Final ExamFil 101

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

KOMISYON SA LALONG MATAAS NA EDUKASYON


DARAGA COMMUNITY COLLEGE
Daraga, Albay
MC Fil 101: Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
(PINAL NA PAGSUSULIT)

Pangalan: _____________________________________ Petsa: ________ Iskor: ______


Pangkat: _______________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa sagutang papel.

1. Mayroong dalawang uri ang ponema. Ang ponemang segmental at suprasegmental.


Alin sa nakalista sa ibaba ang hindi kasama sa 4 na ponemang supra segmental?
a) Haba b. Tono c. Antala d. wala

2. Ano ang tinutukoy ng pakahulugang ito, “Ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas


ng bigkas ng pantig.”
a. Haba b. Tono c. Antala d. Diin

3. Sa mga pagbabagong morpoponemiko, alin sa mga uri nito ang inilalarawan nito?
“Sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng isang salita.”
a. Asimilasyon b. Pagkakaltas c. Maypalit d. Pagpapaikli

4. Anong pagbabagong morpoponemiko ang naganap sa salitang ito?


Madami = marama/ bakudan = bakuran
a. Maypalit b. Pagpapaikli c. Asimilsayon d. Pagkakaltas

5. “Ito ay ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsama-sama ng mga ito
upang makabuo ng salit.”
a. Ponolohiya b. Morpema c. Morpolohiya d. Segmental

6. Ang salitang ito ay nagmula sa katagang MORPHEME sa Ingles na kinuha naman sa


salitang Griyego -MORPH at EME. Ano ito?
a. Morpema b. Morphs c. Morpheme d. Morpology

7. Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakita ng


gender o kasarian.
a. Morpemang Ponema c. Morpemang Salitang-ugat
b. Morpemang Panlapi d. wala sa mga nabanggit

8. “Sina ate at kuya ay naglilinis sa labas ng bahay tuwing hapon.” Ano ang gamit sa
pangungusap ng salitang nakalinya?
a. Sugnay na makapag-iisa c. Simuno
b. Pangngalan d. Pangungusap

9. “Ang mga bomber at pulis ay nagkaisa upang madaling maapula ang sunod sa
bodega ng plastik.” Alin ang payak na simuno?
a. Nagkaisa b. bomber at pulis c. madaling maapula
d.Ang mga bomber at pulis.

10. Anong bahagi ng pananalita ang tinutukoy ng pangungusap na ito? “ Ito ay


naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito.”
a. Pang-uri b. Pang-angkop c. Pang-abay d. Pangatnig

11. “Maasim ang manggang hilaw ngunit masarap lalo na kung mayroong kasabay
na bagoong.” Ano ang ginamit na pangatnig?
a. Ngunit b. Maasim c. lalo d. kung
12. “Para kay nanay ang binili kong regalo dahil kaarawan niya sa makalawa.”
Anong pang-ugnay na pang-ukol ang ginamit sa pangungusap?
a. Dahil b. para kay c. kong d. sa makalawa

13. Ang panghalip na ito ay inihahalili lamang sa mga pangngalan ng tao. Anong
uri ng panghalip ito?
a. Panao b. Pamatlig c. Inklitik d. pamilang

14. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pangngalan at panghalip.


a. Pang-abay b. Pang-uri c. Panag-uri d. Pangatnig

15. Ito ay uri ng panghalip na inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na


kinalalagyan ng pangngalan.
a. Panghalip Panao c. Panghalip pananong
b. Panghalip Pamatlig d. Panghalip Panaklaw

16. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng panghalip na


pamatlig?
a. Siyad aw ang kumuha ng lapis ni Minda.
b. Kunin mo ang lahat ng iyong naibigan.
c. Ganyan dapat ang gawin mong proyekto.
d. Alin -alin ang mahahalaga saiyo?

