Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

CHARMAINE P.

SANTOS: BALBAL NA SALITA SA PRIVATE AT PUBLIC SCHOOLS ENERO 21, 2021

PAGHAHAMBING SA MGA UMIIRAL NA BALBAL NA SALITA NG MGA GEN Zs

SA PAMPUBLIKO AT PAMPRIBADONG SEKONDARYA SA DINALUPIHAN,

BATAAN

CHARMAINE P. SANTOS

Holy Angel University - MAEDTF

RASYONAL

Ang pagiging malikhain ay likas sa mga Pilipino. Makikita ito sa maraming aspeto ng

kaniyang buhay – sining, kaisipan, pagkatao o personalidad at maging sa sariling wika, ang

wikang Filipino.

Ang wika ay sistematikong balangkas ng lipon ng mga tunog na isinasaayos alinsunod sa

mga alituntunin na ginagamit ng mga tao upang magkaunawaan sa pagitan ng isa pa niyang kapwa

(Henry Gleason, 1985). Ang wika rin ang siyang ginagamit upang makapaghatid ng kaisipan,
saloobin, damdamin at mithiin (Edward Spair, 1998). Maituturing din na ang wika ay isang

penomenon o pangyayaring panlipunan. Anumang tunog o kahulugan ng salita ay may batayang

pangkultura at panlipunan at nagkakaroon ng kahulugan kung masusuri ito sa konteksto nito

(Peregrino, 1998). Samakatuwid, kaakibat at hindi na maihihiwalay pa sa kultura ang wika (Ngugi

Wa Thiong, 1987). Ang wika ay mula sa kalipunan ng karanasan ng tao sa paglipas ng henerasyon

at kasaysayan. Sa pamamagitan ng wika, nakikilala ang isang bayan sa aspetong kultural at

natutukoy ang natatangi nitong pagkakakilanlan. Hindi na kailanman maipaghihiwalay ang wika

sa kultura. Pinatunayan ito ni San Buenaventura (sinipi mula kay Villanueva, 2012) sa kaniyang

pahayag:

Ang wika ay isang larawang isinatitik at isina-vokal; isang hulugan, taguan, imbakan o

deposito ng kaalaman ng isang bansa, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak

dito. Sa madaling sabi, ang wika ang kaisipan ng isang bansa, higit kailanma’y ito ay tapat

sa pangangailangan at mithiing sambayanan. Taglay nito ang mga haka-haka’t

kasiguruhan ng isang bansa.

Kasabay ng pagbabago ng panahon bunsod ng modernisasyon at makabagong teknolohiya

ay ang pagbabago rin ng wika. Hindi lamang ito nagbabago sa paglipas ng panahon. Ito rin ay

umuunlad alinsabay sa pag-inog ng mundo at pangangailangan ng lipunan at ng sitwasyong

pangwika. Maraming salita ang nabubuo, naiimbento, nagsusulputan at nauuso higit lalo sa

kasalukuyang panahon, ang panahon ng teknolohiyang dihital. Natural na penomena ang pag-

unlad ng wika at ang pagkakabuo ng panibagong mga salita. Ayon kay Chomsky (1928), ang bawat

isa ay mayroong tinatawag na Language Acquisition Device o LAD na tumutukoy sa abilidad ng

isang individual na makalikha ng wikang tutugon sa kanilang pangangailang pangkomunikasyon


na magsisilbing tulay ng pagkakaunawaan. Karamihan sa mga salitang ito ay ginagamit sa pang-

araw-araw na pakikipagtalastasan. Dahil patuloy itong sinasalita at tinatangkilik, hindi

maitatangging lumawak na ang ating bokabularyo dumagdag sa pagkakakilanlan ng ating bansa.

Ang tawag sa mga salitang ito ay salitang balbal o slang sa Ingles.

Ayon kay Mabanta (2011), ang wikang Filipino ay nahahati sa dalawang antas – pormal at

impormal na wika. Nakapaloob sa pormal na wika ang mga salitang pambansa at pampanitikan o

yaong mga salitang ginagamit sa matataas na dominyo ng lipunan ---- sa edukasyon, korte at

maging sa iba’t ibang larangan. Sa kabilang banda, ang mga impormal na salita naman ay

kinabibilangan ng lalawiganin, kolokyal at balbal. Ang lalawiganin ay ginagamit sa isang

partikular na lugar. Samantala, ang kolokyal naman ay ang pang-araw-araw na salitang ating

ginagamit. At ang huli ay pinakamababang antas ng wika, ang mga salitang balbal.

