Mga Elemento NG Retorika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Gabay Pampagkatuto sa

Masining na Pagpapahayag

MGA ELEMENTO NG RETORIKA


“Kung sinuman ang nangangarap na sumulat sa isang maliwanag na
pamamaraan, kinakailangang liwanagin muna ito sa kanyang isipan.”

- Johann Wolfgang Von Goethe (1749-1832)

Inihanda ni: Rainiel Eufenia


Guro
PAG-ISIPAN
MGA Naaalala mo pa ba ang unang pa

ELEMENTO NG
RETORIKA Ano ang iyong isinulat?

Paano mo ito
Ano-ano ang mga elementong isinasaalang-alang sa pagbuo ng
maretorikang pagpapahayag? Ang mga eksperto ay hindi isinaayos?
nagkakasundo sa bilang ng mga elemento na dapat isaalang-
alang sa maretorikang pagpapahayag. Narito ang mga elemento
Ano-anong mga elemento sa pag
ng isang mabisang pagpapahayag.
alang?
1. Paksa
2. Kaayusan ng mga bahagi
3. Estilo
4. Shared Knowledge o kaalamang taglay pareho ng
manunulat at awdyens
5. Paglilipat ng mensahe

I. Paksa
Ang paksa ang pinakasentral na ideya sa sulatin. Sa
pagbuo ng isang sulatin, kailangang may sapat na kaalaman o
impormasyon sa paksang susulatin, may kasanayan sa pagsulat
at may karanasan. Kinakailangang magsaliksik tungkol sa
paksang iyong susulatin.

Narito ang ilang halimbawa:

o Edukasyon (Suliranin sa Edukasyon)


o Ekonomiya (Pagtaas ng mga Bilihin)
o Kultura (Paglimot sa Kinagisnan)
o Politika (Halalan)

Nasubukan mo na bang gawing paksa ang mga nasa


itaas sa iyong sulatin?

Kung gusto mong maging isang magaling na manunulat,


kailangan mong kabiganin ang silid-aklatan, internet at iba pang
lugar pampropesyon. Ditto ka kasi makakakuha ng mga
impormasyon para sa paksang iyong isusulat.
1
Ilan sa maaaring mapagkunan ng impormasyon ay ang mga sumusunod:

Mapagkukunan ng Impormasyon Makukuhang Impormasyon


1. Mga encyclopedia Pangkalahatan at makasaysayang impormasyon
tungkol sa mga tao, lugar, konsepto at mga
pangyayari na isinulat ng mga eksperto o dalubhasa
na at nagbigay rin ito ng mga maungkahing
babasahin at mga artikulong magbibigay ng
karagdagang impormasyin tungkol sa paksa.
2. Mga diksyonaryo Maaari mong makuha rito ang kahulugan ng salita,
ang kasaysayan ng pagbabago ng kahulugan at ang
etimolohiya o ang pinagmulang linggwistikang
kahulugan ng salita.
3. Mga almanac at taunang aklat Nagtataglay ito ng impormasy, kadalasang pang-
sa estadistika isang taon, na nilipon ng iba’t ibang ahensya at
kadalasan ang mga sangguniang ito ay naghahatid
ng impormasyon tungkol sa isang pangyayari
matapos lamang ang ilang buwan.
4. Internet Dito naman makikita o makakakuha ng
napakaraming impormasyon. Ito rin ang
pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng pagkuha
ng impormasyon tungkol sa paksa. Ngunit mag-ingat
lamang sa mga fake news.
Kung gagamit ng internet sa pangangalap ng
impormasyon, tandaan lamang ang mga
sumusunod:
a. Awtoridad – alamin kung saan eksperto ang
website na iyong pagkukuhanan ng
impormasyon.
b. Mapatotohanan – kinakailangang subukang
patotohanan ang mga impormasyong Nakita
o nabsa sa pamamagitan ng pagtingin o
paggamit ng links sa iba pang site na
nagpapahayag din ng parehong impormasyon.
c. Napapanahon – tingnan din kung kalian
huling isinapanahon (updated) ang
impormasyon.
d. Kaugnayan – tingnan din kung ang website ay
angkop sa pagtalakay sa paksang sinasaliksik.
2
e. Walang kinikilingan – kinakailangan ding
bukas ang iyong mga mata para sa mga
nakatagong intensyon.
f. Kaayusan – tingnan din kung paano isinaayos
ang mga impormasyon sa pagtalakay ng
paksa.
g. Kalinawan – alamin din kung maliwanag ba
ang pagtalakay sa paksa.
h. Makatwiran – tinitingnan naman ditto ang
pagiging makatotohanan ng nilalaman at
paggamit ng matalino at kapani-paniwalang
katwiran o pangangatwiran ng awtor.
5. Pakikipanayam Isa pang paraan ng pangangalap ng impormasyon
ay ang pagsasagawa ng panayam sa isang eksperto
o dalubhasa sa paksang isusulat.