17. Sa mga pangungusap sa bilang 16, alin ang halimbawa ng Panghalip Patulad?

18. “Tumahan ang sanggol sa pag-iyak nang dumating ang kanyang nanay”.
Anong bahagi ng pananalita ang nakasalungguhit ?
a. Pandiwa b. Pang-uri c. Pangngalan d. Pang-abay

19. Ito ay pandiwang ginagamit sa pagpapahayag o paglalarawan ng damdamin,


saloobin o emosiyon ng isang tao.
a. Pandiwang Karanasan b. Pandiwang Aksiyon c. Pandiwang Pang-uri
d.wala

20. “Tumawid ang ale sa maling tawiran kaya siya ay nahagip ng mabilis ba
sasakyan.”
a. Karanasan b. Pangyayari c. Aksyon d. wala

21. “Dahil sa malakas na hagupit ng bagyo, marami ang mga napilitang limikas sa
mas ligtas na lugar.” Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap?
a. Malakas b. hagupit c. lumikas d. ligtas

22. Sa pangungusap na, “Masaya ang mga bata habang naglalaro ng taguan.” Ano
ang gamit ng pang-uring masaya?
a. Panuring ng pangngalan c. Panuring sa Pang-uring Pangngalan
b. Pang-uring Panghalip d. wala sa nabanggit

23. “Maganda siya sa lahat ng kandidata sa Bb.” Ano ang gamit ng pang-uring
maganda sa pangungusap?
a. Panuring ng Pangngalan c. Panuring sa Pang-uring Pangngalan
b. Panuring sa Panghalip d. lahat na nabanggit

24. Ang pang-uri na ito ay nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan


o panghalip. Ano ito?
a. Panlarawan b. Pantangi c. Pamilang d. Pambalana
25. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang nagbibigay kahulugan sa pang-uring
pantangi?
a. Ito ay nagpapakilala sa pangngalan at panghalip.
b. Ito ay nagsasabi ng tiyak na pangngalan.
c. Ito ay nagsasabi ng dami o bilang ng pangngalan.
d. Ito ay tumutukoy sa lahat ng pang-uri.

26. Sa pangungusap na, May apat na pulis ang nakaalalay sa alcalde. Anong uri
ng pang-uri ang nakalinya?
a. Panlarawan b. Pantangi c.Pamilang d. panggaano

27. “Niyakap na natin ang Wikang Ingles.” Ang salitang Wikang Ingles ay
halimbawa ng pang-uring _____.
a. Pantangi b. Pamilang c. Panlarawan d. wala

28. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pang-uring


pamilang na panunuran?
a. Pabili po ng sampung pisong kendi.
b. Labing- isa ang pumasok ngayon sa klase.
c. Mayroon akong isang libong piso.
d. Si Raymond ay ang pangatlo sa pila.

29. Ang mga pangungusap sa ibaba ay mga halimbawa ng pang-uring pantangi


maliban sa isa. Alin ito?
a. Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino.
b. Ang pagkaing Bikolano ay dapat matikman mo.
c. Bumili ka ng sukang Iloco.
d. May apat na lalaking maputi ang dumating.

30. Sa mga pangungusap sa bilang 29, Alin dito ang halimbawa ng Pang-uring
Pamilang?

31. Alin sa mga sumusunod ang tamang pakahulugan ng Pang-abay?


a. Naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip.
b. Nagpapakita ito ng kilos o galaw.
c. Naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito.
d. Tumutukoy sa mga ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

32. Sa mga uri ng pang-abay, alin sa mga ito ang sumasagot sa tanong na Kailan?
a. Panlunan b. Pamanahon c. Pamaraan d. Pamitagan

33. Sa pangungusap na, “ Mabagal na naglakad ang batang isang taung-gulang pa


lamang.” Anong uri ng pang-abay ang ginamit sa nakalinyang salita?
a. Pamaraan b. Pananong c. Panlunana d. Pamanahon

34. Anong uri ng Pang-abay ang sumasagot sa tanong na saan?


a. Pamaraan b. Pamanahon c. Panlunana d. Pang-agam

35. “Mabilis tumakbo ang magnanakaw na sumongkit ng aking sapatos.” Anong


bahagi ng pananalita ang inilalarawan gn mabilis?
a. Pangngalan b. Pang-abay c. Pang-uri d. Pandiwa
\
36. Sa pangungusap sa bilang 35, anong salita ang inilalarawan ng mabilis?
a. tumakbo b. magnanakaw c. sumongkit d. sapatos

