SKRIP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

SKRIP

Salamin

"Kring, kring, kring," narinig ko na ang malakas na tunog ng aking alarm clock. Gigising
na naman ako at papasok sa eskwela. Ako'y bumangon na, naligo, at kumain. Habang
kumakain, napansin ko na hindi ako pinapansin ng aking mga magulang. Dahil sa ako'y
nagmamadali ay hindi ko na lamang ito pinansin at umalis na para pumasok sa eskwela.

Maulan, dinig ang busina ng mga sasakyan na nag aantay sa pag usad ng trapiko. Ako'y
naiinis na. Wala akong masakyan. Basang basa na ang aking damit. Hindi pa makakita ng
masyado dahil sa face mask at faceshield na nakaharang sa mukha. Lumipas pa ang ilang
minuto, dahil sa ako'y basang basa na ay napagdesisyunan ko nang humanap ng
masisilungan. Buti na lang may nakita aking maaaring masilungan. Walang bantay! Saktong
sakto, pwedeng pwede akong sumilong.

Ako'y pumasok na. Nakakasilaw ang mga ilaw. Nagmamadali ang mga tao na tila'y may
hinahabol na hininga. Ako'y nahihiya dahil ako'y basa. Sa gilid ay may salamin. Agad agad
ko itong pinuntahan upang manalamin. Siguro ang chaka ko na.

Ako'y nagulat at napaatras sa aking nakita. Sa sobrang takot, hindi ko sinasadyang


mapasok sa isang kwarto. May nakabalot. At nang buksan ang nakabalot aking mukha ang
nasa puting kumot.

You might also like