maikakaila na malaki ang ginagampanan ng wika sa ating pag- unlad hindi lamang ng
bansa kundi maging ang ating pagkatao. Masasabing hindi uunlad ang isang bansa kung wala
itong ginagamit na partikular na wika sa pakikipakomunikasyon dahil higit na magkakaunawaan
ang mga tao kung may iisang wika na ginagamit at kung ito ay alam ng nakararami.
Ang wika bilang isang mahalagang bahagi ng ating buhay ay nararapat lamang na pagyamanin,
paunlarin at panatilihing buhay upang sa paglipas ng panahon ay magamit pa rin ito ng mga
susunod na henerasyon. Ang wikang Filipino bilang Wikang Pambansa, panturo at wikang
opisyal sa iba’t- ibang larangan ay naglalayon na pag- isahin ang mga Pilipino sa kabila ng
pagkakaiba ng kultura, lugar na pinagmulan at pangkat na kinabibilangan. Ang paggamit nito ay
isang pagpapalalim ng kaalaman ng mga tao sa iba’t- ibang larangan sa lipunan na ating
ginagalawan.
Malaki ang ginagampanan ng wika sa pag- unlad ng isang bansa. Kung wala ang wika malamang
sa malamang hindi makakamit ang inaasam na kaunlaran. Makikilala ang isang bansa dahil sa
kaniyang wika, ngunit kung ang sariling wika ay hindi pinahahalagahan maaari itong
mamamatay at mawala. Hindi na lingid sa ating kaalaman na marami nang umuusbong na wika
sa ating bansa at dagdag pa rito nahuhumaling ang mga ibang tao sa wikang banyaga- ang
wikang ingles dahil sa pag- aakalang mas mabilis ang pag- unlad ng ating bansa kung alam natin
magsalita ng wikang ingles sa pakikitransaksyon ng mga produkto sa ibang bansa. At ang
wikang ingles din ang ginagamit na basehan ng ibang tao na ikaw ay may mataas na antas sa
buhay o lipunan kung ikaw ay mahusay sa wikang ingles.
Ngunit katulad ng ibang bansa kaya nilang umangat o umunlad gamit lamang ang kanilang
sariling wika. Kung ang mga Pilipino rin siguro ay magkakaisa na gamitin ang Pambansang
Wika ang wikang Filipino ay makakaya ring umunlad gamit lamang ang mga ito.
Madalas na binabalewala ang wikang Filipino dahil ibang wika ang ating tinatangkilik at ang
akala ng karamihan ay mas uunlad tayo kung wikang banyaga ang ating gagamitin upang
Republika ng Pilipinas
Isabela State University
Roxas Campus
Rang-ayan, Roxas, Isabela
makasunod sa pagbabago ng takbo ng mundo. Ngunit hindi napapansin ng nakararami na kaya
nating umunlad gamit lamang ang ating sariling wika dahil likas naman sa ating Pilipino ang
pagiging magaling at mahusay sa partikular na larangan kung ito’y lubos nating nauunawaan. At
hindi naman lingid sa ating kaalaman na mayroon tayong iba’t- ibang pananaw hinggil sa
paggamit ng wikang Filipino sa iba’t- ibang larangan.
Kaya naman ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pananaw ng mga mag- aaral hinggil sa
paggamit ng wikang Filipinio sa iba’t- ibang akademikong larangan.

Layunin ng Pag- aaral


Sa pamamagitan ng riserts na ito, ang mga mananaliksik ay may layuning malaman ang mga
sumusunod:
1. Malaman kung ano- ano ang mga larangang ginagamitan ng wikang Filipino.
2. Malaman kun ano ang pananaw ng mga mag- aaral hinggil sa paggamit ng wikang
Filipino sa iba’t- ibang akademikong larangan.
3. Malaman kung sang- ayon o di sang- ayon ang mga mag- aaral sa paggamit ng wikang
Filipino sa iba’t- ibang larangan

