Pagsulat Sa Filipino Sa Piling Larang Akademik Modyul 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAGSULAT SA

FILIPINO SA
PILING LARANG
AKADEMIK
Kuwarter 1- Modyul 2:

AKADEMIKONG SULATIN: PAGSULAT


NG IBA’T-IBANG URI NG PAGLAGOM

Ipinasa ni: LAKISHA PINOTE SILATAN


12-STEM - MANTIRIS
Ipinasa kay: Maam Divina Baclag
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK
Kuwarter 1- Modyul 2:
AKADEMIKONG SULATIN: PAGSULAT NG IBA’T-IBANG URI NG PAGLAGOM

BALIKAN: Pagkilala Sa Pangunahin At Pantulong Na Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

Ang mga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na


personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at
pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o mata.

Pantulong na Kaisipan

Ang bagong coronavirus (nCov) ay isang bagong uri na hindi pa nakikilala sa mga tao.

Pantulong na Kaisipan

Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay
maaari ring makahawa sa mga tao

Pangunahing Kaisipan

Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaari magdulot ng sakit mula sa
karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory
Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV).

Ano Ang Nalalaman Mo


Panimulang Pagtataya

1. D 2. B 3. C
4. A 5. D 6. C
7. B 8. D 9. B
10. B 11. C 12. A
13. D 14. A 15. C
PAGSULAT NG ABSTRAK
SURIIN
Pagsagot sa Katanungan

1. Ang kahulugan ng lagom ay isang bersiyong pagpapaikli ng mga pangunahing punto ng


isang sulatin o akda. Ito ay kadalasang hindi lalagpas sa dalawang pahina. Binubuod nito
ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik na komprehensibong bumuo ng
kaniyang pag-aaral tungkol sa isang paksa. Ito rin ay dapat tiyak at payak ang
pagkakasulat.

2. Ang mga kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom


ay sa pamamagitan ng pagsagawa nila ng mga paglalagom sa kanilang mga sulatin o
akda ng iba ay mas nagiging mayaman at marami silang nalalamang bagong bokabularyo
at mas nagiging mahusay na ang kanilang tamang paghahabi ng mga pangungusap sa
mga talata. Natutunan rin nilang tumimbang ng mga impormasyon o kaisipan mula sa
nabasang akda at dito natututo silang tukuyin kung ano ang pinakamahalagang
nakapaloob dito kagaya na lamang ng panghunahin at pantulong na mga kaisipan. At
dhil din tiro mas nagiging mapanuri ang mga mag-aaral sa bawat impormasyon na
makikita sa isang sulatin.

3. Hindi lamang mga mag-aaral ang natutulungan ng kasanayang paglalagom kundi


nakakatulong rin ito sa iba’t-ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom kagaya na
lamang ng lahat ng mga taong nakapaloob sa larangan ng edukasyon, sa negosyo, at iba
pang mga propesyon. Nakakatulong ito sa ibang larangan upang mas mapadali ang mga
transaksiyong dapat isagawa sa pamamagitan ng paghahanda ng mas maikling bersiyon
ng isang sulating nandoon na lahat ng mahahalagang impormasyon na dapat matutunan
o mapag-alaman ng isang mambabasa at upang siya ay magkaroon ng pangunahing
impresyon tungkol dito. Halimbawa nito ay ang pagbili ng isang aklat tungkol sa isang
magandang kwento, ang unang titngnan ng mamimili ay ang lagom upang masuri nila
kung ito ba ay karapat-dapat o sulit bilhin, makatutulong rin ito sa mga pagpasok sa mga
trabaho kung saan magbibigay ang isang empleyadong nais magtrabaho ng isang lagom
ng kanyang mga natapos o karanasan sa kanyang buhay, at pang panghuli ay ang
pagsusulat ng mga mananaliksik ng isang akademikong sulatin na kung saan ay may
isang paglalagom ding isinasama sa unahang parte ng kanilang natapos na sulatin.

4. Kinakailangan na ang pinakahuling isusulat ng isang mananalisik sa pagsagawa ng isang


pananaliksik ay ang Abstrak sapagkat ang Abstrak ay maisasagawa lamang kapag
natapos ng sulatino gawin ng may akda ang kanyang sulatin o pananaliksik dahil ito ang
pinakabuo ng isang sulatin o ulat. Isa ring dahilan ay dapat na ang isulat mo lamang sa
iyong abstrak ay dapat na makikita sa iyong sulatin kaya’t dapat lamang na pinakahuli na
ito isulat dahil hindi maaaring maglagay ng mga kaisipang hindi na banggit sa sulating
gagawan ng abstrak.

