Banghay Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV

I. Layunin
 Napagkakasunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa larawang
pinapakita
 Napapahalagahan ang tatlong bahagi ng banghay at
 Nagagamit ng wasto ang mga bahagi ng banghay.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Bahagi ng Banghay
b. Sanggunian:
https://gurosafilipino72591wordpress.com/2014/01/15/banghay/
http://www.katig.com/pabula_05html
c. Kagamitan: mga larawan, tsart
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala sa lumiban
B. Balik-Aral
 Ano ang tinalakay natin kahapon?
 Ano nga ba ang liham?
 Ano ang gamit nito?
C. Pagganyak
Pangkatin ang klase sa dalawa. Bawat grupo ay bibigyan ko ng mga
larawan at iayon sa pagkasunod-sunod nito at idikit sa pisara.
Magtanong:
Ano ang napapansin niyo sa larawan?
Sa inyong palagay ano ang ating tatalakayin ngayon?
D. Paglalahad
Ang ating aralin ngayon ay patungkol sa 3 bahagi ng banghay.
E. Pagtatalakay
Ano ang banghay?
Ano ang tatlong Bahagi ng Banghay?
Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Tatlong Bahagi ng Banghay
1. Simula- dito pinapakilala ang mga tauhan.
2. Gitna- pinakakapanabik na pangyayari.
3. Wakas- katapusan o kahinatnan ng mga tauhan. Maaring
masaya o malungkot ang wakas.
Gawin natin:
Basahin ang maikling talata.

Ang Lobo at ang Ubas. Misan ay inaabot ng gutom sa kagubatan ang isang
Lobo. Nakakita siya ng isang puno ng Ubas na hitik ng hinog na bunga. “swerte
ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng Ubas,” ang sabi ng Lobo sa
kanyang sarili. Lumundag ang Lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng
hinog na Ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at
muli at muli pa subalit hindi parin niya maabot ang Ubas. Nang mapagod na ay
sumuko rin sa wakas ang Lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. “hindi na
bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng Ubas na iyon,” ang sabi niya sa
sarili.

Ilagay ang bilang sa loob ng bilog ayon sa pagkasunod-sunod na pangyayari.

Nakakita siya ng puno ng Ubas na hitik ng hinog na bunga.

Lumundag ang Lobo at lumundag ng lumundag ngunit wala siyang


nakuha.

Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang Lobo.

Sinadi na lamang ng Lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng


Ubas.

Nasabi ng Lobo sa sarili na maswerte siya sa nakitang puno ng Ubas.

Gawin ninyo:
Pangkatin ang klase sa dalawa. Bawat grupo ay may sasagutan gamit
ang ibat-ibang organizer basi sa napanood na maikling kwento.
Pangkat 1 Inverted Pyramid

Paksa

Simula

Gitna

Wakas

Paksa

Pangkat 2 PIN Organizer

Simula Wakas
Gitna

Gawin mo:
Balikan ang napanood na kwento at tukuyin ang simula, gitna at wakas
gamit ang Caravan Organizer. Isulat sa 1/2 na papel.

Paksa

Gitna Wakas
Simula
F. Paglalahat
 Ano-ano ang mga tatlong bahagi ng banghay?
 Gaano ba ito ka importante?
 Ano ang gamit ng banghay?
G. Paglalapat
Pangkatin ang klase sa dalawang grupo. Gagawa ng maikling
kwento na mayroong tatlong bahagi ng banghay. Sa loob ng 5 minuto.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata.

Malapit naman ang araw ng pagsilang ni Hesus o kapaskuhan. Tatangap


ng bunos ang halos lahat ng mga manggagawa. Maraming magsa-
shopping sa mall. Ibat-ibang sagisag ng pasko ang makikita sa paligid.
Masayang-masaya ang mga bata sa aginaldong kanilang matatangap.
Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan sa muli nilang pagtitipon.

Ilagay ang bilang sa loob ng kahon ayon sa pagkasunod-sunod na


pangyayari.

Tatangap ng bunos ang halos lahat ng mga mangagawa

Malapit na nama ang araw ng kapaskuhan.

Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan sa muli nilang pagtitipun-tipon

Ibat-ibang sagisag sa pasko ang makikita sa paligid

Masayang-masaya ang mga bata sa aginaldo.

V. TAKDANG ARALIN
Ano ang tambalang-salita. At magbigay ng mga halimbawa nito.

Inihanda ni:
Vilches, Zindy Rose M.

You might also like