Kaligirang Kasaysayan NG Florante at Laura

You might also like

You are on page 1of 2

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Ayon sa kay Epifanio De Los Santos (isang historian), Nalimbag ang unang
edisyon ng “FLORANTE AT LAURA” noong 1838. Limampung taong gulang na si
Francisco Baltazar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “KUNG
SINO ANG KUMATHA NG ‘FLORANTE’” ni dalubhasang sa tagalog na si
Hermenegildo Cruz. Sa tulong ni Victor Baltazar, anak ni Francisco Baltazar noong
1945, nang magwakas ang ikalawang digmaang pandaigdig, nagpalabas ng maraming
edisyon ng aklat. Papel de arroz, ayon kay Epifanio De Los Santos na yari sa palay na
ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa.
Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga
kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na koleksiyong Ayer.
Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Queonaria.
Kasawian ni Francisco Baltazar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni
Mariano Capule (kaagaw kay Selya) at kawalan ng katarungan. Si Maria Asuncion
Rivera o M.A.R ay nagpakasal kay Capule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig.
Isinulat ni Baltazar ang Florante habang nasa piitan.

Ang Talambuhay ni Francisco Baltazar

Francisco Baltazar (Abril 2, 1788 — Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang
Francisco Balagtas, ipinanganak sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Tinatawag rin siyang
Kikong at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana Dela Cruz at Juan Baltazar
at ang mga kapatid niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok siya una sa
Paaralang Parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon. Sunod,
naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa
Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San
Juan de Letran at naging guro niya si Mariano Pilapil.

Buhay bilang Manunulat


Natuto siyang sumulat at bumigkas ng tula kay Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw)
na kinikilalang pinakabantog na makata sa Tondo. Taong 1835 nang manirahan si
Kikong sa Pandakan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang
marilag na dalaga na nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at
tinaguriang M.A.R. ni Balagtas. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa
pagligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Noong
1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon,
nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana Tiambeng. Nabilanggong muli si Kikong sa
sumbong ng isang katulong na babae na di umano'y pagputol ng buhok niya.
Nakalaya siya noong 1860. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa at ng apat
niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.
Ang kanyang mga Akda
1. Ang Orosman at Zafira
2. Mahomet at Constanza
3. Almanzor y Rosalina
4. Clara Belmori
5. Abdol y Miserena
6. Auredato y Astrone
7. Bayaseto at Dorsalica
8. Rodolfo at Rosamunda
9. Florante at Laura
10. Nudo Gordiano
11. La India Elegante y El Negrito Amante

Mga tauhan ng Florante at Laura

 Florante- tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo


 Laura- anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante
 Aladdin/ Aladin- anak ni Sultan Ali-adab ng Persya, isang moro na nagligtas at
tumulong kay Florante
 Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-adab
 Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura
 Sultan Ali-adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin
 Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona
 Duke Briseo - ama ni Florante; kapatid ni Haring Linseo
 Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay
Florante
 Konde Sileno- ama ni Adolfo
 Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa
lamang mula sa isang buwitre
 Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor
 Antenor - guro ni Florante sa Atenas
 Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
 Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Krotona
 Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya
 Heneral Abu Bakr - heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.

You might also like