Tandaan lamang ang mga sumusunod kung ang


panayam ay mangyayari sa pamamagitan ng
telepono o e-mail:
o Maliwanag na ipakilala ang sarili at ang iyong
intensyon.
o Maghanda ng direkta at maikling bukas na
katanungan.
o Surin ang kredensyal ng inyong
kakapanayamin.
o Magpasalamat sa kinapanayam para sa oras
na ibinigay sa iyo.

II. Kaayusan ng mga Bahagi


Dito nakasalalay ang lubos na pag-unawa ng mga mambabasa o tagapakinig. Kung ikaw
ay mayroon nang paksa at nakapangalap na ng mga datos para sa iyong paksa, ang susunod
na dapat pagtuunan ng pansin ay ang kaayusan ng mga bahagi. Sa kaayusan ng mga bahagi
kailangang may introduksyon, katawan at konklusyon. Kadalasang ang paggawa ng
balangkas ang ginagamit sa pagsasaayos ng mga bahagi ng isang sulatin. Kinakailangang sa
pagbasa pa lang ng balangkas magkakaroon na ng ideya ang iyong awdyens kung tungkol
saan ba ang iyong isinulat.
3
Pamagat Mga Suliranin sa Panonood ng Pelikula
I. Introduksyon I.Introduksyon
A. Pambungad na Pahayag A. Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga
B. Pagpapahayag ng Tesis kinahihiligang gawin ng mga tao ay ang panonood ng
C Pagpapakilala ng sumusuportang ideya pelikula.
(opsyunal) B. Mahilig akong manood ng pelikula pero mas gusto
ko itong panoorin sa bahay.
II.Katawan II.Katawan
A. Unang pansuportang ideya A. Mga balakid sa panonood ng pelikula sa sinehan
o Paglilipat, Paksang Pangungusap 1. Masamang panahon
o Diskusyon, halimbawa at pagsusuri 2. Mahabang biyahe at problema sa
o Konklusyon (opsyunal) trapiko. 3 Mahabang pila sa pagbili ng tiket
B. Pangalawang Pansuportang ideya
o Paglilipat, Paksang Pangungusap B. Mga problema sa sinehan mismo
o Diskusyon, halimbawa at pagsusuri 1. Ang mga lumang sinehan ay kadalasang
o Konklusyon (opsyunal) may amoy sira-sira na ang upuan at iba pa.
C. Pangatlong Pansuportang ideya 2. Marumi at makalat sa loobng sinehan.
o Paglilipat, Paksang Pangungusap
o Diskusyon, halimbawa at pagsusuri C. Nakakainis ang ilang mga tagapanood
o Konklusyon (opsyunal) 1. Pagtakbo sa loob ng sinehan.
2. Malakas pag-uusap at tawanan ng mga manonood.
III. Konklusyon III.Konklusyon
A. Paglilipat pahayag na A. Sadyang napakaraming problema ang
nagbabalik- tanaw sa tesis naidudulot ng panonood sa sinehan.
B. Pag-uulit ng mga susing pahayag B. Mas gugustuhin kong manood ng pelikula sa
C. Pangwakas na pahayag na bahay dahil mas komportable at ligtas.
humahamon sa kaisipan ng
mambabasa (opsyunal)

III. Estilo
Ang sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagpili, ng estilong gagamitin sa
pagpapahayag: layunin, tono, katibayan, estruktura, awdyens at wikang gagamitin sa pagsulat.

Ang layunin ang iyong dahilan sa pagsulat. Maaari itong maging instrumental o
konsyumatori. Kapag ang layunin ay instrumental, ang manunulat ay naghahangad na
makakita o magkaroon ng pagkilos mula sa kanyang awdyens. Samantala, kapag
konsyumatori naman ang layunin, naghahangad ang manunulat ng pagpapahalaga, pag-iisip,
pagbibigay karangalan o paratang mula sa awdyens hinggil sa paksang nabasa.

