Q3 Filipino 10 Week 6 ZSP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 10

3
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 6

Page | 28
MODYUL SA
FILIPINO 10

KUWARTER 3
LINGGO 6
ARAW 1-4
Paglisan (Buod ng Nobela)

Development Team

Writer: Lovella M. Ramos

Editor: Allan M. Utleg Jane S. Dancel

Reviewer: Richard M. Collado Zorayda S. Paguyo

Illustrator: Nestor Lucero

Layout Artists: Allan M. Utleg Diana C. Vergara

Management Team: Vilma D. Eda

Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan

Zorayda S. Paguyo

Juanito V. Labao

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 2


Ang modyul na ito ay naglalaman ng buod ng nobelang “Paglisan” mula sa
Nigeria na isinulat ni Chinua Achebe at isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Sa
pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong ng mga pang-
ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri sa isang halaw na
nobela. Kailangan mong tapusin ang Modyul na ito sa loob lamang ng isang linggo.
Kaya sikaping gawin ang makakaya para matapos ito.

Narito ang mga layunin na kailangan


ALAMIN
mong matamo sa araling ito.
:

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Africa at/o Persia batay sa


napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81)

2. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang


pampanitikan na angkop dito (F10PN-IIIh-i-81)

3. Nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-


i-79)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 3


Bago ka magpatuloy, sukatin muna natin ang
SUBUKIN
iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan. Gawin
mo ang maiksing pagsubok na ito.

_____________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at suriin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang titik ng iyong
tamang sagot.

1. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pangunahing sangkap ay
ang pagpapalutang sa hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali.
A. Maikling Kuwento C. Nobela
B. Sanaysay D. Dula

2. Ito ang tawag sa espiritu ng mga ninuno. Sumasanib sila kung may nais lutasin na
isang krimen.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ogene D. Cowrie

3. Ito ang tawag sa mga katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria.


Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ogene D. Ekwe

4. Ito ay isa sa mga elemento ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa


nobela.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Banghay D. Tema

5. Sa pangungusap na, “Masaya__ nag-aagahan ang pamilyang Rivera.” Anong


pang-angkop ang dapat gamitin sa patlang?
A. –ng C. –g
B. –na D. –ang

6. Ito ay isa sa mga elemento ng nobela na tumutukoy sa lugar at panahon ng mga


pangyayari.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Banghay D. Tema

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 4


7. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din
sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ogene D. Cowrie

8. Siya ay isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga


Umoufia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
A. Okonkwo C. Ikemefuna
B. Ogbuefi D. Ezinma

9. Ito ay isa sa mga elemento ng nobela na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan


sa tao, bagay at pangyayari.
A. Pamamaraan C. Simbolismo
B. Pananalita D. Banghay

10. Ang pang-angkop na ito ay ginagamit kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos
sa katinig maliban sa katinig na /-g/.
A. –ng C. –g
B. –na D. –ang

BALIKAN Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa paunang


pagtataya? Kung gayon pag-aralan ang sumusunod
na kaalaman.

_____________________________________________________________
Napag-aralan mo na ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na
naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na
ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng
hangarin ng katunggali. Ang nobela ay isang masining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kaniya-
kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Napag-alaman mo rin na ang nobela ay nagtatagalay ng mga elementong
kinabibilangan ng tagpuan o lugar at panahon ng mga pinangyarihan; tauhan na
nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela; banghay o ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari; pananaw o ang panauhang ginagamit ng may-akda na maaaring siya
mismo ay kasangkot sa akda o nakikipag-usap o batay sa kaniyang nakikita o

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 5


obserbasyon; tema o ang paksang-diwang binibigyang-diin sa akda; damdamin na siyang
nagbibigay-kulay sa mga pangyayari; pamamaraan o istilo ng manunulat; pananalita o
mga diyalogong ginagamit sa nobela; at simbolismo na nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.

TUKLASIN Ngayong natapos mo na ang paunang pagtataya


at pagbalik-aral tungkol sa nobela, kasunod ay ang
ilang salita na tutulong sa iyo upang lubos mong
maunawaan ang akda upang sa gayon ay maipamalas
mo ang iyong pagpapahalaga at pag-unawa sa kultura
ng Africa lalo na sa Nigeria.

