Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 339

...And They Kill Each Other.

by BlackLily

=================

...And They Kill Each Other.

OO na! AKo na! Ako na ang mahilig sa on going stories. Lol.

...And ThEy Kill Each Other

Prologue

Wow! Ang brutal naman ng title ng story ko. PInag-isipan pa yan ng author ha.
PInagisipan niya ng mga 3 minutes siguro. Tapos yun sabi niya ang hirap daw mag
isip ng title kaya yan na lang. Mahal niya kasi ang mga character niya kaya pinag
iisipan niya talaga ng magagandang title at magagandang pangalan ang mga characters
niya. (insert sarcasm here!) Pero mas mabuti na yan kesa sa pangalan ng lalaki ang
maging title like Tamako Siya o kaya The Bar. The heck di ba? Ipangalan sa Bar ang
story kasi walang maisip or kaya Joke time na pangalan. Hmp!

Anyway hindi pa yan ang prologue. Sentiments ko lang yan. Wag atat okay. Nag iisip
pa ako ng magandang first line.

Gusto kong maging mayaman!

Sawa na ako sa pagiging mahirap!

All my thoughts words and actions should be geared towards my ultimate goal!(Naks!
Sabay pahid ng dugo sa ilong).
Ang pagiging mayaman.

Ang tawaging Donya, Senyorita, at Madam.

Bow!

Yan ang prologue. Anyway, chika ulit.

Hahahaha. Akala niyo lovestory to noh? Well, I am so sorry pero hindi ito love
story. Kita niyo naman siguro na nasa non-teen fiction at humor ang category nito.
LOL.

At hindi rin ako katulad ng mga bidang babae na walang pakialam sa katayuan ng mga
boyfriend nila kesyo mahal daw. Mahal, mahal ka dyan. OO mahal! Mahal na ngayon ang
okra!

Wag din kayong maniwala nung sinabi ni Martin Luther King na ".....and they will
not be judged by the color of their skin but by the content of their character."

Ang plastic lang di ba? Kung ikaw babae mas gusto mo bang magkajowa ng taong grasa
pero mabait?

Kung hahainan ka ng dalawang lalaki, Si Piolo Pascual at si Betong sino pipiliin


mo?

Ako si Betong. Siya lang naman kasi ang lalaki sa kanila.Ayyy!! hehehe, hindi
related sa pagiging mayaman ko yan. Heheh. Sorry Papa P.

Ay teka, nakalimutan ko. Magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Ana. Ana Cruz. tsk
tsk. Pinag-isipan din ng author ang name ko. Napakaunique di ba?

Ay oo nga pala binigay ko ang pangalan ko kasi In case na may raffle kayong
sasalihan baka gusto niyong isulat ang pangalan ko. Hehehe.

_________

Authors Note: Maiksi lang ito. Mga 50 chapters lang siguro. Joke! Basta maiksi
lang. Ayaw kong masyadong pag isipan ang kwento ni Ana. Kakaasar kasi siya eh.
Nilait lait ako sa taas.

=================

Unang Silip
UNANG SILIP

Kiniskis ko ng mabuti ng kilikili ko. Ayaw kong mabahiran ng kunting libag ang
katawan ko baka kasi may makita akong mayaman at pogi mas mapansin pa ang libag ko
kaysa sa alindog ko.

Pagkatapos kong maghilod, sumisid ako sa batis. Tama kayo ng basa, sa batis ako
naliligo. Bakit ba eh sa probinsiya ang setting ng kwento ko. Wag na kayong
magreklamo. May sama lang talaga ng loob ang author sa akin kaya lahat ng kahirapan
at kamalasan ipapamalas niya sa akin sa kwento kong to.

Anyway, habang iniisip ko ang mga bagay na yan ay sumisisid ako. Tagal kong umahon
noh? Siyempre sa probinsiya kasi namin loser ka pag aanga anga ka sa paglangoy. 
May laro pa nga kami nung mga bata kami na patagalan sa pagsisid sa ilog.
At dahil sa dalaga na ako at malaswa nang tingnan na nakikipagsisiran pa ako sa iba
kaya kinalaban ko na lang ang mga tilapya dito sa batis. Pero putakte lang! Kahit
kelan di ako nanalo nalo.

Pagkatapos kong sumisid ay nagfloat naman ako at pinakinggan ang lagaslas ng tubig,
ang mga huni ng ibon at ang kaluskos sa may damuhan sa gilid ng batis.

Napatayo ako bigla nung marealize ko na may kaluskos nga sa may bandang damuhan.
Kahit kubli ang parte na ito ng batis at kahit na ako lang ang nakakaalam hindi pa
rin malayo na may maligaw dito at pagsamantalahan ako. Oh my God!

Dahan dahan akong naglakad papunta dun sa  may kaluskos at naningkit ang mata ko
nung may nakita akong nakakubli na tao na naka kulay puting dami. Ang lapastangan!
Basta! Walang modo!

Kumuha ako ng limang bato at binato ko kung sino man ang nakakubli sa mga damo.
"Ouch!"

"Aray!"

"Hoy tama na! Ang sakit ha! Hindi na nakakatuwa ang pagbato mo sa akin!" Tumayo
siya mula sa damuhan at tinatakpan ng mga kamay niya ang mukha niya. Lapastangan
talaga!

"AT SA TINGIN MO NAKAKATUWA YANG PAMBOBOSO MO SA AKIN? HA?!" Sininghalan ko na.


Mukha kasing di man lang natitinag na nahuli siyang nambubuso.

"Wag mo nga akong sigawan. Hindi ko naman sinasadya na busuhan ka eh." Inalis na
niya ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya. Napanganga ako sa nakita ko. Kay
poging nilalang! Aba kung ito palagi ang mamboboso sa akin eh di okay. Anong okay?
Ano ba! nakakita lang ako ng pogi naging okay na sa akin ang masilipan. Kahit na
nakashirt at short naman ako. Pero kahit na ang point na sinilipan niya ako ay
kabastusan na at pag aalipusta sa aking pagkababae. Hindi ako dapat nagpapadala sa
kagwapuhan ng lalaking ito.

"HINDI MO SINASADYA? ANO YUN? NADULAS KA LANG AT PAGDILAT MO NASILIPAN MO NA AKO?"


Sinuklay niya ng kamay niya ang buhok niya na parang naiirita.

"Tsss. Ang ingay naman! Wala bang preno? unlimited ba ha?"

"AKO PA NGAYON ANG MAINGAY? AKO NA NGA ANG NASILIPAN, AKO PA ANG MAINGAY! ABA!"

"Eh maingay ka naman talaga eh. Alangan naman na ako ang maingay eh ikaw ang talak
ng talak. And besides, anong sinilipan? Wala naman nakikita sayo? At kung may
makita man ako, hindi naman kaaya aya sa mata."
"ANO!!!!?? NAPAKABASTOS MO TALAGA! WALA KANG GALANG!" Nakakainis. Nakakakulo ng
dugo ang lalaking ito. Akala mo kung sino. Kung hindi alng siya pogi nilunod ko na
siya sa ilog.

"Kung makapagsalita ka kasi feeling mo naman inalisan ka ng puri. Malay ko ba naman


na may naliligo sa batis na yan? Kung alam ko lang eh di sana hindi na lang ako
pumunta dito para mangisda. Eh di sana hindi nababasag ang eardrums ko ngayon at
hindi ako nakakita ng di kaaya ayang tanawin."  Sumusobra na siya. Kanina pa niya
ako iniinsulto. Nag iinit na ang bumbunan ko. Pigilan niyo ako! Pigilan niyo ako na
hindi ko mapatay ang antipatikong nilalang na ito. 

At dahil wala namang pumigil sa akin, di ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko


siya. Sapol siya sa mukha at natumba siya sa damuhan.

"Pakshet!" Sabi pa niya habang hinahawakan ang labi niyang sinuntok ko na ngayon ay
dumudugo. Buti nga sa kanya. Hindi kesyo lalaki siya ay hindi ko na siya papatulan.
"BASTOS KA! WALANG MODO! KUNG HINDI LANG AKO NANGHIHINAYANG NA MABULOK ANG
KAGANDAHAN KO SA KULUNGAN, PINATAY NA KITA." tinalikuran ko na siya bago pa lalong
mandilim ang paningin ko at tuluyan ko ang lalaking yun.

"MAKUKULONG KA PA DIN, AAKUSAHAN KITA! TRESPASSING AT ASSUALT RESULTING TO SERIOUS


PHYSICAL INJURY!" Sigaw niya habang naglalakad ako.

Hindi ko na lang siya pinansin kasi alam ko naman na nagbabluff lang siya. Tsaka
walang magkukulong sa akin.
Ako ata ang Reyna Elena last year.

=================

Pangalawang Silip

Pangalawa.

Tok tok tok. Tao po.

Napatingin ako sa pinto namin nung may kumatok. Kaasar naman, naputol tuloy ang
pantasya ko kay papa Reid Alleje.

Binaba ko ang hawak ko na pocketbook at tiningnan ang pinto. Hindi pa din tumitigil
ang pagkatok. Napasimangot na ako. Kung kelan naman malapit na magkabati sinaTamara
at Papa Reid tsaka naman may mang iistorbo. Sana kung mang istorbo sila dun na
mismo sa kwento para di na magkabati sila Tamara at Reid tapos papasok ako sa
kwento at ako ang papalit kay Tamara. ANg saya nun, may pogi na akong Papa super
yaman ko pa! Bongga!
Tok tok tok

"Ana! Kanina pa may kumakatok sa pinto! Ano ba ang ginagawa mo at hindi mo


binubuksan?" Sigaw si Mama mula sa kusina. Kaasar naman talaga. Bakit ba kasi ako
lang ang anak nila? Kung may kapatid sana ako eh di may tagabukas sana ng pinto.

"Bakit po ako ang magbubukas?" Balik sigaw ko din kay Mama.

Tok tok tok


"Eh alangan naman na yung kumakatok ang magbubukas ng pinto, para makapasok sila sa
bahay natin." Wow Pag namilosopo si Mama, wagas. 

"Pwede naman kasing si Papa ang magbukas ng pinto Mama. Bakit ako lagi ang
magbubukas ng pinto?" May dabog pang kasama yan. Napatingin sa akin si Papa at
pinandilatan ako ng mata. Si Mama naman ay sumilip sa kusina para tingnan ako.

Tok tok tok

"So gusto mo pang pagdebatihan natin kung bakit ikaw ang magbubukas ng pinto?"
Nakataas na ang kilay ni Mama habang hawak ang sandok. Nag pout ako tapos tumingin
kay Papa.

tok tok tok


"Papa, ikaw na ang magbukas ng pinto." Binaba ni Papa ang dyaryo na binabasa niya
tapos tumingin sa akin.

"Magtigil ka Ana!" Tsss...  Kaasar. Ang hirap talaga pag nag iisang anak ka lang. 
Tapos ang tatay at nanay mo titser kasi wala kang laban sa sagutan.

tok tok tok

Tumayo na ako na nagdadabog at may kasama pang pout ng labi.


"Bakit kasi di na kayo nag anak pa eh. Eh di sana may tagabukas ng pinto!" Bubulong
bulong kong sabi na narinig pala ni mama.

"Anong gusto mo? Mag aanak kami para lang may tagabukas ng pinto?"

Tok tok tok. Kaasar ang kulit ng kumakatok.

"Pwede naman yun eh! Di ba Papa?" Pero hindi ako pinansin ni Papa. Bumalik na siya
ulit sa dyaryo niya.

"Magtigil ka Ana!" Yan! Yan palagi ang sinasagot nila sa akin pag wala na silang
masabi. Magtigil na. Di ba pwedeng i-consider muna nila ang suggestion ko bago
tumigil?
Tok tok tok

Tiningnan na ako ng masama ni Papa at Mama. Pag ganyan na sila, wala na akong
magawa kundi ang sundin sila. Sila na! Sila na ang batas sa bahay na to!

Pag yumaman ako, kukuha ako ng katulong tagabukas ng pinto. Naglakad na ako na
nagdadabog papuntang pinto. Pero narinig ko na na nagsabi si Mama.

"Sayo talaga nagmana yang anak mo." Mama.


"Hindi kaya. Sayo nagmana yan." Papa. Tsss.

Pagharap ko sa pinto pabalya kong binuksan to.

"BAKEEEEETT?"  Singhal ko sa kung sino man ang kumakatok. Istorbo ka!

"Dito po ba nakatira si Ana? Ang Reyna ELena last year?"  Sabi nung isa sa mga
pulis na nasa harap ng pinto namin. 

Ngumiti ako ng matamis sa dalawang pulis. Siguro inutusan to ni Mayor para


anyayahin ako na maging Reyna Elena ulit.
"Ako po yun, bakit po?" I said with my sweetest smile.

"You are under arrrest, You have the right to remain silent. Anything you say or do
can and will be held against you in a court of law. You have the right to speak to
an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be appointed for you. Do
you understand these rights as they have been read to you?" Sabi nung isang police
without blinking.

Hindi ako makapagsalita. Hindi dahil sa I have the right to remain silent kundi
dahil sa flawless na pagsasalita ng english ng pulis.

Pero nung mahimasmasan ako....


"WHAT!!? Bakit ano ang kasalanan ko?" Hala wala naman akong pinatay bakit ako
inaaresto?

"May nagfile ng trespassing at assault resulting to serious physical injury sa inyo


Ma'am." Nung sinabi yun ng pulis bigla nagflashback sa akin ang nangyari kahapon sa
batis at nagflashback din ang poging mukha ng lapastangan na lalaking yun. Sa isip
ko unti unting tumutubo ang sungay niya.

"Ana! Anong nangyari? bakit ka sumigaw at bakit may mga pulis?" Biglang namang
lumabas si mama.

"Aarestuhin daw ako Ma."  Nanlaki ang mga mata ni Mama. Feeling ko nga namumutla pa
siya.

"Bakit? SIno ang napatay mo? Bakit mo naman pinatay anak?" Si Mama exag!
"Hindi ako nakapatay Mama. Kung alam ko lang di sana tinuluyan ko na lang ang
bwisit na yun! Sasama muna ako sa kanila." Hindi na ako nagbihis. Buti naman at di
na ako pinusasan ng englisherong pulis. Sumakay na lang sa sa police mobile at
pumunta na kami ng presinto. Hindi ko na din pinasama sina Mama at Papa kasi baka
pag sinama ko sila hindi ko magawa ang gusto kong gawin.

Baka pigilan nila akong patayin ang walanghiyang, manyak, hudas, barabas,
antipatiko, walanghiyang mamboboso na yun!

Pagdating namin sa presinto nakita ang walanghiya kausap ang isang lalaki.
nakangisi pa siya.

"HOY! WALANGHIYA KA! IKAW NA NGA ANG NAMBOSO IKAW PA ANG MAY GANANG MAGSAMPA NG
KASO!" Sinugod ko siya pero pinigilan ako ng mga pulis. Leche!
"Miss pag usapan niyo na lang yan ng maayos." Sabi nung pulis at iniwan na kami.

"ANONG PAG UUSAPAN NG MAAYOS? AKO NA NGA NAAGRABYADO AKO PA ANG IKUKULONG!
WALANGHIYA KA TALAGA!" Nanggagalaiti na ako. Ito din ang rason kung bakit ayaw ko
isama sila Mama at Papa. Hindi ko kasi magagawa ito kung andito sila.

"Attorney, idagdag mo na ang oral defamation." Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya.
Langya talaga! Bwisit!

"ANg mabuti pa Paeng, mag usap muna kayo ng maayos. Sayang naman kung makukulong
ang magandang dilag na to." Mabuti pa ang abogado na to. Marunong mag appreciate ng
kagandahn. Hindi katulad nitong damuhong ito. And excuse me lang ha! Paeng ang
pangalan niya. Ewwwwwww!
"Sa akin lang naman Attorney, eh bayaran niya ang mga nagawa niya. Ang pagpapagamot
sa mukha kong sinuntok niya, MOral damages, ang mga masasakit na salita na
binitiwan niya. ANg pagpapahiya sa karesperespetong katauhan ko. Aba kung may ibang
nakarinig ng mga mura niya sa akin baka mawalan sila ng respeto sa akin." Napasmirk
ako.

"BAKIT CONGRESSMAN KA BA AT HINDI PWEDENG MASIRA ANG IMAHE MO?!!!"

"wang.... wang.... wang... wang....Narinig mo yang ambulance Attorney? Ang lakas


ano? Nakakabingi!" Sabay takip ng tenga niya. Letse nang insulto pa. Yung abogado
naman niya, ngingiti ngiti din. pagbuhulin ko kayong dalawa eh.

"Miss, yan alam mo na ang demand ng kliyente ko. And besides malakas ang ebidensiya
namin. May mga pictures na nagpapatunay na ikaw nga ang sumuntok sa kanya at
nagtrespass ka sa isang property." Tapos pinakita niya sa akin ang Medical
Certificate, ang mga pictures ko nung naliligo ako sa ilog at ang picture nung
paalis na ako. Paano sila nagkaroon ng ganyan?
"YAN! YANG MAG EBIDENSIYANG YAN ANG MAGPAPATUNAY NA BONOSOHAN AKO NG LALAKING YAN.
MAY PLANO PA SIYANG PAGKAKITAAN ANG MGA LARAWAN KO. IBEBENTA NIYA YAN SA INTERNET!
SA ISANG SEXY MAGAZINE! SA....."

"Yuck!" Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumayo ako poara batukan siya
pero nakalayo na siya bago pa dumapo ang kamay ko sa ulo niya. Kaasar.

"Hindi ko babayaran ang letseng yan!" Humina na kunti ang boses ko. Baka masabihan
na naman akong ambulace. Bwisit talaga.

"Miss, ang penalty ng trespassing 4 months ang pagkakakulong, ang physical injury
ay 30 days, ang oral defamation ay 4 months din. Isama mo na ang pagkakakulong mo
habang nililitis ang kaso na mahigit kumulang isang taon kung siswertehin ka!"
Nanlaki ang ulo ko sa sinabi ng abogado ni Antipatiko. Kung siswertehin ako? Hindi
ko ata kakayaning matulog sa kulungan kahit 5 minutes lang. Paano na kung taon
taon? Baka manuyo ang rosy skin ko, ang long shining black hair ko, ang pinkish
lips ko and worst baka kainin ng daga ang papaya soap ko sa bahay! Ohhh no!!!
Tumingin ako sa abogado na nakangiti at tumingin ako kay antipatiko na nakangisi.

"Pero Attorney, dahil sa babae siya at mahal ko ang mga babae, pwede ko naman
siyang bigyan ng considerasyon." Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Hindi ko na itutuloy ang mga kasong yan kung...... pagsisilbihan niya ako ng anim
na buwan." Sabi pa niyang puno ng kumpyansa.

"Asa ka naman!"
"Eh di sige! Madali naman akong kausap. Attorney i file mo na nga yang kaso! AYaw
naman magpaareglo eh!" Tapos tumalikod na siya. Bastos talaga.

Hinarap ako ng abogado tapos kinausap. Sinabi pa niya sa akin ang estado ng mga
kulungan sa Pilipinas. At nung tingnan ko nga feeling ko masusuka na ako. Tapos may
nakatingin pang nakakulong na lalaki na mukhang rapist. Nanayo ang balahibo ko.

"Miss mag isip ka ng mabuti." Sabi pa ni Attorney.

Napabuntunghininga ako. Simula nung dumating ang lalaking yun katakot takot na
kabwisitan na ang dumating sa buhay ko. Bwisit ata talaga ang dala ng lalaking yun.
Pero ano ba! Ayaw kong makulong at ayaw ko ring pagsilbihan ang mokong na yan.
Pero kung paiiralin ko ang pride ko malamang mabubulok ako sa nakakdiring kulungan
na yan!

"Attorney, sige papayag na ako na pagsilbihan ang ... ang....taong yan! Siguraduhin
lang niyang walang monkey business."

"As if naman may pagnanasa ako sayo." Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
Akala ko ba umalis na yan.

"Sige Miss, gagawan ko kayo ng kontrata at ng job description mo para maliwanag ang
lahat. Ipapadala ko sayo bukas. O ano Paeng hindi na naitn itutuloy ito?"
Binalingan ng abogado si Paeng.

"Hindi na. Tsk tsk! Tagal tagal pa pumayag. Nasayang tuloy oras ko. Magtatanim pa
naman ako ng palay ngayon." Hmp! 
"SIge Miss okay na. Pwede ka nang makaalis. Boss okay na, napagusapan na ang
lahat!" Sabi naman niya sa mga pulis na tumango lang.

Lalayasan ko na sana sila nung may bigla akong naisip. Just this once. Makaganti
man lang.

Lumapit ako kay Paeng na nakangisi. Malapit kasi siya sa pintuan. ANg laki talaga
ng ngisi niya. Nung nasa harap na niya ako.

Sinapa ko siya where it hurt the most.

"Ouch! Awwwwwwwwwwwwwwwwwwww! Pakshit!!!!!!!!!" Sabay hawak ng bagay na sinipa ko.


"Potang Ina. Gawin mong walong buwan ang pagsisilbi mo sa akin! Langya! Ang
sakit!"Namimilipit pa siya sa sakit. Nilakasan ko kasi talaga ang pagsipa.. KUmbaga
buhos buhay, buhos lakas.

Hindi ko siya sinagot. Naglakad ako palabas. Pero bago ako umalis, lumingon ako at
sinabihan siyang.

"Pakyu!"

=================

Pangatlong Silip

Pangatlong Silip
Nakauwi na ako ng maayos sa bahay. Nakakain na din ako at nakatulog pero hindi ko
pa din alam kung paano lulusutan si Paeng.

Siempre hindi bukal sa loob ko ang deal na yun. Ayokong magsilbi sa unggoy na yun.
Asa naman siya noh! Sa bahay nga halos di ako nagtatrabaho tapos gagawin niya akong
utusan? Asaness naman siya to the highest level.

"Ana kumain na tayo." Tumayo na ako at bumaba ng hagdan. Pag si Mama kasi nagyayang
kumain dapat bumaba ka agad para hindi ka maubusan. ANg niluluto kasi ni Mama
kakaunti lang. Yung sapat lang para sa akin. Kaya kung hindi ka pa agad bababa baka
pati ang pagkain ko ubusin ni Papa. Alam niyo naman kung paano kumain ang lalaki.

Nasa kasarapan na ako sa pagkain ng aking pagkain nung may kumatok. Natigil ang
pagsubo at nag angat ako ng tingin. Tapos tumingin ako kina Mama at Papa na
nakatingin din sa akin ng masama. Pag ganyan na ang tingin nila, may magagawa pa ba
ako?
Kaya tumayo na lang ako at binuksan ang pinto na pinagsisihan ko rin sa huli. Sana
pala hidni ko na alng binuksan. Sana pala nagbibingi bingihan na lang ako.

"Hi!" Sabi pa niyang nakangisi.

"Hi your face." Sinimangutan ko siya. Kakabwisit ng umaga pag pagmumukha niya ang
una mong masisilayan.

"Ang aga aga naman ang sungit sungit na. HIndi mo ba ako papapasukin?"

"Ano ang ginagawa mo dito." Namaywang na ako. Wala akong planong patapakin siya sa
bahay namin.
"Nakalimutan mo na ba na may deal tayo? Magsisimula na yun ngayon."

"Ana sino yan?" SI Mama yan. takte. Kugn minamalas ka nga naman.

"Magandang umaga po" Sumilip pa ang wlaanghiya sa balikat ko para makita siya ni
Mama.

"Bakit hindi mo pinapapasok ang bisita mo Ana? Naku! Saan na ba ang mga tinuro
naming kagandahang asal sayo?" Si Mama talaga. Pinapahiya ako. Kesyo nakakita lang
ng pogi.

Wala na akong nagawa. Pinapasok na siya ni Mama at niyaya pang kumain. Eh kukunti
na nga lang ang pagkain namin eh. Pero mabuti naman at nahiya ang unggoy at
tumanggi. Uminom na lang siya ng juice habang nakaupo sa tabi ko sa mesa.
"Ano nga ang pangalan mo hijo?" Si Papa yan.

"Paeng po." I just rolled my eyes. ANg galang kasi eh. Pakitang tao. ALam ko naman
kung gaano siya kabastos. Plastic!

"Ikaw ba ang kasintahan ng anak namin? Ito kasing si Ana masyadong malihim."
Feeling ko namula ako sa sinabi ni Mama. Napaghahalataan tuloy na wala akong
boyfriend.

"Hindi po."Sabi ni Paeng.


"Hindi ko siya boyfriend Mama. Ewww ha!" Napatingin sa akin silang tatlo.

"Nanliligaw ka sa kanya?" Sabi pa ni Mama na mukhang excited.

"Hindi din po." Napangiwi na lang ako.

"Eh bakit andito ka?" Lol. Buti nga sa kanya. Palalayasin na yan...palalayasin na
yan... palalayasin na yan. Bwahahahaha!

"Eh Mama..." Mama!!??? Kelan pa niya naging Mama ang Mama ko?
"May nangyari po kasi sa amin ni Ana." Muntik ko nang maibuga ang kape na iniinom
ko. ANong nagyari ang pinagsasabi nito. Tiningnan ko sila Mama. Nanlalaki din ang
mga mata nila.

"May nangyari sa inyo?" Nagchorus sila Mama at Papa. Di pa din maalis ang laki ng
mata.

"Opo. AT kailangan may managot sa amin sa nangyari." Sabi pa ni Paeng.

"Tama yan. Dapat lang talaga." Pagsangayon naman ni Mama.


"Hindi naman kasi ganun yun Mama, Papa,  Ouch!!!!!!!!!!" May biglang umapak ng paa
ko. ANg sakit. Putakte. Napatingin ako ng masama kay Paeng.

Inalis ko ang paa kong inapakan niya at inapakan ko din ang paa niya.

"Ouch!" Nagkatinginan kami at nagsukatan ng tingin.

"Ehem!" Napatingin bigla kami kay papa na tumikhim.

"Papa ang sweet nila noh, para tayo alng dati." Ngumiti pa niyan si mama. Sweet ba
ang tawag diot? Sweet ba pag nag aapakan ng paa?
"Ano na ngayon ang plano niyo? May nangyari na pala sa inyo." tanong ni Papa.
Magsasalita pa sana ako nung inapakan ulit ni Paeng ang paa ko.

"Ahhhhhh.." Hindi ako makapagsalita dahil sa sakit.

"Kaya nga po magpapaalam kami sa inyo. At dahil hindi pa namin kilala ang isa't
isa.  Pwede po bang bago ang lahat kilalanin muna namin ang isa't isa. Pwede po
bang doon muna sa bahay namin titira itong si Ana?"Kinurot ko ang paa niya na
nakaapak sa paa ko para mabitawan niya ang paa ko.

"Aray naman!" Napasigaw siya kaya nabitiwan niya ang paa ko.

"Ana ano ang ginawa mo kay Paeng?" Kita mo yun. ako pa ang pinagalitan samantalang
kanina pa inaapakan ang paa ko.
"Wala po Mama. Hindi nakakamatay." Kung pwede ko lang patayin ang lalaking to.
Ginawa ko na.

"O sige kailangan niyo talagang kilalanin ang isat isa bago ang lahat. Baka
mapasubo pa kayo." Hala! ganun ganun lang yun? Pumayag agad sila Mama at Papa?
Baket? Takteng author. Papahirapan niya talaga ako. Ni hindi man lang nagpakipot at
nagtanong ng madmai ang parents ko.

"Pwede po bang ngayon na?" Hirit pa ni Paeng.

"Ohhhhhh sure" Nagchorus pa sina Mama at Papa. Bwisit. magsama kayo ng author,
Paeng!
Wala na akong nagawa. Inutusan na ako ni Mama na iligpit ang mga dadalhin kong
damit. Kahit magwala pa ako, wala din akong magagawa kasi pinag kaisahan na ako ng
lahat. ANo na ang kawawa. Ako na ang inaapi. Ako na ang inaalila.

Habang naglalagay ako ng mga damit sa suitcase pumasok si paeng. Kumulo agad ang
dugo ko.  Kaya lumapit ako sa kanya at kiniwelyuhan ko siya.

"Bakit mo sinabing may nangyari sa atin? Ha?" Hindi man lang siya nagreact. parang
bored pa nga ang expresyon niya. Ito ang mahirap pag nakikipag away ka. ANg hirap
makipag away sa taong walang ganang makipag away.

"May nangyari naman talaga sa atin ah! Sinuntok mo ako. Nangyari yun sa atin di ba?
Kung hindi pangyayari yun, ano ang tawag mo dun? Tao? bagay?  hayop? pagkain?"
Pilosopo talaga ang bwisit.

"Ay hindi! Lugar yun! Lugar! Bwisit." Nanggagalaiti na talaga ako. Alam kong witty
ako pero hindi ko matanggap na mas may witty pa sa akin. At ang masahol pa, lalaki
siya. Alam niyo kung bakit ko nalaman na lalaki siya? Kasi... may bakla ba naman na
namboboso ng babae?
"Hindi ko na kasalanan kung mali ang paginterpret ng Mama."

"HINDI MO SIYA MAMA! MAMA KO SIYA! AKO LANG ANG NAG IISANG ANAK NIYA!!?" Sana lang
hindi marinig nila Mama ang pagsigaw ko.

"Eh di sayo na! Ikaw na ang anak. Mama mo na siya! Sayo na lahat!"

"TALAGA! AND YOUA RE PUTTING WORDS INTO THEIR MINDS. SINADYA MONG HINDI SABIHIN ANG
TOTOO PARA IBA ANG ISIPIN NILA! MAPANLINLANG KA!!"
"I am not."

"YES YOU ARE!"

"I am not."

"YES YOU ARE!" nagkaface to face na kami. Ang lapit lapit na ng mukha niya sa mukha
ko. Para na kaming mga boksingero na isasalpak sa ring.

"I am not!" Pagpupumilit pa din niya. naiinis na talaga ako.


"Do you want me to kick you where it hurt the most?" Siguro naman susuko na siya.

Pero instead na m,atakot sa banta ko he just grinned. Ngumisi pa ang loko at


tiningnan ako. Tiningnan ang buong mukha ko tapos tumigil ang tingin niya sa labi
ko.  Tapos ngumisi ulit ng nakakaloko. AT nilapit pa lalo ang mukha niya.

ANg bango ng hininga niya.

Parang downy, humahalimuyak ang amoy.

Pero kong nawiwindang ako sa amoy ng hininga niya?


mas nawindang ako sa sunod an sinabi niya.

"Do you want me to kiss you where it arouse the most?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Hala! Ibang usapan na pag halik ang pinag uusapan.

Virgin pa ang labi ko. 


Kaya tinikom ko na lang bago pa madivirginize.

=================

Pang apat na Silip

Pang Apat na Silip

Simula na ng trabaho ko kay Paeng at kabilin bilinan niya kagabi na dapat maaga daw
akong gigising kasi maaga siya pumupunta sa sakahan. Magsasaka kasi siya. Ang kapal
ng mukhang magsasaka. Kakainis siya!

Kaya ito ako ngayon, alas singco pa lang ng umaga gising na at nagluluto ng agahan
ng hinayupak! Bwisit! Nagsaing na ako at nagbati ng nag iisang itlog  para iprito.
Habang nagbabati ako ng itlog may naisip ako.

Kaya kinuha ko ang lagayan ng sili, kumuha ako ng mga sampo at dinikdik ng pino ang
siling labuyo at gumawa na ako ng omelette. Egg and sili omelette The devil inside
me laugh. BWahahahhahahah. Makakaganti na din ako sa walang hiyang lalaking yun.
Tingnan na lang natin kung hindi siya magtatakbo sa anghang. Wahahahahahhaha.
Hinanda ko na ang mesa pagkatapos kong magluto at naririnig ko na din na may ingay
na sa kwarto ng mokong. Ibig sabihin nag aayos na siya. Maya maya bumukas ang pinto
ng kwarto niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"I'll never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm..." Habang lumalapit
siya napapaatras ako at lalong nanlalaki ang mga mata ko. Tinakpan ko ang mga mata
ko ng tinidor na hawak ko pero ang putakteng mata ayaw pumikit.

Mukhang nag eenjoy sa nakikita. Mukhang aliw aliw habang pinagmamasdan si Paeng na
sumasayaw na parang macho dancer sabay kanta. And worst, nakatapis lang siya ng
tuwalya sa bewang.

Napalunok ako. PInagpapawisan ako ng malapot. Biglang nag init ang kapaligiran at
ang mga mata ko, hindi ko maalis ang mga mata ko sa muscled chest ni Paeng pababa
sa abs niya na kay sarap haplusin at sa part kung saan nakabalot ng tuwalya.
Paksyet! Hindi ko inakalang ganyan siya kamacho.
May brief kaya siya?

Napalunok ako ulit. Susmaryosep! Napa sign of the cross ako. Ngayon lang ako
nakakita ng ganitong tanawin at namamangha ako. Ohlala. hahahaha.

"Though it's easy to pretend, I know you're not a foooollll" Tapos tumingin siya sa
akin at kumindat. Sabay giling. Napalunok ako ulit. Ba't ba ang hilig kong lumunok
ngayon? Baka mabusog ako sa laway ko. Eeeennnkk!

"I should have known better than to cheat a friend. And waste the chance that I'd
been given. So I'm never gonna dance again. The way I danced with you ohhhhhhh
ohhhhhhh." Pinahiran ko ang mga pawis ko na naglalabasan. Sumayaw siya ng sumayaw
hanggang sa makarating siya sa dining table at doon kumapit at gumiling. Hindi ako
makapagsalita. Nanlalaki ang mga mata ko tapos nakanganga pa ako. Sa isip isip ko
sana matanggal ang tuwalya nakabalot sa bewan niya. Ahihihi.
Pero infairness napatunayan ko na ang galing niyang kumanta at sumayaw at talaga
palang walanghiya talaga siya. Pinaypayan ko ang sarili ko ng mga palad ko. Ikaw ba
naman ganyanin umagang umaga.

"Yung laway mo pahiran mo." Napadako naman ang mga kamay ko sa gilid ng bibig ko
pero wala namang laway. Nung tumingin ako kay Paeng pinipigilan niya ang tawa niya
nung pinandilatan ko siya ng mata napahagalpak na talaga siya ng tawa. Mangali
ngali ko siyang batuhan ng tinidor na hawak ko.

"Bakit nakaganyan ka lumabas ng kwarto?" Naiiskandalo kasi ako at isa pa baka


masanay ako. Wahehehehe.

"Bakit ba? Eh ganito naman ako araw araw. Buti nga nagtapis pa ako kasi andito ka.
Dati nga wala eh. Nag aadjust pa ako dahil sayo." Ayy ganun? SIya pa ang nagadjust
sa lagay na yun? Pero tumingin ulit ako sa kanya sa sinabi niya.
Anong wala? Ibig sabihin dati naglalakad siyang hubot hubad sa buong bahay niya at
ibig sabihin wala siyang kahit anong saplot ngayon sa katawan niya? Napalunok ulit
ako at napapikit at nung pumikit na ako his image suddenly came into my mind. Yung
image niya na wala kahit anong saplot pero parang may MTRCB na nakablurred sa
bandang ano. Nakakadisappoint. Lol. Bwisit, dahil sa kanay nagiging bastos na ang
isip ko.

"Wow egg omelette. Pakikuha nga ng tubig." Magrereklamo sana ako sa utos niya pero
naalala ko palang tagasilbi niya ako. Kumulo na naman ang dugo ko pero napangiti na
alng ako ng lihim nung maalala ko ang omelette. Hahahaha. makikita mo paeng ang
anghang ng aking ganti.

Kinuhanan ko siya ng tubig at naupona siya at kumuha ng kanin at madaming madaming


egg omelette.Nakangisi pa siya habang nakatingin sa pagkain niya. Nakangisi din
ako. Kumuha siya ng madaming kanin at madaming omelette at nilagay sa kutsara niya.
Sunod sunod ang subo niya at di man lang naalalang ayain ako.

Antipatiko na madamot pa. Pero as if naman kakainin ko ang omelette na yan.


"Wew!" Tapos napatingin siya sa akin. Nakikita ko ang pawis niya sa noo.

"Ang anghang! huh!" Pinapaypayan niya ang bibig niya habang nakatingin sa akin ng
masama.

"Damn! ANg anghang talaga! ANo ang nilagay mo sa omelette? Tangina" Namumula na ang
pisngi niya pati ang ilong at tenga niya. Naubos na din ang tubig na nilagay ko.
Tumayo na siya at kumuha ng tubig sa ref. As if yung buong pitsel ng malamig na
tubig at ininom yun.

"Maanghang pa din!! Shit! Ang init!" At sa gulat ko inalis niya ang tuwalya sa
bewang niya. Nalaglag ang tuwalya sa sahig.
Ewan ko kung late reaksiyon ba ang ginawa ko pero tumingin muna ako sa kanya
tapos....

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh" Tapos tumalikod ako at tumakbo papuntang sala. Kinukurap


kurap ko ang mga mata ko. Ano yun? Ano yun? Bakit may ganun? Bakit siya naghubad?
My Gahd!!!

"BAKIT KA NAGHUHUBAD NA LANG BIGLA BIGLA?" sigaw ko sa kanya. Nasa kusina siya ako
nasa sala. Nakatalikod ap din ako sa kanya.

"Mainit eh. Kasalanan mo lahat to."


"Pwede bang itapis mo ulit yang tuwalya mo? Ayaw kong makakita ng malaswa.
Nakakdiri ka Paeng! Ewwww!" Ayaw ko talagang tumingin.

"Bakit ba? Nakashort naman ako ah." Napaikot ako bigla at napatingin sa kanya.
Nakasandal na siya sa doorframe ng kusina at may hawak na yelo at nginunguya. Wew!
Akala ko talaga wala siyang brief. Sayang. Ahehehehhe

Lumapit siya sa akin.

"Hoy babae, bakit mo nilagyan na sangkatutak na sili ang itlog?" Ang sama ng tingin
niya sa akin. Feeling ko huhubaran na niya ako. O baka feeling ko lang talaga yun.
"Akala ko kasi masarap. Pasalamat ka nga di lason nilagay ko eh!"

"Salamat ha!" He said sarcastically. "Ano ngayon ang kakainin ko? Kailangan kong
kumain. Madaming trabaho sa farm" Farm daw. sosyal!

"Wala na akong ibang maluto dyan. Ubos na ang itlog."  Wala na nga siyang
groceries. Kahit de laata wala. Paubos na din ang bigas niya.

"Pambihira! Tapos sinayang mo pa! Magbabayad ka talaga sa akin. Linisan mo ang


buong bahay ha. Pati sa labas. Ayaw kong may makitang kahit isang pirasong tuyong
dahon na nakakalat o isang alikabok dito sa loob ng bahay. Yung laaht ng damit at
kurtina labahn mo. Pag di mo yun ginawa ibibitin kita ng patiwarik." Inismiran ko
lang siya. Kabwisit.

Kumuha ulit siya ng madaming kanin at asin. Umupo siya sa dining table at habang
sinusubo ang kanin at asin masama na masama ang tingin niya sa akin.
Buti nga sayo. Magdildil ka ngayon ng asin.

=================

Pang Limang Silip

Panglimang Silip

"Ohhhhhhh..... Ahhhhhhhh....!" Naalimpungatan ako ng dahil sa ingay. Ano bang


klaseng panaginip yun bakit may ungol?

"That's feels so good! Oooooohhhh... Shit!  Don't stop! Ahhhhh!" Napabangon ako
bigla. Hindi ako nananaginip! Totoong may umuungol. Tiningnan ko ang relo sa
bedside table. 3AM in the morning. Hala, may multo ba dito sa bahay ni Paeng?
Tumayo ako ng dahan dahan sa kama.

"Oh my God! Ooooohhh my God!" Oh my God!! Grabe namang multo yun, hindi man lang
natakot sa pangaln ng Diyos. Siguro madre yun dati kaya religious.

Tapos nakarinig ako ng mga kalabog. Mukhang galing sa sala. Patay na! Mukhang
poltergiest pa ata ang multo at naninira pa ng gamit. Sinuot ko ang tsinelas ko na
nasa gilid ng kama at dahan dahang lumabas ng kwarto ko. Habang papalapit ako ng
papalapit sa pinto lalong lumalakas ang ungol ng poltergiest.

Patay ka ngayong poltergiest ka! Kinuha ko ang nakasandal na kahoy na sinasabitan


ng kurtina  sa gilid ng pinto. Mabuti na lang talaga at hindi ko pa ito nakakabit.
Sasabihan ko mamaya si Paeng na ipa-bless niya itong bahay niya kasi mukhang
pinamamhayan na din ng multo.

OO nga pala. Nakauwi na kaya yun? Kasi kaninang alas diyes bago ako matulog, hindi
pa siya bumabalik. Bahala na nag siya. Malaki naman na siya.

Dahan dahan ko nang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Inihanda ko na din ang pamalo
ko sabay hanap ng switch ng ilaw para sa sala.

"Ahhhhhh ahhhhhhh". Naririnig ko pa din ang poltergiest. Mukhang babae nga! Naku!
Nakpkap ko na ang switch ng ilaw.

1....

2....

3.... click.

Lumiwanag ang buong sala.

"Yahhhhhh!" Tumakbo na ako sa kung saan ko narinig ang boses ng poltergiest at


papaluin ko na sana ng......

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" Napasigaw ako ng malakas


na halos mabulahaw ang buong barangay!

"Ahhhhhhhh!" Napabalikwas ang poltergiest.

"What the fuck!"

Nanlalaki ang mga mata ko. Paano ba naman kasi. Hindi naman poltergiest ang nakita
ko. Mas masahol pa sa poltergiest ang nadatnan ko. 

Nakita ko si Paeng at ang babae sa sofa. Halos nakahubad na silang dalawa. Yung
babae naka panty na lang at nakabra at nakahigh heels at nasa itaas ni Paeng. Kahit
anogn pilit kong isara ang mga mata ko para hindi makita ang kahalayan sa harapan
ko, mukhang ayaw magsara nito.

"Ana!" Biglang tumayo si Paeng at dahil nasa ibabaw niya ang babae, nahulog ang
babae sa sahig.

"Ouch!"
Napapikit ako. Ayaw kong makita si Paeng na ganyan ang itsura. Pawis na pawis at
lalong ayaw kong makita na halos nakahubad na siya kasi nanunuyo ang lalamunan ko.

"Mga bastos kayo!" Tumalikod na ako. Pero humarap ako ulit kasi nakalimutan ko.
Hindi pala nakaall caps ang sinabi ko.

"MGA BASTOS KAYO!!!!!" Tapos tinalikuran ko na sila at pumasok sa kwarto ko. ANg
bilis ng tibok ng puso ko. Talo ko pa ang nagmarathon. Mukhang ako pa ang nahiya sa
kanila. Mga bastos. Mga walang modo. May kwarto naman pero bakit sa sala pa?

Hindi maalis alis ang ngitngit ko. Grabe! Hindi ko to ma take!

Ganun pala ginagawa yun?

Kailangan bang babae ang nasa itaas?

Hindi ako nakatulog hanggang mag umaga dahil hindi maalis sa isip ko ang nakita ko.
Maaga akong gumising. Este maaga pala akong tumayo kasi hindi na nga ako nakatulog.
5AM palang pero wala na din namang use na humiga pa ako kasi hindi na ako
makakatulog.

Mga bwisit talaga. Mga panira ng tulog. Panira ng kainosentihan ko.Dali dali akong
pumunta sa laundry area. Kumuha ng isang timba. Kinuha ko na din ang isang kilong
sabon, zonrox, map at kung ano ano pang panlinis. Kinuha ko na din ang hose sa
garden at ikinabit sa faucet sa cr.

Una kong binasa ang sofa na hinigaan nila kagabi. Nilagyan ng sankatutak na sabon
at zonrox. Pagkatapos kiniskis ng mabuti at binanlawan at ibinilad sa labas ng
bahay. Bahang baha na ang loob ng sala at kusina ni Paeng pero hindi ko pa din
tinigila ang paglilinis ko. Alas diyes na pero wala pa ding lumalabas sa kwarto ni
Paeng. Gusto ko na silang lumabas para yun naman ang malinis ko. Hindi na ako
nagluto. Hindi ko maatim na kumilos na may mga duming aali aligid sa paligid ko.

"Woahhh! Bakit baha?" Nakita ko si Paeng na nakatopless na lumabas ng kwarto niya


pero hindi siya makalakad kasi bahang baha ang buong sala.

Hindi ko siya sinagot. Inismiran ko lang siya.

"Anong ginagawa mo Ana?" Tiningnan ko siya ng masama at inismira.

"HINDI BA OBVIOUS? NAGDIDISINFECT AKO NG BUONG BAHAY. AYOKONG MAHAWA SA KAHALAYAN


NIYO!!" He just chuckled at tiningnan akong naglilinis.

Walang hiya talaga! Parang wala lang sa kanya na nahuli ko sila kagabi. Bastos
talaga!
"Ana?" Napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Kulang na lang buhusan ko
siya ng tubig sa timba na pinaghugasan ko ng basahan.

"Virgin much?" He smirked. Naningkit ang mga mata ko and.......

Binuhos ko nga sa kanya ang timba na puno ng itin na tubig at may sabon sabon pa.

Para naman mahimasmasan siya.

Bwisit!

Author's Note:

Dapat walang update ngayon kasi sa Tamako SIa ako mag uupdate pero ang putakteng
Tamako, ayaw akong saniban. Hindi ko tuloy magawa gawa ang POV niya.

=================

Pang anim na Silip

Pang Anim na Silip

Isang nakakakilabot na transformation ang nasaksihan ko.

From butterfly to puppa -to larvae.


Ang nakangisi niyang mukha ay unti unting sumeryoso hanggang sa nangunot ang noo
siya at tumalim ang tingin niya sa akin. Para siyang uod na nabuhusan ng putik.
Pinigilan ko ang tumawa. Pero hindi ko napigilan ang hagikgik ko.

Ang epic lang talaga ng itsura ni Paeng.

"Why the hell did you do that?" Nakakatakot ang boses niya pero siyempre hindi ako
natakot. Ako pa! Si Paeng lang yan. With a capital E for Eng-Eng. Hehehehe.

"Wet much?" Akala niya ha! Ang kapal ng mukhang asarin ako. Eh ano ngayon kung
virgin pa ako? Eh ano ngayon kung hindi pa ako nakatikim ng first kiss? Eh ano
ngayon?

"Hindi nakakatuwa ang ginawa mo?" nanggigigil pa din siya. Nahihirapan na akong
pumigil ng tawa ko.
"Eh sa natutuwa ako eh." Ngumiti ako ng malapad. pang asar lang eh. naningkit na
ang mga mata niya.

"You'll pay for this!" Kunti na lang makikita ko na ang usok sa ilong niya dahil sa
galit niya.

"Whatever Paeng!" Pero nagtataka talaga ako. Ba't ang hilig naman ata mag english
ng magsasaka na ito? Ganun ba siya makipag usap sa kapwa magsasaka niya? English na
ba ngayon ang language sa farm? Kunsabagay, si Inday nga na katulog nag eenglish,
si Paeng pa kayang magsasaka. Iba na talaag ang level ng mga blue collar job
workers ngayon! tsk! Tsk!

Nakita ko si Paeng na pumasok ng banyo. Siguro maliligo na siya kaya tinuloy ko na


lang ang ginagawa ko. Alam kong nakakapagod ito pero ayaw ko talagang mahawa.
Ewwwwness lang to the highest level ha!

Nagmamop na ako ng sahig when I felt it. The very cold water na dumadaloy mula sa
ulo ko hanggang sa mukha ko, sa balikat ko, sa dibdib all the way down to my feet.
ANg lamig lamig.parang panamntalang nagfreeze ang mind ko.

Unti unti akong umikot and I saw Paeng holding a pail of water and at sa likod niya
nakapatong sa dining table ang mga wala ng laman na lagayan ng tubig na galing sa
ref. Nangatog ang ngipin ko dahil sa lamig.Pati tuhod ko namanhid.
And that very second I curse the day na naligo ako sa batis. Sinumpa ko ang lahat
ng mga tilapia na hindi nagpatalo sa akin sa patagalan ng pagsisid. At lalong
sinusumpa ko ang lalaking ito sa harapan ko na wala ng ginawa kundi  ang ipahamak
ako.

"Malamig ba?" Nakangisi na siya. May gana pa siyang ngumisi habang nangingisay ako
sa lamig.

 Tiningnan ko siya ng masama. Ng masamang masama. Feeling ko umuusok na ang ilong


ko sa galit. Ngayon lang ako nakaharap ng ganitong klaseng lalaki. Yung talagang
pumapatol sa babae. Yung ibang lalake nagtitimpi kasi babae ang kaaway nila, pero
si Paeng... My Gahd!! He is so ungentleman.

Di kaya....di kaya.... di naman talaga siya lalaki?

Pero impossible. Kung di siya lalaki, ano yung nangyari kagabi?


Malay ko, ano, front lang niya yun para hindi mahalata ng iba. Di ba pwede naman
yun?

"Ano tatayo ka na lang dyan?" Napatingin ako bigla nung nagsalita siya. I squinted
my eyes para matingnan siya ng mabuti. Di pa ako nakuntento. Kahit nanlalamig na
ako dahil sa lamig ng  tubig na ibinuhos niya sa akin, lumapit pa din ako sa kanya
tapos pinagmasdan siyang mabuti. Baka makakita ako ng pilantik. Umikot ako sa
kanya.

Mamuscle naman siya. Macho nga siya eh. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit ganyan ka makatingin sa akin." Sinita niya ako pero
kahit sa pagsasalita niya wala akong makitang kabaklaan.

"Ano ba! Hoy Ana!" Aha! Matinis ang boses.

"Halikan mo nga ako!" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.


"Ano!!??? Nasisiraan ka na ba ng ulo?"Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. And I
saw him grimaced.

That's it!

Kaya pala ganyan siya kataray.

May tinatago pala siya.

