Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

College of Education

Masusing Banghay Aralin sa Filipino IV

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap;
b. Naibabahagi sa kamag-aral ang sariling paraan kung paano makakatulong sa
kalinisan ng sariling komunidad; at
c. Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap.

II. Nilalaman

● Paksa: Aralin 18: “Kaibigan ng Kalikasan”


● Sanggunian: Yamang Filipino 4 Pahina 268-277
● Kagamitan: Powerpoint Presentation, Google meet, Laptop
● Pagpapahalaga: Makakalikasan

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating aralin tayo muna In the name…


ay manalangin, (pangalan ng estudyante), Almighty father, we praise and
pamunuan mo ang ating panalangin. thank you for this day, watch over
us as we go about our works and
studies help us in every way so
that we may become children you
want us to be.
Amen
2. Pagbati
Magandang Umaga!
Magandang umaga din po,
3. Pagtatala ng liban Ma’am!
(Maaaring i-tsek ang attendance sa GMEET)

4. Tuntunin sa Online Classroom Rules


College of Education

Bago tayo mag simula ano-ano ang ating mga


tuntunin?

Pakibasa ang unang tuntunin, (pangalan ng


estudyante)? Panatilihing naka-off ang
mikropono habang nagsasalita
ang guro, Ma’am!
Pakibasa ang pangalawang tuntunin,
(pangalan ng estudyante)? Huwag magchat sa chatbox ng
mga bagay na walang kinalaman
sa talakayan, Ma’am!
Pakibasa ang huling tuntunin, (pangalan ng
Makinig sa guro habang siya ay
estudyante)?
nagtuturo, Ma’am!

Tama, magaling!

5. Balik-aral

Magbalik-aral tayo sa pinag-aralan noong


nakaraang linggo sa Filipino

Ano ang pinag-aralan noong nakaraang linggo


sa Filipino? Pahayagan at pangatnig, Ma’am!

Mahusay!

Kung natatandaan pa, ano ang pahayagan?


Ito ay isang uri ng paglilimbag, ito
ay naglalaman ng mga balita o
tala tungkol sa mga kaganapan
na nangyari sa ating lipunan,
Mahusay! Ma’am!

Ito ay nakasulat sa malalaking letra at mariin


ang pagkakalimbag dito, saang bahagi ng
pahayagn ito makikita? Ulo ng mga balita /Headline,
Ma’am!
College of Education

Dito sa bahagi ng pahayagan makikita ang


mga taong pumanaw na, saang bahagi ng
pahayagn ito makikita? Obitwaryo, Ma’am!

Dito sa bahaging ito ay naglalaman ng mga


artikulong may kinalaman sa pamumuhay,
tahanan, pagkain, paghahalaman at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan Panlipunang pahina/ Lifestyle,
Ma’am!

Mahusay!

Ano naman ang pangatnig? Ito ang mga salitang nag uugnay
sa dalawang pangungusap,
parirala o salita, Ma’am!

Mahusay!

Ano ang dalawang uri ng pangatnig? Pangatnig na Paninsay at


Pangatnig na Pamukod, Ma’am!
Tama!

Kung talagang natatandaan ang nakaraang


aralin, piliin ang angkop na pangatnig sa
bawat pangungusap:

1. Kasama ako sa parke (ngunit, o) pag-uwi ko ay


hinihintay na pala ako ni Nanay. Ngunit, Ma’am!

2. Umani siya ng karangalan (kahit, maging) na


maraming humahadlang sa kanya. Kahit, Ma’am!

3. Siya Angelo ay naglinis ng bahay (maliban, maging)


sa kanyang kapatid. Maliban, Ma’am!

4. Ano ang mas mahalaga kalusugan (maging,o)


kapaligiran? O, Ma’am!
College of Education

5. Umalis na si Itay sa bansa, si Ate, Kuya at bunso ay


naiyak (kahit, maging) si Inay din. Maging, Ma’am!

Mahusay! Lahat ay nakinig sa nakaraang


aralin.

B. Panimulang Gawain
1. Pagganyak

Tingnan ang larawan sa screen at pakibasa


ng pangungusap.

Hayun na ang naantalang kariton ng mga


bote at dyaryo.

Ano kaya ang kahulugan ng salitang may


salungguhit? Ang ibig sabihin po ng salitang
naantala ay hindi natuloy, Ma’am!
Ang ibig-sabihin ng salitang naantala, ay
pagkakaroon ng paghinto sa isang daloy o
takbo ng mga bagay, pagkakaputol o
pagkakatigil ng isang bagay na nakatakdang
mangyari.

