Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IV.

Redepinisyon ng Dilawan bilang Anti-Diskurso sa Social Media

Narito ang mga halimbawa kung saan ginamit ang salitang Dilawan:

1.) “Kahit na hindi ko binoto si Noynoy, tinawag akong Dilawan dahil ayaw ko sa
EJK.”

o Sa halimbawang ito, ang dilawan ay ginamit upang ilarawan ang isang


mamamayan na bumabatikos sa rehimeng Duterte.
o Higit nating nababatid na ang EJK ay nagsimula sa administrasyon ni Duterte
dulot ng kanyang programa niyang war on drugs na kung saan ang mga tao na
di umano’y gumagamit ng droga ay napapatay nang walang kalaban-laban kahit
na patuloy na iginigiit ng ating kapulisan na sila ay nanlaban. Ngunit kaakibat nito
ay ang sunod-sunod na paglabag sa karapatang pantao na siyang tinututulan ng
maraming Pilipino, estudyante, simbahang katoliko, CHR, at iba pa. Karapatang
tao na higit nating pinahahalagahan.
o Dilawan din ang tawag sa mga miyembro ng LP. Ngunit ngayon, ang terminong
Dilawan ay binabansag na rin sa lahat ng kritiko ng administrasyong Duterte,
miyembro man o hindi, panatiko man o hindi, basta’t pumuna ka sa
administrasyong Duterte, dilawan ka.
o Gayun pa man, kailangang mabatid ng mga Pilipino at lalo na ng mga opisyal na
nakaupo sa gobyerno na ang pagpuna sa isang administrasyon ay normal at
bahagi lamang ng tinatawag na check and balance.

2.) “DDS… Ang mga Dilawan salot sa bayan. DILAWAN… Ang pulahan ang
pinakasalot sa inang bayan. Nagsamasama sa iisang kulay ang lahat ng
gahaman. Duterte, Marcos, Arroyo, Calida, Tulfo, Go.”

o Sa halimbawang ito, ang dilawan ay ginamit upang ilarawan ang mga taong
walang kasanayan o incompetent at salot ng lipunan.
o Ang salot ay iniuugnay sa mga kapalpakan ng pula at dilaw ngunit kung
pagninilayan, pareho naming may kapalpakan ang mga ito. Mula sa hacienda
Luisita massacre, SAF 44, Manila Hostage Crisis, Tanim-bala, at dengvaxia ng
mga dilaw, hanggang sa EJK, kawalang katiyakan ngayong pandemya, mga
opisyal na lumalabag sa kwarantin, at ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Law.
o Sa kabila ng kapalpakan ng parehong kulay ay tila isinisisi na lamang lahat ni
Duterte lahat ng problema sa Dilaw at ngayong eleksyon, tunay ngang
nagsamsa-sama ang lahat ng gahaman sa isang partido—nariyan ang Marcos,
Duterte, Villar, Arroyo, at Estrada.
3.) “Dialwan ang tawag ng DDS sa mga taong kritiko ng kanilang poon na maitim
ang mukha. Ang sinumang pupuna at magrereact kay Tatay Dugong ay
Dilawan.”

o Ang halimbawang ito ay kagaya ng unang halimbawa na aking naibigay.


o Ang dilawan ay ginamit sa halimbawang ito mga taong pumupuna at magrereact
kay Digong o sa administrasyong Duterte.
o Sa paglalaban ng pula at dilaw ay umuusbong ang panlalait kagaya ng “dugong”
n amula sa pangalan ni Duterte na “Digong” o “Otso Diretso Inidoro” mula sa
Otso Diretso na mula sa mga tumatakbong senador ng LP noong 2016.
o Normal lamang naman na pumuna at magreact sa administrasyon ni Digong lalo
na kung ito ay may bahid ng korapsyon, paglabag sa karapatang pantao o
maging sa palpak na paraan upang masugpo ang Covid-19.
o Bilang mga Pilipino at kritiko ng gobyerno, palagi nating isaisip na si Duterte o
ang sino-mang opisyal ng gobyerno ay hindi poon o santo na pagkakapurihan o
sasambahin dahil lamang sila’y nasa pwesto. Kundi, bilang mga taong sa mga
opisyal sa pwesto, may karaptan tayong pumuna at magreact sa ginagawa at
pamamahala ng gobyerno sapagkat karapatan din natin ang magkaroon ng
isang gobyernong may maayos na pamamahala na kung saan ang prayoridad ay
ang Pilipino.
o Dilaw man o pula o kahit anong kulay man iyan, basta’t nagseserbisyo sa
publiko, dapat may pananagutan sa taong bayan at may responsibilidad para sa
pagbabago ng ating bansa.

You might also like