Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG LIKAS NA YAMAN

(Editoryal)

Ang likas na yaman ay isang biyaya at maituturing na pinaka mahalaga na


biyaya na ibinigay sa atin ng ating panginoon. Dito nanggagaling lahat ng ating
ikinabubuhay. Ito ay binubuo ng mga lupain tulad ng kabundukan, kagubatan, at
maging ng magagandang tanawin. Gayundin ang tubig na tulad ng ilog at sapa.
Ang lahat ng mga ito ay pinagkukunan natin ng pangangailangan tulad ng pagkain,
inumin at ang maging kagamitang para sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ngunit parang nakakalimutan ng mga tao kung ano ang kanilang tungkulin,
at masakit isipin na ang ating kalikasan na ating minahal at inalagaan ay unti-unti
nang nasisira dahil sa mga tao na pansarili lamang ang iniisip. Dahil dito ibat-ibang
sakuna ang ating natatamasa tulad ng bagyo, baha, lindol at landslide na sa bawat
taon ay palagi nating nararamdaman. Tapon dito, tapon doon, sa mga nagdaang
taon nagiging tamad at nawawalan ng disiplina ang mga tao. Araw-araw laging
may basura sa daan man o sa mga estero, lahat ng ito ay nag kalat kung saan-saan.
Kahit ang kagubatan ay hindi rin nakaligtas sa mga malulupit na mga tao, putol
dito, putol dyan. Noong taong 2019, ay naguho ang lupa sa Brgy. Mercedes
Catbalogan Samar na kung saan nakaapekto sa daloy ng sasakyan. Ang walang
tigil na pag-ulan ang itinuturing dahilan kaya nabiyak ang bundok. At kamakailan
rin ay nakaranas ng pagbaha ang residente ng Catbalogan tulad ng Canlapwas at
brgy. Munoz kahit sa panandaliang ulan lamang at ang itinuturing sanhi ay dahil sa
drainage at mga bahay na nakatayo malapit sa dapat lalabasan ng tubig.
Ang mga problemang ito ay nakakasama hindi lamang sa atin, bagkus ito rin
ay nakakaapekto sa mga nilalang na may buhay tulad na lamang ng mga hayop.
Nakakalungkot na wala na tayong maipakitang magagandang tanawin at ilog sa
mga susunod pang mga henerasyon. Habang tumatagal nakakalimutan ng mga tao
kung gaano kahalaga ang likas na yaman para sa ating lahat. Ang likas na yaman
ang siyang nagbibigay sa atin ng magandang buhay ngunit pang aabuso lamang
ang ating naisusukli para rito.

You might also like