Nagmula ang mga salitang balbal sa mga grupo ng mga tao na ginagamit ang mga salita

upang magkaroon ng sariling codes. Ginagamit din ang mga salitang ito upang itago ang kahulugan

ng kanilang talakayang hindi angkop sa konserbatibong pamantayan ng lipunan. Ayon sa mga

linggwista, ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo bunga ng

pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita (Aldaca at

Villarin, 2012). Tinatawag din ang mga salitang ito bilang salitang kalye sapagkat kadalasan ang

mga salitang ito ay nabubuo sa impukan at usapan sa mga bangketa, lansangan, kanto, salon, barber

shop o mga karaniwang tambayan ng ordinaryong mamamayan (Estanislao, 2018).


Naging bahagi na ng bokabularyo ang mga salitang balbal (Ocampo, 2013). Ika nga, ang

mga salitang ito, kaya maraming tumatangkilik, ay pampersonal na pakikipagkomunikasyon.

Ayon naman sa pag-aaral nina Kazuhiro et al. (2009) halaw sa Quia et al., (2018), ang balbal na

salita ay halaw mula sa mga nabubuong mga salita mula sa isang partikular na pangkat ng taong

may iisang katangian o interes. Kung dati ay eksklusibo lamang itong ginagamit ng mga miyembro

ng naturang grupo, ngayon ay lumaganap at sinasalita na ito nang nakararami dulot ng malawakang

paggamit ng social media at ang katotohanang kinatuwaan at tinatanggap na ito ng lipunan. Bilang

patunay, binanggit ni Blanch (2010) na ang mga salitang balbal ay nagsisilbing “parangal sa mga

dalubhasang Pilipino na may abilidad gawin na masaya at libangan ang wika.” Bukod pa roon, ang

salitang balbal ay masasabing pangmasa sapagkat nabuo nga ito mula sa iba’t ibang pangkat ng

masa – estudyante, drayber ng jeep, artista, empleyado at gay community. Samakatwid, ito ay

sumasalamin sa pagkamalikhain at pagkamasayahin ng mga Pilipino.

Katulad ng nabanggit, hindi na lamang tanging isang partikular na pangkat kung saan

nagmula ang nabuong balbal ang gumagamit ng mga salitang ito. Malaya na itong nagagamit

ninuman at kahit saan. Ngunit maging ang salitang balbal ay mayroong varayti at varyasyon

depende sa kung sino ang gumagamit nito (Noval, 2020).

Kung noon ay hindi katanggap-tanggap ang mga salitang balbal, ngayon ay tinuturing na

itong kawing ng wika. Naging popular na laman na ito ng mga pananaliksik na may kinalaman sa

linggwistiks. Ngunit hindi rin naman na maitatangging ito’y mayroong negatibong dulot din lalo

na sa mga kabataan. Ayon kay (Mendoza, 2003) ang wika ay lubhang makapangyarihan kaya
naman maraming tao ang naiimpluwensyahan nito. Sa pagtangkilik at paggamit ng mga salitang

balbal, ang wikang Filipino ay unti-unting nakakalimutan at naghahalo-halo na sa mga kabataan.

Nagagamit ang mga salitang balbal sa mga sitwasyong hindi nararapat. Nakakasanayan ang

paggamit nito na nalilimutan na na may angkop na konteksto at sitwasyon kung kailan ito nararapat

gamitin at kung kailan hindi sapagkat nabibilang pa rin ito sa ilalim ng impormal na

komunikasyon.

Sa kasalukuyang panahon, maraming wika ang nagsusulputan gaya ng bekimon, conyo,

jejemon at iba pa. Karamihan sa mga gumagamit nito ay mga kabataan. Ang mananaliksik ay isang

guro sa pansekondaryang Filipino sa Dinalupihan, Bataan. Ninanais ng mananaliksik na matukoy

at masuri ang mga umiiral na balbal na salitang ginagamit ng mga mag-aaral sa kasalukuyan sa

pampribado at pampublikong sekondarya at maihambing ito sa isa’t isa. Nararapat na ito ay

mapag-aaralan sapagkat kung hindi ito mapag-aaralan ay magiging hadlang ito sa mabisang

komunikasyon sa paaralan, tahanan at lipunan. Gayundin ay upang maiwasan ang maling paggamit

nito, maturo sa mga mag-aaral ang kahalagahan at wastong paggamit nito na magbubunsod sa mga

malalim na pagkakaunawaan at malawak na pakikipagtalakayan.

Nilalayon din ng pag-aaral na ito na masuri ang kadahilanan ng pagsibol ng mga

makabagong salitang balbal na gamit ng GEN Zs sa kanilang respektibong paaralan at ano ang

nagganyak sa kanila upang gamitin ito. Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mas mayamang

pag-unawa ng wika ng mga kasalukuyang mag-aaral o GEN Zs sa Dinalupihan, Bataan na

magsisilbing gabay sa tamang pakikitungo sa kanila at pagsabay sa kanilang gamit na wika


bilang patunay sa pagtanggap ng pagkakaiba hindi lamang sa katangian at kakayahan pati na rin

sa wikang kanilang sinasalita.

