Professional Documents
Culture Documents
9PERIO3
9PERIO3
9PERIO3
PANITIKAN
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa bawat bilang.
Titik lamang ang isulat sa inyong sagutang papel.
13. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na. Ang salitang masaklap ay nangangahulugang______.
A. hindi malilimutan C. hindi maganda
B. masama D. kawalang pag-asa
14. “Nahagip ng kaniyang espada ang tenga at ilong ng higante.” Ano ang kahulugan ng salitang nahagip?
A. natamaan B. nasugatan C. nadaplisan D. nasagasaan
15. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kaniyang buhay. Ang ibig sabihin ng lumisan ay____.
A. lumayo C. humiwalay
B. lumikas D. umalis
16. Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng upa ay _____.
A. pautang C. utang
B. bayarin D. kaukulang bayad sa paggawa
17. Sanlibong punglo ang naubos sa kaniyang pakikipagbakbakan. Ang ibig sabihin ng punglo ay______.
A. bala C. itak
B. pera D. baril
18. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang “bihagin”?
A. ikulong C. hulihin
B. bitagin D. akitin
19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago b. ilibing c. kalimutan d. magpatawad
20. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay- kinakailangang
ikahon ako. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. itali sa bahay C. pagbawalang lumabas
B. ikulong D. lahat ng nabanggit
21. Ang ibig sabihin ng magkatugon ang damdamin ay____________.
A. pareho ang minamahal C. iisa ang itinitibok ng puso
B. pareho ang iniibig D. iisa ang isinisigaw
22. Elemento ng sanaysay na pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong sumasagot sa
tanong na "tungkol saan ang akda?" Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-uusapan. Ito rin ang
sentro ng ideya ng buong akda.
A. tono B.paksa C.kaisipan D.ideya
23. Ito ay ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa pamamagitan ng mga espesipikong wika na ginamit ng
may-akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa.
A. tono B.kaisipan C. paksa D.ideya
24. Nakapaloob dito ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, dito umiinog ang malilit na
himaymay ng akda. Maaaring ito ay hindi tuwirang binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng
may-akda para mailahad ito.
A. tono B. kaisipan C.paksa D.ideya
25. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang Banga sa
kaniyang anak. “Tandaan mo ito sa buong buhay mo.” Ito ay hinango sa parabola ng:
A. Parabula ng Banga C. Parabula ng Isang Lapis
B. Talinhaga ng Butil ng Mustasa D. Alibughang Anak
36. “Kailangang makasama ka, kung hindi mapag-iiwanan ka.” Ano ang layunin ng nagsasalita?
A. manghikayat C. magturo
B. magpaliwanag D. mang-aliw
37. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na detalyeng
pangungusap?
A. Iwasan ang masamang bisyo
B. Ingatan natin ang ating kalusugan
C. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay
D. Lahat ay tama
38. Isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo ang kaniyang napangasawa. Dahilan ito upang siya
ay malungkot. Umibig siya sa isang guwapong lalaking mas bata sa kaniya. Ang pahayag sa itaas ay
bahagi ng sinopsis ng nobela. Maaari itong:
A. simula B. gitna C. kakalasan D. wakas
39. Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila. Lumabas sila ng
bahay na tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga
kapitbahay. Ang pahayag sa itaas ay bahagi ng _____ng isang kuwento.
A. simula B. wakas C. gitna D. tunggalian
40. Ang sumusunod ay mga dahilan ng Pangangatuwiran. Alin ang hindi?
A. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
B. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
C. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
D. makapagpa impress ng sarili
Pagbasa:
Panuto: Basahin at unawain ang teksto, titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.
Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawiang kong likmuan sa pagsusulat. Sa
gilid ng isang mesang may katamtaman ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga
kakailanganing gamit sa panonood. Hindi ko napigilan ng aking sarili isang gabing hindi ako makatulog.
Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan ngunit wala namang masabing may masamang
namumuong panahon. Wala namang mapakinggang anunsyo sa telebisyon o radio. Nakipagsabayan sa
malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha habang pinanonood ko si Ishaan.Siya ang
bida sa aking puso… at si titser…Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood kong pelikula. Dala
marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang bawat eksena. Sa una’y mas tamang
sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong guro… at isa rin akong magulang.
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling
walang puhunan (karamiham) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-
aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nababalitaang ipinagbibili. Madalian
ang kanilang usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan - - sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng
umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na may bantong gata ng niyog. Kung sila’y palarin:
kakamal ng libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.
Halaw sa: Nagmamadali ang Maynila
ni Serafin Guinigundo
May mga enerhiyang nukleyar at ibang kauri. Pamuksa ba ng tao o pantulong sa ating
pangangailangan ang enerhiya? Napakalaki ng maitutulong ng agham at teknolohiya sa pagkakaroon ng
maunlad na pamumuhay kung magagamit ito sa mabuting kaparaanan na may maganda at makataong
hangarin. Hindi lamang ang pag-unlad na pisikal ang mahalaga kundi pagsasaalang-alang ng sosyal na
kalagayan ng tao kaalinsabay ng mga teknolohiyang dumarating. Sa hangaring mabuti, ang agham at
teknolohiya ay ilaw na magbibigay- liwanag at nag-uugnay sa lahat ng mga bansa sa mundo.
mula sa Retorika ni Bandril