Confidentiality Agreement

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
TIAONG NATIONAL HIGH SCHOOL

CONFIDENTIALITY AGREEMENT

In consideration for the disclosure of the information generally relating to printing of SLMs/
Modules, I agree to fulfill my responsibilities on this project in accordance with the following:

1. I agree to not permit unauthorized personnel access to the data, either electronically, in
hard copy or orally;

2. I understand that access to this confidential information and data carries with it to guard
agaisnt unauthoried use and to abide by the data security plan;

3. To treat information as confidential means to not divulge it or make it accessible to


anyone who is not a project member; and

4. I will maintain the highest level of confidentiality of this information.

__________________________
Signature over Printed Name
Teacher

__________________________
Date Signed

Pulong Gubat, Guiguinto, Bulacan


(044) 802-8636
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
TIAONG NATIONAL HIGH SCHOOL

KASUNDUAN HINGGIL SA HINDI PAGSISIWALAT AT HINDI PAGPAPAKALAT SA


NILALAMAN NG MODYUL

Bilang pagpapahalaga sa napagkasunduang hindi pagsisiwalat at pagpapakalat sa


nilalaman ng modyul, ako ay sumasang-ayon sa pagtupad sa mga responsabilidad na kaakibat ng
proyektong ito nang naaayon sa mga sumusunod:

1. Sumasang-ayon ako na hindi papahintulutan ang sinumang hindi awtorisadong


indibidwal na magkaroon ng pagkakataon upang makakuha ng impormasyon sa modyul
sa pamamagitan man ito ng internet, pasalita o pagkuha sa mismong sipi nito.
2. Nauunawaan ko na ang aking karapatan ay may kaakibat na responsabilidad na
pangalagaan ang modyul laban sa hindi wastong paggamit at sa pagsisiwalat at
pagpapakalat sa mga nilalaman nito.
3. Ang hindi pagsisiwalat at hindi pagpapakalat sa nilalaman ng modyul ay
nangangahulugang hindi ito ibabahagi sa iba na hindi kasapi sa proyektong ito.
4. Pananatilihin ko ang mataas na antas na pagpapahalaga sa kasunduang ito sa
pamamagitan ng hindi pagsisiwalat at hindi pagpapakalat sa nilalaman ng modyul at
sisiguruhin ang wastong paggamit at pangangalaga sa mga ito.

Kalakip ng kasunduang ito ang mahahalagang tagubilin sa pagsasagawa ng klase sa


paraang Birtwal:

Alinsunod sa Republic Act 10173 (Data Privacy Act of 2012),


1. Mahigpit na isinasaalang-alang ang seguridad at ang pagkapribado ng bawat mag-aaral
kung kaya’t hindi siya dapat piliting buksan ang kamera ng kanyang cellphone,
tablet,laptop o desktop kung walang pahintulot ng kanyang mga magulang o
tagapangalaga.
2. Hindi pinahihintulutan ang mga mag-aaral na magrekord ng lahat ng kaganapan sa
Birtwal na klase , kumuha at mag-post ng larawan sa social media nang walang
kapahintulutan ng guro gayundin naman ang guro kung walang pahintulot ng magulang
o tagapangalaga ng mga mag-aaral.
3. Dapat na panatilihin ang respeto sa pagitan ng guro at mga mag-aaral sa pamamagitan
nang pakikinig nang mabuti, pagtatanong sa maayos na pamamaraan kung may nais
linawin at sabihin, kung hindi man maaaring magbukas ng kamera, gamitin ang audio o
ang chat box upang magkaunawaan.
4. Mahalagang sundin ang mga nabanggit na tagubilin upang maiwasan ang panunukso sa
mga mag-aaral at mga kasama niya sa bahay, hindi masaktan ang damdamin ng mga
mag-aaaral at ng mga guro, mapahalagahan ang kanilang pagkatao kasabay ng
epektibo at masayang pag-aaral tungo sa matagumpay na pagtamo ng karunungan at
kagandahang-asal sa gitna ng hamon ng pandemya.

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________


Baitang at Pangkat: _________________________

______________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

Pulong Gubat, Guiguinto, Bulacan


(044) 802-8636

You might also like