Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

9 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Ekonomiks
Ikatlong Markahan-Modyul 1
Daloy ng Ekonomiya

Manunulat: Joemari B. Chavez

City of Good Character 0


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
1

Alamin

Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang ang konsepto ng paikot na


daloy ng ekonomiya. Inaasahang maiuugnay rin ang mga mga bahaging
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya na mayroong mga aplikasyong
magagamit sa iyong pang-araw–araw na pamumuhay.

Ang mga aralin na sakop sa Modyul

1. Kahulugan ng Makroekonomiks
2. Paikot na daloy ng ekonomiya

Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng mga bumubuo sa
paikot na daloy ng ekonomiya;
1.1 nailalalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya;
1.2 nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Subukin
Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang letra ng may
pinakatamang sagot.
1. Ang modelo na pinag-uukulan ng pag-iimpok at pamumuhunan
A. Unang Modelo C. Ikalawang Modelo
B. Ikatlong Modelo D. ika-apat na Modelo
2. Ito ay ang modelo na nagpapakita ng pambansang ekonomiya na ang
sambahayanan at bahay kalakal ay iisa, alin sa mga sumusunod ito?
A. Unang Modelo C.Ikatlong Modelo
B. Ikalawang Modelo D. ika-apat na Modelo
3. Ang modelong nagpapakita na ang bahay kalakal ay nagluluwas
(export) ng mga produkto sa panlabas na sektor samantalang ang
sambahayan ay nag-aangkat ng (import) mula dito. Aling modelo
nakapaloob ito?
A. Ikalawang Modelo C. Ikatlong Modelo
B. Ikaapat na Modelo D. Ika-limang Modelo
4. Ang pamahalaan ang sumisingil ng buwis upang kumita. Ang
kinikita sa buwis ay tinatawag na ________________ ?
A. kita C. sahod
B. public revenue D. tubo
5. Kung masyadong mataas ang presyo ng isda dahil sa nagdaang bagyo,
inaasahang _____________.
A. dadami ang suplay nito
B. walang pagbabago sa bentahan
C. magkakaroon ng ekwilibriyo sa merkado
D. di magkakasundo ang mamimili at nagbibili
6. Ang mga sumusunod ay pinagbabatayan ng paglago ng ekonomiya,
maliban sa isa?
A. Pagtaas ng produksiyon.
B. Produktibidad ng pamumuhunan
C. Paglaki ng batang populasyon
D. Produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan
7. Ang isang sektor na nagbibigay tulong pinansiyal sa sambahayanan at
bahay kalakal?
A. Pamilihang kalakal C. Pamilihang Pinansiyal
B. Pamilihang salik ng Produksiyon D. Panlabas na sektor
8. Alin sa mga dahilan ang pagkakaroon ng disekwilibriyo sa
ekonomiya ?
A. Pagdaragdag ng skilled worker
B. Pagtatalaga ng SRP sa baboy at manok
C. Pagtatabi ng malaking ipon ng mga mamamayan
D. Pagdaragdag ng mga barya sa merkado

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9. Kalagayan ng bansa na nagkakaroon ng pagkaka-balanse, na kung
saan maayos ang ekonomiya?
A. Ekwilibriyo C. Di Ewilibriyo
B. Deficit D. wala sa nabanggit
10.Ang mga aktor sa ikaapat modelo ay ang mga sumusunod maliban
sa isa?
A. Bahay kalakal B.Pamilihang pinansiyal
C. sambahayan D. Panlabas na sektor

Gawain Eko-kahulugan: Suriin ang mga salita. Bigyan ng kahulugan at


paliwanag.
1. GNP
____________________________________________________
2. Implasyon
____________________________________________________
3. PPP
____________________________________________________
4. PCI
____________________________________________________
5.Maykroekonomiks
____________________________________________________
6. Kapital
____________________________________________________
7. GDP
____________________________________________________
8. Scarcity
____________________________________________________
9. Ekwilibriyo
____________________________________________________
10.Makroekonomiks
____________________________________________________

Sagutin ang mga tanong:


Ano ang masasabi ninyo sa mga salita?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
May kaugnayan ba ang mga salita na ito sa isat-isa? sa papaanong paraan?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan

Ang ating nakaraan ay nagiging susi sa ating kinabukasan, kaya


maaring makatulong ito sa ating mga aralin.

Gawain
Mula sa tinalakay sa nakaraang aralin, ibigay ang iyong pagkaunawa sa
bawat salita. Ilagay sa papel ang iyong sagot.

1. pamahalaan _______________________________________________

2. pamilihan _______________________________________________

3. price freeze _______________________________________________

4. presyo _______________________________________________

5. monopoly _______________________________________________

Tuklasin

Bigyang pansin ang larawan.