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag- aaral na ito na may paksang “Pananaw ng mga Mag- aaral hinggil sa Paggamit ng
Wikang Filipino sa Iba’t- ibang Akademikong Larangan” ay isinagawa ng mananaliksik
upang malaman ang mga sumusunod:
1. Ano- ano ang mga larangang ginagamitan ng Wikang Filipino?
2. Ano- ano ang mga pananaw ng mga mag- aaral hinggil sa paggamit ng wikang Filipino
sa iba’t- ibang akademikong larangan?
3. Sang- ayon ba o di sang- ayon ang mga mag- aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa
iba’t- ibang akademikong larangan?
Republika ng Pilipinas
Isabela State University
Roxas Campus
Rang-ayan, Roxas, Isabela
Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang pag- aaral na ito ay isinagawa upang ipahayag ang “Pananaw ng mga Mag- aaral Hinggil sa
Paggamit ng Wikang Filipino sa Iba’t- ibang Akademikong Larangan” at maktutulong ng malaki
sa mga sumusunod:
Mag- aaral- upang malaman nila kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa
iba’t- ibang larangan at matukoy.
Guro- upang malaman kung epektibo ba ang wikang Filipino sa pagtuturo sa mga mag- aaral.
Risertser- upang magamit nila ito bilang basehan ng kanilang pananaliksik na may kinalaman sa
paggamit ng wikang Filipino sa iba’t- ibang larangan para sa ikabubuti at ikagaganda nito.

Saklaw at Delimitasyon
Ang pag- aaral na ito ay isinagawa upang malaman lamang ang pananaw ng mga mag- aaral
hinggil sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t- ibang akademikong larangan. Ito ay binubuo
lamang ng mga mag- aaral sa Sekundarya mula. Dalawampu sa mga estudyante ang maaaring
sumagot sa mga kwestyuner na ihahanda ng mananaliksik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang higit na maunawaan ang pag-aaral na ito, bibigyang kahulugan ang mga sumusunod na
terminilohiya:
Pananaw- saloobin ng mga mag- aaral na siyang mga respondante hinggil sa paggamit ng
wikang Filipino sa iba’t- ibang larangan.
Wikang Filipino- wikang palasak gamitin ng mga Pilipino sa pakikipag- usap upang kahit may
iba’t- ibang wikang ginagamit ay mayroon pa ring pagkakaintindihan.
Larangan- tumutukoy sa asignatura sa larangan ng akademya.
Wika- ito ay daan upang makipag- ugnayan sa ibang tao at makamit ang inaasam nap ag- angat
ng bansa.
Republika ng Pilipinas
Isabela State University
Roxas Campus
Rany- ayan, Roxas, Isabela

Batayang Konseptwal

hhh Input Awtput

Nais ng mga Inaasahan ng mga


mananaliksik na mananaliksik sa pag-
malaman kung ano ang Proseso aaral na ito na matukoy
pananaw ng mga mag- kung sang- ayon o di
Ang mga mananaliksik
aaral sa paggamit ng sang- ayon ang mga
ay kapapanayamin ang
wikang Filipino hinggil mag- aaral sa paggamit
mga mag- aaral sa
sa iba’t- ibang ng wikang Filipino sa
sekundarya upang
akademikong larangan. iba’t- ibang larangan.
malaman ang kanilang
Kung kaya’t naglimbag
mga pananaw higgil sa
ang mga mananaliksik
paggamit ng wikang
ng katanungan hinggil
Filipino sa iba’t- ibang
sa paksang pinag-
akademikong larangan. p
aaralan.

Pigura 1: Ang Paradimo ng Pag- aaral


Ang mananaliksik ay gumamit ng input- process- output model sa paggawa ng paradaym
ng batayang konseptwal ng pag- aaral. Na kung saan ang input frame ay tumatalakay kung sa
anong paraan gagawin upang makakalap ng datos sa pag- aaral na isinasagawa. Ang process
frame ay tumatalakay sa mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkalap ng
mga datos. Samantalang sa output frame naman ay sumasaklaw sa inaasahang resulta ng pag-
aaral.

You might also like