5. Kung ako ay hindi susunod sa mga paraan sa pagsulat ng aking abstrak ay magiging hindi
matagumpay ang aking sulatin sapagkat ito ay hini na magiging makatotohanan at
Malabo ng mabasa o maunawaan ng lubos ang pangkalahatang pangkaisipan o
nilalaman at hindi na maiintindihan ang layunin ng aking ginawang pagsusulat.

ISAISIP
Pagbubuod sa Natutunan

Ang aking natutunan ko sa araling ito ay ang tungkol sa pagsulat ng isang uri ng
paglalagom, ito ay ang pagsulat ng abstrak. Napag-alaman ko kung ano ang kahulugan, ,
katangian at elemento o bahagi ng abstrak, mga dapat tandaan at hakbang at kahalagahan sa
pagsulat ng abstrak. Natutunan ko na ang abstrak ay isang uri ng lagom na ginagamit sa
akdemikong pagsusulat na naglalaman ng buod nito at ito ang pinakasimple at pinaikling
bersyon ng sulatin. Ang abstrak ay maikili lamang na binubuo ng pamagat, introduksiyon,
kaugnay na literature, metodolohiya, resulta, at konklusiyon. May mga bagay rin na dapat
tandaan sa pagsulat ng abstrak, ilan dito ay dapat na ang makikita sa kabuoan ng papel ang
kaisipang ilalagay ditto, dapat na iwasan ang paglalagay ng statistical figures/tables upang hindi
na humaba ang pagsulat, gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap,
maging obhetibo, at higit sa lahat ay gawin itng maikli ngunit kompresibo at sapat na
maunawaan ng mambabasa. Ang mga hakbang naman sa pagsulat nito ay akin ring natutunan,
sa pagsulat nito ay dapAt na basahing mabuti at pag-aralan ang akademikong sulatin na
gagawan ng abstrak, hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya bawat bahagi ng
sulatin, buuin gamit ang mga talata ang paunahing kaisipan ng bawat bahagi ng sulatin, iwasang
maglagay ng mga ilustrasyon, table, at iba pa, basahin muli ang nagawa at suriin kung may
nakaligtaan, at isulat na ang pinal na sipi nito. At ang panghuli ay ang kahalagahang naibibigay
nito sa bawat mag-aaral at iba pang larangan ng kasanayan, ito ay nakaktulong sa pagtitimbang-
timbang ng mga kaisipan, natututunang sumuri ng bawat isa na sumuri ng nilalaman ng sulatin,
nahuhubog rin kasanayan nila na sa pagsulat sa particular na ideya at tamang paghabi ng mga
pangngusap s talata, at nakaktulong rin ito sa pagpapaunlad ng bokabularyo ng bawat isa.
ISAGAWA
Pagsusuri sa Elemento ng Abstrak

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-aaral sa Ikaapat na Taon


Abstrak

1. Introduksiyon/ Rasyunal 2. Saklaw at Delimitasyon


Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Saklaw ng pag-aaral ng pag-aaral na ito
kasanayan sa pagsasalita ng mga mag- ang labing limang (15) mga mag-aaral
aaral sa ika-apat na taon ng pambansang na mag-rebyu sa ikaapat na taon.
mataas na paaralan ng Talevera, Nueva Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan sa
Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na pagsasalita sa mga gawaing pasalitang
matanto ang antas ng kasanayan sa pagkukuwento at talumpating
pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga impromptu, ekstemporenyo.
sining pangtanghalan tulad ng pasalitang
pagkukwento, pagtatalumpating
Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-
impromptu at ekstemporenyo.aaral sa Ikaapat na Taon

3. Metodolohiya
Ang instrumentong ginamit sa pagtanto 4. Resulta
ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng Lumabas sa pag-aaral na may taglay na
mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga
walang diyalogong film na pinamagatang mag-aaral sa pagkukuwento at
"Ang Pamana" na ginamit sa pagkuha ng pagtatalumpating ektemporenyo subalit
datos sa pagkukuwento. Ang paksang ' sila'y nabalitaan na kakulangan sa
Ang Pagtatapos" sa impromptu at ang kasanayan sa pagtatalumpating
paksang 'Global Krisis" sa ekstemporenyo impromptu. Sa kalahatan, tahasang
gammit ang pamntayan o kraytirya sa maipapahayag na kulang sa kasanayan sa
pagtatalumpati upang tukuying ang pagsasalita ang mga mag-aaral.
kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa
paglikom ng datos.
TAYAHIN
Pagtukoy Sa Katangian Ng Abstrak

ABSTRAK

Isang uri ng lagom at isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-


Kahulugan aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Isa itong siksik na
bersiyon ng papel. Dito nakasulat ang mahahalagang
impormasyon sa bawat bahagi ng sulatin.

