Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Julia Magdalene T.

Cruz

Grade 8- St. James

Ang pamahalaan at simbahan ay mahalaga para maging matagumpay at mapayapa ang isang
bansa. Ang pamahalaan ay may mahalagang ginagampanan sa lipunan. Ito ay binubuo ng mga
nailuklok na mga opisyal ng sambayanan at mga grupo ng mga taong tumutulong upang
makabuo ng mga batas.Napakalawak ng responsibilidad na hinahawakan ng pamahalaan.
Kabilang dito ang paunlarin at patatagin ang larangan ng ekonomiya ng bansa. Importante ang
pagkakaroon ng matatag na pananalapi. Ito ay nakakatulong upang maihatid ang mga serbisyo
ng pamahalaan.Panatilihin ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan hindi lamang sa loob ng
bansa bagkus ay sa buong teritoryo na nasasakupan nito. Nakapaloob din dito ang pagkontrol
ng mga krimen sa lipunan.Maghatid ng serbisyong medical at pangkalusugan lalo na sa mga
maralita at sa mga miyembro ng komunidad sa liblib na lugar.Pagbibigay ng patas na hustisya
na walang kinikilingan. Kabilang na rito ang kasiguraduhan na hindi nalalabag ang karapatang
pantao ng sinuman.Pagbigay ng libreng edukasyon lalo na sa elementarya at sekondarya.
Tungkulin din ng pamahalaan na maging bukas sa impormasyon ang publiko sa lahat ng sektor
ng lipunan lalo na kapag mayroong mga anomalya at isyu na kailangan ng malinaw na
kasagutan. At kabilang din sa kanyang gampanin ay magbigay ng trabaho sa mga mamamayan
Sa kabilang banda, ang simbahan ay may mahalagang gampanin din sa lipunan. Ang simbahan
ang lugar kung saan mas nakikita at natutukoy natin ang kahalagahan ng Diyos sa ating
buhay.Ito ang lugar kung saan mapapalakas natin ang ating ispiritwalidad at pananampalataya
sa Panginoon.Dito natin natututunan ang mahahalagang aral at turo ng Panginoon, ang
kahalagahan ng paggalang, pagrespeto at pagmamahal sa ating kapwa.
May mahalagang ginagampanan ang simbahan sa ating buhay. Ito ay ang pagkakaroon natin ng
panananlig sa Diyos at gumagabay upang tayo ay mapabuti at mapaayos ang kalagayan. Ang
mga turo sa atin ng simbahan ay pamumuhay ng simple at maging mapagmahal sa kapwa at
pagsunod sa mga utos ng Diyos.
Ang mga taong naniniwala at nananampalataya sa Kanya, na sa kahit anong pagsubok,
problema at hamon ang dumating sa iyong buhay, palaging may solusyon. Ito ang nagiging
daan upang magkaroon tayo ng malakas na ugnayan at matibay na komunikasyon sa ating
Panginoon. Ang pagkakaroon din ng matibay na pananalig sa ating Diyos ang siyang
magsisilbing instrumento upang tayo ay maging isang mabuting tao. Natututunan ang mga
magagandang gawain para sa ating sarili at maging sa ating kapwa.
Ang simbahan at pamahalaan ay may mahalagang gampanin sa pamumuhay ng mga tao upang
matagumpay at magikaroon g mapayapang pamumuhay. Maaring magkasalungat subalit hindi
maaring mawala ang bawat isa upang maging mapayapa ay maayos ang buhay ng bawat tao at
ng lipunan.

You might also like