Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

CHARMAINE P. SANTOS GNG. ALMA NATIVIDAD, PH.

D
Pebrero 26, 2022 Pagtuturo ng Wika

PANANAW UKOL SA BANGHAY-ARALIN AT PAKITANG TURO


NI BB. CHERRY NABONG

MASUSING BANGHAY-ARALIN

Una, ang napansin ko sa kaniyang banghay-aralin ay ang pagiging konkreto at malinaw


nito. Tekstong Argumentatibo ang kaniyang paksa at angkop naman ang kaniyang mga
inihandang gawain sa kaniyang paksa at layunin. Nagsimula ang kaniyang banghay-aralin sa
pagbati at pagpaalala ng mga alituntunin sa online classes. Nagkaroon din siya ng pagbabalik-
aral kung saan kaniya munang inaalam sa kaniyang mga mag-aaral kung may iskema ba ang
mga ito tungkol sa tatalakayin. Makikita o mababasa rin sa banghay aralin ang mga halimbawa
at sitwasyon upang mas lalong maunawaan ang aralin. Sa aking pananaw, maisasakatuparan
naman ang hinihiling na matamo ng mga mag-aaral sa inihandang banghay-aralin ng guro
sapagkat mabuti ang mga pagtataya, pagsusulit at pagsasanay na inilapat sa aralin. Ngunit sa
tingin ko, nararapat na isalin sa wikang Filipino (kung may salin naman) ang mga salitang nasa
wikang Ingles.

PAKITANG – TURO

Ang aking reaksyon sa pakitang-turo ni Bb. Cherry Nabong ay una, malinaw ang tinig ng
guro o tagapagsalita. Mas mabuti rin kung may opisyal na mag-uulat ng attendans. Nasunod din
ang mga naisulat sa banghay-aralin. Ngunit mas mabuti kung nabanggit ng guro bago magsimula
ang aralin ang mga kasanayang pampagkatuto upang malaman ng mga mag-aaral ano ang
kanilang goal sa pagtatapos ng aralin. Ang guro ay gumamit ng makulay na powerpoint at mga
larawan na nakapupukaw sa atensyon ng mag-aaral. Nagpalaro ang guro (sang-ayon sa
banghay-aralin) upang maging interaktibo ang klase. Tuwiran rin ang pagsasalita sa wikang
Filipino ng guro nang siyang magandang role model sa mga mag-aaral. Sa tingin ko, mas
makabubuti kung nagkaroon ng kumustahan sa panimula ng klase upang maging kampante at
komportable ang mga mag-aaral sa loob ng klase.

Kapansin-pansin ang pagiging maalam ng guro sa paksang kaniyang tinatalakay.


Nagtatanong rin ang guro kaya naman interaktibo talaga ang klase. Kaniyang tinatanong kung
ano ang ideya nila sa paksa kaya naman naiuugnay ng mga mag-aaral ang kanilang sarili at
karanasan sa paksang talakayin. Ayon nga sa mga pananaliksik, mas tumitimo sa isipan ng mga
mag-aaral ang kahalagahan ng aralin kung maiuugnay nila ang kanilang sarili dito at nailalapat
nila ito sa labas ng paaralan. Ang pagtatanong din ng guro ay nangangahulugan ng kaniyang
pagiging facilitator ng pagkatuto. Gumamit ang guro ng mga larong ginagamitan ng teknolohiya
tulad ng quizzizz. Nagkaroon din ng konklusyon sa pagtatapos ng aralin at nag-iwan ng takdang
aralin upang masubok ang kakayanan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tekstong argumentatibo.

You might also like