Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUOD NG GOYO ANG BATANG HENERAL

Tungkol ang pelikulang ito sa buhay at pakikipagsapalaran ng batang heneral na si Gregorio del
Pilar o Goyo.

Dahil sa pagiging tapat sa unang pangulo ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo, naging
madali ang pag-angat ng ranggo ni Goyo, at dahil na rin sa kaniyang angking husay bilang isang
sundalo ng Pilipinas.

Ngunit dahil sa kaniyang murang edad, kahit isa nang opisyal, ay madalas pa ring maging
mapaglaro si Goyo lalo na sa mga kababaihan.

Nang mabigo ang puwersa ng sandatahan ng Pilipinas sa pakikidigma sa mga Amerikano,


napilitang magtago ang mga nasa pamahalaan kabilang si Pangulong Aguinaldo sa malayong
kabundukan ng Cordillera. Kalaunan ay nahuli rin ang ina at anak ni Aguinaldo.

Upang matulungang makatakas ang pangulong Aguinaldo, inumpisahan ni Goyo at ng tirador na


si Lieutenant Garcia na paulanan ang bala ang mga Amerikano sa Tirad Pass.

Dahil sa kanilang unang tagumpay at napaurong ang mga Amerikano, naging kampante sina
Goyo na napaurong na nga nila ang mga banyaga.

Ngunit ang hindi nila alam, sa tulong ng isang Pinoy, nakapagturo ito ng ibang daan upang
maakyat ang Tirad Pass nang hindi nalalaman nina Goyo.

Nang matagumpay na makarating ang mga Amerikano sa bundok, napatay nila ang puwersa ng
mga Pilipino kabilang si Goyo. Nahuli rin si Aguinaldo at naging hudyat ng pagtatapos ng
digmaan noon.

You might also like