9 Perio 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MASVILLE NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA PRELIMINARYONG PAGSUSULIT SA FILIPIN0 9


Pangalan: __________________________Petsa: ____________________Iskor: ___________
Baitang at Seksyon: ________________ Pangalan ng Guro: ________________________

PANITIKAN
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang.
Titik lamang ang isulat sa inyong sagutang papel.

1. Isang pilay at bungal na kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran;


napangasawa ni Donya Victorina
a. Nol Juan b. Don Filipo c. Alperes d. Don Tiburcio de Espadana
2. Ang malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
a. Albino b. Linares c. Ibarra d. Basilio
3. Paring may lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
a. Padre Sibyla b. Padre Martin c. Padre Salvi d. Padre Damaso
4. Kung ang salin sa nobelang El Filibusterismo ay ang Paghahari ng kasakiman, sa Noli Me Tangere
naman ay _________.
a. Huwag Mo Akong Hawakan c. Huwag Mo Akong Salingin
b. Huwag Mo Akong Saluhan d. Huwag Mo AKong Kalagan
5. Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego.
a. alperes b. Kapitan Heneral c. Santo Papa d. Tenyente Guevarra
6. Maalam na matandang tagapayo ng mga marurunong na mamamayan
ng San Diego.
a. Pilosopo Tasyo c. Kapitan Basilio
b. Kapitan Tiyago d. Tenyente Mayor
7. Ang paring inukulan ng masamang tingin ni Padre Damaso sa kanyang sermon.
a. Padre Salvi c. Padre Martin
b. Padre Irene d. Padre Sibyla
8. Paring agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
a. Padre Damaso c. Padre Sibyla
b. Padre Salvi d. Padre Martin
9. Napangasawa ng alperes; dating labanderang may malaswang bibig at pag-uugali.
a. Donya Consolacion c. Kapitana Maria
b. Donya Victorina d. Hermana Pule
10. Napatda ang lahat nanag biglang sirain ni Padre Salvia ng aklat ng Gulong ng Kapalaran.
a. nabigla b. nagulat c. natakot d. nagalit
11. Isang langkay ng mga binibini, magulang at utusang babae ang naglakbay patungo sa may gawing lawa.
a. grupo b. tangkay c. puno d. kababaihan
12. Walang lubay ang pagtugtog ng kampana na sinasabayan ng mga paputok at kwitis.
a. Kwenta b. saysay c. tigil d. lakas
13. Ang banayad na lakad ng prusisyon ay sinasabayan ng kwitis at awit na nakasaliw ang banda ng
prusisyon.
a. Nag-aanyaya b. nanghihila c. mahinay d. nanghaharang
14. Kailangang sumangguni muna kayo sa kura, kapitan at sa lahat ng maykaya at makapangyarihan.
a. humingi ng payo c. pumunta
b. gumawa ng paraan d. makipagkita
15. Ang kahulugan ng hapunang pangkura ay ________.
a. Pagkain ng mga kura c. hamon at keso
b. Masarap na hapunan d. masarap na pagkain

