Professional Documents
Culture Documents
F5Q1 M6 Opinyon O Reaksyon 1
F5Q1 M6 Opinyon O Reaksyon 1
Filipino
Kwarter 1 – Modyul 6:
OPINYON O REAKSYON
Filipino – Baitang 5
Kwarter 1 – Modyul 6: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang
Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.
Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo
ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan
at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang
papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!
ii
Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o
Reaksyon sa Isang Napakinggang
Balita, Isyu o Usapan
Panimula:
Magandang araw!
Kumusta ka?
Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!
Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Halika! umpisahan na natin.
Layunin
1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.
Talasalitaan:
Basahin natin.
mundo
2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?
Panimulang Pagsubok:
Panuto: Basahing Mabuti ang balita at pagkatapos sagutin ang mga tanong sa
ibaba.
3
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.
Alamin natin sa pahina 12 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN
Tandaan:
Ang pagbibigay ng reaksyon, ideya o opinyon tungkol sa isang isyu ay
isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o
pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad.
Ang pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap. Sikapin lamang na maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa
Isang paraan din ng pagpapahayag ng reaksiyon ay sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng debate. Iba’t ibang uri ng pangungusap ang maaaring magamit sa
pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.
4
Panuto: Basahin ang balita/isyu at ibigay ang iyong opinion o saloobin tungkol sa
isyu.
May mga suliranin tayong dapat lutasin upang umunlad ang ating bansa.
Unang-una ay ang isyung kapayapaan at katahimikan sa bansa. Ikalawa ay ang
kalinisan at pangangalaga sa paligid na tila nalilimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo
ay ang isyu ng kahirapan ng nakararaming mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng
edukasyon ng mga kabataan na siyang inaasahang maglilingkod sa bayan. Paano
nga ba malulutas ito ng bansang Pilipinas?
5
Yehey! Magaling ang iyong ipinahayag na reaksyon o opinion,
maaari mo nang gawin ang sumusunod na pagsasanay.
Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan
6
Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 12.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.
Panuto:
Basahin ang isyu o balita sa ibaba at
ibigay ang iyong reaksyon o opinion
Pagsasanay
tungkol dito.
Sagot: _____________________________________________________________
7
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.
Pagsasanay
Panuto: Ipahayag ang iyong opinyon o
reaksyon sa isyu.
Makinig at Mag-ingat
Sagot:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
☺
8
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng
aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok
na lamang ito na kailangan mong sagutin.
Panapos na Pagsubok
9
HIKAYAT
• Paraan ng pagtalakay sa paksa
• Pagsunod sa tiyak na panuong ibinigay ng guro kaugnay
ng gawain
5 – Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1- Nangangailangan pa ng pantulong na
pagsasanay
3 – Katanggap-tanggap
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 12.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.
Panuto: Ipahayag ang sariling opinyon o reaksyon tungkol sa isyu sa ibaba. Isulat
ang pahayag sa papel.
Laban Nating Lahat!
Matinding pinsala ang hatid ng dengue sa buong bansa. Halos araw-araw ay
nakapagtatala tayo ng namamatay at ang nakalulungkot dito ay pawang bata ang
tinatamaan ng nakamamatay na sakit na ito.
10
Dahil sa malawakan ang pinsalang hatid ng nakamamatay na sakit,
naniniwala kaming hindi lamang gobyerno ang dapat na kumilos o umaksiyon para
sugpuin ito.
Kahit anong laki kasi ng pondo ang ilabas ng gobyerno para masawata ang
pag-atake ng dengue, hindi magtatagumpay kung walang inisyatibo ang taumbayan
na kumilos dahil ang pinakamahalaga rito ang kooperasyon ng bawat mamamayang
Pilipino sa pagpapanatili ng kalinisan at kaniya-kaniyang komunidad. Mahalagang sa
bawat tahanan at komunidad pa lamang ay simulant na ang pagsugpo sa mga
lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
11
Susi sa Pagwawasto
12
Mga Sanggunian:
13
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: