Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

KUWENTO NI GUHIT NI

SHARON MAY G. FLORES RODEL S. BANDAY


Grade II Values Education Core Values Objective:
Show love for family members as shown in the early life
of the Prophet (time when (he) became an orphan)
and relevant Ahadith by being respectful to them.
Libro Para sa Ikarwa nga Halintang

This storybook is a product of the Workshop on Development of Storybooks of the


Department of Education, Schools Division of Antique.

Pursuant to the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall subsist in
this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Department
of Education - Division of Antique shall be necessary for exploitation of such work for
profit. Dep Ed may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
No prior approval or conditions shall be required for the use for any purpose of statues,
rules and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations,
pronounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in
deliberative assemblies and in meetings of public character.

For the purpose of citation, the following is recommended:


Flores, Sharon May G. Hadiya. Dep-Ed-Antique, 2019

DEVELOPMENT TEAM
Writer: Sharon May G. Flores
Illustrator: Rodel S. Banday
Learning Resource Managers:
Schubert Anthony C. Sialongo
Editor: Celestino S. Dalumpines IV

Gaudencio C. Riego PhD Corazon C. Tingson


Chief Education Education Supervisor Officer In-Charge
Curriculum Implementation Division Assistant Schools Division Superintendent

Felisa B. Beriong CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent
Officer In-Charge
Office of the Schools Division Superintendent

ANTIQUE
REGION VI
Malapit na ang pagtatapos
ng Ramadan, ang Eid al Fitr.
Isa sa pinakakaabangan ko ay
ang pagbibigay ng mga regalo.

1
Noong nakaraang taon,
nakatanggap ako ng matamis
na tinapay, maraming kendi,
bagong hijab, damit at eidi
(pera).

2
“Ate Hana, gusto kong bumili
ng regalo para kay Umi. Gusto
ko siyang ibili ng bagong hijab,”
wika ko habang nagkakabit
kami ng mga palamuti.

3
“Sige, ikaw ang bibili ng regalo
para kay Umi, at ako naman ang
bibili ng para kay Abba,”
masayang payahag ni Ate Hana.

4
Pumunta kami sa tindahan upang
pumili ng mga pangregalo.
“Naku! Ate, ang dami-daming
pagpipilian! Nakalilito!” sabi ko
habang nakatingin sa makukulay na
hijab na nakasabit.
5
“Oo nga Hadiya. Para mapadali
tayo, doon ako pipili ng para kay
Abba at ikaw na ang bahala rito ng
para kay Umi.”

6
“Asalamu-alaykum.
Ako’y si Aneesa. Ano ang
maitutulong ko sa iyo?” bati
ng nagbabantay.
“Wa-alaykum-salam
Mam Aneesa. Ako po’y si
Hadiya. Naghahanap po
ako ng hijab para sa Umi
ko.”

7
8
“Espesyal na regalo para sa
Umi. Hali ka, ano ang masasabi
mo sa hijab na ito?” sabay kuha
ng kulay asul na hijab.

9
“Ang ganda! Makintab ang
tela at may nakaburdang buwan
at bituin. Ngunit, meron na pong
ganiyang kulay si Umi.”

10
“Tingnan mo itong kulay
gintong hijab. Gawa pa sa ibang
bansa,” may pagmamalaking
sabi ni Mam Aneesa.

11
“Wow! May palamuting maliliit
na perlas at napakalambot ng
tela. Tiyak napakamahal po nito!”

12
Tumango si Mam Aneesa.
Bigla akong nalungkot. Baka
wala akong mabili para kay
Umi.

13
“Hadiya, bakit gusto mong
bigyan ng regalo ang Umi
mo?” tanong ni Mam Aneesa.

14
“Mam Aneesa, kapag ako
po’y nakatatanggap ng regalo,
pakiramdam ko po na ako’y
mahalaga at minamahal.

15
Sa pagkakataong ito po,
gusto ko ring iparamdam kay
Umi na siya ay mahalaga sa
akin at minamahal ko. Sana po
sa regalo ko ay mapasaya ko si
Umi.”
16
“Napakabuti mong anak Hadiya.
Alam mo bang ang pagreregalo ay
wala sa presyo, laki o kulay? Kundi,
nasa puso yan ng nagbibigay. Kahit
ano pa man ang ibigay mo sa Umi mo,
tiyak siya ay magiging masaya, dahil
isang napakalaking biyaya na ang
magkaroon ng anak na tulad mo.”

17
“Talaga po? Salamat Mam
Aneesa. Pakibalot po ang puting
hijab na may rosas. Paborito po ni
Umi ang rosas.”

18
19
Dumating ang araw ng Eid al
Fitr.
“Umi, meron po akong ibibigay
sa inyo. Sana po magustuhan
niyo,” at iniabot ko ang kahon.

20
“Anak…ang ganda! Salamat!
Alhamdulillah!” at isinukat ni Umi
ang regalo kong hijab.

21
“ Hadiya, alam mo ba kung ano
ang ibig sabihin ng pangalan
mo?” tanong ni Umi.
“Isang regalo. Isang kaloob.
Anak, para sa amin ng Abba mo,
ikaw ay isang napakagandang
biyaya.”
22
Niyakap ako ni Umi nang
mahigpit. Damang-dama ko
ang ligaya sa kaniyang puso.

23
24

You might also like