Professional Documents
Culture Documents
Q3 EsP 7 Module 3
Q3 EsP 7 Module 3
Q3 EsP 7 Module 3
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Edukasyon sa Pagpapakata Baitang 7
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Hirarkiya ng Pagpapahalaga
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t-ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang hinihingi ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
1
Alamin Natin
Subukin Natin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin ang
titik ng pinakaangkop na sagot. Ilagay ang napiling sagot sa sagutang papel.
2
4. Ang pera ay nakapagbibigay ng saya sa tao ngunit maraming tao na
maraming pera ngunit naghahanap pa rin ng ibang bagay na mas
makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon mahihinuha nila
na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala
ang tunay na makapagpapasaya sa kaniya. Ang halimbawang ito ay
patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?
a. habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
b. kung ito ay lumilikha ng iba pang mgahalaga
c. mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas
mataas ang antas nito
d. mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami
ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito
Aralin Natin
Unang Pamantayan
Habang mas tumatagal ang halaga, mas tumaas ang antas nito. Ang
halaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman nababago ng
panahon. (timelessness or ability to endure).
Halimbawa:
Ang respeto at pagmamahal sa mga magulang ay lalong
manatilihabang tumatagal.
3
Ikalawang Pamantayan
Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga. Ang halaga ay nasa
mataas na antas kung sa kabila ngpagpapasalin-salin, napapanatili pa rin
ang kalidad nito. (indivisibility)
Halimbawa:
Ang halaga ng karunungan ay hindi mabawasan kahit na ito ay
ipamahagi sa napakaraming tao.
Ikatlong Pamantayan
Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng ibang halaga.
Ito ay nagiging batayan ng iba pang mga pagpapahalaga.
Halimbawa:
Ang isang tao na nagtatrabaho sa ibang bansa na tinitiis ang lungkot,
pangungulila at labis na pagod upang kumita nang sapat na salapi;
ginagawa niya ito upang mapagtapos sa pag-aaral ang kaniyang anak.
Ika-apat na Pamantayan
May likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng
kasiyahang nadarama sa pagkamit nito. Sa madaling salita, mas malalim
ang kasiyahan na nadama sa pagkamit nito.
Mas malalim ang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng halaga,
mas mataas ang antas nito. (depth of satisfaction).
Halimbawa:
Mas magiging masaya mag aral kung wala kang kagalit sa paaralan.
Ikalimang Pamantayan
Ang halaga ay nakabatay sa nararamdaman ng ibang tao. Ang isang
halaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa taong
nakakaramdam nito.
Halimbawa:
Ang kauna-unahang bulag na mag-aaral ng Ateneo University na si
Roselle Ambubuyog nakakuha ng pinakamataas na karangalan bilang
Summa Cum Laude sa kursong BS Mathematics. Hindi naging hadlang ang
kaniyang kapansanan upang siya ay makatapos ng pag-aaral. Ang kaniyang
pagnanais na magtagumpay sa kaniyang larangan ay higit na mataas kaysa
sa kaniyang pisikal na kapansanan.
4
Mula sa mga nabanggit na mga prinsipyo, Ang Hirarkiya ng
Pagpapahalaga ay binuo ni Max Scheler.Tinawag niya ito na “ordo amoris” o
order of the heart. Ayon sa kaniya ang ganitong hirarkiya ng pagpapahalaga
ay hindi lamang mauunawaan ng isip ngunit naniniwala siya na ang puso
ng tao ay kayang magbigay ng kaniyang sariling katuwiran namaaaring
hindi mauunawaan ng isip.
Gawin Natin
Panuto:
• Sa tsart na naitala, ano ang iyong pipiliin ang mas mababa na
pagpapahalaga o sa mataas na pagpapahalaga.
• Alin sa mga sumusunod ang iyong pipiliin?
• Isulat ang titik A o B sa sagutang papel.
Mataas o Mababa
Mababa o negatibo
Matulog ng Maaga VS. Nagpupuyat
A B
1. Mag-aral 6. maglakwatsa
2. kumain ng masustansiyang pagkain 7. kumain ng junkfood
3. manaliksik sa silid aklatan 8. mag surf sa internet
4. magbigay ng oras kasama ng pamilya 9. magbigay oras kasama ng
barkada
5. Makipagkaibigan sa kaaway 10. huwag makipagkaibigan
Sanayin Natin sa kaaway
Tanong:
1. Bakit ito ang inyong pinili?
2. Ano ang nagiging dahilan sa iyong pagpili?
Batayan sa Pagwawasto:
10 puntos- kung ang naging dahilan sa pagpili ay nasa mataas na
pagpapahalaga.
7 puntos- kung ang naging dahilan sa pagpili ay may isang mababang
pagpapahalaga.
5 puntos- kung ang naging dahilan sa pagpili ay higit pa sa isa ang
mababang pagpapahalga.
5
Sanayin Natin
Sarili
Tandaan Natin
6
Suriin Natin
Sitwasyon
Payabungin Natin
Panuto:
• Piliin ang mga salita na nasa kahon. Ayusin mo ang mga salita ayon
sa antas ng pagpapahalaga mo dito. Simulan sa pinakamahalaga
hanggang sa mababang halaga.
• Ilagay mo sa bilang isa ang pinakamahalaga. Ilagay mo sa bilang
sampo ang bagay na para sa iyo pinakamababa ang pagpapahalaga.
• Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
7
Mga Bagay Batayan ng Pagraranggo
Hal. pamilya 1
pera o salapi 2
3
4
5
6
7
8
9
10
Pagnilayan Natin
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
8
Susi sa Pagwawasto
9
Sanggunian
10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Telefax: 224-3274
11