Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

pRepublic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SIAGAO INTEGRATED SCHOOL
SIAGAO, SAN MIGUEL, SURIGAO DEL SUR

Second Quarter
Summative Test No. 2
ESP 7
Panuto: Basahin ang mga nakasaad sa ibaba. Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay nagpapakita nang tamang pagpapasya at
ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

___1. Tinutulungan pa rin ni Kisha ang kaniyang kaklase sa mga aralin kahit na
sinisiraan siya nito.
___2. Sinasamantala ng mga bata na maglaro sa labas ng bahay kapag walang
nakabantay kahit may banta ng COVID-19.
___3. Sinisikap na makapag-aral ni Belinda kahit na may kakulangan sa mga gamit sa esk’wela.
___4. Iniuuwi ng Tatay Freddie mo ang mga bond paper mula sa kanilang
opisina. Masayang-masaya ka dahil dito.
___5. Sa tuwing wala ang nanay ni Rose ay sinasaktan niya ang nakababatang kapatid.

Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng paggamit Likas na Batas Moral sa pagpapasya. Lagyan ng (✓)
kung Oo at (X)
naman kung Hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

___1. Pinigilan ni Roy ang sarili na kunin ang pagkain sa mesa kahit gutom na gutom na siya. Alam niyang
pagmamay-ari ito ng iba kaya tiniis na lamang niya ang kagustuhang makakain.
___2. Naisip ni Angie na maaaring masaktan niya ang mga magulang kung sasagot siya. Punong-puno na siya kaya
ibinuhos niya ang galit at pinagsalitaan ang mga ito.
___3. Dahil sa panganib na dala ng COVID-19, minabuti ni Alex na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng
pagsunod sa social distancing.
___4. Mas pinili ni Jerome na ipamahagi ang ayudang natanggap kahit na nga hindi ito sapat para sa kaniya.
___5. Nag-aral na lamang si Echo sa halip na lumabas ng bahay at makipaglaro sa mga barkada.

Panuto: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Saan nakaangkla ang konsiyensiya ng tao?
A. isip C. katawan
B. kamay D. puso
2. Sinisikap ni Jenny na maitaguyod mag-isa ang pag-aaral ng kaniyang anak dahil maaga siyang nawalan ng asawa.
Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral nakaayon ang kilos ni Jenny?
A. Gagawin ang mabuti at iiwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay.
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Likas na Batas Moral?
A. obhektibo C. pangkalahatan
B. walang hanggan D. subhektibo
4. Kapag may nararamdamang hindi maganda sa katawan, agad na kumukonsulta sa doktor si Leo. Sa aling prinsipyo
ng Likas na Batas Moral nakaayon ang kilos niya?
A. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay.
B. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
C. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
D. Gagawin ang mabuti at iiwasan ang masama.
5. Ang Likas na Batas Moral ay kasama sa mga aralin sa paaralan sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang
pangungusap na ito ay:
A. Mali, sapagkat ito ay nakaukit sa puso ng tao.
B. Mali, sapagkat ito ay nasa paggamit ng tao.
C. Tama, sapagkat kasama ito sa pag-aralan.
D. Tama, sapagkat layon nito na mapabuti ang tao.

You might also like