Ha! Kaya pala hindi siya gentleman.

Kaya ang hilig niyang sumayaw.

Kaya pala close siya sa abogado niya.


Kaya pala mas gusto niya sa farm kasi madamign machong lalaki doon.

Kaya pala!

Bakla pala si Paeng!

=================

Pang Pitong Silip

Pang Pitong Silip


Simula nung malaman ko ang totoong pagkatao si Pae or Paeng naintindihan ko na
siya. Sino ba naman kasi ang hindi iinit ang ulo kung hindi mo pwedeng eexpress ang
sarili mo?

Imaginin mo na lang na sobrang natatae ka na pero wala kang makitang CR. Isipin mo
na din na pag nakakita ka ng crush mo at hindi ka makatili. Kaya nag promise ako sa
sarili ko na maging pasensiyosa na ako kay Pae. Kahit mainitin ang ulo niya
titiisin ko na lang. Dapat makipagsimpatiya ako sa kanya.

Kawawang Pae. Sobrang pressure siguro ang nararamdaman niya. Dapat talaga ipakita
ko sa kanya na suportado ko siya maging sino man siya. Na naiintindihan ko ang
kalagayan niya. Na okay lang na mag open up sa akin.Dapat maiparamdam ko sa kanya
that we're sisters. We're soul sisters. Yeah!

Kaya simula nun halos hindi na kami nag aaway. Hindi ko na pinapatulan ang mga
pagsusungit niya. Feeling ko nga ng dahil sa ginagawa ko, magiging santo na ako.
Ang bait bait ko na talaga. Kulang na lang sa akin halo.
Katulad nung minsan, sinigawan niya ako.

"ANO BA ANA! WALA KA PANG NALUTO? PAGOD AKO GALING FARM TAPOS PAGDATING KO WALA
AKOGN MAKAIN? PARA SAAN PA AT ANDITO KA?" Sinigawan  niya ako niyan. Gusto ko na
din siyang sigawan pero naghunos dili ako.

"Pasensiya ka na girl, sige magluluto na ako."

"ANOGN GIRL!!!!? NANG AASAR KA BA?" Oo nga pala! Ayaw niyang malantad ang totoong
kulay niya. Kaya umalis na alng ako at nagluto ng broiled egg para makain niya.
Pagkakaalam ko kasi mahilig sa itlog ang mga katulad ni Paeng. Lol.
Simula na din nun, nawala na ang hiya ko kay Paeng. Hindi naman sa wala talaga
akong hiya. I mean, hindi katulad dati na halos ayaw kong ipakita sa kanya ang
tuhod ko. Ngayon sumusuot na ako ng miniskirt, minishort, halter dress, tube dress
at spaghetti strap na damit.

Hindi na ako nagbibigay ng malisya kais nga parehas naman kaming babae. Minsan nga
nakita niya akong nakatapis lang ng tuwalya at nang minsan pa binuksan niya ang
pinto ko habang nagbibihis ako at nakapanty at bra lang.

Hindi ako nahiya noon kasi nga, babae naman siya sa puso. Pero mukha siyang ang
nahiya sa dalawang beses na yun kasi bigla siyang tumalikod.

Or mas mabuti sigurong sabihin na baka nainggit or nainsecure.

Kunsabagay nasa akin kasi ang mga bagay na wala siya. Ang mga bagay na inaasam at
pinapangarap niya.
Nakakaawa talaga si Pae.

Hindi makaladlad.

Nagtatago sa pagiging farmer. Kaya siguro kahit gusto niyang maging manicurista,
pinili niya na lang na maging farmer. Para mas brusko pakinggan. Panglalaking
trabaho at walang magdududa sa katauhan niya.

hays... Pae kung may maitutulong lang sana ako. Kung madami lang akong pera
binigyan na kita ng pampasex change.

Kaya hindi ko man siya mabigyan ng pampaopera, reregaluhan ko na lang siya ng bagay
na gusto niya.

Birthday niya kasi ngayon at isususrpise ko siya. OO nga pala. Tatlong buwan na
kaming magkasama sa bahay na to. ANg bilis ng panahon ano?

Hinanda ko na ang buong bahay. Hindi ko siya binati kaninang umaga para isipin niya
na hindi ko alam ang birthday niya. Peor ang totoo, tinanong ko sa kay Attorney
pogi. Akala nga ni Attorney may relasyon na kami ni Paeng eh. If I know sinabi lang
niya yun apra di ko pagdudahan si Pae.

Inayos ko ang buong bahay. Nilagyan ko pa ng decoration na pink lahat. May mga pink
confetti, pink ballons, pink na tarpaulin at bumili pa ako ng pink na cake at
bilang regalo sa kanya, binilhan ko siya ng pink na tsinelas na may feathers at
make up kit.

It's my way of showing him na naiintindihan ko siya at hindi na niya kailangang


itago ang pagkatao niya sa akin.
I check at the wall clock. 5PM na. Anytime dadating na siya.

Maya maya pa narinig kong dumating na ang wrangler jeep niya. Kita niyo na! pati sa
kotse hindi siya makapili ng pambabae. Tsk tsk!

Kawawa talaga!

Nakatayo ako sa harap ng sala at hinintay na magbukas ang pinto.

Pagkabukas ng pinto, I shouted.


"HAPPY BIRTHDAY PAE!!" Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Tumingin siya sa
buong paligid.

Kitang kita ko ang pagkasurprise niya.

"What the fuck is this!" Ngumisi ako ng malaki.

"Surprise ko sayo. Happy Birthday girl!" Lumapit ako at nagbeso sa kanya. Mukhang
nagulat pa siya.

"Sino si Fe? At anong girl? Nakadrugs ka ba?" Grabe talaga! Ayaw talaga niya
umamin.
"Hay naku! Ang mabuti pa, i blow mo na ang cake mo. Tara na!" Hinawakan ko ang
kamay niya at hinila ko siya papuntang dining. Sinindihan ko ang kandila.

"Hindi mo na kailangan maghanda!"

"Kailangan. Dahil sa araw na to I declare your independence! You go girl!"


Nagsalubong ulit ang mga kilay niya.

Kumanta na ako ng happy birthday at nagblow na siya ng cake niya.

"Ito ang regalo ko sayo. Buksan mo dali!! I'm sure magugustuhan mo yan! Bagay na
bagay sayo." Excited akong binigay ko sa kanaya ng regalo na nakawrap sa pink sa
wrapper at may malaking pink ribbon.
"Salamat. Hindi mo naman paborito ang pink ano?" Ngumiti lang ako ng tipid kasi
alam kong favorite niya yun. May nakita kasi akong nag iisang pink panty sa kwarto
niya last time.

"ANO TO!" Nanlilisik ang mga mata niya sa regalo ko. Sinasabi ko na nga ba at
magugustuhan niya eh.

"Girl, you don't have to hide anything from me. It's time to celebrate your
feminity." Ang ganda ng ngiti ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang kamay niya.

"Feminity? Nangaasar ka ba?" Sinasabi ko na nga ba at ayaw talaga niyang malaman ng


iba ang pagkatao niya. Nakikita kong nagagalit na siya. Ayaw niyang mabuko. Pero
kailangan kong iparamdam sa kanya na his...ahmmm her secret is safe with me.
"Pae, alam ko na. Matagal ko nang alam kung ano ka talaga. At naintindihan kita.
ALam kong mahirap itago. ALam kong mahirap magkunyari pero andito lang ako. Kung
ano man ang nalaman ko, I promise na wala ng ibang makakaalam." Nagtaas pa ako ng
kamay.

"What the fuck are you saying!"

"Matagal ko nang alam na closet queen ka! Badaf, bading, bakla, berde ang dugo.
Alam ko at naintindihan kita. I'm here to support you. I can be your sister. Your
soul sister!" Nakita ko siyang namumula. I have embaraased him. Hindi niay
inakalang malalaman ko.

"All this time you think I'm gay?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"All this time I know your gay." Nginitian ko ulit siya.


"Damn it!"

"Wag ka na mahiya sa akin. I totally understand you!"

"Hindi ako bakla Ana! Adik ka ba? Ako bakla?" Tapos tumawa siya ng malakas.

"Wag ka nang magkunyari. It's okay to be gay!"

"Tumigil ka nga! Kakabakla mo, halayin kita dyan eh! Tangnang utak meron ka Ana. Di
ko maarok!" Tumawa ulit siya.
"Halayin ka dyan! If I know, nandidiri ka sa babaeng dinala mo dito last time.
Ginagawa mo lang yun para ipakita sa iba na lalaki ka. but with me you don't have
to pretend."

"Hindi nga ako bakla. Wag mong hintayin na patunayan ko pa ayn sayo." Lumapit siya
sa akin. Ay uber talaga si Pae sa paninindigan.

"Hindi ko naman ipagkakalat eh. Ano ngayon kung bading ka?"

"Ana isa pa at makikita mo talaga ang hinahanap mo!"

"magpakatotoo ka kasi sister! Kahit sa akin na lang!" Naningkit ang mga mata niya
and nagulat na lang ako nung bigla niyang hinawakan ang bewang ko and he pulled me
towards him.
 The next thing I know, hinahalikan na niya ako. At hindi basta basta halik. It was
a torrid kiss. Napasinghap ako. Hindi ako makapaniwala na hinahalikan ako ng bakla.
Pero mali ata na napasinghap ako kasi when my mouth opened he delve his tounge
inside.

Napapikit ako. Napakapit na din ako sa batok niya. Then I found my self following
his lead. Teka! Teka! Teka! Bakit ako nakikipaghalikan sa kay Paeng?

Bakit nasasarapan ako sa halik niya?

Hindi ko mahagilap ang isip ko.


O-M-G!

Bakit parang ayaw ko siyang tumigil!!???

He cupped my buttocks while still kissing me tapos he pulled me towards him. I can
feel something poking at my tummy.

It's strong and it's huge. Napadilat ako at nanlaki ang mga mata ko especially when
he cupped my breast with my shirt on.

Napa hala na lang ako bung binuhat niya ako at iniupo sa mesa. All this time hindi
siya tumitigil kakahalik sa akin.
At ayaw ko siyang tumigil lalo na nung nagsimula na siyang halikan ang leeg ko and
his hands are working on my shirt.

Feeling ko wala na akong lakas kaya nilagay ko ang kamay ko sa mesa to support
myself but my hand landed on something soft and sticky.

"Shit! Ang lagkit!" nasabi ko na lang. Stop kissing me and looked at my hand na
nasa gitna ng pink na birthday cake niya.

Feeling ko singpula na ako ng cake.

"I hope that I have proven my point!" nakatunganga akong nakatingin sa kanya. Then
bumaba ang mga mata ko mula sa mukha niya papunta sa pantalon niyang nakaunbutton
na and the zipper are undone kaya kitang kita ko ang bagay na parang nagagalit.

Paksyet! Sino ang gumawa niyan?

Pinikit ko ang mga mata ko pero hindi maalis ang imahe.

He zip his pant and butooned it in front of me. Hindi man lang nahiya.

Pero teka....
He just gave me the most passionate kiss I've ever have.

Ay tange, Siya pa lang pala ang nakahalik sa akin.

And I've seen how his...his... ano reacted because of what happened.

Ibig sabihin ba hindi siya bakla?

Na nagkamali ako ng iniisip?

OMG!
Lalaki tal;aga si Pae este Paeng!

OMG!!! PAANO NA YAN?

NAKITA NA NIYA ANG ALINDOG KO!

Nakakahiya!
Feeling ko nagbablush pati ang mga split ends ko.

=================

Pang Walong Silip

 Dedicated sa kanaya kasi siya ang may pinakamahabang Wahahahahaha last chapter.
Wahahahahahahahahahahahahahahahahhahahh.

 Pang Walong Silip

Anna's thoughts: Mabuti pa ang mangga, matiwasay na nakababa sa puno.

It's been a week since nung birthday ni Paeng. Isang linggo na pero walang araw na
hindi ko naaalala ang mga pangyayari.
Paano ko makakalimutan? Eh doon ko napatunayan na nagkamali ako kaya napahiya ako
ng bongga sa sarili ko at kay Paeng.

At sino ba ang makakalimot sa klase ng halik na binigay niya sa akin? Hanggang


ngayon pag naaalala ko yun, nananayo ang balahibo ko. Parang nagmarka sa buong
pagkatao ko ang halik na yun.

Paano ko makakalimutan ang isang mind blowing first kiss? Sabihin niyo nga? Kahit
sa panaginip ginagambala ako ng halik na yun.

AT paano ko makakalimutan ang lahat kung sa araw araw na ginawa ng Diyos,


tinitingnan ka ng nakakaloko ni Paeng. Na parang sinasabi na, may alam siyang
napakalalim kong sikreto. Na parang nagalugad na niya ang buong pagkatao ko
samantalang, bibig ko pa lang naman ang nagawan niya ng ganun. Ewwwwwww! Pag
naaalala ko talaga, nag-iinit, este nananayo ang mga balahibo ko sa katawan.
Bakit Ana, may balak ka bang ipagalugad kay Paeng ang buong pagkatao mo?

Waaaaahhhh! Erase! erase! Hindi ko dapat naiisip ang ganung bagay. Inosente pa ako.
Huhuhuhuhu! Nacorrupt na ata ni Paeng ang pag iisip ko.

Katulad  ngayon. Nagbbreakfast kami pero nakikita ko siyang pasulyap sulyap sa akin
tapos ngingiti ngiti ng nakakaloko tapos iiling iling.  Palagi niyang ginagawa yan
at nakakapraning. Gustong gusto ko na siyang batukan.

"Ang sarap pala!" Sabi niya habang ngumunguya ng itlog na pinirito.  I just rolled
my eyes. Araw araw kayang itlog ang breakfast niya tapos ngayon lang siyang
nasarapan! Ang OA ha! Uminom na lang ako ng fresh milk.

"Ang sarap pala talaga ng mga labi mo Ana!" Naibuga ko ang iniinom kong gatas.
Napatawa siya ng malakas. Pinandilatan ko siya ng mata. Tawa lang siya ng tawa.
Obvious na obvious na pinagttripan na naman niya ako.
"May gatas ka pa sa labi. Do you want me to lick it?" Kumindat pa siya. Nanlaki ang
mga mata ko.Ay takte! Ang aga aga eh. Pwede bang sa gabi niya ako landiin? Baka pa
patulan ko siya. Wahahaha. Ang landey talaga. Naimpluwensiyahan na nga ata ako ng
kamnyakan ni Paeng.

"Tumigil ka na nga!" Feeling ko pulang pula na ako sa mga pinagsasabi niya. Gustong
gusto niyang tuksuhin ako at naaasar naman ako. Nahalikan lang niya ako naging
ganyan na siya. Adik ata siya.

Nakakaadik ba talaga ang halik ko? Bwahahaha!

Tiningnan niya ulit ako tapos ngumiti siya tapos kinagat niya ang lower lip niya.
Napanganga ako. What the hell! Parang gago lang! Pero ang cute cute niya. Gusto ko
ako din. Gusto ko ako din ang kumagat sa lips niya. Waaaaaaaaaaaaaa!  Nag init ulit
ang buong mukha ko. ANo ba tong pinag iisip ko? May pag nanasa na ba ako kay
Paeng?.
"Gusto mo na bang ituloy ang mainit nating pinagsaluhan ?" Bigla niyang sabi. 
Tangena! Ano daw?Then he winked. My gahd! Wag kang ganyan Paeng, kahit hindi ikaw
ang pinapangarap kong lalaki, ng dahil sa hotness mo. Baka mapa -oo ako.

Nanlaki ang mga mata ko.

O__________________O

 "Ang bastos mo!"Mangali ngali ko siyang hampasin ng plato kong puno ng mainit na
kanin.
"Anong bastos sa sinabi ko? Tinatanong ko lang naman kung gusto mo nang ituloy ang
pagsasalo natin sa breakfast. Baka kasi lumamig na ang mainit na kanin at kape! Ano
ba ang iniisip mo Ana?" Grrrrrrr! Napahiya na naman ako. AKo pa ngayon ang lumabas
na bastos!

"Tigilan mo nga ako Paeng!" Asar na asar na ako. Ke aga aga sobrang asar na ako.
Siya naman pinipigilan ang mapatawa ng malakas. May araw ka din sa akin
Paeng.Tiningnan ko siya ng masama tapos tiningnan niya ako ng nakakaloko. Bwisit
talaga! Bat kaya nakakamesmerize ang mata niya? Waaaaaa. Erase. Erase.

"Bilisan mo nga kumain tapos samahan mo ako." Maya maya sabi niya.

"Saan naman?"
"Sa langit! Bwahahahahaha" Bigla kong inabot ang bread knife na nasa harap ko at
itinutok sa kanya. Nanlilisik na din ang mga mata ko. Bigla siyang napatayo sa
upuan at lumayo sa dining table.

"Oi Ana, joke lang! Ito naman di na mabiro. Easy ka lang! Chill! Sa bukid lang tayo
pupunta. Para naman hindi ka mabored dito. Chill!" Lumapit siya sa akin at kinuha
ang bread knife sa kamay ko. Asar na asar na talaga ako sa kanya. Naiinis na talaga
ako. At ilang beses ko na bang nasabi ang word na asar at inis sa chapter na to?

Nilapag na niya ang bread knife ulit sa mesa tapos hinawakan ang dalawa kong
balikat. Napaigtad ako. Para kasing may kuryente na nagmumula sa kamay niya. Baka
mangisay na lang ako bigla.  Nagpaubaya na lang ako sa kanya habang dahan dahan
niya akong itinutulak papasok sa kwarto ko.

"ANg mabuti pa maligo ka na at magbihis kasi aalis na tayo. Wga mong ilagay ang
hustisya sa mga kamay mo. Marami pang paraan para makaganti sa akin. Pwede mo naman
akong halayin!" He chuckled pero bago pa ako makapag react, naipasok na niya.. este
naipasok na niya ako sa kwarto ko at isinara ang pinto.

Naligo na ako pero may tanong sa isip ko. Bakit ako nakukuryente kanina?

May electrical charge ba si Paeng?

Pwede ba siyang saksakan ng ref?

____
Pumunta na kami sa bukid. Sinabi na din ni Paeng na maghaharvest daw kasi ng mangga
at baka daw gusto kong mamitas. Gusto daw kasi niyang pumitas. Umuo naman ako hindi
ko nga lang maintindihan kung bakit nakakaloko ang ngiti niya tuwing sinasabi niya
ang word na pitas. At parang may diin pa. Ang bipolar talaga niya at ang weird pa.

Pagdating namin sa bukid nalula naman daw ako sa dami ng puno ng mangga at sa dami
ng bunga ng bawat puno. Pwedeng pwede mo ngang pitasin kasi sobrang baba lang ng
mga puno. Akala ko aakyat pa sa puno, hindi na pala kailangan. Ang saya naman nito.

Madami na ang mga tao na nagsisimula sa paghaharvest. Nung bumaba kami sa wrangler
jeep niya tumingin ako sa paligid at napangiti. Tapos sumigaw ako.

"MGA ALIPIN!! MAGSILUHOD KAYO!" Napatingin sa akin ang mga tao. Nginitian ko sila.
Ang sama ng tingin nila sa akin.
"Hoy! Ano ang ginagawa mo?" Nanlilisik ang mga mata ni Paeng. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala! Nagpapractice lang ako."

"Tsss. Para kang sira." Tapos humarap na siya sa mga kasamahan niya. "Pasensiya na
po kayo. Nagbibiro lang po si Ana. Adik kasi yan. Nasobrahan ata sa halik ko!"
Napalingon naman ako bigla sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko. Tinukso kami ng mga
kasamahan niya. Hindi ko siya nasagot kasi bigla niya akong inakbayan at
binulungan.

"Nakita mo yang mga hawak nilang itak? Sa'yo isasaksak yan pag hindi ka nagbehave.
Kaya magbehave ka! Sit!" Napaupo naman daw ako bigla. Ang tatalas kaya ng mga itak
nila. 
"Good dog!" tapos he patted my head. Ay bwisit! pinagttripan naman niya ako. Sa
inis ko, tumayo ako at naglakad ng mabilis.

"Oi Ana! Saan ka pupunta?" Sigaw niya sa akin.

"Sa langit! bakit sasama ka?" Pasinghal kong sabi sa kanya.

"Pwede tapusin muna natin ang paghaharvest?" Hindi ko na siya sinagot. Dumiretso
alng ako sa paglalakad. Ang takte! Hindi man lang ako sinundan. Paano kung mawala
ako?
Teka! At baket ako nag eexpect akong susundan ni paeng?

Bakit gf ba niya ako? And besides kelan pa naging gentleman yun? Grrrrrr!!!

Sa kakalakad ko, nakarating ako sa isang kubo sa tabi ng isang puno ng mangga.
Umupo ako at nagpahangin. ANg sarap ng hangin dito. Nakakarelax. Nakakawala ng
stress na dulot ni Paengot. Kaya nakapagdecide ako na doon na muna magstay.
Tumingin ako sa may puno ng mangga at may nakita akong bunga na nagrered/pink  na. 

Syet! Ang sarap siguro niyan. Kaso wala akong panungkit at hindi ko abot. Kaya
hinubad ko ang tsinelas ko at inakyat ang puno. Hindi naman ako natatakot umakyat
kasi gawain ko na yun nung mga 12 years old ako. At hindi naman mahirap akyatin ang
puno. 

Tuwang tuwa ako nung makuha ko na ang mangga. Ang sarap sarap ng feeling na may na
acccomplish ka. Na pinag hirapan mo ang kakainin mo.

Kaso ang problema ko, hindi ko na alam kung paano bumaba habang hawak sa isang
kamay ang mangga. Tiyak na mahuhulog ako. Ayaw ko namang ialglag ang mangga na
hawak ko aksi masisira.

Ano ang gagawin ko?

Mamamatay na ba ako sa itaas ng puno ng mangga? Ang saklap naman kung ang magiging
headline...

'iSANG VIRGIN NA BABAE, NATIPOK NG ISANG MANGGA' Ang laswa nga!  At kailangan
talagang may 'virgin' word? Ang sama talaga ng author ng kwento ko. Napakasadista.
Inabot ako ng mga 30 minutes sa itaas ng mangga sa kakaisip ng paraan. Syet! Kainin
ko na lang kaya ang mangga na to dito sa itaas? Pero hindi eh! Hindi pa to
nahuhugasan at gusto kong isawsaw to sa asin at alamang. Naglaway ako bigla. Syet!
Kailangan ko na talagang maibaba dito.

"Ana! Anong ginagawa mo dyan sa taas ng puno?" Nakita kong nakatingala si Paeng.
buti na lang nakapantalon ako at hindi nakapalda. Pero sana nagpalda na alng ako.
Wahahahaha.

"Ahmmmm...Nagpapaultrasound?" Gago talaga tong si Paeng. Magtanong ba ng mga ganung


bagay.
"Bumaba ka na nga dyan. Para kang unggoy. Baka mahulog ka pa." Nakapameywang na
siya sa ilalim ng puno.

"Saluhin mo muna to!" Inihagis ko sa kanya ang mangga at nasalo naman niya. And as
usual may side comment na naman siya.

"Tsss. Para lang dito, umakyat ka dyan?" Nagsimula na akong bumaba nung may nakita
ako. At ang dami nila. At mukhang binabantayan nila ang dadaanan ko.

"Paeng!" Sigaw ko sa kanya.

"Bumaba ka na nga dyan Ana! ANg kulit ng lahi mo!" Mukhang naiinis na din siya.
"Paeng, yung mga higanteng  langgam ba nangangagat?" nakikita kong unti unti
palapit sa akin ang isang batallion ng higanteng langgam.

"Depende kung pula o itim. Kung pula nangangagat kung itim hindi. " Nanlaki ang mga
mata ko kais puro pula ang mga langgam na umaatake sa akin  OMG!

"Waaaaaaaaa! Paeng, ang dami kasi nila papunta sa akin! Paeng patayin mo sila!"
Nagpapanic na ako. Ayokong pakpakin ako ng langgam.

"Anong magagawa ko? nasa taas sila ng puno. Tumalon ka na lang." Waaaaaaaaa!!!
Tatalon? Ako? Ayoko pang mamatay! Kahit hindi naman kataasan ayako pa din. Baka
mapilayan ako. Paano na lang ang great dream ko?

"AYoko nga! Paano kung mabagok ang ulo ko at mamatay ako? Or mapilayan ako! Waaaaa"
Palapit na ng palapit ang mga higanteng langgam. Paksyet talaga. Bakit kasi
naisipan ko pang akyatin ang puno na to. Mabuti pa ang mangga, matiwasay na
nakababa sa puno. Samantalang ako, ito at nagpapanic na.

"Di yan. Sasaluhin naman kita. Talon na." Tiningnan ko siya na nakatingin din sa
akin tapos tumingin ako sa mga nagmamartsang langgam. Mukhang  determined talaga
silang papakin ako. Tumingin ulit ako kay Paeng, ang taas. Paano kung di niya ako
masolo. Paano kong ayaw talaga niya akong saluhin. What if he won't catch me if I
fall?

Ano daw?

"Ayoko pa din! Waaaaaaa... Huhuhuhu. Hindi ako pwedeng mahulog sayo!" Hidni ko na
alam ang pinagsasabi ko. Kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. or baka in
denial alng talaga ako. Pero mamaya ko na yun iisipin. Ang mahalaga makaiwas ako sa
mga giant ant.
"Bakit hindi? Yummy naman ako ah!" Ano daw? AT bago ko pa madigest ang sinabi niya
naramdaman ko nang ang gumagapang sa kamay ko tapos may kumagat. Nabitawan ko ang
kapit ko sa sanga kaya....

"Waaaaaaaaaaaaaaahhhhh!" Inaanticipate ko na ang pagkatama ng katawan ko sa lupa.


Pinikit ko na ang mga mata ko pero hindi ko yun naramdaman. Naramdaman ko na lang
ang mga braso niya sa akin.

Nasalo nga niya ako.

Dinilat ko na ang mga mata ko and I saw him smile.


"Sinabi ko na sayo. Sasaluhin kita." Tapos kumindat pa siya.

Yummy nga!

A/N: Yan po ang salarin na mangga. Nasa gilid ang pic.

=================

Pang Siyam na Silip

 Pang Siyam
"Pwede ba! Tigil tigilan mo ako Paeng!" Tiningnan ko siya ng masama pero parang
baliwala lang sa kanya. Ay hindeeeee! Baliwala lang talaga sa kanya. Sa kapal ng
mukha niya hindi na siya tinatablan ng masamang tingin.

Sasabihin na nating mabilis ang pacing ng story na to kasi nga isang linggo na ang
nakalipas simula nung pagkahulog ko kay Paeng. Ay shet! Ang panget sa tenga!
nakakarindi lang! Pwe! Correction: Pagkahulog ko sa puno ng mangga. Ayaaaaannnn!

Nagtaka nga ako kung baket hindi na lang ginawa ng author na 2 chapter to eh.
Prologue tsaka Epilogue. Tutal ayaw naman talaga niya sa akin.

Anyway, back to Paeng na ngayon ay nakatingin na naman ng nakakaloko sa akin.


Kumakain na naman siya ng tanghalian na scrambled eggs. Isa pa yan. Ginagaya ako ng
atuhor sa kanya. Hindi kesyo hindi siya marunong magluto eh idadamay na niya ako.
Takteng buhay to. Minsan na nga lang ako magkaroon ng istorya aping api pa ang role
ko. Bwiset!
"Kahit anong kapit mo Ana, mahuhulog at mahuhulog ka talaga sa akin! Hahahaha."
Muntik ko na siyang batuhin ng plato. Bwisit talaga. grrrr! Bakit kasi yun ang
pinagsasabi ko? Ang tabil naman kasi ng dila ko. 

"Utang na loob Paeng!" Isang linggo na niya yan sinasabi. Mabuti sana kung once a
day lang or 3 times a day. Pero hindi eh! Mas masahol pa siya sa instruction ng
doctor sa pasyenteng may cancer kasi tuwing nakikita niya ako, yun ang sinasabi
niya. Kulang pa nga yan eh....

"Itaga mo man yan sa puno ng mangga na pinupugaran ng mga antik! Wahahahaha!"


paksyet lang!  Kasalanan ba talaga ang pumatay ng tao?

Hindi kaya nagkamali lang si Moses sa pagbabasa sa ten commandments? Di ba matanda


na si Moses nun? Hindi kaya nanlabo lang ang mata niya at wala naman talagang fifth
commandment? Na pwede naman talagang pumatay ng tao?
Kasi kung ganun, uunahin ko si Paeng.

Tawa pa din siya ng tawa kaya inismiran ko siya. tatayo na sana ako at
magwawalkout, katulad ng ginagawa ko nitong linggo nung biglang may nagdoorbell.
Sosyal tong bahay ng magsasaka na to. May doorbell. Kaasar lang!

Tumayo na ako para buksan ang pinto. Sino pa nga ba ang magbubukas ng pinto, eh ako
lang naman ang alipin dito. Grrrrrr!

Pagkabukas ko ng pinto, nagulat na lang ako nung may tatlong naglalakihang lalaki
na bumulaga sa akin!

"Hey! Paeng Boy! What's Up?' Bigla na lang pumasok ang isang matangkad na lalaki.
ni hindi ako napansin.
"What the fuck!" Narinig kong sinabi ni Paeng. nakatulala lang ako nung
nagsipasukin ang 2 pa at lumapit kay Paeng. Tumayo na si paeng at sinalaubong ang
tatlo.

"Langya ka! Dito ka lang pala nagtatago! Pinahirapan mo pa kami!" Nanlalaki ang mga
mata ko sa nakikita ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng tatlong
naggagwapuhang lalaki sa harapan ko. Wala akong matulak kabigin. Pwedeng kabigin ko
na lang silang tatlo?

"What the fuck are you doing here?" Mukhang gulat na gulat si Paeng. Exactly my
question. Sino sino sila? At Kaano ano nila si Paeng? bakit parnag hindi namna sila
welcome ni Paeng? 

Nakatayo lang ako sa may pinto nung mapatingin ang tatlo sa akin.
"Woah! Woah! Woah! who's that girl?" Sabi ng mestisong pogi.

"Who's that pretty little thing" Sabi naman nung matangkad na intsik.

Pero mas nagulat ako sa ginawa nung morenang pogi na matangkad.

"I'm Michael. may I know your name?" Tapos yumukod pa siya sa akin na parang
prinsipe. Tumaba naman ang puso ko. Langya! Ikaw ba naman ganyanin ng isang poging
katulad niya. Hawtness overload lang.
"Back off dude!" Napatingin ako bigla kay Paeng.  Panira talaga to kahit kailan.

"Magsilayas na kayong tatlo." Gusto kong magprotesta. Aba minsan na nga lang ako
nakakasilay, ng kapogian palalayasin niya agad!  Panira!

"Calm down dude. Gusto lang namin magpakilala sa magandang dilag!" Sabi nung intsik
na matatas magtagalog. Pero....magandang dilag daw? Ako Magandang dilag?

Naku! Love ko na si intsik!

"Shut up Gabriel!" Si Paeng sungit ulit.


"Bakit ba kasi andito kayo?" Mukhang irita na irita na si Paeng. Pero infairness
ha. Kahit pogi itong tatlo, di papatalo itong si Paeng. 

"Because I ask them to, prodigal grandson!"Nagulantang naman ako nung may magsalita
bigla sa tabi ko. Fuckness! Bigla na algn sumusulpot. Parnag kinilabutan pa ako. Di
ko man lang na pansin na may katabi na akong matandang poging lalaki.

"Paksyet!" Nagpalabas ulit si Paeng ng isa pang mura. Napaparami ata ang mura niysa
sa araw na to.

"What are you doing here, prodigal grandfather?" Muntik na akong tumawa sa tawag ni
Paeng sa matanda. Prodigal grandfather? What the heck di ba!  Bastos talaga.
"Of course, i wanted to make sure that you keep your promise." The 3 handsome man
grinned and Paeng grimaced. Ano ba ang nangyayari.

"Of course, I keep my promise, prodigal grandfather. In fact, all of you shouldn't
be here because we are on our honeymoon stage. Nang iistorbo kayo!" Honeymoon daw?
Si Paeng? Sino asawa niya?

Tapos lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

  "Michael, Gabriel, Jhudiel, prodigal Grandfather, I want you to met Ana, my


wife."

HANUDAW!!!!!!!!!
=================

Pang Sampung Silip

Pang sampung silip

HANUDAW!!

WIFE??

ME??
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero hindi ako makapagsalita dahil sa shock
at dahil na rin sa akbay niya sa akin na humihigpit ng humihigpit na parang gusto
na niya akong patayin.

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, naintindihan ko naman ang actions niya.
Gusto niya na sumang-ayon ako. Na umoo ako sa sinabi niya. Pero....

Para saan pa ang title ng story na to kung sasang ayon ako? Ano ako sira? Kaya
pagkakataon ko na to para makaganti kay Paengot. Bwahahahhahah! Hihihihihi! Feeling
ko bigang tumubo ang sungay at buntot ko. Makikita mo ngayon Paeng. Feel the wrath
of my revenge. 

"Hindi po. Hindi po..Mmmmmmpppppp!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi


hinalikan niya ako. 

Hinalikan niya ako.


Okay.

What! Hinalikan niya ako.

Ay correction...hinahalikan pa niya ako. Sa tagal ng pagloading ng utak ko, ganun


din niya ako katagal hinahalikan. At ang masaklap pa, nakapikit na ang mga mata ko.
At ang mga kamay ko....

Ano ang ginagawa ng mga kamay ko sa batok niya.

"Honey.... you're so sweet!" Honey?!


Mukhang naalimpungatan naman ako sa napakasarap na panaginip nung nagsalita siya.
At mukhang nakalimutan ko na may apat kami na audience.

Teka! Ano ang nangyari? Nasaan ako? Sino ako? May amnesia ba ako? Hehehehe.

"Ana, makiayon ka sa akin ha! Dahil kung hindi, hahalayin kita sa harap nila
mismo." Sabi niya sa akin ng mahina, habang magkalapit ang mukha namin. At
hinahawakan ng dalawang kamay niya ang pisngi ko. Parang mahihimatay ako sa bango
ng hininga niya. 

Dapat i clear ko ang mind ko. Dapat mag isip ako ng matino, hindi ako dapat
nagpapadala sa bango ng hininga ni Paeng. Kaya ngumiti ako sa kanya para ipakita sa
kanya na sumasang-ayon ako. Kaya ngumiti din siya at lumayo ng kunti sa aki per
nakaakbay pa din.
Nakaharap na kaming dalawa sa tatlong pogi at sa prodigal grandfather. Nasisilaw pa
din ako sa kapogian ang tatlo. Nakangiti silang apat sa akin kaya ngumiti din ako.
Mukhang naghihintay silang     ako ang magsabi at mukhang wala silang tiwala sa
sinabi ni Paeng. I smiled in triumph. I can almost taste my victory.

At isa pa, yung puso, isip, kaluluwa at pati ang hymen ko nagsisigaw na ituloy niya
ang panggagahasa sa akin. In denial lang talaga ako. Kaya go na kung go! Wahahaha.

"Ang totoo po niyan, hindi po totoong nasa honeymoon stage kami" zzziiiiiiipppppp!

Nanlaki ang mga mata ko. Kasi ang mga kamay ni Paeng, nasa may likuran ko na at
ibinaba niya na ang zipper ng palda ko. Waaaaaaaaaaaaaa!! Bakit kasi nagpalda pa
ako? Langya! Don't tell me huhubaran niya ako sa harapan nila? 

Why not Ana? Gusto mo nga magpahalay di ba? Pero shit! nakakahiya naman pag sa
harap nila mahuhubaran ako. Paano kung pipicturan nila? or Ivivideo? Tapos ipopost
sa youtube? Ayaw kong magkaroon ng sex scandal noh! 

Pinapakiramdam ko ang kamay niya. Hawak pa din ang zipper ko. Pakshet! Walang hiya
talaga. Walang pakialam kung mahubaran man ako sa harap ng lahat.

Tiningnan niya ako ng masama. May pagbabanta.  Leche ka Paeng. May araw ka rin!

'Prodigal Grandfather, matagal na po kaming kasal kaya hindi na po kami


naghahoneymoon." Zip. Sinara niya ang zipper ng palda ko. Napahinga ako ng maayos.
Leche! Blackmailer. Lahat na lang ng advantage sa kanya.

"Honey, kahit 50 years na tayong kasal, di ako magsasawa sayo." Sabay hapit sa
akin. Gusto ko na siyang itulak. Manggagamit.
"Mali naman pala ang report mo Jhudiel!" Sabi nung Michael.

"Tangeness!"

"Akala ko pa naman mapapasaakin na si Lilac." Sabi nung Gabriel.  

"Asa ka pa. Kahit ano ang gagawin mo hindi mapupunta sayo si Lilac!" Sabi naman ni
Paengot. Nahahighblood talaga ako sa kanya. Naisahan na naman niya ako. 

"Kaya kayong tatlo, at ikaw prodigal grandfather, pwede ba nang iistorbo na kayo.
And hindi niyo na rin maaagaw sa akin si Lilac. Kaya tsupi tsupi na kayo. May
binubuo kami." Ang bastos taaga. Kainis!
"Ano ang binubuo niyo?" Chorus nung tatlo.

"Malamang, crossword puzzle. Ano ba ang iniisip nyo?" 

"Tsk! tsk! Sige na. Aalis na kami. At ikaw Raphael, ipakilala mo si Ana sa
pamilya." And just like that, nag exit ang apat. Kung gaano kabilis silang
dumating, ganun din kabilis silang umalis. Extra lang naman kasi sila kaya hindi na
kailangan ng mahabang exposure. 

Pagkaalis na pagkaalis nilang apat tinulak ko si Paeng at nagkatitigan kami ng


masama.
"Hoy! Anong palabas yun ha? Ang kapal g mukha mo!"

"Eh sorry naman." Tapos kumamot pa siya ng ulo. "Kukunin kasi nila si Lilac pag
nalaman nila na wala pa akong asawa. Pinipilit nila akong mag asawa eh ayaw ko
pa!" 

"Wala akong pakiaalam! Maghanap ng ng ibang asawa!" tapos tumalikod na ako para mas
dramatic ang walkout. At katulad ng pelikula, hinawakan niya ang isa kong braso. 

"Ana naman! Tulungan mo ako. Ayaw kong mawala sa akin si Lilac!" 

"Eh di si Lilac na lang ang asawahin mo!"  May Lilac naman pala siya ako pa ang
ginawang asawa. 
"Hindi pwede!" 

"Ana naman! Babayaran kita kahit magkano magpanggap ka lang na asawa ko!" Ano daw?
Kahit magkano? Mapapasaakin ba ang house and lot na ito? 

"Sige! Isang milyon" nangingislap ang mga mata ko. Matutupad ko na ba ang ultimate
dream ko.

"Ang mahal naman. Tsaka isang araw lang naman. Ang araw lang na ipakikilala kita.
Pwede na ang 5,000."
"Ano ang akala mo sa akin cheap? Pwede na ang 100K"

"10K" Paeng

"50K" Ana

"15K" Paeng

"30K"
"15K. Ana naman! Isang araw lang. Hindi na masama yun. Libre pa pagkain at yakap sa
akin. Kung makakaswerte ka pati halik, libre." H,mmmmmm.... Kunsabagay.

"Sige na nga!" Ngumiti siya ng malaki. 

"teka sino ba si Lilac at ayaw mong mawala siya sayo?" para kasing napakaimportante
ni Lilac eh.

"Eto oh!" Kinuha niya wallet niya at may kinuhang picture.

Nagulantang ang pagkatao ko.


"PAGPAPANGGAPIN MO AKONG ASAWA MO NG DAHIL LANG SA FLOWERHORN FISH!!!!!!!!!!?"

a/n: nasa gilid po ang pic ni Lilac. 

=================

Pang Labing Isang Silip


Labing Isa

"Ito pa! Tapos ito pa! Ubusin mo yan lahat! Wag kang magtitira!" Bigay lang ako ng
bigay ng pagkain. 20 minutes na ako dito.

"Aba! Ba't di mo kinakain yan? Ha? Choosy ka pa ha? Choosy? Kumain ka na para
lumaki ka kaagad! Gusto mo isaksak ko pa sa baga mo ang pagkain na yan? Hindi
pwedeng hindi mo yan kainin. Ubusin mo! Ang dmai kayang nagugutom sa africa tapos
ganyan ka!!" Tapos   hinampas hampas ko ang salamin. Aligaga naman ang pinapakain
ko.

"Pag hindi mo yan kinain, ipiprito kita!" SAbi ko pa! Walangyang isda yan! Ayaw
kumain. Ang arte arte.  Tilapya lang naman siya na nagkakulay. Bwisit! 

"Kainin mo yan sabi!!!" Hinampas hampas ko ang aquarium. Nagwawala na din si Lilac.
Hindi niya alam kung saan siya magtatago.
"Ana! Ano ang ginagawa mo kay Lilac? Bakit mo siya hinaharass? At bakit ang daming
lumulutang na pagkain niya?" Dumating din sa wakas si Paeng. Andito kasi kami sa
bahay nila na 5 minutes drive lang mula sa bahay niya. Ang adik lang. Akala ko kung
malayo ang bahay nila kasi nga sabi nung prodigal grandfather, pinahanap pa daw
niya si Paeng, eh ang lapit lapit lang pala.

"Hinaharass? Eh pinapakain ko nga eh. Kaso maarte talaga siya. Ayaw kumain!" Dapat
nagpapahinga ako ngayon eh. Leche talaga! Kung hindi lang dahil sa 15K hindi ako
magpapanggap.

"Naiistress siya sayo! And dalawang beses lang siya pinapakain at tig tatlong butil
lang. Tingnan mo ang ginawa mo! Halos maubos ang isang bote!" Kinuha niya ang pang
alis ng dumi ng aqaurium at sinimulang kunin ang pinaglalagay ko na pagkain.

"Naiistress? EH di bigyan mo ng stresstab! Ke arte arteng tilapya."  Bubulong


bulong pa ako habang pinagmamasdan ang kalokohan ni Paeng. Parang baliw lang siya
talaga.
"Baby, don't listen to her. She's just jealous because she's not as beautiful as
you. Now be calm and don't stress yourself." Sabi pa niya sa tilapya. Naiirita ako.
Nung dumating nga kami kanina, halos yakapin na niya ang buong aquarium at ang
isda. 

Baliw talaga. Mabuti na lang at wala ang kapamilya niya. Nagsimba daw kasi lahat.
Kunsabagay, Sunday ngayon. Si Paeng lang ata ang hindi nagsisimba.

"Gago!" Lalayasan ko na sana siya kasi parang masusuka na ako sa ginagawa niya sa
tilapya nung mapatigil ako dahil sa isang tili. Tumili ang  tilapya?? OMG! Totoo ba
ang Frog Prince and in this case, The Fish Princess.

"Raphael!!!!!!!!!!!!!"
"Tito!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Darling!!!!!!!!!!!!"

Susmaryosep! Muntik na akong maipit ng stampede. Bigla ba naman nagdagsaan ang mga
tao papunta kay Paeng.  Kanya kanya silang halik at yakap sa tilapya fanatic.
Napapangiwi ako. Para namang isang dekadang nawala si Paeng.

Pinapanood  ko lang sila sa kanilang little reunion. Maya maya tumingin sa akin ang
matandang babae.

"Ohhh she must be your wife." Ngumiti ako ng peke. Hindi ko masabing, I'm glad to
meet you kasi hindi naman talaga ako glad na makita sila. Mas glad ko sa 15K na
ibabayad sa akin.
"Ahh yes Granny." Lumapit sa akin si tilapya fanatic at inakbayan ako.

"Everyone, this is Ana, my wife. Honey, si Lola, Si...., si...." Hindi ko na


tinandaan lahat. Para ano pa? One day acting lang naman to. Basta Tita at Tito
niya, mga pamangkin, at ang tatlong lalaki na pumunta sa bahay niya na mga pinsan
pala niya at si prodigal grandfather.

"So you're the lucky girl." Komento pa ng Lola. Ako lucky? Ang sabihin niyo malas
ang babaeng papatol kay Paeng. Pero siempre aarte ako kasi baka katasan angf 15K.

"Oo nga po. Pasensiya na po kung ngayon niyo lang ako nakilala. Nagagalak po akong
makilala kayo pati na din ang yellowish pink na tilapya." Tiningnan ako ng masama
ni Paeng. Parang sinsabing....Don't talk ill of my fish.  Pero pake ko di bah?
Nakita ko naman na nakangisi ang mga pinsan niya pero nagulat ako sa reaction ng
lola nila.

"You know I like her already! I like witty and frank girls." Nanlaki naman ang mga
mata ko. She like me seriously? Dahil tinawag kong tilapya si Lilac.

"Granny, Lilac is a flowerhorn. Hindi siya tilapya. Okay!" So the obssession


doesn't run in the famiy.

"They are both from the same genus. They are both cichlids, for goodness sake
Raphael!" Tama yan Lola. Very good. Bibigyan kita ng 3 stars. Wahahahah.

Ngumisi ako pero nahuli ako ni Paeng at pinalakihan niya ako ng mata. Bahala ka
jan.
"At dahil nandito na lang rin kayo, at dahil nag asawa ka na rin Raphael, I believe
wala ng sense ang paglalayas mo. Wala ng magtthreaten kay Lilac.  Dito na kayo
tumira sa ancestral house. Para matingnan mo na din paagi ang isdang yan." Nanlaki
ng mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin na dito kami titira!

No way! Subway!

"Pero Lola... my sarili ako bahay and.." Hindi na natpos ni Paeng ang sasabihin
niya kasi sumenyas na si Lola ng stop. Parng red light lang.

"No buts Raphael. No buts if you don't want  to be the death of me." She said with
finality.
Patay ka ngayon Paeng! 

=================

Pang Labing Dalawang Silip

Thanks for the cover sis Demisse.

Pang Labing Dalawang Silip


Wahahahahha. Wahihihihi.

Ano ka ngayon Paeng ha? Wala ka palang binatbat sa grandma mo eh.

“Ikaw hija? Okay lang ba sayo na dito na tumira?” Ano daw?

“Po? Bakit naman po ako nasali sa usapan niyo?”

“Aba eh siyempre, ikaw ang asawa niya, kaya kasama ka!” Hala! Bakit ko nakalimutan
na nagpapanggap pala kami. ANg galing ko pang magsabing patay ka Paeng pati pala
ako patay din.
“Grandma naman. Malapit lang naman ang bahay ko dito kaya  kahit di na kami tumira
dito.” Nagsasalubong na ang kilay ni Paengot.

“Wag ka nang magreklamo! At dahil alam kong civil wedding lang ang ginawa niyo kaya
ipapakasal ko kayo sa simbahan.”  Hala si Grandma! Ang galing magjoke! Hahahhaha.
Natatawa naman ako.

“Grandma!” Apila pa din ni Paeng.

“Yan na ang desisyon ko!” Sabi pa ni Grandma. Teka lang! Aba! Aba! Iba na pag kasal
na ang pinag uusapan. Di na ako makakapayag niyan. AT lalong lalo na kung si Paeng
ang magiging asawa ko.  Ewww lang ha.
At ano ang akala niyo sa akin? Papayag na lang basta basta na ipakasal kay Paeng?
Oh c’mon! Siguro kung typical akong heroine sa mga story siguro papayag ako na para
bang wala akong isip at magpapatianod na lang sa sitwasyon because the story calls
for it. Pero di ba nga, sinabi ko na, prologue pa lang na hindi ito love story kaya
bakit ako papadala sa pagppressure sa amin ni Grandma at ng author na wala ng
maisip na magandang dahilan at pinipilit na magkatuluyan kami ni Paengot?

Sinabi ko na, na hindi ako papacontrol sa author.

“Grandma! Hindi mo kami kailangang ipakasal kasi in the first place, pinilit lang
po ako ni Paeng!” Bigla ko na lang sinabi that earned gasped from our audience na
lahat kapamilya ni Paeng.

“A-Ana... anong sinasabi mo dyan? Grandma, nagbibiro lang si Ana.” Sabi ni Paeng
habang tumitingin sa akin.  Pero mas mahalaga ang freedom ko kaysa sa 15K. Sina
Bonifacio nga namatay dahil sa freedom nila, ako pa kaya?

“Hindi ako nagbibiro! Totoo naman di ba? Pinilit mo ako! At hindi po totoong kasal
kami! Pinagpanggap lang niya ako ng dahil kay Lilac.” Namumula na ang mukha ni
Paeng. Hindi ko akalaing may capacity siyang magblush.

“You deceived us!” Chorused nina Prodigal Grandfather, Michael, Jhudiel at Gabriel.

“Ang totoo po niyan kaya kami nagkakilala kasi sinilipan niya ako!” Sabi ko pa!

“My God!” Tili ng Tita ni Paeng.

“Gosssshhh!” Hindi ko alam kung sino ang maarteng nagsabi nun.


“You did that Raphael?” Sabi ni Grandma na naniningkit na ang mata kay Paeng.  

“I didn’t mean to. I saw her trespassing on our property.” Pagtatanggol pa ni


Paengot.

“So it’s true na sinilipan mo talaga siya?” Nahintakutan si Grandma sa pag amin ni
Paeng.

“Sinabi ko nang hindi ko sinasadya!” Medyo napalakas na ang boses niya. Alam kong
pahiyang pahiya na siya at ako naman, masayang masaya. Nakikinita ko na ang
kalayaan ko sa mga kamay ni Paeng. Ssa wakas mawawala na din ang pagiging alipin
ko, ang pagiging indio. This is my chance at freedom. Ahehehe.

“Hindi mo sinasadya? Are you trying to make me believe na nadapa ka lang at


pagtingin mo nasilipan mo na si Ana?” Exactly my point Grandma. Yan din ang sinabi
ko nung una. I love you Grandma!
“Grandma naman!” Wala ka nang magagawa Paeng. Makakalaya na ako sa pamamalupit mo
sa akin. AT long last! Wahahahaha.