Ang tono naman ay tumutukoy sa damdamin ng rhetor sa paksa (hiwalay, madamdanin,


satiriko at iba pa) at ang damdamin para sa kanyang awdyens (personal, impersonal,
makapangyarihan at iba pa).
4
Samantala, tumutukoy sa katibayan ang mga gagamiting pahayag na makapagpapatunay
sa mga opinyon ng manunulat. Ito maaaring mula sa tunay na pangyayari, eksperto, aklat at
iba pang lathalain, panayam at internet.

Ang paraan kung paanong ang mga datos ay isasaayos para makakuha ng atensyon,
malinang ang isang isyu at magbigay-diin ay tumutukoy sa estrukturang gagamitin.

Mahalagang may kabatiran ang manunulat sa kanyang target na awdyens para


maiangkop ang estilong gagamitin niya sa kanyang pagpapahayag.

Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga awdyens, maiaangkop din ng manunulat ang


wikang gagamitin sa paglalahad.

Iba't Ibang Paraan ng Pagpapahayag


a. Paglalahad - naglalayong magpaliwanag ng isang pangyayari opinyon, kabatiran at
mga kaisipan Nagtatangka itong ipaliwanag ang isang espisipikong termino o
abstraktong konsepto. Ang pagsusuri ay nagiging malalim pa kaysa sa simpleng
depinisyon mula sa diksyunaryo, kinakailangan nitong ipaliwanag kung bakit ang mga
ito ang kahulugan ng salita. Maaari rin nitong ipaliwanag ang termino sa direktang
pamamaraan sa pamamagitan ng pagbibigay lamang ng paliwanag ukol sa termino at
walang ibibigay na ibang impormasyon tungkol sa termino. O kaya ay magpahiwatig ng
kahulugan sa pamamagitan ng pagkukwento at hahayaan na lamang ang mga
mambabasa ang huhula sa kahulugan ng salita.
Halimbawa: Paano mo ilalahad ang salitang climate change?

Kahalagahan?

Kahalagahan? Kahalagahan?

Climate Change

Kahalagahan? Kahalagahan?

Kahalagahan?
5
b. Paglalarawan - may tunguhin itong magbigay ng isang biswal na konsepto ng isang
bagay, pook, tao o pangyayari. Nagbibigay ito ng detalye tungkol sa itsura, lasa, amoy,
tunog, pakiramdam ng isang tao sa isang bagay, pook, tao o pangyayari. Maaari rin
itong maglarawan kung ano ang bagay na ito, o paano nangyayari ang isang
karanasan. Ang estilong ito ay kadalasang gumagamit ng mga pandama sa
paglalarawan ng mga detalye. Ito ay maaaring tanawin bilang isang kwento, pinananatili
nito ang interes ng mambabasa sa banghay at tema ng isang inilalarawang pangyayari.

Paano mo ilalarawan
ito? Ano ang itsura nito?

Ano ang tunog na LAPTOP Ano ito?


nalilikha nito?

Ano ang pakiramdam


mo sa paghawak nito?

c. Paghahambing at Pag-iiba - tinatalakay nito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


dalawang bagay, tao, konsepto, lugar at iba pa. Walang kinikilingan ang pagtalakay na
ito. Isa itong pagtatangkang hikayatin ang mambabasa tungkol sa benipisyong
maibibigay ng isang bagay, tao o konsepto. Maaari rin itong isulat upang mang-aliw ng
mga mambabasa, o makabuo ng isang pahayag tungkol sa kalikasan ng tao. Maaari
nitong talakaying pareho ang pagkakatulad at pagkakaiba o magpokus lamang sa
alinman sa dalawa. Kadalasan, ang paghahambing ay tumatalakay sa pagkakatulad ng
bagay, samantala, ang pag-iiba ay tumatalakay naman sa pagkakaiba ng bagay, tao,
lugar at iba pa.
Halimbawa:
Mga Kategorya Maikling Kwento Nobela
Pagkakaiba o Tuloy-tuloy ang o Pakabanata
pangyayari o Maraming tauhan, tagpuan,
o Kakaunti ang tauhan, tunggalian at suliranin
tagpuan at suliranin o Natatapos sa mahabang
o Maikli lamang panahon
o Gumagamit ng makukulay na
pananalita
6
Pagkakatulad o Nagsasalaysay ng o Bahagi at elemento
pangyayari