16. Lubhang napakaringal ng pista ng San Diego.


a. Napakasya b. napakamakulay c. napakagara d. napakagulo
17. Ilang matatandang babae ang sinuwerteng makasaok ng daliri sa benditadong tubig.
a. makaturo c. mabasa
b. makadikit d. makasawsaw
18. Upang malubos ang paglibak ng kura sa matanda, tinawag siyang pilosopo nito.
a. Pagkagalit b. paglait c. pagmamaltrato d. pagkamuhi
19. Ang pinakatanyag na sugal kung araw ng pista sa San Diego.
a. Madjong b. baraha c. sabong d. kabayo
20. Tawag sa kaaway ng simbahan at pamahalaang kastila.
a. Pilibustero b. ekskomunyon c. erehe d. ekskomulgado
21. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay:
a. mangmangb. tamad c. erehe d. indiyo
22. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. Tigdas b. Kanser c. Dengue d. HIV
23. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere
a. Paciano Rizal c. Valentin Ventura
b. Maximo Viola d. Ferdinand Blumentrit
24. Kung ang namumuno sa Roma ay ang Hari ng Italya, sa San Diego naman
ay ang ____.
a. Kapitan c. kura
b. Alperes d. tenyente ng guwardiya sibil
25. Ang gawain ng magkapatid na Basilio at Crispin ay _______
a. aguawador c. sakristan
b. magsasaka d. pastol
26. Ang napabalitang namatay sa tugisan sa lawa ay si _________.
a. Elias c. Ibarra
b. Alperes d. Tinyente Mayor
27. Si Don tiburcio ay dating ___________ sa isang ospital sa Espanya.
a. direktor c. katulong
b. doktor d. may-ari
28. Si Padre Salvi ng napagbuntunan ng galit ni Ibarra sapagkat _______.
a. Siya ang kura ng San Diego
b. Hindi niya nakilala ang prayle
c. Inakala niyang siya ang kurang tinutukoy ng tagapaglibing
d. Siya ang unang nakita paglabas ng libingan
29. Ang makapangyarihan sa bayan ng San Diego ay _____.
a. Ang alperes at mga sibil
b. Sina kapitan Tiyago at Don Rafael
c. Sina Padre Damaso at Don Filipo Lino
d. Ang alperes at ang kura
30. Si Ibarra ay pupunta sa San Diego upang __________.
a. Alamin ang may pananagutan sa pagkamatay ng kanyang ama
b. Dalawin ang puntod
c. Ayusin ang kabuhayang naiwan ng ama
d. Ayusin ang pagpapatayo ng paaralan
31. Pinaratangang isang pilibustero si Don Rafael pagkat siyay:
a. Kaaway ng kura at pinuno ng pamahalaan
b. Nakikipag-ugnayan sa mga tulisan
c. Ayaw magbayad ng buwis
d. Bumabasa ng mga babasahing galling sa ibang bansa

32. Hinukay ng tagapaglibing ang bangkay ni Don Rafael sapagkat ______.


a. Siyay kinagalitan at pinagpapalo ng kura
b. Iniutos ng kura
c. Ililipat sa magandang libingan
d. Aayusin ang libingan
a. May pagmamahal sa paggawa
33. Tanggap ng paring may-sakit ang kanyang paghihirap nang labis sapagkat siya’y____.
a. Wala nang pag-asang gumaling pa
b. Nagbabayad lamang ng utang niya
c. Malapit nang mamatay
d. Pagpapalain ng Diyos
34. Sabik na sabik makauwi ang magkapatid dahil ____________.
a. Naghihintay ang kanilang ina
b. May masarap na pagkain sa bahay
c. Gusto nilang makita ang ama
d. Pagod na sila sa pagtatrabaho
35. Ang mag-inang Sisa at Basilio ay nagkita sa _______.
a. Bisperas ng pista c. bagong taon
b. Araw ng patay d. bisperas ng pasko
36. Ayon sa tagapagluto, ang mga anak ni Sisa ay ______.
a. May mababang loob
b. Nagmana sa kanilang ama
c. Marunong nang bumasa
d. Tapat sa kanilang tungkulin
37. Hindi mapakasalan ni Elias si Salome sapagkat _________.
a. Magulo pa ang kanyang isip
b. Ayaw madamay ni Elias si Salome sa kasawian niya.
c. Hindi pa siyang handang magpamilya
d. Ayaw niyang madamay ito sa kanyang paghihiganti
38. Ang pagkabaliw ni Sisa ay nagpapakita ng ______.
a. Kahihinatnan ng isang taong may talunang loob
b. Kahinaang loob ng tao
c. Pagkahabag ng langit sa kanya
d. Lunas sa matinding pighati
39. Si Tenyente Guevarra ay sagisag ng mga kastilang:
a. Tapat sa panunungkulan
b. May damdaming makatao
c. May pagmamalasakit sa Pilipino
d. Lumalaban sa mga prayle
40. Si Basilio ay sagisag ng mga batang _______.
a. Mapagmahal sa ina
b. Tumutol sa bisyo
c. Nangangarap ng magandang kinabukasan
d. May pagmamahal sa paggawa
41. Ang sagutan nina Padre Damaso at Tenyente Guevarra ay nagpapakita ng:
a. Masamang ugnayan ng simbahan at pamahalaan
b. Kapangyarihan ng simbahan at kahinaan ng pamahalaan
c. Katapatan sa hari ng Espanya
d. Matalinong pagtutunggali ng dalawang panig
42. Si Padre Damaso ay sagisag ng:
a. Masamang paring naparito sa Pilipinas
b. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas
c. Pag-akay ng simbahan sa mga tao sa tuwid na landas
d. Karupukang pantao ng mga alagad ng simbahan

