DLP 4 - Tekstong Persweysiv

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: Aina Margaret C. Celino Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: 11 – HUMSS 1 Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: March 1, 2022
Guro: Jennifer Espiritu

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik


Sanggunian: Mahusay na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ni Leticia C. Paglinwan et. al
Paksa: Iba’t ibang uri ng teksto Uri ng Gawain: Concept Notes
- Tekstong Persweysiv Gawain Bilang: 4
Layunin:
- Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng tekstong Persweysiv.
- Naibabahagi at nasusuri ang iba’t ibang bahagi ng tekstong Persweysiv.
- Nakagagawa ng isang halimbawa ng tektong Persweysiv.

PANIMULA
ANG TEKSTONG PERSWEYSIV

 Ang Tekstong Persuweysibo ay may layuning manghikayat o mangumbinsi sa pamamagitan ng mga


salitang mapanghikayat na sinusuportahan ng mga matibay na patunay o ebidensya.
 Ayon kay Mabilin (2009), maging anumang uri ng tekstong gagawin ng isang manunulat,
kinakailangang mayroon itong katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at mapasang- ayon ang
mga mambabasa

SANGKAP NG TEKSTONG PERSUWEYSIBO

1. Pili, Maayos, at Epektibong gamit ng mga Salita


 Mahalaga ang mga salitang ginagamit upang makapanghikayat. Isinasaalang- alang din ang
target na mambabasa sa paggamit ng mga salita upang masiguro na maunawaan nila ang teksto.
 Kinakailangang makuha, hindi lamang ang interes, kundi pati na ang “puso” ng mga mambabasa.
2. Disposisyon
 Tumutukoy ito sa paninindigan ng mga nanghihikayat, at kung siya ba ay naniniwala sa kanyang
inilalahad o hindi. Mababakas ang paninindigan ng manunulat, batay sa paghabi niya ng mga
salita sa organisadong paglalahad ng mga ideya.
3. Matibay na Patunay
 Makikita ito sa pamamagitan ng mga datos ayon sa napatunayang pag- aaral , sinaliksik, o
istatistika. Marami sa mga tekstong persuweysibo ay nagpapakita rin ng grap o tsart.

3 URI NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

1. ETHOS- naiimpluwesyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga


tagapakinig. Sa ganitong paraan,kailanagng nagtataglay ng sapat na kasanayan sa pamamahayag ang
isang manunulat o tagapagsalita.
2. PATHOS- pag- apila sa damdamin ng tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang paraaupang
makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng
paksang tinatalakay.
3. LOGOS - paraan ng panghihikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng sapat na katibayan kaugnay
ng paksa ay labis na nakaaapekto sa panghihikayat.

HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIBO


1. Talumpati sa pangangampaya at rally 5. Mga advertisement sa radyo at telebisyon
2. Catalog 6. Flyers
3. Brosyur
4. Editoryal sa pahayagan
Gawain Blg. 1 - Suriin Natin!
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng tekstong Persweysiv at suriin ito batay sa mga sumusunod na
katanungan.

Halimbawa ng teksong Persweysiv

Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Rod Cruz, tumatakbong kapitan ng ating
barangay - ang barangay San Nicolas. Simula’t sapol ay hindi po ako umalis sa barangay
na ito. Habang lumalaki ay nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong aking mga
kabaranggay na hindi nabigyang tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang
nanalo ngayong darating na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina para
sa inyong mga mungkahi. Ang patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko
ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko ng
proposal upang mabigyan ng badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag
ninyong kalimutang ilagay ang aking pangalan, Rod Cruz po bilang inyong kapitan. Iboto
po ninyo ako bilang bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na ang
sagot ng inyong mga hinaing. Ako po ang bahala sa inyo. Maraming salamat.

1. Ibigay ang mga mapanghikayat na pahayag na Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag
nabasa mula sa nasaliksik na halimbawa. ninyong kalimutang ilagay ang aking pangalan,
Rod Cruz po bilang inyong kapitan. Iboto po
ninyo ako bilang bagong kapitan ng barangay na
ito.
2. Disposisyon ng manunulat Estudyante

3. Mga patunay/ebidensya na nakatulong sa Simula’t sapol ay hindi po ako umalis sa barangay


panghihikayat na ito. Habang lumalaki ay nasaksihan ko ang
bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay
na hindi nabigyang tugon ng mga nagdaang
liderato.
4. Mga paraan ng panghihikayat na ginamit. Kapag ako ang nanalo ngayong darating na
Magbigay ng patunay. eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking
opisina para sa inyong mga mungkahi. Ang
patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay
bibigyan ko ng kasagutang ayon sa inyong nais.
Ang kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko
ng proposal upang mabigyan ng badyet.

Gawain Blg. 2 (Performance Task #1: Pangkatang Gawain)


Panuto: Gamit ang video presentation, gumawa ng isang patalastas na nanghihikayat sa mga mag-aaral na
mag-enroll sa Arellano University – Jose Abad Santos Campus. Ipakita sa inyong video ang magagandang
katangian ng inyong paaralan at ang iba’t ibang strand na maaaring kunin ng mga mag-aaral. Ang video ay
binubuo ng lima (5) hanggang sampung (10) minuto.

Pamantayan sa paggawa Puntos


Nilalaman (malinaw at angkop ang tema. Panghihikayat sa mag-aaral) 50%
Gramatika (Nagamit ng wasto ang wikang Filipino) 20%
Malikhain (Gumamit ng mga larawan/maasyos ang pag-edit ng video) 10%
Orihinalidad 20%
Kabuuan 100%

Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.
1. Magbigay ng limang pahayag o tagline ng mga sikat na produkto na nakatulong sa pag-engganyo o
panghihikayat ng mga mamimili.

ANSWER: BIOGESIC – Sakit ng ulo at lagnat ang galling ng #AlagangBiogesic


BEAR BRAND – Tibay araw araw
NESCAFE ORIGINAL – May tapang na di susuko
PALMOLIVE – Gandang natural with just a finger comb with regular system use
MILO – Get champion energy everyday

2. Bilang isang kabataan, ano-anong hakbang ang maaari mong gawin para hikayatin ang kapwa mo
kabataan na suportahan at huwag husgahan ang mga taong nakararanas ng anxiety at depression?
Ipaliwanag.

ANSWER: Hindi biro ang mental health para sa ating mga tao dahil unang una hindi ganon kadali ang
magkaroon ng anxiety and depression dapat iparamdam natin akanila na andito tayo at handa natin
silang tulungan sa kahit na ano pang bagay na bigyan natin sila ng positive vibes para makalimot sa
lungkot at maging masaya ulit at lagi natin silang sabihan na mag dasal araw araw

You might also like