“Wag ka ng magsalita! Sa ayaw at sa gusto mo kailangan mong panagutan si Ana! At


binahay mo pa talaga siya! Hindi ka na nahiya sa kanya!” AY Lola matagal ng walang
hiya ang apo niyo. Gusto kong sabihin yun pero siempre hindi muna sa ngayon.

Pero ano daw panagutan?

“Lola hindi na po kailangan kasi mabait naman po akong tao at...” pero hindi niya
ako pinatapos sa pagsasalita.

“Hindi! Ikaw ang naperhuwisyo tapos ikaw pa ang aayaw? Dapat panagutan ka ng apo
ko. Nung kapanahunan namin makita lang ang tuhod mo ng isang lalaki eh kailangan ka
nang pakasalan.” Hala! Ganun? Sana pala nabuhay na lang ako sa kapanahunan ni
Grandma. Kay daling mamikot nung panahon na yun. Hehehe.
“Ako’y nakakasiguro na hindi lang tuhod ang nakita Raphael sayo!” AY grabe si
Granny. Di naman mapilit.

“Nakita din niya ang kili kili ko Grandma!” Ahihihihi. Totoo naman eh. Naghihilod
ako nung time na yun!

“See! Kaya kailangang magpakasal kayong dalawa sa simbahan. Por dios! Kawawa naman
ang puri mo pag hindi ka pinanagutan ng apo ko!” Hala! May ganun? Puri? Para namang
hinalay ako! Eh hindi pa nga nangyayari yun. At may ‘pa’ pa talaga sa sinabi ko.
Nag eexpect?
“Grandma, wala na pong puri yan!” Aba! Gumaganti talaga ang mokong.

“Nakita mo na! Nakuha mo na pala ang puri tapos tatanggi kang magpakasal! Nasaan
ang pagiging lalaki mo Raphael. Tandaan mo, wala sa pamilya natin ang umuurong sa
responsibilidad!” Gosh! Napakalaking responsibilidad pala pag nakakita ka ng kili
kili! Hehehe. Pero ang seryoso ni Lola ha.

“Basta! Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon! Period. No erase.”  Sabi pa


ni Grandma.

“No way!” Sabay naming sabi ni Paeng.


Akalain mo yun, for the first time after so many months, nagkasundo kami!!!!!

Hoooorraaayyyy!
Pero bigla nawala ang ngiti ko kasi nagsalita si Grandma.

“Kakausapin namin ang mga magulang mo Ana! Mamamanhikan na kami”

Ito ba ang sinasabi nilang....


PIKOT?

Pero sino ang napikot?

SI Paeng?
O

Ako?

=================

Pang Labing Tatlong Silip

Pang Labing tatlong Silip.


“Ayaw mong magpakasal sa akin?” Tanong ni Paengot sa akin. Nasa garden kami ngayon
ng bahay namin. Ang bilis ng panahon di ba?  Parang kelan lang sinabi ni Grandma na
kakausapin nila ang parents ko. Ngayon andito na kami at kinakausap nila. Iniwan
muna namin sila sa loob at nag excuse kami ni Paeng para makaapg usap.

“Oo” Walang atubiling sagot ko.  Magpapakipot pa ba ako sa bagay na yun, eh alam ko
naman ang gusto ko.

“Mas ayaw kong magpakasal sayo! Hindi ko pinangarap na mapurga ng itlog!” Ang kapal
ha! Para siya marunong magluto.  Tseeeee!
“Mas ayaw ko naman na magluto at magbati ng itlog mo! Akala mo tuwang tuwa akong
gawin yun?” Inismiran ko nga! Kapal ng mukha niya huh! Excuse me lang po!

“So nagrereklamo ka ngayon?  Malay ko ba naman na ayaw mong MAGBATI ng ITLOG ko? Sa
tingin ko kasi nag eenjoy ka masyado sa PAGBATI at PAGKAIN ng ITLOG ko!” Teka!
Teka! teka! Bakit nakacaps lock ang mga yun?

“Sa tingin mo lang yun! Nakakangalay ang magbati ng magbati! Hmp!”  Bakit nga ba
napunta sa usapang bati ng itlog ang usapan na to? Pakiremind nga ako.    

“ So ano ang gusto mo? Ako ang magBATI tapos ikaw ang KAKAIN? May pangangailangan
din ako. Kailangan ko din kumain!” Napanganga ako sa mga sinabi niya. Bakit pag
lumalabas sa bibig niya, iba ang naiisip ko?
“Ang bastos mo!” Hindi ko na mapigilang sabihin yun. Feeling ko pulang pula na ang
pagmumukha ko. Langya!

“Ano ang bastos sa sinabi ko? Hindi masama ang MAGBATI at KUMAIn ng ITLOG ko.” 
Tapos nag grin siya. Nanlaki ang mga mata ko.

Ngumisi siya.    Sinasabi ko an nga ba na bastos ang naiisip niya.


“Tumahimik ka nga! Ayoko ng makarinig ng kahit na ano tungkol sa itlog mo.” Langya.
Kailangan ba talaga ang itlog may kasabay na ‘ko’ at ‘mo’?

“Ang pinag uusapan natin dapat ngayon ay kung paano lusutan ang lahat ng to. Kung
paanong hindi tayo masakal sa isa’t isa.”  Sabi ko na lang. Nakakapag init kasi ang
topic kanina. Feeling ko nagluluto ako.

“Mabuti naman na nagkakasundo tayo sa bagay na yan. We agree to disagree.”  Sabi pa


niya. Hay naku! Ang smirk na naman niya na yan. Nakakaloko lang.
“So ano ang gagawin natin para hindi matuloy ang sakall?” Tanong ko naman sa kanya.

“Magtanan tayo? In that way hindi matuloy ang kasal. Walang kasal na
matutuloy!”Binatukan ko siya.  Kung makapag isip! Bwisit! Tanan? Ayaw nga namin
magpakasal tapos magtatanan kami? Anong klaseng utak ba meron siya?

Kunsabagay may point siya. Hindi nga matutuloy ang kasal pag ganun kasi wala na
sialng ikakasal! Pero leche! Anong klaseng idea yun?
“Gago ka!”

“Sige nga! Ikaw mag isip! Nagmamagaling ka eh!” Sumandal pa siya sa upuan at
nagcross arms.

“Eh di ipilit naitn na ayaw natin magpakasal! Bigyan natin sila ng rason na hindi
tayo nagmamahalan kaya hidni tayo dapat ikasal!” Huh! Akala mo naman Paeng wala
akong naisip. Sa talino kong to??
“Ha! Asa kang maniniwala sila. At saka hindi uso ang nagmamahalan sa panahon nila
Grandma. Uso ang arrange marriage dati. At kung verbal discussion ang pag uusapan,
wala tayong panama kay Grandma. Kita mo naman nung ipilit niyang mamanhikan kami.
May nagawa ka ba?” May point siya. Wala nga akong nagawa. Lalo na pag bnagsabi si
Grandma ng period. No Erase. Parang lahat ng sasabihin mo pa pag sinabi na niay yun
ay overruled na.

“Eh ano ang gagawin natin?” Napasalampak na ako sa mesa. Ang hirap naman ng
sitwasyon na to. Ang hirap kalabanin ng author.

“Hindi madadala si Grandma sa verbal discussion.” Dagdag ni Paeng.


“Sa email kaya?” Napatawa siya.

“Ilalagay niya yun sa spam folder.”

“Eh sa skype at YM?”


“Ilalagay ka sa block list!” Potek!

“Daanin na lang natin reverse psychology.” Suhestyon ko.

“Ahh ganun? So magpapanggap tayong gusto natin ang isa’t isa. Eh di natuwa yun! Ana
naman! Kung makapag isip.” Naiinis ako. Kailangan may panlalait?

“Hmp! Sige iakw ba may naisip ka na magandang idea?”


“Eh sa emotional blackmail? Sabihin natin na magpapakamatay tayo kung ipilit nila
na magpakasal tayo.”  Tumaas taas ang kilay niya.  

“Ayoko nga! Mahalaga ang buhay ko noh! Asa ka naman na magpapakamatay ako ng dahil
sayo.” Hindi naman siya ganun kaimportante.

“Wala kang speech na ‘I’d rather die than marry you.’ Or ‘Over my dead body’? So
mas gusto mo pang magpakasal sa akin kaysa sa mamatay?” He wriggled his eyebrows. 
Bwisit talaga!
“Leche ka! Tumahimik ka na lang. Wala kang maisip na matino. Ako na lang ang mag
iisip ng paraan.”

“Fine!” AT sumandal ulit sa upuan.

Tapos biglang nag ilaw ang isip ko. Napatayo ako bigla.
“Alam ko na!” Tiningnan lang niya ako ng boring na tingin.

“Alam ko na ang paraan para di tayo mapakasal.   Kung hindi natin madadala si
Grandma sa santong dasalan, sa diplomasya at sa magandang usapan dahil natin siya
sa physical na paraan!” I beamed at him.

“Papabugbug mo si Grandma? Aba hindi ako makakapayag sa ganun!”


“Ulol! Sinabi ko ba yun? Ang sinasabi ko ay JNP!”

“JNP???” takang taka siya sa sinabi ko.

“Jak en Poy! Tanga!  Hamunin natin si Lola ng JNP at dahil hindi na maliksi ang
katawan ni Lola, mananalo tayo sa JNP!” Punong puno ako ng enthusiasm.  Parang
biglang naging spring bigla. Hahahah.
“Sigurado ka na gagana yang sinabi mo?” Wala talagang tiwala sa akin ang bwisit na
to.

“100% sure!” Ang laki ng ngiti ko.

“Oh sige. Basta ikaw ang makipagJNP ha! Tsk tsk! Isip bata.” Narinig ko pa ang isip
bata na sinabi niya pero hindi ko na pinansin. Masaya ako eh.
“Oo ba! Champion ata ako dun nung bata pa ako. Ano? Deal? Yun ang gagawin natin?” 
Nag thumbs up pa ako sa kanya.

“Deal! Now let’s seal the deal with a kiss.” Langya!  Tiningnan ko siya ng masama.
Ang laki ng ngisi niya. Kung hindi ko lang naisip na baka mag back out siya sa
plano namin, sinapatos ko na siya.

Kaya tinalikuran ko na lang siya at pumasok sa bahay namin. Sumunod naman siya sa
akin. I am now full of hope.
“Oh, andito na pala sila. Nakapag usap na ba kayo ng maayos?” Sabi agad ni Grandma
pagkapasok namin.

Nakaupo na silang lahat sa sofa namin at nanonood ng Dong Yi. Mukhang tapos na din
silang mag usap? Ang bilis naman ata.

“Opo Grandma, Nakapag usap na kami ni Paeng at nakapagdecide na kami!” Proud na


proud kong sinabi. Ang laki ng ngiti ko. Kulang na lang humalakhak ako.
“Grandma may sasabihin kami sa inyo.” Excited na sabi ni Paeng. Siyempre, nakaisip
na kami ng magandang paraan para matakasan ang kasal namin. If I know he would
steal my idea pa! Hahaha. Sa wakas! Hahaha! Free at last! Free at last! Thank God
Almighty, I am free at last.

“Kami rin may sasabihin din sa inyo.” Singit ni Grandma. “ Next week na ang kasal
niyo. Nakapagdecide na kami sa motif, sa venue, at sa lahat lahat. Pati yung paring
magkakasal, natawagan na namin at nakapagpareserve na kami sa simbahan, sa
caterer,  sa cake,  sa gown at natawagan na din namin ang mga ninong,  ninang pati
secondary sponsors niyo. Kami na ang bahala sa lahat. Hintayin niyo na lang ang
araw ng kasal niyo!” Ngiting ngiting sabi ni Grandma. Napatingin ako sa mga tao sa
loob ng bahay namin.

Lahat sila ang laki ng ngisi.


Kami lang ata ni Paeng ang di ko alam kung nakanganga ba o nakangiwi.  

Teka. Gaano ba kami katagal nag usap sa garden? Wala pa namang isang oras dun ah.
Paano nila nagawa ang lahat ng yun?
At paano na lang ang JNP?

Oh noooo!!!!!!!!

A/N: ANg hirap mag update ng sabay. Kasi ang lungkot ng update ko sa Charm, tapos
dito ganito! Parang sira ako.

=================

Pang Labing Apat na Silip

Labing Apat
"Hays" Pinatong ko ang chin ko sa palm ko na nakatukod sa mesa.

"Hays" I squinted my eyes at him tapos inismiran siya.

"Hays!" huminga ulit ako ng malalim.

"Hays..." Bumuntong hininga din si Paeng.

Tiningnan ko na siya ng masama. Nananadya ba to? Bakit sinasabayan niya ang


buntunghininga ko?

"Gaya gaya ka ah! Nang aasar ka ba?" He gave me a side way glance.
"Bakit bawal na ngayon bumuntunghininga? Exclusive na ba sayo ngayon yun? May
copyright at patent ka ba ng buntunghininga?" Naningkit ang mga mata ko. Kahit
kailan walang kwenta kausap itong si Paeng.

"Bwisit ka! Kasalanan mo ang lahat ng to! Kung hindi dahil sayo hindi ako
mamroroblema ng ganito. Binigyan mo ako ang problema!" Gusto ko siyang sabunutan
pero hindi ko magawa kasi ang iksi ng buhok niya. Kainis!!

"Ikaw nga ang pinoproblema mo ang pagpapakasal lang samantalang ako may iba pa!"
Himutok din ni Paeng. Andito na ulit kami sa garden namin. Bumalik na kami
pagkatapos ng litanya ni Lola.

"Bakit may mas masahol pa ba kaysa sa pagpapakasal sayo?" Wala na! pag nagpakasal
kami end of the world na. Ngayon pa nga lang na hindi pa kami kasal pinag aawayan
namin kahit ang buntunghininga paano pa kaya pag kinasal kami. Aba baka pag awayan
namin kung saan papunta ang langgam!! 

"Oo. Kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga girlfriends ko na ikakasal na
ako." Nanlaki ang mga mata ko. 

"Mga girlfriends? At ilan ang 'mga' gf mo?" Naging curious naman ako bigla. Akalain
mo ba namang may papatol pala kay Paeng! Wahahaha!
"Now. lemme count." Sabay taas ng kamay at parang grade one na nagbilang sa kamay.

"Si Aileen, Bianca, Casper, Demisse, Ella, Fran, Gretchen, Helene.." Habang
sinasabi niya yun nanlalaki ang mga mata ko.

"wag mo sabihing buong alphabet ang gf mo?" Impossible! Nagyayabang lang yang si
Paeng.

"Hindinaman. Wala akong gf na may pangalang nagsisimula sa letter O, Ñ at Ng." He


said matter of factly.

"So 25 ang gf mo?" Nagpapatawa talaga itong si Paeng. Napakalaking kalokohan.

"Hindi naman. Doble kasi ang S at R. Sina Sheila at Sharmaine at si Rona at Rich."
Sa tingin niya maniniwala ako? Hahahaha. naghahaluccinate na ata itong si Paeng.
"So ganun kakagwapo?" lalong tumaas ang kilay ko.

"Hindi ba halata?" Huh! May signal number 20 ata.

"Hindi ko nakikita. Baka kailangan ng salamin ng mga gf mo!" Wala! Walang matinong
babae ang papatol kay Paeng.

"Kung makapagsalita ka akala mo naman kagandahan ka!" tapos tiningnan niya ako mula
ulo hanggang paa. Bwisit to!  Kung makatingin naman akala mo hinuhubaran na ako.

"Ni wala ka ngang dibdib." Sabi niya bigla. Nagulantang ako sa sinabi niya. Anong
walang dibdib? Bigla kong nahawakan ang dibdib ko at tiningnan ang ilalim ng collar
ko? Bulag ba siya? 36C ang bra size ko tapos walang dibdib? Anong ibig niyang
sabihin sa dibdib? 40F ang size! Ang kapal ha!

"At may bilbil ka pa at wala kang balakang!" Kulang na lang magbuga ako ng apoy sa
mga sinasabi niya. Sobra siya kung makapanlait. 36-25-35 at vital statistics ko
tapos sasabihin niya ang mga ganun!? Kaya nga ako naging Reyna Elena last Year eh!

Hambalusin ko kaya siya ng mesa at ng matauhan siya.

Tiningnan ko siya ng nakakamatay pero ngumingisi lang siya. Ngising aso. Bwisit!!
Tapos prenteng prente pa siyang nakaupo sa upuan.

"Sinasabi mo lang yan kasi hindi mo pa nakikita ang katawan ko!" Huh! Maglalaway
siya pag nasilayan niya ang alindog ko.

"Anong hindi? Ilang beses ko na yan nakita! Rumampa ka ba naman sa harap ko ng


nakatapis. Tapos minsan nakita kitang nagbibi...Aray!" Tumayo na ako at binatukan
ko siya. Langya! Ipaalala ba sa akin yun? Yun yung mga panahon na inakala kong
bakla siya! Bwisit! feeling ko pulang pula na ako sa mga pinagsasabi niya.

Kakahiya talaga! At itong walanghiya pinapaalala pa talaga sa akin. 

Gigil na gigil ako sa kanya kaya pinaghahampas ko siya. pagkatapos lait laitin ang
kagandahan ko ipapahiya pa ako sa sarili ko.

Tumayo na din siya para pigilin ako sa paghahampas. 

At sa kakaiwas niya sa akin nasagi niya ang paa ng inuupuan niya kanina kaya na out
of balance siya.
At dahil hawak hawak niya ang isa kong kamay, nadala ako nung matumba siya.

Flat siyang nakahiga sa bermuda grass at nakadapa ako sa kanya. Yung kamay niyang
nakahwak kanina sa kamay ko, ngayon nasa bewang ko na at sinusuportahan ang weight
ko. 

Ang lapit ng mukha namin at ngayon ko lang napansin na ang haba pala ng  pilikmata
ni Paeng. Ang OA lang sa haba.  Talo pa ang pilikmata ko. At ang ilong niya, ang
tangos pala at ang pointed. And who would have thought na pinkish pala lips niya
despite sa pagiging magsasaka niya. At mamula mula pa ang cheeks niya dahil sa init
kasi naglagi kami sa garden. Pogi pala talaga itong si Paeng noh?

Ay tae Ana! Anong pogi? Nilalagnat ka ba?

Doon ako natauhan.  Ano ba ang mga pinagsasabi ko! Haller! I was about to stand up
nung maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa bewang ko at kinabig niya ang ulo
ko pababa kaya lumapat ang bibig ko sa bibig niya.

Paksyet! Don't tell me na ipaparanas sa akin ng author ang napakacliche' na scene


na pagkatapos matumba maghahalikan ang dalawang bida!  Hindi ba niya alam na hindi
kami ang bida? Na magkaaway kami ni Paeng.

Hindi pupwede it-------------

His lips moved and opened and nibbled my lower lip. Napasinghap ako. Bakit ang
tamis ng lips niya? He taste of mint and lime. Ang sarap lang tikman. Napapikit ako
dahil gusto kong matikman what's beyond that lemon and mint flavor. So I nibbled
his lower lip too which made him moan. Humigpit lalo ang ang yakap niya sa akin and
I felt his tongue knock on my teeth and his other hand grasped my ass.

"Ahem!"

Napatigil kami ni Paeng. Dumilat ako bigla. 

Tumingin kay Paeng at sa paligid. Bigla uminit ang pagmumukha ko.

"Oi mga bata! May kwarto naman, bakit dyan kayo sa damuhan?" Feeling ko namula pati
ang ingrown ko nung makita ko silang lahat na nakatingin sa amin ni Paeng. Tapos si
Grandma, ang laki ng ngiti. 

"Grandma...." Aalis na sana ako sa pagkakadagan kay Paeng pero nagulat ako nung
pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko lalo kaya di ako nakaalis. Instead
lalong nagdikit ang mga katawan namin.

At tumayo ang lahat ng dapat tumayo sa akin nung bumulong siya sa tenga ko...
"It isn't that bad marrying you after all."  

=================

Pang Labing Limang Silip

Labing L:ima

“Pag kinasal na tayo, hindi mo na ako pwedeng  maging alila.”  Bulong ko sa kanya.
Nakita ko siyang nagsmirk pero nakatingin pa rin sa harap.
“Pag kasal na tayo, walang pakialaman ng buhay.” Sabi din niya sa akin.

“Para namang ikinatutuwa ko pakialaman ang buhay mo!”Umismid ako. “Hindi tayo
pwedeng magsama sa isang kwarto. Dapat may sarili akong kwarto.” Tiningnan niya ako
saglit.

“Kahit na magkahiwalay pa ng bahay eh!” Kapal ng mukha ha! Para naman gusto kong
tumira kami sa iisang bubong.

“Buti naman at nagkakaintindihan tayo. At isa pa pala, hindi natin kailangan


magpanggap na sweet kasi alam naman ng lahat na pinikot lang tayong dalawa.”

“Couldn’t agree more. Oo nga pala, wag mong papakialaman si Lilac. Ayoko nang
maulit ang pag ooverfeed mo sa kanya dati!” Tumaas lang ang kilay ko.
“Lasunin ko yang tilapya mo eh!” Sabi ko naman kaya napatingin ulit siya sa akin at
tiningnan ako ng masama.

“Subukan mo lang!” Sabi pa niya. Kainis! Ang init init na nga, tapos nagtatalo pa
kami.

“Talaga!” Hamon ko pa kay Paeng pero napalakas ata ang boses ko.

“Ahem!” May tumikhim sa harap namin.

“Ahmmm..hija...” Napatingin ako harap at ngumiti sa Pari.


“I do.” Narinig ko ang tawanan.  Baket sila tumatawa.

“Wala pa akong tinatanong hija.” Sabi ng Pari. Napahiya ako doon. Nakita kong
nakangisi si Paeng!  Dukutin ko mata mo eh!

“Ahhh wala pa ba? Eh ano po yun Father? May tumutol ba? Sino? Salamat naman!”

 Ang sasabihin ko sana ay makinig kayong dalawa ng magiging asawa mo!” Hala nagalit
na si Father.  Oo kinakasal kami ngayon. Nasa harap kami ng altar at nasa harap ni
Father.  On going pa ang ceremony pero wala sa amin ang nakikinig. Nag uusap or
rather nagtatalo kamitungkol sa rules namin pag mag asawa na kami.

Pero dahil sa pinansin na kami ng Pari, napilitan kaming makinig. Ito na talaga
wala na talaga kaming kawala. Masasakal na talaga kami. Matatali na akong habang
buhay sa Paengot na ito. My life has been sentenced. I have been doomed.
Tiningnan ko ulit si Paeng. Nakikinig siya sa Pari kaya kinalabit ko siya.
Tiningnan niya ako ng masama. Parang sinasabing, ano na naman ang kailangan mo?

“Kelan tayo magdidivorce?”

“Bukas!” Sabi niya tapos sabay tingin ulit kay Father.

---------------

“Mabuhay ang bagong kasal!!” Sigaw ng mga tao sa paligid namin. Pero ako gusto ko
nang mamatay!  Bakit kasi Filipiniana ang motif ng kasal ko? Ahhhhhh.. gusto ko
nang magpakamatay dahil sa init ng damit ko!

Laking pasasalamat ko nung natapos ang lahat at pumunta kami sa reception. At least
doon aircon at may pagkain.

Hindi pa nga ako kumakain  nagsimula na ang program. Sasayaw na daw kami. The pak
di bah? Kailangan pa ba yun? Pero kahit ano pang reklamo ang gawin ko, wala na
akong magagawa. Andito na eh! Nakapirma na kami sa marriage contract. Langya!

Nagpakagentleman si Paeng at iginiya ako papuntang gitna tapos nagsimula na kaming


sumayaw. Nung una, nakasimangot pa ako, pero habang tumatagal, ngumingiti na ako.
Paano naman kasi, may naglalagay ng pera sa mga damit namin. At wala pa akong
nakitang below 500 ang bigay.

Pero lang talaga ang makapagpasaya sa akin.

“Anong nginingiti ngiti mo dyan?” Biglang nagsalita ang panirang si Paeng.

“Wala!” Pero sa isip isip ko, ang yaman ko na! May pambayad na ako sa divorce!
Wahahahaha.

Tapos biglang kumalansing ang baso at kubyertos. And the guest are all standing
hampas mahinang pinapalo ang wine glass ng bread knife.  Tapos sabay sabay silang
nagchecheer ng kiss. Ay tae! Kailangan ba talaga ng ganito?

Tiningnan ko si Paeng, nakangisi siya. Sinong lalaki ang hindi ngingisi sa maaring
mangyari? OO nga kanina nagkiss kami sa simbahan pero smack lang yun at saka
required pero ngayon, di naman kailangan na magkiss kami di ba?

“Kiss daw!” Udyok pa niya na may nakaklokong ngiti sa labi.

“Kiss mo mukha mo!” Sabi ko sa kanya. Nakita kong tumaas ang kilay niya at nagulat
ako sa sunod na ginawa niya. Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya kaya
nagkalapat ang mga katawan namin at lumapit din ang mukha ko sa mukha niya. And
before I could even blink, he claimed my lips.

The crowd cheered, naghihiyawan sila, pero bakit ganito? Bakit parang nagbablur ang
hiyawan nila habang tumatagal ang halik ni Paeng sa akin?

Napapikit ako. Parang may umuudyok kasi sa akin na pumikit pero laking pagkakamali
ko kasi nung pumikit ako mas lalo kong naramdaman ang mga labi niya sa labi ko. I
unconciously encircled my arms around his neck.  Pulling him closer to me and he in
turn pulled me against him. Hindi ko alam kung gaano katagal pero natigil alng ang
paghahalikan namin nung may sumigaw...

“Oi sabi namin kiss lang, hindi make out! Mamaya pa ang honeymoon!” Nagtawanan ang
mga tao. Feeling ko pulang pula ako sa kahihiyan.

Bakit ganun? Tuwing hinahalikan niya ako, feeling ko nawawala ako sa sarili. Ano
to?

“Ana, kailangan ba talagang hiwalay ang kwarto natin?” Tumayo ang balahibo ko kasi
ang lapit ng bibig niya sa tenga ko. Parang kinuryente ang buong kalamnan ko.

Pero ano daw?

Hiwalay ang kwarto?

Sino nagsabi noon?


Tapos naalala ko, sinabi ko pala yun kanina habang kinakasal kami.

Eh ano ngayon?

Those are only rules.

Hindi naman yun Philippine Constitution.

=================

Pang Labing Anim na Silip

Labing Anim
Tapos na ang kasal at umuwi na kami sa ancestral house nila Paeng. Bukas pa daw
kasi ang honeymoon namin.

Honeymoon? Asa naman sila to the highest level. 

Pagdating namin sa kwarto nag impake na kami kasi pupunta daw kami sa Africa bukas
para sa aming honeymoon. Regalo ng Tita ni Paeng. Day Tour daw at kalahating araw
lang. Wahahaha. Joke lang.

Ang totoo hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi bukas pa daw ibibigay ang
ticket. Pa suspense pa sila, baka naman sa kalapit bayan lang ang honeymoon namin.
Wahahah. Ang bad ko. Ako na nga lang ang makakapagbakasyon, nanlalait pa ako.

Naligo na din ako pagkatapos kong magligpit kasi napagod ako sa sakal. Pagkatapos
nahiga na ako sa kama. Ang sarap pala ng kama ni Paeng. Anlambot lang.

Kung itatanong niyo sa akin kung saan si Paeng, aba, malay ko! Mukha ba akong
hanapan ng lost and found?

Nakakaidlip na sana ako nung magbukas ang pinto at pumasok si Paeng. May dalang
isang box.
“Ano yan?”  Tanong ko kasi nilagay niya sa kama.

“Regalo.” Regalo? Isang box? Ganyan lang ang regalo namin? Wala man lang kahit
isang electric fan?

“Yan? Hindi man lang nakabalot?”

“Walang regalong in kind. Nilagay daw sa invitation na cash alng ang pwede.” Ganun?
So ibig sabihin pera ang laman ng box na yan?

Binuksan na niya ang box at may nakita akong sangkatutak na sobre. Yung iba
makakapal, yung iba naman maninipis.

Lumapit ako sa kanya at kumuha ng isang envelope. Pagbukas ko, tseke, nakapangalan
kay Mr. and Mrs. Angelo Raphael Villegas.

Akalain mo yun! May Angelo ang pangalan niya. Hindi bagay.   

At sosyalin ang apelyido niya ha. Villegas. At oo, ngayon ko lang nalaman ang
apelyido niya.

Pero sosyal na ngayon ang pangalan ko. Ana Cruz Villegas. Bongga! Hahaha.
Pero hindi pa doon nagtatapos ang pagkaamaze ko kasi nanlaki ako nung makita ko ang
amount ng check.

Php50,000.00. The heck! Regalo sa kasal ganung amount?

Nanlalaki ang mga mata ko habang binibilang namin ang mga naibigay sa amin kasama
na yung mga isinabit sa damit namin.

“Magkano lahat? Daliii! Excited na ako!” Tiningnan ako ng masama ni Paeng.

“Eight hundred, sixty seven thousand, nine ninety six and sixty nine centavos.”
Recite ni Paeng. Ang laking regalo nun. Pero bakit...

“Bakit may butal?” Bakit may 69 cents?

“Malay ko! May nagbigay kasi ng tseke worth, Php69,696.69.” Ang laki ng ngisi niya
habang sinasabi niya yun. Bastos!

“Wow! Ang sarap magpakasal noh! Pakasal tayo ulit bukas!”  Hahahaha.
“Akala ko ba gusto mo na ng divorce?”

“Eh di divorce muna bago kasal!” Tama rin naman. Hindi kami makakasaal hangga’t di
kami divorce.

“Di ba pwedeng kasal, tapos honeymoon tapos divorce?” Ang lagkit ng tingin niya sa
akin. Feeling ko namula and dulo ng mga balahibo ko.

“Joke time ka Paeng!” Sabi ko na alng para mapagtakpan ang kaba ko. Totohanin kaya
niya? Waaaaaa! Excited na ako! Hahahaha. Joke lang. Ay hindi. Joke lang yung joke
lang.  Pero joke alng talaga. Ay ewan ang gulo ko.

“Joke time pala ha! Teka maliligo lang ako.” AT umalis na siya at pumunta sa banyo.
My gosh!! Ito na ba yun? Totoo ba talaga toh?

Ang lakas ng kaba ko, hanggang sa lumabas siya ng banyo na nakatapis lang ng
tuwalya. Sanay naman na ako na nakahalfnaked siya kasi ganun naman siya dati sa
bahay niya pero bakit iba ngayon? Huwaaaahhh!

Gusto ko na tuloy magnovena.

Tapos pag tumitingin pa siya sa akin, parang nag aakit. Tumalikod ako nung buksan
niya ang cabinet niya para kumuha ng damit.

Wala man lang delikadesa na doon magbihis sa banyo. Wala talagang hiya.
“Hoy!” Sabi niya bigla sa malapit sa tenga ko.

“Ay taong hubad!” Tumawa siya ng malakas. Feeling ko uminit ang buong pagmumukha
ko. Walang hiya! Pinagttripan ako. Bwisit!

“Tara!” Sabi niya bigla sa akin. Anong tara? Saan kami pupunta? Sa cloud nine?

“Saan?” Kinakabahan talaga ako. As in over! Parang lulukso ang puso ko kasama atay.

“Laro tayo!” Laro? Anong laro? Bahay bahayan?  Tagu taguan? Marathon? O baka naman
swimming. Baka naman all of the above Ana. Huwaaahhhh! Ano ba tong pinag iisip ko.

OMGeeeeeehhhh!

Mamaya may kinuha siya sa taas ng table. Dalawang controller. Tapos binuksan niya
ang 42” LED TV na nakasabit sa may dingding at ang PS3 tapos binigay niya sa akin
ang isang controller.

Nakanganga lang ako habang inaabot ko ang controller.  Hindi ako makapaniwala. Laro
talaga as in literal na laro?

Nakatanga pa din ako habang kinakalikot niya ang controls tapos lumabas ang title
ng game.
Plants vs zombies.

Tapos pinili niya 2 player mode.

Plants ako zombies siya.

Hindi pa din ako makapaniwala na ito ang gagawin namin sa wedding night namin.

Plants vs. Zombies.

 Pero habang nagtatagal, lalong humihigpit ang laban. Nung una natatalo ko siya
pero kalaunan, napapapansin ko na naging seryoso na siya.

Tiningnan niya ako tapos ngumisi sabay sabing...

“Walang asawa asawa! Todo na to!”

Syet! Ang galing niya. Akala ko ba ako ang champion sa plants vs. zombies. Hindi!
Hindi niya ako pwedeng matalo.
Nagtagal pa ang laro namin. Walang gustong magpatalo.

Hanggang sa...

“Yes!!” Napasuntok ako sa ere!

“Damn!”

Natalo ko siya! Ubos ang graveyard niya! Bankrupt na siya! Wahahahaha.

“Matulog na nga lang tayo.” Sabi niya na lumong lumo. Sayang di ako
nakipagpustahan. Sana ipinusta ko ang kalahati ng mga cash gift sa amin. Wahahaha!

Humiga na siya sa kama at dahil mas lalo akogn napagod, hindi ko na pinansin na
iisang kama lang ang hihigaan namin kaya nahiga na din ako. And besides, it’s
already 2Am. Ganun kami katagal naglaro.

Pero mga 30 minutes na akong nakahiga hindi pa din ako makatulog. Pabalibaliktad na
ako sa kama pero ayaw talaga.

Huwaaaahhhh! Baket?
Ito ba ang epekto ng pagkapanalo ko sa plants vs zombies?

Napatingin ako sa kabilang side ng kama. Si Paeng nakatihaya. Hindi siya gumagalaw.
Tulog na ba siya? Depressed ba siya dahil natalo siya sa Plants vs Zombies?

Tapos maya maya naramdaman kong gumalaw siya, umiwas ako ng tingin. Tumalikod ako
sa kanya.

Ang init naman! Pero bukas naman ang aircon ng kwarto ah. Actually nakafull blast
na yan .

Maya maya naramdaman kong gumalaw ulit siya. Hindi ba siya makaget over sa
pagkatalo niya?

Hindi na ako gumagalaw sa pwesto ko. Baka mahalata niyang gising pa din ako. Pero
nangangalay na ako sa ganitong pwesto. Gusto kong nakatagilid humiga pero dapat
nakaharap ako sa right side, kung saan siya nakahiga pero hindi ko magawa kasi baka
malaman niya na gising pa ako.

“Shit!” Narinig kong sinabi niya. Bakit siya nagmura?  Epekto pa ba yun ng
pagkatalo?

 “Ana, let’s get this over with.” Bigla niyang sabi. Alam niyang gising ako?

Malamang Ana. Kakausapin ka ba niyan kung hindi?


Pero ano ang ibig niyang sabihin sa , ‘let’s get this over with’

“A-ang ano?” Hindi na ako nagkunyaring natutulog.

“Kailangan ko pa bang sabihin?” May iritasyon na sa boses niya. Hindi ako sanay sa
ganun. Pedeng asarin na alng niya ulit ako?

“A-a-ayoko!” Sabi ko na lang. Kinakabahan na ako. Paano kung pilitin niya ako?
Tatanggihan ko ba? Paano kung tanggihan niya ako? Pipilitin ko ba?

Ano ba Ana! Mag isip ka ng maayos. Wag kang pakipot! Lol.

“Ano ang gusto mong gawin natin? Obvious na obvious naman! Hindi tayo makatulog!
Wedding night natin ngayon, alangan naman na magplants vs zombies na lang tayo gabi
gabi. At saka babae kang may pangangailangan. Lalaki akong may pangangailangan.
Babae ka at Lalaki akong may pangangailangan!!” Hala nagalit na talaga!

“Ayaw ko! Sa asawa ko lang isusuko ang Bataan.” Tama nga naman. Wag kang magpadala
sa temtasyon Ana. Kahit gaano pa kapogi at kamacho si Paeng.  Pigilan mo ang sarili
mo.

“Ano mo ba ako?”

“Asawa!” Oo nga pala! Ay oo nga pala! Asawa ko na pala siya. So ibgi bang sabihin
hindi ko na kailangang magpakipot? ^________________^

Teka! Bakit ako nakangiti?

Langya! Narealize ko alng na asawa ko na siya nangiti na ako!

“Kailangan ba maggiyera muna bago mo isuko ang Bataan or would your prefer a sweet
surrender?” Kinilabutan ako sa sinabi niya at mas lalo naman sa ginawa niya.
Lumapit kasi siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Ramdam na ramdam ko ang
hininga niya sa may ulo ko sa likod. Tapos his hands are caressing my arms.

Nabablangko ang isip ko.

Ano nga ulit ang tanong niya?

War or Sweet surrender?


Teka!!!

Napakaoverwhelming naman ata ng choices.

Ano ang pipiliin ko sa dalawa?

Ang giyera na may putukan?

O
Ang matamis na pagsuko?

=================

Pang Labing Pitong Silip

Labing Pito

Nasa assembly line pa lang ang utak ko para I process ang choices ko pero nakita ko
nang papalapit ang mukha ni Paeng sa mukha ko.

Teka!!!

Bakit parang mas  mabilis ata ang processing time niya? At bakit habang papalapit
ang mukha niya sa mukha ko parang nagdadowntime ang utak ko. Hindi ko maalis ang
tingin ko sa mga labi niya na unti unti lumalapit sa labi ko.

Nararamdaman ko na din ang hininga niya sa mukha ko. Naamoy ko na naman ang mabango
niyang hininga na parang downy. Parang downy nga ba? Yun ba ang pagkakaexplain ko
sa previous chapter? Anong chapter nga ba yun? Hininga ba ang dinescribe ko dun?
Hindi ko na matandaan kasi hindi matandaan ng author.  Ano ba yun? Joy o Downy?
Ehhh basta yun na yun!!

Tekaa!!!!!!! Stop muna!


Time out!! May ichichismis muna ako sa inyo. Pero wag niyo kong isumbong sa author.

Bangag na bangag kasi ang author . Type lang ng type kasi nagbablurred ang paningin
niya kaya panigurado sangkatutak na typo error ang update na to. At sa araw na to,
nakatatlong tasa na siya ng kape at naka 20 times pabalik balik sa CR. Ang 15 times
para umihi at yung limang beses para matulog. Kasi adik siya, hindi natulog
kakapanood ng Lie To Me sa internet. Hindi kasi makapaghintay na matapos ang
palabas sa TV. Gusto kasing unahin dahil ayaw na ayaw mabitin. Yan tuloy habang
nagbibilang, mga limang beses inulit ang 1-5 kasi pagkatapos ng 5 mapapapikit siya.
Adik!  Kaya goodluck na lang sa update na to!

Anyway.... Saan na nga ba ako?

Ayun!

Naamoy ko na ang hininga niya na amoy Joy o Downy (kayo na bahala pumili). Tapos
kasabay ng paglapat ng labi niya sa labi ko ngshutdown ang utak ko at nag boot up
ang sense of touch ko kasama ng emotions ko. Pumikit na din ang mata ko.

Nagbilang ang utak ko ng mga 20 seconds at nainip ito kasi magkalapat lang ang labi
namin. Ni hindi gumagalaw.

Bakit parang hindi ata magkaparehas ang pinili namin? Bakit sa kanya sweet
surrender? Eh sa akin War of the Worlds. Magrereklamo na sana ako when he suddenly
nibbled my lower lip and gently bite it! Napasinghap ako dahil nagulat ako sa
ginawa niya . He suddenly  let go of my lips. Napadilat ako kasi nagtaka ako kung
bakit tumigil siya. Tapos nakita kong nakatingin siya sa akin. His eyes are hooded
are are scanning my face pero tumigil ang tingin niya sa labi ko.

Nakita ko siyang lumunok and he again claimed my lips hanggang sa makasabay ako sa
ginagawa niya.  And I can feel the unfamiliar sensation travelling down my body.
His hands cupped my head to pull me towards him and he deepened the kiss and his
tongue knocked on my lips.

Parang naging extra  uber mega sensitive ang skin ko at naging hyperactive ang skin
ko.

A moan escape my lips nung pinisil niya ang kaliwang dibdib ko at dahil oportunista
si Paeng, he was able to thrust his tongue inside my mouth. Another moan escape  at
hindi ko alam kung sa akin galing o sa kanya. I was heedy with sensation.  Yung
halik niya niya parang kumukunekta sa dibdib ko and to my groin.

And it’s as if our closeness is not enough, he pulled me closer mula sa mga labi ko
his mouth travel to my cheeks , to my jaw and my nape and he nibbled my ear.

Nakikiliti ako because his breath is fanning the side of my face pero instead na
hagikgik ang lumabas sa akin, another moan escape and feeling ko kailangan kong
habulin ang hininga ko.

Ohh my God! Anong ginagawa niya sa akin?

“Why do you have to wear Pajama on our wedding night?” He said in between kisses
dahil ang mga kamay niya are now fumbling with the buttons of my Pajama top.  Hindi
pa ako nakapagsalita when he became impatient and open my top harshly kaya
nagtalsikan ang mga butones.

“You’re wearing a bra while you’re sleeping?” Manghang sabi niya. Bat ang daming
reklamo ng lalaking to?
“Ano gusto mo? Nakahubad ako habang natutulog?” Tiningnan niya ang halos hubad ko
nang katawan. His eyes darken at napalunok siya ng ilang beses.

“That is more preferable.”  Tapos ini unhook niya ang bra ko and pulled it off me. 
Automatically, I covered my breast with my arms pero tinanggal niya ang mga kamay
ko.

“Let me look at you. There’s nothing to hide, you’re beautiful and you shouldn’t be
ashamed of it.” Feeling ko namula ako from roots to tips.  He shifted his weight
and he is now on top of me. Nakatukod ang braso niya to support his weight.

“Bakit ba english ka ng english at...ano yun?” Nanlaki ang mga mata ko when I felt
something poke on the lower part of my tummy.

“It’s for you to find out my dear.” He winked at me. Tapos umupo siya sa tapat ko
at hinubad ang shirt niya. Napalunok ako.

Whhhhhhhhoooooooooooooooooaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!   Kung gaano katagal yan,


ganyan katagal akong napanganga kasabay ng paglaki ng mga mata ko.

Ana kumalma ka! Wag kang mag inarte! Hindi mo first time makita ang abs ni Paeng
kaya wag kang OA pwede?

Ngumisi alng siya sa akin at bumaba ulit ang katawan niya at ang mukha niya to
claim my lips. Ang init! Ang init init na talaga.
His hands are also wondering in my body at dahil masunurin ako, pinaglakabay ko na
din ang kamay ko sa katawan niya. Dapat kasi may equality talaga ang babae at
lalaki.

Kaya I answered his kisses with the same intensity, when he touch my breast I
answered him with a moan and touch his nipple too kaya napasinghap siya. Then his
hand went down to my pajama pants, went inside it, on top of my panty.

Napatigil ako sa dapat na gagawin ko. Hindi ko alam kung gagayahin ko ba yun. Then 
he rubbed me there with my panty on.

Shit! I writhe beneath his touch.

“Stay still.” He whispered to me. Stay still? Seryoso siya? Stay still?

Hinahabol ko na ang hininga ko and as his hand slide past my undies....

ng biglang.....

Nagbrown out!
“Aaaahhhhhhh!” Sigaw ko!

“Ahhhhhhhh!” Sigaw din ni Paeng.

Naitulak ko siya.

“Bakit ka sumigaw?” Kahit hindi ko siya makita nararamdaman ko naman siya.

“Nagulat ako sa sigaw mo eh!” I rolled my eyes.

“So kailangan mo ding sumigaw? Bakla ka ba?”


“Seryoso ka? I made you wet and writhe beneath me tapos aakusahan ko akong bakla?
Kung hindi dahil sa brown out, you are now begging and shouting my name.” Omaygad!

“Tumahimik ka nga!” Hinagilap ko ang kumot tapos nahagip ko ang kamay niya.

“Bakit andyan pa din ang kamay mo?”

“Bakit aalisin ko ba?” Tanong niya. Hinampas ko nga!   

“Ang dilim kaya! Ang init, walang hangin.” At nahimasmasan na ako.

“Eh ano ngayon kung madilim?" tapos bigla siyang nag pause.
"Ana....shit! Hangin! Walang oxygen si Lilac!!!!” 

=================

Pang Labing Walong Silip

Labing Walo

Di ako makapaniwala! Pagkatapos ng lahat ng nangyari, yun pa ang inaalala niya?

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinitingnan siyang nagsusuot ng shirt. Hindi ako
makapagsalita! Tapos kinuha niya ang flashlight na nakabukas at lumabas ng kwarto.

I shake my head at sinampal sampal ang mukha ko. Sa katunayan hindi ko alam kung
magagalit ako o magpapasalamat sa brown out. Magagalit kasi hindi natuloy ang
ginagawa namin at nabitin ako or magpapasalamat dahil hindi natuloy ang ginagawa
namin at hindi ko naisuko ang Bataan. Muntik na akong bumigay sa isang lalaking
wala man lang akong pagmamahal. Kahit na nga ba sabihing asawa ko na siya. Alam ko
naman na kalokohan lang ang kasal namin. Salamat naman at natauhan ako.

Salamat Meralco! May liwanang talaga ang buhay dahil sayo!

Unti unti akong bumaba  sa kama at kinapkap ang mga damit kong nagkalat.

Ang walang hiyang Paeng iniwan ako at ni hindi man lang nagsindi ng kandila at
dinala pa ang flashlight. Pagkasuot ko ng damit ko, nagsuot na din ako ng robe at
kinapa ang pinto. Buti na alng hindi ako takot sa dilim. Pagkabukas ko ng pinto,
maliwanag ang hallway dahil may mga emergency light.

Naglakad ako papuntang hagdan at nakita ko nga si Paeng na nagpaflashlight sa


aquarium niya. Siguro binibilang niya ang bawat hininga ni Lilac.

Mamamatay na ba si Lilac?

Yes!!! Yehey!! Wahahahahaha!

Maya maya pa, nagsilabasan na din ang mga tao sa kani-kanilang kwarto.
“Bakit nagbrown out!”

“Ang init naman!”

Bumaba sila sa living room at bumaba na din ako. Umupo kaming lahat sa sofa habang
naghihintay na umilaw.  At dahil matagal bago mag ilaw, napag isipan ng lahat na
maglaro ng mga cards. Ako nakisali sa nagsascrabble. Si Paeng.... Wala akong alam
at wala akong pakialam!

Pagkatapos siguro ng mga isang oras, umilaw. Nagpasalamat ang lahat. Tapos may
biglang nagsalita. Si Prodigal Grandfather na nasa itaas pa ng hagdan.

“Ngayon lang ba binuksan ang generator?” Napatingin kaming lahat sa kanya. Tapos
halos sabay sabay na nagsalita.

“May generator ba tayo?”

“Meron. DI niyo alam?” Napakamot na lang kaming lahat ng ulo at napailing habang
nakatingin kay Prodigal Granpa. Nagtiis pa kami, may generator naman pala.

“Nawala na tuloy ang antok ko. Magvideoke na lang tayo!” Sabi ni Jhudiel. Hindi pa
din ako sanay sa kapogian ng tatlong to.

“Tara!” Pumayag naman ang lahat kaya binuksan na ang TV at nagsimula na silang
magkantahan. Siyempre kumanta din ako! Ako pa! Nagkakasayahan na ang lahat at ang
ingay ingay na sa buong bahay. May kumuha na nga ng mga inumin. Parang extension ng
wedding party namin.

Tapos turn na ni Paeng na kumanta. Nilagay niya ang number ng song.  Lumabas ang
name.

Making love out of Nothing At all.

Tapos humarap siya sa akin at ngumiti.

“This is dedicated to my wife, Ana.” Naghiyawan naman ang mga kapamilya niya.
Bwisit! Bakit ganyan ang kanta? Tumikhim pa siya bago kumanta.

I know just how to whisper And I know just how to cry I know just where to find
the answers And I know just how to lie I know just how to fake it And I know
just how to scheme I know just when to face the truth And then I know just when
to dream
Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. Takte! Ang ganda ng boses ng walanghiya!
Tapos humarap siya sa akin. Nagsigawan ang lahat maliban sa akin. May kasama pang
kindat. Bwisit! And I know just where to touch you  

Hindi ko alam pero bakit sensual ang boses niya sa bahaging yun? Napalunok ako. Iba
kasi ang naalala ko. Eeeehhhhhh! 

And I know just what to prove I know when to pull you closer And I know when to
let you loose And I know the night is fading And I know the time's gonna fly And
I'm never gonna tell you Everything I gotta tell you But I know I gotta give it a
try And I know the roads to riches And I know the ways to fame I know all the
rules And I know how to break 'em And I always know the name of the game But I
don't know how to leave you And I'll never let you fall And I don't know how you
do it Making love out of nothing at all

Hinawakan niya ang kamay ko at pumipikit pa habang kumakanta. Feeling ko pulang


pula na ako. Iba kasi ang naiisip ko habang kumakanta siya. Making love, Out of
nothing at all Making love, Out of nothing at all Making love, Out of nothing at
all Making love, Out of nothing at all Making love, Out of nothing at all Making
love, Out of nothing at all Everytime I see you all the rays of the sun Are
streaming through the waves in your hair And every star in the sky is taking aim
at your eyes Like a spotlight The beating of my heart is a drum and it's lost
And it's looking for a rhythm like you You can take the darkness from the pit of
the night And turn into a beacon burning endlessly bright I've gotta follow it
'cause everything I know Well it's nothing till I give it to you I can make the
runner stumble I can make the final block And I can make every tackle at the
sound of the whistle I can make all the stadiums rock I can make tonight forever
Or I can make it disappear by the dawn I can make you every promise that has ever
been made I can make all your demons be gone But I'm never gonna make it without
you Do you really want to see me crawl And I'm never gonna make it like you do
Making love out of nothing at all

Tapos lumuhod pa siya sa harap ko. Langya! Tapos tumayo yung mga pinsan siya sa
likuran niya at naging backup singer niya. Ang lakas na ng hiyawan. Bakit ba kasi
ang kapal kapal ng mukha ni paeng! Dyosko po! Sana nung nagsabog ka ng kahihiyan,
ginising mo naman ang taong to! Making love, Out of nothing at all Making love,
Out of nothing at all Making love, Out of nothing at all Making love, Out of
nothing at all Making love, Out of nothing at all Making love, Out of nothing at
all Making love, Out of nothing at all Making love, Out of nothing at all Making
love, Out of nothing at all Making love, Out of nothing at all

“Pahiram ngang ballpen! Pahiram!” Bigla kong sigaw pagkatapos ng kanta. May
nagbigay naman sa akin ng ballpen. Parker pa nga ang brand eh.

