Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PANGALAN: Fretch John V.

Mijares BSCE 2-A

Gawain Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos bawat isa)

1. Ang nobelang “Nena at Neneng” ay matagal na panahon nang naisulat, magkagayunman


nakikita mo pa ba ang realidad ng mga pangyayari sa kasalukuyang panahon?

Sagot: Sa panahon ngayon, hindi maitatanggi na ang tao ay mas pinipili pa ring gumawa ng mga
konklusyong wala namang basehan. Ang mga taong nasa isang relasyon ay hindi pa rin bukas
upang magkaroon ng masinsinang pag-uusap sa kanilang mga kasintahan, at mas pinipili na
lamang na manamihimik at magpakalayo-layo nang walang paalam.

2. Sa anu-anong mga sitwasyon at pagkakataon pinatunayan nina Nena at Neneng ang kanilang
pagiging isang mabuting magkaibigan?

Sagot: Ang hindi pagkagusto ni Neneng sa desisyon ni Nena na makipag-relasyon kay Miguel ay
isang pagpapakita lamang na nag-aalala ito sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanya. Sa
kabilang banda naman, ang pagkupkop ni Nena kay Neneng at pagpapatira nito sa kanilang
bahay nang lumisan ang asawa nito ay isang pagpapakita lamang ng isang mabuti at tunay na
kaibigan.

3. Sino sa kasalukuyang panahon ang maituturing na Nena at Neneng sa lipunan? Narciso at Isko?

Sagot: Sina Neneng at Nena ay sumasalamin sa mabuting magkakaibigan na handang tulungan


ang isa’t isa sa panahon ng kalungkutan. Si Isko naman ay sumasalamin sa mga matatandang
kalalakihan na may sekswal na pagnanasa sa mga mas nakababatang kababaihan. Habang si
Narciso naman ay sumasalamin sa mga gustong maging matagumpay sa pag-ibig, ngunit ayaw
tahakin ang proseso nito.

4. Sino ang inilarawang "Satanas sa Lupa" sa nobela? Bakit?

Sagot: Ang Satanas sa Lupa na inilalarawan sa Nobela ay si Benigno. Sapagkat, kawangis ni


Satanas, si Carpio ay nagsimula rin bilang isang butihing Kongresista, ngunit nadala ito sa tukso
na dinadala ng kapangyarihang mayroon siya.

This study source was downloaded by 100000843851461 from CourseHero.com on 03-20-2022 01:54:06 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/133696128/Module-9-MIJARESdocx/
5. Buhay pa rin ba ang mga katiwalian sa pulitika na binanggit sa akda?

Sagot: Ang pulitikay ay pulitika. Malungkot lamang isipin na parang naging normal na lamang ito,
at hindi na maaaring baguhin pa. Walang malinis na pulitika.

6. Ipaliwanag: "hindi po blackmail misis, ito po'y pulitika."

Sagot: Ang pulitika ay isang mundo na kung sino ang mas makapangyarihan, sila yung nananalo.
Sila yung nasa taas. Sila yung mas may karapatang gawin yung mga bagay na gusto nila. Halos
naging normal na lang nga halos lahat ng ating mga mamamahala ay korap at may katiwaliang
ginagawa.

7. Paano pinababa ng lipunan ang imahe ng babae sa katauhan ni Nenita sa "Sampaguitang Walang
Bango."

Sagot: Kahit noong hindi pa nagtataksil ang babae ay mababa na talaga siya, sapagkat
hinahayaan lamang niya na abusuhin siya ng kanyang asawa sa pambabae nito. Marahil, mas
nadagdagan na lamang ito nang nagtaksil din siya at nakipag-relasyon sa dating kasintahan.
Naging laman siya ng mga usap-usapan sa Maynila, lalo na’t ang kanyang asawa ay mayaman at
kilala.

8. Pantay ba ang naging pagturing sa lalaki at babae sa nobela? Dapat bang sisihin si Nenita sa
nangyari sa kanya? Ipaliwanag.

Sagot: Si Nenita at Bandino ay pareho lang namang nagtaksil sa isa’t isa, ngunit hindi pantay ang
pagturing sa kanila. Kung ang babae ang magtatataksil ay parang tinatanaw ito ng lipunan bilang
isang napakalaking kasalanan, ngunit kung ang lalaki ay nambabae ay parang normal lamang ito
at kailangang intindihin dahil mayroong mas higit na pangangailangan ang mga lalaki. At para sa
akin, ito ay hindi tama kailanman.

9. Anong imahen ang sinasagisag nina Bandino at Paquito sa nobela?

Sagot: Ang imaheng ipinapakita ni Bandino at Paquito ay mga lalaking mapagtaksil sa kanilang
mga kasintahan, ngunit iniisip na sila ang biktima sa lahat ng mga pangyayari.

This study source was downloaded by 100000843851461 from CourseHero.com on 03-20-2022 01:54:06 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/133696128/Module-9-MIJARESdocx/
Paglilimi

Sa mga halimbawang nobela, pumili lamang ng isa, at gumawa ng reflection paper batay sa
binasang nobela. Gawin ito nang hindi lalagpas sa 100 na salita. (15 puntos)

Ang Satanas sa Lupa ay nagpapakita ng aktwal na pangyayari sa ating lipunan, partikular


na sa mundo ng pulitika. Hindi maikakaila, at alam naman nating lahat na ang ang pulitika ay
isang magulo at maruming mundo. Mahirap itong pasukin, lalung-lalo na’t nandiyan ang
panganib, hindi lamang para sa ating mga sarili, ngunit para na rin sa ating mga pamilya.

Halos naging normal na lamang sa ating mga Pilipino ang katiwaliang ginagawa ng mga
opisyal na namamamahala sa ating bansa. Nasanay na lamang siguro tayo sa ganitong sistema, at
mas pinipili na lang nating manahimik at huwag magpakita ng pake sa mga bagay na ito, upang
hindi rin tayo malagay sa panganib.

Ang may-akda ay nagpakita ng dalawang uri ng mamamahala sa katauhan ni Benigno,


una ay ang opisyal na mayroon malinis na intensyong para sa bayan, at ang ikalawa ay ang
gustong umupo upang maisakatapuran ang mga pansariling interes. Hindi maitatanggi na ang
naunang katangiang ipinakita ni Benigno ay minsan mo lamang makikita. Sapagkat, maliit man o
malaki ang sahod bilang kawani ng gobyerno, ay mayroon naman silang kapangyarahin upang
mas malaki pa rito. Ang masaklap nga lang, ang taong-bayan ang naghihirap, habang yung iba ay
nagpapakasasa sa nakaw na yaman.

Ang pulitika ay pulitika. Marumi man, mapanganib, ginagawa ng mga pulitiko ang mga
sakripisyong ito, dahil alam nilang mababawi naman. Mukha mang imposible, umaasa pa rin ako
na sana’y may magbago man lang sa sistema. Sa bansang ito, kailangan natin ng mga
mamahalang katulad ni Benigno sa unang parte ng nobela, at hindi mga pulitikong ipinakita ng
Benigno na nalulong sa mga temtasyon at kapangyarihan.

This study source was downloaded by 100000843851461 from CourseHero.com on 03-20-2022 01:54:06 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/133696128/Module-9-MIJARESdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like