43. Ang pangyayaring namagitan kina Padre Damaso at Ibarra sa hapunan ay nagpapahiwatig ng:
a. Malayang pagpapahayag ng isipan at damdamin
b. Samaan ng loob at gantihan
c. Kapangyarihan ng kura at kislap ng talino ng binata
d. Kalupitan at katandaan at kahinahunan ng kabataan
44. Ang nakalulungkot sa kalagayan ng Pilipinas sa mabagal nitong pagsulong
ay dahil sa ____.
a. Kamangmangan ng mga Pilipino
b. Pagsasamantala ng mga makapangyarihan
c. Katamaran ng mga Pilipino
d. Pagkukunwari ng karamihan sa atin
45. Sa pag-iyak ni Padre Damaso ay napaghihinuhang __________.
a. Mahal na mahal niya si Maria Clara
b. Sa kabila ng magaspang nap ag-uugali ay may natatagong malambot na kalooban
c. Nais ipakitang mababa ang kanyang luha
d. Lahat ng nabanggit
46. Hindi magkasundo ang alperes at ang kura sapagkat _____.
a. Tinatawag ng kura na bugaw ang alperes
b. Bawat isa’y ibig mangibabaw sa isat isa
c. Ikinatutuwa ng kura ang pag-aaway ng alperes at ng kanyang asawa
d. Pinakakawalan ng kura ang kanyang mga alagang hayop upang sirain ang halaman ng alperes.
47. Nabigla si Padre Damaso sa pasiya ni Maria Clara na magmongha sapagkat _____.
a. Ayaw ni Mari Clara na matuloy ang kasal
b. Batid niya ang buhay ng isang mongha
c. Ayaw niyang madamay si Maria Clara sa magiging buhay ni Ibarra sa Pilipinas
d. Wala nang nalalabi pang pag-asa sa kanyang buhay.
48. Ang pagsasabi ni Pari Damaso ng mangmang at pabaya ang mga indiyo ay nangangahulugan ng:
a. Lubos na pagkilala ng pari sa mga Pilipino.
b. Kawalan ng paggalang sa may handa.
c. Walang takot sa pagsasabi ng katotohanan.
d. Pagtakip sa sariling kapintasan
49. Ang nobela ay nagsisimula sa isang pagtitipon sa bahay ni Kapitan Tiyago upang ipakita ang:
a. Ibat ibang uri ng tao sa Maynila.
b. Ugnayan ng mga Pilipino at mga Kastila
c. Masasamang hilig ng mga Pilipino
d. Kapalaluan ng mga prayle.
50. Nawalan ng saysay ang mga bagay na napagkasunduan sa pulong at ang kagustuhan ng kura ang
masusunod. Ito’y nagpapahiwatig ng _____.
a. Mahusay na pamumuno ng kura
b. Maayos na ugnayan ng kura at ng taong-bayan
c. Kawalan ng tinig ng taong- bayan
d. Pakikiisa ng taong bayan sa mga gawaing pampamayanan

Inihanda ni: Gng: Jonah S. Bautista


Guro sa Filipino 9

You might also like