37. Sa pangungusap na ito. “ Nag-usap na kami sa barangay , kung kaya ang mga
kasong ito ay tapos na.” Anong uri ng pang-ugnay ang kung kaya?
a. Pang-angkop b. Pang-ukol c. Pantukoy d. Pangatnig
38. Ito ay uri ng pang-ugnay na nagdurugtong sa dalawang salita para maging
magaan ang pagbigkas nito.
a. Pangatnig b. Pang-angkop c. Pang-ukol d.Pantukoy

39. Sa pagtuturong nakapokus sa mag-aaral, Aling estratehiya ang akmang


gamitin sa mag-aaral na “concrete”?
a. Mga larawan b. mga laro c. pair work d. lahat

40. Anong uri ng pagkatuto ang binibigyang halaga ang sama-samang at tulung-
tulong na paggawa?
a. Learner Centered b. Collaborative c. Interactive d. Integrative

41. Ang metodong ito ay nagmememorya ng mahahabang talaan ng talasalitaan


ang mga mag-aaral.
a. Gramatika b. grammar translation c. grammar adoption
d.grammar analysis

42. Ano ang ibig sabihin ng ALM?


a. Audio-language method c. Audio-lingual method
b. Audio =-linguistic method d. Audio-logical method

43. Ano ang kahulugan ng acronym na ito LAD?


a. Language Acquisition Device
b. Linguistic Acquisition Device
c. Language of Association Device
d. Linguistic of Association Device

44. Ito ay teoryang ang pagkatuto ay batay sa paniniwlang lahat ng bata na


ipinanganak ay may likas na talion sa pagkatuto ng wika.
a. Teoryang makatao c. Teoryang Behaviorism
b. Teoryang Cognitive d. Teoryang Innatism

45. Anong uri ng mag-aaral ayon kay Wiling ang mas gusto ang pagpapaliwanag
ang lahat tungkol sa wika ay may sariling batayang aklat.
a. Concrete b. Analitical c. Communicative d. Authority Oriented

46. “Ang mag-aaral ay madaling matuto sa pamamagitan ng pagmamasid at


pakikinig sa mga katutubong tagapagsalita ng wika at pakikipag-usap sa mga
kaibigan.”
a. Authority Oriented c. Concrete
b. Analitical d. Communicative

47. Sa anong pangkat ng mag-aaral ayon kay Wiling nabibilang ang mag-aaral na
epektibo ang pagkatuto kung gagamit ng laro, larawan at videos ang isang guro.
a. Concrete b. Analitical c. Communicative d. Authority Oriented

48. Ayon sa tagapagtaguyod ng teoryang ito, Ang pagkatuto ng wika ay bunga ng


panggagaya, pag-uulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo at
positibong pidbak.
a. Innatism b. Cognitive c. Makatao d. Behaviorism

49. Ang teoryang ito ay, nagsasabi na ang pagkatuto ay nakabatay sa


paniniwalang ang bata ay ipinanganak na may likas na talion sa pagkatuto ng wika.
a, Innatism b. Cognitive c. Makatao d. Behaviorism

50. Ang Audio-Lengual Method o (ALM) na nagging popular noong mga taong 1950
at 1960 ay ibinatay sa teoryang ______.
a. Innatism b. Behaviorism c. Makatao d. Cognitive
51- 55) Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

Magtala ng 5 Estratehiyang akmang gamitin sa communicataive na pangkat ng mag-


aaral.

51. _________________________________________________________
52. _________________________________________________________
53. _________________________________________________________
54. _________________________________________________________
55. _________________________________________________________

56-60) Magbigay ng 5 napapanahong teorya sa pagtatamo at pagkatuto ng Wika.

56. _________________________________________________________
57. _________________________________________________________
58. _________________________________________________________
59. _________________________________________________________
60. _________________________________________________________

---end ---

You might also like