_____________________________________________________________

• Cowrie – Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano.


Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
• Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy.
Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
• Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang
mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
• Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
• Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila
ay magsasaka at mangangalakal.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 6


Ngayon ay basahin at unawain mo ang
SURIIN
buod ng nobelang Paglisan .

_____________________________________________________________
Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga


Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan
si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia
hanggang Mbaino. Sa maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang
katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si
Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang
kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang
iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga
kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni
Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama.
Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na
nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga
ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na
mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider
ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon
upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo
sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni
Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo.
Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang
pangalawang magulang.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 7


Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-
Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam
sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan
ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi
Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo. Pinaniwala niyang
ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang
kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang
lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa
kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang
mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng
paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni
Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at
gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo.
Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos.
Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali
kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi
ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito at
nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma,
anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na
ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu.
Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay
noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si
Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng
malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.
Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang
baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil
dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang
kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng
kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ariarian at mahahalagang kagamitan
at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong
pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo
tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 8


tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil
na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni
Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya
nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon
matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar.
Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong
ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita
naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng mga
Umuofia.Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang
interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-
Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking
kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga
taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng
ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na
Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi
ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit
at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni
Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga
ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang
itinayo nina Rev. Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang
simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia.
Sapulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong.
Nakatikimng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang
tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t
gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga
kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon
napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 9


Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya
sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo.
Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal
sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay
isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at
malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang
pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang
kaniyang kaibigan.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

GAWAIN 1: PAGLINANG NG TALASALITAAN

Panuto: Unawain ang salita at piliin ang angkop na kahulugan ng salita mula sa hanay A
at hanay B. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Salita Kahulugan A Kahulugan B


1. palamuti abubot dekorasyon
2. ipinabatid ipinaalam isinangguni
3. napagwagihan napagtagumpayan nalampasan
4. magpatirintas nagpasalapid nagpapusod
5. kagimbal-gimbal kagulat-gulat kataka-taka

GAWAIN 2: TRADISYONG AFRICA, PAHIWATIG ANO BA?

Panuto. Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Isulat sa sagutang papel
ang sagot.
1. Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng mga sawikain kapag dumarating ang mga
maniningil ng utang.

2. Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 10


GAWAIN 3: PAG-UNAWA SA BINASA

Panuto. Basahin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Siya ay isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga


Umoufia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
A. Okonkwo C. Ikemefuna
B. Ogbuefi D. Ezinma

2. Ito ang tawag sa espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ikemuna D. Cowrie

3. Siya ang batang kinupkop ni Okonkwo na naging simbolo ng kapayapaan sa


pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos na mapatay ang tatay ng bata.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ikemuna D. Cowrie

4. Ito ang tingin ng mga tao kay Unoka na siyang naging dahilan ni Okonkwo para
ipamalas ang kanyang katapangan.
A. Malakas at Masayahin C. Mahina at Talunan
B. Matapang at Mahiyain D. Mahirap at Tamad

5. Ang mga pangyayari sa buhay ni Okonkwo ay bunga ng kaniyang sariling pagpili


dahil naniniwala siya na ang isang dahilan ng existence ng tao sa mundo ay
hubugin ang kanyang sariling kapalaran. Anong pananaw o teorya ito?
A. Eksistensyalismo C. Humanismo
B. Naturalismo D.Realismo

6. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?


A. Mahina ang kaniyang ama.
B. Gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama.
C. Walang kuwenta ang kaniyang ama.
D. Gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan.

7. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng


kaunting sundot ng budhi si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si
Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa
orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
A. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
B. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.
Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
C. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng
kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang uri at disenyo.
D. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at
sumasanib sila kung may nais lutasin na isang krimen.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 11


8. Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasang akda?
A. Maikling Kuwento C. Nobela
B. Sanaysay D. Dula.

9. Sa pahayag na, “Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo.


Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim
ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay
Okonkwo.” Anong klaseng kaibigan si Obierika?
A. Mayroong malasakit sa kaibigan
B. Hindi mapagkakatiwalaan na kaibigan
C. Mahirap na kaibigan
D. Hindi marunong tumulong sa kaibigan

10. Ano ang kagimbal-gimbal na balita na kumalat sa lugar nina Okonkwo?


A. Ang pagtatagumpay ni Okonkwo
B. Ang pag-alis ni Okonkwo sa kanilang lugar
C. Ang pagpapatiwakal ni Okonkwo
D. Ang pagkabuhay muli ni Okonkwo

PAGYAMANIN Upang lalo mong mapaghusay ang

: pagsusuri sa isang sipi ng isang


isinapelikulang nobela, narito ang ilang
mahahalagang impormasyon na dapat
isaisip.