“Bakit papaautograph ka? Galign ko noh?” Sabi ni Paeng na nakangisi at nakatayo na


sa harap ko.
Nginitian ko siya ng napakatamis.

“Hindi! Sasaksakin kita ng ballpen!”

Pero nagulat nung hawakan niya bigla ako at binuhat na parang sako. Napatili ako sa
ginawa niya.

Ano ba!

May sequel ba ang last Chapter?

=================

Pang Labing Siyam na Silip

Pang Labing Siyam na Silip

Pagdating sa kwarto tinapon niya ako na parang sako ng bigas sa kama. Mabuti na
lang talaga at malambot ang kama niya. Napasigaw ako. Walang hiya talaga!

“Ano ba!”  Tiningnan ko siya ng masama pero mukhang wala man lang epekto sa kanya.
Tapos bigla na lang siya sumampa sa kama. Kung hindi ako naka iwas baka nadaganan
niya ako.

Humiga siya sa tabi ko tapos ilang beses na bumuntonghininga. Anong problema niya?
Malalim ata.
Walang nagsasalita sa amin. Maya maya pa naghihikab na ako. 4AM na kasi. Ilang
beses pa akong naghikab hanggang sa unti unti nang pumikit ang mga mata ko.  On the
way to dreamland na ako nung may biglang yumugyog sa akin.

“Ano ba! Kitang natutulog na ako eh!” Singhal ko pa!

 “Ilang taon ka na Ana?” Bigla niyang tanong. Ay naman! Hindi ako makapaniwala na
ginising niya ako para lang itanong yan. At take note, pinakasalan niya ako ng
hindi niya alam ang edad ko. Tanga tanga talaga!

“Ginising mo ako dahil lang dyan!?” nanlalaki na ang mga mata ko. Hindi ba ako
pahihingahin ng taong to? Ganito ba talaga pag bagong kasal? Napupuyat?

“Sagutin  na lang kasi!”

“Ano naman ang pakialam mo sa edad ko?’ Kung hindi niya ako inistorbo tulog na ako
ngayon.

“Ayaw kong makipagsex sa babaeng ni wala akong alam!” Feeling ko namula ako. Buti
na lang madilim sa kwarto namin. At talagang makipagsex ang term niya.  Prangkahan
lang eh! Walang pakundangan! hindi man lang inisip na virgin ang kinakausap niya!

“Sino nagsabi sayong makikipagsex pa ako sayo!?” Asa naman siya! Natauhan na kaya
ako ng dahil sa Meralco. At isa pa, ayokong makipag sex out of nothing at all.
“Kung wala ka ng plano, ako meron, kaya kailangan kitang kilalanin. Naturingan pa
naman kitang asawa. Ngayon, sagutin mo na ang tanong ko.” Ang sungit naman. At ang
kapal ng mukha! 

“23” Sinagot ko na lang para matapos na at makatulog na ako.

“ Bakit wala kang naging bf? Wala bang may nanligaw sayo? Kunsabagay....” He
trailed off. Anong walang bf? Anong walang nanligaw? Iniinsulto ba ako ng bwisit na
to? AT ano yung kunsabagay?

“ Anong wala? Madami ang nanliligaw sa akin ah. Ako yata ang Reyna Elena last year.
“ Tumikhim siya pero hindi ko pinansin. “ Kaso...”

“Kaso?” Mukhang naging interested siya.  May pagkatsismoso pala itong si Paeng.

“Hindi sila mayaman.” I said matter of factly. Yun naman talaga ang dahilan kung
bakit wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko. Hindi sila pasok sa criteria  ko.
Sagabal sila sa ultimate dream ko. 

“Pera lang ang habol mo sa mga lalaki?” Tumagilid na siya at tiningnan ako. 
Umismid naman ako.

“May iba pa bang hahabulin sa inyong mga lalaki?”

“Meron. Katawan at kagwapuhan namin. Pero Ana, manhater ka?” Grabe to! Walang preno
ang bibig.
“Hindi ah! Hindi ko lang naappreciate ang presence niyo sa Earth.” Gusto ko nang
matawa sa expression niya. Ikaw ba naman insultuhin ang lahi mo ng harapan.
Pinakita ko ang paghihikab ko para tumigil na siya kakausap sa akin. At saka, antok
na antok na kaya ako!

“Isang tanong na lang.” Akala ko tapos na pero hindi pa pala. Pero pagbigyan na
natin. Isa na lang daw eh.

“Ano yun?”  Sabay hikab.

“Baliw ka na ba simula nung pinanganak ka?” Tapos tumawa siya. Tiningnan ko siya ng
masama. Bwiset talaga.

“Gusto mong balatan kita ng buhay? Yun ang ginagawa ng mga baliw.  Lalo na yung mga
baliw simula nung pinanganak”  Natigilan siya sa sinabi ko. Pero agad naman siyang
nakabawi.

“Joke lang. Ikaw, hindi ka magtatanong sa akin?” Utang na loob Paeng patulugin mo
na ako.

“Hindi na.”  Pumikit na ako. Sa wakassssssssss!

 “So okay lang sayo na magsex tayo kahit di mo ako masyadong kilala?” Bigla akong
dumilat. What the heck!
“Kapal mo huh! Hindi lang talaga ako interesado sa buhay mo. Mas interesante pa ang
matulog.”

“Nakakasakit ka ng damdamin.” May tampo effect pa ang boses niya pero asa naman
siya na madadala ako.

“Ikaw naman nakakasakit ka ng puson.” Nasabi ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

“So inaamin mo din na nabitin ka?” May ngiti sa kanyang mga labi. Umismid ulit ako.
Ano bang klaseng usapan meron kami? No holds barred. Bangag ata ang author ngayon
at nawala ang creativity sa pagsusulat at diretsahan na lang ang usapan.

“Ikaw ba hindi? Pero hindi na ako interesado. Kung gusto mong ituloy yun, yayain mo
si Lilac.”

Tapos tumalikod na ako.

At dahil nga fiction ang kwentong ito...

Nakatulog ako agad. 

=================

Pang Dalawampung Silip

Dalawampu
Tinanghali ako ng gising. Pagod na pagod ako kagabi. Ganun pala talaga pag wedding
night noh? Nakakapagod!

Wala na din si Paeng sa tabi ko. Buti naman! Bwahaha.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko silang naglalunch. Sinabi ko na sa inyo na


tanghali na ako nagising di ba? Kaya lunch time na.

“O Ana kumain ka na.” Yaya ng Tita ni Paeng. Umupo ako at nakikain. Wala ng hiya
hiya, gutom ako eh. Nagtaka lang ako kasi wala si Paeng. Baka nasa farm pa at hindi
pa bumabalik. Hindi na ako nagtanong. Kakahiya kaya. Iisa lang ang kwarto namin
tapos di ko alam. Kamusta naman yun?

Pagkatapos namin kumain niyaya ako ng isang pinsan ni Paeng sa may garden nila.
Sosyal talaga ang bahay nila. May malaking garden.

“I wonder kung bakit hindi ka sinama ni Kuya Ralph eh kakakasal niyo lang.”
Tiningnan ko ang pinsan niya na si Raziel.

“Ehhhh..Ayokong pumunta sa Farm. Mainit.”  Nagpaypay pa ako ng kamay ko.

“Hindi naman nagpunta si Kuya Ralph sa farm eh.” Napatingin ako sa kanya.
Nakatingin din siya sa akin. Nag usap ang mga mata namin. Parang sinasabi niya na,
‘hindi mo alam?’ ako naman sinsabi ko, ‘sa tingin mo?’ Pro hindi ako nakatiis.
“Saan siya nagpunta?”

“Naku pasaway talaga si Kuya Ralph. Bumalik na siya ng Maynila. Tapos na kasi ang
suspension niya.” Lalo akong nagtaka. Ano ang gagawin ni Paeng sa Maynila, may
sakahan ba sila dun?

“Suspension?”

“Sinuspend kasi ni Grandma si Kuya Ralph sa opisina. Indifinite suspension daw pero
kaninang umaga sinabi ni Lola na pwede na siyang pumasok kaya bumalik na siyang
Maynila.” Napatango tango lang ako sa sinabi ni Raziel.     

“Bakit siya sinuspend?”

“Eh kasi may kunti siyang  violations sa company. Mga fifty siguro. Isa na dun ang
pagpatol sa anak ng isang kliyente namin tapos nung nagsawa siya hiniwalayan niya
kaya nag pull out ng investment yung client na yun. Tapos walang tumatagal na
secretary sa kanya kasi nilalandi niya tapos pag bibigay na paalisin niya. Ang
sungit sungit pa niya sa mga empleyado. Basta mga fifty yun eh pero ang nagpagalit
talaga kay Grandma ay yung pag alis niya ng portrait ni Grandma sa office niya at
pinalitan ng aquarium ni Lilac.” Hindi ko alam kung nagbibiro ba si Raziel o hindi
pero mukhang  seryoso naman  ang mukha niya.

“Bakit ba kasi importante sa kanya si Lilac?” Matagal ko nang gustong itanong yan.

“Kasi break up gift yan sa kanya ng ex girlfriend niyang si Lily. Hindi mo ba


nakita ang caption sa likod ng aquarium ni Lilac?”
“Hindi eh.” Ganun pala yun? So ibig sabihin di pa talaga siya nakakaget over dun sa
ex niya?

“Nakalagay dun sa likod ng aquarium,’Ralph aaminin kong magaling kang sumisid, but
I’m sorry, I’ve found someone who can dive better. He’s a fast and deep diver. He
really knows how to explore the vastness of the ocean. Here’s my simple gift as a
token of appreciation for your great diving.” So ganun pala yun? Pinagpalit sa
isang diver si Paeng. Ang saklap naman pala ng paghihiwalay nila. 

“Kelan siya babalik?” Napangiti si Raziel sa tanong ko. Siguro iniisip nun na
mamimiss ko si Paeng. Lol.

“Di ko din alam. May bahay kasi siya doon. Pero since andito ka baka uuwi yun every
weekend. Ana, aalis muna ako ha. Gusto kong kumain ng binating itlog. Tsaka di
naman talaga ito ang story ko. Nakikiextra lang ako.” Tapos umalis  na siya. Siya
pala si Raziel , ang nag iisang babae sa magpipinsan.

Weeeeeeeeehhhhhh? Di nga? Umalis si Paeng?

Umalis si Paeng!

Yes! Napasuntok ako sa hangin.

Wahahahaha. Sana hindi na siya bumalik forever and ever.

Masaya akong bumalik sa bahay. Lahat ng nakasalubong ko, mapa paru paro, uod, gamu
gamu, gagamba, damo at bulaklak binabati ko ng good afternoon. Ang saya saya
talaga.

Napansin din ng mga kasambahay namin na masaya ako kaya napapangiti din sila.
Pagdating ko sa kwarto ang laki ng ngisi ko. Yes!! I’ll be Paeng free for the week.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, nagtatalon ako sa kama! Ang saya saya ng buhay.
Nagsisigaw pa ako na wag ng bumalik si Paeng. Talon pa din ako ng talon nung may
mahagip ang mga mata ko sa may pintuan. Napatigil ako bigla sa pagtalon.

At nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Paeng na nakasandal sa hamba ng


pinto.  Huling huli ako.

“A-akala ko pumunta ka ng Maynila?” Nauutal pa ako.

“Ng di ka kasama? Asa! Pumunta lang ako kina Mama at Papa para ipagpaalam ka na
doon na tayo titira.” Waaaaaahhhhh!

“Eehhhh...Paeng, pwede naman na doon ka na tumira at dito ako titira di ba? Mas
masaya nga yun eh. Free ka at free ako.” Papayag na yan! Papayag na yan.

“And leave our marriage unconsumated? No way!” He said with conviction.

Nanlaki ang mga mata ko.


Pooooootek!!!

Ang lalim ng English niya!

=================

Pang Dalawampu't Isang Silip

Dalawampu’t Isa

Naging bingi siya sa mga pakiusap ko. Hindi niya pinakinggan ang aking mga daing.
Ang aking pagsusumamo, ang aking paliwanag, ang aking mga hinagpis. Ginawa pa din
niya ang kanyang kagustuhan kahit labag sa aking kalooban. Hinalay pa din ako ni
Paeng. Hehehe.

Joke lang! Asa naman siya magpapahalay ako. Isempre Kailangan ng kunting pakipot!
Wahahaha. Joke lang ulit. Siempre di ako magpapahalay ano! Sinuswerte siya.

Pero di nga, magugulat pa ba kayo pag sinabi kong sumama ako sa kanya? Dapat hindi
na kayo nagugulat kasi nga, alam naman nating lahat na aapi apihin ako sa kwentong
to. Kaya wag na kayong magtaka kung wala akong magawa sa lahat ng bagay. Pasintabi
po sa author pero hindi ko siya pinaparinggan.

So ayun nga, nag ayos ako ng gamit tapos sumakay kami sa isang itim na truck.
Malaki kasi ang sasakyan. Ang pangalan ata nung sasakyan ay Cadillac Escalade.
Tapos bongga ang loob, ang luwag, sarap lang matulog.  Yung upuan, parang nag
eexam  lang, 1 seat apart, tapos may computer sa loob. Namangha ako, grabe! Tapos
amoy bago pa! May ganito palang mga truck ano?

“Wow Paeng! Kanino mo naman ito hiniram?” Sabi ko pagkasakay ko sa sasakyan.


Tiningnan lang niya ako ng masama at binuksan na ang sasakyan. Tapos nagbukas naman
ang computer sa harap. May kinalikot siya at lumabas ang parang map. Wow! GPS ba
tawag dun? Gusto ko din ng ganito! Pag yumaman na ako bibili ako ng ganito!

“Ganda nito ah! Siguro mga 1 Million to ano?”  Grabe, kahit mag stretch ka pa,
pwedeng pwede!

“10 Million.” Napatingin ako sa kanya. Tapos tumaas ang kilay ko. 10 million?
Kalokohan! Para sa isang truck bibili ka ng sampung milyon?

“Sus! Maniwala ako sayo. Sino ang sira ulong gagastos ng sampung milyon para sa
ganitong truck?” I snorted tapos tumataas taas pa ang kilay ko habang nakikipag
usap sa kanya.

“Truck ang tawag mo dito?” Nakasalubong na ang kilay niya. Bakit ba big deal sa
kanya eh hiniram lang naman niya ang truck na ito.

“Alangan naman  kotse eh ang laki nito.” Sabi ko pa sabay ismid.

“SUV ang tawag dito.” Sabi pa niya. EH ano ba ang pakialam ko sa tawag sa sasakyan
na to.

“Anong pakialam ko? Basta para sa akin truck ito.” Tapos sumandal na ako sa upuan.
Sarap lang parang Reyna lang ako.

“Alam mo ang kulit mo. Gusto mong mabinyagan dito sa kotse? Kunsabagay hindi pa rin
naman nabibinyagan ang kotseng to. Sabay na lang kayo.” Anong pinagsasabi nito?
“Excuse me! Pero bata pa lang ako, nabinyagan na ako. Catholic ako. At bakit ang
kotse bibinyagan? Kailangan din nila ng religion? Baka blessing ang sinasabi mo,
hindi binyag! Tanga!” Minsan talaga may pagkatanga itong si Paeng. Palibhasa,
magsasaka. Pero sabi naman ni Raziel office boy siya. Well... kahit na nagoopisina
siya, tanga pa din siya. Tawagin bang binyag ang blessing. So tungaerks lang di ba?

“Hahahahahahahaha!” Nagulat ako nung bigla siyang tumawa. Ang lakas ng tawa niya.

“Taeng yan! Blessing daw. Pwede din! Hahahahaha.” Tawa pa din siya ng tawa.
Namumula na ang mukha niya sa kakatawa at naasar na ako. Bakit ako ang
pinagtatawanan niya eh siya itong mali?

“Hoy!” Tumingin siya sa akin tapos pagkatingin niya...

“Bwahahahahahha!”  Walanghiya! Ano ba ang nakakatawa? Bwisit!

“Hoy! Ano ba! Bakit ka tumatawa. Para kang sira!” Pero hindi siya tumigil kakatawa.
Sinasapo na niya ang tiyan niya. Langya. Pinagtatawanan talaga niya ako kasi,
tuwing napaptingin siya sa akin, lumalakas ang tawa niya.

“Tumigil ka!” Hinampas ko na siya. Pero hindi pa din siya tumigil. Hindi man lang
natinag. Nakakaasar kasi hindi ko alam kung bakit siya natatawa. Kaya napipikon at
naasar ako.

“Hindi ka titigil? Sisipain ko tong computer na to.”  Itinaas ko naman ang paa ko
para sipain ang screen sa harap. Doon na siya tumingin sa akin.
“Oi wag yan! Wag yan. Ito na, titigil na.” Pero hindi pa din naalis ang ngiti niya.
Sa tingin ko nga pinipigilan lang niyang tumawa ulit. Ano ba ang nakakatawa sa
binyagan? At talaga namang nabinyagan na ako ah. At totoo din na hindi binibinyagan
ang mga kotse kundi pinapabless. Ang labo naman ni Paeng. Kasing labo ng ilog pasig
kahit di ko pa nakita ang ilog na yun.

So anyway, hindi ko na ikkwento kung ano ang nangyari at ang mga napag usapan namin
habang nagbabyahe kami kasi wala din naman kwenta. Alam niyo naman na wala talagang
kwenta kausap itong si Paeng.  Kaya fast forward natin, kunyari, nagtravel kami at
a speed of light kaya agad agad kaming nakarating ng Maynila at papasok na ngayon
sa condo niya.

Namangha ulit ako sa condo niya. Ang laki ha! Mahilig ata sa malalaki si Paeng?
Teka nga! Ba’t ba ang ganda ng condo ng magsasakang slash office boy na to?

“Sa’yo to?” Tanong ko habang patingin tingin sa paligid at habang binababa niya ang
mga gamit namin. Infairness ha, siya nagbuhat ng gamit ko. Parang katulong ko lang.
Wahahaha.

“Alangan naman na sa’yo.” Pilosopo!  Honestly, naks, lumelevel up na ang choice of


words ko kesyo nakasakay ako sa escalade at nakapasok sa marangyang condo. Ulit.
Honestly... hala nakalimutan ko ang iniisip ko. Nangyari na ba yun sa inyo? Yung
nakalimutan niyo ang naiisip niyo kasi madaming segway?  Ano nga yun? Tae!
Magandang thought pa naman sana yun. Sayang!

At dahil sa nakalimutan ko ang naiisip ko, hindi ko na lang pinansin ang


pamimilosopo niya. Baka maasar lang ako.

“Sayo din yung kotse?” Ngumiti siya ng makahulugan sa akin. Hahaha. Natatawa ang
author sa mga Tagalog. Parang baliw lang. Hindi ba niya alam na napakainformal ng
niya magsulat. Baliw talaga. Manang mana si paeng sa kanya.
“Malamang. Hindi sayo eh.” Ayyy langya naman talaga.

“So mayaman ka ganun?” Tumaas ang kilay ko. Pero ngumisi siya.

“Medyo lang.” Umirap ako. Hindi man lang naging humble. 

“Hmmmm...kahit na mayaman ka hindi pa rin kita magugustuhan. For sure mas madaming
mas mayaman kaysa sayo.”

“Para namang may choice ka pa!” Sabi niya. Ayyy uu nga pala. Mag asawa na pala
kami. Kaya nga pala ako andito kasama siya. Ay naku naman. Sinundan ko siya ng
tingin ng papasok siya sa kitchen at kumuha ng baso at isinahod sa may ref. Bongga!
May gripo ang ref! Sosyal!

“Paano ka pala naging mayaman? At Paeng....” Napatingin naman siya sa akin habang
umiinom ng tubig.

Parang nakita ko na ang commercial na yan. Hmmmm?? Saan kaya?

“Ano yun?”

“Ano nga ulit ang apelyido mo?” nanlaki ang mga mata niya tapos binaba ang baso sa
may counter top.

“Paksyet ka Ana!” Nagsign ako ng peace sign. Tapos tumakbo sa likod ng sofa. Hala!
“Eh sa nakalimutan ko eh!” huhuhuhu!  Nakalimutan ko naman talaga. Lumapit siya sa
akin. Tumakbo ako sa kabilang sofa. Anong gagawin niya sa akin?

“Nakalimutan mo?  Apelyido mo na rin yun tapos nakalimutan mo?” Hala! Bakit niya
ako hinahabol??

“Eh sa nakalimutan ko eh! Hindi kasalanan yun!”  Halaaaaa!!! Lumapit siya papunta
sa akin. Tumakbo ako papuntang dining .

“Dapat nagbackread ka!” Malay ko ba! At bakit ko ibabackread ang mga sinulat ng
author? Siya nga di nagbabackread ako pa kaya? Malay ko ba kung saang chapter banda
yun? Sayang sa oras ang pagbabackread.

“Ni hindi ko nga alam kung saang chapter yun! Sabihin mo na lang kasi kung ano!
Bakit kailangang maghabulan tayo?” Tiningnan niya ako ng mataman.  Tapos binuksan
niya ang dalawang butones ng pulo niya. Ay langya naman!

“Sasabihin ko sayo ang apelyido natin sa paraang hinding hindi mo makakalimutan


Ana.”  Hala! Anong paraan yun? At bakit hindi ko makakalimutan?

“ Ayokoooooooooo!” Wag po Kuyaaa!!! Wag po!!!! Tapos tumakbo na ako. Hindi ko alam
kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko hinahabol niya ako!

Kaya Ana tumakbo ka hanggang kaya mo. Baka makatikim ka ng unforgettable


experience.

=================
Pang Dalawampu't Dalawang Silip

Pang Dalawampu’t Dalawang Silip

Sa tingin niyo naman makakatakas ako? Siempre hindi! Simula pa lang sinabi ko ng
I’m doomed in this story. 

Kaya kahit anong takbo ko, nahuli pa din niya ako at ngayon binubuhat niya ulit ako
na parang sako lang ng bigas. At aaminin kong nagpapanic na ako. Hindi ko maisip
kung ano  ang unforgettable experience na yun.

Hot, wet and sweaty ba yan? 

“Teka lang!! Teka lang! Hindi ba pwedeng umapila? “ Nahihilo na ako kasi
nakabaliktad ako at nakaharap sa likod niyang malapad at naamoy ko ang bango niya.
Huwaaaaa!!!

“Apila! Apila! Walang apila apila sa akin!” Patuloy pa din siya sa paglalakad.
Parang hindi lang niya ako buhat buhat. Grabe, bumaba na ata lahat ng dugo ko sa
ulo ko.

“Ano ka! Nasa constitution yan. ‘ No person shall be deprived of life, liberty, or
property without due process of law, nor shall any person be denied the equal
protection of the laws.’” Sabi ko pa. Oha! Ganyan talaga ang mga Reyna Elena last
year, dapat memorize ang bill of rights. Wahahaha. 

Bigla naman niya ako binaba pero nasa loob na kami ng kwarto. Tapos tiningnan ako
at ngumiti ng nakakaloko.
“O siya, sige, ano ang iaapila mo? Ano ang rason mo at nakalimutan mo ang apelyido 
natin? Pagbibigyan kita baka kasi sabihin mong sobrang inaapi kita. Reklamador ka
pa naman.” Unti unti niyang inaalis ang pagkakabutones ng shirt niya. Holy Shit!
Kailangan naghuhubad siya habang nag aapila ako?

Hindi ako tumingin sa kanya. Baka kasi makalimutan ko ang iaapila ko at sumuko na
lang ako bigla.

“Bigyan mo ako ng pagkakataon na maalala ang apelyido mo.” Tumaas ang isang kilay
niya.

“Huhulaan ko ang apelyido mo...”

“Natin.” Tsss.

“...eh di natin. Basta yun. Huhulaan ko ang apelyido mo at pag di ko nahulaan,


gawin mo ang gusto mong gawin hindi ako magrereklamo.” Kumislap ang mga mata niya
tapos ngumiti. Tapos tumingin sa salamin at hinipo hipo ang chin niya. Parang sira
ulo lang.

“Kahit ano?” Paniniguro pa niya.

“Kahit ano.” Sabi ko naman.

“Game. Ano ang gagawin mong panghuhula?” Mukhang naexcite na din siya sa suggestion
ko.
“Alam mo ang larong hangman?Parang ganun.” Tumango tango lang siya.

“Tara, sa kitchen table tayo.” Tapos bigla na lang hinagis ang shirt niya sa kung
saan. Napatulala ako. Hindi kaya masira ng glass na dining table niya sa laro
namin?

“Te-Teka, hindi ka ba magbibihis?” Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso, baka


kasi mapatingin ako bigla sa katawan niya. Hinayupak naman kasi ang lalaking ito.
Kailangan nakahubad?

“Bakit pa? Huhubarin din naman mamaya.” Sabi pa niya at dumiretso sa labas. Wala na
akong nagawa kundi ang sumunod. Parang siguradong sigurado siya na hindi ko
mahuhulaan ah. Ganun ba kahirap ang apelyido niya.

Kaya ayun, to make the short story short, nakaupo na akming dalawa sa dining table
at magkaharap. May notebook kaming dalawa at ballpen. Nagkasukan kami ng tingin.

“Game.” Si Paeng.

“Game.” Sabi ko naman.

“Ilang letters?” Tanong ko agad sa kanya.


“Eight.” Sabi niya kaya nagsulat ako ng lines sa papel ko. _ _ _ _ _ _ _ _

“May letter A.” Sabi ko agad. Napataas ang kilay niya at ngumiti ng nakakaloko.

“A as in arouse?” Nanlaki ang mga mata ko. Pero binaliwala ko na alng kasi alam
kong nang aasar siya. Kitang kita sa klase ng ngisi niya.

“Oo.” Sabi ko na tipid. Bwisit. Pwede namang apple or avocado pr ant. Bakit
arouse?  Leche!

“Number 7.” Napangiti ako. So galing naman me.  Tiningnan ko ang papel ko at
sinulat ang A.

 _ _ _ _ _ _ A _

“May letter E.” Alangan naman na isang vowel lang ang apelyido niya.

“E as in erotic?” Tumaas ulit ang gilid ng labi niya. Bakit ba biglang uminit ata
dito.  Nananadya talaga siya. Taeness!!

“E as in egg.” Sabi ko na alng pero lalong ngumiti ang hudyo.

“Meron ako niyan.” Proud na proud niyang sabi. Siempre may ganyan siya. Dalawa pa
nga eh. Ay tae! Ano ba! Pati ako nahahawa sa kanya.  “Number 5.”  Ahhhh.. apelyido
pala ang may E. Ahhh. Pero sinulat ko pa din. _  _  _ _ E _ A _
Nakakita ako ng malaking pag asa. Ako pa eh napakasmart ko kaya. Ginanahan ako.

“May I?” Puno ng pag asang sinabi ko.

“I for Insatiable? Two.” Kahit puro kamanyakan ang mga description niya sa mga
letters na sinabi ko napapangiti pa din ako. Ana you are so very smart talaga.
Isinulat ko ulit ang I. _ I _ _ E _ A _. Shit! 5 letters na lang.

“May  O?” Iniisip ko na ang mga posibleng maging apelyido niya.

“O? Ooooooohhhhhhhhh as in Orgasm?” Feeling ko namula ang buong pagmumukha ko.


Bakit ba ganyan ang vocabulary niya? Langya! Tiningnan ko siya ng masama. Nakikita
kong pinipigilan niya ang mapangiti. Leche! Enjoy na enjoy ata siya? Nagkamali ba
ako sa pag apil sa kanya?

“Hindi! O as in... as in...O...o...” Syet! Nabablangko ako. “Olol” Bigla ko na lang


nasabi. Napatawa siya ng malakas. Namumula na naman ang pisngi niya.

“Wolo.” Tapos tumawa ulit siya tapos nagsulat sa notebook niya ng \ . Ibig sabihin
may isa na akong mali. Bwisit! Sumimangot ako.

“U” Sabi ko bigla.


“U for Undress? Wulu din” Tumatawa pa din siya sabay sulat. \/ . Waaaaaa! Dalawa na
ang mali ko. Teka tapos na ako sa vowels. Hmmmm.... Ano kaya ang pinakacommon sa
letter sa mga apelyido. Aha!

“S” Sabi ko bigla.

“Ahhhhh..S for Sex. Siempre meron tayo niyan. Number 8.” Yes! Medyo nasanay na din
ako sa klase ng vocabulary niya. Kaya hindi ko na lang pinapansin.  So ang meron na
ay ang _ I _ _ E _ A S.

“P”  Sabi ko kasi tingin na siya ng tingin sa akin. Naiilang ako. Bakit pakiramdam
ko hindi naman Bitay ang nilalaro namin?

“P for...”

“meron o wala?” Baka ano pa ang masabi niya. Mapa tagalog o english pangit pa din
pakinggan kung sa vocabulary ni paeng manggagaling.

“P for paeng? Wala. Tsk tsk! Why am I always stuck with an idiot?” Sabi pa niya
sabay iling.

“Ano?” Pero hindi niya ako pinansin. Nagsulat na lang siya ulit. \/I. Tapo nagsabi
pa ako ng M na para sa kanya ay Missionary kaya naging \/II. Nagsabi din ako ng T
tapos tinanong niya ako kung Top or bottom daw ba ang gusto ko. Anong pakialam ko?
Pero para manahimik siya sinagot ko na alng na Top at lumakia ng ngisi niya. Pero
nainis ako kasi wala pa din. Anong klaseng apelyido ba meron si Paeng.

 VIT na pero may apat na letter pa akong kailangang hulaan.  Nawawalan na ako ng
pag asa nung nasabi ko ang L.
“L for Lovemaking.” Ang laki ng ngisi niya. “4 and 5 Ana.” Muntik na akong
mapatalon. Takte seryosohan na to.  Sinulat ko agad agad. Ang swerte ng L. _ I
LLE_AS. Syet! Dalawa na alng at alam kong mahuhulaan ko na to. Wahahaha.

“V” Buong kumpiyansa ko sinabi.

“V as in Birhen?” Tapos nakakaloko ulit ang tingin niya sa akin. Ay bwisit!


Pinadilatan ko siya. Kailangang ipamukha sa akin yun?

“Meron o wala!!!?” Naalala ko na naman ang sinabi niyan...’Ana...virgin much?’ Ay


leshe!

“Walang birhen.” Tapos ngumisi ulit.

At dahil tinatamad ng magtype ang author, nakarating kami sa VITA\. Pagkatapos kong
sabihin ang N for never been touched,  C for Come, R for Ride and W for Wet. Buti
naman at hindi na bastos ang mga words niya. Pero takte hindi ko pa din mahulaan. 
At iisang letter  na alng na mali ako talo na ako.

Buti na lang nahulaan ko ang G na hindi ko na pinasabi sa kanya what for baka ano
pa ang masabi niya. And the fact na parang kakaiba na ang atmosphere sa dining
room. Hindi ko alam na ganito kainit ang maglaro ng hangman. So isang letter na
lang ang natira at isang letter ba lang ang need ko. Tiningnan ko ulit ang mga
letters na nakuha ko na. _ILLEGAS.

Wala na akong maisip. Walang V daw eh Villegas lang naman ang pwede. Pwede bang,
Dillegas? O kaya Fillegas. Hahaha. Parang brand ng gasul. Pero pwede di ba?
“F for Frog!” Inunahan ko na.  mas mabuti ng ako ang magbigay ng meaning kaysa
siya.

“Eennnk! Mali!” Tapos sinulat na niya ng buo. VITAY.  Takte! Hindi ako
makapaniwala. Alangya!

“Paano ba yan?”

“Teka! Ano nga! Sabihin mo muna sa akin.”

“Villegas Ana. Ana Cruz Villegas.”  Inistress pa niya ang pangalan ko na nakadikit
sa apelyido niya. Pero...Villegas? Nasabi ko ang V ah! Dinaya niya ako.

“Sinabi ko ang V! Nahulaan ko! Dinaya mo ako!” 

“B ang sabi mo hindi V. Tinanong pa nga kita kung B as in birhen pero di ka


nagsalita. Silence means yes.” Natahimik ako kasi may point siya. Pero Heller!
Magkaaiba naman ang pronunciation ng V sa B. Niloloko talaga ako nito!

“Hindi ako makakapayag. Niloko mo ako! Nilinlang! Hindi ako makakapayag na yurakan
mo ang dangal ko ng ganito.” Lol. Hahahaha. Ang OA lang. Kainis naman. Bakit kasi
kailangan ko pang magpakipot? Kesyo ba tamad gumawa ng BS ang author kailangan ko
ng magpakipot? Kesyo ba hindi niya masikmura na may ibang magpapantasya kay Paeng
kaya pati ako nadamay? Wahahaha.
Tiningnan niya ako ng seryoso.

“Ana, you are my wife, but do I have to beg?” Ang lamlam ng mga mata niya habang
nakatingin sa akin. Namamalikmata pa ata ako.

Beg daw? Beg? Big?

Aba kung big lang rin naman di mo na kailangang mag beg. 

=================

Pang Dalawampu't Tatlong Silip

Nagbackread pa ako ng comments niyo. natatawa ako sa sagutan ng mga comments. 

Dalawampu't tatlo

Ayaw kong magkwento ng nangyari kagabi. Baka mainggit pa kayo.  Ang sasabihin ko
lang ay masarap. Tamang pang inggit lang. Wahahaha.

Kaya nga tinanghali na naman ako ng gising at nananakit ang katawan ko. Hindi ko
naman akalain na ang galing galing pala ni Paeng na napapasigaw pa ako. Kaya kahit
masakit, nangibabaw pa din ang sarap.  Napapangiti na lang ako pag naaalala ko.
Sana ulitin namin palagi, gusto ko nga araw araw pa eh kaso sabi niya baka malaspag
daw ang katawan ko. Oi! Tama na yan. Masyado na akong madaming narereveal sa
nangyari kagabi.
Anyway, kumakain ako ng lunch ng mag isa kasi nga pumasok na sa opisina si Paeng.
Ang tahi-tahimik ng bahay, ni wala man lang akong naririnig na kuliglig o mga ibon.
O kaya ang lagaslas ng tubig sa batis. Ang boring naman.

Pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig nung mapansin kong na note na nakadikit.

Ana,

Sa office na ako. If you want to got out para mag shopping, angc ard nasa drawer ng
nighttable at ang driver naghihintay sa may lobby. Help yourself with the house.

R. VILLEGAS

Napasmirk na lang ako sa note niya. Talagang capitalized ang VILLEGAS. OO na, alam
ko na. Parang engot lang talaga itong si Paeng. 

At bongga may credit card nga sa drawer at naghihintay nga sa lobby ng building ang
driver. Sosyal! May driver na ako, unlimited gastos pa. Ito na ba ang dream come
true ko? Hindi din. Kung sana hindi si Paeng, sana dream come true na. Baka nga
nightmare come true pa. Pumayat na nga ako kakasilbi sa Paengot na yun eh.
Haysss....hell come true talaga.

“Ma’am saan po tayo?” Tanong ni Manong driver. Ninamnam ko muna ang salitang Ma’am
tapos ngumiti. Ang sarap lang pakinggan. Papalitan ko kaya ng Donya. Donya Ana.
Bagay! Wahahaha.

“Ulitin mo po Kuya.” Sabi ko ng nakangiti.


“Ma’am saan po tayo?” Humagikgik ako. Kinikilig lang eh noh? Adik! Ang laki pa ng
ngiti ko.  Tapos hindi ko pa din sinagot ang driver, instead tinitingnan ko ang mga
buildings na nadadaanan namin. After 5 minutes, saka ko lang hinarap ang driver.

“Dalhin mo ako sa opisina nila Paeng Kuya.”  Todo ngiti pa ako niyan.

“Paeng po?” Ay sayang walang Ma’am. 

“Yung asawa kong engot!” Nakita kong ngumiti ang driver sa sinabi ko.

“Ahhhh.. sa office ni Sir Ralph.” Sir Ralph daw. Arte talaga.

“Tsss... opo.” Tapos bumalik na ako sa pagtingin tingin sa paligid, sa nagtataasang


building, sa madaming sasakyan, sa mga taong tumatawid  at sa batang binuksan ang
pinto ng isang taxi at may kinuhang bag tapos tumakbo ng mabilis.

“Ma’am andito na po tayo.” Umikot ang driver at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.
Tumigil kami sa driveway ng isang napakataas ng building. Nalula ako kaya hindi ko
na tiningala kung gaano kataas kasi baka magkastiff neck  ako.

Feel na feel ko naman pagbaba ko ng kotse. Feel na feel ko ang pagiging Donya.
Sayang dapat naggown ako. Dala ko pa naman ang sinuot kong damit nung nagReyna
Elena ako. Sana yun ang sinuot ko, siguro bagay yun sa building na to. Wahahaha.
Pina assist ako ng driver sa guard  na nasa labas ng building tapos yung guard
dinala ako sa may babae sa reception.  Ang ganda ng babae, ang kinis ng kutis kasi
ang ganda ng pagkakamake up.  Nakaupo siya sa circular desk at sa likod niya may
silver na malalaking letters na nakasulat, “Villegas Twin Tower”
Ngumiti ang babae pagkakita sa akin. Siyempre ngumiti din ako.

“Good afternoon Ma’am. How may I help you?” Pinunasan ko ang dugo na tumulo sa
ilong ko. Wahahaha. Joke lang. Hmmm.. Pero paano nga ba niya ako matutulungan?
Ipapapolish ko kaya ang sapatos ko? O kaya magpapedicure ako?

“I’m here to visit Mr. Raphael Villegas.” Shucks! Buong buong english yun ha.
Pinraktis ko kanina yan sa condo ng mga 1 hour. 

“Do you have an appointment Ma’am?” Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa
tapos sabay taas ng kilay. Pasalamat siya wala akong dalang blade kasi kung meron
inahit ko na ang lahat ng kilay niya. Eh ano ngayon kung nakashort, shirt at
tsinelas lang ako. Naligo naman ako kanina at nagsuklay ah! Nagpolbo pa! Echusera!

“No.” Sabi ko at umismid. Pag yumaman na ako, bibilhin ko ang building na ito at
itong babaeng ito ang una kong patatalsikin. At kailangan ba ng madaming tanong
bago ko makita si Paeng?  Eh ultimo brief nga niya nakita ko na eh!

Ngumiti ulit ng plastic ang babaeng puno ng make up. “May I know your name...
Ma’am?” Parang ayaw pa niyang sabihin ang Ma’am. Hay naku lang ha! Bakit mahilig
ang author sa mga malditang receptionist?

Ngumiti ako ng napakatamis sa receptionist. Asar na ako eh. Pero si Paeng nga hindi
umuubra sa akin ito pa kaya?

“Pakisabi sa kanya na ako ang kanyang....kunsensiya.”  Todo ngiti pa din ako na


plastic. Nanlaki ang mata ng receptionist.  Tapos kinuha ang phone at nagdial.
Tapos narinig ko ang sinabi niya.

“Guard, sino ang nagpapasok sa babaeng ito na nasa harap ko? Baka sindikato ito,
nagpapasok kayo sa building ng kung sino sino. Makakarating ito sa Management.
Palabasin niyo ito sa building.” Ako? Sindikato? Eh kung sindihan ko kaya ang pwet
ng babaeng ito?

Maya maya pa may na isang guard tapos hinawakan ako sa braso. Hindi siya yung guard
na nag assist sa akin kanina.

“Te-teka Kuya!” Mukhang kakaladkarin pa ako palabas ng building na to. Wala pa


naman akong cellphone at pera. Paano ko makokontack si kuya driver.

“Teka nga lang!” Inaalis ko naman ang kamay ko na hawak niya. Ampupu! Ang dami ng
nakatingin kasi mukhang kinakaladkad na ako. Hindi ito makatao, maka-kalikasan at
makabansa!

“Ma’am, istorbo po kasi kayo sa mga tao dito.” Bakit? Bakit ako istorbo?  Bawal
nang makipagkita sa asawa? Eh Ana kasi may kunsensiya ka pang nalalaman.

Papalabasin na sana ako, as in nasa glass door na kami na automatic na nagbubukas


nung may mahagip ang mga mata ko na pumasok sa entrance ng building. And since
medyo magkalayo ang entrance sa exit siguro hidni niya ako napansin pero hindi ako
maaring magkamali.  Kaya inipon ko ang lahat ng lakas at boses ko at sumigaw ng...

“PAEEEENNNGG!!!!” Napatigil ang lahat ng tao, pati ang guard na humahawak sa akin,
nagulat sa ginawa ko. At lahat sila napatingin sa akin.  Napatigil din si Paeng sa
paglalakad at napatingin sa akin. Pero mabilis ang guard kaya nakaladkad niya pa
ako. Siyempre nagpakaladkad ako para may effect.

“What are you doing with her?” Parang koreanovela lang ang eksena. Minamaltrato ang
bidang babae at darating ang leading man. Walang originality ang author. Hahaha. 
Nakakunot pa ang noo ni Paeng niyan. Lalo tuloy siyang pumapanget. Wahahaha.

“Si-sir, tumawag kasi ang reception na nag iistorbo daw ang babaeng ito sa loob.”
Nagkautal utal na ang pagsasalita ang maangas na guard.

“Let go of her. How dare you treat my wife like this?”Naks!  Ang lakas ng boses ni
Paeng. Kung makasigaw naman mukhang pag aari niya ang buong building. Pinakawalan
ng guard ang braso ko. Kaya hinila ako ni Paeng malapit sa kanya.

Nakita kong namutla ang guard. Gusto kong tumawa ng malakas. Ano ka ngayon? Lumapit
ako lalo kay Paeng at sinabing...

“He raped me.”  Mahina lang ang pagkakasabi ko pero narinig ni Paeng at ng guard.

“What!!!?” Nanlalaki ang mata ni Paengot.

“Si-sir! Hi-hindi po!” Nanginginig na ang guard.

“Anong hindi? Hinawakan mo ang braso ko. Hindi mo ba alam na ikinasal kami
dahil...mmmpp mmmpp!” Hindi ko na natuloy kasi tinakpan na ni Paeng ang   bibig ko.
Hala ang bango ng palad oh! Tapos inakbayan ako at inilayo sa guard.
Naglakad kami kahit madami ang nakatingin. Naalis na din ang kamay niya sa bibig ko
at nakaakbay na siya sa akin.

“Why are you here?”

“I’m bored at home.” Napakamot siya ng batok.  Tapos napadaan kami sa harap ng
receptionist na nakatulala sa amin.

“That woman degraded my humanity.” Napatingin ng seryoso si Paeng sa receptionist


na namutla.

“We’ll deal with all of them later, wife.” At alam kong narinig ng lahat ang sinabi
niya. Proud na proud naman ako. Lumingon ako sa receptionist at tinaasan siya ng
kilay.

Lumingon si Paeng  sa akin na parang natatawa. Tapos may binulong na..

"Humanity.." Tapos pinigilang tumawa. badtrip!

Tapos bumulong sa akin.

“Ana, bakit english ka ng english?” amused na amused ang tono niya.  Bakit masama
mag english?
“Akala ko ba englishan ngayon? Bakit? Dumudugo na ba ang ilong ko? Pahiram panyo.”

Tumawa siya ng malakas na dinig sa buong lobby ng building tapos ibinigay sa akin
ang panyo niya. Adik din naman itong si Paeng.  Pumasok na kami ng elevator at may
nakisabay sa amin. Nasa pinakalikod kami at nakaakbay pa din siya sa akin. Nawiwili
ata?

“Bakit hindi mo sinabi sa akin pupunta ka?” Tiningnan ko siya ng masama.

“At paano ko sasabihin sayo? Hindi ka nag iwan ng number.  Hindi naman kita matext
dahil iniwan mo ang cellphone ko sa bahay.”  Sabi niya kasi ibibili na lang niya
ako ng bago.

“Tapos ang boring boring doon sa bahay mo. Wala pang pagkain, nagtiis na naman ako
sa itlog mo. Isusumbong kita kay Grandma, ginugutom mo ako.”  Wala akong pakialam
kung madami man ang nakakrinig sa amin. 

“Hindi ko man lang matetext sina Mama para makamusta.” Reklamo ko pa.

“Sige ibibili kita mamaya ng cellphone.” Nagalak ang kalooban ko. Mukhang good mood
siya ngayon.

“Samahan mo din akong maggrocery maya maya.” Kinuha niya ang cellphone niya at may
tiningnan.
“Sige.” Sabi niya maya maya.

“At magshopping.” Papayag yan!

“What!? Papasamahan na lang kita kayElisa.” Tiningnan ko siya ng masama. Mula ulo
hanggang paa, pabalik sa mukha niya. Tapos tumaas ang kilay ko.

“Damn! Sige na nga!” I smiled triumphantly  Wahahahaha.

Kala mo ha! Susunod at susunod ka sa akin Paeng at wala kang magagawa.

Pero bakit nga ba sinusunod ako ng Paengot na to?

Bakit nga ba?

It's for me to know and for you to find out.

=================

Pang Dalawampu't Apat na Silip


Dalawampu't Apat

Hindi agad kami pumunta ng mall, may pipirmahan pa daw kasi siya. Nung makaakyat
kami sa office niyang magara, naaliw naman ako as sobrang laki. Kasinlaki ata ng
buong bahay namin. Nagtingin tingin lang ako sa paligid habang nagtatrabaho siya.  

Seryoso? Pogi pala si Paeng pag seryoso? Tapos talaga palang palautos siya. Dalawa
ba naman ang secretary.  Tapos ang lamig lamig pa ng office niya at ang bango. Ang
sarap tuloy matulog. Makahiga nga muna.

“Hoy!” Napabalikwas ako ng bagon. Ampupu naman! Patulog na ako eh. Pinandilatan ko
siya ng mga mata.

“Kung gusto mong matulog doon ka sa kwarto.” Sabi niya sabay turo sa isang pinto.
Di ngah? May kwarto sa opisina niya?  Nawala bigla ang pagkairita ko at tumayo na
ako at naglakad sa tinuro niyang pinto. 

Pero hindi pa ako nakakilang steps ng may pumasok na babae. Sumunod ap ang
secretary ni paeng at pinipigilan siya pero dirediretso alng ang babae. Napakaganda
at napakakinis niya. Napakaiksi din ng damit niya. Kunti na lang makikita na ang
singit niya.  Ang laki ng ngiti niya nung pumasok siya. Mukhang ako pa at si Paeng
ang nagulat sa pagpasok niya.

“Raphael darling!” Dirediretso siyang lumapit kay Paeng sabay halik sa lips at
pulupot ng mga braso sa leeg ng ASAWA ko. Nanlaki ang mga mata ko. Wala bang
delikadeza ang babaeng to? Hindi ba niya nakikita na may ibang tao?
Napatingin naman si Paeng sa akin habang nakapulupot sa kanya ang babae.
Pinandilatan ko siya ng mata. Mukhang nag eenjoy ang walang hiya!

“Ahmmm Katie...may ibang tao.” Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. So, kung
walang tao okay lang? Ang gago talaga! At ano ang sinabi niya? May ibang tao?
SO..ibang tao na ako ngayon? Kung ihampas ko kaya sayo ang sofa Paengot?

Saka pa lang napansin nung babae ang presensiya ko.  Tiningnan niya ako mula ulo
hanggang paa ng nakataas ng kilay. Ay talaga naman! Lumapit ako sa kanya at
tiningnan din siya mula paa hanggang ulo. Ampupu! Mula sapatos hanggang buhok
halatang mamahalin. Pero hindi ako nagpatalo. Eh ano ngayon kung nakatsinelas lang
ako at nakaponytail? Bakit naranasan na ba niyang maging Reyna Elena? Asa siya!

“Who is she Raphael?” Mataray, malandi at maarteng tanong niya. Ang tinis pa ng
boses niya, ang sakit sa tenga.

“I am the wife and who are you?” Mataray, malandi at maarteng sagot ko. Pero nakita
ko ang panlalaki ng mata niya na punong puno ng masskara, eyeliner, eyeshadow. Ang
dami kong napapansin at napapansin ko din na napapaenglish na naman ako.

Lumapit ako sa table ni Paeng at kumuha ng tissue at pinahid ang ilong ko. I heard
him chuckle. May nakakatawa?

“You got married?” Hindi ako pinansin nung maarte, instead, tumingin siya kay Paeng
na komportableng nanonood sa amin at mukhang nag eenjoy pa. Mamaya magtutuos tayo.

“Kasasabi ko lang di ba? Bingi ka ba or tanga lang talaga?” Pinandilatan ko siya ng


mata. Pinandilatan niya din ako. Tapos she ignored me again at tumingin kay Paeng.
“But I thought marriage is not your cup of tea? Why did you marry this...
this...girl?” Gilalas talaga siya sa nalaman. Well, pasensiya na lang siya at kili
kili ko ang nakita ni Paeng.  Kahit ayaw kong ikinasal kami ni Paeng, minsan ang
sarap lang ipangalandakan na ako ang asawa para lang makapagtaray.

“Marriage is not a cup of tea, stupid!” Narinig kong  umubo si Paeng at pinigil ang
pagtawa.  Kumuha ulit ako ng tissue. Ha! Hindi kaya ako mauubusan ng dugo nito?

“It’s a figures of speech, you moron! And why are you answering questions that is
not directed at you?” Hinarap na ako ng malandi at nakipag giyera sa akin sa
pamamagitan ng tingin.