d. Sanhi at bunga - nagpapaliwanag kung bakit at paano naganap ang isang pangyayari
at ano ang resulta nito. Ang pamamaraang ito ay pag-aaral ng relasyon o ugnayan ng
dalawa o higit pang pangyayari o karanasan. Maaari nitong talakaying pareho ang
sanhi at bunga o kaya naman ay isa lamang. Ang sanhi ay tumatalakay lamang ng
dahilan kung bakit naganap ang pangyayari. Ang bunga ay tumatalakay naman sa kung
anong nangyari pagkatapos maganap ang isang espisipikong pangyayari.
Halimbawa:

baha

Pagkasira ng kalikasan landslide

Global Warming

e. Pagsasalaysay - nagsasabi ng isang kwento. Maaari itong tawaging maikling kwento.


Sa pangkalahatan, ang pagsasalaysay ay may estilong konbersasyonal at
nagkukwento ng mga personal na karanasan Karaniwan itong gumagamit ng unang
panauhang ako. Maaari itong magsalaysay ng isang pangyayaring humuhubog sa
pagkatao o isang pangkaraniwang pangyayari sa buhay. Alalahanin ang pinakapaborito
mong kwentong nabasa at isalaysay ito ayon sa hinihingi ng dayagram sa ibaba.

MGA PANGUNAHING TAUHAN


TAGPUAN
Panahon
Lugar

Pamagat
Awtor

SULIRANIN
SOLUSYON
7
f. Pangangatwiran – isang pagtatangkang mahikayat ang mambabasa sa pamamagitan
ng punto de vista ng manunulat. Ang manunulat ay maaaring maging seryoso o
nakakatawa, subalit madalas niyang sinusubukang mapaniwala ang mambabasa sa
katotohanan ng kanyang sinasabi o opinyon.
Halimbawa: Bakit Filipino ang dapat na maging midyum ng instruksyon?

g. Pagsusuri - ipinahahayag naman nito ang kalakasan at kahinaan ng isang gawa ng


tao. Kadalasang nagsisimula ito sa maikling oberbyu ng pangunahing punto ng
teksto, pelikula o isang akdang sining at sinusundan ng pagsusuri sa kaluluwa ng isang
likha. Kinakailangan ding talakayin kung paano nagawa ng awtor/manlilikha ang
kanyang layunin at maipahayag ang kanyang punto. Ang pagsusuri ay maaaring gawin
sa isang sanaysay, kwento, libro, tula, pelikula at iba pang likhang sining.

Tauhan

Sulyap sa suliranin Tunggalian


Saglit na Kasiglahan Maikling Kwento Tagpuan

Kalakasan
Kasukdulan

IV. Shared Knowledge o Parehong Kaalamang Taglay ng Manunulat at


Awdyens
Ang manunulat at mambabasa ay may shared knowledge. Ilan dito ang kultura,
wika, pangyayari, paniniwala at kaugalian. Malaking maitutulong ng mga ito sa
paglikha o pagsulat ng isang katha Sa pamamagitan nito ay maaaring maiangkop ng
manunulat sa kanyang target na awdyens ang kanyang isinusulat
Nagiging interesado ang target na awdyens kung kasangkot na kanilang
binabasa ang mga bagay, pangyayari at iba pa na may kaugnayan sa kanyang
sarili. Sa ibang salita mahuhuli ng manunulat ang kiliti ng kanyang mambabasa kung
pareho sila ng kaalaman sa mga halimbawa, karanasan, wika at iba pa na gagamitin
ng manunulat at tagapagsalita. Dahil dito, magiging matagumpay ang manunulat sa
kanyang pakikinig – interaksyon sa kanyang mambabasa.
8
V. Paglilipat ng Mensahe
Paano nga ba maililipat ang mensahe ng manunulat sa kanyang mga awdyens?
Dalawa ang maaaring pamamaraan nito: ang pasalita at pasulat na pagpapahayag.
Makatutulong sa inyo ang sumusunod na mungkahi sa paglilipat ng mensahe.
a. Iwasan ang masyadong maraming impormasyon.
b. Sikapin na may kaisahan ang paksa.
c. Lumikha ng mga madaling tandaang parirala.
d. Kinakailangang makatawag-pansin ang introduksyon.
c. Kinakailangang maikli at malaman ang konklusyon.
f. Magsalaysay ng kahit na isang kwento o anekdota.
g. Iwasan ang paglalahat sa halip ay maging tiyak.