Kalikasan Isang akademikong sulatin kung saan dito natin malalaman ang
kabuuoan ng pananaliksik, habang hindi pa nababasa ang buong
akademikong sulatin.

Ang mahusay na abstrak ay dapat na nakikita sa kabuoan ng papel


ang kaisipang ilalagay dito, dapat na walang mga statistical
figures/ tables na inilagay upang hindi na humaba ang pagsulat,
Katangian mga simple o payak, malinaw at direktang mga pangungusap na
ginamit, obhetibo, at higit sa lahat ay gawin itong maikli na may
200-250 na salita lamang at kompresibo at sapat na maunawaan
ng mambabasa.

Layunin Ang mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.


Ito ay mahalagang bahagi ng mga ulat at pananalik na nagbibigay
ng malinaw na larawan ng mga nilalaman ng pananaliksik gaya na
lamang ng rasyunal ng pananaliksik, pangkalahatang dulog na
ginagamit sa pananaliksik, mahalagang resulta o kinalabasan,at
mahalagang konklusyon o bagong mga katanungang nabuo
matapos ang pananaliksik.

Gamit Ito ay ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad ng tesis,


papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.

Anyo (Porma) Ang isang abstrak ay may mahahalagang elemento o nilalaman,


ito ay may kaligiran at suliranin, layunin, pokus, pamagat,
introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at
konklusiyon.
KARAGDAGANG GAWAIN
Pagsulat Ng Abstrak
(HINDI KASALI)

PAGSULAT NG SINOPSIS/PAGBUBUOD
SURIIN
Pagsagot sa Katanungan

1. Ang mga layunin ng pagbubuod o synopsis ay ang makatulong sa madaling pag-unawa


sa diwa ng seleksiyon o akda kaya dapat na payal lamang na salita ang gagamitin.
Naglalayong din ito na maisulang ang mga pangunahing kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. At layunin din nto na mapaikli o
maibuod ang isang kwento.

2. Kailangang banggitin ang pamagat at pinanggalingan ng akda sa aking pagbubuod upang


maipaunawa sa mga taong babasa na ang kaisipan o impormasyong isinulat mo ay hindi
mismong naggaling sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang binasa mo.

3. Oo naman, talagang kapaki-pakinabang ang pagsunod ng mga pamamaraan sa paggawa


ng synopsis dahil sa pamamagitan nito mas napapadali ang pag-uunawa ng mga babasa
sa isang partikular na kwento o seleksiyon at matukoy kaagad ang mga mahahalagang
impormasyon o kaganapan sa mismong kwento.

4. Ang paraan o hakbang na ginamit sa ikalawang pangungusap ng synopsis ng nabanggit


na kwento ay ang paggamit ng pangkasalukuyan na pandiwa, malaking titik sa unahan
ng salitang nasa unahan ng pangungusap at pangalan ng tao o karakter, at ang nagsulat
ng synopsis na siyang naglalahad ng kwento ay ang may-akda mismo.

5. Kailangang basahin o panoorin muna ang buong seleksiyon, akda, o pelikula bago
sumulat ng buod upang mas medaling mauanwaan mo ito ng mabuti at maging malinaw
sayo ang lahat ng mga kaganapang nangyari sa kwento hanggang sa makuha mo nan g
buo ang kaisipan o paksa nito at makabuo ka na ng sinopsis para dito.