“And why are kissing a guy that is not yours?” Tumaas ang kilay ko, namula ang
maldita. Saan ka ngayon? Shit! Saan ko ba nahugot ang english na yun?

“Hahahaha!” Narinig kong tumawa si Paeng. Tiningnan ko ulit siya ng masama.

“Stop laughing, imbecile!” Tumigil naman siya bigla sa pagtawa.

“Okay.” Pero halata naman na pinipigilan niya ang tawa niya. Tuwang tuwa siya na
pinag aawayan siya? Makikita mo mamaya. You are going to beg on bended knees. Mas
malala pa ang pagmamakaawa ang gagawin mo mamaya kaysa sa ginawa mo kagabi..

“Raphael, is she really your wife?” Si Paeng pa din ang tinanong.


“Yes, Katie, Ana is my wife.” Mabuti naman at hindi nagdeny ang siraulo. Binuksan
nung maarte ang bibig as if to say something pero sinara din niya agad. Tapos she
stomped her feet at tumalikod tapos nag walk out ng walang sabi sabi.

Ano ba yan! Kung makapaglagay naman si author ng kontrabida sa kwento ko, wala
namang kwenta. Hindi umuubra sa akin. Yun lang ba yun? Bring it on! Wahahaha.

“Ang tindi mo Ana, napaalis mo si Katie.” Kulang na lang palakpakan niya ako.
Kulang na lang ipagtayo niya ako ng rebulto dahil napaalis ko ang babae niya.

“Sino ba yun?” Nagtaka naman ako kasi bakit parang ayaw din niya sa babaeng yun.

“Unwanted girlfriend namin.”

“Namin?”

“Naming apat. Kiniclaim niya kasi na kAming apat ang bf niya. Mabuti na lang
napaalis mo yun. Whooooo! Mahal na ata kita!” Ang laki pa ng ngisi niya. Tinaasan
ko siya ng kilay tapos binuhat ang sofa at binato sa kanya.  Natamaan siya sa ulo
kaya namatay na si Paeng. At dito nagtatapos ang kwento namin. Wahahaha.  Joke
lang. Pero sana mas maganda kung hindi joke di ba?

So anyway hindi ko na pahahabain. Nagpunta kami sa mall at ibinili niya ako ng


cellphone, naggrocery na din kami para hindi naman itlog na lang ang kakainin
namin. OO na masarap na ang binating itlog pero mas maganda naman kung minsan may
hotdog, sausage at longganisa di ba?
Bago kami umalis ng mall at nung nasa kotse na kami, tiningnan ako ni Paeng.
Napatingin din ako sa kanya at sa kanyang mga nagsusumamong mga mata.

“Ana, nagawa ko na ang lahat ng gusto. Pwede mo na bang sabihin kay Lola na dalhin
na sa condo si Lilac?” Ngumiti ako ng nakakaloko. Oo, yun ang dahilan kung bakit
sunod sunuran itong si Paeng sa akin. Sinabi kasi ni Grandma, na dapat ako ang
masusunod kung gusto kong doon tumira sa condo namin si Lilac. Nakipag word war pa
si Paeng but it was futile. Walang siyang panama kay Grandma. At nasa aking mga
kamay ang desisyon kung magkakasama pa ba sina Paeng at Lilac. Gusto kong
magtatalon sa tuwa.  Kaya nga kahit nagpamasahe ako kagabi kay Paeng at wala siyang
reklamo. Try lang niya, hindi na niya masisilayan ang pagkadilaw ng tilapyang yun.

“Hindi. Dahil ininis ako ng babae mo.” Seryoso kong sabi. At alam kong sa susunod
na mga araw makakahanap at makakahanap ako ng dahilan para hindi mapadala si Lilac
sa condo. Bwahahahahaha.

“Ana naman! Miss na miss ko na si Lilac.” Nagmamaktol na sabi niya.

“Nagrereklamo ka? Baka gusto mong sabihin kay Lola na alisan ng oxygen si Lilac
kasi magastos sa kuryente!” nanlaki ang mga mata niya.

Nakakatuwa talaga siya. Habang buhay kitang magiging alipin Paeng. Basta nabubuhay
ang tilapya, magiging alipin kita. Bwahahaha.

=================

Pang Dalawampu't Limang Silip

25

“Aaahhhhh... sige pa!! Don’t stop! Dyan... dyan nga.. mmmm... ang sarap.” Grabe!
Kung alam ko lang na ganito kasarap yun, inaraw araw namin to. Ito ata ang sinasabi
nilang can’t get enough. Grabe! Nagiging sosyal na talaga ako simula nung dinala
ako dito ni Paeng sa Manila. Panay na din ang English ko.

“Dito?” Diniinan niya ang bahagi ng katawan ko at napaungol ulit ako.

“Sige diinan mo pa, yaaannn... nice!” Napapapikit ako sa ginagawa niya sa akin.
Then his capable hands landed on my back just above my buttocks. Napasinghap ako at
napaungol when he started massaging it.

“Yan, ang sarap dyan. Aaaahhh.” Napapikti ulit at napakagat sa mga labi ko. Hala!
Pwedeng pagkakitaan ang talent ni Paeng sa pagmamasahe.  Ano kaya kung magnenegosyo
kami ng hilot? Si Paeng ang tagahilot at ako ang cashier? Wala naman siyang magagwa
kasi sunod sunuran siya sa akin ngayon. Takot lang niyang hindi masilayan ulit si
Lilac at iprito ni Grandma. Hahaha.

Napaungol ulit ako sa pagmamasahe niya at nakakaantok ang ginagawa niya. Kunti na
alng makaktulog na ako.

“Ana, pwede ba? Pag minamasahe kita, wag ka na lang umungol?” Reklamo pa niya

“Bakit ba? Eh ang sarap eh. Hindi ko mapigilan. Aaahhhh” I said sa inaantok kong
diwa. Kunti na lang talaga. Kunting kunti na alng makakatulog na ako.

“Para kasi tayong nag aano sa ginagawa mo?” Halos hindi ko na maiintindihan ang
sinasabi niya. Basta may “Inaano” sa sinabi niya. Pwede bang I massage na alng niya
ako? Wag na siyang magsalita. Kaasar naman.

“Inaano?”
“Wala.” Tapos tinuloy na niya ulit. Makakatulog na talaga ako nito.

“Papadala na si Lilac dito bukas ha!” He knead my shoulders and my muscles relax.

“Eeehhhh.. Wag muna!” Mahinang mahinang sabi ko. Sobrang antok na ako. Ang sarap
kaya ng feeling ng kamay niya sa likod ko.  Pero bigla siyang tumigil. Nabitin ako.
Hindi pa ako nakaktulog! Ano ba!

“Hindi na kita imamassage  kung hindi ka pa papayag na ipadala dito si Lilac.”


Antae naman! Bakit ganito siya? Antok na antok na ako eh.

“Ano?” Naramdaman ko ulit ang kamay niya sa likod ko. Nakapatong lang pero hidni
gumagalaw. Tapos naramdaman ko ang hininga niya sa may batok ko. Nanayo ang
balahibo ko despite my groggy state.

“Ahhmmm.. sige na nga!” Wala sa isip na sinabi ko. And with that, tinuloy na niya
ang pagmamassage sa akin. Napangiti ako at tuloy tuloy na ang pagbyahe papuntang
dreamland. Peor bago pa ako tuluyang makatulog, naramdaman ko pa ang pagpisil niya
sa pwet ko. Gusto ko man magreklamo, wala na akong magawa kasi nakatulog na ako.
And besides, baka kasama sa massage talaga ang pagpisil sa pwet.

Nagising ako dahil may narining akong kumakanta. Nung una mahina lang ang tinig
pero habang nagigising ang diwa ko, unti unti ding nagiging malinaw ang kanta at
kung sino ang kumakanta.

Nakita ko si Paeng na nakatalikod sa akin at nakaharap sa closet na nakatapis lang


ng tuwalya at basa pa ang buhok. The smell of his aftershave lingered around the
room.  Tapos narinig ko ulit ang kanta niya.
“Sinong MAPALAD, sino ang ka-awa-awa?Ako bang halos ang buhay ay inialay sa
bansaBagong bayani na ang SANDATA ay lumuluhaBigyan naman ninyo ako kahit...na
konting awaBagong bayani na ang sandata ay lumuluhaBigyan naman ninyo ako
kahit...na konting awa

Sinong MAPALAD, sino ang ka-awa-awa?Ako bang halos ang buhay ay inialay sa
bansaBagong bayani na ang SANDATA ay lumuluhaBigyan naman ninyo ako kahit...na
konting awa”

Yan lang ang kanta niya, paulit ulit. Pero hindi ko alam kung bakit kailangan
niyang gumiling habang kumakanta niyan? At bakit parang naiba ang lyrics? At bakit
naka all caps ang mapalad at sandata? Napatingin ako sa likod niya. Gumagalaw din
ang muscles  niya sa tuwing gumagalaw siya. At oo, nahawakan ko na yan, at nakita
ko na din pero ngayon ko lang talaga natitigan ng bonggang bongga.

Kakaiba ang complexion ni Paeng. Hindi sobrang puti at hindi rin moreno. More like,
mamula mula ang complexion niya. Parang mestizo na naarawan.  Umiinom ba siya ng
merthiolate kaya ganyan ang kulay niya?

Then my eyes travelled downwards papunta sa bewang niya na natatakpan na ng


tuwalya. Hindi naman mahigpit ang pagkakabuhol ng towel kaya nanalangin ako na sana
malglag. Wahahaha.

Ano ka ba Ana! Ang aga aga, ganyan ka! Pumikit ako at umiling iling para mawala sa
isip ko ang image na nabuo sa isip ko sakaling mahubad ang tuwalya ni Paeng.  Mas
maganda pa din ang totoo kaysa sa imagination. Wahahah.

Pero hindi ko mapigilan, kusang bumukas ang mga mata ko and nakita ko ulit ang
towel. Sino ba kasi ang nakaimbento ng towel? Hindi ba niya alam na nakakasagabal
siya sa kaligayahan ng ibang tao?  Pag nakilala ko siya, naku! Makikita niya.

Unti unting umakyat ang tingin ko. Hindi ko to sinasadya ha. Kusang ginagawa ng mga
mata ko to kaya wala akong kasalanan. Hindi ko kontrolado ang sitwasyon kaya wag
niyo akong sisihin. Then nakita ko ang abs niya. Hala! May abs si Paeng. At dahil
mahilig ako sa Math nung grade 1 ako, binilang ko kung ilan. Anim lahat. Hahaha.
Akalain mo yun! Then umakyat pa ng KUSA ang mga mata ko hanggang sa makita ko ang
chest niya and his nipples.

Ang cute ng nipples niya. Wahaha!

Nipples?

Nipples?

Kelan pa nagkaroon  ng nipples ang likod?

At kelan pa nagkaroon ng abs ang likod Ana?

Bigla akong kinabahan. Dahan dahan umakyat ang tingin ko hanggang sa makita ko ang
nakasmirk na mukha ni Paeng na nakatingin sa akin. Nakakaloko ang ngiti niya.
Waaaaaaaaaa!!!

Bakit hindi ko napansin na tumigil na siya sa pagkanta? At kelan alng siya humarap?
Kanina, nakatalikod naman siya ah?

“Enjoying the show, wife?” Nag init ang mukha ko. Huling huli akong binobosohan ko
ang asawa ko. Kung sa normal na mag asawa okay lang, pero sa case namin ni Paeng,
hindi okay, kasi... panigurado, tutuksuhin niya ako habang buhay dahil sa ginawa
ko.
Waaaaaaaaaa!!!!

“Wa—wala akong nakita!” Iniiwas ko ang tingin ko. Kung ipapaharap ako sa salamin,
panigurado, pulang pula ang mukha ko.

“Ows? Talaga?” Sabi pa niya sa mahina at nanunuksong boses. Sinasabi ko na nga ba


at tutuksuhin niya ako hanggang sa dulo ng walang hanggan.

“Talagang talaga!” Wala naman talaga akong nakita di ba? Likod lang naman at dibdib
at abs. Nakatapis kasi ng tuwalya. Sayang!

“Sayang!” Sabi niya bigla na ikinagulat ko. Hala parehas kami ng iniisip.

“Di bali ipapakita ko na lang sayo.” Nanlaki ang mga mata ko, lalo na nung
hinawakan niya tuwalya  at unti unti inaalis ang pagkabuhol.

Gusto ko mang pumikit pero hindi ko magawa. Sbai ko sa inyo may sariling isip ang
mga mata ko eh.

Oooohhh no!

Oohhhhh Yes!
Ooohhhhh no!

Ooohhhh yes!

=================

Pang Dalawampu't Anim na Silip

Dalawampu't Anim

Dahan dahan siyang lumalapit sa kama. Hindi ako makagalaw, parang nakastick lang
ang mga tingin ko sa kanya. Waaaaaahhhhhh!!! Waaaaahhhhh!

Tapos nung malapit na siya sa kama bigla siyang nahiga sa tabi ko. Nanlaki ang mga
mata ko lalo. Hindi ko alam na may ikakalaki pa pala ang mga mata ko. Pero ohhh
my... bakit parang hindi ako makahinga? Magrereklamo na sana ako, itutulak ko na
sana siya kaso bigla niya akong dinaganan with nothing but a towel.

But his arms are supporting his weight kaya hindi talaga dagan na dagan. But still,
his lower body is pressing on me at may nararamdaman ako tumutusok sa akin kahit na
nakabalot ako ng comforter at nakatapis siya ng tuwalya. Napahigit ako ng hininga
kasi ang tigas kaya!

“Take it off.”  Nakangiting  bulong niya sa akin.


“Ano! A-a- a-a-dik ka-ka-ka-ka ba?” Halos hindi ako makapagsalita. Bigla na din nag
init ang kanina lang malamig na kwarto.

“I said, take the towel off me.” Ay! Langyang magsasaka to. Nag eenglish na naman.

“A-a-ano ka!”  Umayos ka Ana! Wag mong ipahalata na masyado kang naapektuhan sa
pinaggagawa niya.

“Gusto mong makita di ba? Alisin mo ang towel. I know you’ve been dying to see it.”
Sabi pa din niya. Tae naman to kung makapag utos. Kala mo kung sino. At hindi ba
niya napapansin? Paano ko mahuhubad ang towel kung nakaipit  ito sa mga katawan
namin? Kahit kailan talaga ang tanga nitong si Paeng. Parang hindi lang nag iisip
eh.

“Paano...”  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla siyang tumayo sa


pagkakadagan sa akin sa panghihinayang ko.

“But if you’re shy, I will do it!” O_O . Omo! Omo!

Pero hindi pa niya nakakalas ang pagkakatali ng towel nung may mag ring. Isang
malakas na ring na nasundan na nasundan. Napatingin kaming dalawa  sa cellphone
niya na nasa bedside table. Ito ang nagriring.  Tapos nagkatinginan kaming dalawa.

“Sagutin mo!” Utos ng hari.

“Bakit ako ang sasagot? Cellphone ko ba yan?” sumama ang timpla ng mukha niya.
Pinagtaasan ko nag ng kilay.
“Malapit kasi sayo.” Oo nga naman. Abot na abot ko eh. Pero ayoko nga! Maya maya
babae pa niya ang tumatawag  mamura ko pa!

“Ayoko nga!” Ha! Manigas ka Paeng!

“”I accept mo lang at I loudspeaker.Wag ngang tamad Ana! ” Bulyaw niya sa akin.

“Ikaw nga dyan ang tamad! Phone mo yan kaya sagutin mo!” Sabi ko pa at pinanindigan
ang  katamaran ko.

“Pambihira naman!” Tapos naglakad na siya papuntang bedside table at kinuha ang
phone niya na hidni natigil sa pagriring.

“Hello!?” Sabi niya sabay alis ng tuwalya niya.

Holypakingshet!

“Aaaaahhhhhhhh!” Tumili ako! Shit! Kitang kita ko ang mapuputi niyang pwet! Bakit
kasi... bakit kasi.... Tumalikod pa siya?! Antae!   

 “Kanina  pa ako tumatawag ang tagal mo sumagot. Kanina pa kami dito nagdodoorbell
pero walang nagbubukas. Ano  ba ang ginagawa niyo? At sino yung sumigaw? Tanghali
na, tama na yan!  Matatraffic tayo.” Narinig ko ang malakas na boses ni Michael
mula sa CP ni Paeng na nakaloudspeaker pala.
Hala! Narinig niya ang pagsigaw ko? Nakakahiya?

“Maghintay kayo.” Tapos ini off na niya ang cellphone at inihagis sa kama. Hindi na
maalis ang tingin ko sa pwet niya. Halos hindi na ako makahinga. Nakakamesmerize
ang pwet niya? Kailangan ko pa bang idescribe ang pagkamacho ng pwet ni Paeng? Wag
na! Baka mainggit ang author at bigla akong patayin.

“Oo nga pala!” Bigla siyang humarap kaya bigla din akong napatakip ng comforter sa
buong mukha ko. Naghinayang tuloy ako sa pagkakataon. Wahaha.

“Parang awa mo na! Magbihis ka!” Pero tumawa lang siya. Hindi man lang nahiya.

“Pupunta tayong Batangas. Birthday ni Jhudiel, doon isecelebrate. Magbihis ka na


din.” Sabi lang niya. Unti unti kong binaba ang comforter sa mga mata ko at nakita
kong naka boxer short na siya at nagsusuot ng pantalon.

Napahinga ako ng malalim. Kung dahil ba sa relief o panghihinayang, ayaw ko ng


sabihin. Nung nakabihis na siya, lumingon ulit siya sa akin at ngumisi.

Maligo ka na at magbihis. Bubuksan ko lang sila at aayusin ang gamit natin. Tapos
kumindat siya at naglakad papuntang pinto.

Nung makalabas na siya, sinampal sampal ko ang sarili ko dahil sa katangahan ko.
“Aaahhhhhh Sayang!” Sigaw ko sa sarili ko sabay palo ng unan sa mukha ko. Bakit
kasi tinakpan mo ang mukha mo Ana? Kainis ka naman eh!

“I know!” Napatigil ako sa pagpalo sa mukha ko. Nakasilip kasi ang mukha ni Paeng
sa pinto. Hindi pala niya isinara at narinig pa ata niya ang sigaw ko. Kumindat
siya sa akin. 

Nakakahiya! Waaaaaaaaaaaaa!!!!

“Next time kasi wag na maarte.” Ibinato ko sa kanya ang unan dahil sa pagkapahiya
ko. Pero sa kasamaang palad,naisara na niya ang pinto. 

=================

Pang Dalawampu't Pitong Silip

Dalawampu't Pito

“Nanghihinayang... nanghihinayang ang puso ko. Nanghihinayang.....nanghihinayang


ang puso ko.” Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan ng masama si Paeng. Mga 30
minutes na siyang kumakanta ng ganyan. Hindi naman niya tinutuloy. Hanggang sa
nanghihinayang lang siya. Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Nagpaparinig siya.
Sarap niyang batukan.

“Pwede ba, manahimik ka!” Sinigawan ko na. Nakakaloko lang eh. Ang laki pa ng ngisi
niya habang kumakanta. Nananadya ang walanghiya. Grrrrr!

“Masama na bang kumanta ngayon? Yan ang mahirap pag nagka asawa eh. Pinagbabawal
ang mga hindi naman bawal. Gumagawa ng sariling rules.”  Sabi niya pero ngumingiti
pa din at ang kilay gumagalaw galaw. Nakakairita ang itsura niya pero hindi ko
maitatanggi na ang cute niya pag gumaganyan siya.  Napakaplayful ng aura niya. Ang
pogi niya! 

Ano daw? Pogi? Ampupu! Ana! Kelan pa naging pogi si Paeng sa paningin mo? Langya!
Bakit ka nag iisip ng mga ganung kalokohan? Erase! Erase! Dapat cute lang katulad
ng mga aso, pusa at rabbit. Mga cute sila. Ganun lang dapat! Hindi pogi! Por diyos!
Si Paeng pogi? No way!

“Pero aminin mo Ana, nanghinayang ka ano?”  Tapos kumindat pa. I clenched my teeth
and my hand para pigilan ang sarili ko. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko kaya
hinarap ko siya at sinabunutan.

Akala ko successful na ako sa plano kong pagkalbo sa kanya pero nagkamali ako dahil
nahawakan niya ang dalawang kamay ko na sasabunot sana sa kanya.

Kasabay ng paghawak niya ng dalawang kamay ko, itinulak niya ako kaya napahiga ako
sa upuan at nakadagan siya sa akin.

Dapat sa mga pagkakataon na ganito, nagwawala na ako. Pinagsisipa ko na siya,


pinagkakalmot, itinutulak at pinapatay. Pero hindi ko nagawa ang lahat ng yun dahil
na stuck ang paningin ko sa mukha niya. Nasabi ko  na iba ang kutis ni Paeng di ba?
Hindi maputi, hindi din brown at hindi maitim. Ang kutis niya very light brown na
mamula mula. At ang mukha niya parang palaging nagbablush at parang nahiyang tumubo
ang mga pimples kasi ni wala kang makitang open pores. His eyebrows are defined,
his nose straight and prominent at ang lips niya, it is moist at talo pa ang
babaeng  nag red lipstick at naglagay ng lip gloss. In short, talo pa ng lips niya
ang lips ko sa kagandahan. Pag hinalikan ko ba siya mahahawa ako sa pagkaluscious
ng lips niya?

Luscious? Whatdapak! Gumising ka nga Ana! Bakit mo siya pinagnanasaan? Kelan ka pa


natutong magnasa kay Paeng?
Ahmmm... simula nung makita ko ang pwet niya? Waaaahhhh! Cannot be! Gumising ka
Ana! Masamang panaginip lang to. Pero hindi naman masama ang feeling di ba? In
fact, ang sarap pa nga ng feeling na magkadikit ang katawan namin at palapit ng
palapit ang mukha niya sa mukha ko. Waaaaahhhh!

Hahalikan ba niya ako? Mamamatay ata ako. Mamamatay ako sa anticipation.

Ayan na....ayan na... and then...

Poof!

Hinipan niya ang tenga ko.

Nanlaki ang mata ko. Napadilat ako at doon ko narealize na nakapikit pala ako ng di
ko namamalayan. Doon ko na nakita na ang laki ng ngisi niya at napagtanto ko na
napahiya na naman ako. Letse! Palagi na lang akong bitin. Ibibitin ko na tong si
Paeng eh.

“Hoy! Anong ginagawa niyo dyan? Hindi pa ba kayo nagsawa kanina?” Tapos nagtawanan
ang mga kasamahan namin.  Nakakahiya talaga. Bakit ba nakalimutan ko na nasa van
kami ngayon at kasama namin ang mga pinsang lalaki ni Paeng at si Raziel? Mabuti na
lang at nakaupo kaming dalawa ni Paeng sa gitnang upuan tapos wala ng tao sa likod
namin kasi anim lang naman kaming sakay  ng van. Pero kahit na!

“Wag ka ngang makialam Michael! Epal ka!”  Sagot ni Raz na nasa tabi ni Michael na
siyang nagdadrive.
“Ikaw naman brokenhearted.” Sabi naman ni Micahel.

“Epal!”

“Brokenhearted!”

“Tama na yan! Birthday ko ngayon.” Sagot ni Jhudiel na katabi ni Gabriel  sa unahan


na upuan sa harap namin.  Tumahimik naman ang lahat. “At Ralph, may plano ka bang
pumatong kay Ana hanggang sa makarating tayo ng Batangas?”  

Nag init bigla ang pisngi ko sa sinabi ni Jhudiel. Nakadagan pa kasi si Paeng sa
akin at ni hindi ko man lang siya itinulak. Masyado naman ata akong na at home sa
closeness namin?

“Nainlove ka lang sa bakla ang dami mo ng napapansin!” Sabi naman ni Paeng sabay
ayos ng upo. Umupo na din ako kasi alangan naman na hihiga pa din ako.

“This guy’s in love with you pare! Bading na bading sayo....” Kanta ni Gabriel
tapos binatukan naman ito ni Jhudiel. Nagkulitan sila habang nagbabyahe kaya ang
gulo at ang ingay sa van. Pero hindi din nagtagal kasi inantok din sila at
matutulog daw muna. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest at pumikit na din hanggang
sa makatulog ako. Pero laking gulat ko nung magising ako na nakasandal na ang ulo
ko sa balikat ni Paeng ,  nakaakbay siya sa akin at nakasandal ang ulo niya sa
headrest. Tulog din siya.

And worst, kuha ng kuha si Gabriel ng pictures namin. Pero paanong ganito ang
position namin samantalang kanina may distance naman kami. Ha! Panigurado, lumapit
sa akin si Paeng. Siya ang nag initiate ng lahat. He took advantage of the
situation! Mapagsamantala!
Inalis ko na ang ulo ko sa pagkakasandal sa kanya at umayos ng upo pero mahirap
kasi nga nakaakbay siya sa akin.

“Sweet.” Sabi pa ni Gabriel.  Ngumiwi ako.

“Gusto mo ng sweet?” Napatingin ako bigla kay Paeng. Gising na siya? Kanina pa?

“Ito ang sweet.” Ni hindi pa ako nakakakurap nung hinapit niya ako bigla at
inangkin ang labi ko. Oo, inangkin talaga, hindi tinikman kasi hindi tikim ang
ginagawa niya.

Ni hindi ko magawang magprotesta kasi ayaw ko naman talaga magprotesta. Nasasaniban


ata ako ng masamang espiritu at nagugustuhan ko ang ginagawa niya.

Ni hindi ko pinansin ang mga hiyawan ng mga kasamahan namin. Ni hindi ako nahiya na
kuha ng kuha si Gabriel ng mga pictures namin. Instead, ikinawit ko pa ang mga
braso ko sa batok niya.

“Ibababa ba natin ang dalawang to sa malapit na hotel?” Sabi ng kung sino man.

“Wag na. Basta magdrive ka lang.” 

=================
Pang Dalawampu't Walong Silip

28

Hiyang hiya ako buong byahepero mabuti na lang at hindi na kami tinukso. Nagkunyari
na lang akong tulog para na din hindi ko makita ang nakakalokong ngisi ni Paeng.   

Tanghali na kami nakarating sa resort nila at nagpahinga muna kami kasi sa gabi pa
naman ang party. Pagdating ng mga 5PM nag ayos na ako ng simpleng dress kasi semi
formal lang naman ang party. Si Paeng hindi pa bumalik sa kwarto simula nung
dumating kami. Nagkayayaan kasi silang mag island hoping daw muna. Hindi nga ako
sumama, kasi tanghaling tapat at ang init init. Masisira ang unti unting umuusbong
na kutis mayaman ko. Wahaha.

Bago ang party, naramdaman kong may umakbay sa akin and I saw, (shit! English!) at
nakita ko si Paeng na likuran ko at nakangisi. Namumula ang pisngi niya hindi ko
alam kung dahil ba sa sunburn o ganun talaga siya.

“Nagdiving kami. Sana sumama ka. Madaming magagandang aquarium fish doon. Bukas ng
umaga pupunta tayo para hindi masyadng mainit. Mag eenjoy ka.” Nakikiliti ako sa
hininga niya sa may tenga kko banda. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Bakit
kailangang malapit sa tenga ko kung magsalita siya?

“May pating ba doon?” Wala sa sariling tanong ko. Naramdaman ko ang kamay niya na
nakaakbay sa akin, nakahawak na ngayon sa bewang ko. At bakit niya inaamoy ang
buhok ko? Nagshampoo naman ako ah.

“Meron pero wala sa season ngayon.” Pumunta na kami kay Jhudiel  at bumati ng happy
birthday at nagbigay ng regalo.

“Bakit takot ka sa pating?” Tanong niya nung makaupo na kami sa table at kumakain
na. Pinagbabalat niya ako ng Buttered garlic prawn  na favorite ng author na hindi
marunong magluto pero mahilig kumain. (Leche ka Ana!) 

“Hindi. Manghuli tayo ng pating tapos ilagay natin sa aquarium ni Lilac.”


Pasimpleng sabi ko sabay subo ng prawn na binalatan niya.

Muntik na niya naibuga ang tubig na nainom niya at tumawa ang mga kasamahan namin
sa table. May nagcomment pa nga na sweet daw kami. Sweet? Kami? Hindi ba nila alam
na pinagbabantaan ko ng murder ang paboritong isda ng asawa ko? If only they knew.
Wahahaha. English na naman! Langya. Pasensiya na, hindi ko mapigilan ang mag
English. Ganito ata talaga pag nagtapos ka ng Bachelor in  Secondary Education
major in English. Wahahaha.

At sa wakas nakatapos din kami sa pagkain after 2 hours. Oo, 2 hours talaga,
nagchichikahan pa kasi sa mesa. Mga tsismosa! Wahahaha.

Tapos binigyan ako ni Paeng ng juice na masarap. Cosmopolitan  daw ang tawag doon.
Pero masarap talaga ang juice na yun . nanghingi pa ako ng isa pagkaubos ko ng
isang glass.

“Sure ka?” Tanong pa niya na nagtataka.

“Tinitipid mo ba ako ng inumin?” Nakataas pa ang kilay ko niyan. Umiling na lang


siya at  kumuha ulit tapos binigay sa akin. Nakakainis lang kasi ang kunti ng
binibigay nila. Nakalagay kasi sa glass na parang triangle na mahaba ang hawakan.
Bakit kasi hindi na lang nila ilagay sa totoong baso di ba? Parang iced tea lang.

“Dahan dahan lang naman Ana. Nakakalasing yan.” Sabi pa niya sa akin habang
pinagmamasdana kong uminom sa tinipid na juice. Akala ko ba mayaman sila? Bakit
nagtitipid sila sa Juice? Di sana nag iced tea na lang sila kasi eight pesos l;ang
ang isang litro.
“Anong nakakalasing? Parang juice lang eh. Saan mo ba to kinukuha? Nauuhaw pa ako.”
Pinigilan pa niya ako pero sorry na lang siya kasi may nakita akong babae na 
kumuha din ng juice na yun doon sa may bar. Nakakalasing daw. Eh bakit di pa rin
ako nalalasing? Ang sabihin niya, tinitipid niya talaga ako sa inumin. Gumaganti
ata kasi sinabi ko kanina na  ipapakin ko si Lilac sa Pating. Tsee!

Naglakad na ako papunta sa bar at humingi ng cosmopolitan na ginawa naman agad ng


bartender. Inisang lagok ko yun at nakita kong napatulala ang bartender sa akin.
Bakit ba? Ang kunti nila kasi magbigay!

“Isa pa please. Damihan mo naman kuya!” reklamo ko pa. Binigyan naman ulit ako ng
bartender pero sa maliit na baso pa din. Pero hindi ko pa nahahawakan ang baso nung
kinuha ni Paeng ang kamay ko. Bigla bigla na lang siyang sumusulpot.

“Let’s dance.” Sabi niya sabay hila sa akin sa gitna kung saan may ibang nagsasayaw
na.

“Teka! Yung juice ko.” Lumilingon pa ako sa inumin ko na hindi ko pa nababawasan


pero hinihila na niya talaga ako. Nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinila
palapit sa kanya at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko nung nasa gitna na kami.
At doon ko narealize na romantic pala ang kanta kaya ganun ang position namin.

Inilagay ko na din ang kamay ko sa balikat niya at ipinatong ang ulo ko sa balikat
niya kasi nahilo ako sa ginawa niyang paghila sa akin.

Yung katawan namin ang lapit lapit na at parang naiinitan na ako at para akong
lumulutang at napapapikit na ang mata ko.
“Wag mo akong tulugan sa gitna ng dancefloor.” Bigla niyang sinabi na automatic na
nagpabukas ng talukap ng mga mata ko.

“Nahihilo kasi ako.” Sabi ko pa at pumikit ulit. At isa pa ang sarap kayang
sumandal sa kanya. Ang bango bango! Hmmm...

“Sinabi ko nang nakakalasing yung cocktail.” Cocktail ba ang tawag dun sa juice?
Ehhh whatever!

“Hindi naman ako lasing, nahihilo lang talaga ako.”

“Ganun na din yun! Ang kulit at ang tigas kasi ng ulo mo.” Tapos nilayo na niya ako
sa kanya. Gusto kong magprotesta kasi ang sarap doon. Gusto kong matulog doon.
Tapos iginiya na niya ako palabas ng venue. Naglakad kami papuntang beach pero
parang binubuhat na niya ako. Bakit ba kasi parang lumulutang ako? Hindi ako
naniniwalang sa tatlong basong juice eh malalasing ako. Impossible.

“Anong ginagawa natin dito?” Tumayo kami na nakaharap sa dagat na wala naman akong
makita kasi ang dilim at yung maliliit na ilaw lang na mula ata sa mga mangingisda
na nasa gitna ng dagat ang nakikita ko. Pero ang lamig ng hangin at medyo nawawala
ng kunti ang hilo ko.

“Magpahangin ka para mawala ng kunti yang kalasingan mo. Ang aga aga lasing ka na!”
Maktol pa niya pero nilagay naman niya ang kamay niya sa harap ko sa may bewang.
Nakatayo kasi siya at nakatalikod ako sa kanya at nakasandal ako sa kanya kasi nga
kanina hilo ako at hindi ko naman pansin na ganito ang posisyon namin kanina.
Ngayon lang na medyo nahimasmasan na ako sa kalasingan ko. Nalasing nga ata ako!
Wahaha!
Pinakiramdaman ko lang ang samyo ng hangin. Malamig pero ang presko. Tapos
naramdaman ko din na hinahalikan na ni Paeng ang ulo ko at humihigpit na ang yakap
niya sa akin mula sa likod. Hala! Baka imagination ko lang to kasi lasing nga ako
di ba?

Pumikit pa ako kasi para mas maramdaman kung totoo ba talaga na hinahalikan niya
ang ulo ko o bunga lang to ng kalasingan ko. Maya maya pa naramdaman ko na din ang
hininga niya sa tenga ko pababa sa leeg ko.

Napahigit ako ng hininga when Ifelt him kissed the side of my neck. Ang his lips is
brushing the side of my ears pababa sa jaw ko. His warm breath fanning my face.
Nanayo ang mga balahibo. Totoo nga!

“Ana.” Mahinang sabi niya.Napalingon ako at hindi ko alam kung tama ba o mali na
ginawa kong  yun because pagkatingin ko sa kanya, his lips captured my lips.  At
nung nangyari yun, parang nalasing ako ulit. Ni hindi ko alam kung bakit nakaharap
na ako sa kanya. Siya ba ang pumihit sa akin paharap or ako ang umikot paharap sa
kanya.

Basta napansin ko na lang na nakapulupot na ang mga braso ko sa leeg niya at


nakikipaghalikan ako sa kanya. Nakakalasing nga ang cosmopolitan pero mas
nakakalasing ata ang mga halik ni paeng kasi alam ko kung kung kelan titigil pero
sa halik ni paeng, parang ayaw ko ng tumigil. I just wanted it to go on. At mas
lalong hindi na ako oblivious sa ibang bagay na nasa paligid ko. Nakafocus na alng
ang buong senses ko sa mga halik niya na kung saan saan na nakakarating at sa mga
kamay niya na kung ano ano na ang nahahawakan.

Ni hindi ko napansin na nakarating na kami sa room namin and that I was in the
shower. Nahimasmasan na lang ako nung binuksan niya ang shower at nabasa ako ng
malamig na tubig. I found my dress na nakaipon sa paanan ko and I am only wearing
my two undergarments. Paeng is now only wearing his boxers at hindi ko makita kahit
saan sa loob ng banyo ang shirt at pants niya.

Pero bakit ba hinahanap ko pa yun while Paeng’s hand  is busy getting rid of my
remaining garments and his lips busy kissing mine.
At kahit malamig ang tubig ng shower hindi yun sapat para magising ako ng tuluyan.
And besides, ayaw ko ng tumigil. Hindi ko na kayang tumigil. And I doubt kung
papipigil si Paeng.

Why would I want to wake up when I am about to have the most wonderful dream? 

=================

Pang Dalawampu't Siyam na Silip

29

Hindi ko pa nabubuksan ang mga mata ko, nararamdaman ko na ang mahinang paghinga sa
may ulo ko, nararamdaman ko na na hindi unan ang hinihigaan ko, ang mabigat na
braso na nakayakap sa akin, ang mabigat na binti na nakapatong sa legs ko at ang
hapdi sa lower body ko.

Tapos unti unting bumalik sa akin ang nangyari kagabi at pakiramdama ko nag init
ang buong pagmumukha ko. Pero kahit anong kahihiyan pa ang maramdaman ko wala na
akong magagawa. Nangyari na ang lahat at hindi na pwedeng ibalik ang hymen ko. So
its better that I have to accept the fact that we've consummated our marriage.
Kinuha ko ang putting kumot at pinahid ang nagdudugo kong ilong. Wahaha. Pero
infairness ha, nakakapagod pala yun. Pero kahit nakakapagod, enjoyable pa din.

Unti-unti ko ng minulat ang mga mata ko at una kong nasilayan ang dibdib ni Paeng.
Nakahiga ako sa braso niya at ngayon ko lang narealize kung gaano siya kalaking
tao. Tumingala ako sa mukha niya at naamaze talaga ako sa haba ng pilikmata niya
pati sa pisngi nya na ngayon ay parang naggegray dahil sa mga patubong balbas.
Tapos bumaba ang tingin ko papuntang leeg niya, sa dibdib niya at sa nipples niya
pababa sa...

"Ahem!" Bigla akong napapikit at nagkunyaring tulog pero ang totoo napapangiti ako.
Pwede namang ngumiti pag tulog di ba? Pwede yun. Iisipin lang ni Paeng na
nananaginip ako. Kesa naman aaminin kong pinagmamasdan ko siya habang tulog.

"Hmmmm...Ang bilis makatulog ah." Tapos naramdaman kong lalo niya akong niyakap.
Dikit na dikit tuloy ang mukha ko sa dibdib niya. Tapos pinadaan niya ang isang
daliri niya sa tagiliran ko mula sa braso pababa papuntang bewang. Ang lakas kaya
ng kiliti ko sa bewang. Napaigtad ako at napasigaw bigla. Paksyet!

"Wag po Koya! Wag po!" Hahahaha. Anong magagawa ko? Nakikiliti talaga ako.

Tumawa lang siya ng malakas. Hindi pa rin ako makaalis sa tabi niya kasi nakadagan
pa din ang isang legs niya sa akin at niyayakap ako ng isa niyang braso.

"Oh, gising ka na pala." Nagkunyari pa siyang surprise pero nakangiti siya.

"Ang bigat mo!" Mahina ko siyang tinulak para kunyari ayaw kong niyayakap niya ako
pero siempre sabi ko nga mahina lang at kunyari lang. Wahahaha. Hala! Ano? Bakit
ganito na ako? Hindi naman ako ganito bago nangyari ang lahat lahat kagabi di ba?

Tsaka lagi naman kami nagtatabi kung matulog pero parang wala lang sa akin pero
bakit ngayon iba ata ang epekto? Epekto ba rin ba to ang juice na nainom ko kagabi.

"Hindi ko akalain na ganito ka ka sexy Ana." Tiningnan ko siya ng masama.

"Nasilipan mo na ako't lahat lahat, tapos nakita mo na akong naka bra at panty,
tabi tayo matulog GABI GABI, tapos ngayon mo lang narealize na sexy ako? bulag ka
ba?" Walanghiya talaga itong si Paeng! Ang aga aga binubwisit ako. Masakit pa naman
ang katawan ko!

"Naman! Ang aga aga sumisigaw ka! Okay lang sana kung yung katulad kagabi yung
sigaw mo kasi masarap pakinggan." Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hala?
Sumigaw ako kagabi? Hindi ah! Noooooo! Hindi ko ginawa yun. Hindi sumisigaw ang mga
Reyna Elena!

"Hindi ako sumigaw kagabi! Nagsisinungaling ka!" Hindi na ako makatingin ng diretso
sa kanya. Sigaw na ba yung ginawa ko kagabi? Mahina lang naman yun ah!

"Ayaw mong maniwala?" Nanghahamon ang tingin niya sa akin na para bang gusto niyang
patunayan na ginawa ko nga yun.

"Talaga!" Hidni naman kasi yun totoo. Maniwala ako dyan kay paeng. Kaya kayo, wag
na wag kayong magpapaniwala dyan. Sinungaling yan.

"Gusto mo ng katibayan? Sige i-replay natin!" Tapos dinaganan ba naman ako bigla.

"Ahh-!" Hindi na natapos ang sigaw ko kasi bigla niya akong hinalikan. Nararamdaman
ko ang buong katawan niya sa katawan ko pero hindi naman mabigat. We are still
naked inside the blanket. Shit naman! Gusto ata talaga niyang patunayan? Ana naman
kasi! Wag mong hinahamon yang si Paeng, wag mo siyang kinakalaban, dapat
sinasabayan mo siya. Pag hinalikan ka niya, halikan mo din. Hahahaha.

Pababa na ang halik niya sa leeg ko ng may biglang kumatok. Napatigil kaming dalawa
at nagkatinginan. Parang nag usap ang mga mata namin kong bubuksan ba namin ang
pinto o hindi.

Tapos nasundan pa ng sunod na sunod na katok at maya maya, nagriring na ang


cellphone ni Paeng kasabay ng pagring ng phone sa kwarto namin. Di naman makulit
ano?

"Ano?" Umupo si Paeng sa kama at pasigaw na sinagot ang phone. "Sige mag aayos na
kami." Tapos ibinagsak ang telepono. Nabingi na siguro yung kausap niya sa phone.
Tapos tumingin siya sa akin. Hindi ako masyadong tumitingin sa kanya kasi nakahubad
siya.

"Nakalimutan kong magdadiving pala tayo. Kaya mo ba? Kung mahihirapan ka, wag na
lang tayong tumuloy." Hindi ko alam kong concern ba ang nakikita kong expression
niya habang tinatanong niya ako. Parang adik tong si Paeng kung makapagtanong kala
mo naman naputulan ako ng paa.

"Anong akala mo sa akin invalid?" Tapos agad agad akong tumayo bitbit ang kumot.
Napangiwi ako. Hala! Masakit pala talaga. Muntik pa akong matumba dahil nagulat ako
sa sakit. Nasa tabi ko naman agad siya para alalayan ako.

"Bwisit ka!" Sininghalan ko na at tiningnan ng masama.

"Bakit na naman?" Nakahawak siya sa bewang at tinulungan akong maupo sa kama.

"Hindi ka man lang nagdahan dahan kagabi. Kainis ka! Alam mo naman na... na ano
ako! Kainis! Paano ako ngayon makakapag-diving? Ni hindni ako makaligo!" Tapos
napatingin ako sa stain sa bedsheet tapos sa kanya. Nakita ko siyang namula. Bakit
siya namumula? Siya ba ang virgin? Parang gago talaga itong si Paeng.

"Bakit ako? Dinadahan dahan ko naman. Ikaw tong nagmamadali! Eh di bukas na lang
tayong magdiving kung di mo kaya ngayon. Madami pa namang araw at kung paliligo
naman ang problema mo, ako na lang ang magpapaligo sayo." Tapos walang sabi sabing
binuhat niya ako at dinala sa shower.

Ano ba!

Nagsimula kami sa shower, magtatapos din ba kami sa shower?

=================

Pang Tatlumpung Silip

Pang 30 Silip
“Ano ka ba! Kaya ko naman na!” Reklamo ko kay Paeng nung inaassist niya ako pasakay
sa bangka na sasakyan namin papunta sa site kung saan kami magdadiving. Kanina pa
siya ganyan. Hindi ko alam pero parang may nag iba kay Paeng. Hindi na niya ako
masyadong inaaway at inaasar. Hindi na din niya pinapatulan ang mga pang aasar ko.
Naninibago talaga ako sa kanya. Ano kaya ang nakain niya? :D

Ngayon ang schedule namin para mag diving kasi hindi kami natuloy kahapon dahil nga
sa mga kaganapan. Hahaha. Nakakaloka, ‘mga kaganapan’ talaga. Eh totoo namang mga
kaganapan eh. Halos hindi na nga kami lumabas ng kwarto. Hahahaha. Ahhh. Ana! Stop!
Stop thinking about it. Parang awa mo na sa mag inosenting nagbabasa ng kwento mo. 
Hindi na nga dinetalye ng author ang BS niyo tapos ikaw panay pa ang isip ng MGA
naganap. Haha.

Pagkasakay ko sa bangka, namangha naman ako kasi may kwarto , CR, may dining,
kitchen at living room sa ilalim.  Ang sosyal ng bangkang ito. Iba na talaga ang
mga mayayaman, iba ang kasosyalan ng mga bangka. At dahil naaliw ako sa bangka,
pumunta ako sa pinakagilid at nagtingin tingin.

“Maupo ka nga muna Ana. Ang  likot likot mo. Maya maya mahulog ka pa dyan.”
Napatingin ako kay Paeng na papalapit sa akin. Ayan na naman siya. Nagiging weird
na naman.

“Hindi ako mahuhulog. Tsaka hindi pa naman umaandar.”  Nagsasakay pa kasi ng mga
gamit sina Raz, Jude, Mike at Gab. Hindi ko alam kung bakit hindi tumutulong si
Paeng at panay lang ang sunod sa akin. Buntot ko ba siya? Adik talaga.

“Ano ka ba Kuya! Kanina ka pa tulala. Hindi ka ba tutulong? Tititig ka na lang ba


habangbuhay sa cellphone mo?” narinig kong sigaw ni Raziel sa Kuya niya. Ito
talagang si Raziel, kahit na lalaki lahat ang palagi niyang kasama, hinding hindi
siya nagpapaapi. Nakikipagsabayan siya sa asaran.

“Ito bitbitin mo!” Tapos halos ihampas niya kay Jhudiel ang dala dalang cooler. Ang
bigat nun ha. “Para ka namang hinalay ng bakla!” Sabi pa ni Raziel at nakita ko ang
biglang pamumutla sa mukha ni Jude. Ehhh. Anong nangyari sa kanya?  
“What’s wrong Dude?” Tanong naman ni Gab kay Jude habang paakyat sila sa bangka.
Nakita kong tumingin lang kay Gab si Jude pero parang hindi naman tumitingin.
Parang tagos ang tingin.  Makikitsismis pa sana ako nung may biglang humila sa
braso ko.

“Halika na nga. Napakatsismosa mo.” Tapos hinila na niya ako papunta sa manibela ng
bangka. Haha. May manibela! Langya! Parang kotse lang. Pinaupo niya ako sa upuan
tapos nagsimula na siyang makipag usap sa kung sino sino mula sa radio.

“Pwede ba akong pumunta kina Raz...” Sabi ko kasi hindi ko naman alam ang ginagawa
niya. Naiinip ako.

“Hindi! Maupo ka lang dyan.” Ang sama ng tingin niya sa akin. Napasimangot na lang
ako. So ibig sabihin, tutunganga lang ako sa kanya? Kainis! Sarap batukan. Para
tuloy gusto kong bumalik sa dating si Paeng na hindi ako pinapakialam. Ba’t ba kasi
bigla na lang siyang naging pakialamero?

Pinaandar na niya ang bangka nung mag signal na si Michael na ok na. Tapos unti
unti na kaming lumalayo sa dock.

“Ikaw dito.” Bigla niyang sabi. Napatingin ako bigla sa kanya mula sa paglilinis ng
kuko kong kulay pink ang nailpolish.

“Ako?” Hala! Hindi nga akong marunong magdrive ng kotse tapos papadrive niya sa
akin ang isang bangka? Gusto na ba niya kaming mamatay? Paano kung masagasaan kami
ng Titanic dito?
“Oo. Tuturuan kita. Madali lang naman.” Kahit natatakot ako, nanaig pa din ang
curiosity ko, kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko ang nagpaturo sa kanya kung
paano magdrive ng bangka. Noong una, nagcoconcentrate ako sa pagtuturo niya pero
after mga 3 minutes hindi ko na makuhang magconcentrate kasi aware na aware ako na
ansa likod ko siya at nakadikit ang likod ko sa katawan niya. Tapos nararamdaman ko
ang hininga niya sa may bandang tenag kio habang tinuruan niya ako.

“Make it a little faster.” Nanayo ang lahat ng balahibo ko. Napakasensual ng boses
niya. Hala! Hala! Feeling ko nag iinit ang pisngi ko at nag iinit ang buong
paligid. Nanlalambot ang mga tuhod ko lalo na nung naramdaman kong sininghot niya
ang leeg ko. Shucks! Naestatwa na lang ako at pigil ang hininga.

“I -autopilot natin tapos pumunta tayo sa baba.” Tapos lumayo siya sa akin at
nagpipindot na. Napahiya ako sa sarili ko. Ano ba ang iniexpect mo Ana? Kasisikat
pa lang ng araw, kung ano ano na ang iniisip mo.

Niyaya na niya ako pababa kung saan sina Raz tapos sinabihan si Michael na siya
muna daw ang sa taas para magdrive. Gusto ko sanang matulog pero nasa loob daw ng
room si Jude at natutulog kaya nagkwentuhan na lang kami. After mga 20 minutes
nakarating kami sa diving spot.

Nagsuot na kami ng mga diving gear namin. Tinulungan pa ako ni Paeng na isuot ang
oxygen ko pati ang sapatos na may palikpik.

“Ang OA mo na Kuya Ralph. Ginagawa mong invalid si Ana. Kulang na lang ikaw ang
magbihis.” Komento ni Raz nung nag aagawan na kami ni Ralph..naks! makaRalph naman
ako. Pwe! Paeng dapat! Hindi talaga ako sanay na tawagin siyang Raphael or Ralph or
whatever. So ayun nga nag aagawan kami sa pag suot ng sapatos. Tama naman kasi si
Raz, marunong naman akong magsuot bakit kailangan pang suotan ako.