______________________________________________________________________
Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong dapat
bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo,
Scriptwriting Manual, una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-
uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang
lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya.
Kailangang masagot ang anumang mga tanong tungkol dito. Kailangang ang bawat bahagi
ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung
masusing bibigyang-tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa
pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga
diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga
detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 12


iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga naging
kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood.
Ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M.
Resuma, maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1)
pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado,
at higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng
pangugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng halimbawa.
Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging
mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang
pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita.
Ang pang-angkop na na, ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan
ay nagtatapos sa katinig, ang g naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at
ginagamit namanang ng sa mga salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito,
ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay
magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.

GAWAIN 4: MAGSANAY KA!

Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin na nasa loob ng panaklong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-


giliw 1(ng,g,na) tradisyon ng mga taga-Africa. 2(Bagamat, Sapagkat) sa simula ay
negatibo ang ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na sa kabuuan ng
nobela, siya ang protagonista.3(Kong,Kung) susuriing mabuti, kapansin-pansin ang
isa pang kultura na mababanaag sa mga taga-Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang
mga taga- Africa ay likas na tahimik 4(kung,at) malinaw na ipinakita ni Achebe ang
kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika,
punong-puno ng talinhaga 5(ng,g,na) may masining na paraan ng pamamahayag.
Kapansin-pansin din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang pinagmulan,
pagkilala sa kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga parusang ipinataw sa kaniya
sa kabila ng imahe ng katapangan na siya niyang ipinamumukha sa kaniyang mga
katribo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 13


Natutuwa akong natapos mo nang maayos ang
ISAISIP
gawain. Ngayon, inaasahan ko na may sapat ka nang
: kaalaman upang sagutin ang mga sumusunod na
: katanungan.

_____________________________________________________________

GAWAIN 5: PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Panuto. Gamit ang Venn Diagram, ano-anong kultura at tradisyon ng mga taga-Africa ang
may pagkakatulad at pagkakaiba sa Pilipinas.

Africa Pilipinas
pagkakatulad
pagkakaiba pagkakaiba

Napagtagumpayan mong sagutin ang mga


ISAGAWA
pagsubok. Ngayon naman, ay masusubukan ang iyong
: kasanayan sa pagsulat.
:
_____________________________________________________________

GAWAIN 6: ISULAT MO

Panuto: Gamit ang 2Rs: Read, React, isagawa ang tungkol sa sumusunod na sitwasyon na
mula sa sipi ng pelikulang “Ang Munting Prinsesa” adaptasyon mula sa nobelang A Little
Princess.

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng
kaniyang amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house. Nang
ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 14


house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtatanggol siya ng kapatid
ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay
ampunan, baka akala mo. Hindi ko na problema iyon… Alam mo namang nakasangla sa
banko ang eskwelahang ito…baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na
ang utak mo, Amelia? Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah?
1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah.
Read…….
React _________________________________
2. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama
Read…….
React _________________________________

MAGALING! Nasagot mo lahat ang mga


TAYAHIN
gawaing naibigay. Alam kong handa ka na para sa
: pangwakas na pagtataya. Simulan mo na!
:

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang pang-angkop na ito ay ginagamit kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa patinig.
A. –ng C. –g
B. na D. ang

2. Siya ay isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umoufia, isang
hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria.
A. Okonkwo C. Ikemefuna
B. Ogbuefi D. Ezinma

3. Ito ay isa sa mga elemento ng nobela na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay
at pangyayari.
A. Pamamaraan C. simbolismo
B. Pananalita D. Banghay

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 15


4. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggalin sa kabila.
A. Maikling Kuwento C. Nobela
B. Sanaysay D. Dula

5. Ang tawag sa espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib
sila kung may nais lutasin na isang krimen.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ogene D. Cowrie

