Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 9
IKATLONG MARKAHAN
Quarter: 3 Week: 5 Day: 2 Activity No.: 10
Pamagat ng Gawain: Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid, at Wastong
Pamamahala sa Naimpok
Kompetensi: Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang
pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may motibasyon sa
paggawa EsP9KP-IIIa-11.2
Layunin: Nakapagbibigay ng kahalagan ng kasipagan, pagpupunyagi,
pagtitiid at wastong pamamahala sa naimpok.
Sanggunian: Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Taguinayo Jr. and Luisita B.
Peralta. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9.
Valenzuela City: Bloombooks Inc.
Copyright: For Classroom use ONLY
DepED owned materials

Panuto: Pag-aralan ang mga comic strips sa ibaba. Isulat ang iyong mga posibleng sagot sa
speech balloon.

Natapos mo na ang gawaing bahay na nakatalaga sa iyo. Nakita mo ang iyong kapatid
na hindi pa niya natatapos ang pinapagawa sa kanya ng inyong ina sapagkat napakarami
niyang takdang aralin sa araw na iyon. Humihingi ng tulong sa iyo ang nakababata mong
kapatid na gawin muna kung maaari ang gawaing bahay na nakatalaga sa kanya. Ikaw naman
malapit na ring matapos sa proyekto mo sa EsP. Ano ang magiging tugon mo dito?

Araw nang iyong sweldo, nakalaan na ang iyong pera sa mga gastusin mo sa bahay sa araw-
araw. Ngunit bago ka umalis sa opisina ay niyaya ka ng iyong mga katrabaho na kumain sa
labas at magsaya. Ano ang iyong gagawin?

Mga Tanong:
1. Naging mahirap ba sa iyo ang pagsagot sa mga sitwasyon?
2. Bakit mahalaga ang kasipagan, pagpupunyagi, at pagtitipid at wastong pamamahala sa
naimpok sa buhay ng tao? Ipaliwanag.
3. Paano ito nakatutulong sa tao at sa lipunan na kaniyang kinabibilangan?

You might also like