Pakibasa ng pangungusap.
College of Education

Ano ang dapat pagtuunang-pansin sa


pagreresiklo?

Ano kaya ang kahulugan ng salitang may


salungguhit? Ang ibig sabihin po ng salitang
pagtuunang-pansin ay nag
popokus sa isang bagay, Ma’am!
Ang ibig sabihin ng salitang
pagtuunang-pansin, ay tumutukoy sa
pagbibigay pansin o pagpopokus sa isang
bagay.

Pakibasa ng pangungusap.

Nakakalungkot ang trahedyang nararanasan


natin tuwing may bagyo.

Ano kaya ang kahulugan ng salitang may


salungguhit? Ang trahedya ay isang salitang
ginagamit upang ilarawan ang
isang hindi magandang
pangyayari na naganap, Ma’am!
Ang trahedya ay isang salitang ginagamit
upang ilarawan ang isang hindi magandang
pangyayari na naganap sa isang indibidwal.
Kadalasan, ito ay nagbubunga ng
kalungkutan o maging ng pagkasawi ng
buhay ng isang tao, maging ng kanyang mga
kapamilya, kaibigan, o kamag anak
College of Education

Pakibasa ng mga pangungusap.

Narito ang nakapaksil na babala sa


pagbabasura.

Ano kaya ang kahulugan ng salitang may


salungguhit? Nakadikit o nakalagay,Ma’am!

Ang kahulugan ng salitang nakaaskil ay


nakadikit o nakalagay.

Pakibasa ng pangungusap.

Ginaganyak ng kapitan ng barangay ang


mga tao na magresiklo.

Ano kaya ang kahulugan ng salitang may


salungguhit? Ang kahulugan ng salitang
ginaganyak, ay inaanyayahan na
gawin ang isang bagay, Ma’am!
Ang kahulugan ng salitang ginaganyak, ay
inaanyayahan na gawin ang isang bagay.
College of Education

Buksan ang aklat sa pahina 272-273 at


sagutan ang “Mag-isip at Tumugon” 1-10
Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

2. Paglalahad

Buksan ang aklat sa pahina 271 at basahin


ang natin ang isang maikling usapan na
may pamagat na “Kaibigan Kalikasan”

Tungkol saan ang pinaguusapan ni Mark at


kanyang Inay? Tungkol sa magulong bodega,
Ma’am!
Bakit kailangan itapon sa tamang basurahan
ang mga basura? Upang maiwasan po ang
trahedyang pwedeng mangyari
dulot ng bagyo dahil sa dami ng
basurang itinapon kung
saan-saan, Ma’am
Ano ang mga dapat gawin para
mapangalagaan ang ating kapaligiran? Pagtitipid ng tubig, Pagtatapon ng
basura sa tamang lalagyan at
Pagtitipid ng kuryente, Ma,am!
Tama!
College of Education

3. Pagtatalakay

Ngayon naman pag masdan natin ang


pangungusap na nasa screen. Pakibasa ng
pangungusap

Ang mga magulang ang pumipili ng


pangalan ng kanilang anak.

Sa iyong palagay, ano ang pinag uusapan


sa pangungusap na ito? Magulang, Ma’am!

Tama! Ito ay tinatawag na simuno.

Pakibasa ano ang kahulugan ng Simuno. Ito ay ang pinag uusapan, Ma’am!

Ito ay ang bahagi ng pangungusap na


gumagawa ng aksyon sa pangungusap o
siyang pinag-uusapan sa pangungusap

Ano naman kaya ang nagsasabi o


naglalarawan sa pangungusap? Pumili, Ma’am!

Tama! Ito ay tinatawag na panaguri

Pakibasa ano ang kahulugan ng panaguri Ang panaguri ang bahaging


nagsasabi tungkol sa
pinag-uusapan, Ma’am!
Ito ay ang bahagi ng pangungusap na
nagsasaad ng detalye tungkol sa simuno.

Ang simuno at panaguri ay ang dalawang


bahagi ng pangungusap.