Ano ang ipinakikita ng larawan? Ano-anong sektor ang nakikita mong


kasama sa larawan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Gawain:
A. Eko-poster:
Bumuo ng isang poster na nagpapakita ng daloy ng pag-unlad.
Maaring gamitin ang lungsod ng Marikina. Ipakita dito ang mga
naging sanhi ng kanyang pag-unlad. Gumamit ng isang bond paper,
lapis at kahit anong pangkulay upang maging maganda ang iyong
gawain. At sagutan ang mga gabay na tanong:

Mga Gabay na Tanong


1. Ipaliwanag ang mga nailahad sa Eko-poster?
2. Anong mga sektor ang nagtulak sa pag-unlad ng isang lungsod?
3. Alin sa iyong mga nabanggit ang mayroong pinakamalaking ambag
sa pag-unlad at bakit?
4. Batay sa iyong mga sagot, ano ang kahulugan ng Daloy ng
Ekonomiya?

Suriin

Isa sa mga nagbigay ng ideya ng circular flow ay si Francis Quesnay


na batay sa kanyang Tableau Economique. Ang circular flow ay isang
modelo na nagpapakita ng pag-ikot ng mga mahahalagang sektor tulad ng
produkto at serbisyo na maaring magkasalungat ang daloy. Ang Tableau
Economic ay nagpapakita ng palitan ng iba’t ibang sektor.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang Modelo ng Pambansang Ekonomiya ay mailalarawan sa pamamagitan ng
mga sumusunod:

Modelo ng
Pambansang Paliwanag
Ekonomiya

Makikita natin ang unang modelo ang simpleng


ekonomiya. Inilalarawan dito na ang pangangailangan
nito ay siya rin ang bumubuo. Nagkakaroon lamang ng
pagbuo ng isang produkto kung mayroon
pangangailangan nito. Ang pag-unlad ng ganitong
Unang ekonomiya ay maaring sa pagtataas ng produksiyon, at
Modelo mas maraming pagkonsumo. Ito ay modelo na
nagpapakita na ang sambahayanan at bahay kalakal ay iisa.

Ang bahay kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng Tapos na


Produkto at salik sa Produksiyon

Ikalawang
Modelo

Ikalawang Modelo
Ang ikalawang modelo ay maroon dalawang aktor, sila ay
tinatawag na interdependence, na kung saan sila ay nagtutulungan.
Mula sa sambahayan ay umusbong ang dalawang uri ng pamilihan, una
ay ang salik ng produksiyon o Factor markets, at Pamilihan ng tapos na
produkto o commodity markets. Ang sambahayan ay tumaas ang
pangangailangan mula sa pamilihan ng kalakal, tulad ng serbisyo at
paglilingkod. Ang kita ng bahay kalakal ay nagbibigay ng sahod sa mga
tao, na kung saan ito ay nagbibigay ng kita sa sambayanan.
Ang bahay kalakal ay nagbebenta sa sambahayan at mula din dito
ay nangangailangan ng kapital. Sa paggamit ng kapital ng produkto
nakapagbibigay din ito ng pasahod sa sambahayan na mula sa mga
entrepreneur. Ang mga pinagkukuhanan ng kita ng sambahayanan ay
ang mga sumusunod:
a. Interest
b. Kita ng entrepreneur
c. Renta o upa
d. Pasahod at paggawa

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Upang umunlad, dapat mataas ang produksiyon na kung
magkakaganito ay kailangan din na pataasin ang produktibilidad, kung
saan ang mga manggagawa ay dapat maging marunong at produktibo.

Ikatlong Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor-


Modelo ang sambahayan at bahay kalakal.Isinaalang alang ng sambahayan at
bahay kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.
Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa
salik ng produksiyon, commodity o tapos na produkto at para sa
pinansiyal na kapital. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagiging
mahalagang salik ng ekonomiya.
ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSIYAL, SALIK NG
PRODUKSIYON, KALAKAL AT PAGLILINGKOD

Ika-apat
Modelo

Ika-apat na Modelo
Matutunghayan natin na ang panibagong aktor ng
ekonomiya ay ang pamahalaan. Pag-iimpok, pamumuhunan at
pagbabayad ng buwis ang karagdagang gawain at
pinagkukuhanan ng kita ng sambahayan at pamahalaan Ang
broken lines ang gamit sa flow o daloy ng pagbabayad ng buwis.
ang kita nito ay tinatawag din na public revenue.
Ang mga pampublikong paglilingkod na nakukuha sa
public revenue ay ayon sa pangangailangan ng sambahayanan at
bahay kalakal. Ito ay nakatutulong sa pagtatayo ng mga pasilidad
na kailangan ng sambahayan.
Maaari nang maitakda ang kita ng mga sumusunod na
sektor, bahay-kalakal, sambahayan at Pamilihan.
Ang tuon ng modelong ito ay domestic na para sa isang saradong
ekonomiya
Ang paglaki ng pambansang kita ay nababatay sa:
a) Produksiyon
b) Produktibidad
c) Produktibidad ng gawain ng pamahalaan

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS
Ikalimang
Modelo

Ika-limang Modelo
Ang pambansang ekonomiya ay bukas na at nadagdagan ng
kalakalang panlabas. Nagkakaroon na ng palitan ng produkto sa ibang
bansa. Ang sambahayanan at bahay kalakal ay nagbukas sa dayuhang
ekonomiya pareho rin sila ng pinagkukunang yaman na maari ding
magkaiba ang anyo at dami. Nagkakaroon ng kita sa mga ito dahilan ng
pag-export ng mga produkto at serbisyo.

Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang yaman ang


pambansang kita, katulad din ng dayuhang ekonomiya. Ang bahay
kalakal ay maari na ring magluwas ng mga produkto.

Pagyamanin

Natatandaan mo pa ba ang inflow at outflow ? Sa mga modelo ay nag


papakita ng mga daloy ng pagpasok at paglabas ng produkto at serbisyo.
A. Demand Schedule:
Gawain: Eko-flow. Maglagay ng mga halimbawa ng Outfllow at Inflow
ng bawat sektor sa bawat hanay. Hanay A Outflow at Hanay B ay Inflow.
Ang unang hanay ay nagpapakita ng halimbawa ng ating gawain.

Outflow Inflow
Sambahayan Sambahayan
1. Pagkonsumo ng mga yaring 1. Pagtanggap ng transfer of payments
produkto
2. ____________________________________
2. ____________________________________

Bahay kalakal Bahay Kalakal

3. ____________________________________ 3____________________________________

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamahalaan Pamahalaan

4. ____________________________________ 4____________________________________

Pamilihang Pinansiyal Pamilihang Pinansiyal

5. ____________________________________ 5____________________________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang mangyayari kung may paglabas (outflow ) ng kita sa


ekonomiya? Paano ito maibabalik sa balanseng paikot ng daloy?
2. Alin sa ma naisulat sa outflow at inflow ang mapapansing
makatutulong ng malaki sa mga Pilipino ? Bakit?

Isaisip

A. Eko-isip Gawain:
1. Bakit kailangang balanse ang daloy ng kalakal, pamahalaan at
sambahayanan?
2. Bilang bahagi ng sambahayanan, ano ang iyong magagawa
upang mapanatiling balanse ang paikot na daloy ng
ekonomiya?

Isagawa
Eko-sitwasyon suriin

Gawain:
Suriin ang mga sitwasyon at sa isang buong papel, bumuo ng isang
maikling talata.

1. Kung ikaw ay may kamag-anak na OFW o naninirahan sa ibang


bansa, papaano at saan mo gagamitin ang padalang salapi nito at

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
bakit? Magbigay ng dahilan kung paano ito makatutulong sa takbo ng
pambansang ekonomiya?

2. Ang lugar nila Kristine ay napapaloob sa GCQ, kaya ang lokal na


pamahalaan ay nagbigay ng tulong na facemask at alcohol. Kailangan
lamang na puntahan sa government clinic. Nagdadalawang isip siya
sa pagpunta, ano kaya ang magiging epekto nito kung isang daang
pamilya ang hindi kumuha ng tulong mula sa gobyerno.
Makakaapekto ba ito sa daloy ng ekonomiya? Ipaliwanag.

3. Ang pagbabayad ng buwis ay mahalaga sa mga Pilipino, ano ang mga


maaring mangyari kung magkakaroon ng deficit sa public revenue ang
ating pamahalaan?

Tayahin

Ipaliwanag ang bawat modelo ng Pambansang Ekonomiya


Modelo ng Pambansang Paliwanag
Ekonomiya

Unang Modelo

Ikalawang Modelo

Ikatlong Modelo

Ikaapat na Modelo

Ikalimang Modelo

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain

Eko-llage:
Bumuo ng isang collage, na nagpapakita ng mga modelo ng daloy ng
pambansang ekonomiya. Gumamit ng larawan sa magasin upang
maipakita ang daloy. Pumili lamang ng isang modelo.

Rubrik:
Pamantayan
Pagkamalikhain….................................... 50%
Pagka- orihinal………………………………… 30%
Kaugnayan sa tema………………………….. 20%
Kabuuan……………………………………….. 100%

Sanggunian
Ekonomiks .Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral unang edisyon 2015
Balitao, Cervantes, Ong, Nolasco, Ponsaran, Rilio . Araling Panlipunan Serye:
Ekonomiks : Mga Konsepto at Aplikasyon : Manwal ng guro sa Araling Panlipunan/
Ika-apat na taon / Deped 2012

Imperial , Antonio, Samson, Dallo, Soriano. Pagbabago IV Batayang Aklat sa


Araling Panlipunan Para sa ika-apat na taon ng Mataas na Paaaralan/ / Rex
Bookstore / Deped 1999

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

Ipoproseso ng guro

Tayahin

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jomari B. Chavez

Editor:

Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano


Tagaguhit: Ma. Gwendelene J. Corañez
Tagalapat:

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola

Pangalawang Tagapamanihala

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza

Hepe – Curriculum Implementation Division

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano

Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero

Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like