6. Ang tawag sa mga katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa


kanila ay magsasaka at mangangalakal.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ogene D. Ekwe

7. Ito ay isa sa mga elemento ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.


A. Tagpuan C. Tauhan
B. Banghay D. Tema

8. Ito ay isa sa mga elemento ng nobela na tumutukoy sa lugar at panahon ng mga


pangyayari.
A. Tagpuan C. Tauhan
B. Banghay D. Tema

9. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din sa
ritwal at paniniwalang panrelihiyon.
A. Egwugwu C. Igbo
B. Ogene D. Cowrie

10. Sa pahayag na, “Buhay __ buhay ang bayanihan sa mga Pilipino sa panahon ng
pandemya.” Anong tamang pang-angkop ang dapat ipuno sa patlang upang mabuo
ang pangungusap?
A. –ng C. –g
B. na D. ang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 16


Mahusay! Upang mas lalo mong
KABUUANG
mapabuti ang iyong natutuhan gawin ang
PAGSUSURI
kasunod na gawain.
:
:

_____________________________________________________________
Panuto. Sa gawaing ito, kinakailangang punan ng mga kinakailangang datos o detalye ang
Claim-Evidence-Reasoning Structured Constructed Response Form. Kopyahing
mabuti sa sagutang papel ang pormat sa pagsagot. Tiyaking isaalng-alang din ang
pamantayan sa pagmamarka para mas maayos ang pagsagot sa gawaing ito.

CLAIM-EVIDENCE-REASONING STRUCTURED
CONSTRUCTED RESPONSE FORM
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (U)
Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan
na angkop dito (F10PN-IIIh-i-81)
PANUTO:
Basahing muli ang nobelang Paglisan. Pagkatapos, sagutin ang kaugnay na
katanungan.
TANONG:
Sa teoryang humanismo, ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
talino, talento at iba pa. Kung susuriing mabuti ang binasang kabanata ng nobela, sa
anong bahagi ng akda ang nagpapakita ng papanaw humanismo?
YOUR CLAIM: (Kasagutan sa Tanong)

Maglahad mula sa artikulo ng dalawang katibayan (evidences) na sumusuporta sa


iyong claim:
EVIDENCE 1:

EVIDENCE 2:

Ipaliwanag kung paano sinusuportahan ng mga inilahad na katibayan (evidences)


ang iyong claim.
REASONING:

Marka Pamantayan sa Pagmamarka


4 Naipaliwanag nang napakahusay at napakabisa ang mga sagot sa mga
tanong kaya’t masasabing sistematiko ang naging pagsusuri.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 17


3 Naipaliwanag nang mahusay at mabisa ang mga sagot sa mga tanong kaya’t
masasabing sistematiko ang naging pagsusuri.
2 Naipaliwanag nang medyo mahusay at mabisa ang mga sagot sa mga tanong
kung kaya’t hindi gaanong sistematiko ang naging pagsusuri.
1 Malabo at hindi angkop ang mga sagot na ibinigay para sa mga tanong kaya
hindi naging sistematiko ang pagsusuri.
0 Walang nagawang awtput

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 18


19 Filipino 10 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Pisara Publishing, Silang Cavite.
o Sharon A. Villarde, et.al, Muog: Pundasyon ng Karunungan sa Filipino, 2013,
City, Philippines 1600
of Education, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig
o Vilma C. Ambat, et.al, Filipino Modyul para sa Mag-aaral, C.2015, Department
Sanggunian:
Paunang Pagtataya
1. C 4. C 7. D 10. A
2. A 5. A 8. A
3. C 6. A 9. C
Gawain 1
1. Dekorasyon 2. Ipinaalam 3. Napagtagumapayan
4. Nagpasalapid 5. Kagulat-gulat
Gawain 2 (Magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)
Gawain 3
1. A 4. C 7. C 10. A
2. A 5. A 8. C
3. B 6. D 9. A
Gawain 4
1. na 2. Bagamat 3. Kung 4. At 5. ng
Gawain 5-6
(Magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)
Pangwakas na Pagatataya
1. B 4. C 7. C 10. AB
2. A 5. A 8. A
3. C 6. C 9. AD
Lagumang Pagsusulit
(Magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)
SUSI NG PAGWAWASTO
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10

You might also like