Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

pRepublic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
SIAGAO INTEGRATED SCHOOL
SIAGAO, SAN MIGUEL, SURIGAO DEL SUR

First Quarter
Summative Test No. 3
Araling Panlipunan 7

I - Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa sagutang papel.

______1. Ang yamang-likas ay binubuo ng mga ______________.


a. yamang lupa at tubig
b. yamang mineral at kagubatan
c. yamang kagubatan, lupa, mineral at tubig
d. yamang kagubatan at mga produktong agrikultura.

______2. Anong rehiyon sa Asya na mayaman sa langis at iba pang depositing mineral?
a. Silangang Asya c. Timog-silangang Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog Asya

______3. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansa na dati ay kasapi sa USSR. Anong
yamang mineral mayroon ang lahat ng bansa sa rehiyong ito?
a. ginto, tanso at natural gas
b. karbon, langis at natural gas
c. natural gas, tinnga at tungsten
d. tanso, phosphate at natural gas

______4. Anong bansa ang maituturing na salat sa likas na yaman ngunit nangunguna sa
Industriyalisasyon?
a. Pilipina c. India
b. China d. Japan

______ 5. Palay ang pangunahing butil na pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang


Asya. Bakit ito ang itinuturing na napakahalagang butil pananim.
a. Pamalit ito sa mga butil ng mais, barley, at trigo
b. Maraming panluwas na produkto ang galling sa palay.
c. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog Silangang Asya.
d. Maraming matatabang lupa at bukirin ang angkop sa pagtatanim nito.

II - Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI naman kapag ka hindi wasto.

_______ 6. Ang Asya ay mayaman sa iba’t ibang uri ng mga likas na yaman.
_______ 7. Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ang pangunahing tagalinang ng petrolyo at
langis.
_______ 8. Karaniwang pagtotroso ang ikinabubuhay ng mga tao na naninirahan sa Hilagang
Asya.
_______ 9. Ang Pilipinas ang pangunahing tagapagluwas ng langis na nagmumula sa niyog.
_______ 10. Ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Timog Asya ay pagmimina.

III - Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra sa patlang bago ang bawat aytem.
_____ 11. Alin sa sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa Asya?

a. Patuloy na pagtaas ng populasyon


b. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
c. Walang-habas na pagkuha at pagagmit sa mga likas na yaman
d. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang partikular na rehiyon

_____ 12. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang nasa apatnapung porsyento (40%) ng
populasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko ay namumuhay sa mga lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng
urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot ng labis na epekto sa kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning
pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping
pangkalikasan?

a. problema sa solid waste


b. polusyon sa hangin at tubig
c. pagkawasak ng kagubatan
d. pagkasira ng biodiversity

_____ 13. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging katayuan at
kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang
pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang
umunlad ang kanyang kabuhayan?

a. ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at kakulangan ng


pangangailangan mula sa limitadong pinagkukunang-yaman
b. ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng kabuhayan at
paggamit ng mga modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula dito
c. ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad unlad ng industriya
o mga gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa
pamamagitan ng mga programa
d. ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng
mga industriya,
gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon
Basahin ang bahagi ng artikulo na “Improper waste disposal in Bangalore threathening water sources” na
halaw sa India Water Review na inilathala noong Mayo 26, 2011. Gawin itong batayan ng pagsagot sa kasunod na
tanong.

_____ 14. Sa bahaging ito ng artikulo, ang hindi wastong pagtatapon nga solid waste o basura ay isang malaking
suliraning pangkapaligiran sa Bangallore, India. Ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala upang itapon
ito sa maayos na pamamaraan ang mga dahilan nito. Alin sa sumusunod ang malaking epekto sa kapaligiran ng
Bangalore, India ng walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan?

a. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog


b. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong material
c. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig at maging ang lupa
d. Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa
tubig na dumadaloy sa irigasyon

Suriin ang kasunod na poster. Sagutin ang kasunod na tanong kaugnay nito.

_____ 15. Batay sa larawan, ano ang pinakaangkop na konseptong maaaring mabuo tungkol sa kahalagahan ng
ecological balance o balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang kapaligiran?

a. Ang wastong laki ng populasyon ay nakapagpapababa ng antas ng suliraning pangkapaligiran at


ekolohikal
b. Sa loob ng tahanan nagsisimula ang edukasyon at wastong pagpapalaganap sa paggamit ng likas na
yaman
c. Anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ay tiyak na makakaaapekto nang lubos sa
pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig
d. Sa kapaligiran nakasalalay ang kinabukasan ng tao sa susunod na henerasyon

You might also like