“Shut Up Raziel. Dinig ko nagdadalawang isip si Rex kung itutuloy pa ba ang


pagpapari.” Biglang umasin ang mukha ni Raz at... splash! Tumalon siya bigla sa
dagat. Nagtawanan naman ang mga kalalakihan. Sino si Rex?
So ayun nga, nagsimula na kaming magdive. Sa kamalas malasan naman wala akong
nakitang pating. Pero infairness ang gaganda ng mga corals at mga isda. Nakakita pa
nga ako ng nemo. Gusto ko sanang tawagin pero hindi ako makapagsalita dahil sa
oxygen. Haha.

Nung malapit ng magtanghali umahon na kami at pumunta na sa island kung saan


malapit na naka-anchor ang yacht. Shit! Yacht pala ang tawag dun. Narinig kong sabi
kanina ni Gab. Ang arte, bangka lang naman yun.

Nag ayos na ang mga boys ng mga kakainin namin kasi naligo ako sa dagat at si
Raziel naman ayaw tumulong kasi naiinis daw siya. Kaya ayun, silang apat ang nag
ayos pati nag ihaw ng mga isda. Nung mag sawa ako kakapaligo napagpasyahan kong
umakyat na sa yacht para magbanlaw.

Pababa na ako papuntang cabin nung may marinig akong boses.

“Nakakapanibago ka Ralph. Ngayon lang kita nakitang nagkaganyan.” Boses ni Gabriel


at mukhang kausap niya si Ralph. Natigil ako sa pagbaba.

“Oo nga dude. Kung makatingin ka naman at kung makaalalay parang ayaw mo ng
ipakagat kahit sa langgam. Sabihin mo nga, in love ka na ba sa asawa mo?” Biglang
lumakas ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang tanong ni Michael. In fact, gusto
ko ng bumalik sa taas at maglangoy ulit. Hindi ko alam pero natatakot akong marinig
ang sagot ni paeng sa tanong niya.

Halos pigil ko ang hininga ko sa pag aantay ng pagsagot niya and it took a while.
Hindi agad siya nakasagot.
“ No. Of course not.  I am not in love with her. Yeah, she’s beautiful  and funny.
But you know that she is not  my type. It’ just that l.... she is very
entertaining.” Napapikit ako sa narinig ko. Entertaining? Ako? Kelan pa? At bakit
parang nasasaktan ako sa narinig ko? Ano ba ang ineexpect ko? At bakit ako nag
eexpect?

Dapat nga matuwa pa ako kasi kahit papaano natutuwa si Paeng sa akin. Pinuri niya
ako sa harap ng mga pinsan niya. Maganda daw ako. Funny daw ako. Dapat matuwa ka
Ana.

 Pero bakit ganito? Instead na matuwa, bakit parang pinipiga ang puso ko.

Bakit parang naiiyak ako?

Bakit nasasaktan ako? 

=================

Pang Tatlumpu't Isang Silip

(Akalain niyo yun, nakaabot ng 31 chapters ang story ni Ana. Tsk tsk!)

31.

Bumalik na kaming Maynila kinabukasan pagkatapos ng diving chuchu na yun. Ewan ko


pero wala ako sa mood. Simula nung marinig ko ang usapan ng magpipinsan, nawala na
ako sa mood. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang bigat ng dibdib ko. May
nakadagan atang bato. Waaaaa! See pati sarili kong joke hindi ko makuhang tumawa.
Ano ba ang nangyayari sa akin? Buntis na ba ako? Agad agad?
Nung kinagabihan nga pagkatapos ng diving, kung ano ang pinaggagawa niya sa akin
pero wala talaga ako sa mood kaya tumigil na lang siya. Ewan ko ba kung bakit ako
nagkakaganito? Nakakainis tuloy. Bakit ba kasi sobrang apektado ako sa narinig ko?
Eh ano ngayon kung hindi niya ako mahal? Eh ano ngayon kung natutuwa lang siya sa
akin? Eh ano ngayon? Hindi ko naman ineexpect na mahalin niya ako ah. At isa pa,
wala sa usapan namin ang pag ibig.

Pero bakit ako apektado ng ganito?

Mahal ko na ba si Paeng?

Bigla akong napahinto sa naisip ko. Shit! Mahal. Ko. Si. Paeng?  Shit! Shit! Double
Shit!

Tapos narinig ko sa kanyang hindi niya ako mahal? Tapos ngayon mareralize kong
mahal ko siya? Napatulala ako bigla. Hindi. Ito. Maaari.

“Okay ka lang Ana?’ Narinig kong puna sa akin ni Paeng. Paano naman kasi papasok na
kami sa kwarto tapos bigla akong titigil sa paglalakad. Buti na lang di siya
nauntog sa akin. Parang sira lang di ba?

“O-okay lang.” Wala sa sariling sabi ko. Hindi ako mapakali sa realization ko. Para
akong sinisilaban sa pwet. Pag nagkataon, magiging one sided love affair ang peg
ko. No! Sa ayaw at sa gusto ko yun talaga ang mangyayari. Pakiramdam ko huli na ang
lahat para bawiin ko or alisin ko ang kung anuman ang nararamdaman ko towards
Paeng.
Ohhh nooo!

Wala sa sariling naglakad ako papuntang kwarto at nahiga. Si Paeng, nagtatakang


tumingin sa akin tapos iiling iling na pumasok ng banyo. Tiningnan ko ng masama ang
likod niya. Correction. Ang machong likod niya.

Kasalanan niya ang lahat ng to. Kung hindi niya ako sinilipan sa batis hindi kami
magkikita, kung hindi niya ako pinadampot sa mga pulis hindi niya ako magiging
alipin, kung hindi niya ako naging alipin, hindi kami nagpanggap na mag asawa at
kung hindi kami nagpanggap na mag asawa, hindi ako pinakilala sa pamilya niya at
hindi kami napikot, kung hindi kami nagpakasal sana naliligo pa din ako ngayon sa
batis at namumuhay ng simple at lalong lalo na hindi ako mahuhulog sa kanya. 
Kasalanan talaga lahat ng Paengot na yun! Nakakita tuloy ang author ng butas para
masaktan ako. Ayy bwisit naman!

Pero hindi. Hindi ako makakapayag sa ganito. Kaya ko pang bawiin at


ipagpawalangbahala ang nararamdaman ko para kay Paeng. Tama Ana, isa ka talagang
henyo.  Yun dapat ang gagawin mo. Act as if hindi mo gusto si Paeng, na baliwala
lang siya sayo at wala kang pakialam sa kanya. Katulad ng ginagawa mo dati. Tama
yun nga ang gawin mo.  At nakatulog ako dahil sa relief ng mga naisip ko at dahil
na rin sa pagod sa byahe. Hindi ko na naramdaman ang pagtabi sa akin ni Paeng sa
kama.

Kinabukasan, nagising  ako at wala na si Paeng sa tabi ko. I felt empty pero agad
kong inalis ang nararamdaman ko na yun. Di ba nga hindi ko eentertain kung ano man
ang nararamdaman ko para kay Paeng? Di ba nga babaliwalain ko siya katulad ng dati?
Na parang wala akong pakiaalam kung uuwi ba siya o hindi, kung nakakain na ba siya,
or kung ano ang oras ang uwi niya galing opisina. Dapat wala lang lahat yun sa
akin.

Tumayo ako at nagluto ng makakain ko. Mabuti na lang talaga at naggrocery na kami.
Nakakasawa na talaga ang itlog na lang palagi ang kinakain. Pagkatapos kong kumain,
nanood lang ako ng TV at nagbasa ng Bud Brothers Unlimited ni Rose Tan. Pero habang
nagbabasa ako wala akong naiintindihan sa story. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Paeng. Nanginginig pa ang kamay ko
habang dinadial ang number niya. Tandaan mo Ana, tatawagan mo lang pero wala ka
talagang pakiaalm sa kanya okay?
“Hello Ana.” Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko pagkarinig ko ng boses niya.
Muntik ko ng mabitiwan ang cellphone. Hinayupak! Nagiging nerdiyosa na ako.

“Pa-paeng..ahmm nakakain ka na ba?” Susmaryosep Ana. Sa telepono pa lang kayo nag


uusap ganyan na ang kaba mo. Paano pa pag nagkaharap kayo?

“Hindi pa. Pero may lunch meeting kami mamaya. Doon na lang ako maglulunch. Ikaw
nakakain ka na?” Lumukso na talaga ang puso ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ako
ang pinakamagandang babae sa buong mundo dahil lang sa nag aalala ang asawa ko sa
akin.

“Magluluto pa lang.”  Hayyss. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Hindi ko alam na ang
sarap pala ng feeling ng in love. Parang gusto tuloy magbago ng isip ko kung
ititigil ko ba o hindi ang pagsinta ko kay Paeng. Naks!

“Wag kang magpapagutom. . Kumain ka sa oras. Kung may kailangan ka tawagan mo lang
ako. Kung gusto mong lumabas nasa baba lang ang driver.” Lalo akong napangiti sa
sinabi niya. Kulang na lang maglupasay ako sa kilig. Walanjo! Kanina lang sinisisi
ko siya pero isang tawag lang nagbago na ang isip ko.

“Okay. Oo nga pala. Dito ka ba magdidinner mamaya?” Say yes. Wahahaha.

“Sige. Uuwi ako ng maaga mamaya. Ana, I have to hang up. Andito na ang mga
kameeting ko. “ Nanghinayang ako sa sinabi niya. Pero wala na akong magagawa, may
trabaho siya.
“Sige. Bye.” Sabi ko na lang.

“Bye.”  Tapos binaba na niya ang phone. Ang laki ng ngiti ko. Nilagay ko ang
cellphone sa tapat ng puso ko at parang sira ulo na ngumingiti.  Pagkatapos ng
pagddaydream ko nagpunta agad ako sa kitchen para tingnan kung ano ang pwede kong
iluto para sa dinner.

Kumain lang ako ng apple habang piniprepare ko ang mga niluto ko. Mga 6Pm na ako
natapos kasi hindi naman talaga ako marunong magluto at sinunod ko ang lahat ng
instruction na nasa recipe. May mga kulang pa na ingeredients kaya pabalik balik
ako sa Supermarket. Mabuti na lang at medyo may kalapitan ang supermarket sa condo.
Bababa ka lang ng elevator papuntang ground floor supermarket na.

Inayos ko na agad ang table para pagdating ni Paeng kakain na lang siya. Feel na
feel ko talaga ang pagiging asawa at sa tingin ko hindi ako magsasawa na
pagsilbihan siya. Ayiiiiee. Kinikilig tuloy ako pag iniisip ko ang everafter namin.
Napapangiti ako ng kusa. Tae!

Dumating ang 7PM pero walang dumating na Paeng. Naghintay ako hanggang sa mag 8
pero wala pa din siya. Ni wala din tawag or text mula sa kanya.  Lumamig na ang
pagkain at kumukulo na din ang tyan ko. Fruits alng ang kinain ko kaninang lunch
dahil sa paghahanda ng mga pagkain na to. Pero di bali,  Iinitin ko na lang
pagdating niya.

Nung mag 9PM na at wala pa din siya, nagsimula na akong mag alala. Tinawagan ko ang
phone niya pero nakaoff. Tumawag ako sa office nila pero nakaalis na daw siya
kanina pang 4PM. Kung ganun nasaan siya?

Paano kung may nangyaring masama sa kanya? Paano kung naaksidente siya? Paano
kung... kinidnap siya at hinalay? Waaaaaaahhhhh!  Gusto ko ng maiyak. Naghintay ako
ng isa pang oras pero wala pa din siya. Nilagay ko na ang mga pagkain sa ref para
hindi mapanis tapos iinitin ko na lang pag dumating siya. Nanlulumo ako. Umupo ako
sa sofa hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako. Dahil na rin siguro sa
pagod.

“Ana..” Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Paeng na nakayuko sa akin.

“Bakit dito ka natulog?” Hindi ako sumagot. Instead, tumingin ako sa wall clock.
1AM na. Ito pala ang sinasabi niyang maagang umuwi. Tama nga naman siya. Maaga pa
naman ang 1AM di ba? Maaga para sa umaga.

Masamang masama ang loob ko. Gustong gusto kong ihampas ang lahat ng niluto ko sa
pagmumukha niya. Pero masyadong hassle na yun kasi kailangan ko pang kunin sa ref.
Bakit ba kasi pinagkakaabalahan ko pang ipaghanda siya?Nakalimutan ko ba kaagad ang
sinabi niya sa mga pinsan niyang isa lang akong entertainment? At  di ba nga sabi
ko  wala akong pakialam?

“Bakit ngayon ka lang!?”

 “Anong oras na!?” Napatayo na ako sa sofa. Lumayo siya ng kunti sa akin.

“ Saan ka nanggaling!? Sabi mo maaga ka?” Hindi ko alam pero parang naiiyak ako.
Dahil siguro sa walang kumain ng mga niluto ko.  

“Ba’t di ka man lang tumawag na uumagahin ka pala? Hindi mo ba alam na may


naghihintay sayo sa bahay mo?” Habang sinasabi ko ang mga yun pataas ng pataas ang
boses ko. Ganun ako pag masama ang loob ko or nagagalit ako. Hindi ko kayang
sarilinin. Kailangan kong ilabas.
“Okay ka lang Ana?” Parang takang taka pang tanong niya? Malapit na akong magwala
tapos itatanong niya kung okay lang ako?

“Hindi! Hindi ako okay! Hanggat hindi mo nasasagot ang mga tanong ko, hindi ako
magiging okay.”  Sigaw ko pa din. He looked at me intently na parang sinaniban ako
ng masamang kaluluwa. Bwisit talaga. Mamamatay na ako sa pag aalala tapos yan ang
reaction na makukuha ko sa kanya? Itatanong pa niya kung okay lang ako?

“Ana, dati naman wala kang pakialam kung anong oras ako uuwi ah.” Nagtatakang
tanong niya. Oo nga naman. Paki ko ba dati? Paki ko ba kung sagasaan pa siya ng
pison. Dati yun. Pero ngayon..iba na.

 “Dati yun. Pero ngayon, nagpromise ka na uuwi ka ng maaga!” Hysterical pa din na


sabi ko. Masamang masama talaga ang loob ko. Nasayang lahat ng pagod ko. Potek!

“I’m sorry. Something came up.” Mukha namang sincere siya sa paghingi ng tawad.
Pero...

“Sorry? Pinagluto pa kita. Sayang lang ang effort ko. Nagutom pa ako sa paghihintay
sayo. Hindi ka man lang nagtext na hindi ka dito kakain. Bakit ba hindi mo kayang
pangatawanan ang sinabi mo?” Pinilit kong pigilan ang luha ko na malapit na malapit
ng bumagsak sa mga pisngi ko. Nakakainis naman.
“Ana...why are you like this? You’re strange. What is wrong with you?” Napatanga
ako sa tanong niya. Hindi ako makapagsalita.

Kasi hindi ko kayang sabihin sa kanya ang rason kung bakit nagkakaganito ako.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya na mahal ko na siya. 

=================

Pang Tatlumpu't Dalawang Silip

32. (Shit! Madami daming chapter pa pala ito.)

“I love you. Narinig mo? Mahal kita. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero
naramdaman ko na lang na mahal na kita.”

Napakunot ang noo ko. Hindi bagay. Ang corny. Paano ko ba sasabihin? Paano ako
aamin? Parang sasabog na ako sa nararamdaman ko. Gusto kong ipagsigawan pero hindi
ko naman kayang sabihin.  Ang hirap pala ng ganito. Ilang linggo na ako praktis ng
praktis kung paano ko sasabihin kay Paeng pero hanggang ngayon di ko pa rin masabi.
Sinubukan ko na ding isulat sa papel at iwan sa dining table para mabasa niya pero
nung nagdoorbell na siya, nagmamadali ko namang inalis at itinapon sa basurahan.
Ang hirap talaga. Ang hirap maging babae.

Ngayon nga hinihintay ko siyang dumating mula sa office at hinihintay ko ding


maluto ang sinigang na hipon. Fresh sampalok pa ang ginamit ko para masarap. Nitong
nakaraang araw kasi napapansin ko na bago siya umuwi tinatanong niya muna kung ano
ang ulam at kung masarap uuwi siya agad pero  kugn sa tingin ko hindi niya gusto,
kumakain siya sa labas. Kaya sinisigurado ko na masarap ang ulam sa gabi.
Naniniwala pa naman ako that a way ko a man’s heart is through his stomach. 
Pinahiran ko ang dugo na tumulo sa ilong ko bago pa mahulog sa sinigang na niluluto
ko. Gross!

Mga 7PM na siya dumating at agad siyang dumiretso sa kusina para tingnan ang
nakahain. Agad siyang naupo at pinagsilbihan ko naman bago ako umupo sa tabi niya.
Ang sarap lang niyang kasabay sa pagkain.

“Ang sarap nito ah. Gumagaling ka na sa pagluluto Ana.” Nag init bigla ang pisngi
ko dahil sa papuri niya. Hindi na ako nakapagsalita kasi puno ng kanin ang bibig
ko. Nakakahiya baka kasi mabilaukan ako. Sayang ang poise. Naks! May poise na akong
nalalaman. Hahaha.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kumakain. Nag worry pa nga siya kasi
daw hindi na ako umaalis sa bahay. Baka nabobored na daw ako. AT sa tuwa ko, sabi
niya pupunta daw kaming Tagaytay sa Sabado para mamasyal at para maaliw naman daw
ako. Gusto ko siyang yakapin sa sobrang  saya ko. Masaya ako hindi dahil sa pupunta
kaming Tagaytay kundi dahil nag aalala siya sa akin. Iniisip ko tuloy na hidni
totoo yung sinabi niya sa mga pinsan niya.

“Napapagod ka?” Tanong ko sa kanya nung papasok na kami ng kwarto. Nakita ko kasi
siyang hinihilot ang batok niya.
“Medyo lang. Madami kasing trabaho sa opisina.”  Bakit naman nung nagtatrabaho siya
sa farm hindi naman siya napapagod pero pag sa office napapagod siya? Kawawa naman.

“Gusto mo I massage kita?” I asked out of nowhere. Ohh..please author, utang na


loob, pakiusap mag effort ka namang i-translate sa tagalog ang  kakarampot na
english mo kasi nanonosebleed ako. I google mo kaya!

Tiningnan ako ni Paeng na nagtataka. Ngumiti lang ako sa kanya. First ko kasi mag
offer na imasahe siya. Remember, siya itong nagmamasahe sa akin dati?

“Sure ka?” Tanong pa niya. Manghang mangha sa offer ko.

“Oo naman. Sige higa.” Nakangiti pang sabi ko. Tumaas ang dalawang kilay niya. Ang
taray siguro pag marunong ang mga lalaking magtaas ng isang kilay ano? Hindi pa ako
nakakita ng ganung lalaki eh, maliban sa mga bading. Kayo, nakakita na ba kayo ng
totong lalaki marunong magtaas ng isang kilay?

“Wag mo akong halayin ha!” Natatwang sabi niya sabay dumapa sa kama.
“Ang kapal ng mukha mo!” Sabay hampas sa muscles niya. Pasimpleng tsansing lang.
Hahahaha. Kinuha ko sa drawer ang massage oil na ginagamit din niya pag minamasahe
niya ako.

Nung bumalik ako sa kama, nalaglag ang panga ko. Kasi naman, nakahubad na siya ng
shirt at kitang kita ko ang mga muscles niya sa likod. Ilang beses akong pumikit at
nagpakawala ng buntong hininga  para kalmahin ang sarili ko. Walangya Ana,
magmamasahe ka, hindi mangmamanyak. Umayos ka.

Sa nanginginig na kamay, nilagyan ko ng oil ang mga kamay ko tapos pinahid sa likod
ni Paeng. Ang smooth smooth ng likod niya. Ni walang kahit isang libag. Napapapikit
pa ako habang hinihimas..este minamasahe siya.

Nung una tahimik lang siya pero kalaunan, umuungol na siya lalo na pag minamasahe
ko ang batok niya. May mga hangin hangin nga ang likod niya at hindi ko talaga
tinigilan hangga’t hindi naalis. Sarap na sarap na siya at ako enjoy na enjoy din
sa ginagawa ko.

Pero nagulat  ako nung nasa bandang bewang na niya ang kamay ko, bigla niya itong
hinawakan tapos bumalikwas siya paharap sa akin at hinila ako. Pumaibabaw ako sa
kanya.

Nagkasalubong ang tingin namin at hindi na ako nagulat sa nakikita ko sa mga mata
niya. Sa halos isang buwan simula nung may mangyari sa amin, alam ko na ang ganyang
tingin niya. And since then, I never denied him of anything that he want. Simula
nung madiskubre ko ang nararamdaman ko sa kanya, ang gusto ko na lang ang maging
masaya siya.
“Touch me.” He said huskily. First time niyang magrequest ng ganyan at sino ako
para tanggihan ang taong mahal ko? I hesitated for a moment but he guided my hand
to where I am supposed to touch him. At kasabay ng paglapat ng kamay ko ay ang
paglapat ng labi niya sa labi ko.

Napapikit ako and answered his kisses. I kissed him with total abandon and without
any reservations.  Sa halik na yun ipinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal na hindi
ko kayang sabihin sa kanya. I want to give him my all.

And that kiss ignited fire in us. Something that we couldn’t stop and something
that we didn’t want to end.

Hindi man niya sabihin sa akin ramdam ko naman ang pag iingat sa bawat galaw niya.
Ramdam ko ang respeto   and in a way I can say that he felt something for me too.

He pleasured me in ways that made me want for more. He teach me things that I never
dreamt that I would be able to learn but now I am glad that I’ve known those things
and siya ang nagturo sa akin ng mga bagay na yun.

Everytime we make love, nararamdaman ko ang kahalagahan ko bilang isang babae. I


felt whole. I felt complete.  It is always an emotional and an uplifting
experience. Na para bang sa pagiging isa namin, pinupuno ni Paeng ang kulang sa
buhay ko.  There are even times na sa sobrang emosyon, napapaluha ako. I am willing
to give my soul for this man.
“Ana...” napatingin ako sa kanya. He’s on top of me and looking at my eyes. Beads
of sweat are forming in his forehead. He lowered his head and claimed my lips.
While kissing me, both of his hands are holding both of my hands.

Tumigil siya sa paghalik sa akin and continued moving inside me. I am near my
climax and I know that he is too. Hindi ko alam kung bakit pero parang naging
ritual na sa amin that everytime we do the deed, we always have eye contact
especially when we are nearing our peak.

“Ahh..Paeng!” And I shuddered underneath him. Our eyes are still locked. Watching
each other’s expression as we reach our climax. he move faster bringing me to more
heights I could never imagine and he give one more thrust  and shouted my name.  

“ Ohhh.. Ana!” He collapsed on top of me.

I smiled gently and wiped the sweat on his forehead. Siya naman naman nakasubsob sa
leeg ko and gently kissing the hollow of my neck.

“I love you.” I said absentmindedly.

He stilled. 
A/N: BS again. 

=================

Pang Tatlumpu't Tatlong Silip

33 

Pagkatapos kong marealize ang sinabi ko, gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Agad
agad. Utang na loob naman kasi, bakit ba hindi ko napigilan ang sarili ko? Bakit ba
nadulas ako? Pwede pa bang bawiin yun? O kaya magpalusot na lang ako? Pero anong
klaseng palusot ang sasabihin ko. Waaahhhh!

Sana hindi niya narinig, sana hindi niya narinig. Paulit ulit na panalangin ko kasi
alam kong mahal ako ng Diyos. Pero nakalimutan ko din na hindi pala ako mahal ng
author kaya napapikit na lang ako ng mariin nang marinig ko ang boses ni Paeng.

“Anong sinabi mo Ana?” Lahat ata ng init sa katawan ko umakyat na sa ulo ko dahil
sa kahihiyan na nararanasan ko sa mga sandaling yun at sa mga kahihiyang
mararanasan ko pa sa susunod na segundo, minuto, oras, araw at dekada ng buhay ko. 
Tama nga ata ang sinabi nila. Love is an overwhelming feeling kasi naooverwhelm ako
ngayon sa kahihiyan.
“Aahhhh...ehhhh...ihhhh...oohhhh...uhhhh.” Gusto ba niya talagang ulitin ko?
Ayokowwww! Ayoko!

“Ana.” Umalis na siya sa pagkakadagan sa akin at nahiga sa tabi ko. Nakatagilid


siya at nakaharap sa akin at ako nakatihaya pa din. Ayaw ko nga siyang tingnan.
Baka kasi pinagtatawanan na niya ako.

“Hindi mo narinig?” I am crossing my fingers, hoping against hope na yes ang


isasagot niya. Parang awa mo na. Spare me from this embarassment.

“Narinig. Gusto ko lang I confirm.” Walang hiya naman. Torture na to.


Pinagtatawanan ba ako ng lalaking ito?

“Narinig mo naman pala eh! Bakit kailangan ko pang ulitin? Ulyanin ka ba at


kailangang paulit ulit?” Nagkunyari na akong galit para pagtakpan ang kahihiyan ko.
Pero underneath that kahihiyan thing, sa kaloob looban ng pagkatao ko, ay may isang
bagay na umaasa. Umaasa na suklian niya ang sinabi ko. Ganito ata talaga ang mga
babae. Mga assuming.

“Ana...” Pinaharap niya ako sa kanya. Akala ko nakangiti siya pero napakaseryoso ng
mukha niya nung tiningnan ko siya. Magcoconfess din ba siya ng feelings niya sa
akin? Kasi ganun naman pag nagcoconfess ang mga lalaki di ba? Seryoso sila.
Naghintay ako na magsalita siya. Naghihintay na marinig ang ‘I love you too’ mula
sa kanya o kaya ‘mahal din kita’. Hindi ko pa nga naririnig, kinikilig na ako. Ano
pa kaya kung manggaling sa kanya.

“Wala sa usapan natin ang pagmamahal nung ikasal tayo. Our feelings are not
involved in this relationship.” Mahinahong sinabi niya para siguro hindi masyadong
malakas ang impact. Pero ganun pa din. Para akong dinaganan ng sampung elepante at
sa pinakataas nun ay si Paeng at nagwawagawayway ng victory flag.

‘Walanghiya ka pala eh.’ Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawang
sabihin kasi may katotohanan naman sa sinabi niya. At papaano ako magagalit sa
isang taong nagiging totoo lang sa sarili niya. Alangan naman na pilitin ko siyang
mag ‘I love you too’ sa akin para lang masatisfy ang sarili ko. ‘Ika nga walang
pilitan sa pag ibig.

Pero masakit talaga. Pero kahit na masakit pinilit ko pa din na ngumiti ng pilit.

“Wala din naman sa usapan natin na hindi pwedeng ma in love di ba?” Kahihiyan na
kung kahihiyan. Pero umamin na nga lang din ako, lubos lubusin ko na lang.

“I’m sorry.” Huwaaaahh! Huwaaaahhhh! Gusto ko ng magwala.  Imagine, nakahubad


kaming dalawa sa itaas ng kama. At ang usual scene pag ganito eh sa lovemaking na
napupunta pero heto ako ngayon, basang-basa sa ulan. Walang masisilungan, walang
malalapitan. Sana’y may luha pa akong mailuluha at ng mabawasan ang aking
kalungkutan. Huhuhu.

Ikaw ba naman sabihan ng I’m sorry pagkatapos mong mag I love you. Ewan ko lang
kung hindi ka magiging emo.

“Dapat lang talaga mag sorry ka. Kasalanan mo ang lahat ng to.” At maging bitter.

Although hindi ko alam kung papaano niya naging kasalanan at pagkainlove ko sa


kanya pero para lang hindi ko ibunton ang lahat sa sarili ko at para hindi din
masyadong depressing. Kasalanan niya kasi sobrang pogi niya at sobrang macho na
hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin siya. Idagdag pa ang mga pagkakataon na
ang sweet sweet niya. Sino ang babaeng di mahuhulog sa kanya. Kasalanan ng lethal
charm niya.

Tumalikod na ako kasi ayaw ko naman na umiyak sa harap niya. Baka sa sobrang awa
pilitin pa niya ang sarili niyang magsabing mahal din niya ako para lang tumahan
ako. Ayaw ko naman ng ganun. Pikot na nga ang kasal namin, pati ba naman pag amin
ng pagmamahal, pikot pa din?

Nung nakatalikod na ako, narinig ko pa siyang bumuntunghininga ng ilang beses tapos


naramdaman ko siyang tumayo sa kama. Gusto kong lumingon pero pinilit kong pigilin
ang sarili ko. Magkaroon ka naman ng kunting pride Ana.
Narinig ko ang paglakad niya papuntang pinto at ang pagbukas at pagsara ng pinto ng
kwarto. Parang pinagsarhan din niya ako ng damdamin niya.

Naiinis ako sa sarili ko kasi kasalanan ko naman ito. Hinayaan kong mahulog ang
sarili ko sa kanya. Ni hindi ko napansin na dati ni ayaw ko siyang tingnan pero
lately parang gustong gusto ko na siyang pagmasdan. Na ang mga bagay na kinaiinisan
ko dati sa kanya, ngayon gusto ko na. Ni hindi ko napansin na senyales na ang mga
yun na naiinlove na pala ako sa kanya.

Naiinis ako kasi di ko napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya ang nararamdaman
ko. Naiinis ako kasi umasa akong may damdamin siya sa akin. Naiinis ako kasi
napagkamalan ko ang sweetness niya at ang pag aalala niya sa akin bilang
pagmamahal. Naiinis ako kasi nag assume ako.

Pero mas naiinis ako kasi hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata
ko.  

=================

Pang Tatlumpu't Apat na Silip

Casper sinasabi ko na sayo. Salamat sa pagpapagamit ng name mo sa story kahit


antagonist. 

34.

Ano ba ang dapat gawin pag hindi sinuklian ng pagmamahal ang pagmamahal mo? Eh di
magpakamatay ka na lang Ano pa ang silbi mo sa mundo pag ganun?. Joke lang.  Parang
sukli lang yan sa jeep eh. Kung ikaw ba nagbayad tapos hindi ka sinuklian ng driver
ano ba ang dapat gawin? Manahimik ka na lang hangga’t maalala ng driver na may
sukli ka pala? Asa ka naman pag ganun. May mga driver kayang sadyang kinakalimutan
ang sukli. Okay lang sana kung sampung piso lang ang pera mo, pwero papaano kung
isang daan yun? Malaki ang nalugi sayo. Katulad din yan ng pagmamahal. Katulad ng
driver sa jeep or sa bus kailangan mong ipaalala para masuklian ka. Kaya ito ngayon
ang ginagawa ko. Pinapaalala ko kay Paeng na mahal ko siya. Hindi ko naman sinasabi
oras oras pero pinapakita ko naman tuwing may pagkakataon ako. Inaalagaan ko siya,
pinagluluto ng masasarap na pagkain. Pinagluluto ng kaldereta  at kare kare na
paborito niya.  Mabuti na lang talaga at may ready to mix na ngayon na mga sauce
kaya madali na lang magluto.

Nakikita ko naman na naaappreciate niya ang ginagawa ko basi na rin sa pagkaubos ng


mga niluto ko. Sabi nga nila a way to a man’s heart is through his stomach. Hindi
ako nawawalan ng pag asa dahil alam kong darating din ang panahon na masusuklian
din ni Paeng ang pagmamahal ko.

Pero ito nga lang kalaunan, palagi na lang akong tanghaling nagigising kaya hindi
ko siya naipaghahanda ng agahan. Umaalis tuloy siya ng hindi nakakain ng breakfast.
Kawawa naman. At sa gabi naman, madalas na sa labas na siya nagdidinner dahil sa
mga business meetings. Nasasayang tuloy ang mga niluluto ko.

Kaya ngayon kailangan kong bumawi. Dadalhan ko siya ng lunch sa office niya. 9AM pa
lang ng umaga nagsimula na akong magluto kaya pagdating ng 11 tinawagan ko na ang
driver para ihatid ako sa office ni Paeng. 11:30 na kami nakarating sa office niya
which is tamang tama lang para sa lunch. This time, wala ng guwardiya na humarang
sa akin. Wala na din ang mahaderang receptionist. Buti naman kasi kung hindi siya
pinaalis ni Paeng, kay Grandma ko siya isusumbong o kaya kay prodigal grandfather.

Maganda na din ang pagbati sa akin ng mga tao sa building kasi alam na ata nilang
asawa ako ni Paeng or baka naman dahil mukhang mayaman na ako dahil nagiging kinis
mayaman na ang kutis ko. Iba talaga ang nagagawa ng pagyaya sa akin ni Raziel sa
mga SPA na yun.  Kung dati ang bato pinanghihilod ko sa batis, ngayon ang bato
nilalagay na sa likod ko habang  nasa SPA kami. Ewan ko ba, sa tingin ko nagkamali
talaga sila ng spelling ng SPA. Dapat ata SAPA yun kasi ang SPA katulad ng sapa na
pwedeng maligo, ang ibang sapa lalo na sa malapit sa mga volcano ay may steam bath
din at jacuzzi, yung mga falls pwedeng pangmasahe, yung mga pinampapahid sa SPA mud
ang tawag at may bato pa. Di ba sa sapa mayroon ding ganun dun nga ata nila kinuha
ang mga mud at bato eh. Tapos ang music pa na ginagamit sa SPA pang sapa. Mga huni
ng ibon, at mga insekto kaya sigurado ako na nagkamali lang talaga sila ng spelling
at para na din siguro sosyal pakinggan, hindi na nila binago ang pagkakamali nila.
Anyway, makabalik nga tayo sa kasalukuyan.  Nung dumating ako sa floor ng office ni
Paeng binati agad ako ng sekretarya niya.

“Ma’am! Good morning po.” Natutuwa talaga ako pag naririnig ko ang salitang Ma’am.
Feel na feel ko lang. Sa amin kasi pag namimili kami sa supermarket o sa palengke
miss ang tawag sa akin. Pag Ma’am kasi ang tawag parang kagalang galang talaga.

“Good Morning din. Andyan ba si Paeng?” Napangiti ang secretary. Ako lang kasi ang
tumatawag ng Paeng kay Paeng. Ralph or Rapahel kasi ang tawag sa kanya ng lahat
pero parang hindi ko kasi masikmura na yun ang itawag sa kanya. Nasanay na talaga
ako sa Paeng.

 “Yes Ma’am pero may ka meeting siya kasi ngayon. I’ll inform him na andito kayo
Ma’am.” Ngumiti lang ako sa secretary at siya naman tinungo ang phone para tawagan
ata si Paeng.

Pero hindi pa nasasagot ang phone nung bumukas ng kunti ang office ni Paeng at
narinig ko tawanan mula sa loob.

“Really? That was sweet of you Ralph.” Narinig ko ang tawa ng babae habang
lumalabas sila sa opisina ni Paeng. Nakita ko pa nung hinampas niya ang braso ni
Paeng. Nakaramdam ako ng kunting kirot sa puso pero binaliwala ko ito.

“Anything for you Cas.”Humawak pa ang babae sa braso ni Paeng habang papalabas
sila. Ni hindi nila napansin na may dalawang pares ng mga mata na nakatingin sa
kanila.
“Ah, Sir...” Sabi ng sekretarya kina Paeng kaya napatingin ang dalawa sa kanila
tapos tumingin ang secretary sa akin kaya sumunod ang tingin nilang dalawa sa akin.

“Ana!” Biglang sabi ni Paeng at dahil na rin siguro sa gulat kaya biglang naalis
ang pagkakakapit ng babae sa braso niya.

Hindi ako agad nakapagpagsalita kasi hindi ko alam kung ngingiti ba ako at babatiin
sila. Pero kasi parang nahihirapan akong ngumiti.

“Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka.” Sabi pa niya na parang napakalaking
kasalanan na hindi ako nagsabi na pupunta ako sa opisina niya.

“Ahmm. Nagdala lang naman ako ng lunch mo.” Ang higpit ng pagkakakapit ko sa dala
kong pagkain na parang doon nakasalalay ang buhayn ko. At hindi naman ako pasmado
pero nagpapawis ang kamay ko. Hindi ko rin alam ang isasagot ko kasi kinakabahan
ata ako na hindi ko maexplain.

“Ahem!” Nabaling ang tingin namin sa tumikhim. Napatingin ako sa babaeng tinawag na
Cas ni Paeng. Maganda siya, siguro mga 5’8 din ang height katulad ko pero mas
tumangkad siya dahil sa mataas na heels niya habang ako nakaflat shoes. Maputi din
siya, brown and buhok na kulot sa dulo na pag naiilawan parang nagsashine, maarte
ang kilay, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, rosy cheeks at chinita ang mga
mata. In short mas maganda siya ng sampung paligo sa akin. Sophisticated pa basi sa
klase ng pananamit at kilos niya.

“Ahmm Ana si Casper, Cas si Ana, my wife.” Pakilala sa amin ni Paeng. Biglang
tumikwas ang kilay nung Casper at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at pabalik
naman mula paahanggang ulo tapos ngumiti na ewan ko kung nanunuya or ganun talaga
siya ngumiti medyo tabingi.

Kapag tiningnan ako ng ganyan, kapag tinaasan ako ng kilay na ganyan at nginitian
ako na parang nilalait ang kaluluwa ko usually ang ginagawa ko ay tinarayan ko na o
kaya hinampas ko na ng dala kong pagkain pero hindi ko alam kung bakit hindi ko yun
nagawa at para akong tangang hinayaan na lang na gawin niya ang lahat ng yun sa
akin. Or baka naman may binigyang pansin ko ang kumikirot kong puso at ang damdamin
kong may balak na magwala. 

“Nice to meet you Ana.” Sabi niya na nakataas pa din ang kilay pero ni hindi siya
nag offer na makipagkamay sa akin which is a good thing dahil hidni ko rin alam
kung tatanggapin ko ang kamay niya. Tumango na lang ako sa kanya.

“Ralph, are we still having that lunch?” She flipped her hair at tumingin kay
Paeng. Si paeng parang hindi alam ang gagawin. Napatingin siya kay Casper tapos sa
akin tapos sa dala kong mga pagkain.

“It’s okay if you will cancel the lunch. Pwede naman akong kumain mag isa.” Sabi pa
nung Casper  in a sarcastic tone. Ayun naman pala eh. Pwede naman palang kumain mag
isa si Casper.

“No..Ana nakakain ka na ba? Sumabay ka na lang kumain sa amin.” Baling ni Paeng sa


akin. Nanlumo ako sa narinig ko. Napakaobvious pinili niya ang Casper na yan kesa
sa pinaghirapan kong lunch para sa kanya.  Lalo nanung nakita kong umismid  si
Casper.

“Ahhh. Oo. Nakakain na ako sa bahay. Dinala ko lang talaga to.” Sinungaling! Sigaw
ng utak at puso ko ng sabay. Kasi ang totoo, hindi pa ako kumain kasi gusto kong
sabay kaming kumain. Pero mukhang hindi na matutuloy ang balak ko.

“Ganun ba? May lunch meeting kasi kami ni Casper. ” Nakita kong exaggerated na
tumingin si Casper sa relo niya sa braso and tap her high helled shoes sa sahig.
Ano daw business meeting. Samantalang kanina niyaya pa niya ako.

“If you want, iwan mo na lang dito ang food at kakain ko na lang mamaya sa
meryenda.” Sabi pa din niya. Meryenda? Magmemeryenda ka ng kanin at lengua? 
“Ahmm.. Sige. Iwan ko na lang ito dito. Na-naghihintay din kasi ang driver sa baba.
Tsaka baka malate na kayo sa lunch niyo.” Gagah! Gagah ka Ana. Nasaan na ang
katarayan mo? Bakit ka umaaktong martir ngayon? Tanga ka ba? Full blown ang
pagmumura ng kunsensiya ko sa akin pero parang hindi ko kayang magtaray ngayon.
Parang gusto ko na lang umiyak dahil sa sama ng loob.

“So. Let’s go na? Nakakain naman na pala ang wife mo Ralph.” Sabi pa ni Casper.
Umiwas na ako sa kanilang dalawa lalo na nung nakita kong humawak ulit yung Casper
sa braso ni Paeng habang papunta sila ng elevator. Pero bago sila nakapasok sa
elevator tinawag ako ni Paeng.

“Ana..Maaga akong uuwi mamaya.”

“Okay.” Sabi ko na lang na hindi lumilingon sa kanila. Laking pagpipigil kong


mahulog ang mga luha ko lalo na nung magsara ang elevator dahil alam kong
nakatingin pa sa amin ang secretary ni Paeng.

Nung nakita ko siya nakita ko ang tingin niya na parang awang awa sa akin. Gusto ko
ng ngumawa.

“Ma’am okay lang po kayo? Upo po muna kayo. Namumutla po kayo.” Pinaupo niya ako sa
sofa at tinabihan ako.

“O-okay lang ako.” I choked.

“Ito, sa inyo na lang. Medyo madami naman yan. I-share mo na lang sa iba.” Iniabot
ko sa kanya.
“Ma’am.” Alam kong awang awa siya sa akin basi na din sa expression ng mukha niya.
Pati ako awang awa sa sarili ko. Ito ba ang sukli na hinihintay ko?

“Ano...hindi naman ito makakain ni Paeng. Sayang, baka mapanis lang. Don’t worry
ako ang  magsasabi sa kanya na ibinigay ko sa inyo.” Tapos pilit kong iniabot ang
pagkain sa kanya at nagmamadaling pumunta sa elevator. Hindi man ako ang pinili ni
Paeng, hindi man niya ako pinagbigyan, pinagbigyan naman ako ng tadhana kasi
biglang bumukas ang elevator.

Agad akong sumakay at pagsara na pagsara niyon, dun na tumulo ang mga luha ko.
Mahal nga siguro ako ng diyos dahil walang sumakay hanggang sa makarating ako sa
ground floor. 

=================

Pang Tatlumpu't Limang Silip

35

Tulala ako sa sasakyan hanggang sa makarating ako sa condo. Pagdating ko naman


doon, agad akong pumasok sa kwarto at doon nag iiyak. Pilit kong pinipigilan pero
hindi talaga papigil ng luha ko. Hindi naman ako iyakin pero hindi ko alam ba’t ako
nagkakaganito. Ganito ba talaga pag nagmamahal? Hindi mo macontrol ang sarili mong
emosyon?

Dahil na rin siguro sa sobrang pag iyak o kaya sa gutom kaya nahilo ako nung tumayo
ako kaya napahiga ulit ako. Napagod ata ako dahil sa lahat ng nangyari ng araw na
yun kaya hindi ko napigilan ang antok ko at nakatulog ako. Mabuti na nga yun at
baka paggising ko mawala na ang sakit o kaya marealize ko na panaginip lang pala
ang lahat.  

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog pero paggising ko nasa tabi ko na
si Paeng at natutulog na din. Pagtingin ko sa relo, 12MN na pala at gutom na gutom
na ako. Wala pala akong lunch at hindi din ako nagdinner. Anong oras kaya
nakarating si Paeng? Nakakain na kaya siya? Gusto ko sana siyang tanungin pero
tulog na tulog siya.
Tumayo na lang ako at pumunta sa kitchen. Ininit ko ang naiwan kong Lengua nung
tanghali at ang naiwang kanin at yun ang kinain ko. Tapos uminom pa ako ng fresh
milk, kumain ng apple at grapes at nilantakan ang crema de fruta na nasa ref.
Sobrang gutom ata ako kaya ganun kadami ang nakain ko. Ikaw ba naman ang hindi
kumain ng lunch at dinner tingnan ko lang kung hindi magwala ang mga bituka mo sa
tyan.

Nanood na lang ako ng TV hanggang 3AM hanggang sa antukin ulit ako. Pero bago ako
pumuntang kwarto kinuha ko ang yogurt sa ref at kinain din ito. Dahil na rin siguro
sa sobrang kabusugan kaya inantok ulit ako at nakatulog.

Tanghali na ako nagising as in tanghali na talaga. Mga10AM na siguro yun. At


siempre wala na si Paeng sa tabi ko.  At sa totoo lang tamad na tamad akong tumayo.
Parang gusto ko na lang mahiga dito sa kama habang buhay at matulog.

Mga 30 minutes pa akong nakatulala lang sa kisame at hindi pa sana ako tatayo kung
hindi ko naramdaman ang pagsusuka. Ahh.. nasira ata ang tiyan ko sa pinagkakain ko
kaninang madaling araw. Tumakbo ako papuntang banyo at doon nagsusuka. Pero wala
namang lumabas na pagkain. Mapait na liquid lang. Pagkatapos ko hingal na hingal
ako.  

Tumayo na ako at naghilamos tapos binuksan ko ang cabinet para kunin ang toothbrush
ko saka ko napansin ang napkins na hindi pa nabubuksan. Nagbilang ako at nirecall
kung kelan ako huling nagkaroon ng menstruation at sigurado akong hindi ako
nagkaroon last month. Bigla akong kinabahan kasi regular ako.

Nagmamadali akong magtoothbrush at nagbihis tapos bumaba ng condo para bumili ng


pregnancy kit. Agad akong umakyat para gamitin ang kit. All along ang lakas ng
tibok ng puso ko. And when I see the result hindi ko mapigilang maluha.

Positive.
Ilang minuto din ata akong nakatulala sa kit na hawak ko. Paano na ngayon? Pano na
kami ngayon ng anak ko? Tatanggapin kaya siya ng ama niya kahit na hindi naman ako
mahal ni Paeng. Napaluha ulit ako nung maisip ko yun lalo na nung narecall ko ang
nangyari kahapon.

Would he reject his child the way he rejected me yesterday? Hindi ko yata kakayanin
kung pati ang anak ko baliwalain niya.

Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko.

“Di bali baby, kung ayaw din sayo ng Daddy mo, eh di si Mommy na lang. Kaya naman
natin di ba?” Tumayo na ako, naligo at nagbihis tapos tinawagan ko ang driver para
sabihin na may pupuntahan kami.

“Saan po tayo Ma’am?” Tanong nung driver nung nakasakay na ako sa kotse. Sinabi ko
ang name ng hospital sa pagtataka nung driver.

“May dadalawin ka po doon Ma’am?”  Ngumiti lang ako sa driver

“Hindi po Kuya. Magpapacheck up ako kasi nahihilo ako.” Hindi ko sinabing buntis
ako kasi baka false alarm.

“Naku Ma’am, baka buntis po kayo.”  Tumawa lang ako sa driver.


“Ang lakas mong magjoke Kuya.” Tumawa na lang din siya at nagkwentuhan na lang kami
ng kung ano ano hanggang sa makarating kami sa hospital. Nagtanong lang ako kung
sino ang magaling na OB at doon na ako pumunta. And there, na confirm that I am 6
weeks pregnant. I felt an overwhelming joy as well as sadness. Masaya ako dahil sa
buhay na nasa sinapupunan ko at malungkot dahil hindi ko alam kung ano ang magiging
reaction ni Paeng pag sinabi ko sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya? At kelan? 
Pinilit kong huwag isipin ang mga bagay na yun at nagpahatid ako sa driver sa isang
mall. Doon ako inabot ng gabi dahil sa pagtingin tingin ng mga baby items.  Masyado
pang maaga para mamili pero hindi ko napigilan ang sarili kong bumili ng isang
pares ng pink mittens. Anak kung lalaki ka man, pasensiya na kung pink. Bumili na
din ako ng pregnancy book para matuto akong mag alaga ng sarili ko kahit sinabi na
halos lahat sa akin ng Dra ko.

 Doon na din ako kumain kasi nagugutom na naman ako tapos niyaya ko na ang driver
na umuwi kami. Mga 7PM na kami nakarating sa condo at nagulat pa ako nung makita ko
si Paeng sa living room at nanonood ng TV.

“H-Hi! Ka-kanina ka pa?” Atubiling sabi ko. Naninikip na naman ang dibdib ko.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon.

“Hindi naman. Ano ang pinamili mo?” Siyempre alam niyang nanggaling ako sa mall.
Malamang na sinabi ng driver sa kanya.

“Ahhmm mga damit ko lang at mga throw pillows.” Kinakabahan ako. Inilagay ko sa
sofa ang pinamili ko. Sinadya kong unahin ang lagayan ng pregnancy book kung saan
nakalagay ang mittens tsaka tinakpan ko ng ibang mga pinamili ko.

“Tara kumain na tayo. Bumili na ako ng dinner kasi nung tumawag ako kanina kay Kuya
Mar sabi nga niya nasa mall kayo.” Tumayo na siya at naglakad papuntang dining pero
hindi ako sumunod. Para akong tangang ginagwardiyahan ang mga pinamili ko kasi baka
buklatin niya at makita niya ang mittens at ang libro.

“Ana..” Lumingon siya sa akin at bigla naman akong nataranta.


“Ahmm..Kumain na kasi ako.” Atubiling sabi ko.

“Samahan mo lang akong kumain.” Napilitan akong sumunod sa kanya. Di bali bago siya
bumalik sa sala uunahan ko siya at agad kong ililigpit ang mga pinamili ko.

Nakalatag na sa dining table ang mga pagkain. Ang dami parang piyesta lang. Pero
pagbukas niya ng buttered shrimp with garlic, muntik na akong tumakbo sa CR para
magsuka. Ang baho kasi. Pero favorite ko yun eh. Ngayon nababahuan ako. Ang pangit
kasi ng amoy ng garlic.

“Sure kang hindi ka kakain?” Tanong niya habang kumukuha ng shrimp. Hindi ako
makatingin sa kinukuha niya. Hindi rin ako makahinga ng maayos kasi nanunuot sa
ilong ko ang amoy.

“Busog pa talaga ako.” Kumuha ako ng baso ng tubig at nilagyan ng laman. Tsaka ko
nilagay  sa bibig ko para kunyari umiinom pero ang totoo tinatakpan ko lang ang
ilong ko.  Panay ang pahid ko ng ilong ko at takip kunyari inom ng tubig habang
kumakain siya.

“Nagpacheck-up ka daw kanina?” Binalingan niya ako ng tingin. Naakyat ko bigla ang
baso kaya may pumasok na kunting tubig sa ilong ko. Napasinghap ako ng wala sa
oras. Kinuha ko agad ang tissue at pinahid sa ilong ko. Pahamak na tubig yun.