LAYUNIN

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman at maihambing ang iba’t ibang umiiral na

balbal na salita ng mga GEN Zs sa pribadong at pampublikong sekondarya sa Dinalupihan, Bataan.

Ang pananaliksik na ito ay layuning sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

A. Ano-ano ang mga balbal na salitang sinasalita ng mga GEN Zs sa Dinalupihan, Bataan

batay sa kanilang pinapasukang paaralan:

a.1 pribadong sekondaryang paaralan

a.2. pampublikong sekondaryang paaralan

B. Ano-ano ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng balbal na salita ng mga GEN Zs sa pampubliko

at pampribadong sekondarya sa Dinalupihan, Bataan?


C. Nakaaapektuhan ba ang pagkakaiba-iba ng wikang balbal ng mga GEN Zs sa pribado at

pampublikong sekondarya sa Dinalupihan batay sa:

c.1. kasarian

c.2. estado sa buhay

c.3. social group na kinabibilangan

c.4. lokasyon

D. Ano-ano ang mga dahilan sa likod ng pagkakaiba-iba ng mga balbal na salita na ginagamit ng

mga GEN Zs sa pampublikong hayskul at GEN Zs sa pribadong hayskul?

METODO

A. PAMAMARAAN

Ang linggwistiks ay ang syentipikong pag-aaral ng wika. Sa sangay na ito, pinag-aaralan

ang aktwal na paggamit ng wika sa mga katutubong nagsasalita nito. Pinag-aaralan din nito at

binibigyang paliwanag ang mga pagbabagong nangyayari sa wika sa nagdaang taon. Ang

paglalarawan sa aktwal na gamit at istruktura ng wika ay tinatalakay sa synchroniclinguistics, na

kung minsan ay tinatawag ring descriptive o structural linguistics. Ang pagbabakas naman ng

pagbabago paglipas ng iilang dantaon ay siyang sinusuri sa diachronic o historical linguistics.


Ang pananaliksik na ito ay nakapailalim sa sinkronikong linggwistiks sapagkat layunin ng

pananaliksik na ito na maisalarawan at maihambing ang mga sinasalitang balbal ng mga GEN Zs

sa pampubliko at pampribadoong paaralan.

Ang sinkronikong linggwistiks ay pag-aaral ng wika mula istraktura hanggang kaanyuan

at kayarian nito sa isang tiyak na panahon. Nabibilang rito ang ponolohiya, morolohiya, sintaks at

diskorsal. Sa sinkronikong linggwistiks, pinagaaralan nga nito ang wika ngunit sa isang partikular

na panahon lamang. Sinasalarawan nito ang isang wikang nabuo sa isang era lamang. Kaya nga

ang sinkronikong linggwistiks ay tinatawag ring naglalarawang linggwistiko

Nasa tiyak na panahon lamang ang pagsusuri sa pananaliksik na ito – ang kasalukuyang

panahon. Layunin lamang din ng pananaliksik na ito na malaman ang mga balbal na salita sa

pribado at publikong paaralan at maihambing ito sa isa’t isa gamit ang pagdulog sa pagsusuring

korpus na kinabibilangan ng pagtingin mula ponema hanggang morpema ng isang salitang balbal.

B. LUGAR NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ay isasagawa sa Dinalupihan, Bataan partikular sa mga pribado at

pampublikong paaralan. Ang Dinalupihan ay isa mga munisipalidad ng Bataan na bahagi ng unang

distrito. Matatagpuan ito sa hilaga ng naturang lalawigan, katabi ng Pampanga at Olongapo. Ang
Dinalupihan ay isang agrikultural na pamayanan na binubuo ng 46 na barangay. Ang Dinalupihan

ay may 4 pampribadong sekondarya at 4 pampublikong sekondarya.

PRIVATE HIGH SCHOOL PUBLIC HIGH SCHOOL

St. John’s Academy, Inc. Luacan National High School

College of Subic Montessori, Inc. Pagalanggang National High School

University of Nueva Caseres – Dinalupihan JC Payumo Memorial High School

Mother Margherita De Brincat Catholic


Magsaysay National High School
School

C. KALAHOK NG PAG-AARAL

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga GEN Zs na nag-aaral sa pampubliko at

pribadong sekondarya sa Dinalupihan, Bataan. Ang tagatugon ay binubuo ng mga taong

pinanganak simula 1997-2012 at nag-aaral sa praybet at public hayskul sa Dinalupihan, Bataan.

