Pamantayang Pangnilalaman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALIN 2: MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig.
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto.
Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang mga sumusunod:
Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa. (F11PT-IIIa-88)
 Natutukoy ang mga pahayag na naglalahad ng katotohanan at opinion.

MGA KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA 


Iba't iba ang kasanayan na dapat paunlarin sa bawat bahagi ng proseso ng pagbasa. Sa kabuuan, mahahati ang mya kasanayan
sa talong bahagi: Bago Magbasa, Habang Nagbabasa, at Pagkatapos Magbasa.
BAGO MAGBASA 
Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin. Ang pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto ay
mahalaga upang malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa uri ng genre ng teksto o kung kinakailangan ba ito ayon
sa itinakdang layunin sa pagbasa. Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin
sa mga larawan, pamagat at pangalawang pamagat sa loob ng aklat. Sa bahaging ito, iniuugnay sa inisyal na pagsisiyasat ang mga imbak
at kaligirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin. Nakabubuo ng mga tanong at matalinong
prediskyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinasagawang pagsisiyasat. Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso.

HABANG NAGBABASA 
Nangyayari ang pmakamalaking banagi ng kognisyon habang nagbabasa. Sa pahaging ito, sabay-sabay na pinagagana ng isang
mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto. Ang kaniyang mga naunang tanong at prediksyon bago
magbasa ay pinanghahawakan niya upang panatilihin ang pokus sa aktibong pag-unawa sa binabasa. Sa bahaging ito, lumalawak at
umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa. Narito ang ilan pang pamamaraan upang maging epektibo ang pagbasa: 

 Pagtantiya sa bilis ng pagbasa. Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at
perasonal na kakayahan sa pagbasa. 
 Biswalisasyon ng binabasa. Gamit ang mga impormasyon muta sa teksto at imbak na kaaiaman, Bumubuo ang mambabasa ng
mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa. 
 Pagbuo ng Koneksiyon. Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang
komprehensiyon. 
 Paghihinuha. Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at konklusyon
sa kalalabasan ng teksto.
 Pagsubaybay sa komprehensiyon. Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang
upang masolusyonan ito. Halimbawa, kung may isang salitang mahalaga at susi upang maunawaan ang buong teksto, maaaring
sumangguni sa diksyunrayo ang mambabasa. 
 Muling pagbasa. Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung kinakailngan kapag hindi ito naunawaan.
 Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto. Paggamit nq iba't ibang estratehiva upang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar
na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.

Mababaw ang komprehensiyon kung hindi mananatili sa isip ng mambabasa ang natutuhan nila. Sinisimulan ng isang aktibong
mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo ng mga
biswal na imahen. Ang ELABORASYON ay ang pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong nafutuhan mule ca
teksto. Ang ORGANISASYON ay pacbuo ng Koneksivon sa panitan ng iba't ibang bahagi ng impormasyong nakuha sa teksto habang ang
PAGBUO NG BISWAL NA IMAHEN ay paglikha ng mga imahen at t larawan s aisipan ng mambabasa habang nagbabasa. 

PAGKATAPOS MAGBASA 

You might also like