“Okay ka lang?” Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Naamoy ko garlic. Nasusuka
na naman ako kaya tinakpan ko ng tissue ang ilong ko. Parusa to.
“Uhmm. Oo.”Lumayo ako ng kunti sa kanya. Gusto ko ng magmakaawa na lumayo siya sa
akin.

“A-ano ka-kasi..nahihilo ako kanina sabi ng doctor vertigo lang daw.”  Saglit akong
huminga ng malalim kasi mukhang mauubusan ako ng hangin sa ginagawa ko.

“Sure ka na okay ka lang?” tanong pa niya.

“Oo. Teka lang ha. Na-ccr ako.” Agad akong tumayo at pumunta sa CR sa kwarto para
hindi niya marinig ang pagsusuka ko. Hinang hina ako pagkatapos. Pagkalabas ko ng
kwarto nakaupo na siya sa living room at nanonood ng tv.

“Ang tagal mo naman mag cr.” Komento niya nung naupo ako sa sofa kung saan
nakalagay ang mga pinamili ko. Mabuti na yung nag iingat.

“Masama kasi ang tyan ko. Madami akong nakain kanina sa mall.” Totoo naman na
madami ang nakain ko sa mall at masama ang tyan ko dahil sa amoy ng shrimp.

“Katakawan mo kasi Ana. Pansin ko nga na tumataba ka na.” Hindi ako nakapagsalita.
Tumingin lang ako ng diretso sa TV. Usually pag ganyan ang mga sinasabi niya may
pambalik asar ako pero ngayon, wala akong maisip na sabihin. Mas conscious pa ako
na baka napapansin niyang buntis ako.

Mga ilang segundo ding tahimik at hindi ako tumitingin sa kanya.

“Binigay mo pala kina Karen ang dala mo kahapon?” Bigla niyang sabi na biglang
nagpastiff sa akin. Hindi ako lalong makatingin sa kanya.
“Ba-baka kasi mapanis. Sayang naman.” Nag iinit na naman ang mga mata ko. Bakit ba
napaiyakin ko naman?

Katahimikan.

“Yung kahapon...”

“Okay lang yun. Hindi nga naman ako nagpasabi na pupunta ako. Di bali sa susunod
tatawag na ako para hindi na maulit.” Kung gusto mo magpappointment pa ako 1 month
before.

“Si Casper...” Sabi niya ulit pero ayaw kong marinig.

“Pakisabi sa kanya, pasensiya kung na delay ang lunch meeting niyo. Ano.. Paeng.
Aayusin ko muna ang mga to.” Tapos tumayo na ako at kinuha ang mga pinamili ko.
Ayaw kong marinig kasi mas lalo akong masasaktan.  Ayaw kong manggaling mismo sa
kanya ang katotohanan. Gusto ko munang mag ilusyon na kahit papaano may pag asa
akong mahalin niya kahit na alam ko na college sweetheart niya si Casper. At naging
sila ng apat na taon at kung hindi pa umalis si Casper papuntang God knows where
according to Raziel ay hindi pa sila naghiwalay.

Oo, kanina habang naghihintay ako sa OB, tinawagan ko si Raziel at pasimpleng


tinanong ang mga bagay bagay tungkol kay Paeng at sinabi nga niya sa akin na naging
sila ni Paeng at Casper.   At simula nung umalis si Casper naging playboy na si
Paeng hanggang sa dumating si Lily sa buhay nito. Ayokong marinig ang lahat ng yun
mula mismo kay Paeng. Baka kasi humagulgol na lang ako bigla sa harap niya. At ayaw
kong mangyari yun.

Pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili ko at itago ang mittens at ang  libro,
pumasok na ako sa banyo at naligo tapos nahiga sa kama. Siguro nagtaka siya kung
bakit hindi na ako bumalik sa sala kasi pumasok siya sa kwarto. Nagpanggap akong
tulog at naramdaman kong nakatingin siya sa akin tapos naglakad siya para buksan
ang aircon. Mga ilang minuto din siya sigurong nakatingin sa akin tsaka ko narinig
na naglakad siya palabas ng room. Pagkasara niya ng pinto tsaka ko hinayaang tumulo
ng tuluyan ang mga luha ko.

A/N: Spoiler: Bukas mamamatay na si Ana, 

=================

Pang Tatlumpu't Anim na Silip

A/N:Alam niyo ba kung gaano ka inspiring ang mga comments niyo? Thank you so much.
Ito ata ang story na hindi ako nahirapang mag update at mag isip ng plot because of
your wonderful comments. Sa story din na ito ako nakakatawa just by reading your
comments to the point na binabalikan ko mula prologue para basahin ulit ang mga
comments niyo. Natutuwa talaga ako pag naiinvolve na ang  mga readers sa isang
story as if andun sila mismo sa story at sila na ang gustong gumawa ng mga bagay
para ipagtanggol ang mga characters. As I have mentioned earlier, I am not after
the number of reads, nor the number of comments and votes. I am after your thoughts
and your reactions and the quality of your comments dahil sa paraan na yun ko
malalaman kong effective ba ang pagkakasulat ko. Again thank you so much.

36

Ilang araw akong tuliro sa pag iisip kung sasabihin ko ba kay Paeng ang sitwasyon
ko. Everytime I tried inaatake ako ng nerbiyos. Natatakot ako sa magiging reaksiyon
at sa magiging desisyon niya. Masakit na hindi niya ako kayang mahalin pero hindi
ko ata kakayanin kung pati ang anak ko hidni rin niya kayang mahalin.

Lalo pa ngayong napapansin ko na halos araw araw na siya sobrang gabi kung umuuwi
at pag umuuwi pa siya tumatawag agad si Casper sa cellphone niya at agad siyang
pupunta sa terrace para doon ito kausapin. Minsan nakakatulog na ako pero hindi pa
rin sila tapos mag usap. Masakit pero ano ang magagawa ko. Ni wala akong karapatang
magselos kasi kay Paeng mismo nanggaling na wala sa usapan namin ang pagmamahal
nung kinasal kami. At kasalanan ko kung bakit minahal ko siya.
Pero ipagkakait ko ba sa anak ko ang karapatan niya sa ama niya? Kung ako walang
karapatan kay Paeng, ang anak ko meron. Hindi ako dapat nagpapadala sa takot na
dahil sa hindi ako mahal ni Paeng ay pati ang anak namin hindi din niya mamahalin.

Kaya nakapagdesisyon ako na sabihin kay Paeng ang desisyon ko.  Tumawag ako sa
office niya pero nasa labas daw siya kaya nagbilin na lang ako sa secretary  na
darating ako. Agad akong nag ayos at tinawagan ang driver para ihatid ako sa office
ni Paeng.

Kinakabahan ako. Namamawis ang mga kamay ko. Dagdagan pa na nahihilo ako.
Pagkapasok ko sa lobby ng building nila nasalubong ko si Casper na palabas na ata
ng building. As usual ang ganda pa din niya at lamang pa din siya ng sampung paligo
sa akin.

“Ana!” Kunyaring surprise na sabi niya. Hidni ko siya binati kasi ayaw kong
makipagplastikan sa kanya. Baka mas lalo akong mahihilo pag kinausap ko siya.

Lalagpasan ko na sana siya pero nahawakan niya ang braso ko. Tiningnan ko ng masama
ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“May kailangan ka Casper?” I sadi irritably pero tumawa lang siya.

“So, Ralph’s soon to be ex wife have a horn eh?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ex-wife?

“Ohhh..you didn’t know that he’s planning for an annulment?” Nagkunyari siyang
nagulat na hidni ko alam ang pinaplano ni Paeng.
“As far as I’m concerned, wala pang sinasabi si Paeng tungkol dyan Casper. So as
long as hindi si Paeng ang nagsabi sa akin niyan that’ll remain to be a myth.”
Buong tapang na sabi ko kasi unti unti ng nadudurog ang puso ko.

“So umaasa ka pa? Kunsabagay, I cannot blame you. Naawa lang ako sayo. But I won’t
say sorry because  it’s not my fault if he choose me over you. Kunsabagay, sa mga
ganitong choices hindi naman na kailangang mag isip ng matagal ni Raphael. I can’t
even imagine na pumatol siya sa isang katulad mo.” Tiningnan niya ulit ako mula ulo
hanggang paa.

“Just a piece of advice Ana, wag mo na masyadong ipahiya ang sarili mo. Wag mong
ipilit ang sarili mo sa isang taong walang damdamin sayo. If I were you bumalik ka
na lang ulit sa bahay niyo or much better sa kung saang probinsiya ka man
nanggaling. Wag ka nang umakyat sa office ni Ralph because you see, we are having
lunch again and to spare you from further embarassment, I suggest na wag ka ng
tumuloy na puntahan siya. Baka kasi mas lalo kang mapahiya pag ako na naman ang
pinili niya.”  Tapos ngumiti siya ng napakatamis sa akin sa pinagtataka ko.

Pero hindi pala siya sa akin nakatingin kundi sa likod ko.

“Ralph sweetheart.” Tapos iniwan niya ako at sinalubong si Paeng. Nung lumingon ako
I saw her kissed him on his lips tapos pinatalikod na niya ito at sabay silang
naglakad papuntang elevator. Hindi ko alam kung nakita ba ako ni Paeng o sadyang
inignore niya ako. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

No..Hindi maaari. Hindi ko hahayaang maagaw niya sa amin ng anak ko si Paeng.

Nahimasmasan ako at nagmamadali akong tumakbo para habulin sila. Pasakay na sila sa
elevator at pasara na ang elevator.
“Paeng!” I saw him looked at me pero hinawi ni Casper ang mukha niya and kissed him
fully on the mouth.  I ignore the stab of jealousy sa sumalakay sa akin. Mas lalo
akong nagmadali and just when the elevator was about to close nakarating ako.

“Ana.”  Narinig kong sabi ni Paeng. Nakatingin lang ako sa kanya kaya hindi ko
nakita na pasara na talaga ang elevator. At nung pumasok ako nabangga ako ng
pasarang pinto. Hindi ko nakayanan ang impact ng pagbangga sa akin ng dalawang
pinto.

Natumba ako.

“Ana!” Hinawi ni Paeng ang pinto ng elevator kaya bumukas ulit ito. Napatingin ako
sa kanya at ni hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Feeling ko ang baba baba
ko nung mga panahon na yun. Both of them are looking at me. Oo nakita ko ang
concern sa mukha ni Paeng habang pinipigilan niya na sumara ulit ang elevator pero
mas tumatak ang mukha ni Casper sa akin. Her face is that of triumph. 

“Are you okay?” Sabi ni Paeng. Tumulong na din ang ibang nakakita at sila ang
pumigil sa pinto ng elevator habang tinutulungan ako ng Paeng na tumayo.

Pero hindi ako makatayo. Natatakot akong tumayo at natatakot akong magsalita dahil
sa sakit na nararamdaman ko. Dahil sa sakit nararamdaman ko sa puso ko at sa sakit
na nararamdaman ko sa puson ko.

Natatakot akong maconfirm ang hinala ko.

“Ana...” Pilit niya akong pinapatayo pero ayaw kong tumayo. Instead humagulgol na
lang ako. Matatanggap ko ang lahat wag lang ito. Mawala lang ang lahat sa akin wag
lang siya. Pero hindi ko maikakaila as the red liquid started to crept in my white
skirt down to my legs.
Lalo akong napaiyak and I clutched onto my tummy na para bang sa paraan na yun
maisasalba ko ang kaisa isang bagay na naiwan sa akin.

“Ana!” Napatingin ako kay Paeng and I saw horror in his eyes.   Tapos binuhat na
lang niya ako bigla at tumakbo palabas ng building ordering everyone to ready the
car.

Sa mga panahon na yun, I am starting to get numb.Hindi na ako humahagulgol pero


wala pa ding tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Nasa sasakyan na kami and Paeng is talking to me pero hindi ko maintindihan ang mga
sinasabi niya. Nakaharap siya sa akin at sobrang magkalapit kami pero halos hindi
ko maaninag ang mukha niya. Ni hindi ko magawang isigaw ang sakit na nararamdaman
ko sa puson ko.

My eyes are open but I see nothing.

I am not deaf pero wala akong naririnig.

My face is void of any emotions.

Ang bagay lang na makakapagsabi na nasasaktan ako ay ang mga luha na hindi
tumitigil sa pag agos mula sa mga mata ko. 
=================

Pang Tatlumpu't Pitong Silip

37

The moment I opened my eyes alam ko na ang nangyari. I didn’t hope dahil habang
nakaupo ako sa sahig ng elevator I already knew that I’ve lost it. At ngayon
nakatingin ako sa kawalan. Ang daming taong nakapaligid sa akin. Kahit saan ako
tumingin nakikita ko sila. Calling my name, caressing my hair, kissing my hand and
grieving with me pero lahat ng yun hindi ko pinansin. I choose to look at the white
ceiling. I tried to create a pattern in that white ceiling habang sa unti-unti
itong nagbblur because of the tears that is forming in my eyes.

Ni hindi ako nagtanong kahit kanino tungkol sa nangyari. Ayaw kong magsalita dahil
pag nagsalita ako hahagulgol ako.

“Ana.” Narinig ko ang boses ni Mama. Hindi ako tumingin sa kanya. Hinayaan ko na
ding tumulo ang mga luha ko.  I heard her sob pero hindi ako tumingin.

“Ana.” Si Papa naman ang tumawag sa akin pero hindi ko din siya  pinansin.

“Ana.” That voice. Kinamumuhian ko ang boses na yan. I clenched my hand tightly.

Tinatanong nila ako lahat kung kamusta na ba ako pero hindi ako nagsalita. Gusto
kong sumigaw. Gusto kong isigaw sa kanila na hindi ako okay. Na gusto ko ng mamatay
pero walang boses na lumabas mula sa akin.
They began to worry. Nagtanong sila sa doctor kung bakit hindi ako nagsasalita and
the doctor answered Psychological Trauma. 

Kahit anong gawin nila hindi ako nagsasalita. I ate when they ask me to eat.
Umiinom ako ng gamot kung kelan ako dapat uminom.

“Ana, anak, bakit hindi ka nagsasalita? Nagwoworry na kami sayo.” Narinig kong sabi
ni Mama. Napatingin ako sa kanya at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin.
Andito sila Mama, Papa, at ang pamilya ni Paeng. Then I saw him sitting sa sofa.
Nakikita ko ang lungkot sa mga mukha nila. I looked at all of them blankly except
for Paeng.

“Gusto ko ng umuwi Mama.” Mahina kong sabi at nakatingin lang sa Mama ko.

“Anak hindi ka pa pwedeng lumabas. Baka sa makalawa ka pa pwedeng lumabas.” Sabi pa


niya habang hinahawakan ang kamay ko. Alam kong may gusto siyang sabihin at alam ko
din na nagtataka sila kung bakit hindi ko tinatanong ang tungkol sa anak ko.

Pero ayaw kong marinig mismo na wala na ang anak ko.  Humarap na ulit ako sa
ceiling and I started to close my eyes nung bumukas ang pinto at pumasok ang isang
doctor at ang dalawang nurse. They check me out at yung ibang nasa kwarto lumabas
para bigyan ng space ang mga medical personnel.

“Hi Ana. I’m Dra. Dizon. How are you feeling? Do you feel any pain?” Tanong niya
habang chenecheck ako.

“No.” Maikli kong sagot. Yun naman kasi ang totoo. Wala akong nararamdaman ngayon
na kahit anong emosyon. I’m too numb to feel anything.
“Do you know about your condition prior to the accident?” She said gently.

“I was pregnant.” Wala pa ding emosyon na sabi ko. Tumango ang doctor.

“Ana, I’m sorry to inform you that you lost the baby.” Sabi niya in her most
sympathetic voice. Narinig kong humikbi si Mama at tumalikod si Papa. I remain
impassive and I just clenched my hand para pigilan ang sarili kong umiyak. Sa
sobrang higpit ng pagkakakuyom ng ko ng kamay ko, hindi ko napansin na dumudugo na
pala ang kamay ko na may IV kung hindi sinabi ng Nurse. They tended my hand. May
iba pang sinabi ang doctor kina Mama ang Papa pati na rin kay Paeng. Oo kanina pa
andito si Paeng.  Pagkalabas ng doctor tumalikod na ako sa kanila and closed my
eyes.

Narinig ko na ding nagpaalam sina Mama at Para para makapagpahinga saglit. Gusto ko
silang pigilan dahil ayaw kong maiwan mag isa at dahil alam ko rin na gusto nilang
makapag usap kami ni Paeng. Pero kahit yun wala akong lakas na gawin.

Naramadaman ko siyang lumapit sa tabi ng hospital bed ko.

“Ana.” Mahinang sabi niya. Nanikip agad ang dibdib ko pagkarinig ko pa lang ng
boses niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan ko ang sarili kong bawiin iyon
mula sa pagkakahawak niya.

“Ana..I’m sorry. Hindi ko alam...”His voice cracked at alam kong umiiyak siya. Why
would he cry? Wala namang nawala sa kanya. He should be thankful na wala ng
magtatali sa kanya sa akin. He could have the annulment that he is planning.

“I’m sorry.” I heard him sob. Sorry? Nung sinabi kong mahal ko siya, sorry ang
narinig kong salita mula sa kanya. At ngayon, yun pa din ang narinig ko.   Yun lang
ba ang kaya niyang gawin? Ang magsorry? Maibabalik ba ng sorry niya ang nawala sa
akin?

Hindi ako nagsalita, I didn’t even show any amotion.

“Alam kong nasaktan kita and I admit that I’d been a jerk towards you and a coward.
Hindi ko maamin ang nararamdaman ko para sayo kahit sa sarili ko. Nung una inakala
kong natutuwa lang ako sa personality mo. I didn’t realize that I was already
falling for you. Inisip kong natutuwa lang ako sayo kaya palagi kitang iniisip, na
nasanay lang ako sa presensiya mo kaya palagi kitang hinahanap, that I was just
lusting after you that’s why I can’t get my hands off you. Na once na may nangyari
sa atin, mawawala din ang kung ano man ang nararamdaman ko sayo but the opposite
thing happened.  Ana...” Sabi  niya sa nahihirapang boses na parang kinocontrol
niya ang kanyang emosyon. Pinilit kong hindi maapektuhan sa mga sinasabi niya.  

“Mas lalo kitang hinahanap, mas palagi kitang iniisip and that I wanted to be with
you every second of my life. I have never felt like this towards any woman and it
scare the hell out of me. Naisip kong isang kalokohan ang nararamdaman ko. I
thought it was crazy that you would be in my mind in my every waking hours and even
in my dreams. Naninibago ako sa sarili ko, hindi ko kayang i-handle ang
nararamdaman ko para sayo and worst I don’t know how to name it. And then you said
you love me. I freaked out because I never believe in that word. You name the
feeling that I am dreading to feel with the word  that is a heresay to me. At hindi
ko matanggap na mahal din kita, na mararamdaman ko ang isang bagay na hindi ko
pinaniniwalaan. Pinaniwala ko pa din ang sarili ko na mawawala din ang kung anuman
ang nararamdaman ko sayo that’s why pinili kong makipagbalikan kay Casper in my
futile hope to forget you. At alam kong nasaktan kita. I am so sorry.” Lalong
humigpit ang hawak niya sa kamay ko. He is even caressing my hair. Naninikip na din
ang lalamunan ko sa pagpipigil ko sa iyak ko.

Di ba ito naman ang gusto ko? Ang suklian niya ang pag ibig ko?  Pero bakit instead
na sumaya ako mas lalo akong nasasaktan? I should feel elated because he felt the
same way towards me. But instead, I felt bitterness and pain. I felt remoarse.  

“Ana, I was scared that once you knew how I feel towards you, you would control me
at kahit kailan I didn’t allow anyone to control my life. The chauvinist in me just
wouldn’t allow something like that. So I fight it off and tried to ignore it. Pero
hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan kapag nasasaktan ka ng dahil sa akin.
Hindi ko mapigilang mag alala sayo and I hate myself for it. But when I saw you
yesterday...para akong mamamatay. I realized how much you mean to me, na hindi ko
kayang mawala ka sakin and that you are more important than my pride, my ego,  my
chauvinistic principles,  and my life. I love you Ana and I am sorry for being such
a coward.” Yumuko siya at nakita kong yumuyugyog ang balikat niya. Ilang segundo
din siya sa ganung posisyon. But when he didn’t get any reaction from me he looked
at me with tears in his eyes.

“Please Ana, kausapin mo ako. Please....Parang awa mo na...”

Here is the man whom I have loved with all my heart that I have given everything
para lang maging masaya siya.

Here is the man whom I have loved hanggang sa puntong kahit pride ko ay binaliwala
ko na.

Here is the man and he is now pouring his heart to me. Declaring his love for me
and begging me to talk to him. 

Pero hindi ko siya kayang kausapin. I couldn’t even look at him without flinching
because he is also the man who took everything from me. My pride, my ego, my
principles, my life and my child.

Nung hindi na siya nagsasalita. I turned my back on him and closed my eyes. 

=================
Pang Tatlumpu't Walong Silip

38

 Isang linggo na akong nakalabas ng hospital at kahapon bumalik si Mama sa


probinsiya. Gusto kong sumama sa kanya. Gusto kong umalis dito pero hindi sila
pumayag. Hindi ko na pinilit ang gusto ko kasi alam kong wala na din naman akong
magagawa at isa pa, nasa punto akong umaayon na lang kung ano man ang gusto nilang
gawin sa buhay ko. Nawalan na ako ng ganang magdesisyon para sa sarili ko. Nawalan
na ako ng ganang mabuhay. Ayaw pa sana akong iwan ni Mama pero dalawang linggo na
din siyang hindi pumapasok sa school. Mag eexam na ang mga estudyante niya.

At simula nung bumalik ako galing hospital nagkaroon na kami ng katulong. Hindi ko
alam kung para saan kasi tuloy pa din naman ang pagdating ng tagalinis ng condo
araw araw. Baka tagaluto ni Paeng kasi ni hindi na ako nagluluto at tagabantay na
din kung kumain na ba ako o hindi. O baka naman kinuha talaga siya para bantayan
ako in case naisipan kong magsuicide. Pero pag dumadating na si Paeng umaalis na
siya.

Kadalasan din pag dumadating si Paeng tulog na ako. Sinisigurado kong tulog na ako
kasi ayaw kong makita siya. Hindi rin ako nagdidilat ng mata hangga’t alam ko na
nasa kwarto pa siya. Pero sabi nga nila hindi habang buhay ay kaya mong iwasan ang
iniiwasan mo. Oo iniiwasan ko si Paeng at iniiwasan ko ding umiyak. Ang huling iyak
ko ay nung nasa hospital ako.

6PM pa lang nag aayos na ako sa pagtulog ko at naghahanap ng maisusuot na pajama


nung mau nakita akong plastic sa cabinet ko. Kinuha ko ang plastic and I saw a pair
of mittens at ang isang pregnancy book.

Natulala ako at  napaupo na lang ako bigla sa kama habang hawak ang mittens. Hindi
ko na din napigilan ang nag uunahang mga luha ko. Umiiyak lang ako habang
nakatingin sa mittens. Hindi ko alam kung gaano katagal. I just sat there and cry.
At ang iyak na yun ay naging hagulgol hanggang sa halos di na ako makahinga.
Sa ganung sitwasyon ako naabutan ni Paeng.

“Ana!” Dali dali siyang pumunta sa akin at niyakap ako. Hindi ko siya tinulak at
hindi rin ako nanlaban but I went still. Natigil din ang pag hikbi ko pero hindi pa
din tumitigil ang luha ko.

“Tama na. I’m sorry. I am so sorry.” Lalong humihigpit ang yakap niya sa akin. I
slowly disentangled myself from him at bahagya siyang tinulak pero mas lalo pa niya
akong niyakap. Ayaw kong kayakap siya. Ayaw kong magkalapit kami. Ayaw ko siyang
makita kasi mas lalo lang akong nasasaktan. Bumabalik ang sakit na nararamdaman ko.

Nung maramdaman kong wala siyang balak na bitawan ako, buong lakas ko siyang
tinulak. Napalayo siya ng kunti pero niyakap lang niya ako ulit.

“Bitawan mo ako.” Mahina kong sabi. Hindi na din ako nanlaban sa kanya. I went as
still as I can ever be.

“Patawarin mo ako please...”Garalgal na ang boses niya pero wala akong naramdaman
na kahit na anong awa para kay Paeng.  Kahit ilang balde pa ang iluha niya, hindi
na maibabablik ang nawala sa akin. I refused to look at him. Nung lumuwag na ang
pagkakayakap niya sa akin tumayo na ako at aalis na sana nung hinawakan niya ang
isang braso ko.

“Ana! Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako? Sabihin mo?
Gagawin ko. Just forgive me please.” Naninikip ang dibdib ko pero ayaw ko ng umiyak
pag kaharap ko siya. Tama na. Ayoko na.
“Bitawan mo ako.” Medyo malakas na ang pagkakasabi ko at hinatak ko na ang braso
ko.

“No!”   And he suddenly knelt down.

“Alam kong nasaktan kita ng sobra. Alam kong kasalanan ko ang lahat dahil sa
kagaguhan ko. At hindi ko alam kung paano kita maibabalik sa akin. Kung paano mo
ako mapapatawad. Pero hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Hindi lang naman ikaw
ang nawalan ng anak, ako din. At nararamdaman ko at nakikita ko ang unti-unti mong
pagkawala sa akin. At hindi ako makakapayag na pati ikaw mawala Ana.” He is crying
while saying those words. At parang hindi ako makapaniwala na si Paeng ay luluhuran
ako.

Hindi ako nagsalita. I swallowed the lump in my throat. Diretso lang ang tingin ko
sa wall. I can hear him begging. I can hear his sorry. I can hear his sobs and his
cries. Pero kahit isa sa mga yun hindi nagpalambot sa puso ko.

Siguro nga manhid na ako kasi hindi ko siya kayang patawarin. At hindi ko alam kung
hanggang saan at hanggang kelan ang galit na nararamdaman ko. Kung hanggang kelan
ko kayang magbulagbulagan sa mga efforts ni Paeng para mapatawad ko siya. Ang alam
ko lang sa ngayon, hindi ko pa kayang patawarin siya.

“Ana, I’m sorry. I love you. Kausapin mo ako. Patawarin mo ako please...” Sabi niya
sa nahihirapang boses. Tumingin ako sa kanya. Nakatingala siya sa akin at nakahawak
ang dalawa niyang kamay sa binti ko.  Pero nagkamali ako kasi hindi ko napigilan
nung may tumulong luha sa mga mata ko.
I clenched my hand tighlty, clinging to the little fabric na hawak hawak ko pa din.

“Maibabalik ba ng sorry at ng I love you mo ang anak ko? Kung kayang ibalik nun ang
anak ko, buong puso kitang patatawarin Paeng.”

Nakita ko kung anong klaseng sakit ang ibinigay ko sa kanya dahil sa sinabi ko. I
saw him wince in pain dahil sa sinabi ko as if directly hit by a blow.  Lumuwag ang
pagkakahawak niya sa binti ko hanggang sa nabitiwan niya ito.

At bago pa ako humagulgol sa harap niya, naglakad na ako palabas ng kwarto.


Dumiretso ako sa kabilang kwarto at doon natulog.

=================

Pang Tatlumpu't Siyam na Silip

39

Simula nung gabi na yun hindi na ako natulog sa kwarto ni Paeng.  I’ve been
sleeping in the other room. Nung una pinilit niya akong bumalik sa kwarto niya pero
hindi ko siya pinansin hanggang sa napagod na siguro siya at hinayaan na lang niya
ako. And that lasted for a month now. Halos hindi na nga kami nagkikita na dalawa
dahil paglabas ko ng kwarto, nakaalis na siya papuntang office at pagdating niya,
nasa loob na ako ng room.

Ilang beses na ding bumisita si Grandma pati sina Mama at Papa sa condo at hindi ko
alam kung napapansin ba nila ang sitwasyon namin ni Paeng. Kung napapansin man nila
wala silang sinasabi tungkol doon.
Pero hanggang kelan ko ba siya kayang iwasan? Hanggang kelan ba ganito ang
sitwasyon namin? Hanggang kelan ko ba aalagaan ang sakit na nararamdaman ko? Sa
totoo lang napapagod na ako sa ganitong sitwasyon, sa ganitong pakiramdam. Ang
bigat bigat sa dibdib. Gusto ko ng makalimutan ang lahat. Gusto ko ng maging masaya
ulit. Gusto kong bumalik ang dating ako. Pero kahit ako, hindi ko alam kung paano
ko gagawin yun ng hindi ko nararamdaman ang sakit, na hindi ko naalala ang
pangyayaring yun. At ginagawa ko ang lahat makalimutan lang yun, kaya ayaw kong
makita si Paeng dahil pag nakikita ko siya, bumabalik ang lahat ng sakit na
nararamdaman ko. He serves as the living reminder of the things I wanted so much to
forget.

Nakatulugan ko na yun ang iniisip ko. Nagising ako nung makaramdam ako ng gutom.
Hindi pala ako nakapaghapunan. Mag 12MN na pala. Dahan dahan akong tumayo at
naglakad palabas ng kwarto.  Napatingin pa ako sa salamin and I saw the thin hallow
faced Ana looking back at me. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya, nakikita ko
ang trace ng pag iyak niya gabi gabi. Pinilit kong alisin ang paningin ko sa
salamin.

Paglabas ko, napansin ko na nakabukas ang ilaw sa may bar. Tapos nakita ko si Paeng
na umiinom. Malapit na ding maubos ang laman ng bote ng kung anuman ang iniinom
niya.

Nakatagilid siya sa akin at hindi ko alam kung napansin niya ako. Nabaling ang
tingin ko sa mukha niya and I noticed that his face is unshaven? Ang pagkakaalam
ko, ayaw niyang humahaba ang balbas  niya kaya araw araw siya kung magshave dati.
Pero ano ba naman ang alam ko sa kanya? Napansin ko din na parang pumayat siya. And
like me, nakikita ko na din ang panlalalim ng mga mata niya.

Tumalikod na ako para bumalik sa kwarto kasi madadaanan ko siya pag pumunta ako ng
kitchen  nung tinawag niya ako.  

“Ana!” Napatigil ako at hindi ko napigilan ang sarili kong lingunin siya. Nakita ko
siyang tumayo at muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya nakahawak sa may bar
counter. Naglakad siya papunta sa akin pero nakikita kong hindi na straight ang
lakad. Lasing siya.
Hanggang sa makalapit siya sa akin, hindi ko nagawang gumalaw man lang. Nakatingin
lang ako sa kanya ng walang kaemo emosyon.

“Patayin mo na lang ako.” Sabi niya sa nahihirapang boses nung magkaharap na kami.
“Kung gusto mo akong parusahan sa ginawa ko sayo, patayin mo na lang ako Ana. Kung
makakabawas sa sakit na nararamdaman mo ang pagkamatay ko, gawin mo. Kung yun ang
paraan para mapatawad mo ako, tatanggapin ko. Pero...wag lang yung ganito...”He
sob. “Wag lang yung parang hindi ako nag-eexist sa buhay mo.” Napayuko ako nung
makita ko siyang umiiyak. May parte sa akin na naaawa na sa kanya pero
nangingibabaw pa din ang sakit na nararamdaman ko.

Tapos bigla na lang niya akong niyakap at sumbsob sa balikat ko habang umiiyak.
Hindi ko nagawang makapag react. How much pride it would take for a man to cry in
front of a woman? How much pride it would take him to crumble and cry in front of
her? Para ipakita ang kahinaan niya?

Kahit kailan, hindi ko naisip na gagawin ito ni Paeng sa harap ko. He is literally
breaking down in front of me. Kahit sinong babae, ayaw makita ang ganitong eksena.
Kahit sinong babae hindi nanaisin na makita ang isang lalaki na maging ganito
kahina sa harapan niya.

Pero ako kinakaya kong tingnan siya sa ganitong estado. Oo nasasaktan din akong
makita siyang ganito ka-miserable. Siguro nga mas miserable pa siya ngayon kaysa sa
akin. At nasa kamay ko ang susi para hindi na siya masaktan pero hindi ko  pa siya
kayang patawarin. Ayaw ko siyang maging ganyan, ayaw kong makita na nagkakaganyan
siya, hindi ko ginustong masaktan siya dahil sa nangyayari sa akin. Hindi ko
ginustong maging miserable din ang buhay niya, ang gusto ko lang makalimot.
Makalimot sa lahat ng sakit Siguro sa tamang panahon maibibigay ko ang kapatawaran
na hinihingi niya pero hindi ngayon.

Hinayaan ko siyang yakapin ako at pinahid ko ang luhang tahimik na naglandas sa mga
pisngi ko.
“Patawarin mo ako kung naging duwag man ako sa nararamdaman ko Ana. Patawarin mo
ako kung hindi ko kayang harapin ang damdamin ko. Patawin mo ako kung naging manhid
ako at kung niloko man kita. Na hindi ko kayang aminin sa sarili ko na mahal na
pala kita.” Habang nagsasalita siya mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

Tapos unti unti niya akong binitawan at malungkot na tumingin sa akin tapos pinahid
ang mga luha ko. The loneliness in his eyes mirrors mine.

“Gusto kong maging masaya ka kahit pa na ang kapalit nun ay ang pagkawala mo sa
buhay ko. I know how much you loathe me right now and maybe it’s very hard for you
to forgive me at this moment kaya hindi ko na pipilitin na patawarin mo ako pero
hihintayin ko ang araw na mangyayari yun. Ayaw ko ng makita kang nagkakaganito at
alam kong ako ang dahilan ng lahat na ito. At kung makakabawas sa sakit na
nararamdaman mo ang pagkawala ko, gagawin ko, kahit na masakit para sa akin ang
mapalayo sa’yo.”

Parang lalong sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Although, iyon naman ang
gusto ko. Ang hindi siya makita, ang lumayo sa kanya. Pero bakit mas lalo akong
nasasaktan dahil sa mga sinasabi niya? May bahagi ng pagkatao ko ang gustong umalis
siya pero may bahagi din na tumututol.

“Keep safe.” Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.  Tapos tumalikod
na siya at naglakad papuntang main door palabas ng condo. 

A/N: Mahirap palang mag update pag sobrang malungkot si Ana. Sorry for the dry
update at yan lang ang nakayanan ko. Hindi ko maisulat ng tama ang totoong
nararamdaman ni Ana. nagiging bato na din tuloy ang mga update. Nahawa na. Don't
worry hindi ito aabot ng 50 chapters. Ata?

=================

Pang Apatnapung Silip


40

Nakatulala lang ako habang papalabas siya ng pinto and when he finally closed the
door nanghihina akong napaupo sa pinakamalapit na sofa.  I felt empty at hindi ko
alam kung bakit. Di ba ito naman ang gusto ko? Di ba ayaw ko siyang makita? Bakit
nalungkot ako lalo dahil sa pag alis niya? Napasandal na lang ako sa upuan at
pinikit ko ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganung posisyon pero kahit anong gawin kong
deny sa sarili ko alam kong hinihintay kong bumalik siya. Na hindi niya totohanin
ang sinasabi niya. Dahil kahit gaano pa kabato ang puso ko ngayon, kahit gaano ko
pa dinedeny, may bahagi ng pagkatao ko na nagsusumigaw na wag siyang umalis, na wag
niya akong iwan. At ang bahaging yun ngayon ang lubos na nasasaktan at nagsusumigaw
na kung mahal talaga ako ni Paeng katulad ng sinabi niya hindi niya ako iiwan kahit
ano pa ang tulak ko sa kanyang lumayo. That he wouldn’t give up on me.  Pero habang
tumatagal lalong nabigo ang bahaging iyon. Pakiramdam ko tuloy iniwan na ako ng
buong mundo.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako and when I wake up, nasa kwarto na ako. Sa
kwarto ni Paeng at hindi sa kwarto kung saan ako natutulog nitong nakaraang buwan.
I don’t know what made me stood up at agad na pumunta sa sala. Hinanap ng mga mata
ko si Paeng pero hindi ko siya nakita. Pumunta din ako sa terrace at sa kabilang
room pero wala din siya. Then I saw a piece of paper in the dining table.

Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ito and I saw his familiar handwriting. I
could barely contain the speed of my heartbeat habang binabasa ko ang nakasulat sa
papel.

‘Ana,

Kung ang pag alis ko ang makakapagpabalik sa dating Ana, gagawin ko, kahit gaano
kasakit. Dahil hindi ko kayang makita kang gabi gabi umiiyak. I couldn’t live with
myself because I know that I am the cause of that pain. At hindi ko alam kung
mapapatawad ko pa ang sarili ko dahil sa ginawa ko sayo. Ayaw ko ng dagdagan ang
sakit na nararamdaman mo.   Go back to the day where your life is simple and
carefree, the day when you have not yet met me and bring back the joy and light  in
your life which I have heartlessly taken from you. I wanted so much to be with you,
to be near you, to hold you, to console  you, to comfort you but I cannot bear
seeing you like this because of me. So, I have to leave as you have wished. Kung
ito ang paraan para bumalik ka sa dati gagawin ko. Kung ito ang paraan para
maibalik ang dating  Ana who is full of life, strong willed and who never give up
then I am willing to go just for you to have your life back. I will always be here
for you so always take care. I am sorry for hurting you. I am sorry if my love for
you have caused you so much pain. I love you.”

He didn’t sign the letter pero kilalang kilala ko ang handwriting niya. Ilang beses
kong binasa ang sulat and everytime I read it lalng sumisikip ang dibdib ko.

Nasa ganun akong sitwasyon nung nag ring ang phone. Pinunasan ko ang mga luha sa
mga mata ko and cleared my throat bago ko sinagot ang phone. A small hope rise up
na baka si Paeng ang tumatawag.

“Hello.” I said full of anticipation kung sino ang nasa kabilang linya.

“Hello Ma’am Ana, si Driver po ito.” Narinig ko ang boses ni Kuya Driver sa
kabilang line. “Paaakyatin ko na po ba si Helper?” 

Helper? Sinong helper?

“Sinong helper Kuya?”

“Yung pinasundo ni Sir Ralph para maging kasambahay niyo po.” Nagpakuha ng
kasamabahay si Paeng? So aalis na talaga siya. Nabalot na naman ng lungkot ang puso
ko. At parang unti unting natatakpan ng lungkot an yun ang sakit na nararamdaman
ko.
Pinaakyat ko na si Kuya at ang kasambahay. Hindi na din ako nagtanong kay Kuya kung
bakit kami nagkaroon ng kasambahay. Wala naman silang alam sa nangyayari sa buhay
namin ng amo niya.

“Ma’am ipaghahanda ko po kayo ng pagkain?” Tanong agad sa akin ni Helper pagkaalis


ni Kuya at pagkatapos ipakilala sa akin.

   “Magpahinga ka muna.”

“Nakapagpahinga na po ako Ma’am. Natulog ako buong byahe.”  Kung ganito sila kaaga
nakarating sa condo, anong oras sila umalis ng probinsiya? At matagal na ba itong
plano ni Paeng.

“Matagal ka na bang sinabihan na papasok ka dito?”  Wala sa sariling tanong ko.

“Ay! Kagabi lang po Ma’am. Sinabihan lang ako ni Ma’am Gertrude na dito muna ako
para po samahan kayo.” Nakangiting sabi niya pero sa mga mata ko siya nakatingin.
Siguro dahil nakikita niyang magang maga ito at namumula.

So kagabi lang pala naisipan ni Paeng na kumuha ng katulong  dahil baka kagabi lang
niyang napagdesisyunan na layasan ako.

“Ma’am ano po ang gusto niyong kainin?” Basag ni Helper sa katahimikan ko.
“Maghanda ka na lang ng makakain mo. Hindi ako nagugutom.” Tapos tumalikod na ako
at pumuntang kwarto. Iniwan na talaga niya ako.

Ilang oras din akong nakahiga sa kama at ilang beses na ding kumatok si Helper pero
hidni ko pinapansin. Wala akong gana.

“Ma’am!” Katok ulit ni Helper. Hindi ko ulti siya pinansin.

“Ma’am may bisita po kayo. Mama niyo daw po.” Napaupo ako bigla sa kama at
napatingin sa salamin. Basag basag ang buhok ko at namamaga ang mga mata ko.
Naghilamos agad ako sa banyo para kahit papaano maayos ang itsura ko. Ayaw kong
makita ako ni Mama sa ganitong sitwasyon lalo na at nung andito pa sila pinipilit
kong maging normal ang sarili ko. Pinipilit kong ipakita na maayos lang ako kahit
halos hindi ko kibuin si Paeng. Ayaw kong makita niyang lalong lumala ang sitwasyon
ko.

Pagkalabas ko sa banyo, naririnig ko na ang sigaw at katok ni Mama.

“Ana! Ano ka bang bata ka! Tanghaling tapat na nakakulong ka ap din dyan sa kwarto
mo. Hindi ka pa daw nakakain sabi ng kasamabahay niyo.” Dinig na dinig ko ang talak
ni Mama. Agad kogn binuksan ang pinto.

“Ma!”  Napatigil sa pagkatok si Mama at napatingin sa akin. Tiningnan niya ako mula
ulo hanggang paa at pabalik.

“Diyos ko anak, anong ginawa mo sa sarili mo?” Nakita kong naluha si Mama at hindi
ko na napigilan ang sarili ko. Naiyak na ako kaya niyakap na lang ako ni Mama.
Dinala niya ako sa kama at doon pinaupo.
At hindi ko na rin napigilan ikwento sa kanya ang lahat lahat ng nangyari pati
lahat ng nararamdaman ko. Nag-iyakan  kaming dalawa pero naramdaman ko ang medyo
paggaan ng damdamin ko. Parang nakahinga kasi nasabi ko ang matagal ko ng tinatago
sa dibdib ko.

“Pasensiya ka na anak. Kasalanan namin kung bakit ganito ang nangyari sa yo. Kung
hindi namin kayo pinilit na ipakasal sana hindi kayo nagkasakitan ng ganito. Akala
kasi namin ni Ma’am Gertrude matatandaan niyo ang pinangako niyo sa isa’t isa noon
ni Raphael.” Malungkot na sabi ni Mama.

Napatigil ang pag iyak ko at bigla akong napatingin kay Mama. Anong pangako ang
pinagsasabi niya?

“Hindi kita maiintindihan Mama.” Wala akong natatandaang nangako ako kay Raphael.

“You promised to marry each other when you were young.” Seryosong sabi ni Mama.

Napanganga ako.

=================

Pang Apatnapu't Isang Silip

41

“Ano Ma?” Nanlalaki ang maga kong mata na napatingin kay Mama.

“Siguro nga hindi niyo na talaga maalala. Kunsabagay mga bata pa kayo noon at
malaki ang posibilidad na nakalimutan niyo na nga.” Bumuntong hininga si Mama.

“Mama! Anong ibig mong sabihin? Nagkaamnesia ba ako at hindi ko maalala?” Hindi ako
makapaniwala sa sinasabi ni Mama. Nangakong kaming magpakasal ni Paeng sa isa’t
isa? Samantalang sa natatandaan ko una kaming nagkita noon sa batis

“Hindi ka nagka-amnesia. Ang mga Reyna Elena hindi tinatablan ng amnesia.


Nakalimutan mo lang talaga. Noong 5 years old ka pa lang, pumunta tayo sa dati kong
school kasi nag-aapply ako sa aking dating school bilang teacher.  Pagkatapos ng
interview pinuntahan kita sa upuan kung saan kita iniwan pero wala ka na dun.
Tinuro sa akin na lumabas ka ng office  at nakita kong nakikipag usap ka sa batang
lalaki na apo pala ng school director na si Ma’am Gertrude.” Napangiti si Mama
habang nagkukwento siya at ako parang naaaninag ang mga pangyayaring matagal na
panahon ng nangyari. Unti unting lumiwanag ang alaala na hindi ko alam kung bakit
nakalimutan ko.

Flashback.

“Ana, papasok lang ako sa loob. Dito ka lang wag kang umalis. Hintayin mo ako.”
Tumango lang ako kay Mama at tahimik na naupo. Pero bilang bata, makalipas ang
limang minuto, nainip ako kaya sinundan ko ang nakita kong itim na langgam hanggang
sa makarating ako sa ilalim ng puno ng pili.   Aliw na aliw ako sa butas na
pinapasukan ng mga langgam at inaaninag kung ano ang nasa loob nung magulat ako
kasi may biglang nagsalita sa likuran ko.

“Everyone hates me.” Napatigil ako nun sa pagsilip sa butas na pinapasukan ng mga
langgam at umupo ng maayos sa damuhan para tingnan kung sino ang bitter na
nagsalita. Doon ko nga nakita ang isang batang lalaki na siguro mga 6-7 years old
na nakaupo sa steel bench sa tabi ng puno ng pili. Hindi siya nakatingin sa akin
pero sinisipa niya ang damo sa may paanan niya. Naawa ako sa damo kasi wala namang
ginagawang masama sa bata pero sinipa sipa nito. Siguro nasasaktan na ang damo pero
dahil nga walang silang mouth hindi sila makapagsalita. Pero mas nagulat ako nung
makita ko ang mukha ng batang lalaki.

Nakita kong malungkot na malungkot ang mukha niya na parang iiyak na. Naawa naman
ako bigla sa bata. At dahil siguro pinanganak talaga akong atribida kaya hindi ko
napigilan ang sarili kong magsalita.

“Galit ba tayo?” Napatingin bigla sa akin ang batang bitter sa buhay na parang
nagtataka at nagsalita ako.

“Huh?” Natigil siya sa pagsisipa sa damo. At kumunot ang noo niya.

“Hindi. Sino ka ba? Hindi naman tayo magkakilala bakit tayo magkakagalit.” Doon na
nagsalubong ang kilay ko. Lumapit na ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

“Kasi mali yung sinabi mo. Hindi tayo galit kaya hindi ako galit sayo kaya not
everyone hates you. Sinungaling ka.”  Nanlaki ang mga mata niya na parang gulat na
gulat.

“Hala! Dumudugo ang ilong mo bata!” Bigla niyang bulalas. Baliwalang kinuha ko ang
panyo ko sa bulsa ng damit ko at pinahiran ang dumudugong ilong ko.

“Wala ito. Ganito talaga ako pag napapaEnglish. Bakit nga pala sinabi mong galit
ang lahat sayo? Kasinungalaingan lang naman yun.”  Bumalik ang lungkot sa mukha
niya. At sinipa niya ulit ang damo. Gusto ko ng apakan ang paa niya para tumigil
siya sa pananakit sa mga damo.

“Kasi... my parents. They separated and they didn’t want me kaya si Grandma at si
Grandpa ang nag aalaga sa akin. Tapos kanina sabi ni Grandma, mag behave daw ako.
Wala na daw akong ginawang mabuti. They hate me.” Naluluha pang sabi niya. Tumango
lang ako ng ilang beses . Iniimagine ko pa kasi kung paano nagseparate ang parents
niya.  At bakit sila nagseparate? Magkadugtong ba sila? Dapat lang sila magseparate
kasi sila Mama at Papa din separate. Andito kami sa school tapos si papa sa school
din kung saan siya nagwowork. Eh di hiwalay sila. Separate.
 

“Separate din naman ang parents ko ah!” Masama ba pag hindi hiwalay?

“Talaga? Hiwalay din ang parents mo?” Parang nagulat pa siya sa sinabi ko. Dapat
naman talaga maghiwalay sila. Paano mamakawork si Papa kung nakadikit sa kanya si
Mama? At kung magkasama sila sino ang mag aalaga sa akin?

“Opo. Lagi naman eh. Araw araw nagwowork si Papa sa school kaya naghihiwalay sila.
Tapos pag hapon na uuwi na si Papa. Magkasama na ulit kami!” Tuwang tuwa pang sabi
ko. Tiningnan niya ako ng masama.  Ngumiti lang ako sa kanya.

“Hindi naman yun na hiwalay ang ibig kong sabihin eh!” Nagmaktol na siya. Umatras
ako kasi baka suntukin niya ako sa sama ng tingin niya sa akin.

“Eh ano?” Madami ba ang meaning ng separate or hiwalay?

“What I mean is they are not living together forever. They marry other people.”
Napanganga ako. Marry? Merry? Christmas? May pa lang naman ah.

“Gusto mo ba ang parents na hindi hiwalay?” Sabi ko na lang at hindi na inintindi


ang Merry Christmas. Nararamdaman ko na kasi ang paggapang ng mga langgam sa binti
ko.

Tumango lang ang bata.

“Katulad ng Mama at Papa ko?” Tumango ulit siya. Kawawa naman pala siya.
 

“Eh di sila na lang ang Mama at Papa mo. Parehas natin silang Mama at Papa”
Napatingin siya sa akin.

“Talaga? Pwede kong maging Mama at Papa ang Mama at Papa mo?” May ngiti na sa mga
labi niya nung sinabi niya yun. Mukhang excited din siya.

“Oo naman.” Napangiti na din ako. Kung may iba ng anak sila Mama at Papa eh di
hindi na ako ang palagi nilang uutusan na mag open ng door. Hehehe.

“Paano?” tanong niya na biglang nalungkot ulit.

“Ewan ko.” Ang alam ko umaakyat na ang mga langgam sa legs ko. Nakikiliti na ako
pero pinipigilan ko. Nakit ko siyang saglit na nag-isip tapos ngumiti.

“Alam ko na! Kasi  nung kinasal  si Tito Mark ang tawag na ni Tita Jane sa Papa at
Mama ni Tito Mark na sina Grandma at Grandpa ay Papa at Mama na din. So kapag
ikinasal tayo magiging Mama at papa ko na din ang Mama at papa mo. Tama! Pakasal na
lang tayo para maging Mama at Papa ko na din sila. Pero dapat malaki na tayo.
Promise yan ha?” Buong katuwaan na sinabi niya.