ISAGAWA
Pagbubuod sa Parabula

Ang Alibughang Anak


Lukas 15:11-32

May isang mayamang ama na may dalawang anak na lalaki. Ang bunsong anak ay
humihiling sa kanyang ama na ibigay na sakanya ang kanyang mamanahin. Nang makuha niya
ito, agad-agad niyang ibinenta ang kanyang bahagi at nagpakalayo dala-dala ang salapi na
winawaldas niya lamang sa mga bisyo hanggang sa maubos ito sa kalagitnaan ng matinding
taggutom sa lugar. Sa kanyang paghihirap namasukan siya sa isang babuyan at dahil sa labis na
gutom na kanyang nararamdaman ay halos kainin na rin niya ang pagkain ng mga baboy.
Hanggang sa napag-isipan niya ang kanyang mga ginagawa at napagtanto niyang ang mga alila
ng kanyang ama ay labis ang mga pagkain samantalang siya ay matindi ang pagkagutom kaya’t
napagdesisyonan niya na siya ay babalik na. Malayo pa lamang ang anak ay patakbo ng
sinalubong ito ng kanyang ama at niyakap at hinalikan niya ito, sinabi ng anak sa kanyang ama
na siya ay nagkasala at di nakarapat-dapat na tawaging anak at mas mabuti pa na gawin na
lamang siyang alila. Ngunit binalewala ito ng ama at sa halip ay tinawag niya ang mga alila at
inutosan niya na bihisan, suotan ng singsing at sandalyas ang anak at sila ay nagdiwang sa
pagbabalik ng anak sa pamamagitan ng pagkatay ng guya. Nang dumating ang panganay na
anak, siya ay nagtatanong sa isang utusan kung anong mayroon, at napag-alaman niyang
dumating na ang kaniyang kapatid at ito rin ay nagalit sa pagkalaman niyang ipinagkatay pa ito
ng pinatabang guya. Pinuntahan ito ng ama at pinakiusapan ngunit siya ay tumugon na sa
paglilingkod niya ng maraming taon sa kanyang ama ay kahit minsan ay hindi man lang siya
ipinagkatay ng kahit na maliit na kambing ngunit ang alibugha niyang anak ay ipinagkatay pa
niya ng pinatabang guya. Nagsalita ang ama at sinabing ang lahat ng kayamanan niya ay para sa
kanyang panganay na anak lamang at dapat lamang silang magsaya dahil bumalik na ang
kanyang anak na nawala.

TAYAHIN
SINOPSIS

Kahulugan Ito ay isang uri ng lagom at isang buod ng mahahalagang punto ng isang
paksa, ng isang pelikula, o isang libro. Mas maikli ngunit kompletong
bersiyon ng orihinal na teksto.

Kalikasan Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang talata na


binubuo ng mga pangungusap. Dapat ring maipakilala sa mga mambabasa
ang pamagat ng orihinal na teksto upang mas madali nila itong
maunawaan. At sa pagkuha ng mahalagang detalye at pagbuo ng synopsis
ng mas madali, mahalagang masagutan o matukoy ang mga sagot sa mga
tanong: Sino? Kailan? Ano? Saan? Bakit? at Paano?.

Katangian Ito ay may obhetibong balangkas ng orihinal na teksto, hindi nagbibigay ng


sariling ideya o pananaw, halimbawa, at detalyeng wala sa orihinal na
teksto, gumagamit ng ikatlong panauhang panghalip na isahan o
maramihan; isinulat batay sa tono ng orihinal sa sipi; nailahad ang
pangunahing tauhan at kanilang gampanin; gumagamit ng angkop na pang-
ugnay sa paghabi ng pangyayari sa kwentong binubuod; tiyak at wasto ang
gramatika, pagbabaybay, at mga bantas; at may sangguniang nakasulat na
ginamit kung saan galing ang orihinal na sipi.

Layunin Ang makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksiyon o akda. At


maisulat ang pangunahaing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag na tesis nito.

Gamit Ginagamit ito sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela, dula, parabola, pelikula, video, pangyayari, talumpati at
iba pang anyo ng panitikan.

Anyo Makikita ito sa isang tekstong naratibo na kung saan maaari itong mabuo
ng isa o higit pang talata at maaaring 1/3 ng pahina lamang ng orihinal na
teksto o mas maikli pa ang sinopsis. Ito ay binubuo gamit ang angkop na
pang-ugnay, tiyak at wastong gramatika at bantas, nasa ikatlong panauhan
ang panghalip, may sanggunian, at nailahad rin ang mga mahahalagang
pangyayari at ang mga karakter mula sa kwento.

TAYAHIN
Pangwakas Na Pagtataya
1. D
2. B
3. C
4. A
5. A
6. C
7. B
8. D
9. B
10. B
11. C
12. A
13. D
14. A
15. C

You might also like