Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS Division of Camarines Sur

EPP 5
LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 1
QUARTER 3

Name: _____________________________________________________ Score: ___________


Grade & Section: __________________________ Date: ____________

PAGBABAGONG PISIKAL SA SARILI


I. Panimulang Konsepto

Ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga at nagbibinata ay napapaloob sa tinatawag natin “puberty
stage”. Ito ay nagsisimula sa isang batang may gulang na 10-16 na taong gulang. Ang “puberty stage” ay ang yugto sa
buhay ng isang tao na kung saan ang kanyang pangangatawan, emosyon at pag-iisip ay lumalawak at umuunlad upang
maging ganap na lalaki o babae.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naipaliliwanag ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata.EPP5HE0a-1
Natutukoy ang mga pagbabagong pisikal sa sarili tulad ng pagkakaroon ng tagiyawat, pagtubo ng buhok sa iba’t ibang
bahagi ng katawan at labis na pagpapawis.
Natatalakay ang mga paraang dapat isagawa sa panahon ng pagbabagong
pisikal ( Paliligo at Paglilinis ng katawan)EPP5HE0a-2
Naipakikita ang kamalayan sa pang-unawa sa pagbabago ng sarili at pagiwas sa panunukso.

III. Mga Gawain

PAUNANG GAWAIN
Panuto : Tukuyin ang maga sumusunod ayon sa Talaan. Ano ang pagbabagong napansin mo sa inyong sarili sa panahon
ng Pagbibinata at Pagdadalaga? Itala ang inyong mga sagot sa loob ng kahon.
Pagbabagong Pisikal na Pagbabagong Pisikal na
Nagaganap sa Lalaki Nagaganap sa Babae
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

GAWAIN 2
Panuto: Kung tamang pangangalaga sa katawan ang isinasaad ng pangungusap, isulat sa patlang ang TP, kung hindi tama,
isulat ang HP.

_______ 1. Paliligo araw-araw, may karamdaman man o wala, manatili lamang na malinis at
mabango.
_______ 2. Paggamit ng malinis, angkop at sariling hair brush at bimpo.
_______ 3. Pagtulog ng walong oras, pag-inom ng walong basong tubig, at pag - eehersisyo araw-
araw.
_______ 4. Pagpapahaba ng kuko at pag-aaply ng nail polish upang maitago ang dumi sa kuko.
_______ 5. Manghiram ng mga personal na gamit tulad ng tuwalya at sipilyo.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod . Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang uri ng glandulang naghuhudyat ng mga pagbabagong nagaganap sa isang nagdadalaga at nagbibinata na
matatagpuan sa gitnang bahagi ng utak?
a. secretory gland c. Tyhroid gland
b. Pituitary gland d. sweat gland
2. Alin ang mga pagbabagong nagaganap sa isang nagbibinata maliban sa isa?
a. paglaki ng kalamnan o muscles c. pagkakaroon ng regla
b. pagkitid ng balakang d. pagtubo ng bigote14
3. Sa panahon ng pagdadalaga, alin ang pagbabagong naghuhudyat ng pagiging ganap na dalaga?
a. Paglapad ng balakang c.pagkakaroon ng buwanang daloy
b. Pagkahugis ng dibdib d. pagtubo ng buhok sa kilikili
4. Kung nais mo mapanatiling malinis ang pangangatawan ano ang mga dapat gawin maliban sa isa?
a. maligo araw-araw
b. panatilihin na malinis ang kuko at mga daliri
c. magsepilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw.
d. iwasan ang pagpapalit ng panloob na damit .
5. Sa pagbabagong pisikal ano ang kinakailangan unawain ng isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. unawain na ang lahat ng nararanasan ay normal
b. ikahiya ang mga pagbabagong nagaganap
c. ikatakot ang mga pagbabago sa sarili
d, maging mapanuri sa kapwa tao.
6. Sa pagbabagong pisikal ano ang kinakailangan unawain ng isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. unawain na ang lahat ng nararanasan ay normal
b. ikahiya ang mga pagbabagong nagaganap
c. ikatakot ang mga pagbabago sa sarili
d, maging mapanuri sa kapwa tao.
7. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata , ano ang dapat gawin ukol sa pangkalinisan sa sarili maliban sa isa?
a. Maligo araw-araw
b. Magpalit ng malinis at maayos na damit
c. Manghiram sa kapatid ng sipilyong gagamitin.15
d. Malinis ang mga kuko at nasuklay ang buhok.
8. Ano ang pagbabagong nagaganap sa mga kababaihan na naghuhudyat ng kanilang pagiging dalaga?
a. Pagpapatuli
b. Pagkakaroon ng regla o buwanang daloy.
c. Pagtubo ng buhok sa dibdib
d. Pagkitid ng balakang
9. Sa mga pagbabagong pisikal ano ang nagaganap sa mga kalalakihan maliban sa isa?
a. Pagkakaroon ng bigote c. Pagkakaroon ng regla
b. Pagkitid ng balakang d. Pagpapatuli
10. Upang maging malinis, maayos at matatag sa sarili; ano ang dapat gawin ng isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. Panatilihin ang sariling kalinisan
b. Pabayaan ang sarili
c. Iwasan na kumain ng masustansiyang pagkain
d. Hindi pagpapalit ng damit sa araw-araw.

You might also like