Ang henerasyon pagkatapos ng mga millennial, na tinatawag na generation Z, ay mga taong

ipinanganak sa buong taon 2000. Sila ay ipinanganak pagkatapos ng 1995 at ang pagbagsak ng

pader ng Berlin, sa paligid ng pag-atake ng mga terorista noong ika-11 ng Setyembre ng 2011 sa

mga twin tower sa NYC, at bago ang Arab spring (Casey, 2021).
Ang mga Gen Zs ay katangi-tangi sapagkat sila ang kauna-unahang tinaguriang digital

natives. Ang mga digital natives ay mga taong nabuhay nang mayroong teknolohiya at

nakasanayan nang gumamit ng teknolohiya. Malaking porsyento ng pang-araw-araw na buhay ng

GEN Zs ang ginugugol nila sa pagharap at paggamit ng teknolohiya. Nang dahil din sa

teknolohiya, isa sa katangian ng GEN Zs ang madaling maimpluwensyahan at agresibo. Ang

kanilang nakikita, napapanood at nababasa sa Internet ay nakakapekto sa kanilang kaisipan at

mental na kalusugan. Sa kabilang dako, ang mga GEN Zs ay naglalaan malaking importansya sa

daybersidad at identidad. Sila’y madaling matuto at makiaangkop batay sa hinihingi ng sitwasyon

(Casey, 2021).

Walang partikular na edad ang mga respondente ngunit ikokonsidera ang kanilang estado

sa buhay, antas, kasarian, grupong kinabibilangan upang matukoy ang mga pagkakaiba-iba ng

kanilang mga sinasalitang balbal sa mga naturang salik at profayl.

D. INSTRUMENTO SA PANGANGALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay gagamit ng cluster sampling sa pagpili ng mga partisipante.

Ang cluster sampling technique ay isang pamamaraan sa pagpili ng respondente kung saan

ipapangkat ang mga respondente batay sa kinabibilangan o nilikhang pangkat. Ipapangkat ang mga

respondente batay sa social group o komunidad na kinabibilangan, kasarian at uri ng sekondaryang

pinapasukan. May tatlong bahagi ang instrumento ng pananaliksik – ang unang bahagi ay isang

maliit na papel kung saan isusulat ng mga res ang kanilang personal na impormasyon, ang
ikalawang bahagi naman ay ang pakikinayam gamit ang limang katanungan tungkol sa mga

makabagong salitang balbal na ginagamit, paano ito nabuo at ang kanilang nararamdaman at

ikatlong bahagi ay pagtatala sa mga karaniwang balbal na salitang kanilang ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon. Ang mga katanungan ay may kaugnayan ukol sa pag-usbong ng mga

panibagong wikang balbal na ginagamit ng GEN Zs sa kasalukuyan.

E. PAMAMARAAN SA PAGSUSURI NG DATOS

Gagamitin ng mananaliksik ang pamamaraang nakabatay sa Collaizi’s (1978) Seven

Steps of Data Analysis. Ang pamamaraang ito ay mayroong pitong hakbang dapat sundin

(hinalaw sa Gaddi, 2016): (1) Ang mabusising pagsusuri sa mga nakolektang datos ay

makatutulong upang magkaroon ng kabuluhan sa mga mananaliksik ang mga natranskrayb

na mga datos. (2) Maingat na pagkuha ng mahahalagang pahayag ang isinasagawa. (3)

Pagsasabuo ng mga pagpapakahulugan mula sa pagsusuri sa mga mahahalagang pahayag.

Nasa ilalim ng hakbang na ito ang muling pagsusuri ng mananaliksik sa instrumenting ginamit at

ang resulta nito. (4) Pang-apat ay paglikha ng mga klaster na makatutulong sa mananaliksik

sa pagbuo ng mga mas organisadong hanay ng datos at resulta. (5) Pagsasagawa ng

paghahambing sa nabuong klaster mula sa ikaapat na hakbang. (6) Pagbabalangkas maikli ngunit

konkretong paliwanag upang mas madali itong maunawaan. (7) At ikahuli ay ang pagtitiyak kung

balido ang mga nakalap na datos.


Ang nakalap na datos ay ibayo pang susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito.

Gagamit ng Descriptive Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos

kung saan gagamit ng mga talahanayan ang mananaliksik. Ito ang napili ng mga mananaliksik

dahil mas madaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang iba’t

ibang uri ng talahanayan tulad ng tsarts at graphs.


SANGGUNIAN

Noval, Arnel T. (2020). Pag-usbong ng balbal na pananalita bilang modernong wika ng

kabataan: Isang pagsusuri. International Journal of Research Studies in Education.

Lester, S. (1999). An introduction to phenomenological research.

https://www.researchgate.net/publication/255647619_An_intoroduction_to_phenomenol

ogical_research

Mutunda, S. (2007). Language behavior in Lusaka: the use of Nyanja slang. The

International Journal of Language Society and Culture.

https://www.researchgate.net/publication/251622306_Language_Behavior_in_Lusaka_T

he_Use_of_Nyanja_Slan

You might also like