Mayroong 2 Uri ng Simuno, ito ay ang payak


na simuno at buong simuno, paano
ginagamit ang dalawang uri na ito?
College of Education

Pakibasa ano ang kahulugan ng Payak na


Simuno. Ito ay ang pangngalan o
panghalip na pinag uusapan sa
pangungusap.
Pakibasa ano ang kahulugan ng Buong
Simuno. Ito ay ang payak na simuno
kasama ang iba pang salita o
mga panuring, Ma’am!
Mayroong 2 uri ng Panaguri, ito ay ang
payak na panaguri at buong panaguri,
paano ginagamit ang dalawang uri na ito?

Pakibasa ano ang kahulugan ng Payak na


Panaguri. Bahaging nagsasabi tungkol sa
simuno ng pangungusap na
maaaring pandiwa, pangngalan,
panghalip o pang-uri, Ma’am
Pakibasa ano ang kahulugan ng Buong
Panaguri. Ito ay ang payak na panaguri
kasama ang iba pang salita o
mga panuring, Ma’am!

Ang kanilang pagkakaiba ay nilagyan


lamang natin ng mga panuring ang simuno
kapag ito ay buong simuno.

Pakibasa ng pangungusap.

Ang mga bata ay naglalaro sa


dalampasigan.

Ano ang payak na simuno sa


pangungusap? Bata, Ma’am

Ano ang buong simuno sa pangungusap? Ang mga bata, Ma’am!

Ano ang payak na panaguri sa


pangungusap? Naglalaro, Ma’am!
College of Education

Ano ang buong panaguri sa pangungusap? Naglalaro sa dalampasigan,


Ma’am!
4. Pagsasanay

Kung naintindihan, Sagutan natin ito.

Pagsasanay:

Ano ang simuno at panaguri sa


pangungusap.

1. Ang bodega ay magulo

Alin ang simuno sa pangungusap? Bodega, Ma’am!

Alin ang panaguri sa pangungusap? Magulo, Ma’am!

2. Parating na ang magbobote

Alin ang simuno sa pangungusap? Magbobote, Ma’am!

Alin ang panaguri sa pangungusap? Parating, Ma’am!

3. Si Kapitan Reyes ay nananawagan.

Alin ang simuno sa pangungusap? Kapitan Reyes, Ma’am!

Alin ang panaguri sa pangungusap? Nananagawan, Ma’am!

4. Magtulungan tayo sa paglilinis

Alin ang simuno sa pangungusap? Paglilinis, Ma’am!

Alin ang panaguri sa pangungusap? Magtulungan, Ma’am!

5. Isang paraan ng pangangalaga sa ating paligid ay


pagtitipid ng gasolina.

Alin ang simuno sa pangungusap? Gasolina, Ma’am!


College of Education

Alin ang panaguri sa pangungusap? Pagtitipid, Ma’am!

Magaling! Talagang nakinig sa ating talakayan!

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Ibuod natin.

Ano ang tinalakay natin ngayong araw? Simuno at Panag-uri, Ma’am!

Tama!

Ano ang simuno? Ito ay ang pinaguusapan sa


pangungusap, Ma’am!
Tama!

Ano ang panaguri? Ang panaguri ang bahaging


nagsasabi tungkol sa
pinag-uusapan, Ma’am!
Magaling!

2. Paglalapat

Bilang isang mag-aaral paano ka Pagtatapon ng basura sa tamang


makakatulong upang mapanatili ang basurahan at pagtitipid ng
kalinisan ng iyong komunidad? kuryente, Ma’am!

Magaling!

IV. Pagtataya

Gawaing Upuan #2

Sa pahina 277, Titik A Bilugan ang simuno at


salungguhitan ang panaguri sa pangungusap
College of Education

1. Ang magkakaibigan ay naglakad lamang patungo sa


parke.
2. Lahat kami ay nagtulong sa pagbuo ng proyekto.
3. Ang ating barangay ang nagwagi sa may
pinakamalinis na lugar.
4. Ang kanyang bakuran ay naliligiran ng malalaking
puno at magagandang halaman.
5. Sa kabilang bayan namimili ang nanay.
6. Ang araw ay sumisikat sa silangan.
7. Gumagawa ng bangka ang mga mangingisda.
8. Si Nida at Ramon ay magkakapatid.
9. Nagdala ako ng isang dosenang mangga para sa
aking pinsan.
10. Nanonood si Mang Ricardo ng balita gabi-gabi.

Due Date: March 22, 2022

V. Kasunduan/ Takdang aralin

Gawain #2

Sa pahina 277, Gawin ang Titik B at C

Due Date: March 22, 2022

You might also like