Mga Mungkahi sa Epektibong Pagsasalita

1. Pumunta sa lokasyon rg presentasyon at tingnan ang sound system at platporm.

2. Alamin kung kailan magsasalita at kung sino ang magpapakilala sa iyo.

3. Maingat na orasan ang iyong talumpati para sa mga restriksyon ng programa.

4. Gumamit ng malalaking notecard, sumulat din ng malalaki.

5. Huwag kausapin ang visual aids.

6. Huwag magsasaulo.

7. Maging pamilyar sa pambungad at pangwakas na pananalita.

8. Normal lamang ang nerbiyosin.

9. Kilalanin ang inyong mga awdyens (kabuuan, paninindigan at dami).

Mga Mungkahi sa Epektibong Pagsulat

1. Gumamit ng mga positibong pagpapahayag. Sabihin kung ano ang dapat at kung ano ang
hindi dapat.

2. Gumamit ng mga pag-uugnay sa bawat talata.

3. Iba-ibahin ang estruktura ng mga pangungusap. Paghaluin ang payak at hugnayang


pangungusap.

4. Unawain ang salitang iyong isinulat. Sumulat ka para makipag-usap at hindi para
magpahanga ng isang presidente ng kompanya. Kaya, gumamit lamang ng mga
bokabularyong aangkop sa iyong awdyens.
9
5. Tumingin ng mga kasingkahulugan ng mga salita kapag napapansing nagpapaulit-ulit na sa
paggamit ng isang salita.

6. Gumawa ng maikli at malinaw na pahayag.

7. Tiyaking mahalaga ang bawat pahayag. Huwag magpaulit-ulit. Ang bawat pangungusap at
salita ay kinakailangang nagpapahayag ng bagong ideya.

8. Paulit-ulit na basahin ang isinulat.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Visual Aids (Pantulong na Biswal)

1. Kinakailangang ang visual aids ay nasa gilid lamang at wala sa gitna.

2. Limitahan ang visual aids kung gusto mo itong matandaan ng iyong mga awdyens.

3. Ilagay ang visual aids sa lugar na makikita ng lahat ng awdyens.

4. Huwag lagyan nang maraming salita ang visual aids.

5. Gumamit ng tiyak na salita sa pinakasusing paglalarawan sa iyong visual aids.

6. Gamitin ito kapag kailangan at alisin ito sa takdang oras.

7. Maging handa sa pagbibigay ng inyong talumpati kung sakaling hindi gumana o


magkaproblema sa teknolohiya.

8. Iwasang gumamit ng chalk board marker o magpasa ng mga bagay habang nagsasalita.

10
SUBUKIN MO!
Ngayong natapos mon ang basahin ang modyul ay oras na para sukatin natin ang
iyong mga natutuhan. Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga sumusunod. Ilagay mo
ang iyong sagot sa iyong quiz notebook.

I. Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang letrang R kung
tama ang isinasaad ng sumusunod na pahayag at E naman kung mali.

1. Ang pangangatwiran ay may estilong kumbersasyonal at nagkukwento ng mga


personal na karanasan.

2. Layunin ang itinuring na sentral na ideya ng anumang paksa.

3. Sa pangangalap ng mga impormasyon, internet ang pinakamabilis at pinakamadaling


paraan sa pangangalap ng mga impormasyon.

4. Ang paglalahad ay may layuning magbigay ng isang biswal na konsepto ng isang


bagay, pook at pangyayari.

5. Sa layuning konsyumatori, ang manunulat ay naghahangad na makakita o


magkaroon ng pagkilos mula sa kanyang awdyens.

6. Ang paglalahad ay estilo ng pagpapahayag na nagpapaliwanag ng tiyak o


abstraktong termino.

7. Dapat tandaan na sa paggawa ng visual aids, ito ay marapat na nasa gitna lamang.

8. Ang kalinawan ay tumutukoy sa wastong pagsasaayos ng mga talata

9. Tumutukoy ang tono sa emosyon ng rhetor sa paksa.

10. Sa encyclopedia maaaring matagpuan ang kahulugan ng mga salita.

II. 1. Paano maging isang epektibong manunulat at tagapagsalita?

2. Sumulat ng isang komposisyon tungkol sa isang napapanahong isyu sa bansa. (Minimum


of 350 words)

“Ang isip ay parang itak, sa hasa


tumatalas.”
11

You might also like