“Owwwwwwwwwwwkay!” Waaaaaaaa. Pumasok na ata sa panty ko ang mga langgam. Huhuhu.


Mamaaaaaaaaaa!!!!!

“Talaga little boy? Pakakasalan mo ang anak ko pag lumaki na kayo?” Nakita ko si
Mama na bigla na lang dumating. Parang nabawasan ako ng tinik sa dibdib.
 

“Opo!” Buong tapang na sabi nung bata.

“Mama!!!” Mangiyak ngiyak na tawag ko at tumakbo papunta kay Mama. Feeling ko ang
dami na nila. Baka kagatin nila ang..ang...

“Ange---!”narinig kong may sumigaw pero hindi ko maayos na narinig kasi nagsumbong
na ako kay Mama tungkol sa mga langgam na agad naman niya pinagpag sa legs ko at
kung saan man sila nakapunta. 

End of flashback

Napakurap ako kay Mama. Yun ang sinasabi niyang promise namin ni Paeng? Si Paeng ba
ang batang bitter na iyon?

“Naikwento ko kay Ma’am Gertrude yun. Hindi rin namin akalain na magkikita pa kayo
kasi yun na ang una’t huli niyng pagkikita kasi lumipat na sila Ma’am dito sa
Maynila pero nung  namanhikan na sila napag isip isip namin na tinadhana talaga
kayo para sa isa’t isa kay tinuloy na namin ang kasal kahit na noong una gusto lang
naming kayo bigyan ng leksiyon kasi pinagloloko niyo yung mga matatanda.” Explain
pa ni Mama.

“Nung una siyang pumunta sa bahay, nakilala niyo ba siya?” Nung pumayag na alng
sila bigla na isama ako ni Paeng sa bahay nila.

“Hindi namin alam na siya ang apo ni Ma’am Gertrude Ana.  Pero wala naman na kaming
magagawa kasi mukhang nagmamahalan naman kayo nung panahon na yun at may nangyari
na sa inyo. Mabuti nga at pinanagutan ka niya.” Hindi ko na lang sinabi ang totoo.
Para saan pa?
“Bakit pala kayo napabisita Ma?”  Malungkot ulit na sabi ko.

“Tinawagan ako ni Raphael. Ana...anak, hindi lang ikaw ang nasasaktan. Hindi lang
ikaw ang nawalan ng anak. Siguro may kasalanan siya pero matuto kang magpatawad
anak. Dahil hindi ka sasaya hangga’t may mabigat kang dinadala dyan sa puso mo.”
Doon na ako ulit umiyak  at lalo pang nadagdagan ang iyak ko nung magsimula na
akong sermunan ng nanay ko. Simulan noon unti unti ng bumalik ang dating ako.
Nakakangiti na ako kahit papaano pero andito pa din ang lungkot sa dibdib ko. 
Pagkatapos ng tatlong araw, bumalik na si Mama sa probinsiya. Hindi pa din
bumabalik si Paeng. Sabi ni Mama babalik din daw yun, hintayin ko lang. Baka
naghihintay lang daw ng tamang panahon.

Kaya naghintay ako, katulad ngayon nakatulala ko sa harap ng TV nung lumapit si


Helper sa akin.

“Maam, may naghahanap ko kay Sir Ralph. Lily daw po!” Biglang bumilis ang tibok ng
puso ko.

=================

Pang Apatnapu't Dalawang Silip

42

Pinapasok ni Helper ang isang Diyosa ng kagandahan na babae. Pinaupo siya sa sofa
at binigyan na din ng juice dahil sa utos ko.

“Hi! Sorry to disturb you. Ako nga pala si Lily. Lily Evans.” She shook my hand
bago siya naupo.
“Ana.” Ngumiti lang siya tapos iniikot ang tingin sa buong condo.

“Nice to meet you Ana. Nagbago na ang condo ni Ralph. Wala siya ngayon?” Nakangiti
pa din sabi niya pagkatapos niyang tingnan ang buong condo na para bang nagtatago
si Paeng sa likod ng aquarium.

“Wala eh.” Nakita ko ang panghihinayang sa mukha niya. Siya ba si Lily? Ang
nagbigay kay Lilac? Napakaganda pala niya. Isa ba siya sa mga kaagaw ko kay Paeng?
Napuno ng pagseselos ang puso ko. Siguro nga tama si Casper, sino ba ako para
magustuhan ni Paeng. Sa klase ng mga babae na naging karelasyon niya, wala ako sa
kalingkingan ng mga ito. Pero sabi ni Paeng mahal niya ako. 

“Sayang !” Napatingin ako kay Lily. “Importante pa naman ang sasabihin ko sa kanya.
Mayordoma ka ba ni Ralph? Pakisabi na lang na dumaan ako ha. At pakisabi na
kailangan ko siyang makausap ASAP.” Tapos iniabot niya sa akin ang isang calling
card na wala sa sariling tinanggap ko naman.

“Kindly tell him to call me. Okay Ana? I better be going, wala naman pala si Ralph
dito. Thanks.”   Tapos tumayo na siya

“Makakarating sa asawa ko ang mga ipinagbilin mo Lily.” Napatigil siya sa paglakad


tapos slow motion na nag about face paharap sa akin with matching flip ng kanyang
hair tapos tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ba’t ba ang maldita ng mga ex ni
Paeng?

“Seriously? Asawa ka niya?” Hindi ko alam kung nang iinsulto ba siya o natatawa
nung sinabi niya yun. Siguro nang iinsulto at natatawa at the same time. Sino ba
naman kasi maniniwala na ako ang pinakasalan ni Paeng? Sasagot na sana ako pero
bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“Oh, I’m sorry. I misjudged you.” Nagulat ako sa ginawa niya. Akala ko ba ex din
siya na makikipagbalikan kay Paeng?
“But it doesn’t mean  na hindi ka  bagay na maging asawa ni Ralph kaya ko sinabi
yun. Hindi lang kasi ako makapaniwala na nag asawa si Ralph. Really? Ralph got
married?” Tapos umiling iling pa siya. Baliw ata ang babaeng to. Or baka adik?
Naupo ulit siya sa sofa kaya napilitan na din akong maupo. Akala ko ba aalis na
ito?

“Anyway, sorry ulit Ana. My bad.” Sabi niya na puno ng sincerity or baka plastic
lang talaga siya.

“Okay lang.” I said half heartedly. Ikaw kaya masabihan ng mayordoma, matutuwa ka
kaya?

“I came here pala kasi may hihilingin akong favor kay Ralph. Pero since wala siya
at asawa ka naman, pwede naman sigurong sayo na lang ako magpapaalam.” Tapos
napatingin siya sa aquarium at napangiti. 

 “Ano yun?” Inalis niya ang tingin niya sa quarium tapos tumingin sa akin.

“Pwede ko bang hiramin si Lilac for a month?  You see, yung  father ni Lilac,
champion yun sa flowerhorn competition for 3 years now. And then last week he
died.” Pinunasan niya ang mga mata niya ng panyo at parang naiiyak pero hindi namna
siya naiiyak talaga. OA ang babaeng ito.

“Wala tuloy kaming entry for the upcoming competition next week at naalala ko si
Lilac na kamukha ng father niya. So maybe, we could borrow him or her for a while
para lang may maisali kami sa competition.” Mahabang paliwanag niya at ang laki ng
ngiti niya sa akin. Yung ngiti na hindi ka makakatanggi. Or else...nanakawin niya
si Lilac.

“Itatanong ko muna kay Pa-ummm Ralph ang tungkol dyan Lily.” Ang kaso hindi umuuwi
si Paeng dito kaya bahala na.
“Okay. But get in touch with me okay?  Pwede ko bang matingnan ng malapitan si
Lilac?”

‘Sure!” Sabi ko na lang. Kahit gusto ko na ding sabihin na dalhin mo na yang isda
mo. Pero alam kong magagalit si Paeng. Lumapit na si Lily sa aquarium at tiningnan
ang isda. Lumapit ako sa kanya. Alangan naman na hayaan ko siya. Mamaya baka may
ibulsa pa siyang kutsara o kaya baso.  Parang ine-examine niya ang bawat kaliskis
ng isda.

“Ralph aaminin kong magaling kang sumisid, but I’m sorry, I’ve found someone who
can dive better. He’s a fast and deep diver. He really knows how to explore the
vastness of the ocean. Here’s my simple gift as a token of appreciation for your
great diving.” Binasa niya ng malakas tapos tumawa din ng malakas na parang tuwang
tuwa sa sarili niya. Baliw na talaga ata ito.

“Ang bitter ko dito.” Tumingin siya sa akin na naluluha ang mga mata dahil sa
kakatawa.

“Alam mo naman na naging kami di ba? Anyway, kaya ako nagulat na may asawa na si
Ralph ay dahil yun ang rason kung bakit kami nagkahiwalay. Bitter bitteran lang ako
dyan sa caption sa likod ng aquarium. Si Ralph kasi, as I know him, is not the
marrying type. Hindi ko nga inakala na magpapakasal siya.” Kwento niya habang
kinikilatis si Lilac.

“Masarap naman mahalin si Ralph, masarap alagaan but I am not the girl for him.
Huli ko na narealize yun. He wants a casual relationship , ako naman gusto ko ng
seryosohan. Kaya ayun, hindi kami nagkasundo sa terms kaya hindi kami nagkapermahan
ng kontrata. Bitter pa nga ako nun kaya binigyan ko siya ng Lilac na may note.”
Tumawa siya na mukhang amused na amused sa pinaggagawa niya sa buhay. Infairness
ha, ang daldal  niya.

“ Pero later on, naiintindihan ko na kung bakit ganun siya. Kung bakit ayaw niyang
magseryoso. Before I ignore his past, ang mga karanasan niya sa buhay. Ang
importante sa akin noon ay kung paano niya maipakita ang pagmamahal niya na sa
tingin ko noon ay tinatago tago lang niya. I want him to be expressive katulad ng
ibang lalaki na nagbibigay ng bulaklak, chocolates, stuff toys, nagHHWW under the
moonlight, naghaharutan sa parking, nagtititigan ng mga muta, nanunuyo ng gf kapag
nagagalit ito and stuff like that. Pero hindi ganun si Paeng. Hindi siya nagbibigay
ng kung ano ano, he hates PDA, at kapag nagagalit ako sa kanya hinahayaan lang niya
ako hanggang sa mawala ang galit ko. Narealize ko na hindi pala maipipilit yun lalo
na sa isang tao na hindi naranasan kung paano mahalin. Parang inihampas ko sa kanya
ang isang palangganang may nakasulat na love pero hindi pala siya marunong magbasa.
Para akong nagalit sa isang one-year old na bata kasi hindi pa marunong maglakad at
magsalita. Kakabanas di ba? Kaya bitter na bitter ang kagandahan at kaseksihan ko
dati. Huli ko na narealize that you cannot mold the person to be what you want him
to be. Hindi mo maipipilit ang pagbabago sa kanya, dapat manggaling mismo sa sarili
niya.”

“Hindi ko kinonsider ang mga bagay bagay dati. Hindi ko man lang naisip na lumaki
si Ralph na halos hindi niya naranasan ang pagmamahal. Alam mo naman siguro na
naghiwalay ang parents niya when he was very young at sa grandparents niya siya
lumaki. But his grandparents are busy with their business. They don’t have time for
him. They are also grooming him para siya ang mamalakad sa company kasi nga siya
ang panganay na apo kaya naging strict ang grandparents niya sa kanya.  Kapag
pumupunta siya sa bahay ng Mama niya, he felt rejected at feeling niya outcast siya
with his stepsiblings, the same with his father. He never had a serious girlfriend
so how could he distinguish a certain feeling na kahit kailan ay hindi niya
naranasan? Hindi ko dati naintindihan yun. Inaway ko pa siya na kaya ayaw niya
pakasal sa akin ay dahil sa childhood gf niya na palagi niyang kinukwento sa akin
na nagpromise daw siyang pakasalan. Bago kami naghiwalay sinigawan ko pa siyang
pakasalan na lang niya ang alaala ng bata sa ilalim ng pili. Ang bitter ko talaga
dati. Mabuti na lang natagpuan ko si Diver, ang asawa ko kaya lumawak ang pag-
iintindi ko. And now I’m glad na sa wakas nag asawa na din si Ralph. Hindi na ako
sobrang mahihiya  sa mga pinagsasabi ko sa kanya dati. At hindi na rin ako
magiguilty.”  Ngumiti siya ulit sa akin and this time  alam kong sincere na ang
ngiti niya.

Naluluha ako sa mga pinagsasabi niya kasi in a way parehas kami. Parang  ginawa ko
din kay Paeng ang ginawa niya. Oo nga hindi ko pinilit si Paeng na mahalin ako pero
sinisi ko siya sa mga nangyari. Ibinunton ko ang galit ko sa kanya.  Oo ng
sinabihan ko siyang mahal ko siya at kahit na sinabi kong okay lang kahit hindi
niya suklian ang pagmamahal na yun, deep inside me, umaasa ako na mahalin din niya
ako, kaya ako nagselos, kaya ko siya sinisi.

At ngayon, wala na siya at hindi ko alam kung babalikan pa niya ako. Kinabahan ako
bigla sa naisip ko. Paano kung hindi na siya babalik sa akin? Paano kung sa pag
alis niya, nakakaita siya ng ibang babae na mas gusto niya kaysa sa akin? Kinain na
naman ng insecurities ang pagkatao ko.
“hey Ana, Are you okay?”  Napatingin ako bigla kay Lily. Nakalimutan ko na andito
pala siya.

“May sinasabi ka ba?”

“Tinatanong ko kung pwede ko na bang madala si lilac ngayon.” Dagdag pa niya.

“Okay lang.” Wala sa sariling sabi ko. My mind is racing kung paano ko mahahanap si
Paeng. I need to apologize. Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko siyang
makausap.

=================

Pang Apatnapu't Tatlong Silip

43

Tinawagan ko na ang lahat ng dapat kong tawagan para itanong kung nasaan na si
Paeng pero lahat sila nagsabi na hindi nila alam. Pati sa office hindi din daw siya
pumapasok at nagfile pala siya ng indefinite leave. Depressed na depressed ako at
guilting guilty.

“Ma’an Ana, kumain na po kayo. Ihahanda ko na po ang hapunan.” Sabi ni Helper.


Nakaupo lang kasi ako sa sofa at nakatulala.

“Mauna ka ng kumain Helper. Susunod na ako.” Bumalik na lang ulit sa kusina si


Helper at pinabayaan na ako sa living room. Dalawang araw na simula nung mag usap
kami ni Lily at mag iisang linggo na simula nung umalis si Paeng. Saan na ba siya?
Maayos lang ba ang lagay niya? Nag iinit na naman ang sulok ng mga mata ko nung
nagsalita ulit si Helper.

“Ma’am kumain na po kayo.” Pinahid ko agad ang mga mata ko para hindi niya makita
na umiiyak ako.

“Mauna ka na.” Sabi ko ulit. Ang kulit naman ng ktulong na to. Pumunta ako sa banyo
para maghilamos at para na rin makaiwas na makita ng kasambahay ko ang nakakaawa
kong sitwasyon. Kunsabagay alam naman na ata niya kasi hindi na umuuwi si Paeng. 
After 5 minutes sa banyo lumabas ulit ako para lang makaharap si Helper.

“Ma’am! Kakain na po kayo?” Napakahopeful ng itsura niya. Para bang nakasalalay ang
buhay niya sa pagkain ko.

“Mamaya na nga.” Naiirita na din ako. Ilang beses na ba niyang tinanong yan?  Kung
nagugutom siya eh di kumain siya. Hindi yung tatanungin niya ako maya’t maya.

“Ma’am kasi...kumain na kayo. Hindi din kayo naglunch kanina.” Nagulat ako sa
sinabi niya at sa inakto niya kasi may kasama pang dabog at simangot ang sinabi
niya.  

“Helper, pwede, wag kang makulit?” I warned her para hidni na niya ako kulitin.

“Pero kasi Ma’am ako ang masasabon ni Sir dahil sa ginagawa niyo.”Bigla niyang
sinabi pero nung narealize ata ang sinabi niya bigla niyang kinagat ang ibabang
labi niya. Kahit ako nagulat sa sinabi niya. Tiningnan ko siya ng nakakaduda.

“Nagkikita kayo ni Sir Ralph mo!?” Bulalas ko. Dalawang araw ko na siyang hinahanap
tapos nagkikita sila ni Helper? Paanong nangyari yun? I tried to cathc Helper’s
eyes pero iniwas lang niya ang tingin niya sa akin. Sa sahig siya tumingin.

“Hi-Hindi po Ma’am.” Ang dami ng iling niya, halos malagas na ang lahat ng buhok
niya sa pag iling.

“Helper....” Banta ko pa

“Hindi po talaga Ma’am. Si Sir Michael po ang nakakausap ko. Pinapabantayan ka daw
ni Sir Ralph.” Sabi niya sa akin. Paanong si Michael ang nakausap niya eh nung
tinawagan ko si Michael ang sabi ni Michael hindi niya alam kung nasaan si Paeng.
Isa sa kanila ang nagsisinungaling.

“Gusto mo ba akong magalit sayo Helper?” Ayaw ko man siyang ganituhin pero
kailangan ko ng makita si Paeng.

“Si Sir Michael po talaga Ma’am.”

“Isa...”Pinandilatan ko siya ng mga mata. Pero tiningnan lang niya ako.

“Oo nga Ma’am!” This time tiningnan na niya ako.

“ Dalawa...”
“Naku Ma’am kahit magbilang ka pa hanggang isang milyon. Si Sir Michael talaga ang
nakakausap ko.” She said firmly. Nanlumo ako sa sinabi niya. Bumalik na lang ako
ulit sa sofa na hinihigaan ko.

“Sige. Kakain na lang ako mamaya.” Humiga na ako sa sofa.

“Pero Ma’am....” Pumikit na ako at tinalikuran si Helper hanggang sa nakatulog na


ako at umaga na ako nagising.

Paggising ko nakahiga na ako sa kama, sa kwarto namin ni Paeng. Binuhat ba ako ni


Helper papasok sa kwarto? Pero impossible naman. Hindi naman niya ako kayang
buhatin. O baka naman ginising niya ako at pinalipat sa kama pero di ko maalala.
Pero hindi pwedeng hidni ko maalala kasi ang mga Reyna Elena hindi tinatablan ng
amnesia.

Tinanong ko siya paglabas ko ng kwarto pero tiningnan lang niya ako na para bang
adik ako. Pagdating ni Paeng sesesantihin ko to. Pasalamat siya at hindi ako ang
nag hire sa kanya.

“Helper, ikaw muna dito, lalabas lang ako para maggrocery.” Sabi ko sa kanya
pagkatapos kong magbihis at maligo.

“Sasama ba ako Ma’am?”

“Hindi na.” Tapos umalis na ako. Lumabas na ako ng condo at sumakay ng elevator
pababa. Naghihintay na din si Kuya Driver sa lobby para dalhin ako sa supermarket.
Pabukas na ang elevator nung may mahagilap ang mga mata ko. Isang lalaking parang
si Paeng na papasok sa kabilang elevator. Gusto kong buksan lumabas agad para
maabutan ko ang lalaki pero ang bagal ng mga tao sa unahan ko. Gusto ko na silang
itulak.

At nung makalabas na ako at lumingon ako sa kabilang elevator, sakto namang


papasara na ito. And white sleeves na lang ng polo  ng naturang lalaki ang nakita
ko bago tuluyan itong sumara.  

=================

Pang Apatnapu't Apat na Silip

44.

Hindi ako natahimik habang naggogrocery ako. Iniisip ko na baka kamukha lang or
guni guni ko lang yun pero ang lakas ng kaba ng dibdib ko.  Ganun ko na ba siya ka
miss at nakikita ko siya kung saan saan. Nakatapos na ako sa paggogrocery na yun pa
din ang iniisip ko. Napadami tuloy ang napamili ko.

Pagdating ko sa condo, nagtaka pa si Helper kung bakit daw ang dami kong pinamili
eh halos hindi naman ako kumakain. Alangan naman na sabihin ko sa kanya na wala ako
sa sarili ko nung namimili ako kanina. Ang hirap pala pag may atribida kang
katulong. Lahat napapansin.

Pinaayos ko na kay Helper ang mga pinamili ko para may gawin naman siya at hindi
yung ako ang napapansin niya. Pumunta na lang ako sa terrace at naupo at
nilalanghap ang polluted night air ng Metro Manila. Pag ganitong tahimik ang
paligid madami akong naiisip. Naalala ko ang nawala kong baby, nalulungkot pa din
ako pero hindi na kasing lungkot ng dati. Siguro nga nagsisimula na akong tanggapin
ang mga bagay bagay. Pero hindi ko pa din napigilang pumatak ang luha ko.  Napag
isip isip ko, ang layo  na pala ng narating ko. Mula sa isang simpleng babae sa
probinsiya na mahilig makipagsisisran sa mga tilapya, ito na ako ngayon....
malungkot.
Isa lang naman ang naging pangarap ko eh. Gusto ko  lang naman maging mayaman pero
hindi ko akalain na kasabay ng pag abot ko sa pangarap ko ay ang sobrang sakit at
kalungkutan na naranasan ko.  Hindi ko din pinangarap na magmahal pero hindi ko
napigilan ang sarili ko at dahil doon naging ganito ang sitwasyon ko. Bakit ba ang
komplikado ng buhay?Hidni ba pwedeng maging simple na lang? Yun bang pag pumikit ka
at sinabi mong, gusto kong yumaman ay pagdilat mo nasa harap mo na ang gabundok na
pera. O kaya katulad ng nilalaro ng author na sims3. Pag gusto niyang yumaman ang
sims niya itatype lang niya ang ‘motherlode’ may instant 50K na or dahil gahaman si
author ang tinatype niya ay ‘familyfund 9999999999’. Tapos pag badmood na ang sims
niya agad agad ‘testingcheatsenabled yes’ tapos ireraise lang niya ang mga
moodlet.   Pag gusto niyang patayin, nilalagay lang niya sa isang kwarto tapos
aalisin ang pinto at hindi pakakainin. Sana ganun na lang ang buhay. Pero hindi eh.
Hindi pwedeng dayain ang buhay, walang cheats na isang pindot lang andyan na agad.
Walang moodlet na pwedeng itaas kung nalulungkot ka. At lalong lalong hindi pwede
ang ginagawa ng author na pinag aasawa niya ang vampire at ang fairy tapos werewolf
ang magiging anak na may kakambal na witch.  Isang kalokohan ang ganun, sa isang
laro lang yun nangyayari at hindi laro ang buhay. May mga emosyon na involve and
sometimes your emotions could make or break you. Ang maganda lang sa buhay ng tao
ay ang kakayahan niyang magdesisyon.

Sa mga desisyon na yun nababago ang buhay ng isang tao. Maaring may mali kang
desisyon sa buhay pero dahil sa desisyon mo yun, kailangan mong pangatawanan.
Desisyon kong magpauto dati kay Paeng at pumayag na tumira sa bahay niya, desisyon
ko din na ituloy ang kasal namin kahit pa sabihing napipilitan lang ako. Pwede ko
naman kasing takbuhan yun. Although hindi ko kagustuhan na mahalin siya, desisyon
ko pa din na ituloy ito at iparamdaman iyon sa kanya. Pwede naman kasi akong lumayo
na lang, magpakaduwag at piliting alisin si Paeng sa sistema ko.   Although mahirap
pero alam ko namang kakayanin ko.  I have decided to stay kaya naranasan ko ang
lahat ng sakit at hinagpis sa buhay.  At wala akong pwedeng sisihin sa lahat ng
nangyari sa akin dahil ang lahat ng yun ay bunga ng mga desisyon na ginawa ko.

At ngayong malungkot ako, nahaharap ulit ako sa isang desisyon. Gusto ko bang
lumigaya or gusto kong habangbuhay na maging malungkot. And I’ve decided to be
happy, I’ve decided to forget and I’ve decided to give my love another chance. 

Nakatulog ako sa upuan sa terrace with that conviction on my mind at idagdag na rin
siguro ang nakakaantok na polusyon sa Metro Manila. 

Nagising ako na parang nakalipad ako at idinuduyan.  Nahihilo ata ako. Pinikit ko
ulit ang mga mata ko pero pakiramdaman ko talaga nakahang ako. Through half open
lids inaninag ko kung nasaaan ako  at nakita ko ang blurred na mukha ng taong
bumubuhat sa akin. Tapos naramdaman kong bumukas ang isang pinto at unti unti akong
binababa hanggang sa lumapat ang katawan ko sa kama. Kinakabahan ako lalo na at
biglang naging alert ang senses ko. Naaamoy ko ang familiar na amoy ni Paeng.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang papalabas na ng kwarto na pigura ni
Paeng. Hindi ako maaring magkamali. Si Paeng nga yun.

“Paeng.”  I called after him pero hindi ko alam kung narinig ba niya dahil medyo
mahina ang boses ko dahil nga wala pa sa katawan ko ang buong kaluluwa ko or
nagbibingibingihan lang siya. Tatawagin ko sana siya ulit nung nakita kong naisara
na niya ang pinto.

Agad akong tumayo para sana habulin siya pero agad naman akong nahilo. Pero pinilit
kong bumangon at dali daling tumakbo palabas ng kwarto. Hinanap ko siya sa sala, sa
kabilang kwarto, sa terrace, sa kitchen at sa laundry pero wala akong nakitang
Paeng.

Agad akong lumabas ng condo at dumiretso ng elevator. Pinindot ko ang ground floor
with trembling hands at parang ang pakiramdam ko sobrang bagal ng elevator.
Pagdating ko sa lobby pumunta agad ako sa receptionist at tinanong kung may nakita
silang lumabas pero wala daw. Pumunta din ako sa guard para itanong kung may
lumabas na kotse pero wala din daw.

Naghintay ako ng 30 minutes sa lobby, in a hope na baka nahuli lang siya sa


paglabas pero walang Paeng na lumabas. Nanlulumo akong bumalik sa condo namin.
Mabagal akong  naglakad papuntang condo nung may marinig akong boses.

“Nasaan si Ma’am mo?” Malakas ang boses ng nagsasalita na parang may pinapagalitan.

“Bakit hindi mo alam?” Pasinghal pa din ang boses. Hindi ako maaaring magkamali.
Boses yun ni Paeng. Nandito pa si Paeng sa condo?  Nagmamadali akong naglakad.
Nakalapat ang screen door pero hindi nakalock at bukas na bukas din ang  main door
kaya narinig ko ang boses niya habang nasa  hallway ako.
Mabilis agad akong naglakad papunta sa condo at agad na binuksan ang pinto.  

=================

Kabanata Apatnapu't Limang Silip

45

Pagkapasok ko sa condo, wala ni anino ni Paeng o ni Helper sa loob ng bahay.  Guni


guni ko lang ba ang mga narinig ko? O baka sa ibang condo yun? Pero kaboses talaga
ni Paeng ang nagsasalita lalo na pag galit si paeng. Ganun na ganun ang tono niya.

Nung masiguro ko na walang tao sa loob ng bahay pumasok na lang ulit ako sa kwarto
ko at nagbihis na ng pantulog tapos natulog na ako kahit naguguluhan pa ako sa mga
nangyayari.

Kinaumagahan, medyo tinanghali ako ng gising. As usual kinulit na naman ako ni


Helper na kumain kaya para wala ng masyadong usapan, kumain na lang ako. Pagkatapos
kong kumain, naligo na ako at nagbihis.

Nakapagdecide na ako na pupunta sa opisina nila Paeng. Kahit wala siya doon, gusto
kong kausapin kahit ang mga pinsan niyo or kahit si Grandma. Kahit siguro isa lang
sa kanila ay alam kung nasaan si Paeng di ba?

 “Saan po tayo Ma’am?” tanong sa akin ni Kuya Driver pag akyat ko sa sasakyan.
Official Service ko ata ang Escalade at official driver ko si Kuya Driver kasi
napapansin ko available siya palagi tuwing kailangan ko ng service.
“Sa office po Kuya.” Ngumiti lang si Kuya at nagdrive na papunta sa office.
Pagpasok ko sa lobby agad na binati ako ng guard at ng kung sino mang empleyado na
nakasalubong ko.

Papunta na ako sa may elevator nung may nakasalubong akong grupo ng mga lalaki na
sa tingin ko ay mga empleyado din sa building na to. So malamang empleyado nina
Paeng.

“Good Morning Ma’am.” Halos sabay na bati ng mga lalaki. Ngumiti lang ako ng tipid
at binati din sila.

“Ana!?” Napatingin ako bigla sa nagsalita. Isa siya sa mga grupo ng lalaki na
bumati sa akin. Tiningnan ko siya ng mabuti. Nakatingin din siya sa akin na parang
eniexamine ang mukha ko.  Napakunot pa ang noo ko kasi mukhang familiar siya.

“Ana! Ikaw nga!” Tapos bigla na lang niya akong niyakap. Nagulat ako sa ginawa
niya. Tapos bigla kong naalala kung sino ang lalaking ito.

“Ex?” Bulalas ko din. Binitiwan na niya ako ang ang laki ng ngisi habang tumitingin
sa akin.

“Ex! Ikaw nga! Hala! Ang pogi mo na ngayon!?” Tili ko pa na nagpatingin sa ibang
taong dumating.  Siya na ba ito? Ang naging ka MU ko noong high school pero  bigla
na lang naglaho na parang bula? Siya na ba ito?

“Ikaw din! Lalo ka ng gumanda.” Ngumisi lang ako sa kanya at nagpacute. Tapos
nagulat pa ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tiningnan ako sa mga
mata. Hala!

“Kamusta ka na Ana? Pwede ka ba mamaya sa Lunch? Alam mo na, para makapag usap
tayo...” Pa cute na sabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Halos hindi pa din
ako makapaniwala na may kakilala ako ditong makikita sa building nila Paeng.    

Pero bago pa ako makapagsalita, may umagaw na sa kamay ko na hawak ni Ex at lumayo


sa akin.

“My wife is okay and she can’t have lunch with you because as of this second,
you’re fired.” Kung nagulat ako sa pagkakakita ko kay Ex, walang sinabi ang gulat
na iyon nung bigla na lang sumulpot si Paeng.

Pagkatapos niyang sabihin yun, hinatak na niya ako palayo at palabas sa building
pasakay na isang SUV.

“Sakay!” He commanded. Wala naman sa sariling sumakay ako. Andito siya sa opisina?
Pero di ba ang sabi sa akin hindi pa siya nag ooffice?

Umikot siya sa kabilang side ng sasakyan at pumunta sa driver’s seat tapos tahimik
na nagdadrive. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada at ni hindi ako tinitingnan.
His jaw is set and his lips are firm indicating that he is mad.

Natatakot din akong magsalita kasi baka bigla niyang ibangga ang sasakyan pag
nagsalita ako. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa condo. Hatak hatak
pa din niya ako hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Pagdating sa sala,
binitawan niya ako at dumiretso sa laundry.

“Helper!” Dumadagundong ang boses niya sa buong condo.


“Sir!” Humahangos si Helper na kalalabas lang ata sa laundry. “Sir! Buti naman
bumaba ka dito. Si Ma’am Ana kasi...umalis...”  Tapos nabaling ang tingin niya sa
akin.

“Ma’am!!” Literal na napatalon si Helper na parang nakakita ng multo. Patay ka


mamayang Helper ka! Nagsinungaling ka sa akin.

“Di ba kabilin bilinan ko sa’yo na sabihin sa akin lahat ng ginagawa ng Ma’am mo?
Kung hindi pa ako tinext ni Driver na pumunta sila ng opisina hindi ko pa
malalaman. Ano ba ang ginagawa mo? Sinabi ko ng bantayan mo siya pero ano ang
ginagawa mo? Hinahayaan mo siyang matulog sa sala, sa terrace at hinahayaan mo
siyang hindi kumain.” Ang lakas pa din ng boses ni Paeng. Ang liit ni Helper tapos
si paeng ang tangkad. Parang nanenermon ang isang higante sa isang langgam. Pero
instead na yumuko si Helper dahil sinisigawan siya ni paeng, sinalubong pa niya ang
tingin nito.

“Eh kasi naman Sir Ralph. Hindi ko naman mapipilit si Ma’am Ana na kumain kasi
magkasintigas lang kayo ng ulo niyan. At hindi ko naman ginusto na kung saan saan
siya matutulog at hindi ko siya kayang buhatin para dalhin sa kwarto katulad ng
ginagawa niyo. Hindi na nga ako halos makapag review ng Criminal Law  dahil sa mga
pinagagawa mo. Sana nag hire ka na lang ng security guard para kay Ma’am. At saka
Sir, kung hindi ba naman kayo engot, nasa taas lang naman ang condo mo, bakit hindi
na lang ikaw ang magbanatay kay Ma’am, tutal ikaw naman ang asawa.” Mahabang sabi
ni Helper at nakataas pa ang noo.

“Lumayas nga ako di ba?” nakasigaw pa din si Paeng. Pero ano daw? Nasa itaas lang
ang condo niya? Kung sino sino pa ang napagtanungan ko, andyan lang pala siya sa
itaas.

“Pero hindi yan ang isyu Helper! Hindi mo ginagawa ang tungkulin mo! Hidni ka
nagrereport sa akin ng maayos.”Nakasinghal pa rin si Paeng.  Teka! Ba’t ba siya
galit kay Helper? Ginagawa naman nito ang sinasabi niya. Kinukulit pa nga ako niyan
na kumain at tama naman siya na hindi nito kontrolado kung saan ako matutulog.
Bakit sa kanya binubunton ni paeng ang galit niya? At bakit ba siya galit?
“Hindi naman niya kasalanan..” Singit ko na kasi hindi naman talaga kasalanan ni
Helper ang mga nangyari.

“Isa ka pa!” Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Galit na galit nga siya. Pero
bakit siya pa ngayon ang galit? Ako na nga itong halos maloka kakaisip kung nasaan
na siya tapos nasa taas lang pala ng condo namin ang tinutuluyan niya tapos nag
hire pa siya ng magspy sa akin. Kung tutuusin ako dapata ng magalit sa mga ginagawa
niya.

“Wag mo akong sigawan! Hindi ako bingi!” Sigaw ko na din. Napatingin sila sa akin.

“Yan! Tama lang yan. Mag usap kayo. Parehas kayong baliw, dinadamay niyo pa ako.
Magkasing baliw lang kayo ng pakyung Michael  na yun.” Tapos nag walkout na si
Helper. Hindi namin siya pinansin kasi nagsusukatan kami ng tingin ni Paeng.

“Anong problema mo ha? Bigla bigla ka na lang susulpot at manghahatak tapos ikaw pa
ngayon ang may ganang magalit!” Oo natutuwa ako na andito na siya at hindi ko na
siya kailangan hanapin. Pero hindi ganitong nakasigaw siya sa lahat ng tao.

 “Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko. Sinabi ko lang na bibigyan kita ng
time para sa sarili mo pero hindi ko sinabing ipagpalit mo ako. Ang problema ko
kasi nagseselos ako. Ilang buwan mo akong hindi kinausap, ni hindi mo magawang
tumingin sa akin pero nag goodmorning lang sayo ang lalaking yun, nagpayakap ka na
at nagpahawak ng kamay! At siguro kung hindi kita nilayo agad sa kanya baka
nakipaglunch ka na!” At sa akin napunta ang lahat ng galit niya. Namumula ang mukha
niya sa galit.

“You didn’t even think that you are both flirting in front of everyone!” Dagdag pa
niya. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. 
Tapos sinampal ko siya ng sobrang lakas. Nagmarka pa ang kamay ko sa pisngi niya.
Natulala siya sa ginawa ko.

“Nakikipagflirt? Ako pa ngayon ang malandi? Eh kung isampal ko kaya sa pagmumukha


mo ang lahat ng ginawa mo sa akin? Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yun
Paeng! Nung ikaw  ang gumawa sa akin ng mga yun may narinig ka ba mula sa akin?
Tapos isusumabat mo sa akin ang nangyari kanina? Ang kapal kapal ng mukha mo!”
Sinuntok ko na siya sa dibdib. Parang dam na bumukas ang lahat ng galit sa dibdib.
Lahat ng sakit at lahat ng frustrations. Isama pa ang lahat ng pangungulila na
naramdaman ko nung nawala siya.  

Hindi na ako tumigil sa pagsuntok at paghampas sa kanya. Kahit saan na tumatama ang
mga hampas at suntok ko pero ni hindi siya umiilag. Hinahayaan lang niya akong
saktan siya at sabihin ang mga sama ng loob ko sa kanya hanggang sa mapagod ako. At
nung wala na akong lakas para saktan siya niyakap na lang niya ako.

Siguro nga wala na akong lakas para pa magalit sa kanya, wala na din akong lakas
para panatilihin pa ang galit sa puso ko. Dahil aminin ko man o hindi, gumaan ang
dibdib ko pagkatapos kung ilabas sa harap niya ang lahat ng mga hinanakit ko.

At wala na akong magawa kundi umiyak na alng sa dibdib niya. Kahit anong pilit kong
magalit pa din at magtampo kay Paeng hindi ko magawa kasi nangingibabaw ang
nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. Nasa ganun lang kaming pwesto ng mga ilang
minuto. Nakayakap siya sa akin at humihikbi ako sa dibdib niya and it feels good.

“Ang bigat pala ng mga kamay mo Ana.” There is humor in his voice when he said it.
Na parang tuwang tuwa pa siya na binugbog ko siya. Napatingin ako bigla sa kanya at
hahampasin ko sana ulit siya nung lalo niya lang akong niyakap kaya hindi ko na
nagawa ang plano ko.

“Tama na! Masakit, baka akala mo. Tama na yung isang oras mo akong binugbog.”
Tinulak ko siya kasi hindi naman isang oras ang ginawa ko pero mukhang wala siyang
planong bitiwan ako.
“Anong isang oras? Wala pa ngang 30 minutes yun! At kung nasasaktan ka na pala bat
di ka man lang umilag?”

“Bakit nung nasasaktan ba kita umilag ka ba?” Nagulat ako sa sinabi niya kasi
biglang naging seryoso ang bo ses niya.

“I never thought that I would love you like this Ana. Ni hindi ko nga akalain na
magmamahal pala ako. God! You are worst than Hitler and Stalin combined but I would
gladly succumbed to you for as long as you will stay with me. Parang masisiraan ako
ng ulo nung umalis ako dito.” Doon ko na siya talaga tinulak kaya napabitaw siya sa
akin.

“MASISIRAAN KA NG ULO!? PARANG ANG LAYO NAMAN NG PINUNTAHAN MO DI BA? NASA TAAS KA
LANG NAMAN! KUNG MAKALAYAS KA NAMAN WAGAS!PINAHIRAPAN MO PA AKO!” Napangiwi siya
dahil sa lakas ng boses ko pero nangingiti din siya.

“Grabe! Kailangan ko na bang ipa-soundproof ang buong condo? Baka sabihin ng mga
kapitbahay may sunog.” Ang laki ng ngisi niya. Naningkit ang mga mata ko. At nagawa
pa akong asarin.

  “Pwede ba! May nag aaral dito!” Narinig naming sigaw mula sa kwarto ni Helper.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Paeng.

“Bakit ganun siya? Parang hindi katulong kung umasta.” Nagtataka kasi ako dyan kay
Helper.

“Hindi naman  talaga yan katulong. Initiation yan ni Michael sa kanya kasi gusto
niyang sumali sa Mason. Halika, bigyan natin ng katahimikan si Helper.” Tapos
hinila na niya ako papuntang laundry at papuntang backdoor palabas ng fire exit.
Nagtaka man ako pero hinayaan ko lang siya. Tapos umakyat kami sa stairs na dapat
ay fire exit at lumabas sa lobby sa taas papasok sa isang unit which I think ay ang
unit na tinirhan niya.

“Dito ka tumira?” Inikot ko ang paningin ko sa buong condo. Kasing laki lang ng
condo naming pero iba lang ang design at ang kulay. Pero ang nakakuha ng pansin ko
ay ang tatlong magkatabing 52 inch LED TV na nasa harap ng sofa. Nakabukas pa lahat
at nagulat ako na ang lumalabas ay ang buong condo namin. Ang sala, kitchen,
laundry, terrace, kwarto namin, ang nasa kabilang kwarto na dati kong tinutulugan.
Basta lahat ng sulok ng condo naming, kasama pa ang hallway sa tapat ng condo at
ang dalawang elevator. Ang wala lang ay ang maid’s quarter na siyang tinutulugan ni
Helper at pati ang CR sa living room andoon. CR?

Napatingin ako sa isang square na black lang at tumingin ako kay Paeng.

“Nakasurveillance ang buong condo?” Nanlalaki ang mga mata ko. Kakamot kamot lang
siya ng ulo.

“Pati ba CR ng kwarto natin nakasurveillance?” Nakita ko siyang biglang namula.

“Ahmmmm...hindi ...”Atubili niyang sabi.

“Magsisinungaling ka?? Hindi pa kita napapatawad..”

“Hindi ko naman yun pinapanood palagi. Natakot lang ako dati na baka ilunod mo ang
sarili mo sa shower o kaya sa bathtub!” He said defensively. Napanganga ako.

“Nung andyan si Mama?”


“Hindi pa yan naiinstall nung andyan pa si Mama. Ang sama ng iniisip mo Ana!”
Defensive pa din ang walanghiya.

“AKO PA ANG MASAMA ANG INIISIP? SAMANTALANG IKAW TONG NAMBUBUSO HABANG NALILIGO
AKO! BAT BA ANG HILIG MONG MAMBUSO?”  Napangiwi ulit siya dahil sa lakas ng boses
ko. Pero nagulat na lang ako nung bigla niya akong kinabig. Magkadikit ang katawan
naming and our faces are inches apart.

“Wag ka ng magalit. Pananagutan ko naman ang pamboboso ko sayo.” He smirked. “Hindi


na nga ako nagalit nung hinayaan mong kunin na lang basta basta ni Lily si Lilac.”
He smiled tenderly at me. Parang nalulunod ako sa tingin niya.    

“Ana, kung galit ka sa akin sabihin mo sa akin at wag mong itago sa dibdib mo. Kung
nasasaktan na pala kita sabihin mo kasi hindi ko alam kung paano nangyari pero mas
nasasaktan ako pag nasasaktan ka. I’ll try my best not to hurt you anymore. Is it
okay with you?” Hinawa niya ang ilang hibla ng buhok at inipit sa tenga ko. Wala na
akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya.

“Before I do something drastic, I will ask you one thing.  Pinapatawad mo na ba


ako?” Nararamdaman ko na ang hininga niya sa pisngi ko at halos hindi na ako
makahinga. Tumango na lang ulit ko. Kelan pa nagging drastic ang halik?  

Pero nagulat na lang ako nung bigla niya akong binitiwan at lumuhod siya sa harap
ko.

“Will you marry me again Ana?” Nagulat ako sa ginawa niya.

“Yan ang drastic?” Wala sa sariling nasabi ko.


“May ineexpect kang iba?” Nakakalokong tanong niya habang nakaluhod pa din at
inaabot ang singsing sa akin.

“Hindi naman kasi yan drastic.” Akala ko naman kung ano na.

 “First time ko kayang magpropose!”

“Nagpropose ka na kaya sa akin dati.” Sagot ko naman. Tiningnan niya ako na


nagtataka.

“Huh? Kelan?”

“Noong mga bata pa tayo. Sa school sa ilalim ng pili kung saan nagtuturo si Mama.
Lately lang din niya kinuwento sa akin.”

“Ikaw ba ang batang yun? Yung pink ang panty?” So, hindi din niya alam na ako ang
batang yun? Pero ano daw? Alam niyang pink ang panty ko noon?

“BINOSOHAN MO AKO NOON KAHIT BATA PA TAYO?” Tumaas na naman ang boses ko.   

“Hindi ko naman yun sinasadya. Kasalanan mo naman kasi kit among nakabestida ka
tapos kung makatuwad ka naman... At pwede ba Ana, kanina pa ako nakaluhod dito.
Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Nangangalay na ang kamay ko.” Halata ngang
nangangalay na siya.
“Ayyy! Oo nga pala. Pero kasal naman na tayo kaya my answer wouldn’t really matter.
Kaya...Okay.” At iniabot ko ang kamay ko para ilagay na niya ang singsing. Ang dami
ko ng singsing. Pag siguro sinangla ko yan, super yaman na ako. Ma try ngang
ipaappraised ang isa. Titingnan ko pa sana ang diamante sa singsing ko nung bigla
niya akong hinila kaya natumba ako sa tabi.

“Ayyyyy!!” Napatili ako pero sinalo naman siya ako kaya natumba kaming dalawa sa
sahig na mabuti na alng at carpeted.

“What I did a while ago was drastic, but what I’m about to do is more drastic.” At
walang sabi sabi na hinalikan niya ako.

Yeah, more drastic nga, pero mas gusto ko ata ang most drastic. 

=================

Epilogue

 Epilogue

“Come here baby, here...” His mouth kissed the top of my tummy. Naramdaman ko ang
pagwaawal ng sanggol sa sinapupunan ko and then he kicked violently. Awwww.

“Paeng! Pwede ba! Tama na yan? Ang sakit na niya sumipa at inaantok na ako.” Yes,
buntis na ako at malapit na din akong manganak. Pero itong si Paeng wala atang
planong patulugin ako kasi kanina pa niya kinukulit ang bata sa tiyan ko.
“Sandali na lang Hon, look at him, sinusundan niya ang kamay ko. He’ll be a smart
kid.” I rolled my eyes. Sa tingin ko magiging spoiled ang batang to. Simula nung
malaman na buntis ako naging habit na ni Paeng ang kausapin ang tyan ko.

“Tumigil ka na nga!” Singhal ko na.

“Sinusundan niya kasi ang kamay ko.” He said grinning.

“Ako ba inuuto mo? Hindi na niya masusundan ang kamay mo sa kinalalagyan nito
ngayon!! Maliban na lang kung manganganak na ako!” Tinapik ko na ang kamay niya na
kung saan saan na napupunta. He just grinned and hugged me tenderly.

“I love you, Ana.” Tapos hinalikan niya ang noo ko. Napangiti na alng ako.

“I love you too...Awwwww!”Bigla akong napasigaw.

“Sorry. Nadaganan ba kita?” Lumayo naman agad siya ng kunti sa akin.

“Manganganak na ata ako Paeng!!!” napapangiwi ako sa sakit.

“Baka sumipa lang dahil sinusundan ang kamay ko.” Ramdam ko ang biglang panlalamig
ng kamay niya.
“AWWWWWW! BA’T BA MAS MAY ALAM KA PA SA AKIN? IKAW BA ANG BUNTIS? DALHIN MO NA LANG
AKO SA HOSPITAL.” Hawak hawak ko na ang tyan ko.

“Okay! Okay! Wag ka ng sumigaw. Baka mabingi si baby.” Sabi pa niya na hinihimas pa
din ang tyan ko. Utang na loob naman.

“Paeng!!!”

“Ito na!” Tapos bigla na lang siyang tumayo  at nagsuot ng shirt at binuhat ako
palabas ng kwarto at palabas ng bahay.

After 2 months...

“Hindi ko ma gets kung bakit kinuha kang Ninang.” Sabi ng atribidong katabi ko.
Binyag ngayon ng inaanak ko na anak nina Ana at Ralph.

“Hindi ko rin magets kung bakit ikaw ang naging Tito ng napakagwapong batang
yun.Nakakaawa naman kung magmana sa ugali mo.” I smirked at him.

“At least siya may pag asang maging mason. Ikaw wala, kahit saang Chapter walang
tatanggap sayo na maging member ng mason. Common sense naman kasi.” Naningkit na
ang mga mata ko sa sinabi niya. Ayaw ko ng maalala ang pang uuto sa akin ng
lalaking ito.

“Kung wala palang pag asa bakit mo pa ako inuto at sinabihang isosponsor?” Naiirita
talaga ako pag naaalala ko.
At lalo akong nainis sa ginawa niya. Ngumiti lang siya sa akin at tinalikuran ako.

-END- 

Marami pong salamat sa lahat ng nagbasa sa nakakalokang storya ni Paeng at Ana.


Maraming salamat sa mga naggagandahang comment. 

=================

FAQ

Sinisipag talaga ako pag gabi na at madaling araw. Kaya ito.

1. Ano ang pangalan ng napakagwapong anak nina Ana at Paeng? Anak din ata? Hindi ko
pa naisipan. For the meantime Anak Villegas muna.

2. Babae po ba si Helper? Opo

3. Ano po ang Mason? Mason or Freemasonry is a fraternal organisation that arose


from obscure origins in the late 16th to early 17th century. Freemasonry now exists
in various forms all over the world. 

4. May part 2 po ba ito? Siyempre...wala. hahaha. Madami kasi akong on going


stories.

5. May story po ba si Michael at si Helper? Meron po.

6. Ano po ang conversation sa dulo at sino ang nag uusap? Si Michael at si Helper.

7. May pangalan na ba si Helper sa kanyang story? Meron. Raice.

8.Anong title ng story ni Michael at Helper? Wala pa akong maisip.

9. Anong inspiration ko sa story na to? Wala lang. It's fun to write this kind of
story kahit nakakairita si Ana. 
10. Sino ang napoportray kong character para kina ANa at Paeng? Wala eh. Sariling
imagination na   lang.

11. Anong ang magiging title ng story ni Michael at Helper? Wala pang title at wala
pong story ang anak ni Paeng at Ana.

12. Ano na ang nangyari kay Lilac? Binigya na lang kay Lily kasi pinaglihian ni
Ana. Pinapakain ng lettuce araw araw. 

13. Kelan ilalalbas ang story ni Michael at Helper? pagkatapos ng Charm.

14. Bakit hindi nagkakuliti si Paeng? Hindi tinatablan ng kuliti ang mga engot. 

15. Bakit mahilig mamboso ni Paeng? Hindi naman niya sinasadya. Sabi niya.

Kung may katanungan pa. Isulat lang po. Libre lang po ang magtanong. 

You might also like