Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Grade 7 Filipino

Unang Markahan
Gawain Bilang 1.7

Name: LRN:
Yr.& Sec.: Date:
School: District:

Type of Activity:
Concept Notes
Skills: Exercise/Drills

Tema: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao


Pamagat: Panlapi at Salitang-ugat
Layunin: Natutukoy kung anong klaseng panlapi ang ginamit.

KONSEPTO:
Ang panlapi ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita.

Mga Uri ng Panlapi:


1. UNLAPI- ito ay inilalagay sa unahan ng salita.
a. Mag-/Ma-
Halimbawa: magbasa, maganda
b. Nag-/Na-
Halimbawa: nagtapos, nagsimula, napili
c. Pag-/Pa-
Halimbawa: pagtuli, paalis
2. GITLAPI- ito ay nakalagay sa loob o sa gitna ng salita.
a. –um-
Halimbawa: sumayaw, lumakad
b. –in-
Halimbawa: sinagot, ginawa
3. HULAPI- kapag nakalagay sa hulihan ng salita.
a. –an
Halimbawa: sabihan, sulatan
b. –in
Halimbawa: ibigin, gabihin, isipin
4. KABILAAN- kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hilihan ng salita.
Halimbawa: mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan
5. LAGUHAN- kapag mayroong panlapi sa unahan,gitna at hulihan.
Halimbawa: Pagsumikapan
Gawain: A. Bilugan ang panlaping ginamit sa salita.Isulat sa kaliwang patlang ang U kung unlapi, G kung gitlapi at H kung hulapi. Isulat sa kanang
patlang ang mga panlaping ginamit.
______1. mahiyain ______ ______7. Kumain ______
______2. lumakad ______ ______8. Malusog ______
______3. nagdilig ______ ______9. Nagkwentuhan ______
______4. matulungin ______ ______10. Naliligo _______
______5. sumayaw ______ ______11. Sumakay ______
______6. Maglalaba ______ ______12. Tumakbo ______
B. Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. _____alis ang aking Tito papuntang Singapore.
2. Ang mga bata ay ____aaral para sa pagsusulit bukas.
3. ____laro ako sa park kanina.
4. T____ulong ako sa aking guro na magbuhat ng libro.
5. Maari mo ba akong sama___ sa bookstore?
6. S____agot ko lahat ng mga tanong sa pagsusulit.
7. Suklay____ mo ng mabuti ang buhok mo.
8. K____agat ako ng pulang langgam sa aking braso.
9. Sabay-sabay nating awit___ ang pambansang awit ng Pilipinas.
10. ______hulog ang aking lapis.

You might also like