Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ISAGAWA.

ERICO
M. MANABAT 10 – JOSE RIZAL
Domestic Violence(Karahasan sa Tahanan),Ang terminong karahasan sa
tahanan (domestic violence) ay naglalarawan ng isang hilera ng mga pag-
uugali at aksyon na ginagawa ng isang tao upang makapagkontrol at
makapangibabaw sa ibang tao. Ang karahasan sa tahanan ay makikilala sa
pamamagitan ng mapang-abuso, mapamilit, mapamuwersa, mapagbantang
PANILMULA/ mga kilos o mga pananalita na
INTRODUKSYON: ginagamit ng isang miyembro ng isang pamilya, sambahayan, o matalik na
relasyon laban sa isa pa. Kabilang sa iba pang madalas na mga termi- nong
ginagamit upang ilarawan ang kapare- hongs mga pag-uugali ay karahasan sa
pamilya, karahasan sa matalik na kapareha, at karahasan sa asawa. Ang
karahasan sa tahanan ay nangya- yari sa lahat ng mga sektor ng lipunan,
maging anuman ang edad, kasarian, estado ng
pagkakasal, sosyo-ekonomikong estado, oryentasyong sekswal, kultura, o
etnisidad.
SALIK O ANYO NG DOMESTIC VIOLENCE
Pang-aabusong Emosyonal: Ang pagsasabi ng mga magaspang o mapanlait na
salita tulad ng (Walang pakinabang o walang silbi, Walang utak o tanga)
pagwawalang-bahala kahit na kinakausap, pagwasak at pagtapon ng mga
SULIRANIN: bagay na pinakakaingatan, pagsusubaybay o pagmamatyag at pagbabawal sa
pakikipagkaibigan atbp.
Pang-aabusong Pisikal: Tulad ng sipa at suntok.
Pang-aabusong Sekswal(Sexual Abuse): Pamimilit sa hindi ninanais na paraan
ng pakikipagtalik, hindi pakikipagtulungan upang maiwasan ang pagbubuntis,
atbp.
Pang-aabusong Pang-ekonomiya o Pinansyal: Hindi ginagampanan ang mga
responsibilidad at mga gastusing pangkabuhayan, pagsamsam sa pera at iba
pa.
DAHILAN NG DOMESTIC VIOLENCE
Ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa mga potensyal na mga palatandaan ng
karahasan sa ay maaaring makatulong sa inyo na makagawa ng mga naaangkop na
mga hakbang upang mapigilan ito na dumami sa inyongpinagtatrabahuhan. Maaaring
mapansin ninyo na ang isang empleyado o kasamahan sa trabaho ay hindi kasing
produktibo na kagaya nang karaniwan o nakakakita ng pagbabago sa sosyal na pag-
uugali. Ipinapakita ng pananaliksik sa karahasan laban sa mga babae na ang ilan sa
mga mas maliwanag na mga palatandaan ng pang-aabuso ay maaaring magpakita ng
pagdami ng karahasan na maaaring makapasok sa isang pinagtatrabahuhan.

Base sa mga pag-aaral, aabot sa 24 porsyento ng mga lalaki


ang nakakaranas ng domestic violence sa buong mundo.
PAGLALAHAD Maging sa Pilipinas, dumarami na rin ang mga lalaking
NG DATOS: inaabuso ng kanilang mga asawang babae.

Kadalasang pisikal at emosyonal ang abusong nararanasan ng


mga lalaki. May iba rin na nakakaranas ng pangangaliwa.

Para tugunan ang mga kakulangan sa Anti-Violence Against


Women and Their Children Act of 2004, ipinanukala ni Rizal 2nd
District Rep. Fidel Nograles na amyendahan ang batas para
mabigyang proteksyon rin ang mga lalaking inaabuso sa isang
relasyon.

Dahil sa pagdanas ng pisikal na pananakit sa katawan mula sa asawa ay


nangangamba pa rin ang biktima na makapagdudulot pa rin ng malubhang
panganib sa buhay at katawan ang asawa, ang District Court ay maaaring
KONKLUSYON: magpalabas ng Protection Order mula sa petisyon ng biktima laban sa asawa.
Tungkol sa paraan ng petisyon , ang Sentro ng Sanggunian para sa Kababaihan,
Welfare Division ng Prefectural Promotion Bureau at maging sa Welfare
Division ng Munisipalidad na iyong tinitirahan ay nagtuturo ng paraan . 

Sa panahon ngayon ay maraming nakakaranas ng karahasan sa kamay ng mapang


abusong tao upang ika’y kontrolin, manipulahin sa pamamagitan ng pag babanta.
Karamihan ang nagiging biktima nito ay ang mga kababaihan marahil sa kakulangan
ng taglay ng pisikal na lakas. Hindi puro’s karahasan minsan ang pangyayari dito, ang
ilan ay intensyon na ikulong ka o tanggalan ng karapatan sa mga bagay-bagay. Maaari
na ipagawa ka ng isang bagay na kahit labag sa iyong kalooban. Kung ikaw ay isang
biktima, huwag kang mag palamon sa takot, humingi ka ng tulong sa taong alam
SOLUSYON: mong matutulungan ka. May karapatan ka bilang isang tao, huwag mong hayaan na
ika’y saktan at kontrolin. May bagay na magagawa ka upang makalaya sa kaharasan,
pagkatiwalaan mo ang iyong sarili at harapin ang sitwasyon. Huwag kang mahiya na
isapubliko mo ang kinalalagyan mo dahil maraming handang tumulong sayo lalo na
ang kataas-taasan. Tungkol sa paraan ng petisyon , ang Sentro ng Sanggunian para sa
Kababaihan, Welfare Division ng Prefectural Promotion Bureau at maging sa Welfare
Division ng Munisipalidad na iyong tinitirahan ay nagtuturo ng paraan . Ang mga
sumusunod ay ang mga iba`t ibang uri ng Protection Orders:

1. Kautusan na Nagbabawal sa Paglapit sa Biktima (Pagbabawal sa pag-aaligid sa


biktima sa itinakdang panahon : higit-kumulang na 6 na buwang taning ng
panahon)
2. Kautusan na Nagbabawal sa Pagtawag sa telepono atbp. (Pagbabawal sa
pagtawag sa biktima sa itinakdang panahon :higit-kumulang na 6 na buwang
taning na panahon)
3. Kautusan na Nagbabawal sa Paglapit sa Anak at Kamag-anak ng Biktima, atbp.
sa itinakdang panahon. (Pagbabawal sa pag-aaligid sa kinakasamang anak at
kamag-anak, atbp. ng biktima sa itinakdang panahon: higit-kumulang na 6 na
buwang taning na panahon)
4. Kautusan na Lisanin ang Pamamahay (Nag-uutos na lisanin ng asawang
nagsagawa ng karahasan ang tinitirahang bahay na naging pundasyon ng
pamumuhay kasama ang biktima sa itinakdang panahon: higit-kumulang na 2
buwang taning na panahon)

You might also like